YUNIT 7_merged Filipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides information and examples regarding the Filipino language, specifically focusing on concepts such as "diskurso" and "retorika."
Full Transcript
KABANATA 7: DISKURSO Ang diskurso sa retorika ay tumutukoy sa paggamit ng wika sa isang kontekstong retorika, na sumasaklaw sa mga paraan kung paano ginagamit ito upang ihatid ang kahulugan, hikayatin, at impluwensyahan ang isang mga tagapakinig. Konteksto ng Diskurso Intrapersonal...
KABANATA 7: DISKURSO Ang diskurso sa retorika ay tumutukoy sa paggamit ng wika sa isang kontekstong retorika, na sumasaklaw sa mga paraan kung paano ginagamit ito upang ihatid ang kahulugan, hikayatin, at impluwensyahan ang isang mga tagapakinig. Konteksto ng Diskurso Intrapersonal Interpersonal Panggrupo Pang-organisasyon Pangmasa Interkultural Pangkasarian PAGLINANG NG ESTRATEHIYANG PANDISKURSO LAYUNIN AWDYENS MENSAHE KONTEKSTO KAGAMITAN at GAWAIN RESORSES at ORAS EBALWASYON Mga Uri ng Diskurso Deskripsyon Narasyon Eksposisyon Argumentasyon PAGLALAHAD / EKSPOSISYON MGA LAYUNIN Nakapagtatalakay ng kahulugan, katangian, at bahagi ng ekspositori/paglalahad. Nakapagbibigay ng iba’t ibang uri at halimbawa ng maayos at mahusay na paglalahad. ANO ANG PAGLALAHAD/EKSPOSISYON? Ang paglalahad ay ang pagpapahayag o pagbibigay ng mga kaalaman o mga kabatiran at kuro-kuro. Sa pamamagitan ng paglalahad, naibabahagi ng tao ang kanyang ideya, damdamin, hangarin, paniniwala at kuro-kuro sa mga pangyayari, bagay, lugar o kapwa-tao. ANO ANG PAGLALAHAD/EKSPOSISYON? Ayon kay Rubin (1995), sa bisa ng paglalahad naipapaliwanag ang kahulugan ng isang salita; gayundin, nakikilala o nakikilatis pa lalo ang isang bagay, tao o pangyayari. Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang pagkampi na may sapat na detalye pawing pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang-linaw ang lubos upang maunawaan nang may interes. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD 1. Kalinawan – dapat maunawaan ng makikinig o bumabasa ang anumang pahayag. 2. Katiyakan – dapat nakatuon lamang sa paksang tinatalakay. 3. Kaugnayan/Kohirens – kailangang may kaugnayan ang lahat ng bahagi ng talata o pangungusap at nagkakaugnay sa bagay na pinag-uusapan. 4. Diin/Empasis – dapat may wastong pagpapaliwanag sa pagtatalakay. MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD 1. Panimula Kailangang may magandang panimula, na makakatawag-pansin sa mambabasa. Mga paraan upang makabuo ng maayos na panimula. a. Magsimula sa pamamagitan ng tanong. halimbawa: Gaano kahalaga ang pag-ibig sa isang tao? b. Magsimula sa pangungusap na makatawag-pansin. halimbawa: Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig! c. Magsimula sa pamamagitan ng isang kuwento. halimbawa: Hindi matatawaran ang naging pag-ibig nina Florante at Laure. d. Magsimula sa isang diyalogo halimbawa: “Alam mo, gusto kong laging nakikita ang crush ko” e. Maaaring gumamit ng tuwirang sipi. halimbawa: “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw, pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. f. Gumamit nang malalim na pangungusap na taglay ang kaisipan at daan sa pagbukas ng paliwanag. halimbawa: Pag-ibig, nagsisilbing salamin sa buhay ng tao. g. Magsimula sa tuwirang paksa. halimbawa: Buhay, isang bagay na mahalaga sa bawat tao. 2. Gitna/Katawan Kaugnay ng panimula. Ito ang nagbibigay ng detalye ng isang paksa. 3. Pangwakas Sa bahaging ito matatagpuan ang pangungusap o mga pangungusap na magtatapos sa paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan. URI NG EKSPOSISYON 1. Pagbibigay-kahulugan – ito ay paglalahad na kung ano ang isang bagay o isang salita. Dalawang uri ng pagbibigay-kahulugan: a. Maanyong Depinisyon (formal definition) Tatlong bahagi: Katawagan (form) Klase o Uri (genus) Ikinaiiba ng salita (difference) halimbawa: Parabula b. Depinisyong Pasanaysay (essay definition) halimbawa: Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban. 2. Pangulong-tudling/Editoryal - ito ay sariling kuro-kuro ng patnugot o mamahayag na naglalagay ng kanilang sarili sa katayuan ng mga mambabasa. Layunin nito ang magpaliwanag, magbigay-puri, magpahalaga, magtanggol o manuligsa. 3. Suring-basa o Rebyu - dito matatagpuan ang kuro-kuro, palagay, damdamin at sariling kaisipan ng sumulat at binigyang suri. 4. Panuto - ito ang nagbibigay-patnubay o direksiyon sa paggawa ng isang bagay. halimbawa: Hakbang sa paghahanda sa pagsusulit i. Pagsusunod-sunod 5. Paggawa ng Tala - dito maaaring isulat sa maikling salita pangungusap, parirala o pabalangkas. Sa pamamagitan ng paggawa ng tala mapagtutuunan ng pansin ang isang bagay na nangangailangan ng oras o panahon. i. Enumerasyon 6. Sanaysay - ito ay pagsasalaysay ng isang sanay. Ginigising nito ang damdamin ng isang tao tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. 7. Balita - ito ay isang uri ng paglalahad kung saan nalalaman ang pangyayari sa loob at labas nga bansa. 8. Buod - tinatawag din itong lagom ng pinaikling akda o katha. 9. Ulat - Nagbibigay ng mahalagang impormasyon at mga dapat gawin sa mga bagay na maaaring nangyari. 10. Pitak - isang uri pa rin ng paglalahad na makikita sa mga pahayagan o magasin. Tinatawag ring kolum. PAMAMARAAN NG EKSPOSISYON 1. Pagbibigay-depinisyon 2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon 3. Pagsusunod-sunod o Order 4. Paghahambing at Pagkokontrast 5. Problema at Solusyon 6. Sanhi at Bunga PANGANGATWIRAN / ARGUMENTATIBO PANGANGATWIRAN Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.(- Arogante) Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang. Ang pangangatwiran ay isang sining. Ito rin ang maituturing na agham. LAYUNIN Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos) Makapagpahayag ng matitinong kaisipan. Mapatunayan ang validity Ng ideya Mapakilos ang mambabasa DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN 1. Pasaklaw o DEDUCTIVE REASONING - Nagsisimula sa malawak na kaisipan at iisa- isahin ang mga maliliit o tiyak na kaisipan bilang suporta sa pahayag. Halimbawa: Ang lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos.Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilikha ng Diyos. DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN 2. Pabuod (Inductive reasoning) - Nagsisimula sa mga halimbawa o maliliit na kaisipan at magwawakas sa paglalahat. Hal: Ang manok ay uri ng hayop. Ito ay likha ng Diyos dahil ang lahat ng hayop ay likha ng Diyos. MGA MALING PANGANGATWIRAN a. Argumentum ad Hominem –pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng isang tao. Halimbawa: Bakit mo siya gagawing lider ng grupo eh tingnan mo ang pananamit niya, napakalaswa! Daig pa ang pokpok sa kanto. 3 BAHAGI NG PANANGATWIRAN b. Argumentum ad Baculum – appeal to authority o appeal to force. Halimbawa: Dean to a teacher: Huwag na huwag mong bigyan ng gradong 3.00 ang batang ‘yan. Siya ang anak ng president unibersidad. Dapat 1.00 ang ibigay mo! 3 BAHAGI NG PANANGATWIRAN c. Argumentum ad Misericordiam – appeal to pity Halimbawa: Kahit nakapatay ang taong ‘yan, kawawa naman siya. May pamilya siyang umaasa sa kanya at maliit pa ang mga anak niya. Kawawa kung mawalan ng ama kaya huwag siyang hulihin. d. Non Sequitur – it doesn’t follow. Pagbibigay ito ng konklusyon na hindi konektado sa pinagbatayan. Halimbawa: Hala ang ganda ni ate at ang tangkad niya. Siguro Tourism ang kurso niya. e. Ignoratio Elenchi – irrelevant conclusion o circular reasoning. Halimbawa: Anna: Anong oras na ba? Jane: Eh kasi ang traffic tapos ang tagal pa ni kuya driver magpatakbo. Hinintay ko rin si Mama para may baon ako pero tagal niyang dumating eh. Nag- brownout din kaya ‘di ako nakaligo agad. f. Maling Paglalahat – Hasty generalization. Dahil lamang sa ilang sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan. Halimbawa: Iniwan ni Mario si Maria. Niluko ni Julio si Julia. Huwag na nating asahan pa ang lahat ng lalaki dahil lahat ay manloloko. g. Maling Paghahambing – false comparison or false equivalence. Kabilang ito sa kategoryang Fallacy of Inconsistency. Halimbawa: Hindi natin pwedeng ipagbawal ang baril dahil lang nagagamit ito sa kasamaan. Ang kotse nga nagagamit sa kasamaan kaya bakit hindi rin natin ito ipagbawal? h. Maling Saligan – Paggamit ng maling batayan na humantong sa maling konklusyon. Halimbawa: Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika. Si Luciano ay nasa Amerika kaya siya ay Amerikano. i. Maling Analohiya – Paggamit ng hambingang sumasala sa matinong solusyon. Halimbawa: Magiging mabenta ang ice cream kahit tag- ulan, kasi mabenta naman ang coffee kahit tag- init. j. Maling Awtoridad – Paggamit ng tao o sanggunian na walang kinalaman sa isang paksa Halimbawa: Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Iyan ang sinabi ni Karl Marx. k. Dilemma – Pagbibigay ng dalawang opsyon o pagpipilian na pa ra bang iyon wala nang iba pang pagpipilian. Halimbawa: Upang hindi ka mapahiya sa korte, huwag ka nang pumunta o hindi ba’y iurong muna ang demanda. l. Mapanlinlang na Tanong – Paggamit ng tanong na kahit ano man ang magiging sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon. Halimbawa: Hindi ka na ba nang bababae? DAHILAN NG PANGANGATWIRAN DAHILAN NG PANGANGATWIRAN: 1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu. 2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya. 3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao; 4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin 5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATWIRAN 1. Wasto at mabilis na pag-iisip 2. Lohikong paghahanay ng kaisipan 3. Maayos at mabisang pagsasalita 4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran 5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyahan. NARATIBO O PAGSASALAYSAY Kabanata 7 Ano nga ba ang Pagsasalaysay? ▹ Ito ay nagsasaad ng pangyayari o karanasang magkaugnay. ▹ Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong maghayag ng sunod-sunod na pangyayari. ▹ Layunin ng pagsasalaysay na ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan sa pananaw ng nagsasalaysay. 24 Kahingian ng Epektibong Narasyon 25 Kahingian ng Epektibong Narasyon a. Orihinal at kawili-wiling b. Mapanghikayat na paksa pamagat - Kung ano ang gusto mong - Salik sa pangganyak ng sabihin o malaman ng iyong mambabasana patuloy mambabasa magbasa. 1. Maikli - Kahit na karaniwan ang 2. Orihinal isang paksa , maari parin 3. Angkop itong maging kawili-wili 4. Sinaliksik kung ito ay ihaharap sa 5. Nagtatago ng lihim isang pamamaraang 6. Hindi katawa-tawa, kung ang kakaiba. komposisyon ay wala namang layunin na magpatawa. 4 Kahingian ng Epektibong Narasyon c. Mapangganyak na panimula d. Kapapanabik, di maligoy at - Kalawang salik na magkakaugnay-ugnay na daloy ng pangyayari nanghihikayat sa mga mambabasa bukot pa sa - Ang isang naratibo ay pamagat. karaniwang nagsisimula sa 1. Pagbuo ng makakatawag- isang malinaw at pansing pangungusap interesanteng simula at 2. Diyalogo sinusundan naman ng mga 3. Paglalarawan ng tauhan o magkakaugnay-ugnay na tagpuan pangyayaring umuusad nang 4. Pagtatanong sa gayon ay makarating sa isang angkop at 5. Sipi o kasabihan interesanteng wakas. 5 Kahingian ng Epektibong Narasyon e. Angkop at interesanteng f. Makabuluhang karanasang wakas pantao - Nararapat na lahat ng mga - Ay isang naratibong suliranin sa naratibo maging naglalaman ng mga ang mga katanungang nabuo karanasang pantao na sa isipan ng mambabasa ay maituturing na makabuluhan nabigyan ng katugunan. ay higit na magiging kaakit- akit sa mga mambabasa. 