Document Details

Uploaded by Deleted User

Philippine Science High School - Main Campus

G. Merland Alvarez Mabait

Tags

Teoryang Pampanitikan Literary Theories Literary Criticism Philippine Literature

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga pangunahing teoryang pampanitikan, kabilang ang Bayograpikal, Historikal, Klasismo, Humanismo, Romantisismo, Realismo, Pormalistiko, Siko-Analitiko, Eksispensyalismo, Istrukuralismo, at Dekonstruksyon. Naglalaman din ito ng mga halimbawa ng mga gawaing pampanitikan na nauugnay sa bawat teorya.

Full Transcript

## Teoryang Pampanitikan G. Merland Alvarez Mabait Philippine Science High School-Main Campus ### Teorya Formulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito. ### Teoryang Pampanitikan Isa...

## Teoryang Pampanitikan G. Merland Alvarez Mabait Philippine Science High School-Main Campus ### Teorya Formulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito. ### Teoryang Pampanitikan Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang and layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating binabasa. ### Mga Pagdulog * Saan ito nagmula? * Ano ang layunin nito? * Ano ang mga halimbawa? * Ano ang mga katangian? * Mahalaga bang pag-aralan ito? ### Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka" na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. #### Kondisyon Kaakibat ng Teoryang Bayograpikal: 1. Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda mismo na siyang binabasa at sinusuri kung kaya't kailanman ay hindi ito ipinapalit sa buhay ng makata o manulalat. 2. Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa kanyang akda ay hindi dapat maging kapasyahan ng sinumang bumabasa ng akda. #### Mga Halimbawa * 'Si Boy Nicolas' ni Pedro L. Ricarte * 'Utos ng Hari' ni Jun Cruz Reyes * 'Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat' ni Dr. Luis Gatmaitan * Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas * 'Mga Gunita' ni Matute * 'Sa mga Kuko ng Liwanag' ni Edgardo Reyes ### Historikal * Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay tao at ng mundo. * Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may-akda. * Ang wika at panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin. #### Panuntunan sa paggamit ng Teoryang Historikal: "ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-aaral." #### Mga Halimbawa * 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo' ni Dr. Jose P. Rizal * 'Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog' ni Julian Cruz Balmaceda * 'Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog' ni Iñigo Ed Regalado ### Klasismo Grecia bago isinilang si Kristo. * Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan. Karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. #### Klasismo * Nakasentro sa mga dulang itinatanghal: Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinaktatanyag na uri ng dula. * Gintong Panahon (80 B.C) nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre sa pagsulat at pagsusuri: (epiko, satiriko, tulang liriko at pastoral) * Panahon ng Pilak: * Paglaganap ng prosa at bagong komedya. * Talambuhay, liham-gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan. * Paniniwala: kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain. * Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan. * Pananaw: sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang lundayan ng klasismo. * Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista-"hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon." #### Katangian ng Akdang Klasiko * Pagkamalinaw * Pagkamarangal * Pagkapayak * Pagkamatimpi * Pagkaobhetibo * Pagkakasunud-sunod * Pagkakaroon ng hangganan #### Halimbawa * 'Florante at Laura' ni Francisco Balagtas ### Humanismo * Pagsilang sa Italya Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng Mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp. #### Humanismo * Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura. * Humanismo - ang humuhubog at lumilinang sa tao. * Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kaya't mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya. * Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin. (magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaliw at pagpapahalaga sa katotohanan.) ### Romantisismo * Europa (ikalawang hati ng ikalabintwalong dantaon) Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinaklakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. #### Romantisismo * Dalwang Uri * Romantisimong tradisyunal - nagpapahalaga sa halagang pantao. * Romantisimong rebolusyonaryo - pagkamakasariling karakter ng isang tauhan. * Romantiko- tawag sa pamaaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Romantisismo. * Naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa pag-unlad. * Inspirasyon + Imahinasyon= natatanging instrumento ng mga romantiko para matuklasan ang nakakubling katotohanan/ bumubuo sa pagiging totoo, maganda. * Kapangyarihang rebolusyonaryo at damdamin. * Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal, katotohanan, kabutihan ay kagandahan. #### Makatang Romantiko: * Panulaang Pilipino: * Jose Corazon de Jesus * Lope K. Santos * Ildefonso Santiago * Florentino Collantes * Iñigo Ed Regalado * Teodoro Gener * Maikling kwento at Nobela * Macario Pineda * Jose Esperanza * Faustino Galauran ### Realismo * Rebolusyong Industriya: Ika-19 na Siglo Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. #### Realismo * Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. * Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. * Paksa: kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp. #### Mga Halimbawa: * 'Noli Me Tangere' at 'El Filibusterismo' ni Dr. Jose P. Rizal * 'Banaag at Sikat' ni Lope K. Santos * 'Santanas sa Lupa' ni Celso Carunungan * 'Laro sa Baga' ni Edgar Reyes * 'Ito Pala ang Inyo' ni Federico Sebastian (dula) * 'May Isang Sundalo' at 'Nana' ni Rene Villanueva (dula) ### Pormalistiko Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa- walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri't pang-unawa. #### Pormalistiko * Tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuud ng pagdulog na ito. * Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. * Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda. ### Siko-Analitiko * Bago ipanganak si Kristo * Tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. * "Nasa pahahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay". * Nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan. ### Eksistensyalismo * Huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). #### Eksistensyalismo * Ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain. * Maihahalintulad ito sa dalwang teorya: * Romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon. * Modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan. #### Halimbawa * 'Ako ang Daigdig' ni Alejandro G. Abadilla * 'Aanhin Nino 'Yan?' Panitikang Thai Salin ni Lualhati Bautista ### Istrukturalismo * Unang dekada ng ika-20 dantaon. Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan- ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghulug ng kamalayang panlipunan. * 'di-makatao' ### Dekonstruksyon * Dekada '60: ipinakilala ni Jacques Derrida Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo. #### Dekonstruksyon * Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay di matatag at nagbabago. * Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng teksto. * Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakaslungat na kahulugan o implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap. #### Halimbawa * 'Tata Selo' ni Rogelio Sicat * 'Kay Estella Zeehandelaar' salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo ### Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. #### Feminismo * Apat na Panahon ng Feminismo * Mga aklat nina Kate Millen, Germaine Greer, at Eva Figes. * Pagkakalathala ng mga aklat nina Showalter, Gilbert at Gubar * Ang tuwirang pakikipag-ugnayan ng feminismo sa post-istrukturalismo * Ang feminismong may kaugnayan sa post-modernismo * Ang mga babae ng panitikan ay inilaraman ng ilang manunulat bilang mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan at masama. * Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan. #### Mga Halimbawa * 'Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata't Paraluman' ni Lilia Quindoza Santiago (tula) * 'Sandaang Damit' ni Fanny Garcia (maikling kwento) * 'Sumpa' ni Rowena Festin (tula) * 'Paano Tumutula ang Isang Ina' ni Ligaya G. Tiamson-Rubin (tula) ### Gawain Isulat/ Ilagay sa Short bond paper/ makulay na papel at ipapasa sa susunod na pagkikita. Mag-isip/ gumawa ng sariling Teorya/ Pagdulog na maaaring magamit sa pagsusuri ng isang akda. Ibatay ito sa sariling pag-uugali, gawi, kilos, kinalakihang tradisyon. ### Rubriks * Pangalan: -3 * Pagpapaliwanag: -5 * Presentasyon: -2 Kabuuan: 10/1.00

Use Quizgecko on...
Browser
Browser