Full Transcript

TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO  pagpapahayag ng mga paniniwala, mga opinyong nasa katwiran, mga pagpapatotoo o pagpapatunay upang mapaniwala at mapapanig ang mga mambabasa sa paksang pinaninindigan. ELEMENTO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO ...

TEKSTONG ARGUMENTATIBO TEKSTONG ARGUMENTATIBO  pagpapahayag ng mga paniniwala, mga opinyong nasa katwiran, mga pagpapatotoo o pagpapatunay upang mapaniwala at mapapanig ang mga mambabasa sa paksang pinaninindigan. ELEMENTO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO PROPOSISYON  Ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan.  Ito ay ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig. PROPOSISYON Halimbawa: Dapat ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan laban sa kababaihan ARGUMENTO  Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang maging makatuwiran ang isang panig.  Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri sa proposisyon upang makapabigay ng mahusay na argumento. KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA TESKSTONG ARGUMENTATIBO 1. Magalaga at Napapanahong paksa  Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’t ibang napapanahon at mahalagang isyu na may bigat at kabuluhan. 2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto  Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan. 3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto  Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito. 4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.  Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Mga Uri ng Tekstong Argumentatibo o Nangangatwiran Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning)  Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ito sa tatlong bahagi: a. Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad.  Inilalahad dito ang magkatulad na katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay masasabing pansamantala lamang at maaaring mapasinungalingan.  Maaaring maging pareho ang pinaghahambing sa isang katangian subalit magkaiba naman sa ibang katangian.  Halimbawa:  Magtatayo na rin ako ng karinderya. May karinderya ang kapatid ko at malaki ang kanyang kinikita at pakinabang. b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag- uugnay ng pangyayari sa sanhi. Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.  Halimbawa:  Hingal na hingal at nanlulupaypay ang katawan ng manlalaro. Hindi magkakagayon iyon nang walang dahilan.  Hindi napasama ang pangalan niya sa talaan sa kompyuter dahil sa pagkahuli niya sa itinakdang araw ng pagpapatala. c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensiyang higit na magpapatunay o magpapatotoo sa tinukoy na paksa o kalagayan.  Halimbawa:  Siya pala ang nanalo sa halalan. Hayun at nanunumpa na sa pangulo ng pamantasan.  Galing nga ang telang iyan sa Iloilo. Doon lang hinahabi ang hablon. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning)  Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulaing panlahat ang pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang pangunahing batayan, isang pangunahing batayan, isang pangalawang batayan, at isang konklusyon. Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang silohismo Halimbawa 1. Ang mga Ayala ay mayayaman at marurunong.  Si Oliver ay isang Ayala.  Samakatwid, si Oliver ay mayaman at marunong. 2. Magsasaka ang bayani ng kabuhayan sa bansa.  Si Mang Nardo ay isang magsasaka.  Si Mang Nardo ay bayani rin ng kabuhayan sa bansa. TEKSTONG PANGANGATWIRAN  Pagkakaroon ng mga batayan ng mga ideyang isinulong  Paggalang sa opinion ng kabilang panig  Pag-antig sa damdamin ng mga mambabasa o mga tagapakinig upang kumilos. Mga paraan upang Makakuha ng mga Ebidensiya o Katibayan Sarbey  Binubuo ng mga tanong na may kaugnayan sa paksang pag-aaralan at kaalaman sa saloobin o pananaw ng mga partikular na tutugon Pagmamasid  Panonood, pagtingin, o obserbasyon sa isang bagay at ito ay itinatala. Paggamit ng opinyon  Personal ang paghuhusga, pagtataya, paniniwala, sentimyento, idea at kaisipan Lohikal na Pangangatwiran  Nagbibigay kadahilanan.  Pagbibigay ng makatwirang kongklusyon  Pasaklaw o Pabuod Cohesive Devices sa pagpapahayag ng tekstong argumentatibo Pagpapahayag ng Taliwasan/Salungatan/Kontras  Pero  Ngunit  Sa Halip  Kahit na Pagpapahayag ng Kondisyon- Bunga/Kinalalabasan  Maaari  Puwede  Posible  Marahil  Siguro  Sigurado  Tiyak Pagpapahayag ng Pagbibigay linaw sa isang ideya, Pagbubuod at Paglalahat  Sa madaling salita/sabi  Bilang paglilinaw  Kung gayon  Samakatwid  Kaya  Bilang pagwawakas  Bilang konklusyon Pagpapahayag ng Pagsang-ayon at di pagsang-ayon  Kung gayon  Kung ganoon  Dahil dito  Samakatwid  Kung kaya  Bilang Pagpapatunay  Patunay nito Pagpapahayag ng Pagpapatunay  Bilang Pagpapatunay  Patunay nito

Use Quizgecko on...
Browser
Browser