Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya (Linggo: Ikalima) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Anna Mae I. Tejada
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Past Paper PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 6, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan, Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa - PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao (Aralin)
- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 (Quarter 1) Notes PDF
- Good Manners and Right Conduct (Edukasyon sa Pagpapakatao) PDF
Summary
Ito ay isang modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao, partikular sa ikasiyam na baitang sa Pilipinas, na tumatalakay sa araling Lipunang Pang-Ekonomiya, linggo 5. Kabilang dito ang mga gabay at katanungan sa pagkatuto.
Full Transcript
9 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya Linggo: Ikalima Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan...
9 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya Linggo: Ikalima Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Anna Mae I. Tejada Editor: Anna Mae I. Tejada Tagasuri: Conchita T. Caballes | Cita J. Bulangis Tagaguhit: Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr. Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera Donre B. Mira Nilita L. Ragay Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] 9 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.a: Lipunang Pang-Ekonomiya (Linggo: Ikalima) Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lipunang Pang-Ekonomiya! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iii Lipunang Pang-Ekonomiya Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.1 ) Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya (EsP9PL-Ie-3.2) Mga Layunin Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. Natutukoy ang kahulugan ng Prinsipyong Proportio 2. Nakabubuo ng isang matalinong pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon 3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng mabuting ekonomiya 1 Panimula Sa modyul na ito ay mas mauunawaan ninyo kung paano makatutulong ang lipunang ekonomiya sa pagkamit ng layunin ng lipunan- ang kabutihang panlahat. Pantay-pantay ba ang lahat ng tao? Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na “Sino ang paborito ni Nanay” o “Sino ang paborito ni Tatay” May halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinakit naman si Ate dahil sa tingin nya mas malapit ang kanilang mga magulang kay bunso. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo? Panimulang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay? A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari C. Lahat ay iisa ang mithiin D. Likha ang lahat ng Diyos 2. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino? A. Pantay na pagkaloob ng yaman sa lahat ng tao B. Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao C. Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao D. Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao 3. Sa ating lipunan, alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay? A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis. B. Hindi mabitawan ni Shiela ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya. 2 C. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan D. Lahat ng nabanggit 4. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya? A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan. 5. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas? A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay paggalang sa kanilang karapatan D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao. 6. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang- ekonomiya? A. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya. B. Sa pangunguna ng estado, napangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan C. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan, D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa. 7. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan? A. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa B. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan C. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya D. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila. 8. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari? A. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari- arian kaysa kaniyang sarili. B. Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi C. Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit 3 D. Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari. 9. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan? A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao. C. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan. 10. “ Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang okayayaman” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? A. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya. B. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa. C. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin D. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya. . Gawain 1 Panuto: Magsagawa ng isang survey sa mga kapuwa mag-aaral (3-5 mag-aaral) na ka barangay o mismo kapitbahay. Tanungin ang mga kapuwa mag-aaral ng sumusunod: a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw? b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon? c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag. d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon? e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, paano sinosolusyonan ang kakulangang ito? . 4 Pagsusuri Mula sa Gawain 1 sagutin ang sumusunod: 1. Sapat ba ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabadyet ng perang kanilang hawak? Pangatwiran. 2. Sa iyong sariling karanasan, mahirap ba o hindi na magbudget ng perang hawak? Pangatwiran. 3. Bakit mahalagang matutuhan ng lahat ang tamang pamamahala sa perang kinikita? 4. Ano ang maaaring maidulot kung hindi mapangangasiwaan nang wasto ang perang kinikita? 5. Anong sitwasyon sa lipunan o pamahalaan ang sinasalamin ng nagdaang gawain? Ipaliwanag. Pagpapalalim Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay- pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo. Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng pilosopong si Max Scheler. Para kay Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino. Ang taong matangkad ay sadyang may pangunguna sa basketbol kaysa maliliit. Ang babae ay mas may taglay na karisma upang manghalina kaysa lalaki. May timbre ng boses ang hinahanap upang maging tagapagbalita sa radyo. May linaw ng mata na hinihingi sa pagiging isang piloto. Idagdag pa rito ang iba pang aspekto ng kasinohan ng tao: ang mga koneksiyon ng pamilya, ang kaniyang lahi, relihiyon at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag ng maaabot ng tao. 5 Ngunit sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan. Hindi dahil maliit ang manlalaro ng basketbol hindi na siya kailanman magiging mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro. Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba sa kaniya sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at pagkakataon. Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang turuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa Math sa kapuwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag- akay. Subalit, upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems na kaniyang pag-aaralan. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan. Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa isandaang tao, ano ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito? Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang mga tao nang ayon sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya naman ay mahinay kumain. Baka may ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t pinakamabisa at masinop na paraan ang pagbabahagi ng tinapay ayon sa huling batayan? 6 Paglalapat Gawain 2 Panuto: Gawin ito sa kuwaderno. Lagyan ng tsek kung sa tingin ninyo ito ay nakakatulong sa paglago ng ekonomiya at ekes naman kung hindi. Iba’t ibang Marami ang tumangkilik, Kaunti ang tumatangkilik Establisyemento malakas ang ekonomiya mahina ang ekonomiya 1. Sari-sari store 2. Karenderya/fastfood 3. Cellshop 4. Gasoline station 5. Water refilling station Gawain 3 Tanong-sagot na paraan. 1. Mula sa gawain, ano ang iyong reyalisasyon tungkol sa paglago ng ekonomiya? 2. Ano kaya ang dahilan sa paglago nito? Ipaliwanag. Pamatayan sa Pagmamarka Nilalaman 5 Organisasyon 3 Wika 2 Kabuuan 10 7 Pagpapayaman/ Pagninilay Napag-alaman ko na ____________________________________. Napagtanto ko na _______________________________________ Ang aking gagawin ay ___________________________________ PANGWAKAS NA PAGTATAYA Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot. 1. Sino si Max Scheler? Ano ang kanyang ambag sa lipunang pang-ekonomiya? 2. Ano ang paninindigan ni Max Scheler tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao?Ipaliwanag. 3. Ano ang pinakamabisang paraan sa pagbabahagi ng yaman ng bayan? Ipaliwanag. 4. Ano ang tawag sa prinsipyo kung saan angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao? 5. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa pantay na pamamahagi nito? Pamatayan sa Pagmamarka Nilalaman 3 Organisasyon 2 ____________________ Kabuuan 5 8 9 Gawain1. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. Panimulang pagtataya: Pagsusuri: 1. D 1. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 2. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 2. C 3. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 3. C 4. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 5. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 4. B 5. A Gawain 2. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 6. B Gawain 3. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba. 7. A Pangwakas na pagtataya: 8. D 1. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba 2. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba 9. C 3. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba 10. B 4. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba 5. Ang sagot ay maaring magkaiba-iba SUSI SA PAGWAWASTO Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Prinsipyo ng Proportio The following terms used in this module are defined as follows: Glossary MGA SANGGUNIAN Sheryll T. Gayola et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Comples Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated 1st Quarter by Daisy V. Cadiz Prepared by: ANNA MAE I. TEJADA TEACHER 1 NEGROS ORIENTAL VII Anna Mae infante-Tejada, Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Psychology sa Negros Oriental State University. Kumuha ng units sa Bachelor of Secondary Education sa Foundation University sa ilalim ng Crash Program. Nakamit niya ang CAR (Complete Academic Requirements) sa Master of Arts in Special Education with Specialization in Mentally Challenged sa Negros Oriental State University. Sa kasalukuyan, nagtuturo siya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9 sa Negros Oriental High School. 10 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net