Yunit 2-Aralin 1 PDF
Document Details
Uploaded by EnviousSaturn9981
Bulacan State University
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng isang pag-aaral tungkol sa Pilipinolohiya at Pilipinisasyon. Tinalakay ang mga konsepto, at mga indibiduwal na nagbigay-impluwensya sa larangan. Sinasaklaw ang mga pag-aaral ng edukasyon at kultura sa Pilipinas.
Full Transcript
Sa pagpapatuloy ng pagpopook ay sumibol ang Pilipinolohiya bilang kalipunan ng kaisipan, kilusan at programang akademikong nagpupunyaging bumalikwas o pumihit ng oryentasyon mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan at metodolohiya ng noo’y umiiral ng Philippine Studies (Rodr...
Sa pagpapatuloy ng pagpopook ay sumibol ang Pilipinolohiya bilang kalipunan ng kaisipan, kilusan at programang akademikong nagpupunyaging bumalikwas o pumihit ng oryentasyon mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan at metodolohiya ng noo’y umiiral ng Philippine Studies (Rodriguez-Tatel 20015, 2). Mula Pagpopook tungong Pagdadalumat: Mga Muhon ng Pilipinisasyon Ang Triumvirate” (lupon ng 3 tao na may kapangyarihan) ng Pagsasakatutubo at Pilipinisasyon ng Agham Panlipunan. Virgilio Enriquez (Ama ng Sikolohiyang Pilipino) Si Virgilio Gaspar Enriquez ay ipinanganak noong Nobyembre 24, 1942 sa Bigaa, Bulakan. Siya ay nalantad sa mga dayuhang teorya habang nag-aaral sa ibang bansa. Taong 1971 nang umuwi sa Pilipinas si “Doc E” bitbit ang kaalamang Kanluranin na hindi niya binigyang-diin at ipinataw sa kaniyang mga kasamahan at estudyante. Sa kabaligtaran, mas lalo pa ngang lumakas ang kaniyang oryentasyon at perspektibong Pilipino sa pananaliksik at pagtuturo bilang Assistant Professor in Psychology sa UP CAS. Naitatag niya ang Philippine Psychology Research House (PPRH) noong 1971, na naging Philippine Psychology Research and Training House (PPRTH) na tinawag din nang lumaon na Surian ng Sikolohiyang Pilipino na naging bahagi ng Akademya ng Sikolohiyang Pilipino at Akademya ng Kultura at Sikolohiyang Pilipino bago tuluyang naging nagsasariling institusyon. Dalawang tunguhin ng pagdadalumat: 1. Indihenisasyon mula sa loob - paggamit ng sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at mga konseptong katutubo na matapat na naglalarawan ng pananaw-sa-daigdig ng mga Pilipino. 2. Indihenisasyon mula sa labas - pag-aangkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pag-aandukha at kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino. Prospero Covar (Ama ng Pilipinolohiya) Ang Pilipinolohiya ay kumakatawan sa dalawang salita, ito ay ang Pilipino, na ang kahulugan ay mamamayan at lohiya (logos), na ang kahulugan ay pag aaral. Ito ay sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan upang palitawin ang pagka-Pilipino. Ayon kay Prospero Covar (1981), ang Pilipinolohiya ay ang pag-aaral sa mundo ng mga Pilipino, sa pagka-Pilipino, at sa iba’t ibang paraan ng pagiging Pilipino. Sistematikong pag-aaral ng Kapilipinuhan sa tatlong larangan: 1. Kaisipan 2. Kultura (kasama ang wika, iba’t ibang larang ng sining, pilosopiya at relihiyon) 3. Lipunang Pilipino Zeus Salazar (Ama ng Pantayong Pananaw/Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino) Nagtapos ng kolehiyo si Salazar na may pinakamataas