Araling Panlipunan Ikatlong Markahan 2021 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2021
Tags
Related
- ARALING PANLIPUNAN 9 Ekonomiks PDF
- Araling Panlipunan 9, Unang Markahan - Modyul 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya, 2021 PDF
- Tatlong Uri ng Likas na Yaman PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS - PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA PDF
- Mga Tala sa Ikatlong Markahan sa Araling Panlipunan 8 (PDF)
- Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6 PDF
Summary
This is a learning material for Grade 9 students about the circular flow of the economy. It includes lessons, activities, and assessments. It covers the Philippine curriculum for the third quarter of 2021.
Full Transcript
9 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Revised 2021 Pambungad sa Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Una – Ikatlong Modelo). Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang P...
9 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Revised 2021 Pambungad sa Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Una – Ikatlong Modelo). Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Tagalikum/ Tagakontekstuwalisa: Christine A. Arendain, T-III, Budla-an Integrated School Girlie V. Pales, MT-I, Talamban National High School Elaine Shara B. Pozon, T-I, Basak Community HS Tagasuri: Alice S. Ganar, SSPPIII OIC-PSDS, SD-8, Assistant Division Coordinator Roy Guarin, Principal IV Ramon Duterte National High School, Division ALS and IPED Coordinator Juan Damasceno D. Villaver, Assistant Principal II SHS, School Head First High School for the Hearing Impaired, DVRMNHS Santiago B. Hubahib, Jr., MAEd,CESE Principal II Talamban National High School Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, Ed.D., Schools Division Superintendent Bernadette A. Susvilla,Ed.D., Asst. Schools Division Superintendent Grecia F. Bataluna, Curriculum & Implementation Division Chief Luis O. Derasin, Jr., DPA, EPSvr, Araling Panlipunan/HEKASI Vanessa Inilimbag sa Pilipinas ngL.Department Harayo, EPSvr, LRMS of Education Division of Cebu City – Region VII Office Address: Imus Ave., Day-as, Cebu City Telefax: 255-1516 E-mail Address: [email protected] 0 9 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya Revised 2021 Tagalikum / Tagakontekstuwalisa CHRISTINE A. ARENDAIN Budla-an Integrated School 1 Paunang Salita Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ninanais ding matulungan kang makamit ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag- aaral. Ang tulong-aral na ito ay inaasahang makakaugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang inyung pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. 2 Balikan/ Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan Panimulang kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Gawain Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong Suriin konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain Susi sa sa modyul. Pagwawasto Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 3 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! 4 Paikot na Daloy Modyul ng Ekonomiya 1 (Una-Ikatlong Unang Linggo Modelo) _________________________________________________________________________________ Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Pamantayang Pangkasanayan: Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran. Kakayahan: Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya. Paksa/Code: Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya (Una -IkatlongModelo) ___________________________________________________________________________________ 5 Subukin Sa bahaging ito ay susubukin natin ang iyong pangunahing kaalaman na may kaugnayan sa paksa. Pagtuunang-pansin ang mga katanungan na sa palagay mo nangangailangan ka ng karagdagang kaalaman sa mga paksang tatalakayin. Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa mga halimbawa ng Financial Market? A. Bangko B. pawnshop C. kooperatiba D. Laundry Shop 2. Ano ang pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon? A. Pamahalaan B. Sambahayan C. Sambayanan D. Pribadong Sektor 3. Alin sa pagpipilian ang hindi kabilang sa mga salik ng produksiyon? A. Lupa B. Kapital C. Paggasta D. Paggawa 4. Ano ang tawag sa pamilihan ng tapos na produkto? A. Net Factor C. Financial Market B. Factor Market D. Commodity Market 5. Anong modelo ang itinuturing na pinakapayak at simpleng ekonomiya? A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo 6. Ano ang tawag sa dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya? A. Tera Ekonomiks C. Makro Ekonomiks B. Mega Ekonomiks D. Maykro Ekonomiks 7. Ano ang tawag sa pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa? A. Net Factor C. Financial Market B. Factor Market D. Commodity Market 8. Anong uri ng ekonomiya ang inilalarawan ng Unang Modelo ng pambansang ekonomiya? A. Simpleng ekonomiya C. Kumplikadong ekonomiya B. Magarang ekonomiya D. Pangkalahatang ekonomiya 9. Alin sa mga sumusunod na modelo ang nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor – ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo 6 10. Sa anong modelo ng Paikot na Daloy ng ekonomiya napabilang ang sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya? A. Unang Modelo C. Ikatlong Modelo B. Ikalawang Modelo D. Ikaapat na Modelo 11. Sa pagtatapos ng proseso sa produksiyon, ano ang ginagawa ng mga entreprenyur? A. Naniningil ng renta o upa sa lupa. B. Ilalagak sa bangko ang nalikom na kita. C. Magbigay ng pasahod sa mga manggagawa. D. Makipag-unayan ang bahay-kalakal sa sambahayan. 