6 Kahingian ng Epektibong g. Angkop na bokabularyo o h. Malinaw at tiyak na punto de Narasyon pananalita bista sa pagsasalaysay o paningin - Nararapat na tiyakin ng isang manunulat na ang - Ang isang naratibo ay wikang kanyang ginagamit maaaring mga personal na ay angkop sa kanyang target karanasan ng manunulat o na mambabasa kaniyang kathang isip. s5 Iba’t ibang Uri ng Narasyon 30 Iba’t ibang Uri ng Narasyon a. Maikling Kwento b. Talambuhay - Binubuo ng mga - Ay naratibong magkakaugnay-ugnay na natutungkol sa isang tao pangyayari na maaaring o ang pagsasalaysay sa maikli o mahaba at kwento ng buhay ng isang masalimuot tao 31 Iba’t ibang Uri ng Narasyon c. Kasaysayan D. Kwento ng Paglalakbay - Mga kwento ng totoong - Kapupulutan ito ng mga pangyayari, mga impormasyon na maaaring pangyayaring siyang gamitin ng iba sa panahong humubog sa pagkakakilanlan sila naman ay maglalakbay ng isang tao, bansa o ano pa man. 3s Iba’t ibang Uri ng Narasyon e. Kuwento ng f. Balita Pakikipagsapalaran - Binubuo ng mga detalye - Pagpapahayag ng mga kaugnay ng mahahalagang pangyayari sa pakikipagsapalaran ng isang araw-araw naibinabahagi sa tauhan sa ano mang bagay na mga tao upang sila ay kaniyang tinatahak. magkaraoon ng impormasyon tungkol sa mga nagaganap sa kanilang paligid 11 Iba’t ibang Uri ng Narasyon g. Alamat, leyenda, epiko at kuwentong bayan - Mga anyo ito ng naratibong nabuo sa matandang panahon ng ating kasaysayan 12 Mga Elemento ng Naratibo 35 a. Banghay b. Tauhan - balangkas o istruktura - Buhay at gumagalaw ang Mga Elemento salaysay sapagkat may taong ng salaysay ng Naratibo buhay ang nagpapagalaw nito. - Sistemang kronolohikal 14 c. Tagpuan D. Suliranin - Nararapat na bigyan ng - Mga pagsubok na Mga Elemento mahalagang pansin ang pinagdaraanan ng tauhan ganapan o lugar na ng naratibo ng Naratibo pangyayarihan ng salaysay sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay ng linaw sa paksa, banghay at sa tauhan. 15 e. Himig f. Solusyon - Tumutukoy sa damdamin - Tumutukoy sa mga Mga Elemento ng may-akda sa kaniyang pangyayaring nagbibigay ng Naratibo paksa na masasalamin sa daan sa pangwawakas ng akda sa pamamagitan ng suliranin ng naratibo. mga piniling salita. 16 g. Kasukdulan h. Resolusyon - Nagbibigay daan sa - Pangyayari sa pagtatapos ng Mga Elemento kuwento. naratibong maituturing na ng Naratibo pinakamataas dahil na rin sa kakaibang damdamin i. Wakas na naibibigay nito sa - Lahat ng mga manonood. pangyayari ay nabibigyan ng kalutasan 35 Ang Galit ng Alon sa Tinig ni Maria Noong unang panahon, sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon. Tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon. Simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan at kumakanta. Sa tuwing siya ay kumakanta ay tumatahimik ang paligid at nawawala ang malalakas na hampas ng alon.. Napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda na may kapangyarihan ang ginintuang tinig niya at nagalit ang Haring Alon sa paghinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria. HALIMBAWA ng Pagsasalaysay o Narasyon Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain ng halos kalahati ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring alon at muli ay naghampas siya ng napakalaking alon. Nagmadaling tinawag ng matanda si Maria at sinabing kailangan ng mga mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang mapatigil ang Haring Alon. Nakipagsagupaan ang tinig ni Maria sa malalaking alon. Hindi niya ininda ang malakas na Hampas ng alon na bumubugbog sa kanyang katawan. Nang maglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon at mula noon ay hindi na muling humampas ang malalakas na alon sa dalampasigan at nawala na ang takot at pangamba ng mga tao sa isla.. HALIMBAWA ng Pagsasalaysay o Narasyon Ano ang nakita o napansin mo sa larawan? DESKRIPTIBO O PAGLALARAWAN LAYUNIN 1. Matutunan ang kahulugan at kahalagahan ng paglalarawan o deskriptibong pagpapahayag. 2. Malaman ang mga uri ng paglalarawan na pagpapahayag. 3. Makapagsabi sa kaibahan ng dalawang uri ng paglalarawan. 4. Makapagbigay halimbawa sa paglalarawan. Ano ang Deskriptibo o Paglalarawan? - Ito ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o palagay. - Maaaring ang pagpapahayag ay ginagamitan ng mga salitang malinaw na makakapagpakita ng inilalarawang tao, bagay, hayop, lugar o mga pangyayari. - Ang paglalarawan ay malimit na ginagamitan ng mga pang-uri, mga pandiwa, at mga tayutay sapagkat ang mga ito ay nakatutulong sa pagbibigay ng malinaw na larawan ng anumang bagay, pook o tao na nais bigyang- larawan ng may-akda. - Ginagamitan din ito ng mga salitang pumapatungkol sa mga pandama o senses. Layunin ng Deskriptibong Pagpapahayag - Makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o tagabasa ng isang malinaw at buong larawan. - Magamit sa pagpapahayag upang matukoy ang konkreto o abstark na bagay na binibigyang-hugis o anyo upang maliwanag na malikha sa isipan ang mga binubuong larawan. - May layon din itong makapagbigay ng impormasyon at makapanggising ng damdaming. Mga Halimbawa ng Deskriptibong Pagpapahayag sa Panitikan Sa unang tingin pa lang ay labis na akong naakit sa kanyang mga matang tila nangungusap. Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kaniya subalit alam kong may dalawang nagsusumamong mata na nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-aakit na siya’y balikan, yakapin at ituring na akin. Siya na nga at wala nang iba akong hinahanap. Hindi ako makakapayag na mawala pa siya sa aking paningin. Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y mabalikan. “Manong, siya na nga. Ang asong iyan ang gusto ko. Babayaran ko, nang maiuwi ko.” -sipi mula kay Lexa Mga Katangian ng Isang Mahusay na Paglalarawan 1. May tiyak at kawili-wiling paksa. 2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita. 3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita. 4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan. 5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pansalat. 6. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan. 7. May tiyak na layunin sa paglalarawan. Hakbang sa Paglalarawan 1. Pangangalap o Pagkuha ng Datos Naisasagawa ang hakbang na ito sa pamamagitan ng mga sumusunod: a. PANDAMA - paningin, panlasa, pang-amoy, pandinig, at pansalat. b. MIDYUM – litrato o larawan, pinta, iskultura, pelikula, awitin, sayaw, at iba pa. c. IMAHENASYON – isipang mapanlikha. 2. Pagbuo ng Halimbawa ng Isang Impresyon: Isang Ang magkakagulong grupo ng tao sa midnight sale sa SM Downtown na nagpapaalala sa hitsura ng mga langgam na nabulabog sa Pangkalaha- kanilang taguan. tang Impresyon Ang pagbibigay ng impresyon ay nakadepende kung ano ang nadama mo sa isang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Maaaring maganda ba, pangit, nakakatakot, nakakatuwa o karaniwan lamang. MGA URI NG DESKRIPTIBO KARANIWAN Halimbawa: Nagbibigay lamang ng impormasyon sa inilalarawan. Hindi ito Ang isang naglalaman ng mga batang babae ay saloobin at ideya ng nakangiti. Bilog at itim paglalarawan. ang mga mata, maitim Ibinigay lamang nito at diretso ang bagsak ang karaniwang anyo ng buhok, kayumanggi ng inilarawan ayon sa ang balat. At kulay pangkalahatan. pula ang damit. MASINING Halimbawa: Nagbibigay ng impormasyong higit sa likas lamang na Nakasilip ang isang katangian ng anghel na batang nilalarawan. Ang babae na tila natutuwa personal na sa aking pagdating. pagtingin o saloobin Ang kaniyang mga ng naglalarawan ay mata na sing itim ng minsan ginagamit gabi ay nangungusap upang higit na na sana’y mabigyan ng maging makulay ang pagkain. Bakas sa pagpapahayag. mukha ng bata ang kahirapang tinatahak. Ngayon, ating balikan ang mga larawan na pinakita ko sa inyo kanina at ilarawan ninyo ito sa masining na paglalarawan. Mga Sanggunian https://www.tagaloglang.com/paglalarawan/ https://www.coursehero.com/file/66737645/PAGLALARAWAN-PAGLALAHAD- PANGANGATWIRANdocx/ https://prezi.com/5rvt8z15ozjp/paglalarawan-o-deskriptiv/