Handout 1 Pagsulat - Katangian at Teorya ng Pagsulat PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga handout tungkol sa pagsulat, katangian, at mga teorya. Mayroon ding iba't ibang uri ng pagsulat tulad ng teknikal na pagsusulat at akademikong pagsusulat. Pinag-uusapan din dito ang mga handout, mga referensyal na pagsusulat, at mga isyu sa wikang Tagalog.

Full Transcript

Handout 1 Pagsulat- ang pagsulat ay pagsalin sa papel Katangian ng Pagsulat ayon kay Cruz, et al. (2010), ang wastong pagsulat ay kinakapalooban ng mga katangian. Malinaw Wasto Astetiko Maayos Teorya - ang teorya ay grupo ng mga konsepto na binuo upang maipaliwanag ang mga pangyayari na hind...

Handout 1 Pagsulat- ang pagsulat ay pagsalin sa papel Katangian ng Pagsulat ayon kay Cruz, et al. (2010), ang wastong pagsulat ay kinakapalooban ng mga katangian. Malinaw Wasto Astetiko Maayos Teorya - ang teorya ay grupo ng mga konsepto na binuo upang maipaliwanag ang mga pangyayari na hindi pa hustong napag-aaralan Lev Vygotsky - isang sikolohistang ruso. Naniniwala siya na ang pakikipaghalubilo sa kapwa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng isang bata patungo sa kanyang pagtanda Handout 2 Teknikal na pagsusulat - isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin Mga uri ng teknikan na pagsusulat mga batas na nilalathala mga dyornal pangmedikal resipi ng pagkain iitiketa ng gamot instruksyon ng mga gamit Referensyal na pagsusulat \- may kaugnayan sa malinaw at wastong paglalahad ng isang paksa. Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay datos at impormasyon sa mambabasa Uri ng mga referensyal na pagsusulat teksbuk ulat panlaboratoryo manwal feasibility study Dyornalistik na pagsusulat \- pagsulat na pampalimbangan. Maaring balita, lathain, editorial, balitang pampalakasan, anunsyo, o mga advertisements sa isang pahayagan. Uri ng Dyornalistik na pagsusulat pahayagan anunsyo tabloid Akademik na pagsusulat \- pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kay ito ay maari din tawagin na intelektwal na pagsulat. Ilan sa halimbawa nito ay tesis, pamanahong papel, ulat pang laboratoryo at iba pa. uri ng mga akademik na pagsusulat akademikong sanaysay pamahanong papel feasibility study tesis disertaysyon bibliograpiya book report position paper panunuring pampanitikan policy study Handout 3 Teknikal-Bokasyunal na sulatin - pagsulat na may kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, kalusugan, inhenyera, at iba pa. \- Nagbibigay impormasyon sa mambabasa. Layunin Tatlong layunin ng pagsusulat ng pangteknikal-bokasyunal Makapagbigay-kaalaman \- Nagpapaliwanag at nagpapaunawa ng isang bagay, paniniwala, idilohiya, pagbibigay direksyon at proseso. Makapag-analisa at makapagisip ng mga pangyayari at ang maaring impikasyon nito \- Pinapaliwanag at binibigyang linaw ang mga sanhi kung bakit bigo ang isang plano, pag aaral, disenyo, at iba pa Makaimpluwensiya \- Layunin nito ang maimpluwensiyahan ang karamihan. Gamit maraming pwedeng paggamitan ang teknikal bokasyunal na sulatin. 1\. Bilang batayn sa desisyong ng mga ehekutibo at mga may-ari ng mga pribadong kumpanya 2\. Bilang batayn sa desisyong ng mga ehekutibong pulitiko at mambabatas sa gobyerno. 3\. Pagbibigay ng tagubilin at proseso. 4\. Magpaliwanag ng pamamaaraan ng paggamit. 5\. Bilang anunsyo 6\. Ipagbigay alam ang makabagong produkto. 7\. Ipagbigay alam ang mga serbisyo ng isang indibidwal, kumpanya, o gobyerno 8\. Makalikha ng proposal Handout 4 Katangian \- May layunin ang mga bawat sulatin. a\. highit na naglalaman ng impormasyon b\. walang bahid ng emosyon c\. may sinusunod na proseso d\. Gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo e\. Gumagamit ng sanhi\'t bunga f\. May katangiang maghambing at pumuna ng pagkakaiba g\. May kakayahang magbigay ng interpretasyon Kahalagahan \- importante ang teknikal bokasyunal na pagsusulat sa napakaraming disiplina simula sa larangan ng agham at pati na din ng sining. a\. walang bahid ng emosyon b\. purong impormasyon lamang ang binibigay c\. hindi nagbibigay-aliw ang sulating teknikal-bokasyunal mahusay na sulating teknikal bokasyunal \- Iba\'t iba ang pamantayan sa kahit anong sulatin at lathalain. a\. madaling unawain ng mambabasa b\. madaling makita ng mambabasa ang layunin ng artikulo c\. Naibabahagi ng maayos at may pagkakasunod-sunod ukol sa paksang isinulat d\. May klarong obhetibo e\. Gumagamit ng etikang pamantayan at hindi naninira ng katayuan ng ibang tayo, ideya, produkto, o kompanya Handout 5 Uri at kinapapalooban \- Ang teknikal na lathalain ay dapat lamang na tiyak, may tuon, sigurado at hitik sa impormasyon. 1\. Instruksyon ng pagsasagawa - Ito ay nagbibigay ng mga proseso kung paano gamitin ang isang kagamitan 2\. Proposal - ito ay isang sulatin na naglalaman ng metodo, layunin, gawain, at obhetibo ng isang proyekto 3\. e-mails at memorandum - ito ay mga sulatin na karaniwang ginagamit sa iba\'t ibang kalakaran 4\. Press releases- ito ay isinasagawa para sa anumang anunsiyo na pampubliko. 5\. Specifications - ito ay isang uri ng sulatin na nagbibigay ng sukat, itsura ng estraktura, kulay at iba pa. 6\. Resume - ito ay isang sulatin na nagpapakilala ng isang aplkinate na naghahanap ng trabaho sa isang kumpanya 7\. Ulat-teknikal - Ito ay nagbibigay analisis sa isang sitwasyon, kaso, paksa at iba pa Mha hakbang sa teknikal na pagsusulat \- Lingid sa kaalaman ng lahat, maaring makapagsulat ang sinuman ng isang lathalaing teknikal kahit kakaunti ang pagsasanay. 1\. Pagpaplano - Importanteng malaman kung sino ang target na babasa ng iyong sulatin at ano ang layunin ng lathalain 2\. Nilalaman - Alamin ang dapat na nilalaman ng lathalaing isusulat. Importante na malaman mo din kung saan hahanap ng mga impormasyon. Marapat lamang na magsaliksik ng maigi at kumpletuhin ang datos at salain itong mabuti bago gamitin 3\. Pagsulat - Isulat ang bawat burador o draft at irebyu ng husto 4\. Lokalisasyon - alamin kung may mga terminong kailangan isalin sa filipino. Unawain na may mga salitang ingles na walang salin sa filipino. Rebyu - Sikaping malaman ang kahinaan at kalakasan ng iyong naisulat. Ayusin ang balarila, baybayin at iba pang detalye.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser