SINO NGA BA SI JOSE RIZAL? PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides information on Jose Rizal, a prominent figure in Filipino history. It details his life, family, and early influences. The text focuses on biographical aspects and historical details about Rizal.
Full Transcript
SINO NGA BA SI JOSE RIZAL? Doctor, makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhisyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, fokl...
SINO NGA BA SI JOSE RIZAL? Doctor, makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto, pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, ethnolohista, agremensor, inhisyero, magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, foklorista, pilosopo, tagapagsalin, imbentor, mahijero, humorista, satirisita, polemesista, manlalaro, manlalakbay, propeta, bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng inaaping kababayan. Si JOSE PROTASIO RIZAL MERCADO y ALONSO REALONDA o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal ang itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas. Isa siya sa mga magigiting na Pilipinong nakipaglaban para sa Kalayaan ng Pilipinas hind isa paraang dahas kundi sa pamamagitan ng mga salita. Nakilala siya sa kanyang mga akda na Noli Me Tangere (Touch Me Not) at El Filibusterismo (The Reign of Greed) kung saan niya isiniwalat ang karahasan, korupsyon at masasamang gawain ng mga prayle at opisyal na Espanyol. PAGSILANG NI RIZAL Hunyo 19, 1861 Calamba, Laguna Miyerkules Muntik mamatay ang kanyang ina dahil sa sobrang laki ng ulo niya. AMA NI RIZAL FRANCISCO MERCADO RIZAL (1818 – 1898) Ama ni Rizal Isinilang sa Binan, Laguna Nag aral ng Latin/Pilosopiya Namatay sa edad na 80 Tinawag ni Rizal na “Huwaran ng mga Ama” INA NI RIZAL DONYA TEODORA ALONSO REALONDA (1826 – 1911) Ina ni Rizal Namatay sa edad na 85 Inilarawan ni Rizal ang kanyang ina na “katangi-tangi”; maalam sa panitikan at mahusay na mag Espanyol. SATURNINA (1850 – 1913) Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid. Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng. Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas. Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto. PACIANO (1851 – 1930) Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya. NARCISA (1952 – 1939) Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa pag-aaral ni Rizal sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. OLYMPIA (1855 – 1887) Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887. LUCIA (1857 – 1919) Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal. Maria (1859 – 1945) Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945. CONCEPCION (1862 – 1865) Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid. Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae. JOSEFA (1865 – 1945) Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto. TRINIDAD (1868 – 1951) Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal. Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. JOSE (1861 – 1896) Ang pinakadakilang bayani at henyo. “PEPE” ang kanyang palayaw. Nagkaroon ng anak na lalaki kay Josephine Bracken at ipinangalan ito sa kanyang ama “Francisco” ngunit ilang oras lamang ito nabuhay. SOLEDAD (1870 – 1929) Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong 1890. ANG MGA NINUNO NI RIZAL Ang lahi ni Rizal ay may iba – ibang pinagmulan, sila ay may dugong Malay, Kastila, Instik at Hapon. Ang ninuno ni Rizal sa ama ay may lahing Intsik. Dumating sa Maynila noong 1690 si Domingo Lam-Co mula Fookien. Napangasawa niya si Ines Dela Rosa at naging negosyante sa Binondo. Sa kautusang umiral na ang lahat ng Indio at Chinos ay dapat gumamit ng apelyidong Kastila, ginamit niya ang apelyidong Mercado dahil siya ay negosyante at ibinuntot ang apelyidong Rizal dahil siya ay nagbebenta ng bigas. SA AKING KABABATA Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Kaya ang marapat pagyamanin kusa Sa langit salitang kaloob ng langit, Na tulad sa isang tunay na nagpala Sanlang Kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sapagkat ang poong maalam tumingin Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa At ang isang tao’y katulad, kabagay atin. Ng alin mang likha noong Kalayaan. Ang salita nati’y tulad din sa iba. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Na may alfabeto at sariling letra, Mahigit sa hayop at malansang isda. Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. GOMBURZA Mariano Gómes, José Burgos, and Jacinto Zamora SINO NGA BA SI RIZAL? MGA ALA-ALA NG KAMUSMUSAN Panonood ng mga ibon. Ang kanyang ina ang kanyang unang guro. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo. MGA TALENTO SA PANAHON NG KAMUSMUSAN Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay). Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa MGA INPLUWENSIYA KAY RIZAL Namana 1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa paglalakbay, at katapangan. 