Document Details

CompactMagnesium

Uploaded by CompactMagnesium

Tarlac National High School

Tags

Filipino academic writing essay writing composition academic papers

Summary

This Filipino document discusses different kinds of academic writing, including abstract, summary, personal profile, proposals, speeches, meeting minutes, position papers, reflective essays, agendas, and pictorial essays. It explains characteristics and important elements crucial to academic writing, such as formal tone, objectivity, and clear articulation of ideas. It also emphasizes the importance of proper citation and avoiding plagiarism. The paper also describes the structure and important points of each kind of academic writing.

Full Transcript

SULATING AKADEMIKO -intelektuwal na pagsulat -makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksiyon at opinyon ng manunulat -ginagamit din ito upang makapagpabatid ng impormasyon at saloobin. Akademikong Pagsulat - Ito ay isang masinop at sistematikong pagsu...

SULATING AKADEMIKO -intelektuwal na pagsulat -makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksiyon at opinyon ng manunulat -ginagamit din ito upang makapagpabatid ng impormasyon at saloobin. Akademikong Pagsulat - Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. -Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Tuntunin sa Pagbuo ng Sulatin Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na - mensahe. - Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Karaniwang Estruktura ng Isang Akademikong Sulatin - may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, - gitna na nilalaman ng mga paliwanag, - at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. KALIKASAN NG SULATING AKADEMIKO Ang pagsulat ay isang sosyo-kognitibong proseso. Binibigyang pansin nito ang: 1. Emosyonal at kalagayang sosyal ng manunulat 2. Kognitibong kakayahan ng manunulat sa paglikha ng isang diskurso. Dahil ang pinakalayunin ng pagsusulat ay ang makapagpapahayag ng mensahe, nararapat lamang na ang presentasyon ng mga ideya ay: 1. sapat 2. kumpleto 3. totoo 4. makabuluhan 5. malinaw KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. Pormal Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral. 2. Obhetibo Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005). 3. May Paninindigan Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag- aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. 4. May Pananagutan Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas. 5. Malinaw Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN ABSTRAK. Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis,papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel. Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunud- sunod ng nilalaman. SINTESIS O BUOD. Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling kuwento. Kinapapalooban ng overview ng akda. Organisado ayon sa sunud-sunod na pangyayari sa kuwento. BIONOTE. Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang natapos at iba pang impormasyon ukol sa kanya. May makatotohanang paglalahad sa isang tao PANUKALANG PROYEKTO. Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga prolema at suliranin. Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya. TALUMPATI. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman. Pormal, nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya. KATITIKAN NG PULONG (Minutes of the Meeting). Ito ay ang tala o rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud- sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. POSISYONG PAPEL. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi tanggap ng karamihan. Ito ay nararapat na maging pormal at organisado ang pagkakasunud-sunod ng ideya. REPLEKTIBONG SANAYSAY. Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang manunulat at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reaksyon at opinyon ng manunulat. Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood. AGENDA. Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksang tatalakayin sa pagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng organisadong pagpupulong. Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong. LARAWANG SANAYSAY (Pictorial Essay). Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga salita. Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may tatlo hanggang limang pangungusap. LAKBAY-SANAYSAY(Travelogue). Ito ay isang uri ng sanaysay na makakapagbalik- tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. Mas marami ang teksto kaysa sa mga larawan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser