Buod ng Kabanata 4-15 PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang buod ng mga kabanata 4-15 ng aklat na Noli Me Tangere. Tinatalakay dito ang mahahalagang pangyayari sa mga kabanata na ito, partikular ang mga tauhan at kanilang mga karanasan. Ang mga kaganapan na inilalahad ay mahalaga sa pag-unawa sa konteksto g literatura.

Full Transcript

Tab 1 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 __________________________________...

Tab 1 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ BUOD NG KABANATA 4-15 Kabanata 4: Si Kabesang Tales Sa Noli Me Tangere, ang mangangahoy na umampon kay Basilio na nagngangalang Tandang Selo ay matanda na. Puti na ang kaniyang buhok bagaman malusog at matipuno pa ang kaniyang pangangatawan. Siya ay may anak na kung tawagin ay Tales, na isa nang kabesa de barangay na ama nina Lucia, Tano at Huli. Si Kabesang Tales ang may-ari ng isang sakahan na buhay ang ipinuhunan. Pinagyaman ng kanilang pamilya ang sakahan at gumanda ang ani ng bukirin niya. Inisip niyang pag-aralin sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio subalit kasabay nito ay pataas nang pataas naman ang ipinapataw na buwis sa kaniya. Nang ito ay umabot na sa dalawandaan ay inayawan na ng kabesa ang pagbabayad nito sa kabila ng pananakot na ginawa sa kaniya na diumano ay aariin na ng korporasyon ng mga prayle ang kaniyang lupa. Ipinagtanggol niya ang kaniyang karapatan. Nakipag-asunto siya ngunit sa kasamaang palad, ang mga hukom ay pumanig sa mga prayle. Naging kawal ang kanyang anak na si Tano ngunit hindi niya ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: “Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay dito at nalibing ang aking asawa’t anak na dalaga (Lucia) sa pagtulong sa akin kaya’t hindi ko maibibigay ang lupaing ito kung hindi sa sinomang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. ” At dahil dito, binantayan niya ang kaniyang lupa ngunit dahil sa makapangyarihan ang kaniyang mga kalaban ay wala rin siyang nagawa lalo na nang siya ay dinampot ng mga tulisan at ipatubos sa halagang limandaang piso. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas maliban sa isang laket o agnos na bigay sa kaniya ni Basilio. Hindi pa rin naging sapat ang panubos. Ipinasya niyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang isang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko at kinabukasan ay maglilingkod na siyang alila. Magdamag na lumuha si Huli at umaasa ng himala kinabukasan. Umaasa siyang makatagpo ng panubos na pera sa ilalim ng paanan ng Mahal na Birhen. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon. Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero. Sa kabilang banda, patungo ng San Diego si Basilio. Kasalukuyang inililibot noon ang pamaskong prusisyon kaya pinatigil ang sinasakyan niyang karumata. Bukod pa rito, hinuli ng mga guwardiya sibil ang kutserong si Sinong dahil sa nakalimutan nito ang kaniyang sedula. Dinala rin siya sa kuwartel dahil walang ilaw ang kaniyang karumata. Naparusahan siya dahil sa paglabag ng kautusan at dahil dito ay naglakad na lamang si Basilio patungo sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Sa kaniyang paglalakad ay napansin niya ang kawalang-sigla ng mga mamamayan at walang sabit na parol sa mga bintana gayong Pasko na. At sa wari niya, tanging ang tahanan lamang ni Kapitan Basilio ang may handa at may mga panauhing makapangyarihan sa bayan. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes at kay Simoun. “Nagkakaunawaan na tayo, G. Simoun,” ani Kapitan Basilio, “tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas.” Nagbilin ng isang relo ang alperes. Isang pares naman ng hikaw ang “ipinakikibili” ng kura. Sa kanyang pagdating, maraming ibinalita ang katulong ni Kapitan Tiago ukol sa mga kalabaw na namatay, mga katulong na napiit at pumanaw ngunit ang labis na nagdudulot sa kanya ng kalungkutan ay pagkadakip kay 1 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Kabesang Tales at ang pagpapaalila ni Juliana na mas kilala sa tawag na Huli. Hindi nakakain ng hapunan si Basilio. Kabanata 6: Si Basilio Tinutugtog ang kampana para sa misa sa hatinggabi nang maingat na taluntunin ni Basilio ang daan patungo sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayon ay pag-aari na ni Kapitan Tiyago matapos itong mabili sa pamahalaan na sumamsam sa mga pag-aari ng nasabing angkan. Dadalawin niya ang puntod ng kaniyang ina. Habang binabagtas niya ang madilim na kagubatan ay muling nanumbalik sa kaniya ang madilim na pangyayari sa kaniyang buhay labintatlong taon na ang nakararaan. Dito sa pook na ito nalagutan ng hininga ang kaniyang ina. Samantala, isang duguang lalaki ang dumating at iniutos sa kaniya na sunugin ang bangkay nito kung sakaling siya ay mamatay. Matapos na makakuha ng mga tuyong sanga ay isa na namang lalaki ang dumating, mataas, matangos ang ilong, may mapupulang mata, at mapuputla ang mga labi. Sinunog nila ang bangkay ng lalaki at hinukay nito ang pinaglibingan sa bangkay ng kaniyang ina. Inabutan siya ng kaunting salapi at binilinang lisanin ang pook na iyon at sikaping makapag-aral. Walang sinumang tumanggap sa kaniya sa Maynila. Salamat na lamang at may isang Kapitan Tiyago na ginawa siyang alilang-kanin ngunit pag-aaralin. Ipinasok siya sa San Juan de Letran ngunit damang-dama niya ang paghamak sa kaniya ng kaniyang mga kaklase at guro. Nagtiis siya at nag-aral nang mabuti. Noong unang taon, minsan pa nga ay tinawag siya ng kaniyang guro at walang kagatol-gatol niya itong sinagot. Kaya mula sa araw na iyon ay hindi na siya tinawag pang muli. Nang ikalawang taon, naging mabuti-buti na ang ayos niya. Binigyan siya ni Kapitan Tiyago ng mga damit at sapatos. Sa kanyang ikatlong taon, dahil sa kaniyang pagsusumikap sa paaralan, walang katanungan na tinanong ang guro na hindi niya nasasagot. Parang loro siya sa pagsagot. Bukod pa rito ay nanalo siya sa larong arnis na naging dahilan kung bakit kinagiliwan na siya ng kaniyang mga kaklase at guro. Namuhi si Kapitang Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Inilipat si Basilio sa Ateneo. Dito ay napansin niya ang malaking kaibahan ng pagtuturo ng dalawang paaralan. Malaki ang natutuhan ni Basilio sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga propesor at kumuha ng kursong medisina. Naging matiyaga siya at masigasig sa pag-aaral kaya hindi pa man nakapagtatapos ay nakapanggagamot na siya. Malapit na siyang makatapos at inaasam-asam niya na mararating din ang landas tungo sa tagumpay. Pagkatapos niya’y magpapakasal na sila ng kasintahang si Huli. Kabanata 7: Si Simoun Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na papalapit. Nangubli siya sa puno ng balite. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio -- ang mag-aalahas -- nang mag-alis ito ng salamin. Nagsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala ni Basilio na siya ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito -- ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun -- ang si Ibarra? Nagpakita na kay Simoun si Basilio at naghandog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipinagkaloob nito may 13 taon na ang nakalilipas. Tinutukan ni Simoun ng baril si Basilio. "Sino ako sa palagay mo?", tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio: "Kayo po'y isang taong mahal sa akin, kayo' y ipinalagay ng lahat, matàngi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot." Lumapit si Simoun sa binata. 2 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Anya: "Basilio, ika'y naghahawak ng isang lihim na maaaring magpanganyaya sa akin, at ngayo'y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak." At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. Gayunman, hindi ko marahil pagsisisihan na ika'y hindi ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan... dapat tayong magtulungan. At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Ipinagtapat ni Simoun ang tungkol sa kaniyang pangingibang-bansa at nang siya ay yumaman, bumalik siya sa Pilipinas at nagpanggap na mag-aalahas. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi kahit pagdanak ng dugo ang kapalit. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik. Ngunit sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South America). Ayon kay Basilio, ang Kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Ito'y pinabulaan ni Simoun. Anya: "Ang Kastila kailanman ay hindi magiging wikang pangkalahatan ng bayang ito; sapagka't sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan." Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo nito sa mga nasasakupang hindi tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: "Kayo' y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay siyang pag-iisip ng bayan." Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan na bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Ngunit baka hindi siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito. Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan. "Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan na kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila'y bahagi ng bayang ito kung hindi manlulupig at dayuhan. Sa gayo' y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!" Nakahinga si Basilio. Anya'y hindi siya pulitiko. Lumagda siya sa kailingan ukol sa paaralan dahil inakala niyang iyo y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol. Sa kasalukuyang kalagayan daw ay hindi makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit na nangangailangan ng kagamutan. "Walang halaga ang buhay na hindi nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali." 3 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Ani Basilio'y pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap! "Ang karunungan ay panghabang panahon, makatao at pandaigdig.” Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala ng lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang nang-aapi at napaaalipin, isa na ang katarungan at lahat ng tao'y mamamayan na ang daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng katarungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ay ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito." Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinasabi ni Basilio ang daigdig ay kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan naman ng pagpapadanak ng dugo upang ang sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. "Ang kadakilaan ng tao ay hindi magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kung hindi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad." Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kung di tangisan ang bangkay ng ina na "parang babae." "Paano ako makapaghihiganti?" tanong ni Basilio. "Ako'y dudurugin lamang nila." Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya. Tugon ni Basilio. "Ano ang mapapala ko kung sila'y ipaghihiganti?" "Makatulong sa iba nang hindi magdanas ng gayon ding kasawian," tugon ni Simoun. "Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito'y kasalanan kung nagbibigay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin". At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. "Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi," 'ani Simoun. "Nguni't hindi ko sila pakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay," tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng: "At magkaanak ng mababait na alipin... Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kung hindi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo' y mapalad na." Magmamadaling araw na. Matapos sabihing hindi niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanya sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-isip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti. Kabanata 8: Maligayang Pasko Kinaumagahan, maagang gumising si Huli. Sa kaniyang paggising ay kaagad niyang tinungo ang kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang alamin kung ibinigay ang kaniyang kahilingan. Dahil bigo ang dalaga ay nagkasya na lamang siyang aliwin ang kaniyang sarili. Inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana Penchang. 4 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Sa kabilang banda naman, ang mga ina ay abalang-abala sa pagbibihis ng magagarang kasuotan ng kanilang mga anak upang makapagsimba at mamasko sa kanilang mga ninong at ninang. Isa si Tandang Selo sa mga dinalaw ng kaniyang mga kamag-anak upang mamasko. Ngunit laking pagtataka ng mga ito nang hindi na makapagsalita ang matanda. Kabanata 9: Ang mga Pilato Parang apoy na kumalat ang balita tungkol kay Tandang Selo. Ang iba ay naawa at ang iba ay nagkibit-balikat lamang. Ang tenyente ng mga guwardiya sibil ay naghugas-kamay sa mga pangyayari, maging si Pari Clemente na tapapangasiwa ng mga prayle na nagsumbong umano kaya sinamsam ang mga baril pati na ang pag-aari ng kabesa kaya siya nadakip ng mga tulisan, diumano ay wala raw silang kinalaman sa mga pangyayari. Ngunit ayon kay Hermana Penchang, ang nangyari sa matanda ay isang parusa ng Diyos sapagkat hindi ito marunong magturo ng dasal sa kaniyang apong si Huli. Dumating si Kabesang Tales sa kanilang tahanan na kawing-kawing na kalungkutan ang sumalubong sa kaniya. Napipi ang kaniyang ama, nagpaalila ang kaniyang anak na dalaga, at kinamkam ang naipundar nilang lupa. Dahil dito ay kailangan nilang lisanin ang kanilang bahay sa lalong madaling panahon dahil iilitin na ito ng pamahalaan, kung kaya ay napaupo na lamang siya sa tabi ng amang hindi na makapagsalita. Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan Ipinagtataka ng lahat ang desisyon ni Simoun na makipanuluyan sa bahay nina Kabesang Tales. Marami kasi siyang dalang mga alahas na ipinakita niya kay Kapitan Basilio at sa kaniyang mga kaanak, kay Hermana Penchang, at sa iba pang mamimili. At dahil sa kanilang mga nakita, sila ay humanga sapagkat ngayon lamang sila nakakita ng gayong kalalaking kayamanan. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon at tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa kabilang banda, ipinakita rin ni Simoun kay Kabesang Tales ang kaniyang rebolber sabay wika na hindi lamang siya nagbebentai ng mga alahas kung hindi bumibili rin siya ng mga ito. Mangyari, naikuwento kasi ni Sinang sa mag-aalahas na si Huli ay nagmamay-ari ng isang agnos. Matapos suriin ni Simoun na iyon nga ang agnos ni Maria Clara ay kaagad na tinawaran ito ng binata ng limandaang piso na mahigpit namang tinutulan ni Hermana Penchang sapagkat minabuti diumano ng dalagang si Huli na magpaalila kaysa ipagbili ang agnos na bigay sa kaniya ng kasintahang si Basilio. Dahil sa mga pangyayaring ito, minabuti ni Kabesang Tales na isangguni kay Huli ang mga bagay na ito. Sa kaniyang paglalakad patungo sa tahanan kung saan naninilbihan ang dalaga ay kaniyang natanaw na iba na ang sumasaka sa kaniyang lupain at nagtatawanan pa ang mga ito. Nagdilim ang kaniyang paningin, kaagad na umuwi at sinabi kay Simoun na hindi niya nakausap ang anak. Kinabukasan, wala na ang kabesa, kinuha ang rebolber ni Simoun at iniwan ang agnos ni Maria Clara kasama ng isang sulat. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mga tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat kapag nahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Pagkaraan noon, sa lawa pinadaan ni Simoun ang kanyang mga utusan patungong Los Baños ngunit siya, dala ang kanyang pinakamamahaling hiyas ay sa lupa dumaan. Ani Simoun: “Sa wakas ay natagpuan ko ang aking kailangan…Pangahas ngunit mabuting tao---marunong tumupad sa pangako.” 5 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Higit siyang natuwa nang dumating ang apat na guwardiya sibil para dakpin si Kabesang Tales. Ngunit dahil wala na ito ay ang matandang ama na si Tandang Selo ang dinakip ng mga guwardiya sibil. Noong gabing iyon, makikita ang mga bạngkay ng paring nangangasiwa at ang mag-asawa na may pasak na lupa sa bibig at sa tabi nito ay may kapirasong papel na nakasulat ang pangalang TALES. Kabanata 11: Los Baños Samantala, nangaso ang Kapitan Heneral sa Busubuso kasama ang mga kawal, prayle, opisyal, at kawani ng pamahalaan. Wala silang nahuli sapagkat natakot ang mga hayop sa dala nilang isang banda ng musiko na ikinatuwa naman ng Kapitan Heneral dahil sa hindi nahalata ang kawalan niya ng kaalaman sa gawaing ito. Dahil dito, bumalik na lamang ang lahat sa bahay-bakasyunan at naglaro ng baraha kasama sina Pari Irene, Pari Camorra, at Pari Sibyla. Kusang nagpatalo sina Pari Sibyla at Pari Irene. Galit naman si Pari Camorra dahil hindi alam niya alam na kaya sadyang nagpapatalo ang dalawang kura dahil sa balak nilang hilingin sa Kapitan Heneral ukol sa paaralan ng Kastilang balak ng mga kabataan. Si Simoun ang pumalit kay Pari Camorra at biniro siya ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang mga kura. Ani Simoun: “Kung ganoon ay maaari ninyo akong bayaran ng inyong pangako. Kayo Pari Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y hindi kikilala sa karalitaan, kababaang-loob, at pagsunod sa kabutihang asal sa loob ng limang araw. At kayo, Pari Irene ay sasabihin lamang na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, pagtitimpi sa sarili, ang awa sa kapwa, at iba pa. Napakaliit ng hinihingi kong kapalit ng aking brilyante.” Hinarap ni Simoun ang Kapitan Heneral sa pamamagitan ng tapik, “Maaari kayong magbayad sa akin ng limang utos ng pagpapakulong, limampu sa limang buwan, isang utos ng pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan, isang utos sa guwardiya sibil ng madaliang pagbibitay o paghahatid sa tapunang bayan at iba pa.” Sa kakaibang kondisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina Don Custodio, Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong kung ano ang mapapala ni Simoun sa hiling. Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang damo, tugon ni Simoun. Ipinagpalagay ng mga naroon na ang ganoong kaisipan ni Simoun ang dahilan ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi ng binata na marangal ang mga tulisan na kumikita ng ikinabubuhay nila. Sa araw na iyon ay maraming mungkahi ang napagpasiyahan tulad ng paghingi ng guro sa Tiani ng bahay-aralan at ang pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila ng mga kabataan. Sinalungat ng Kap.Heneral ang hiling ng nasabing guro at sinabing hindi dapat humusay pa sa Espanya ang mga paaralan sa Pilipinas. Sinalungat din ng ilang naroon ang pagpapatayo ng paaralan ng wikang Kastila dahil na rin sa paniniwala nila na kapag natuto ang kabataan ng wikang Kastila ay matututo na rin silang mangatuwiran sa lahat ng bagay. At sa sandaling masuri nila ang mga aklat at kautusan ay kakalabanin na nila ang pamahalaan at simbahan. Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang mga sabungan. Sinabi ng Kapitan Heneral na pag-aaralan niya ang mga mungkahi at nagpatuloy sila sa pagkain ng tanghalian. Isa rin sa mga napagkasunduan sa kanilang pag-uusap ay ang palayain si Tandang Selo sa pakiusap na rin ni Pari Camorra. Kabanata 12: Placido Penitente Apat na taon nang nag-aaral si Placido Penitente ngunit hindi pa rin siya nakikilala at napapansin ng kaniyang guro kaya sumulat siya sa kanyang ina na payagan na siyang huminto sa pag-aaral at magsasaka 6 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ na lamang siya. Ngunit pinayuhan siya ng kanyang ina na magtiis pa at sayang ang ilang taon na ginugol sa pag-aaral. Bagaman masama ang loob ay napilitan na lamang siyang makisabay sa mga estudyanteng patungo sa kani-kanilang klase. Isang araw ay nasalubong niya si Juanito Pelaez sa liwasan ng Magallanes, isang bulakbol na mag-aaral na mayabang na nagbabalita hinggil sa kaniyang bakasyon sa Tiani kasama ni Pari Camorra. Si Pelaez ay pamangkin at paborito ng mga guro, anak ng mestisong Kastila, mayaman at may pagkakuba. Nagtanong ng leksiyon si Pelaez kay Penitente sapagkat noon lang pumasok sa paaralan ang nauna. Sabi ng huli na pulos walang pasok dahil umambon, kaarawan ng isa nilang propesor, at ang minsang pagpasok ng isang guro na kinuha lamang ang talaan ng mga naroon at nagbigay ng mahabang araling isasaulo. Samantala, mapalapit na sa unibersidad ang dalawa nang mapadaan sa simbahan kung saan nagtitipon ang mga mag-aaral. Naroon si Isagani na nakikipag-usap tungkol sa isang aralin samantalang ang ibang estudyanteng kalalakihan ay panay sulyap sa magagandang dalagang nagsisimba. Isang karwahe ang huminto. Natigilan si Isagani lalo’t nakitang bumaba sa karwahe ang kasintahang kasunod ang tiyahing si Donya Victorina na kinaiinisan ng mga naroon. Binati ng donya si Pelaez. Namula naman si Isagani at nahiyang bumati. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay Paulita sa simbahan. Papasok pa lamang si Placido nang may biglang lumapit sa kaniya upang magpapirma ng isang kasulatan tutol sa balak na paaralan nina Macaraeg, na kaagad naman niyang tinanggihan at dali-daling pumasok sa silid kung saan kinaladkad pa niya ang kaniyang sapatos upang mapansin lamang ng guro. Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika Ang bulwagang ginagamit sa klase ng pisika ay maliwanag, malalaki ang mga bintana, at may rehas. Ang pisara ay hindi ginagamit at ang mga kasangkapan sa pisika ay nakasusi. Ang laboratoryo ay para sa mga dayuhang bumibisita upang masabing mahusay ang pagtuturo sa paaralang iyon at kaya lamang hindi natututo ang mga Pilipino ay dahil sa ang mga ito ay kulang sa talino. Si Pari Millon ay tapos ng pilosopiya ngunit nagtuturo ng pisika. Ugali ng gurong ito na magtanong. Ipinasasaulo niya ang mga leksiyon nang walang pagpapaliwanag, nagmumura, at inaaglahi rin niya ang mga mag-aaral. Sa araw na iyon, tatlong mag-aaral niya ang kaniyang tinanong. Hindi nakasagot ang una. Nang makita niyang tinuturuan ito ni Juanito Pelaez, ito naman ang kaniyang napagbalingan. Ngunit sa kasamaang palad ay wala ring alam ang binata sa katanungan ng guro kung kaya humingi ito ng tulong kay Placido na kaagad namang umayaw sa kaniyang naging kahilingan. At dahil dito, inapakan niya ang sapatos ni Placido, bagay na ikinagalit ng guro dahil sa malakas na sigaw ng binata. Napansin ito ng guro at ang atensyon ay napunta kay Placido. “Ikaw na labis ang pagpapahalaga sa sarili at animo’y tagapagligtas. Tingnan ko nga kung maililigtas mo ang sarili? Sagutin mo ang tanong ko.” Nagdiwang ang kalooban ni Pelaez na umupo sapagkat ligtas na siya. “Ang sabi sa aklat, ang salamin ay gawa sa tanso o sa iba pang metal. Tama ba ito o mali?” “Ganyan nga po ang sinasabi sa aklat, Padre.” “Huwag kang magmarunong.” 7 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Nalito na rin si Placido sa mga sinabi ng guro at mga sumunod pang katanungan tungkol sa salamin, metal, merkuryo at iba pang kemikal. Hinanap ng guro sa mahabang listahan ang pangalan ng mag-aaral. “Aha!” Ikaw ang Placido Penitente na mahilig bumulong! May labinlimang ulit ka nang hindi pumasok ng klase.” “Apat na beses lang po akong lumiban sa inyong klase. Kung isasama ang araw na ito na ako ay nahuli sa pagpasok sa loob ng silid, bale limang ulit pa lamang po.” “Minsan lamang ako magtawag ng pangalan sa talaan kaya ang sinomang matiyempuhan kong wala ay minamarkahan ko ng pagliban ng limang ulit. Tatlong beses pa lamang kitang nahuhuli kaya’t labing lima lamang kaya magpasalamat ka. Sige nga, bilangin mo kung marunong kang magbilang. “Kung limang beses ninyo akong nahuli, bale dalawampu’t lima po, Padre.” “At ngayon ay may isa ka pang marka sapagkat hindi mo alam ang leksiyon.” “Kung lalagyan ninyo ako ng marka ngayon ay dapat namang bawasan ninyo ang ang aking naging pagliban sa klase. Sapagkat ako nama’y wala sa inyong talaan ngayong araw na ito at imposibleng makapag-ulat ang isang taong wala sa klase.” “Pilosopo! Hindi mo ba naiintindihan na ang isang mag-aaral ay maaaring wala sa klase at hindi rin niya alam ang leksyon?” Nagpanting ang tainga ni Placido. Ipinukol niya ang aklat. “Tama na, Padre. Maaari ninyo akong markahan ng anumang ibig ninyong marka ngunit wala na akong balak na mag-aral pa!” Nabigla ang lahat sa inasal ni Placido sapagkat noong lamang may nangyaring may lumaban sa guro. Nilisan ni Placido ang silid-aralan pagkatapos makipagsagutan sa kaniyang guro. Pagkatapos noon ay sinermunan ng guro ang mga mag-aaral ukol sa kawalan ng paggalang at binanggit din ang panukala ng Akademya ng Wikang Kastila. “Hindi malayong ang binatang iyon ay isa sa mga nagpanukala! O Diyos kong mahabagin, iligtas mo po ang mga mag-aaral na ito! Magsipag muna kayo bago ang wikang Kastila.” Hindi agad natapos ang pagsesermon ng pari hanggang matapos ang klase. Pagkatapos magdasal ay naglabasan na ang may dalawang daan tatlumpu’t apat na mga mag-aaral na nang pumasok ay walang nalalaman sa leksiyon at nang lumabas ng silid ay ganoon pa rin ang kalagayan. Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral Samantala, hindi magkamayaw ang mga mag-aaral sa tahanan ni Makaraig. Dito kasi nila ginawa ang kanilang mga pagtitipon dahil sa malaki at maluwang ito. Habang hinihintay ng mga mag-aaral ang kanilang lider ay nagkaroon sila ng pagpapalitan ng kuro-kuro at haka-haka. Dito ay mapupuna ang iba’t ibang pananaw at saloobin nila kabilang dito sina Isagani, Juanito Pelaez, Pecson, at Sandoval. Si Sandoval na bagaman isang mag-aaral na Kastila ay may malasakit at pagpapahalaga naman sa mga Pilipino. Unti-unting tumahimik nang magsidating sina Isagani at Sandoval (isang Kastilang peninsular na dito nag-aaral). Si Sandoval ay kasang-ayon ng mga estudyante sa balak nilang paaralan. Nagtanungan sila ukol sa kapalaran ng kanilang panukalang paaralan. Sino ang nagtagumpay kina Padre Sibyla at Padre Irene? Sina Isagani at Sandoval ay umaasang tagumpay sila. Si Pelaez ay nagpahayag na malaki ang nagawa niya sa ikapagtatagumpay ng panukala. Ngunit si Pecson ay hindi palaasa (pesimistiko). Sinabi niyang may mga taong pamahalaan at mga kapangyarihan sa simbahan na hindi sila sinangguni at ang mga 8 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ ito ay nagmumungkahing ipabibilanggo ang mga nagpanukala sa pamahalaan. Ani Pelaez: "Karamba.. huwag ninyo akong ihalo." Mainit na nagsalita si Sandoval: "Punyeta! lyan ay nagpapakilala ng masamang pagkukuro ng heneral at natangay siya ng mga kura." Nasabi ni Pecson na maikli ang saklaw ng isip ng heneral. Humingi ng patunay si Sandoval. Binanggit nito ang pakikialam ng heneral sa isang usapin ng mga mamamayan at mga prayle at nasunod ang sa mga prayle na walang katwiran (ang nagyaring pag-agaw ng lupa sa Kalamba.) At bakit daw hindi sasang-ayunan ang balak na paaralan? Ani Pecson: "Baka natatakot na maunawaan namin ang mga batas at sikaping ito' y ipasunod. Sa tulong ng iisang wika ay magkakaunawaan kami. Sa sandaling mangyari ito'y ano ang mangyayari sa Pilipinas?" (Magkakaisa ang mga Pilipino at malamang na bumagsak ang pamahalaan ng Kastila.) Ani Sandoval: "Dapat sumunod ang unibersidad sa pangangailangan ng mga estudyante. Kung hindi raw nakapagtuturo ito, bakit pipigiling matuto ang ilan? Nangutya ulit si Pecson sa pamahalaan at mga paaralan ng prayle. Nagtatanggol dito si Sandoval. Lahat daw ay ipinagkakaloob ng Kastila sa Pilipino. Pamahalaan, simbahan, hukuman, paaralan, batas, at kaparusahan. "Ang Silangan ay binubuksan ng Espanya para sa minamahal niyang Pilipinas. Ang pamahalaan ay pasiglahin natin ngayon sa pamamagitan ng pagtitiwala... Kayo' y tapat at walang hinala hanggang ngayon. Kayo'y tuwirang nakikipag-unawaan sa kanya. Layunin niyong pagaanin ang gawain ng mga propesor at magtulungan ang daan-daang mag-aaral. Kaya lang ay hindi pa napapasyahan ang ating kasulatan at malamang na marami pang isinasaalang-alang na iba. Darating ang araw at papasyahan iyan at kayo'y kikilanlin sa pagiging karapat-dapat sa inyong bayan!" Ani Pelaez: "Tandaan ninyo na isa ako sa masugid na nagpanukala!" "At kung tanggihan ng heneral ang ating mungkahi?" tanong ni Pecson. Natigilan ang lahat maliban kay Sandoval. Anya: "Nagtagumpay rin kayo dahil naalisan ninyo sila (ang pamahalaan) ng maskara. At sa paghahagis nila ng guwantes sa inyo (paghamon) at walang makatanggap ng hamon, ako ang dadampot ng guwantes at ipagpapatuloy ko ang maganda ninyong adhikain sa ngalan ng Espanya." Lahat ay nagpuri. Tangi kay Pecson. "Nasasabi ninyo iyan dahil Kastila kayo. Kung ako ang nagsasabi ng kalahati lang niyan, pilibustero na ako." Siyang pagdating ng mayamang si Macaraeg na sumigaw ng "Mabuhay ang wikang Kastila!" Siya'y nag-aaral ng pagka-abugado para lamang magkatitulo akademiko. Bukas ang isip at palad kaya't maraming kaibigan. "Nakipagkita ako kay Padre Irene kaninang umaga. Isang linggo raw nilang pinagtalunan ang ating panukala (1/2 oras lamang). Iisa siyang nagtanggol, ni hindi kumibo si Padre Irene. Pati si Simoun -- at ang Intsik na si Quiroga ay tutol. Kaya't iminungkahi ni Padre Irene nang pagpapasya sa Comision Superior de Instruccion Primaria. Matagal nang hindi umiiral ang komisyon ngunit binuhay. Si Don Custodio ay isang kagawad noon. Sinabi ni Don Custodio na lulutasin ang usapin sa loob ng buwang ito." "At kung naging salungat si Don Custodio?" tanong ní Pecson. Payo raw ni Padre Irene na kailangang makuha si Don Custodio. May dalawang paraan daw para doon. Sa pamamagitan ni Pepay, isang mananayaw na kulasisi ni Don Custodio, at sa tulong ni G.Pasta, ang katalinuhang niyuyukuran ng ulo ni Don Custodio. Itong huli ang pinili ni Isagani. Naging kamag-aral ni P. Florentino si G. Pasta. Ani Pelaez ay may kilala siyang kinalolokohang burdadora si G.Pasta, si Matea. Tutol si Isagani sa mungkahi ni Pelaez dahil para sa marangal na paraan daw siya. Napagkayariang sa araw ding iyon ay makipagkita si Isagani kay G. Pasta. 9 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ Kabanata 15: Si Ginoong Pasta Nagtungo si Isagani kay G. Pasta. Siya ang sanggunian ng mga prayle. Maraming sumasangguni sa kanya kaya naghintay ang binata. Mauban na ang manananggol. Alam ni Isaganing batid ng abugado na naghihintay siya. Ngunit matapos ang ilang sandali pang pagsusulat ay binati na rin siya. Kinumusta ng abogado si Padre Florentino. Isinalaysay ni Isagani ang tungkol sa paaralan. Kunwari' y hindi alam ng abugado ang sinasabi ng binata ngunit alam na niya't naisangguni na sa kanya iyon ng mga prayle. "Ito'y bayan ng mga panukala!" anang abugado. Hindi nasiraan ng loob si Isagani at ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag ng pakay. Sinabi niya ang pananalig ng mga kabataan kay Ginoong Pasta at umaasa silang mamagitan sa kanilang panig ang abogado sakaling sangguniin ni Don Custodio. Hindi na nagkaroon ng lakas ng loob si Isagani na humingi ng payo nang makitang pormal at nakasimangot ang mukha ni Ginoong Pasta. Samantalang sa loob-loob ni Ginoong Pasta ay may sarili na siyang kapasyahan at iyon ay ang hindi makisangkot sa nasabing usapin. Batid niya ang nangyaring pagtatalo sa Los Baños at ang pagkahati ng dalawang panig. Alam niyang hindi lamang si Padre Irene ang nasa panig ng mga mag-aaral at hindi ito ang nagpanukalang ipaubaya sa Lupon ng Pamahalaang Primarya ang desisyon at sa katunayan ay ang kabilang panig pa nga. Magtatagumpay na nga sana sina Padre Irene, Padre Fernandez, Kondesa, isang mangangalakal at ang mataas na opisyal upang aprubahan ang desisyon nang maalala ni Padre Camorra ang nasabing Lupon upang magkaroon ng pagkakaabalahan. Inisip niyang hulihin sa katwiran ang binata. Anang abugado:... Walang makahihigit sa akin sa pag-ibig sa bayan at sa maunlad na layunin. Ngunit ayokong malagay sa alanganin. Marami akong kapakanan.” "Hindi po namin nais na malagay kayo sa balag ng alanganin," ang mahinahong wika ni Isagani. Huwag sanang itulot ng Diyos na kami’y makagambala kahit isang saglit sa taong ang buhay ay totoong mahalaga sa mga Pilipino. Ngunit kakaunti pa ang aking nalalaman tungkol sa batas, sa mga kautusan o kapasyahang pinaiiral sa ating bayan. Umaasa akong hindi makakasama sa pamahalaan ang pagtataguyod ng isang marangal na layunin nang may pagsunod sa mga alituntunin. lisa po ang ating layunin at nagkakaiba lamang sa pamamaraan." Napangiti ang abogado sapagkat nagtatagumpay na siyang lituhin si Isagani at maiba ang paksa ng pinag-uusapan. Nariyan ang higit na suliranin. Hindi nga ba't kapuri-puri na ang pagtulong sa pamahalaan ay ang pagsunod sa batas at mga kapasyahan. Ang gumawa ng isang panukala bagamat may mabuting layunin kung laban naman sa alituntunin ng pamahalaan ay nakakasugat. Ang magtangka ng pagkilos na salungat sa mataas na layunin ay isang krimen na dapat parusahan.” Pakiwari ng abogado ay nagtagumpay siyang tuluyang lituhin si Isagani kaya't naging kampante na ang loob. "Ngunit ang pamahalaan ay gagawa ng saligang mas matatag kung nanganganib. Ang pinagtitibay na lakas at kapangyarihan ng pamahalaan sa kanyang nasasakupan ang pinakamahina sa lahat. Higit na matibay ang batayang katuwiran o katarungan." Napataas ang ulo ng abugado na nakasandal sana sa silyon. Tila hindi nalito si Isagani. Anya: "Mapanganib ang sinasabi ninyo. Pabayaan ninyong mamahala ang pamahalaan." 10 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ "Ginagawa ang mga pamahalaan upang mapabuti ang bayan at sa lalong ikabubuti ng pamamahala ay kailangang sundin ang mungkahi ng mga mamamayan na siyang higit sa lahat ay nakababatid ng kanyang pangangailangan." "Ang bumubuo ng pamahalaan ay mga taong nagsipag-aral," ang wika ng abugado. "Ngunit dahil mga tao'y maaaring magkamali, at maging bingi sa ibang kahilingan." "Ibibigay niya sa inyo ang inyong kahilingan." "Kasabihang Kastila na ang hindi humihingi ay hindi pinagkakalooban." "Baligtad... pabaligtad na pamahalaan." At sinabi ni G. Pasta na ang pamahalaa'y nagkakaloob kahit hindi hinihingan. Ang paghingi dito ay nangangahulugan ng pagkukulang nito... May pagkamapanligalig ang mga sinabi ninyo." Tumutol si Isagani. "Kapag ang bayan ay humingi sa pamahalaan sa paraang ayon sa batas, itinuturing ng bayang ito na mabuti ang pamahalaan. Maging ang simbahan ay humihingi ng tulong sa Diyos--maging sa Diyos na nakababatid ng lahat. Kayo na rin iyan, marami kayong hinihingi sa hukuman ng pamahalaang ito at ni ang Diyos o ang hukumang laging hinihilingan ay hindi napopoot sa mga humihingi hanggang ngayon. Kayong iyan man ay hindi lubusang naniniwala sa katwiran ng hindi ninyo pagsang-ayon. Ang isang bayang suklam sa kanyang pamahalaan ay walang dapat hingin kundi ang iwan nito ang kapangyarihan." Hinaplos ng abugado ang apaw na tuktok. Inulit niya na masama ang sinabi ni Isagani. Dala raw ito ng kabataan ng binata. At tinuligsa ang mga kabataang Pilipino na kung anu-ano ang hinihingi sa pamahalaan. Lahat ay pinaratangang Filibustero. May mga katuwiran raw ang pamahalaan na hindi magbigay sa makatarungang hiling ng bayan nang hindi na ipaliliwanag ayon sa abugado. "Ang ibig ninyong sabihi' y hindi matatag ang pamahalaang nananakop dahil ang saligan nila ng pamamahala ay hula-hula lamang…" Tumutol ang matanda. Nagkunwang naghahanap ng kasulatan. Hinanap ang salamin. (Upang magkaroon ng panahong makapag-isip.) "... May nais akong sabihin nguni't nalimutan ko tuloy. Napakarami ko kasing gawain," anito. Naunawaan ni Isagani. Tumindig ito upang magpaalam. "Iwan ninyo ang bagay na iyan sa pamahalaan. Laban ang Bise-Rektor ngayon. Hintayin ninyo ang susunod. Magsipag-aral kayong mabuti. Malapit na ang pagsusulit. Kayo' y marunong ng magsalita ng Kastila. Bakit humahalo pa kayo sa kaguluhang iyan? Naniniwala akong kaisang-kuro ko si Padre Florentino rito. Kumusta po sa kanya." "Lagi pong bilin ng aking amain na lagi kong isipin ang kabutihan ng iba na gaya rin ng sa akin. Naparito po ako hindi para sa akin kung hindi sa ngalan ng ibang wala sa mabuting kalagayan." "Aba, gawin nila ang ginawa ninyong pag-aaral. Kaya kayo nakapagsasalita nang mahusay ay nag-aral kayong mabuti. Gayahin nila ang ginawa ko. Ako' y naging alila ng mga prayle. Gumagawa ako't nag-aaral ako. Paniwalaan ninyo ako: Ang ibig matuto, mag-aral at matuto. " "Ngunit ilan na ang makatutulad sa inyo? Isa sa isang libo!" "E, ano? Marami ng abugado at doktor. Ang kailangan natin ay mga magsasaka at manggagawa." 11 A M J MCHS Filipino 10 Taong Akademiko 2024-2025 ________________________________________________________________________________ "Marami nga po ngunit hindi labis o sapat. Marami pang bayan na wala ni isang abugado o doktor. Kung labis man sa bilang, sa uri'y kulang. At wala namang karunungang itinuturo nito kung hindi iyan. Bakit pipigilin sa pag-aaral ang kabataan? Kahit mga magsasaka ay kailangan ding maging mulat." "Upang maging mabuting magbubukid ay hindi na kailangan ang maraming karunungan. Ibig ba ninyong payuhan ko kayo?" tanong ng matanda sa binata. "Mag-aral kayong mabuti. Ibig ninyong maging manggagamot? Magtapos kayo't huwag makialam sa pagpapasama at pagpapabuti sa kalagayan ng iba. Kung makatapos kayo, mag-asawa kayo sa isang mayama't masambahing dalaga; manggamot kayong mabuti at sumingil nang malaki. Alalahanin ninyo na ang pagkakawanggawa ay sa sarili ng tao nagmumula. (Charity begins at home.) Huwag kayong maging Don Quijote. Tiyak na maalaala ninyo ako ‘pag nagkauban na ang inyong buhok katulad ng sa akin." "Ginoo", ani Isagani, "pag ako'y nagkaroon ng mga ubang tulad niyan, at sa paglingon ko sa kahapon ay makita kong pawang mga pansarili ang aking napag-ukulan at walang para sa bayang nagkaloob sa akin ng lahat, bawat uban ay ituturing kong tinik sa akin at sagisag ng kahihiyan." Pagkasabi nito'y magalang na yumukod at umalis. "Kawawang binata! Ganyan din mga kaisipan ang naging akin noong araw. Lahat ay nagmamahal sa bayan. Ngunit ano ang putong na laurel? Hindi iyan ang nakapagbibigay ng pagkain, ni ng karangalan. Bawat bayan ay may sariling asal, singaw at sakit na iba kaysa ibang bayan. Kaawa-awang binata... Kung ang lahat ay mag-iisip at gagawing katulad niya, hindi sana ako tumanggi. Kaawa-awang Florentino!" Sanggunian: Lopez-Royo, J., L. Lacano, D. G., & Limosnero-Ipong, M. (2019). Sinag sa Ika-21 Siglo. Jo-Es Publishing House Inc. C. Ongoco Tomas. (2009). Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo (3rd ed.). Manlapaz Publishing Company. 12

Use Quizgecko on...
Browser
Browser