BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O MULA SA LIPUNANG PILIPINO PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang pangkalahatang-ideya ng mga teorya sa pananaliksik na akma o mula sa lipunang Pilipino. Saklaw nito ang iba't ibang paksa, tulad ng mga diskurso sa nasyonalismo, teorya ng banga, sikolohiya sa pilipinas, at iba pa.

Full Transcript

BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O MULA SA LIPUNANG PILIPINO MGA PAKSA Mga Diskurso sa Pantawang Pananaw Nasyonalismo Teorya ng Banga Marxismo at Kritikal na Bakod, Bukod, Buklod Dis...

BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA PANANALIKSIK NA AKMA O MULA SA LIPUNANG PILIPINO MGA PAKSA Mga Diskurso sa Pantawang Pananaw Nasyonalismo Teorya ng Banga Marxismo at Kritikal na Bakod, Bukod, Buklod Diskurso sa Globalisasyon Sikolohiyang Pilipino Teoryang Dependensiya Pantayong Pananaw TEORYA Maaring itumbas sa salitang prinsipyo, batas at doktrina. Ideya, nosyon, hipotesis at postulado. Sa larangan ng Matematika, ito ay katawan ng mga prinsipyo o mga teorem na kabilang sa isang paksa. Abend (2013) Ang mga teorya ay binuo upang magpaliwanag, magbigay ng prediksyon hinggil sa o makatulong sa pag-unawa sa phenomenon at sa maraming sitwasyon, ay naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman. Torraco (1997) Tatlong konsiderasyon sa pagpili ng teorya; a) ang pagiging akma sa pananaliksik b) lina/dali ng aplikasyon sa pananaliksik; at c) bisa ng teorya sa pagpapaliwanag o paghahanap ng sagot sa mga tanong ng pananaliksik. Batayang Teoretikal Ayon kay Adom (2018) ang batayang teoretikal ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin ng pananaliksik. Batayang Teoretikal Tumutukoy sa isang set ng magkakaugnay na konsepto, teorya at kahulugan na nagpapakita sa sistematikong pananaw ng isang phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa isang paksang pinag-aaralan. Batayang Teoretikal Dito nakasaad kung paano nabuo ang isang pananaliksik. sa pamamagitan ng batayang teoretikal maaring ibatay, ang maaring mangyari o maging resulta ng pananaliksik, isa rin itong napakalaking tulong upang maging batayan sa paksang pinag-aaralan. Apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik (Torraco (1997) 1. Tinutulungan nito ang mambabasa na suriing mabuti ang pananaliksik na kaniyang binabasa. Apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik (Torraco (1997) 2. Iniuugnay nito ang mananaliksik sa mga umiiral na kaalaman at pananaliksik na bahagi ng pagbabatayan ng mga paliwanag at pagsusuri sa tinitipong datos, at sa mga sagot sa mga tanong ng pananaliksik; Apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik (Torraco (1997) 3. Tinutulungan nito ang pananaliksik na malinaw at hakbang-hakbang na sagutin ang mga tanong ng pananaliksik sa pamamagitan ng swabeng transisyon mula sa simpleng paglalarawan ng phenomenon at mga obserbasyon tungo sa pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na may mas malawak na aplikasyon at magagamit sa pagsusuri ng iba pang kaugnay na phenomenon, sitwasyon at iba pa. Apat na tiyak na paraan kung paano mapatitibay ng batayang teoretikal ang pananaliksik (Torraco (1997) 4. Nililinaw ang saklaw at limitasyon ng pagsusuri sa datos at /o pagbubuo ng mga kaisipan at/o teorya na isasagawa ng mananaliksik. MGA LAYUNIN 1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik. 2. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan. MGA DISKURSO SA NASYONALISMO Ano ang Nasyonalismo? MGA DISKURSO SA NASYONALISMO Ayon sa Philippine Cultural Education , ang nasyonalismo ay isang sistema ng paniniwala o ideyolohiyang political ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, identipikasyon nang may pagpapamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa at pambansang pagsulong. NASYONALISMO Pag-ibig sa bayan Lichauco (1968) Soberanya ng bansa Kalayaan Pag-asa sa sariling kakayahan Abueva (1999) Kaugnay ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon at pagpapahalaga sa kasaysayan. NATIONALISM (2009) Anthony Smith Isang dating propesor sa London School of Economics. Nasyonalismo Dalawang Uri na kinabibilangan ng kahulugan ng Nasyon A. Objective factors B. Subjective Factors Objective Factors Kahulugang nakatuon sa wika, relihiyon, asal, teritoryo at institusyon. Halimbawa: Nakabatay sa geographical notion o pagsasama-sama ng mga tao sa iisang teritoryo Subjective Factors Nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa at sentimyento ng mga mamamayan. Perspektiba ng Politika at sosyolohiya Tatlong paradigm ✓ Primordialism (perrenialism) ✓ Ethnosymbolism ✓ modernism Primordialism (Perrenialism) Ang nasyonalismo ay isang likas na phenomena na kinakaharap ng bawat nasyon. Ethnosymbolism ay isang paradigmang komplikado, nakabatay sa perspektibo ng kasaysayan at ipinaliliwanag na ang nasyonalismo ay isang dinamiko, ebolusyonaryong phenomena na kinasasangkutan ng historical na kahulugan, sa pamamagitan ng subhektibong ugnayan ng nasyon sa kanyang pambansang simbolismo. Modernism nagmumungkahi na ang nasyonalismo ay dapat tingnan bilang pinakabagong penomenang panlipunan na nangangailangan ng istrukturang sosyo-ekonomiko ng makabagong lipunan. Halimbawa ng akda na nasulat ng ating mga bayani na tumatalakay sa nasyonalismo ❑ Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto ❑ Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto Halimbawa ng akda na nasulat ng ating mga bayani na tumatalakay sa nasyonalismo ❑ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio ❑ Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio ❑ Pagmamahal sa Inang Bayan: Binigyang diin ang masidhing damdamin ng isang tao para sa kanyang sariling bayan. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio ❑ Pag-aalay ng Buhay para sa Kalayaan: Pagpapakita na ang tunay na pagmamahal sa bayan ay hindi lamang sa salita kundi sa gawa- ang pagiging handa na ialay ang sariling buhay kung kinakailangan. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio ❑ Pananaw sa Pagsasarili: Mithiin ng bansa na makalaya mula sa pang-aalipin ng mga dayuhan at ang pagsisikap ng mga mamamayan upang makamit ang tunay na kalaayan. TEORYANG DEPENDENSIYA Teoria de la Independencia paniniwala na ang pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan tungo sa "sentro" ng mayayamang estado , kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang paghirap ng isa. TEORYANG DEPENDENSIYA sentral na argumento ng teoryang dependensya na ang mahihirap na estado ay pinagkaitan at ang mayayaman ay pinagkalooban sa paraan kung paano isinama ang mahihirap sa "pamamalakad ng mundo." Raul Prebisch at Theofinio dos Santos Teorista mula sa Amerika Latina. ang pagsasamantala ng mga bansang industriyalisado sa mga bansang mahihirap ay sa pamamagitan ng neokolonyalismo sa ekonomiya na