na parangal ng Summa Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng kursong B.A. Kasaysayan. Bukod pa rito, nagkaroon siya ng pagkakataong ituloy ang kaniyang Ph.D. sa Ethnology o Cultural Anthropology sa kilalang Sorboone University of Paris kung saan siya ay naging mahusay at ginawaran ng pinakamataas na pagkilala (Tres Bien) sa panahon ng kaniyang pag- aaral. Siya rin ay naging tagapangulo sa Departamento ng Kasaysayan (U.P. Diliman, 1989-1991) at naging dekano rin sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (U.P. Diliman, 1991-1994). Binansagang “Bathala” si Zeus Atayza Salazar (na salin ng kaniyang pangalan sa wikang Filipino) ng kaniyang mga sumusuporta at kritiko. Siya rin ay tinaguriang dakilang Ama ng Pantayong Pananaw at isa sa may pinakamatitibay na paninindigan pagdating sa pagsusulong ng Wikang Filipino tungo sa pagkakaisa at pagbubuo ng bansa. Nagsimula siya sa pagtuturo noong 1980s hanggang 1990s, kung saan nagbigay siya ng kaalaman sa France, Italy, Germany, Croatia, Montenegro, at Australia. Ang kaniyang mga paglalakbay ang naging daan sa kaniya pagkatututo ng sampung (10) wika, at naging mahusay siyang magsulat ng mga libro, pananaliksik, at pag-aaral sa Filipino, Bikol, Ingles, Espanyol, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, at Malay. Sa kabila ng kaniyang malawak na kaalaman, bumalik si Salazar sa kaniyang bayan pagkatapos ng 12 taon upang ibahagi ang karunungan na kaniyang natamo bilang isang guro. Siya rin ay humawak ng mahahalagang posisyon tulad ng tagapangulo ng Departamento ng Kasaysayan (U.P., Diliman, 1989-1991) at dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (U.P., Diliman, 1991-1994), at naging panauhing propesor sa ilang kolehiyo. at mga unibersidad. Si Salazar ay isa ring natatanging manunulat na nakatuon sa mga pagsusuri sa agham at panlipunang sikolohiya. Nilikha niya ang natatanging konseptuwal na balangkas ng Pantayong Pananaw sa agham panlipunan ng Pilipinas na nagpabago sa makabansang pananaw na nawalan ng ningning sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Marcos Sr. Ang Pantayong Pananaw ay nagbigay ng matibay na balangkas para sa mga bagong iskolar na magsulat tungkol sa kasaysayan at kulturang Pilipino. Mula noon, ipinagpatuloy ni Salazar ang pagsasagawa ng mga pag-aaral sa makabansang pananaw sa pagsusulat tungkol sa kasaysayan. Pangkayong Pananaw Kapag nakikipag-usap mula sa labas tungo sa mga tagaloob ng isang partikular na kalinangan. Halimbawa: “Kayo ay mga Indio lamang, at lahat ng nalalaman ninyo ay utang ninyo sa amin, sapagkat ang kasaysayan ng inyong bayan ay may dalawang bahagi lamang: una, ang panahon nang hindi pa kayo Kristiyano at sibilisado kung kailan lugmok pa kayo sa karimlan; pangalawa, nang dumating ang mga Espanyol, upang idulot sa inyo ang liwanag ng aming sibilisasyon at relihiyon Kristiyano.” Dilim – Liwanag Pangkaming Pananaw Patungo sa labas o banyaga ang pagpapaliwanag. Ang pagpapaliwanag dito ay tungkol sa sariling kalinangan-at-lipunan. Halimbawa: Lingua Franca Ipinatutungkol ng mga Propagandista sa mga nang-aalipustang Espanyol ang pagpapawalang katuturan ng mga ito tungkol sa kawalan ng “sibilisasyon” ng Indio, kinailangan nilang sabihin at ikalat na rin ito sa wikang Espanyol. Hindi ang mga kasapi ng dati nilang mga kalinangang katutubo ang kanilang kinakausap kundi ang mga nagkolonisa sa mga bayan at kalinangan sa kapuluan. Samakatuwid, nasa pangkaming pananaw ang kanilang pagtingin sa sariling lipunan at kultura sapagkat ipinatutungkol ng mga propagandista sa mga nang- aalipustang Espanyol ang pagpapawalang-katuturan ng mga ito tungkol sa kawalan ng “sibilisasyon” ng Indio, kinailangan nilang sabihin at ikalat na rin ito sa wikang Espanyol. Kaya ang nasimulan nilang tradisyon ng pagbubuo ng kabihasnang pambansa (at Pilipino) ay naligaw sa wikang banyaga, at sa mga konseptong banyaga na hindi lamang itinugma sa sariling tradisyon. Pangkaming Pananaw sa Kasalukuyan Nang dumating ang mga Amerikano inatupag naman ng mga Ilustrado ay ang ipakita sa bagong banyaga na ang Pilipino ay puwedeng-puwede maging doctor, abogado, inhenyero, at sa huli, pati na artista at beauty contest winner (hindi pala pangit!). Iskizofrenyang Pangkalinangan Lagi na lamang dapat ikompara ang sarili at ang sariling hiram na kultura sa mga dayuhan: Sumusulat sa wikang banyaga (upang maipakita na puwede pala, kaya pala!) kailangan munang humiwalay sila sa (at iiwan nila ang) katutubong kalinangan mamaya- maya ay babalik lamang dito para gamitin ang ilang elemento nito sa kanilang paglikha. Kulturang Nasyonal: Umiinog ito sa konsepto ng “nasyong Pilipino” na sa simula’y binuo sa wikang Espanyol ng mga Propagandista at Rebolusyonista, pagkatapos ay isinulong ng mga inapo nito: Quezonà Osmenà Roxasà Laurelà Rectoà Magsaysayà, Marcosà, Aquino sa pakikipagtulungan sa mga Amerikano kung kaya’t sa wikang Ingles ang pagkahulma ng estado sa ngayon. “…para sa elite at upang madagdagan ang mga maninilbihan sa bagong sistemang kolonyal.” Ang pangkalahatang pananaw ay “Pangkami.” Ang Kulturang Nasyonal na pinalalaganap ng elite, samakatuwid, ay instrumento ng dominasasyon sa taumbayan. Ito ay isang halimbawa ng representasyon ng Imperyalismo. Pangsilang Pananaw Patukoy sa iba at hindi sa kapuwa Halimbawa: “Ganito sila, ganito ang ugali nila, o ganito ang mga tagalabas o banyaga” Ang Pantayong Pananaw sa Kasaysayan Bago makaugnay ang mga dayuhang Espanyol noong ika-16 na dantaon wala pang iisang Pantayong Pananaw sa buong arkipelago, wala pa ring nasyong Pilipino. Zeus Salazar bilang isang Marxista Superstructure / Hegemonya Ang nasyong Pilipino ay nabuo lamang sa bahagi ng Kapilipinuhan na nalantad nang husto sa Kanluran (nabahiran, kung hindi man talagang nabago ito). Nabuo ito sa pagsusumikap ng mga elite ng bahaging Kristiyano ng kolonyang Espanyol Ika-18 na dantaon: Unti-unting pumasok nang mas maramihan ang mga akulturado o ladino sa sistemang kolonyal ng mga Espanyol: eskriba, abu-abugado, at sekular na pari. Sekular na Pari vs Prayle “Kayong mga Indio ay walang sibilisasyon, barbaro, pagaya-gaya, walang utang- na-loob, soberbio, angkop lamang sa pamamastol ng kalabaw….” -Fray Gaspar de San Agustin. Ika-19 na dantaon: Ladino - Sekular na Pari - Ilustrado “mga ladinong pormal na nakapag-aral; mga namulat at nagkamit ng kaliwanagan o niliwanagan” Sa kabilang banda, wala o napawalay man ang mga Ilustrado sa kanilang sariling mga kalinangan, subalit hindi naman sila