Document Details

SupportiveRutherfordium

Uploaded by SupportiveRutherfordium

Tags

language theories Tagalog linguistics communication language studies

Summary

This document discusses different theories of language in Tagalog. It explores various concepts like the evolution of language, different language variations, and communication.

Full Transcript

Teorya ng Wika 1. Tore ng Babel 2. Ebolusyon Ebolusyon 1. Teoryang Ding Dong – nagmula ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa tunog ng kalikasan. 2. Teoryang Bow – Wow – nagmula ang wika sa panggagaya ng sinaunang tao sa tunog na nililikha ng mga hayop. 1. Teoryang Pooh – Pooh –...

Teorya ng Wika 1. Tore ng Babel 2. Ebolusyon Ebolusyon 1. Teoryang Ding Dong – nagmula ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa tunog ng kalikasan. 2. Teoryang Bow – Wow – nagmula ang wika sa panggagaya ng sinaunang tao sa tunog na nililikha ng mga hayop. 1. Teoryang Pooh – Pooh – nagmula ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap, kalungkutan at pagkabigla. 2. Teoryang Ta – Ta – may koneksyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila na naging sanhi ng pagkatuto ng tao upang lumikha ng tunog at matutong magsalita. 3. Teoryang Yo-he-ho – wikang nabuo mula sa pagsasama-sama lalo na kapag nagtatrabaho nang magkakasama. Teoryang Muwestra – Paggalaw at pagsasalita. Nagmula ang wika sa pagkumpas ng mga kamay. Teoryang Sing-song – Nagmula ang wika sa pag-awit. Teoryang Pakikisalamuha – nagmula ang wika ay nagmula sa likas na pangangailangan ng tao para makisalamuha sa kanyang kapwa na gumawa g mga hakbang na nagsilang sa mga wika. MONOLINGGUWALISMO Monolingguwalismo – tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa na kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.  komersiyo  negosyo  Wika ng pakikipagtalastasan BILINGGUWALISMO Bilingguwalismo – paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika. Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas. MULTILINGGUWALISMO HETEROGENOUS AT HOMOGENOUS NA WIKA Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika. Heterogeneous – Pagkakaiba –iba ng wika sanhi ng iba’t-ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay, kasarian, pangkat- etniko, rehiyon o lugar kung saan tayo nabibilang. BARAYTI NG WIKA 1. Dayalek 2. Idyolek 3. Sosyolek 4. Etnolek 5. Register 6. Pidgin at Creole Dayalek – barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan. Tagalog sa Teresa, Morong, Tagalog sa Rizal Cardona at Baras palitaw diladila mongo balatong ate kaka timba sintang lolo amba tatay tata Idyolek – tawag sa pansariling paraan ng pagsasalita kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao Nagsalita Idyolek Marc Logan At ako si Marc Logan Pabebe Girls Kami ang mga pabebe girls Noli De Castro Magandang Gabi Bayan Hindi naming kayo Mike Enriquez tatantanan Kris Aquino Ahaha, ha ha, Okey,Darla To the Highest level na Ruffa Mae Quinto talaga ito Donya Ina (Michael V) Anak, pakiexplain, Labyu Sosyolek – isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad ng pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. 1. Imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang SONA ng Pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulala. 2. Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2: Wait lang, I’m calling Anna pa. Kaibigan 1: Come on na, We’ll gonna make pila pa. It’s so haba na naman for sure. Kaibigan 2: I know, right..Sige go ahead na. 3. 3ow ph0w, mUsZtaH nA phow kaOw? aQcKuhh iT2h MuZtaH? Etnolek – barayti ng wika na nagmula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat – etniko. Vakkul – tumutukoy ito sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan. Bulanon – full moon Kalipay – tuwa o saya Palangga – mahal o minamahal Register – barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap. Pidgin – umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wikang di pag- aari ninuman. Creole – wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar na nagamit nang mahabang panahon at nabuo ito hanggang magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod ng karamihan. Anim na Paraan sa Pagbabahagi ng Wika 1. Pagpapahayag ng damdamin 2. Panghihikayat 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan 4. Paggamit bilang sanggunian 5. Paggamit ng kuro-kuro 6. Patalinghaga Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)– Saklaw nito ang mga pagpapahayag ng saloobin, damdamin o emosyon. Panghihikayat (Conative) – ito ay gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakikiusap. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic) – ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. Paggamit bilang sanggunian (referential) – ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)- ito ay ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas. Patalinghaga (poetic) – saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa. KOMUNIKASYON KOMUNIKASYON Isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. Uri ng Komunikasyon 1. Berbal 2. Di - Berbal Komunikasyong Berbal Isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay- bagay. a. Pagsulat b. Pagbasa c. Pagsasalita d. Pakikinig Komunikasyong Di - Berbal Sistema ng komunikasyon na hindi gumagamit ng salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw. Batayang sangkap ng Proseso ng Komunikasyon 1. Nagpadala ng mensahe 2. Mensahe 3. Daluyan o Tsanel ng mensahe 4. Tagatanggap ng mensahe 5. Tugon o pidbak 6. Potensyal na sagabal sa komunikasyon Nagpadala ng Mensahe Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe. Mensahe a. Mensaheng pangnilalaman b. Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal Daluyan / Tsanel ng mensahe 1. Daluyang sensori  paningin Pandinig  pang-amoy  panlasa  pandama Daluyang Institusyunal Nangangailangan ng dalawa o higit pang daluyang sensori Tagatanggap ng mensahe Tugon o Pidbak  Tuwirang tugon  Di-tuwirang tugon  Naantalang tugon Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon  Semantikong Sagabal – matatagpuan sa salita o pangungusap mismo.  Pisikal na Sagabal – mga ingay sa paligid, distraksyonal biswal  Pisyolohikal na Sagabal – matatagpuan sa katawan ng nagpadala o tagatanggap ng mensahe.  Sikolohikal na Sagabal – pagkakaiba –iba ng kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kultura. Iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-berbal 1.Oras (Chronemics) 2. Espasyo (Proxemics) 3. Katawan (Kenesics) 4. Pandama (Haptics) 5. Simbolo (Iconics) 6. Kulay 7. Paralanguage Klasipikasyon ng Distansyang Interhuman 1. Public Distance – 12 talampakan o higit pa 2. Social Distance – 4 – 12 talampakan 3. Personal Distance – 1 ½ - 4 talampakan 4. Intimate Distance – 1 – 1 ½ talampakan Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon Setting (Saan nag-uusap) Participants (Sino ang kausap) Ends ( Ano ang layunin sa pag-uusap) Act Sequence (Paano ang takbo ng usapan) Keys (Pormal o impormal) Instrumentalities (midyum ng usapan) Norm (Paksa ng usapan) Genre (nagsasalaysay/nakikipagtalo/naglalarawan) Uri ng Prosesong Pang Komunikasyon 1. Komunikasyong Intrapersonal 2. Komunikasyong Interpersonal 3. Komunikasyong Pampubliko Komunikasyong Intrapersonal – tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Sangkot dito ang pag- iisip, pag-alala, at pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. Komunikasyong Interpersonal – tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang uring ito. Ang uri ng komunikasyong ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa. Komunikasyong Pampubliko – komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Katangian ng Komunikasyon 1. Ang komunikasyon ay isang proseso 2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko 3. Ang komunikasyon ay komplikado 4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon 5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon 6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon

Use Quizgecko on...
Browser
Browser