nakaapekto rin nang malaki sa sistemang politikal at kultural ng bansa. NEOKOLONYALISMO NEOKOLONYALISMO ANYO NG NEOKOLONYALISMO Neokolonyalismong Politikal Neokolonyalismong Pangmilitar Neokolonyalismong Pangkabuhayan/Ekonomiya Neokolonyalismong Kultural NEOKOLONYALISMONG POLITIKAL Sa ilalim nito, ang dating kolonya ay may kalayaang political, pinamumunuan ng sariling lider at may sariling pamahalaan na nagpapatupad ng sarili nitong batas. NEOKOLONYALISMONG POLITIKAL Makikita pa rin ang impluwensya ng mananakop na bansa sa dati nitong nasakop. Nagagawa paring kontrolin ang pamamahala sa mahihinang bansa. NEOKOLONYALISMONG POLITIKAL Makikita pa rin ang impluwensya ng mananakop na bansa sa dati nitong nasakop. Nagagawa paring kontrolin ang pamamahala sa mahihinang bansa. NEOKOLONYALISMONG POLITIKAL NEOKOLONYALISMONG PANGMILITAR Ang isa sa kondisyon bago kilalanin ng bansang kolonyalista ang Kalayaan ng dati nilang sakop ay ang pagkakaroon ng unhampered access, ang walang tigil na paggamit sa isang pasilidad o pook tulad ng pagtatayo ng base militar. NEOKOLONYALISMONG PANGMILITAR Halimbawa ay ang pagtatayo ng base military ng U.S.A sa Pilipinas NEOKOLONYALISMONG PANGKABUHAYAN Bago palayain ng manankop ang mga bansa ay nagpataw muna to ng mga kondisyon na may kinalaman sa ekonomiya gaya ng pagpapatuloy ng kanilang negosyo lalo na sa pagmimina at agrikultura. NEOKOLONYALISMONG PANGKULTURAL Patakaran ng makapangyarihang bansa na palaganapin sa mahihinang mga bansa ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay tulad ng paraan ng pananamit, sayaw, awit, estilo ng buhok, pagkain, libangan at pati na ang pagdiriwang. MARXISMO Isang metodo ng sosyo-ekonomikong pagsusuri na kung saan ay tintingnan ang ugnayan ng klase (class relation) at tunggaliang panlipunan (class conflict) gamit ang materyalistang interpretasyon ng pag-unlad ng kasaysayan at ginagamitan ng diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan (Maranan, 2018) MARXISMO Isang teoryang pang-ekonomiya, sosyo-lohikal, metodong pilosopikal at panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan. Karl Marx & Friedrich Engels MARXISTANG ANALISIS Ayon dito, nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa kapitalismo dahil sa paglala ng mga kontradiksyon sa pagitan ng produktibo, mekanisado at maayos na paggawa at ng pribadong pagmamay-ari at pribadong palalaan ng labis na produkto sa anyo ng labis na halaga (o kita) ng iilang pribadong nagmamay-ari na tinatawag na burges. MARXISMO Sa Pilipinas, karaniwang ginagamit sa panunuring pampanitikan kung saan, sa ganitong konteksto ay inaalam ang uring panlipunan (social Class) na nasa teksto, pelikula at iba pa. Tunggaliang ng mga uring panlipunan; ang nang-api at inapi, nagsamantala o pinagsamantalahan ang pagkakalarawan sa mga karakter. PANTAYONG PANANAW o “PANTAYO” binuo sa pamamagitan ng pagsasama ng saluting ugat na “Tayo”at unlaping “pan”na ang kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin-para sa amin”. PANTAYONG PANANAW o Kabaligtaran ng konspeto ng “pangkami” na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na “kami”at unlaping “pang” na ang kagyat na kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi kasama ang nakikinig nito. PANTAYONG PANANAW o Salitang “PANANAW” ay tumutukoy sa perspektiba o anggulo. o Isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa anumang kalipunan na nagtataglay ng pinagisa