matanggap-tanggap ng mga Espanyol sa matataas na baitang ng lipunang kolonyal. Tinanggap nila ang pagtatakwil sa kanila ng Espanyol. Tinawag nila ang kanilang mga sarili na “Pilipino.” Ang punto-de-bista ng mga Pilipinong ito ay “Pangkami” kaya ang sinasabi nila ay ganito: “Hindi totoo na bago dumating ang mga Espanyol ay walang kabihasnan kaming mga Pilipino. Sa katunayan, may kultura na kami, nakikipag-ugnayan na kami sa Tsina, Indotsina, sa India, at iba pa, “bago dumating ang mga Espanyol.” Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan Sa larangang pangkalinangan, ang pagkatatag ng nasyon ng mga elite ay nagbunga ng pagkakahati ng kapilipinuhan—ang dambuhalang pagkakahating pangkalinangan: (1) Ang kultura at lipunan ng akulturadong elite na ang wika ay Ingles at Espanyol (ladino=paring secular=ilustrado=pensionado/Fullbright scholars=makabagong intelektuwal, na napapalooban ng lahat ng klase ng iskolar, kapwa manunulat, at iba pang padala o panauhin sa Estados Unidos, Hapon, at iba pa.) Maiiugat ang paggamit ng “edukasyon” para magtagumpay ang “imperyalismong Amerikano”. Ang sistema ng edukasyon ang huhubog at huhulma sa diwa at kaisipan ng mga bagong akulturado na siya na ring aatang sa sarili (nang walang pahintulot mula kaninuman) na buuin ang “kulturang nasyonal.” (2) Ang kalinangan at lipunan ng bayan na ang pangkalahatang wika ng ugnayan ngayon ay Tagalog o Pilipino, at maging mga wikang rehiyonal. Pantayong Pananaw “Ang buod ng Pantayong Pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuoang pangkalinangan – kabuoang nababalot at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/ diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.” “Closed Circuit” – isang nakapanid na pag-uugnayan/pakikipag-ugnayan. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang code o pinagtutumbasan ng mga kahulugan. Bago pa man makaugnay ng Kapilipinuhan ang mga Espanyol, bawat isa sa mga pangkat etniko ay may sariling Pantayong Pananaw na. Halimbawa: Bathala—Diyos ng mga Espanyol Awit—Pasyon Kalinangang Bayan: Kinalabasan ng proseso ng pagkabuo ng mga pamayanang Pilipino sa isang Bayang Pilipino, ang Inang Bayan ng Himagsikan 1896. Pagkalito ng mga Elite Hindi talaga alam ng mga elite ang kaniyang kalikasan, ang kaniyang mga katangian, kahit ang kaniyang anyo. Malalim ang kanilang kamangmangan hinggil sa kanilang tunay na pagkatao, hinggil sa pagka-Pilipino at kapilipinuhan. Napawalay sila rito at nahirati (o nahihirati pa) sa pagpapasa Kanluran. Halimbawa: Ang kinatawan ng Pilipinas sa “Many People, Many Places” project. Pagkalito ng mga Elite 1. Lagi na lamang suliraning ang identidad: “Sino ba ako?” “Ano ba tayo?” “Ano/Sino ba ang Pilipino?” 2. Kinakailangan nilang gawing ibayong ideal ang mga Pilipino kapag inihahambing nila ang mga ito sa mga banyaga sa pamamagitan ng kategoryang intelektuwal at pangkultura ng mga dayuhan. 3. Ang lagi nilang pamumuna at pamimintas sa inaakalang tunay na Pilipinong pag-uugali. Mga Hamon sa Indibidwal na Iskolar sa Larang ng Araling Pilipino Pagsasanay ng Sarili sa Pagbabasa sa Wikang Filipino Paghubog sa pagsusulat ng libro at artikulo sa Wikang Filipino Paggamit ng Wikang Filipino sa Talakayan Wikang Filipino – Hindi mababang uri ng Gawain