2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at pagmamahal sa mga bata. 3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto. 4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang pag-iisip. 5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan. Kapaligiran 1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura. 2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan. 3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan. 4. Mula sa kaniyang tatlong mga tiyuhin ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod: Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa. 5. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip. PAGSILANG NG ISANG BAYANI - -bininyagan noong Hunyo 22 ni PadreRufino Collantes -Padre Pedro Casanas (ninong) -Leoncio Lopez (pumirma) -Gobernador-Heneral ng Pilipinas ay si Tenyente-Heneral Jose Lemery ANG MGA NINUNO NI RIZAL. Sa kanyang mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng Silangan at Kanluran―Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon, at Espanyol. Sa partido ng kanyang ama, ng kanunu- nunuan niya ay si Domingo Laméo, isang Tsinong imigrante mula sa Changcho, lungsod ng Fukien, na dumating sa Maynila noong mga taong 1690. Naging Kristiyano siya, nakapangasawa si Ines de la Rosa, mayamang Tsinong Kristyano sa Maynila. Ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na akmang- akma naman sa kanya dahil siya ay isang mangangalakal. Nagkaanak sina Domingo Mercado at Ines de la Rosa, si Francisco Mercado. Si Francisco Mercado ay nanirahan sa Bińan, nakapangasawa ng isang mestisang Tsinong-Pilipino, si Cirila Bernacha at nahalal ng Gobernadorcillo (alkalde ng bayan). Isa sa mga Anak nila, si Juan Mercado (lolo ni rizal) ang napangasawa ni Cirila Alejandro, isang mestizang Tsinong Pilipino. Nagkaroon ng Labintatlong anak sina Kapitan Juan at Kapitana Cirila, ang bunso ay si Francisco Mercado, ang ama ni Rizal. Namatay ang ama ni Francisco Mercado nang siya ay walong taong gulang , at lumaki siya sa pag-aaruga ng kanyang nanay. Nagaral siya sa Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Habang nag- aaral a y nakilala niya’t umibig siya kay Teodora Alonso Realonda, Isang estudyante sa Kolehiyo ng Santa Rosa. Ikinisl sila noong Hunyo 28, 1848 at pagkaraa’y nanirahan sa Calamba. Sinasabing ang pamilya ni Donya Teodora ay nagmula kay Lakandula, ang huling katutubong hari ng tondo. Ang kanyang kanunu-nunuan (lolo sa tuhod ni Rizal) ay si Eugenio Ursua (may lahing Hapon) ay nakapangasawa ng isang Pilipino, si Benigna (wlang nakakaalam ng apelyido). ANG APELYIDONG RIZAL. Ang tunay na apelyido ng mag-anak na Rizal ay Mercado, na ginamit noong 1731 ni Domingo Lamco (kanunu-nunuan ni Rizal sa partido ng kanyang ama) na isng tsino. Ginamit ng mag-anak ng “Rizal”- na ibinigay ng isang espanyol na alcalde mayor (Gobernador ng lalawigan) ng Laguna na kaibigan ng Pamilya. ANG TAHANAN NG MGA RIZAL. Ang tahanan ng mga Rizal, kung saan isinilang ang bayani, ay isang katangi-tanging bahay na bato sa Calamba noong Panahon ng Espanyol. May dalawa itong palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy, at may bubong na pulang tisa. Isa itong masayang tahanan kung saan naghahari ang pagmamahal ng mga magulang at tawanan ng bata. Sa gabi, maririnig naman ang malumanay na himig ng isang pamilyang nagdarasal. Ito ang masyang tahanan ng mga Rizal.Ito ang masayang tahanan na kinalakhan ni Rizal. MABUTING PAMILYA NA NAKAKALUWAG SA BUHAY O NAKARIRIWASA. Ang mag-anak na Rizal ay kabilang sa mga Pricipalia, mayayaman ng isang bayan noong unang Panahon ng Espanyol. Sila ay isa sa mga kilalang pamilya sa Calamba. Namumuhay sila ng may katapatan, kasipagan, at pagiging masinop sa buhay. Nag-upa sila ng lupa na sa mga Ordeng Dominiko, nakakapag-ani sila ng palay,mais, at tubo. Nag-aalaga sila ng baboy, manok, at pabo sa kanilang likod ng bahay. Bukod sa pagsasaka at paghahayupan, si Donya Teodora ay may maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina ay gawaan ng hamon. ANG BUHAY NG MGA RIZAL. Payak ngunit masaya ang buhay pamilya ng mga Rizal. Bagaman mahal na mahal nina Don Francisco at Donya Teodora ang mga anak nila, hindi naman nila pinalaki ang mga ito sa layaw. Istrikto silang magulang at tinuruan nila ang mga anak na magmahal ng Diyos, kumilos ng ayon sa kagandahang asal, maging masunurin, at maging magalang sa lahat, lalo na sa nakatatanda sa kanila. Noong bata pa, kapag may ginawang kalokohan, pinapalo nila ang mga anak, kasama na si Jose Rizal. May kasabihan “Kundi papaluin ang bata, lalaki ito sa Layaw”. Araw-araw ay nakikinig sila sa misa sa simbahan ng kanilang bayan lalo ng pag linggo at pista opisyal. Sama-sama silang nag-oorasyon at pagrorosaryo bago matulog sa gabi at pagmamano pagkatapos magdasal.