at panloob na artikulasyon ng linggwistik-kultural na istruktura ng komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili. PANTAYONG PANANAW o Ang pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa bantsa ng pagsira sa wikang Filipino ay maaring binabalutan ng konteksto ng pantayong pananaw. o Ang mga pangkat etniko, at mga kalipunang sosyal, kasama ang mga kababaihan at LGBT na naghahanap ng pantay na pagtingin (Maranan, 2018) Sangkap ng PANTAYONG PANANAW (Maranan, 2018) o Dulog etic at emic o Pag-unawa at pagpapaliwanag o Suliranin ng ideolohiya Dulog etic at emic etic emic Tinitingnan mula sa Tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba pangkat ng lipunan ng mga tagamasid mula sa perspektiba ng paksa o subject etic emic o Higit na siyentipiko sapagkat o Pinapahalagahan ang ang tuon o pokus mula sa lokal pamamaraan kung paano nag- na obserbasyon, mga kategorya, isip ang tao o lipunan. paliwanag at interpretasyon ay buhat sa mga antropolohiya. o Tumutukoy sa paglalarawan ng pag-uugali at paniniwala sa o Tumutukoy sa deskripsyon ng punto na mahalaga sa tao o actor pag-uugali at paniniwala ng mga ang konsepto ng emic- nag-aaral sa lipunan o nanggaling sa tao sa loob ng siyentipikong tagamasid sa mga kultura. punto na maaaring iugnay sa iba’t ibang kultura. Pag-unawa at Pagpapaliwanag o Ang pinakamahinang posisyon ay ikinukonsidera ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang paggamit ng emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit na nakararaming teksto na nakasulat ang pagpapalitan ng berbal na komunikasyon ay ginamitan ng Filipino. Suliranin ng ideolohiya o Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan ng konsepto, habang inilalayo ang huli sa prinsipyo. Ang wiak ng tekstwal na eksposisyon ay nakasulat din sa wikang Filipino. PANTAWANG PANANAW Hinahangaan ang mga Pilipino sa kabila ng suliraning kinahaharap ay nagagawa pa nilang panatilihin ang pagiging masayahin. Pinatunayan ito ng ulat ng United Nations (UN) na nagbibigay ng kompirmasyon na tumaas ang ranking ng Pilipinas sa World Happiness Report nito ngayong 2018. PANTAWANG PANANAW Naging pamantayan sa pagpili ng masayahing bansa ang mag sumusunod: maunlad na ekonomiya, pagiging Malaya, suportang panlipunan at pangangalaga sa kalusugan ng tao. PANTAWANG PANANAW Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa panayam sa kanya ni Apple Jalandoni (2018) na higit sa kaligayahan ay mayroong tatlong (F) na kayamanan ng lipunan: Faith ( pananalig); Family ( pamilya); at Friends ( mga kaibigan). PAGTAWA o tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahanng isang tao. o Sinasabi ng maraming pag-aaral na ito raw ay isang mabuting medisina. Sa isang artikulo ni Di Salvo (2017), kaniyang sinabi na ang pagtawa ay nakahahawa sa kapaligiran. PAGTAWA o Ang epekto ng endorphin ang makapagpapaliwanag kung bakit ang pagtawa ay nakahahawa. o Ang pagpapalaganap ng endorphin sa pamamagitan ng pangkat ay nagsusulong sa kahalagahan ng pagsasama at kaligtasan. PAGTAWA o Ang bawat utak sa yunit ng lipunan ay ang tagapaghatid ng mga nasabing nararamdaman na nagtutulak sa nararamdamang kabutihan sa ibang utak sa pamamagitan ng pagtawa. o Para itong domino na dahilan kung bakit kapag tumawa ang isa ay naiimpluwensyahan ang iba na tumawa kahit na hindi sila sigurado kung bakit sila tumatawa. Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula sa Pamumusong Hanggang Impersonasyon ( Rhoderick Nuncio) o Mariing pinahalagahan ang kakayahan ng tawa upang pagaanin at pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. o Redempsyon mula sa problemang kinakaharap ng sinuman. o Isang therapy ang pagtawa : ‘Laughter is the best medicine and humor is the spice of life”( Batacan, 1966) Elemento ng PANTAWANG PANANAW Midyum Konteksto Kontent o anyo Aktor Manonood Midyum Daluyan na kung saan nagiging laganap o natatangi ang panatawang pananaw. Kasama sa elementong ito ang lunan o situs ng daluyan, Halimbawa: sa entablado, kalye, radio at telebisyon. Konteksto Ang mga isyung panlipunan na tumatahak sa sosyal at pulitikal na kalagayan ng bansa ang bumubuo sa konteksto ng pantawang pananaw Kontent o Anyo nakapaloob sa daluyang ito ang iba’t ibang anyo na kinabibilangan ng kwentong bayan, entremes, sainete, drama, bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon. Aktor Ang mga nagsisiganap o mga actor, karakter ang tinaguriang mga pusong aktor/komedyante at impersoneytor. Manonood Nagsisilbing kapwa manunuri sapagkat nakapagbibigay sila ng mga komentaryo o Kritika batay sa kanilang napanood na maaring hawig sa mga karanasan nila. TEORYA NG BANGA SIKOLOHIYANG PILIPINO SIKOLOHIYANG PILIPINO Pag-aaral ng isip, diwa at asal. Siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakaaapekto sa kilos. Paraan ng pag-iisip at/o kamalayan ng mga Pilipino SIKOLOHIYANG PILIPINO (Enriquez 1994) Siyentipikong pag-aaral ng etnisidadd, lipunna at kultura ng tao at ang gamit nito sa sikolohikal na pagsasanay ng katutubong karunungan na nag- uugat sa etnikong pamana at kamalayan ng mga tao. SIKOLOHIYANG PILIPINO (Enriquez 1994) “Ang sikolohiya ay tungkol sa damdami’t kamalayang nararanasan; sa ulirat na tumutukoy sa pakiramdam sa paligid; sa isip na tumutukoy sa ugali, kilos o asal; sa kalooban na tumutukoy sa damdamin; at sa kaluluwa na siyang daan upang mapag-aralan din ang tungkol sa budhi ng tao” 3 anyo ng SIKOLOHIYANG PILIPINO (Virgilio Enriquez) Sikolohiya sa Pilipinas Sikolohiya ng Pilipino Sikolohiyang Pilipino Sikolohiya sa Pilipinas Tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o maka-Pilipino. Sikolohiya ng Pilipino Tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kilaman sa Pilipino. Sikolohiyang Pilipino Bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon sa Pilipinas. Sikolohiya sa Pilipinas vs. Sikolohiyang Pilipino Metaporang “tao sa bahay”at “taong bahay” Higit na mas malalim ang kahulugan ng “taong bahay’ kaysa “tao sa bahay Tao sa Bahay Taong Bahay Ang pagiging 'tao sa bahay' ay hindi. Habang ang 'taong bahay' naman ay siyang kinakailangang kinukusa, pinag-iisipan, o taong nakatira at sanay na sa bahay, ito ang sinasadya, maaaring bisita lang ito na napadaan mga tao na nakakaalam kung ano ang ng sandaling-sandali lamang, maaari na hindi pagkakaayos ng gamit sa bahay. tagaroon ang nagkataon na 'tao sa bahay', sa kabilang dako, maaari rin naman siya mismong nakatira doon ay ayaw pa maging taumbahay. Ang Sikolohiya sa Pilipinas ay may mga aspetong nakakalinya sa 'tao sa bahay' samantalang ang Sikolohiyang Pilipino ay ang 'taong bahay' sapagkat hindi lahat ng sikolohiya sa bansa ay bunga sa diwa ng mga Pilipino. KONSEPTO NG SIKOLOHIYA NA MAY KAUGNAYAN SA PAGSASALIN AT SA WIKA Katutubong konsepto Pagtatakda ng kahulugan Pag-aandukha Pagbibinyag Paimbabaw na asimilasyon; at Ligaw/Banyaga KATUTUBONG