tekstong-deskriptibo-cci.pptx
Document Details
Uploaded by TrustedBandoneon
Guinayangan
Tags
Full Transcript
Tekstong deskriptibo Inihanda ni Cynthia C. Imperial Guro sa Pagbasa at pagsusuri ng teksto tungo sa pananaliksik Ano ang iyong nakikita sa larawan? Basahing mabuti ang teksto Ano kaya ag inilalarawan sa teksto? unang tingin pa lamang ay labis na akong – Sa naakit sa kaniyang mga matan...
Tekstong deskriptibo Inihanda ni Cynthia C. Imperial Guro sa Pagbasa at pagsusuri ng teksto tungo sa pananaliksik Ano ang iyong nakikita sa larawan? Basahing mabuti ang teksto Ano kaya ag inilalarawan sa teksto? unang tingin pa lamang ay labis na akong – Sa naakit sa kaniyang mga matang tila nangungusap. Di ko mapuknat ang aking paningin sa hindi pangkaraniwang kagandahan sa aking harapan. Papalayo na sana ako sa kaniya subalit alam kong dalawang nagsusumamong mga mata ang nakatitig sa aking bawat galaw, tila nang-aakit upang siya’y balikan, yakapin, at ituring na akin. –Siya na nga at wala ng iba ang hinahanap ko. Hindi ako papayag na mawala pa siyang muli sa aking paningin.Halos magkandarapa ako sa pagmamadali upang siya’y balikan. “Manong , ang asong yan na ang gusto ko.Siya na nga at wala nang iba.Babayaran ko at nang maiuwi ko na. Naging epektibo ba ang pagkakalara- wan? Naisip mo ba agad na aso ang inilalarawan ? sagutin Anong bagay ang una mong inakalang inilalarawan base sa mga naunang pangungusap? sagutin –Anong katangian ng talata ang sa palagay moy agad nakakuha ng atensiyon ng mambabasa? Ipaliwanag –Kung ikaw ang maglalarawan sa mga pangyayari sa unang pagkikita ninyo ng iyong alaga, paano mo ito ilalarawan? Paglalarawan – Maaaring maging paglalarawan sa TAUHAN, DAMDAMIN, TAGPUAN, BAGAY – Maaaring SUBHETIBO o OBHETIBO – Maaaring paghahambing o pagkokontrast – Maaaring ANAPORA o Tauhan –Itsura o panlabas na katangian ang paksa –Makakatotohanan ang mga detalye Tauhan – Namumutla, nangangatog ang buong katawan at nanginginig ang boses, Si PAk Idjo ay walang iniwan sa isang taong inaatake ng malaria. Ang toto’oy may sakit nga siya talaga. Parang nakasabit na lang ang tagpi-tagpi at maruming damit sa napakanipis niyang katawan at nakalubog sa humpak niyang pisngi ang kaniyang namumula at naguguluhang mata – takipsilim sa Dyakarta-Mochtar Lubis Damdamin – Damdamin o emosyong taglay ng tauhan – Maaaring maging koneksyon ng tauhan sa mambabasa o ng mismong manunulat sa mambabasa ng kaniyang akda Halimbawa ng damdamin – May kumukurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig.Saka ako napabuntunghininga.Nararamdamang kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama;dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito. – “Dayuhan”- Buenaventura S. Medina Tagpuan – Lugar at panahon kung kailan at saan naganap ang akda – Naipadarama sa mambabasa ang diwa ng akda – Ginagamitan ng mga pandama:nakikita, naaamoy, nararamdaman at nalalasahan Halimbawa ng tagpuan – Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali,lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal sa paghahanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw.Ngunit ang gabi ay waring manipis sa sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig ng mabangis na liwanag ng mga ilaw Mahalagang bagay –Isang bagay kung saan umiikot ang mga pangyayari –Dapat nailalarawan ang amoy, itsura, bigat, lasa, tunog atbp.. Halimbawa – Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong di – nadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta basta palamuti,’yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa kristmas tri.”ang ganda”. Ang may pagkamanghang sabi ng bawat nakakakita. Malalaki at makikintab na pulang bola, malalaki at magagandang poinsettia...Oh. Pero bakit ba tila may kulang pa rin? Tekstong Deskriptibo Deskriptibo – Ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. – Subalit ,sa halip na pintura o pangkulay , mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo Deskriptibo –Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, kilos o anumang bagay na nais bigyang buhay sa –Mula sa paglalarawan ay halos makikita,maaamoy, maririnig malalasahan, o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang imaheng ito –Madalas ding ginagamit dito ang iba pang paglalarawan tulad ng paggamit ng mga pangngalan, at pandiwang ginagawa ng mga ito gayundin ang tayutay tulad ng Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto ang tekstong deskriptibo tandaan –Kailangan ilarawan ang mga tauhan, tagpuan, damdamin ang tono ng 2 uri ng paglalarawan – Subhetibo-kung ang – Obhetibo-ang manunulat ay paglalarawan ay maglalarawan ng may napakalinaw at halos pinagbabatayang madama na ng katotohanan mambabasa subalit – Hal.magandang nakabatay lamang sa lugar na nais kaniyang mayamang ilarawan subalit di imahinasyon at hindi sa siya pwedeng katotohanan maglagay ng Gamit ng cohesive devices o kohesyong gramatikal sa pagsulat ng tekstong deskriptibo Panandang kohesyong gramatikal – ay ginagamit upang maiwasan ang paulit ulit na paggamit ng pangngalan o salitang ginagamit sa pagpapahayag – Halimbawa: Ito, dito, doon, – siya ,sila, tayo, kanila kaniya 1.reperensiya (Pagpapatungkol) – Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap – Maaari itong maging anapora (kung kailangan bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy) – Katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang Halimbawa ng anapora –Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan HAlimbawa – Ang kwentong katatawanan ay isang uri ng maikling kwento.Ito ay may layuning magbigay aliw sa mga mambabasa – Patuloy na dinarayo ng mga turista ang isla ng Boracay dahil sila’y totoong nagagandahan dito. Halimbawa ng katapora – Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat na para sa kapaguran hindi lamang ng aking katawan kundi ng aking puso at damdamin.Siya si Bella, ang bunso kong kapatid halimbawa ng katapora – Ito ay ang banal na aklat. Ang bibliya ay nagbibigay sa atin ng gabay. – Siya ay tinaguriang Ama ng Katipunan. Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani 2. Substitusyon(pamalit) –Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita –Halimbawa: –Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago 3.Ellipsis – May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita – Hal. Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo –Inayos ni Ate ang silid- tulugan at sinimulan naman ni Nanay ang kusina. 4.Pang-ugnay –Nagagamit ang pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay parirala at pangungusap –Sa pamamagitan nito higit na nauunawaan ng mambabasa ang relasyon sa pamamagitan ng pang- ugnay Halimbawa ng pang-ugnay – nang – kung – kapag – dahil sa – bagamat – maging – at. – ngunit halimbawa –Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang 5.Kohesyong leksikal –Mabisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon 2 uri ng kohesyong leksikal –1.Reiterasyon-kung ang sinasabi o ginagawa ay nauulit ng ilang beses.Maaari itong mauri sa tatlo Pag-uulit o repetisyon Pag-iisa-isa Pagbibigay -kahulugan Halimbawa ng repetisyon –Maraming bata ang nakapapasok sa paaralan.Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lamang Hal.ng pag-iisa-isa –Nagtanim sila ng gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, sitaw , kalabasa at hal,. ng pagbibigay - kahulugan –Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha.Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa 2.kolokasyon –Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha , may kaugnayan sa isa’t isa kapag nabanggit din ang isa. Maaaring magkahulugan o halimbawa –Nanay-tatay, guro- mag- aaral, –Hilaga-timog, –Maliit-malaki –Mayaman - mahirap