Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat (PDF)

Document Details

LuxuriantQuasar

Uploaded by LuxuriantQuasar

Davao Central College

Sir Marvin K. Assim, LPT

Tags

Tagalog Writing Composition Education

Summary

This document is a lecture on writing in Tagalog focusing on different aspects such as meaning, elements, types and purposes. It discusses several forms of writing.

Full Transcript

Aralin 1 Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat Guro: Sir Marvin K. Assim, LPT Aralin 1 Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat:  Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat  Pananaw sa Pagsulat  Mga Layunin sa Pagsulat  Mga Uri ng Pagsulat Katulad ni Mareng Taylor Swift ay isang produkt...

Aralin 1 Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat Guro: Sir Marvin K. Assim, LPT Aralin 1 Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat:  Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat  Pananaw sa Pagsulat  Mga Layunin sa Pagsulat  Mga Uri ng Pagsulat Katulad ni Mareng Taylor Swift ay isang produktibong manunulat ng kanta na kilala sa kanyang malalim na personal at kwentong nakabatay sa liriko. Mayroon siyang natatanging talento sa pagsasalaysay, madalas na kumukuha mula sa kanyang sariling mga karanasan sa buhay upang lumikha ng mga kanta na umaantig sa malawak na tagapakinig. Ang pagsusulat ni Swift ay kilala sa kanyang emosyonal na katapatan, malinaw na paglalarawan, at mga temang madaling maiugnay, na sumasaklaw sa mga genre mula sa country hanggang pop at indie folk. Ano ang kahulugan at kalikasan ng Pagsulat? Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan. Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain. Pananaw sa Pagsulat Sosyo-kognitibo Isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat. Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa mental na aktibiti ang pagsasaalangalang sa mga mambabasa at sa kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto. Komunikasyong Intrapersonal at Interpersonal Isa itong proseso ng pakikipagusap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na “Ano ang aking isusulat? Paano ko ito isusulat? Sino ang babasa ng aking isusulat? Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?” Isa rin itong praan ng pakikipagusap sa mambabasa, isang tao man o higit pa. Pananaw sa Pagsulat Multi-dimensyonal na Proseso Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan. Ito ay isang gawaing Personal at Sosyal. Personal na gawain ang pagsulat kapag ginagamit para sa layuning ekspresibo o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal naman na gawain ang pagsulat kapag ito ay ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipagugnayan sa iba pang tao sa lipunan (transaksyonal). Oral na Dimensyon Isang dimension ng pagsusulat na nagsasabing ang pagsusulat ay isang pakikipag-usap sa mambabasa. Pananaw sa Pagsulat Biswal na Dimensyon Isang dimension na nagsasabing ang mga simbolong nakalimbag , na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay nakakatulong sa pagkamit sa layunin ng mga manunulat. Tandaang ang mga biswal na imahe ay ang mga istimulus sa mata ng mga mambabasa na magsisilbing susi sa paggana ng kanilang komprehensyon upang mas maging malinaw at maintindihan ang isang akda. Mga Layunin sa Pagsulat 1. Impormatibong Pagsulat (expository writing) Naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Ang pagsulat ng report ng obserbasyon, mga estradistikang makikita sa mga libro at ensaklopidya, balita at teknikal o bisnes report ay may layuning impormatibo. 2. Mapanghikayat na Pagsulat (persuasive writing) Naglalayong makumbinsi ang mga mamababasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais impluwensyahan ng isang awtot. Ang pagsulat ng mga proposal at konseptong papel ay may layuning ganito. Ang isang editorial, sanaysay, talumpati ay maaari ring may layuning mapanghikayat. Mga Layunin sa Pagsulat 3. Malikhaing Pagsulat Kadalasan itong ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay ang pagpapahaga lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito. Mga Uri ng Pagsulat 1. Akademiko Isang intelektwal na pagsusulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masasabing akademiko mula sa antas ng primary hanggang sa doktoradong pag-aaral. Halimbawa: Sanaysay, eksperimento, term paper, pamanahong papel at tesis. 2. Teknikal Isang uri ng pagsulat na nagsasaad ng mga impormasyon maaaring makatulong sa pagbibigay ng solusyon sa isang komplikadong suliranin. Halimbawa: Feasibility study, Disertasyon, Tesis Mga Uri ng Pagsulat 3. Journalistic Isang uri ng pagsulat na pampamamahayag na kadalasang ginagawa o ginagamit ng mga mamamahayag o journalist. Halimbawa: Balita, Editoryal, Iba pang akda na makikita sa mga pahayagan o magasin. 4. Reperensyal Uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa. Madalas ay ibinubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat upang maging isang reperens. Halimbawa: Makikita ito sa pamanahong papel, tesis lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura at ang pagsusulat ng mga impormasyon sa mga note cards. Mga Uri ng Pagsulat 5. Propesyonal Isang uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon. Halimbawa: Police Report ng mga pulis, Investigative Report ng mga imbestigador, Legal forms ng mga abogado at Legal researchers, medical report at patient’s journal ng mga doctor at nars. 6. Malikhain Isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng masining na pamamaraan. Ang pokus nito ay pukawin ang imahinasyon at damdamin ng mga mambabasa, maaaring piksyonal at di-piksyonal ang akdang isusulat. Halimbawa: Tula, Nobela, Maikling kwento, Dula, Seneserye. Pagpapalalim… 1. Ano ang kahulugan ng pagsulat at paano ito naiiba sa iba pang anyo ng komunikasyon? 2. Paano mo ilalarawan ang kalikasan ng pagsulat bilang isang proseso? 3. Bakit mahalaga ang pagsulat sa personal, akademikong, at propesyonal na buhay? 4. Paano nakakatlong ang pagsulat sa pag-unlad ng kritikal na pag- iisip at analitikal na kakayahan ng isang tao? Maraming Salamat sa inyong pakikinig! - Sir Shugg 

Use Quizgecko on...
Browser
Browser