Teorya ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng iba't ibang teorya hinggil sa pinagmulan ng wika. Tinatalakay dito ang mga teoryang Bow-wow, Ding-dong, Pooh-pooh, at Yo-he-ho. Binibigyang-diin ang mga tunog ng kalikasan at damdaming nagmula sa mga tao.
Full Transcript
Teoryang Bow-wow -- Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa?y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Teoryang Ding-dong -- Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan a...
Teoryang Bow-wow -- Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa?y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Teoryang Ding-dong -- Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan. Teoryang Pooh-pooh -- Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. Teoryang Yo-he-ho -- Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.