KONSEPTO Salitang taal o likas na ginagamit sa Pilipinas. Hinalaw ang kahulugan ng mga salitang ito batay sa kultura at kinaugalian ng mga Pilipino. Halimbawa Saling-pusa – ay hindi makikita sa anumang aklat ng Amerikano. Nag salitang ito ay nagbibigay kahulugan ukol sa pagbibigay halaga ng mga Pilipino sa damdamin ng kanilang kapwa. Halimbawa Pamasak-butas – Ang mararamdaman ng isang Pilipino kung siya ay inaya sa isang kasiyahan at nalaman niyang hindi siya ang unang inimbita.. KATUTUBONG KONSEPTO Ang salita na may kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino ay maiuugnay sa tala na wikang Filipino bagama’t ang kahulugan nito ay tinutumbasan lamang ng banyagang kahulugan. Mas mabisa ang pagtatakda ng kahulugang teknikal sa isang konseptong makahulugan na sa Pilipino. Halimbawa Hindi kinakailangan na baguhin ang mga salitang “alaala” at “gunita”. Kung titingnan, ang salitang ito ay may kinalaman sa “memory” kung pagbabatayan ang salitang teknikal. Halimbawa Ano ang pagkakaiba ng dalawa? Ang gunita ay inihahanay sa “recall” samantalang ang “alaala” ay pansamanatalang katumbas sa higit na malawak na “memory”. PAG-AANDUKHA Pagbibigay ng katutubong kahulugan sa ideya at salitang hiram. Kung minsan ang pinagmumulan ng salita ay sa banyaga kaya ito ay inaandukha. Halimbawa Salitang karaniwang binabago ang anyo sa Filipino bilang “talentado” bagama’t pareho ng katuturan sa Ingles. Halimbawa Salitang “talented” sa wikang Ingles na ang kahulugan ay taong nag-uumapaw sa katalinuhan sa maraming larangan tulad ng pagsasayaw, pag- awit, pag-arte at marami pang iba. PAGBIBINYAG Ito ay tumutukoy hindi lamang sa mga ritwal sa pananampalataya kundi maging sa paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigang konsepto ng “hiya”, “utang na loob” at “pakikisama”. PAGBIBINYAG Kailangan na munawaan mabuti ang mga salita at kung paano ito ginagamit. Halimbawa. “ Hindi ngayo’t napahiya ay nagiging kahiya-hiya narin o nangangahulugang walang hiya”. PAIMBABAW NA ASIMILASYON NG TAGURI SA KONSEPTONG HIRAM May mga konsepto at teoryang masasabing matagal nang namamalasak sa bokabularyo ng mga sikolohistang Pilipino subali’t ang mga kahulugan nito’y tiwalag sa karanasang Pilipino. Halimbawa “Standard of Excellence” kapag ang Pilipinong estudyante ay handa sa kanyang pagsusulit at tinanong siya kung nakapag-aral siya. Hindi niya sinasabi na “Oo” at “Ay, oo. Alman na alam ko iyan.” LIGAW/BANYAGA Tinalakay ni Gamboa (1975) ang tungkol sa home for the aged na para bang nalulungkot siya at kakaunti lamang daw ang mga ito sa bansa. LIGAW/BANYAGA Mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas sapagkat walang katumbas na maibibigay sapagkat bahagi ng kultura. Halimbawa Toothpaste (Gamit sa Ingles-Filipino) Brief (Ginagamit bilang pansaplot. Ang salita ay ginagamit singles gayundin sa Filipino.. BAKOD, BUKOD, BUKLOD Bakod, isang patayong istruktura na nakapaligid sa isang sukat ng lupa na maaring gawa sa bato, kahoy, table, kawayan, halaman o punong-kahoy. Bukod, tangi, tangi sa rito, nakahiwalay at hiwalay. Ang bukod ay maari ding manghulugan ng layo o nakalayo, na-iisa, hindi ksama, o tiwalag. Buklod, bangkat, balangkat, kalupkop, bigkis, tali, tangkas at bitling. Bilang patalinghaga, ang ibig sabihin ng buklod ay alyansa o pagkakaisa. Sa Ingles, ang salin ng pagkakabuklod- buklod ay unificatiom bond.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser