Araling Panlipunan 8, Unang Markahan, Modyul 2: Heograpiyang Pantao, PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

2020

Leonor Magtolis Briones, Diosdado M. San Antonio, Sheila M. Penza, Jerisse J. Parajes, Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio,Alfe S. Lito etc

Tags

Araling Panlipunan Heograpiyang Pantao Filipino edukasyon

Summary

Ang modyul na ito ay mga aralin sa Heograpiyang Pantao para sa ika-8 baitang sa Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga pagsusulit at gawain para mas maunawaan ang mga araling may kinalaman sa heograpiyang pantao.

Full Transcript

8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao CO_Q1_AP-8_Module 2 Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao Unang Ed...

8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao CO_Q1_AP-8_Module 2 Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Sheila M. Penza, Jerisse J. Parajes Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Fernando Dones, Jr., Carlos Catalan, Jr. Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Edwin C. Salazar, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon Tagaguhit: Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal, Joshua A. Frondozo Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: [email protected] 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:  Paksa 1 - Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya  Paksa 2 - Estruktura ng Daigdig Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:  Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-4) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:  nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;  nailalarawan ang daigdig base sa nakakapaloob sa teksto;  napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at  nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig. 1 CO_Q1_AP-8_Module 2 Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Shintoismo 2. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat? A. lahi C. relihiyon B. Pangkat-etniko D. wika 3. Alin sa sumusunod ang hindi nag-uugnay sa mga miyembro ng pangkat- etniko? A. klima C. relihiyon B. pinagmulan D. wika 4. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinaka- maraming gumagamit? A. Afro-Asiatic C. Indo-European B. Austronesian D. Niger-Congo 5. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Kristiyanismo 6. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan? A. etniko C. paniniwala B. lahi D. wika 7. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat? A. etniko C. relihiyon B. lahi D. wika 8. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Judaismo 2 CO_Q1_AP-8_Module 2 9. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika? A. etniko C. etnolingguwistiko B. etnisidad D. katutubo 10. Ano ang pangunahing batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw- araw na pamumuhay? A. etniko C. lahi B. etnisidad D. relihiyon 11. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Kristiyanismo 12. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao? A. ito ay susi ng pagkakaintindihan B. sisikat ang tao kung marami ang wika C. dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika D. yayaman ang tao pag may maraming alam na wika 13. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao? A. lahi C. teknolohiya B. relihiyon D. wika Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong. Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala Kristiyanismo 31.59% Islam 23.20% Hinduismo 15.00% Non-religious 11.67% Budismo 7.10% Iba pa 11.44% 14. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa itaas? A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo. B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo. C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala. D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo. 15. Batay sa talahanayan, ilang bahagdan ang bumubuo sa non-religious group? 1. 7.10% C. 11.67% 2. 11.44% D. 15.00% 3 CO_Q1_AP-8_Module 2 Aralin Heograpiyang Pantao 1 Balikan Gawain 1: Ilarawan Mo! Panuto: Sa nakaraang paksa ay napag-aralan mo ang pisikal na heograpiya ng daigdig. Paano mo mailalarawan ang daigdig na iyong ginagalawan? Gawin ito sa sagutang papel. 1. 2. 3. Tuklasin Gawain 2: Concept Map Panuto: Kumpletuhin ang concept map na nasa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang mga saklaw ng heograpiyang pantao. Heograpiyang Pantao Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa iyong mga sagot sa itaas na gawain, ano ang iyong mabubuong kahulugan ng heograpiyang pantao? 4 CO_Q1_AP-8_Module 2 Suriin Saklaw ng heograpiyang pantao o human geography ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Wika Gaano nga ba kahalaga ang wika? Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa at salamin ng isang kultura. Ito ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang wika ay ipinagkaloob ng Diyos sa atin at ipinamana pa sa mga sinaunang tao sa mundo at ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo. Batay sa datos mula sa aklat ng “Kasaysayan ng Daigdig” na sinulat ni Blando et. al. (2014), tinatayang may 7,105 buhay na wika sa mundo ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. May 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Mga Katangian ng Wika 1. Dinamiko – nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at pandaigdigan na pagbabago. 2. May sariling kakanyahan – hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang wika. 3. Kaugnay ng wika ang kultura ng isang bansa – ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian, at paniniwala ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay. 5 CO_Q1_AP-8_Module 2 Talahanayan 1: Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig Pamilya ng Wika Buhay na Wika Bahagdan ng mga Nagsasalita Afro-Asiatic 366 5.81 Austronesian 1221 5.55 Indo-European 436 46.77 Niger-Congo 1524 6.91 Sino-Tibetan 456 20.34 Relihiyon Ang relihiyon ay nagmula sa salitang religare na nangangahulugang “pagsasama-sama o pagkakabuklod-buklod.” Ito ay kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat ng tao. Bawat relihiyon ay may kaniya-kaniyang kinikilalang Diyos na sinasamba. Kadalasan ang mga paniniwalang nakapaloob sa mga aral at turo ng relihiyon ay naging basehan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pamumuhay sa araw-araw. Kung matatandaan ang ating mga ninuno ay mayroon din sariling paniniwala na naging gabay sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Hindi organisado at sistematiko ang paniniwala nila noon. Ang mga relihiyon sa kasalukuyan ay organisado at may doktrinang sinusunod. Suriin sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng dami ng tagasunod nito. Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig Iba pa 11.44% Non-Religious Kristiyanismo 11.67% 31.59% Budismo 7.10% Hinduismo 15.00% Islam 23.20% 6 CO_Q1_AP-8_Module 2 Lahi at Pangkat-Etniko Ang mga tao sa daigdig ay nahahati sa iba’t ibang pangkat. Isa sa mga batayan ay ang pangkat-etniko na kaniyang kinabibilangan. Ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Maliwanag ang pagkakakilanlan ng bawat pangkat-etniko dahil pinagbubuklod ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon. Samantala, ang race o lahi ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat. Ayon sa mga eksperto may iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig na nagdulot ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon. Tinatawag din na pangkat etnolingguwistiko ang mga pangkat-etniko dahil karamihan sa mga ito ay gumagamit ng iisang wika. Mayroong iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko sa daigdig. Halaw sa datos na sinulat ni Minahan noong 2014, ang Han Chinese na may tinatantiyang populasyon na 1.4 bilyon ang pinakamalaking pangkat-etniko sa buong daigdig. Ito ay sinundan ng mga Arabs na may populasyong 450 milyon (Nydell, 2005), at ang pangatlo ay ang Bengalis na may populasyon na 230 milyon (Ethnologue 2014). Grupong Etnolingguwistiko Ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura. Dalawang Batayan ng Paghahating Etnolingguwistiko 1. Wika – sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat. 2. Etnisidad – ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at saloobin. Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pagkakaiba ng wika at etnisidad bilang dalawang batayan ng paghahating Etnolingguwistiko? 2. Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating Etnolingguwistiko? 3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan? 7 CO_Q1_AP-8_Module 2 Pagyamanin Gawain 3: Word Hunt Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang sampung salitang may kaugnayan sa heograpiyang pantao. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. Gawain 4: Pahalagahan Mo! Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Paano mo pahahalagahan ang iyong… Wika Relihiyon Lahi 8 CO_Q1_AP-8_Module 2 Isaisip Gawain 5: Ipaliwanag Mo! Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. 1. Paano nakatulong ang relihiyon o paniniwala sa paghubog ng iyong pagkatao? 2. Bakit nagiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig? 3. Sa iyong pananaw, nakakatulong ba ang wika sa pagkakaisa at kaunlaran? Ipaliwanag ang iyong sagot. 9 CO_Q1_AP-8_Module 2 Isagawa Gawain 6: Ang Aking Pinagmulan Panuto: Iguhit ang larawan at punan ito ng mga mahahalagang taglay sa aspeto ng wika, relihiyon, at lahi sa loob ng pigura ng tao. Ibase ang mga susulating taglay sa iyong kapaligirang ginagalawan ayon sa salitang nakapaloob sa hugis. Gawin ito sa sagutang papel. Wika Relihiyon Lahi 10 CO_Q1_AP-8_Module 2 Gawain 7: Wika Ko Mahal Ko Panuto: Basahin at unawin ang tanyag na pahayag ni Dr. Jose Rizal tungkol sa pagmamahal sa sariling wika na ipinapakita sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na katanungan. Gawin ito sa sagutang papel. “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.” Mga gabay na tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Jose Rizal? 2. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa paglalarawan ni Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong magmahal ng sariling wika? 3. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika? 4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika? Gawain 8: Pagsulat ng Tula Panuto: Sumulat ng isang saknong na tula na nagpapahayag ng pagmamahal sa sariling wika at isulat ito sa sagutang papel. Rubrik Para sa Paggawa ng Tula Pamantayan Magaling Katamtamang Nangangailangan Puntos galing ng pagsasanay 5 3 1 Pagpapahayag Naipahayag Naipahayag Hindi naipahayag ng mensahe nang maayos ang mga nang maayos ang at kompleto detalye. detalye. ang mga detalye. Masining na Ang mga Ang mga salita Ang mga salita ay pagkakagawa salita ay ay naaangkop hindi naaangkop naaangkop at ngunit hindi at nagkakatugma. may mga nagkakatugma tugma.. Kabuuang Puntos 11 CO_Q1_AP-8_Module 2 Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika? A. etniko C. etnolingguwistiko B. etnisidad D. katutubo 2. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay? A. etniko C. lahi B. etnisidad D. relihiyon 3. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao? A. lahi C. teknolohiya B. relihiyon D. wika 4. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India? A. Budhismo C. Islam B. Hinduismo D. Shintoismo 5. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat? A. lahi C. relihiyon B. Pangkat-etniko D. wika 6. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinaka- maraming gumagamit? A. Afro-Asiatic C. Indo-European B. Austronesian D. Niger-Congo Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala Kristiyanismo 31.59% Islam 23.20% Hinduismo 15.00% Non-religious 11.67% Budismo 7.10% Iba pa 11.44% 12 CO_Q1_AP-8_Module 2 7. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan? A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo 8. Batay sa talahanayan, ilang bahagnan ang bumubuo sa non-religious group? A. 7.10% C. 11.67% B. 11.44% D. 15.00% 9. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Kristiyanismo 10. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan? A. etniko C. paniniwala B. lahi D. wika 11. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat? A. etniko C. relihiyon B. lahi D. wika 12. Alin sa sumusunod ang hindi nag-uugnay sa mga miyembro ng pangkat etniko? A. klima C. relihiyon B. pinagmulan D. wika 13. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Judaismo 14. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod? A. Budismo C. Islam B. Hinduismo D. Kristiyanismo 15. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao? A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan. B. Sisikat ang tao kung marami ang wika. C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika. D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika. 13 CO_Q1_AP-8_Module 2 Karagdagang Gawain Gawain 9: Pagbuo ng Jingle Panuto: Gumawa ng tatlong saknong na jingle na nagsasaad ng pagpapahalaga sa iyong pinagmulan. Gawin ito sa sagutang papel. Rubrik para sa Paggawa ng Jingle Katamtamang Nangangailangan Magaling Pamantayan galing ng pagsasanay Puntos 3 2 1 Kaangkupan Naipaabot May kulang o Hindi malinaw at ng mensahe nang malinaw may hindi marami ang ang malinaw sa kulang sa mga dapat na kahalagahan kahalagahan ng kahalagahan ng ng heograpiya heograpiya sa heograpiya sa sa pagbuo at pagbuo at pag- pagbuo at pag- pag-unlad ng unlad ng isang unlad ng isang isang kabihasnan kabihasnan kabihasnan Masining na Masining ang Masining ang Ang kabuuan ng pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa ng jingle ay gumamit ng jingle, jingle subalit ng mga salitang hindi angkop sa kung saan may mga salita aralin at hindi tama ang mga na hindi angkop kaaya-ayang salita at sa aralin basahin nakatatawag pansin Kabuuang Puntos 14 CO_Q1_AP-8_Module 2 CO_Q1_AP-8_Module 2 15 Suriin Mga Pamprosesong Tanong 1. Ano ang pagkakaiba ng wika at etnisidad bilang dalawang batayan ng paghahating Etnolingguwistiko? Sagot: Ang Wika ay sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat ang Etnisidad ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at saloobin. 2. Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating Etnolingguwistiko? Sagot: Mahalaga ang wika at etnisidad dahil ang wika ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ito ang ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo. Ang etnisidad naman ay pinagbubuklod ang isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at saloobin. Tuklasin Gawain 2: Talaan ng Bituing Nagniningning Balikan Subukin Gawain 1: Ilarawan Mo! 1. B 2. D 1. Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin. 3. A 4. C 2. Ang daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong parte na ang 5. D kapal ay umaabot mula 30-65 kilometro. 6. A 7. C 3. Ang daigdig ay may apat na hating-globo. 8. C 9. C 10. D 11. A 12. A 13. C 14. B 15. C Susi sa Pagwawasto CO_Q1_AP-8_Module 2 16 Isaisip Gawain 4: Pahalaghan Mo! 1. Nakatulong ang relihiyon o paniniwala sa pamamagitan ng mga aral at turo ng relihiyon na siyang naging basehan sa pagkilos sa araw-araw na pamumuhay. 2. Naging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig dahil sa pamamagitan ng wika nagkakaintindihan ang mga tao. Maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkaintindihan kung lubos ang paniniwala ng mga tao sa relihiyon. Ganoon din sa lahi at pangkat-Etniko dapat pantay-pantay ang pagtingin sa kapwa na may respeto at pagmamahal para sa pagkakaisa. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay puwedeng mabuhay ang lahat ng may buhay sa daigdig kagaya ng tao at hayop. 3. Oo, ang wika ay nakatulong sa pagkakaisa at kaunlaran dahil ang wika ay siyang ginagamit upang magkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ang mga tao sa mundo at paraan din ito sa pag-unlad ng bansa. Gawain 4: Pahalaghan Mo! Wika Relihiyon Lahi mahalin respetohin respetohin palaganapin pagbibigay halaga pagkakaisa tangkilikin paniniwala ipagmalaki pagyamanin mahalin pantay-pantay Pagyamanin Gawain 3: Word Hunt Suriin Mga Pamprosesong Tanong 3. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan? Sagot: Maipapakita ko ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng pagtangkilik o paggamit nito sa aking pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa. CO_Q1_AP-8_Module 2 17 Karagdagang Gawain Tayahin Gawain 9: Pagbuo ng Jingle 1. C Halimbawa: 2. D 3. C “Pinagmulan ng Tao, Pinagmulan ng Lahi” 4. B 5. D Nina: Jerrise J. Parajes at Elgemary S. Abata 6. C 7. B I 8. C Bawat tao sa buong mundo, 9. D May kaniya-kaniyang pinagmulan, 10. A Mula sa hilaga, timog, silangan at kanluran, 11. C Iba-iba ang wika, lahi, kultura at kaugalian, 12. A Pero nagkakaintindihan at may pagtutulungan. 13. C 14. A II 15. A Pinagmulan dapat huwag kalimutan, Isaisip, damhin at pagtibayin, Walang makahahadlang sa pagbahagi, Isagawa Dahil kapuwa tao ay likha ng Panginoon. Gawain 8: Pagsulat ng Tula Halimbawa: III Wika Halina’t ipaalam saan mga sulok, Ipagmalaki ang kinagisnang lahit at kultura, Wikang kinagisnan Sapagkat ang bawat nilalang ay may, Marapat lamang pag-aralan Kaniya-kaniyang pinagmulan. Pagka’t ito’y pamana sa bayan Ng mga bayaning lumalaban Isagawa Gawain 7: Wika Ko Mahal Ko 1. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Jose Rizal? Sagot: Ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Dr. Jose Rizal ay gamitin at tangkilikin ang ating sariling wika kapag may pagkakataon upang masanay ang ating diwa at dila sa pagiging isang Filipino. 2. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa paglalarawan ni Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong magmahal ng sariling wika? Sagot: Ang mahihinuha ko tungkol sa paglalarawan ni Dr. Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong magmahal sa sariling wika ay nagsisilbi itong babala para sa mga taong walang magpahalaga sa sariling wika. Ang paglimot sa ating sariling wika ay pagpapakita ng kawalan ng malalim na pagkatao at pagkakakilanlan. 3. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika? Sagot: Mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika dahil ito ay nagsisilbing kaluluwa ng bansa. Sa pamamagitan ng sariling wika nabubuklod-buklod ang puso’t diwa ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang isang taong hindi marunong magmahal sa kaniyang sariling wika ay nabubuhay sa isang mundong hindi kaniya at sa kalauunan ang kaniyang kaisipang Filipino ay manlulupaypay at mawawalan ng halaga. 4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika? Sagot: Maipapakita ko ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng pagtangkilik o paggamit nito sa aking pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa. Ipagmamalaki ko ito lalo na sa mga dayuhan dahil sa pamamagitan nito mas maipapakilala ko ang aking buong pagkatao…ang aking pagka-PILIPINO. Sanggunian "Bengali". Ethnologue. Retrieved 30 September 2014.Total first-language Bengali users in all countries. Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). Minahan, James B. 2014. Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia. Santa Barbara, California: ABC-CLIO. Nydell, Margaret Kleffner. 2005. Understanding Arabs: A Guide for Modern Times. Boston: Intercultural Press. 18 CO_Q1_AP-8_Module 2 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser