Kabanata 9-13 ng Noli Me Tangere PDF

Summary

- Ang dokumentong ito ay naglalaman ng 13 kabanata mula sa aklat na Noli Me Tangere, Filipino sa uri ng panitikan. - Iba't ibang mga tagpo, tauhan, at pangyayari ay inilarawan sa mga kabanata. - Ang mga kabanata ay tumatalakay sa mga isyung panlipunan at pangkalinangan, at mga suliranin ng mga tao sa bayan.

Full Transcript

Kabanata 9 : Mga Bagay-Bagay ukol sa bayan  Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.  Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kun...

Kabanata 9 : Mga Bagay-Bagay ukol sa bayan  Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.  Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre Damaso. Kabanata 9 : Mga Bagay-Bagay ukol sa bayan  Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong malaman aybiglang nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari.  Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil Kabanata 9 : Mga Bagay-Bagay ukol sa bayan  Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng desisyon patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang ama.  Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol kay Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra. Kabanata 10 : Ang Bayan ng San Diego  Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San Diego – na siya ring pamagat ng kabanata.  Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan na ito dahil sa magagandang tanawin dito. Kabanata 10 : Ang Bayan ng San Diego  Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan.  Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda nang kakaunting salapi at mga materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain. Kabanata 10 : Ang Bayan ng San Diego  Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong kung bakit iyon nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason.  Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang yumao. Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra. Kabanata 11 : Ang Mga Makapangyarihan  Sa naunang kabanata ay ipinakilala ang Bayan ng San Diego pati na rin ang iilan sa pamilya ni Crisostomo Ibarra. Sa kabanatang ito ay magsisimula na ang pag-ikot ng istorya sa bayan.  Pinamagatang “Ang Mga Makapangyarihan,” ang kabanatang ito ay ukol sa mga taong tunay na nangingibabaw sa bayan ng San Diego. Mahigpit ang labanan sa kapangyarihan at lakas sa bayang Kabanata 11 : Ang Mga Makapangyarihan  Ang tatay ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan ngunit hindi siya tinaguriang makapangyarihan. Ang kapitan ng bayan naman at pati na rin si Kapitan Tiyago, bagama’t sila ay nasa posisyong namumuno, ay hindi pa rin tinatawag na makapangyarihan.  Sa kabila nang kanilang mga salapi at awtoridad, kahit na may iilan pa ring rumerespeto sa kanila, ay masasabing mas marami pa rin Kabanata 12 : Araw ng mga Patay/ To Dos Los Santos  Sa ika-lanbindalawang kabanata ng Noli Me Tangere, isinalaysay rito ang dalawang sepultorero at pinamagatan itong “Araw ng mga Patay.  Ang dalawang sepulturero ay nasa kalagitnaan ng kanilang paghuhukay sa sementeryo ng bayan. Inilarawan ang sementeryo bilang napabayaan na dahil walang taga-pangalaga. Sinasabing may isang krus na nakatirik sa isang bato sa gitna Kabanata 12 : Araw ng mga Patay/ To Dos Los Santos  Habang ang dalawang tauhan ay abala sa kanilang paghuhukay disoras ng gabi ay naisipan nilang kwentuhan ang isa’t-isa tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa trabaho.  Ang mas bata at mas bagong sepulturero ay kanyang sinambit na bagong lipat lamang siya sa bayan dahil hindi niya nakayanan ang mga utos sa kanya sa dating libingan kung saan siya nagtatrabaho, lalong-lalo na ang paghukay ng bago pa lamang kakalibing para ilipat ito sa ibang lugar. Kabanata 12 : Araw ng mga Patay/ To Dos Los Santos  Ang sepultorerong may higit na karanasan kaysa sa kanyang kasama ay inilahad naman niya na noon ay may isang bangkay na dalawampung araw palang naililibing na ipinahukay sa kanya. Sariwa pa aniya ang bangkay.  Iniutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik ngunit hindi niya ito nagampanan dahil sa bugso ng ulan. Itinapon niya ang bangkay sa lawa. Napag- alaman rin na isang prayleng nag- Kabanata 13 : Unang Banta ng mga Unos  Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.  Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa Kabanata 13 : Unang Banta ng mga Unos  Hindi maipinta ang mukha ni Ibarra dahil sa pagkabalisang nadarama, habang naluha naman ang matanda. Hindi niya lubos maisip na mayroong hindi nagbigay ng galang sa bangkay ng ama.  Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama. Kabanata 13 : Unang Banta ng mga Unos  Takotna sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser