Wika at Panitikan sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad: PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang lesson tungkol sa Filipino at panitikan, na naglalaman ng mga kategorya ng wika, mahahalagang konsepto, at mga halimbawa. Nagtatampok ito ng iba't ibang aspekto ng wika at panitikan na may kaugnayan sa pagpapatibay ng identidad ng mga Pilipino, na idinisenyo para sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Full Transcript

WIKA AT PANITIKAN SA PAGPAPATIBAY NG PILIPINONG IDENTIDAD KAHULUGAN, KAHALAGAHAN AT KATANGIAN NG WIKA Nauunawaan at nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng Wika. Naipaliliwanag ang k...

WIKA AT PANITIKAN SA PAGPAPATIBAY NG PILIPINONG IDENTIDAD KAHULUGAN, KAHALAGAHAN AT KATANGIAN NG WIKA Nauunawaan at nakapagbibigay ng sariling kahulugan ng Wika. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Wika. NU CORE VALUES: INTEGRITY COMPASSION INNOVATION RESILIENCE Nailalarawan ang mga katangian ng Wika PATRIOTISM KAHULUGAN KAHALAGAHAN KATANGIAN NG WIKA Mga Teoryang Sumasaklaw sa Pag-aaral: Lingwistika Sikolohikal Sosyolohikal Antropolohikal Ito ay ang siyentipikong pag-aaral sa wika ng mga tao. (Consuelo J. Paz) Linggwistika Isang disiplina na naglalayong pag- aralan ang mga proseso ng pag-iisip at pag-uugali ng tao at ang kanilang pakikipag-ugnay sa pisikal at panlipunang kapaligiran. Teoryang Sikolohikal Isang agham panlipunan na naglalayong pag-aralan ang mga ugnayang panlipunan na nagaganap sa loob ng isang tiyak na populasyon ng tao. Teoryang Sosyolohikal Ang sistematikong pag-aaral ng pag- usbong at paglago ng lipunan, ang katangian at ebolusyon ng tao mula noon hanggang ngayon. Teoryang Antropolohikal KAHULUGAN KAHALAGAHAN KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. AHULUGAN Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. AHULUGAN Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason) AHULUGAN Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan. (Thomas Carlyle) AHULUGAN Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo Zafra) AHULUGAN KAHULUGAN KAHALAGAHAN KATANGIAN NG WIKA Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon; AHALAGAHAN Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao; AHALAGAHAN Sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan; AHALAGAHAN Isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman. AHALAGAHAN KAHULUGAN KAHALAGAHAN KATANGIAN NG WIKA Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo. ATANGIAN May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan. (nanghihiram sa ibang wika upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran) ATANGIAN M4 K2 P S N2 G A D (MaKaPaSaNaGAD) Masistemang Balangkas 1. Ponolohiya – makabuluhang tunog 2. Morpolohiya – pagbuo ng salita 3. Sintaks – pagbuo ng pangungusap 4. Semantiks – pag-aaral ng kahulugan 5. Pragmatiks – kumbinasyon ng mga salita at parirala May Antas 1.Formal a. Pambansa - kadalasang ginagamit naman sa mga babasahin, paaralan, pamahalaan, at iba pang sentro ng kalakalan o sibilisasyon. b. Pampanitikan - ginagamit sa mga pormal na sulatin at sa mga talakayang pampamahalaan at pampaaralan 2. Informal a. Lalawiganin - karaniwang sinasalita batay sa lugar na tinitirhan. b. Kolokyal - ginagamit sa araw-araw c. Vulgar - ay salitang lantad. Na kung saan diretso ang pananalita gaya ng mga masasamang salita. d. Balbal - pang-kalyeng salita Makapangyarihan May Pulitika Kagila-gilalas Kasama sa Pagsulong ng Teknolohiya Pinipili at Isinasaayos Sinasalitang Tunog Ponemang Segmental Ang mga ponemang segmental ay mga yunit ng tunog na makikita sa iba’t ibang letra o simbolo ng isang wika. Ito ay nagpapakita ng mga pagbabago sa tunog na maaaring makaapekto sa kahulugan ng isang salita. Ponemang Suprasegmental Ang mga ponemang suprasegmental ay mga tunog o elemento ng tunog na hindi kinakatawan ng mga tiyak na letra o simbolo, ngunit may malaking epekto sa kahulugan at bigkas ng isang salita o pangungusap. Ito ay nagsasama ng mga aspeto tulad ng tono, diin at antala. DIIN (STRESS) Ito ay tumutukoy sa lakas o bigat ng pagbigkas ng isang salita o pantig. Sa Filipino, ang diin ay maaaring magpalit ng kahulugan ng isang salita. BUhay: Kapag ang diin ay nasa unang pantig (BU-hay), ang ibig sabihin nito ay ang estado ng pagiging buhay o hindi patay, o kaya’y ang mismong proseso ng pagiging may buhay. buHAY: Kapag ang diin ay nasa ikalawang pantig (bu-HAY), ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng buhay o ang pagiging buhay. Ito ay karaniwang ginagamit bilang isang verb sa Filipino. TONO (PITCH) Ito ay tumutukoy sa taas o baba ng tunog sa pagbigkas ng isang salita. Sa ilang wika, ang tono ay maaaring magbago ng kahulugan ng isang salita. Nagpapahayag: “Madali lang ito.” – Sa halimbawang ito, ang tono o pitch ay pantay o pababa sa dulo. Ito ay isang pahayag na nagsasabing madali lang ang isang bagay o sitwasyon. Ang tono ay karaniwang neutral at diretso, na nagpapakita ng katiyakan. Nagtatanong: “Madali lang ito?” – Sa halimbawang ito, ang tono o pitch ay tataas sa dulo ng pangungusap. Ito ay nagpapahiwatig na ang pahayag ay isang tanong at hindi katiyakan. Ang taas ng tono sa dulo ay nagbibigay ng indikasyon na inaasahan ng nagsasalita ang isang tugon. Nagbubunyi: “Madali lang ito!” – Sa halimbawang ito, ang tono o pitch ay tataas sa dulo ng pangungusap, at karaniwang may mas matinding bigkas kaysa sa normal na pangungusap. Ang taas at lakas ng tono ay nagpapahiwatig ng kasiyahan, excitement, o pagdiriwang. Ang eksklamasyon na marka (!) sa dulo ng pangungusap ay nagbibigay rin ng karagdagang diin sa emosyon na ito. ANTALA (JUNCTURE) Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil o paghinto sa pagsasalita. Ito ay makatutulong sa pagbibigay-linaw sa kahulugan ng isang pangungusap, lalo na sa mga sitwasyon na magkaiba ang kahulugan depende sa kung saan ilalagay ang paghinto. “Hindi siya si Juan.” – Sa pangungusap na ito, walang antala o pause. Ang pangungusap ay nagpapahiwatig na ang taong tinutukoy ay hindi si Juan. Ito ay diretsong pahayag na naglalayong itama ang maling pagkakakilala. “Hindi, siya si Juan.” – Sa pangungusap na ito, may antala pagkatapos ng salitang “Hindi,”. Ang antala ay nagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Ito ay nagpapahiwatig na ang nagsasalita ay tumututol sa isang naunang pahayag at nagpapatunay na ang taong tinutukoy ay talagang si Juan. “Hindi siya, si Juan.” – Sa pangungusap na ito, may antala o hinto pagkatapos ng salitang “sya,”. Ang antala ay nagpapalakas ng kahulugan na ang taong tinutukoy ng nagsasalita ay hindi ibang tao kundi si Juan. Ginagamit sa Komunikasyon Mga Uri ng Komunikasyon Berbal Ito ay anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamgitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Nakapaloob dito ang pagsulat, pagbasa, pagsasalita, at pakikinig. Di-Berbal Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas o tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at kalidad ng tinig) Elemento ng Komunikasyon Tagapagpadala, Tagatanggap, Mensahe, Daluyan, Sagabal MGA DI BERBAL NA KOMUNIKASYON ORAS (CHRONEMICS) ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng mensahe. ESPASYO (PROXEMICS) maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o public. Espasyo sa pakikipag- usap, pisikal na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar. KATAWAN (KINETICS) kilos ng katawan: mata, mukha, tindig at kilos, at kumpas ng kamay. PANDAMA (HAPTICS) paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe, hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos, at hipo. SIMBOLO (ICONICS) mga simbolo sa gusali, lansangan, botelya, reseta at iba pa. KULAY (CHROMATICS) maaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon. PARALANGUAGE paraan ng pagbigkas ng isang salita. AWIT (MUSIC) naghahatid ng damdaming masaya, malungkot, masigla. PANANAMIT (ATTIRE) nagpapakilala ng lahi o tribong pinagmulan, panahon at kasaysayan, nagpapakilala ng antas sa buhay, uri ng hanap-buhay, edad ng tao at pook na kinalalagyan. KULAY NG BALAT (SKIN COLOR) nagsasabi ng lahing pinagmulan. PAGKAIN (FOOD) nagpapakilala ng lugar na pinagmulan. Nakabatay sa Kultura Natatangi Ginagamit sa Komunikasyon 1.Berbal 2.Di-Berbal Arbitraryo Dinamiko TAKDANG GAWAIN BILANG: 01 DEADLINE NG GAWAIN: 27 Agosto 2024 Paglikha ng isang vlog na nagpapakilala ng malikhain sa sarili. -maximum ng dalawang (2) minuto -naka-portrait ang oryentasyon ng gagawing video -maaaring raw o edited ang ipapasang video -gawing malikhain ang pagpapakilala sa sarili (maaaring kumanta, sumayaw at iba pa) Paraan ng pagmamarka: Nilalaman ng pagpapakilala 10 puntos Malikhaing paraan ng pagpapakilala 10 puntos KABUUAN 20 puntos S A PAGPAPATIBAY NG PILIPINONG IDENTIDAD SA PAGPAPATIBAY NG PILIPINONG IDENTIDAD

Use Quizgecko on...
Browser
Browser