12. Ano ang mainam na gawin upang lumago ang ekonomiya? A. Kailangan maitaas ang produksiyon at pagkonsumo. B. Balewalain ang mga mandarambong na nasa posisyon. C. Pag-ibayuhin ang pangingibang bayan ng mga Pilipino. D. Hayaan ng pamahalaan ang pagkaubos mg mga pinagkukunang-yaman. 13. Kung sakaling Ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at walang kang pagkakataon na makaalis agad, alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dapat mong gawin upang mabuhay? A. Maghintay ng saklolo. C. Maghahanap ng pagkain. B. Bubuo ng saring damit. D. Gagawa ng sariling bahay. 14. Sa ikalawang modelo ng Paikot na Daloy ng ekonomiya, ano ang papel na ginagampanan ng sambahayan? A. Nanghihikayat ng mga dayuhan na mamumuhunan sa ating bansa. B. Siya ang nangangailangan ng mga produkto, ngunit walang kakayahang lumikha ng produkto. C. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay ang mahalagang gawaing pang- ekonomiya. D. Tanging may kakayahang lumikha ng produkto subalit kailangang bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon. 15. Sa ikalawang modelo, ano ang papel na ginampanan ng bahay-kalakal? A. Naghihikayat ng mga dayuhan na mamumuhunan sa ating bansa. B. Nagmula ang demand ng produkto ngunit walang kakayahang lumikha ng produkto. C. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay ang mahalagang gawaing pang- ekonomiya. D. Tanging may kakayahang lumikha ng produkto subalit kailangang bumili o umupa ng mga salik ng produksiyon mula sa sambahayan. 7 Alamin Natin Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa Paikot na Daloy ng ekonomiya Inaasahan na nasusuri ng mga mag-aaral ang mga ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: A. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t-isa ng mga bahaging ginampanan sa una hanggang ikatlong modelo; B. natutukoy ang mga bahaging ginampanan ng mga sektor na bumubuo sa naunang tatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya; at C. napapahalagahan ang bawat sektor na bumubuo sa naunang tatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya. Balikan Matapos mong pag-aralan ang konsepto ng ugnayan ng pamilihan at pamahalaan, sa naunang mga aralin, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa Paikot na Daloy ng ekonomiya. Upang higit na maging masaya at makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang gawain. LOOP A WORD Panuto: Hanapin ang 10 salita sa paksang may kaugnayan sa Pamahalaan at Pamilihan. Q R W S H O R T A G E E R T Y I O P A S D F G H L J K L Z U X O C V B N M A O S D F G H S Q L P W E T R D Y U I O P A U S F A D F G H J A K L Z X C L V E M B E Z E E R F E C I R P N C I M A D S D F G B H J K R L I L Q I W T E R T Y U I O U P R I C E C E I L I N G A A S A P H S D F G H J K L Z X C V Z X A C V B N M Q W E R T Y U I O N A A L A H A M A P A Z X 8 Tuklasin at Suriin MGA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA (UNA - IKATLONG MODELO) Teksto-suri. Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba para sa karagdagang kaalaman. Ngayong nagawa natin ang gawain sa itaas. Dadako naman tayo sa pagsusuri ng teksto. Upang higit na mapaunlad ang iyong kaalaman. Simulan na natin! MGA MODELO NG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA (UNA - IKATLONG MODELO) Unang Modelo. Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan. Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ay maghahahanap ng pagkain, gagawa ng sariling bahay, at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita, ang sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang. Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo. 9 Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon sa ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t-ibang aktor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal. May dalawang uri ng pamilihan ang pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay ang pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity. Kilala ito bilang goods market o commodity market. Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya – ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito. Subalit bago malikha ang produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng produksyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may supply ng mga salik ng produksyon. At dahil tanging ang sambahayan ang may supply ng mga salik ng produksyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng salik ng produksiyon. Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes ang bahay-kalakal, halimbawa sa paggamit ng lupa, magbabayad ang bahay-kalakal ng renta o upa at sa paggamit ng paggawa, magbibigay ito ng pasahod. Dahil sa sambahayan din nagmumula ang entreprenyur, may kita itong makukuha mula sa pagpapatakbo ng negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang na kita ng sambahayan. 10 Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan. Kumikita ang sambahayan sa interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at pasahod sa paggawa. Sa pananaw naman ng bahay-kalakal, ang interes, kita ng entreprenyur, renta o upa, at mga pasahod sa paggawa ng mga gastusin sa produksiyon. Matapos ang produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa pangangailangan at kagustuhan nito. Gagamitin ng sambahayan ang natanggap na kita upang makabili ng produkto. Sa pananaw sambahayan, ito ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos ang sambahayan, doon kumikita ang mga bahay-kalakal. Mamamalas dito ang interdependence ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang dalawang aktor ay umaasa sa isa’t-isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan. Mapapansin din na kumikita ang isang sektor sa bawat paggastos ng ibang sektor. Dahil dito, may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya. Ang isa ay sa pamamgitan ng halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Ang kabuuang kita ay naglalarawan din ng produksiyon ng pambansang ekonomiya. Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon. Upang maitaas ang produksiyon, kailangang marami ang magagamit na salik ng produksiyon. Bukod dito, kailangang maitaas din ang antas ng produktibidad ng mga salik. Samakatuwid, kailangan ng paglago ng kapital. Kailangang dumami ang oportunidad sa trabaho. Kailangang malinang ang produktibidad ng lupa. Kailangang maipabayo ng entreprenyur ang kanyang kaalaman sa pagpapatakbo sa negosyo. Sa ganitong kalagayan, tataas ang mga kita ng sambahayan at bahay-kalakal. 11 Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na Produkto at Salik sa Produksiyon Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor- ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang desisyon sa panghinaharap. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita sa pamimili. Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansiyal (financial market). Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na kapital. Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market. Samantala sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay-kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba’t-ibang panig ng bansa. Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpalawak ng negosyo. Ngunit 12 maaaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito, kung lalawak ang sakop ng produksiyon. Dahil dito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansiyal na kapital. Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksyon. Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran ng interes ang hiniram na puhunan. Sinisingil ng pamilihang pinansiyal ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong matatamo sa paghiram ng puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak na ang negosyo nito. Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan. Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag- iimpok. Ito ay dahil nagagamit ang inilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal. Para sa sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal, ito ay mahalagang gastusin. Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang- ekonomiya. Ang mga ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa hinaharap ang naturang aktor. Ito ang pagpapaliwanag sa broken lines na ginamit sa dayagram. Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor, walang pag- iimpok at pamumuhunan. 13 Isaisip Natin Panuto: Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy sa mga sumusunod na pangungusap. Hanapin ang angkop na sagot mula sa kahon. SUPPLY SAMBAHAYAN KOOPERATIBA DEMAND BAHAY-KALAKAL MAGKAIBA BANGKO SISTEMA NG PAMILIHAN IISA Ang unang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng 1.__________. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay 2.__________. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer. Ang 3. __________ng bahay-kalakal ay 4. __________nito kapag kabilang na ito sa sambahayan. Ang pag-iral ng 5.__________ sa pambansang ekonomiya ang tuon sa ikalawang modelo. Ang 6.__________ at 7.__________ ang pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t-ibang aktor. Sa puntong ito masasabing 8.__________ ang sambahayan at bahay-kalakal. Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi ng natanggap n akita. Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang mga 9.__________, 10.__________, insurance company, pawnshop, at stock market. 14 Pagyamanin at Isagawa Panuto : Tama o Mali. Lagyan ng Tama kung ang pahayag ay nagsasad ng kawastuhan at Mali kung hindi. At palitan ang sinalungguhitang salita upang magiging Tama. Isulat sa sagutang papel. ___________ 1. Ang ikalawang modelo ng Paikot na Daloy, ang lumlikha ng produkto ay siya ring konsyumer. ___________ 2. Sa unang modelo, ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahan na lumikha ng produkto. ___________ 3. Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon. ___________ 4. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. ___________ 5. Sa ikalawang modelo, ang paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang magbayad ng interes ang mga bahay-kalakal. ___________ 6. Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagbaba ng produksiyon. ___________ 7. Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang pamilihan ay para sa salik ng produksyon, commodity o tapos na produkto, at para sa pampamahalaan na kapital. ___________ 8. Ang ikatlong modelo, isinaalang-alang ng sambahayan at bahay- kalakal ang kanilang desisyon sa nakalipas. ___________ 9. Ang ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay- kalakal. ___________ 10. Sa ikalawang modelo, ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan. 15