Pambansang Teritoryo ng Pilipinas (PDF)

Document Details

PrudentBiedermeier

Uploaded by PrudentBiedermeier

Mother Goose Special School System, Inc.

2022

Tags

Pilipinas heograpiya lokasyon kasaysayan

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalahad ng heograpiya ng Pilipinas, pati na rin ang mga kasunduan at konstitusyon na may kaugnayan sa teritoryo nito. Kasama sa mga natalakay ang mga isla, grupo ng mga isla, lokasyon ng mga lugar, at ang mga kasunduan na may kaugnayan sa teritoryo ng Pilipinas.

Full Transcript

Ang heograpiya ay pag-aaral ng tungkol sa mundo. Sa pamamagitan nito, nailalarawan ang katangiang pisikal ng isang pook o bansa. Natutukoy din ang lokasyon ng isang pook sa mundo. Sa pagtukoy ng lokasyon, mahalagang gamitin ang mapa at globo. I SS Ang Republika ng Pilipinas ay isang...

Ang heograpiya ay pag-aaral ng tungkol sa mundo. Sa pamamagitan nito, nailalarawan ang katangiang pisikal ng isang pook o bansa. Natutukoy din ang lokasyon ng isang pook sa mundo. Sa pagtukoy ng lokasyon, mahalagang gamitin ang mapa at globo. I SS Ang Republika ng Pilipinas ay isang malayang estado sa Silangang Asya na may 7,641 na isla at teritoryo na tinatayang higit sa 300,000 kilometrong kwadrado (sq. km) ang laki. Nahahati ito sa tatlong grupo ng mga isla: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang buong GS kapuluan ay ipinangalan kay Prinsipe Philip (nang maglaon ay naging Haring Philip II) ng España ayon sa sinimulan ni Ruy Lopez de Villalobos, isang Kastilang manlalayag, noong siya ay nasa ekspedisyon dito noong 1542-1546. Ang mapa ay ang patag na representasyon ng mundo o ng isang pook. M Ang globo ay ang bilog na modelo ng mundo. MGSSSI: School Year 2022-2023 May tatlong paraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang pook sa mundo: 1. batay sa latitud at longhitud – tiyak na lokasyon 2. batay sa mga karatig-bansa – lokasyong bisinal 3. batay sa nakapaligid na anyong tubig – lokasyong insular/maritima Sa lokasyong bisinal, ang mga karatig-bansa o lupain ng Pilipinas sa hilaga ay Hapon at Taiwan; sa kaunlaran ay Cambodia, Laos, Vietnam, at Thailand at sa timog ay Malaysia, Brunei, at Singapore. Sa lokasyon insular, ang Pilipinas ay napapaligiran ng Lagusan ng Bashi sa gawing hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, Timog Dagat Tsina sa kanluran, at Dagat Celebes sa timog. Sa lokasyon batay sa latitude at longhitud, ang Pilipinas ay matatagpuan sa 4˚ hanggang 21˚ Hilagang Latitud at 116˚ hanggang 127˚ Silangang Longhitud. May dulot na halaga o epekto sa Pilipinas ang lokasyon nito sa mundo. Ang pinagsama-samang mga paralel ng latitude at meridyano ng longhitud ay tinatawag na grid. Ang grid ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng isang pook sa mapa o globo. Mga Kasunduan hinggil sa Teritoryo ng Pilipinas 1. Kasunduan sa Paris - Ang pamamahala sa teritoryo ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa United States. Nilagdaan ang kasunduan noong Disyembre 10, 1898. 2. Kasunduan ng Espanya at United States Ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, Sibutu, at iba pang maliliit na pulo kabilang sa Kapuluan ng Sulu na nakaligtaan sa Kasunduan sa Paris ay isinama sa teritoryo ng Pilipinas. Ang kasunduan ay nilagdaan sa Washington noong 1900. 3. Kasunduan ng United States at Britanya Kinilala sa kasunduan na bahagi ng kapuluan ng Pilipinas ang Turtle Islands at Mangsee Islands na nasa pagitan ng Borneo at Sulu. Nilagdaan noong Enero 2, 1930. 0. Ang Konstitusyon ng 1935 Naging bahagi ng Pilipinas ang mga Pulo ng Batanes dahil sa paninirahan at pagmamay-ari ng mga mamamayang Pilipino sa mga pulong ito. 5. Ang Konstitusyon ng 1973 at 1987 Nakalahad dito na ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang lahat ng mga pulo at tubig na saklaw nito, ang mga tubig na nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan maging anuman ang lapad at laki ng mga ito.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser