Document Details

LovedLivermorium

Uploaded by LovedLivermorium

Philippine Science High School System

Tags

Filipino language exercises reading comprehension

Summary

This document includes Filipino language practice questions and activities. It contains exercises on social interactions, and cultural contexts within Philippine society relating to Filipino customs, values, traditions, and etiquette.

Full Transcript

KABANATA 1 - 3 Filipino 2: Kasanayan sa Komunikasyon at Pagpapahalaga sa Noli Me Aralin Tangere (Wika Panitikan at Iba pang Anyo)...

KABANATA 1 - 3 Filipino 2: Kasanayan sa Komunikasyon at Pagpapahalaga sa Noli Me Aralin Tangere (Wika Panitikan at Iba pang Anyo) Module Code: 2.0 Lesson Code: 2.4 Time Limit: 30 minuto TA: 1 minuto ATA: ______ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nakikilala ang mga mahahalagang kaisipan sa mga kabanata; at 2. nakikilala ang mga tauhan ayon sa kanilang kaasalan, kaugnayan sa kapwa, kapaligiran, at sosyedad at nailalapat sa kasalukuyang panahon. TA: 2 minuto ATA: ______ Gawain: Different Shades of Beauty (Mga Tanong sa Pagtalakay – Hindi Mamarkahan) Sagutin ang mga tanong sa isa hanggang dalawang pangungusap lamang. 1. Mayroon ka bang taong hinahangaan o iniidolo dahil sa kaniyang pag-uugali o asal? Ano-ano ang mga katangian niya na nagpatingkad sa kaniyang katauhan upang siya’y hangaan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Mayroon ka naman bang taong kinaiinisan o ayaw dahil din sa kaniyang pag-uugali o asal? Ano-ano ang mga katangian niya na nagpapangit sa kaniyang katauhan na nagiging dahilan upang siya’y ayawan? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ May mga tao tayong hinahangaan at mayroon ding mga tao tayong iniiwasan depende sa kanilang pag-uugali o asal. Ang ating pagkatao ay hinuhubog ng panahon. Ang ating pagkatao ay nalilinang dahil sa ating mga karanasan at sa mga bagay na natutuhan natin mula sa mga pangyayari sa ating buhay. Sa akdang ating tatalakayin, kikilalanin natin ang mga tauhan at kung paano nahuhubog ang kanilang kaasalan o pagkatao sa kanilang pakikisalamuha sa kanilang kapwa, kapaligiran, at sosyedad. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 1 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Bago ang pagtalakay sa nilalaman ng bawat kabanata, subukin muna natin ang iyong kakayahan sa pagtukoy sa mga ugaling wagi o katanggap-tanggap kapag dumadalo sa isang pagtitipon at kung papaano iiwasan ang mga ugaling ‘wag o ‘di-katanggap-tanggap. TA: 20 minuto TA: ______ Gawain 1: Ugaling WAG! Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung naglalarawan ng tamang asal o pag-uugali ang pahayag at ekis (x) kung hindi. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig. Patunugin ang mga kubyertos habang kumakain. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain. Pag-usapan ang ukol sa patay o may sakit habang kumakain. Magsalita kahit puno ang bibig kung may tanong na sasagutin. Tanggihan nang magalang ang ibinibigay na pagkaing hindi gusto. Punuin ng pagkain ang plato, kunin ang lahat ng makikita sa hapag. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae bago ang lalaki. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang kubyertos kung tapos ng kumain. Iukol ang atensyon sa pagkaing kinakain at hayaan ang mga kasamang kumakain. https://www.slideshare.net/edithahonradez/epp-he-aralin-19-109908904 1. Bakit mahalagang alamin ang mga dapat at hindi dapat ugaliin sa hapag-kainan lalo na kung nasa isang pagtitipon? ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ Gawain 2: Magbasa Tayo Pagkatapos malaman ang mga tama at hindi tamang pag-uugali o asal sa pagdalo sa isang pagtitipon, ating basahin ang Kabanata 1 – 3 ng Noli Me Tangere. Bigyang pansin sa pagbabasa ang mga mahahalagang kaisipan at kilalanin ang mga tauhan batay sa kanilang kaasalan, pakikipag- ugnayan sa kapwa, kapaligiran, at sosyedad na kinabibilangan. Kabanata 1 – Isang Handaan Buod Isang marangyang salusalo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kaniyang bahay na nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-Binundok. Ang paanyaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay, at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mga bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may bahay. Kabilang sa mga bisita ang Tinyente ng Guardia Civil, si Pari Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si Pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Filipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kaniyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga indiyo. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 2 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kaniyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw rin sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Filipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Pari Damaso pagkatapos na makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito’y tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Siya raw ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya iniutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ng paring Pransiskano bilang parusa. Labis ang galit na nararamdaman ng pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwan na ng Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Unknown. June 7, 2012. Noli Me Tangere Kabanata 1 – 5.https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/no li-me-tangere-kabanata-1-5.html Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra Buod Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ng kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing siya ay anak ng kaniyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kaniyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagaman siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang siya’y kaibigang matalik ng kaniyang yumaong ama. Sinabi ng pari na totoong siya ang kura ng San Diego ngunit, kailanma’y hindi niya naging matalik na kaibigan si Don Rafael. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa nagmamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina Tinyente Guevarra at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anomang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na sana ito’y higit © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 3 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. na maging mapalad kaysa sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag- habag na sinapit ng kaniyang ama. Ang pagsulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa mga naroroong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kaniya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kaniya. Nakilala rin niya ang isang binata na tumigil sa pagsusulat. Malapit nang tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan. Unknown. June 7, 2012. Noli Me Tangere Kabanata 1 – 5.https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/no li-me-tangere-kabanata-1-5.html Kabanata 3 – Ang Hapunan Buod Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapag-kainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari Sibyla samantalang banas na banas naman si Pari Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan nito ang kaniyang kasuotan habang tinitingnan nito ang pagkakulot ng kaniyang buhok. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na maupo roon. Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo. Anyong uupo na si Pari Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwaring iniaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari. Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumanggi ang kapitan sabay sabing “huwag mo akong alalahanin.” Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang galit na naramdaman ni Pari Damaso, nang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg, at pakpak ng manok ang napunta sa kaniya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 4 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni G. Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagaman, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kaniyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kaniyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kaniyang amang si Don Rafael. Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid- kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso. “Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon”, tugon naman ni Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na maraming bansa na ang napuntahan nito at maraming wika ang kaniyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kaniyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran. Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, politika, at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikasasagana at ikapaghihirap nito. Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Pari Damaso. Walang pakundangan niyang ininsulto ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na batang paaralan ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari. Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Pari Damaso. Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik din kinabukasan. Nagsalita naman si Pari Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyang diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kaniyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang Kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinomang indiyo na makapag-aral sa Espanya. Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salusalo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging, at hindi dapat ang pagpapaaral ng isang indio sa ibang lupain. Unknown. June 7, 2012. Noli Me Tangere Kabanata 1 – 5.https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/no li-me-tangere-kabanata-1-5.html © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 5 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa (Mga Tanong sa Pagtalakay – Hindi Mamarkahan) 1. Ano ang dahilan ng pagpapapiging ni Kapitan Tiyago? ___________________________________________________________________________ 2. Bakit nagkainitan at nagpalitan ng salita sina Pari Damaso at Tinyente Guevarra? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Ano ang tunay na dahilan ng galit o ngitngit ni Pari Damaso na hindi niya mailabas? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Ano ang pinagbatayan ni Crisostomo sa pagsasabing si Pari Damaso ay matalik na kaibigan ng kaniyang ama? Bakit itinatwa ito ng kura? ___________________________________________________________________________ 5. Bakit nasabi ni Tinyente Guevarra na si Don Rafael ay isang marangal na tao? ___________________________________________________________________________ 6. Paano tinugunan ni Crisostomo ang tanong ni Don Tiburcio kung may kakilala raw itong isang Pulako na mapula ang buhok at masamang magsalita ng Kastila? ___________________________________________________________________________ 7. Bakit pinag-aagawan nina Pari Sibyla at Pari Damaso ang kabisera? ___________________________________________________________________________ 8. Bakit itinulak ni Pari Damaso ang kanyang mangkok at ibinagsak ang kutsara’t tinodor? ___________________________________________________________________________ 9. Paano ilalarawan si Pari Damaso nang sabihin ni Crisostomo na “natutuhan ko na ang pananagana o paghihirap ng isang bayan ay nakasalalay sa kaniyang kalayaan”. ___________________________________________________________________________ 10. Paano tinugunan ni Crisostomo ang mga pasaring na sinabi ng pari? ___________________________________________________________________________ Gawain 4: I Can Relate Pumili ng isa sa mga tauhang tinalakay sa akda. Talakayin sa apat hanggang anim na pangungusap kung kanino sa kasalukuyang panahon maaaring maiugnay ang kaniyang katauhan batay sa kaniyang pag-uugali/asal, pakikipag-ugnayan sa kapwa, kapaligiran, o sosyedad. (Mamarkahan) ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ___________ __________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 6 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Rubrik sa Pagsulat ng Pag-uugnay Pamantayan Mahusay Mahusay-husay Di-gaanong mahusay Nilalaman Naipaliwanag nang May isa o dalawang May higit sa mahusay ang ideya ang ‘di dalawang ideya ang pagkakaugnay sa gaanong malinaw ‘di gaanong malinaw tauhan sa nobela. ang pag-uugnay sa ang pag-uugnay sa Madaling tauhan sa nobela. tauhan sa nobela. maunawaan ang May bahaging ‘di May bahaging ‘di mensahe. maunawaan. maunawaan. 4 3 2 Paggamit ng Walang maling baybay May isa o dalawang May tatlo o higit pang Wika ng mga salita. Tama mali sa baybay o/at sa mali sa baybay o/at ang ginamit na salita. gramatika. gramatika. Tama ang gramatika. 4 3 2 Organisasyon May malinaw na May ilang ideya ang ng mga Ideya ugnayan ang mga hindi magkakaugnay. ideya. 2 1 TA: 5 minuto ATA: ______ A. Pagtambalin ang mga pahiwatig batay sa ikinikilos/asal, pakikipag-ugnayan sa kapwa, kapaligiran, o sosyedad ng mga tauhan sa Hanay A sa kanilang kahulugan sa Hanay B. (Mamarkahan) Hanay A Hanay B _____1. ang pagdalo ng mga tao kahit na hindi imbitado A. hangal o walang alam _____2. ang pagsasagutan nina Padre Damaso at B. kawalang kaisahan ng Tinyente Guevarra simbahan at pamahalaan _____ 3. ang pag-iimbita ni Kapitan Tinong kay C. pagiging bangaw o Crisostomo upang humapon sa kanilang tahanan kantanod ng lipunan _____4. ang pautal na pagtatanong ni Don Tiburcio kay D. pagiging palalo Crisostomo at pagkakalarawan sa pulako E. power grabbing _____5. ang pag-aagawan ng kabisera nina Pari Damaso F. social climber o social at Pari Sibyla. butterfly B. Ipaliwanag sa dalawang pangungusap kung paano maiuugnay sa ugaling Filipino ang sumusunod na pahayag/paglalarawan kay Kapitan Tiyago. (Mamarkahan) 1. Ang tahanan niya ay bukas sa lahat maliban sa mga mangangalakal at mapangahas na kaisipan. 2. Nang pinauupo siya ni Crisostomo sa kaniyang upuan, sinabi nito na, "maupo ka, sapagkat si Luculo ay ‘di kumakain sa bahay ni Luculo.” Rubrik sa pagpupuntos: 2 puntos - kung nasagot ang tanong, tama ang lahat ng wika, balarila, at bantas na ginamit. 1 puntos – kung may kulang at/o mali sa sagot, wika, balarila, at bantas na ginamit. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 7 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 2 minuto ATA: ______ Paglalagom at Paglilimi Ang magagaling na tao ay karaniwang hinuhusgahan batay sa kanilang pagkatao. Ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali o asal ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kahanga-hangang katangian tulad ng katapatan, pananagutan, katapangan. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Paglilimi: Bilang iskolar ng Pisay, paano mo maipamamalas ang diwa ng katotohanan, paglilingkod, at kahusayan sa iyong pakikisalamuha sa iyong kapwa, kapaligiran, at sosyedad? TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Mga Sanggunian: De Guzman, M., de Guzman, D. D., & Laksamana, F. (1987). Noli Me Tangere Ikalimang Edisyon ng Pagkapalimbag. National Bookstore. Ongoco, T. (1969). Mga Tulong sa Pag-aaral sa Noli Me Tangere. Pioneer Printing Press. Zaide, G. & Zaide, S. (2008). Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National Hero Ikalawang Edisyon ng Pagkalimbag. All Nations Publishing Co. Pang-elektronik Fenix, C. H. (2016). Wastong gawi sa hapag-kainan. https://www.slideshare.net/CrisHanaFenix/wastong-gawi-sa-hapagkainan- 65304006 Honrades, E. (2018). Wastong paggamit ng kubyertos https://www.slideshare.net/edithahonradez/epp-he-aralin-19-109908904 Unknown. (2012). Noli Me Tangere Kabanata 1 – 5. https://rizalnolimetangere.blogspot.com/2012/06/noli-me-tangere-kabanata-1- 5.html Inihanda ni: JOAN P. ŐNAL Posisyon: Special Science Teacher III Kampus: PSHS-Central Luzon Pangalan ng reviewer: HARVY B. CALMA Posisyon ng reviewer: SST IV Kampus: PSHS-Central Luzon © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 2 Pahina 8 of 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser