Araling Panlipunan 10 Pointer for Review PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay para sa Araling Panlipunan 10, na naglalaman ng mga katanungan para sa pagsusulit, na sumasaklaw sa mga isyu ng karapatang pantao, kasarian, at seksuwalidad. Naglalaman din ng mga mahahalagang konsepto na dapat pag-aralan.

Full Transcript

Araling Panlipunan 10 Pointer for Review I.Mga Isyu sa Karapatang Pantao Karapatang Pantao – tinatamasa ng mga mamamayan sa isang pamahalaang demokratiko. Ang karapatan ay itinakda ng mga batas. Mahalaga ang pagkakaroon...

Araling Panlipunan 10 Pointer for Review I.Mga Isyu sa Karapatang Pantao Karapatang Pantao – tinatamasa ng mga mamamayan sa isang pamahalaang demokratiko. Ang karapatan ay itinakda ng mga batas. Mahalaga ang pagkakaroon ng karapatan sapagkat sinisiguro nito na makapamuhay tayo ng maayos at matiwasay. Karapatang Likas o Natural – Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay. Ang karapatang ito ay likas at wagas. Ito ay kaloob ng Diyos. Karapatan ayon sa batas A. Constitutional Rights – mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyan proteksiyon ng Konstitusyon ng bansa. B. Statutory Rights – mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng Tagapagbatas. Kategorya ng Karapatan ayon sa Batas A. Karapatang Sibil o panlipunan - Ito ay may kinalaman sa ating karapatang mabuhay nang matiwasay at malaya. Binabanggit sa karapatang panlipunan ang karapatan sa malayang pagpapahayag at karapatang mabigyan ng pangalan. B. Karapatang pampolitika – karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pmumuno at proseso ng pamamahala sa bansa. C. Karapatang Pang – ekonomiya o Pangkabuhayan- nagpapatungkol sa mga karapatan sa pagpili, pagpupurssige at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo, hanapbuhay at diesenteng pamumuhay nang ayon sa nais, nakahiligan at nagustuhan na karera. D. Karapatang Pangkultura - Nakapaloob sa karapatang ito na makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi at pag – uugali. E. Mga Karapatan ng Akusado / Nasasakdal – Pinangangalagaan nito ang mga taong akusado at nasasakdal sa anumang paglabag sa batas. Legal na batayan sa Karapatan Mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga Karapatan ng ating Saligang Batas sapagkat nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan ng isang demokratikong estado Ang Article III ng ating Konstitusyon ay tungkol sa Bill of Rights o katipunan ng mga karapatan kung saan nakapaloob ang karapatang pantao na dapat tinatamasa ng bawat mamamayan Sa Artikulo II ng ating Saligang Batas makikita ang mga patakaran na may kaugnayan sa tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mga karapatan ng mga mamamayan Mahalaga ang Pandigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat iniiwasan nito ang diskriminasyon. Mga Paglabag sa Karapatng Pantao A. Pisikal na Paglabag B. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag C. Estruktural o Sistematikong Paglabag Ang Lumalabag sa Karapatang Pantao A. Mga magulang at nakakatnada B. Mga Kamag- anak, kaibigan at iba pang tao sa paligid C. Mga kawani, opisyal at pinuno D. Mga Kriminal E. Mga terorista at mga samahang laban sa bansa Pinapalaganap ang kaalaman tungkol sa karapatang pantao sa mga paaralan sa pamamagitan ng mga libro at kurikulum Mahalaga ang pagkakaroon ng mga batas na nagpapalaganap ng karapatang pantao upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa diskriminasyon II. Kasarian at Seksuwalidad Ang sex o seksuwalidad ay tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae Ang gender o kasarian ay tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad. Kung kasarian ang usapan, ang ginagamit na termino ay pambabae at panlalaki. Ang pagtatalaga ng kung ano ang pambabae at panlalaki ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Nagkakaiba ang kasarian sa seksuwalidad dahil sa ang kasarian ay epekto ng kultura samantalang ang seksuwalidad ay biyolohikal. Bukod sa pagiging lalaki o babae, may mga tao ring tinatawag na kabilang sa third sex na nakakaranas ng atraksiyon sa katulad nilang kasarian. Note: Basahin mabuti ang katanungan sa pagsusulit. May mga practical questios. Maraming salamat.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser