EsP G9 Ikalawang Markahan PDF
Document Details
Uploaded by StraightforwardIolite
2021
Tags
Related
- Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10 Past Paper PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Unang Markahan, Modyul 1, PDF
- Edukasyon sa Pagpapakatao (Aralin)
- K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Framework PDF
- EsP 10 Q2 Modyul 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos (PDF)
- Modyul 4: Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral - ESP 9
Summary
Ang modyul na ito ay para sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) para sa Ikalawang Markahan ng Grade 9, taong 2021. Inilalarawan dito ang mga karapatan at tungkulin ng tao, gayundin ang mga paglabag sa karapatang pantao. May kasamang mga gawain para maipakita ang mga natutunan.
Full Transcript
IKALAWANG MARKAHAN EsP G9 1 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahens...
IKALAWANG MARKAHAN EsP G9 1 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto. Mga Tagasuri PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 PIVOT 4A Learner’s Material Ikalawang Markahan Ikalawang Edisyon, 2021 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasiyam na Baitang Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead Jaypee E. Lopo, Rosalie C. Madera & Philips T. Monterola Content Creator & Writer Jaypee E. Lopo & Philips T. Monterola Internal Reviewer & Editor Lhovie A. Cauilan & Jael Faith T. Ledesma Layout Artist & Illustrator Jhucel A. del Rosario & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer Ephraim L. Gibas IT & Logistics Earvin Christian T. Pelagio, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewers & Language Editor Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material Para sa Tagapagpadaloy Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin. Salamat sa iyo! Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain. 3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito! PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul Bahagi ng LM Nilalaman Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na (Introduction) Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o lingo. Layunin ng Panimula aralin ang pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa (Development) Pagpapaunlad mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng Tuklasin mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at Pagyamanin matutuhan. Ang bahaging ito ay binibigyang pagkakataon ang mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Isagawa Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang Pakikipagpalihan (Engagement) mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o Development. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na Linangin magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang Iangkop ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga (Assimilation) piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang Paglalapat kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag- uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha Tayahin ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dati ng natutuhan. Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Pagsasagawa ng Angkop na Kilos WEEKS Batay sa Karapatan Tungo sa 1-2 Pagtupad ng mga Tungkulin I Aralin Natulungan ka ng Unang Markahan upang lubos na maunawaan ang gampanin ng lipunan at ang halaga nito sa pag-unlad mo bilang tao. Makatutulong ang mga konsepto na iyong namalas upang lalong maging isang mapanagutang mamamayan. Sa pagsisimula ng Ikalawang Markahan ay mauunawaan mo ang tunay na kahulugan ng karapatan at tungkulin na makatutulong upang maging mabuting bahagi ng lipunan na iyong ginagalawan. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay: a) natutukoy mo ang mga karapatan at tungkulin ng tao; b) nasusuri mo ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa; c) napatutunayan mo na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kaniyang katwiran, ang pagkakapan- tay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao; at d) naisasagawa mo ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa. Tinatamasa mo ba ang mga karapatan na nasa mga larawan ng naunang pahina? Ilan lamang ang mga iyon sa mga karapatan na mayroon ang isang tao. Ang karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Upang makapamuhay nang matiwasay at mapayapa, nararapat na maunawaan mo kung papaano magsasa- gawa ng angkop na kilos batay sa iyong karapatan patungo sa pagtupad ng iyong tungkulin. Alam mo ba ang iyong mga karapatan? Natutupad mo ba ang iyong mga tungkulin? PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 6 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin sa mga sumusunod kung alin ang karapatan at tungkulin. Isulat ang K kung ito ay karapatan at T naman kung tungkulin. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ipinarehistro ni Phil at Laarni ang kanilang anak pagkatapos na ito ay maipanganak. 2. Bumili ng lupain si Willy sa probinsya upang makapagtanim ng mga halaman na makatutulong sa kaniyang negosyo. 3. Lumahok si Ana Marie sa Workers’ Union o samahan ng manggagawa sa kaniyang pinapasukang pabrika. 4. Sumusunod si Justina sa mga patakaran ng kanilang baranggay. 5. Nakikilahok si Jovel sa Online Brigada Eskwela ng kanilang paaralan. May pangalan ka ba? May kilala ka bang tao na hindi binigyan ng pangalan? Ang pagbibigay ng pangalan sa isang tao ay katumbas ng pagbibigay ng karapatan sa kaniya. Isa sa nakasaad sa Sampung Karapatan ng Bawat Batang Pilipino ay ang maisilang at mabigyan ng pangalan at nasyonalidad. Ano nga ba ang karapatan? Karapatan. Ito ay mga dapat na tinatamasa o tinatanggap ng tao o ng isang organisasyon. Kasabay ng pagsilang ng isang indibidwal ay ang pagtanggap niya sa mga bagay na dapat para sa kaniya. Makapamuhay ang isang tao ng may dignidad (kawangis ng manlilikha) at paggalang sa sarili kung mauunawaan niya ng lubos ang mga bagay na dapat ay sa kaniya. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong taong 1939-1945, ang Universal Declaration of Human Rights ay nabuo sa pangunguna ng mga indibidwal na buhat sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito ay pinagtibay ng United Nation General Assembly noong Disyember 10, 1948 na naglalayon na pangalagaan ang karapatan ng bawat tao. Ang batas na ito ay naglalayon na maitaguyod ang karapatan ng bawat tao. Ang buod na nakasaad sa Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao ng mga nagkakaisang bansa ay mababasa natin sa ibaba: (Eileen Byrnes and Ismael Hayden, 2007) 1. Karapatan patungkol sa dignidad, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran. 2. Karapatan na mabuhay. Ipagbawal ang parusang hindi naaayon sa batas, hindi pagkapantay-pantay, at hindi makatarungang pagsasakdal. 7 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 4. Karapatang Pang-ispiritwal at panrelihiyon. Ito ay ang karapatan na magpalit ng pananampalataya o relihiyon at ang karapatang magpahayag o magsabuhay nito. 5. Karapatang sosyal, pang-ekonomiya at kultural na karapatan. Kaugnay nito ang karapatang makapagtrabaho, karapatang makapagpahinga at makapaglibang, karapatang magkaroon ng disenteng pamumuhay at karapatang makapag-aral. 6. Ang bawat karapatan ay may kaakibat na obligasyon at wala sa anomang nabanggit na karapatan ng UDHR ang maaring magamit upang hindi maisakatuparan ang layunin nito. Pribilehiyong maituturing ang mga karapatan na mayroon ang isang tao. Ibinigay ito sa tao sapagkat ito ay mga bagay na kinakailangan upang siya ay mabuhay nang matiwasay, umuunlad at maging kabahagi sa pagtupad ng layunin ng lipunan. Kabalikat ng mga karapatan na ipinagkaloob sa indibidwal ay ang mga tungkulin na dapat niyang gampanan upang lalo pang mapaunlad ang kaniyang pagkatao. Ano nga ba ang kahulugan ng tungkulin? Tungkulin. Ito ay mga mga bagay na iniatang sa tao upang kaniyang gampanan. Inaasahan na gagampanan ng bawat tao ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa kaniya upang makatugon sa kaganapan ng bawat adhikain. Ang Interaction Council na naitatag noong 1997, (isang malayang pandaigdigang samahan) ay nagmungkahi ng mga tungkulin na dapat gampanan ng tao kaakibat ng karapatan na ibinigay sa kaniya, ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang bawat tao, hindi alintana ang kasarian, pinagmulan, katayuan sa lipunan, wika, edad, relihiyon, nasyonalidad, ay may pananagutan na pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan. 2. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at pagpapahalaga sa sarili at kapuwa. 3. Ang bawat tao ay may pananagutang itaguyod ang mabuti at maiwasan ang kasamaan sa lahat ng bagay. 4. Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng katwiran at budhi ay may pananagutan sa lahat, sa pamilya at lipunan, sa lahi, bansa at relihiyon. 5. Ang lahat ng tao ay may pananagutang igalang ang buhay. 6. Ang bawat tao ay may pananagutang kumilos nang may integridad, katapatan at pagkamakatarungan. 7. Ang lahat ng tao na pinagkalooban ng sapat na kakayahan ay may pananagutan na magsumikap upang mapaglabanan ang kahirapan, pagkagutom, kamangmangan at hindi pagkapantay-pantay. Marapat lamang na itaguyod nila ang pagpapaunlad sa buong mundo nang sa gayon ay matiyak ang dignidad, kalayaan, seguridad at katarungan sa lahat. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 8 8. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na paunlarin ang kanilang talento sa pamamagitan nang masigasig na paggawa. Ang lahat ay kinakailangang magkaroon ng patas na pribilehiyo na makapag-aral at pagkakaroon ng makabuluhang trabaho/hanapbuhay. Ang lahat ng tao ay handang tumulong sa mga aba, may kapansanan at biktima ng dis- kriminasyon. 9. Ang lahat ng tao ay may pananagutan na magsalita at kumilos nang may katapatan. 10. Ang kalayaan sa pamamahayag ay dapat gamitin nang may responsabilidad at masusing pagpapasiya. Ang kalayaang ito ay nagda- dala ng namumukod-tanging pananagutan para sa isang wasto at mat- apat na pag-uulat. Kailangang iwasan ang dramatikong pag-uulat na nagpapababa ng dignidad ng tao. 11. Ang kalayaang panrelihiyon ay nararapat bigyang katiyakan kaya na- man ang mga kumakatawan sa bawat relihiyon ay may pananagutan na iwasan ang pahayag na may kinikilingan at diskriminasyon patungkol sa ibang pananampalataya. 12. Ang bawat tao anumang oryentasyon o kagustuhang sekswal ay may pananagutang ipakita ang paggalang sa isa’t isa. Walang sinuman ang magsasailalim ng ibang tao sa pananamantalang sekswal o dependensi- ya. Sa halip, ang magkabiyak ay dapat tanggapin ang responsabilidad na kalingain ang bawat isa. 13. Ang pagpaplano ng pamilya ay pananagutan ng mag-asawa. Ang ugna- yan sa pagitan ng magulang at mga anak ay dapat magpakita ng pag- ibig, paggalang, pagpapahalaga at pagmamalasakit. Walang magulang o ibang nakatatanda ang mananamantala at mang-aabuso ng bata. Nababaliwala ang karapatan ng tao kung hindi siya makakaganap sa kaniyang mga tungkulin. Ang mga bagay na dapat na tinatamasa ng tao ay mabibigyan ng mas malalim na kahulugan kung iniaangkop niya ang kilos ayon sa kaniyang karapatan. Sapagkat nagkakaroon ng saysay ang mga karapatan kung nakatatalima ang tao sa kaniyang mga obligasyon. Nakalalabag sa karapatan ang tao kung hindi niya nagagawa ang kaniyang tungkulin. Ilan sa mga paglabag sa karapatang pantao ay ang mga sumusunod: 1. Pagkitil ng buhay ng sanggol. 2. Pagmamaltrato sa mga bata. 3. Pang-aabuso at hindi tamang pagtrato sa kababaihan. 4. Hindi pagpansin sa mga may kapansanan. 5. Hindi magandang pakikitungo sa kalagayang pansekswal. 6. Pagbebenta sa kapuwa-tao. 7. Pagkuha ng ari-arian o lupa. 8. Hindi pagtrato ng tama sa ibang lahi dahil sa sama ng loob. 9. Paggamit ng dahas upang puwersahin ang pamahalaan at mamamayan. 9 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Papaano nga ba tayo makagaganap ng tungkulin na may pagsasaalang-alang sa karapatan ng ating kapuwa? Ang mga sumusunod ay makatutulong sa pagsasagawa nito: 1. Igalang ang dignidad ng bawat tao. 2. Sundin ang batas. 3. Sundin ang prinsipyo ng gintong aral na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa’yo”. 4. Pagmalasakitan ang lahat ng may buhay. 5. Laging isaisip ang kabutihang panlahat. Ngayon na naunawaan mo na ang iyong mga karapatan at tungkulin. Magagawa mo na ang mga gawain sa ibaba. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gamit ang graphic organizer sa ibaba. Ibigay ang sariling kahulugan ng karapatan at tungkulin. Magtala ng mga sariling halimbawa nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Halimbawa: Halimbawa: 1. 1. Karapatan Kahulugan 2. Tungkulin Kahulugan 2. 3. 3. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 10 E Sa pagkaunawa mo sa iyong mga karapatan at tungkulin, makapagsusuri ka at makagagawa ng mga paraan upang ito ay mailapat sa iyong buhay. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Suriin ang mga karapatang pantao na nalabag sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat kung anong karapatan ang nalabag at ano ang nararapat gawin. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Hindi pinag-aral ni John Mark ang kaniyang anak dahil bulag ito. 2. Dahil hindi tunay na anak ni Chester si Dina, pinagagawa niya ito ng mga gawaing bahay kahit gabi na at hindi pinasasabay sa pagkain ng pamilya. 3. Pilit na pinaalis ni Rex ang umuupa sa kanilang bahay sapagkat ilang buwan na itong hindi nakababayad. Hindi na rin niya ibinibigay ang mga naiwang gamit sa loob ng bahay. 4. Hindi kayang buhayin ni Marvilyn ang sanggol sa kaniyang sinapupunan kaya’t nagpasiya siyang ipalaglag ito. 5. Iniligaw ni Jaymar ang banyaga na nagtanong sa kaniya ng direksiyon patungo sa lugar na pupuntahan. Ito raw ang ganti niya sa ginawang hindi maganda sa kaniyang kapatid na nasa ibang bansa. Gawain sa pagkatuto Bilang 4: Sa iyong sagutang papel, ibahagi at isulat ang karanasan na nagampanan mo ang iyong tungkulin sa pamilya, paaralan, simbahan o pamayanan na napangalagaan ang karapatan ng iyong kapuwa. Tungkulin Institusyon Nagawa Resulta Hal. Simbahan Ginabayan ang mga Mas lalong napalapit Tagapagpaawit kasama sa worship sa Diyos ang mga sa simbahan team sa pagpapaawit kapatiran. sa kongregasyon. 11 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba. Alamin kung may nalabag na karapatang pantao. Isulat sa sagutang papel ang iyong kuro-kuro. Pagkatapos ng pag-aaral sa Junior High School ay binalak ni Noel na mag-aral ng Senior High School sa isang kilalang unibersidad sa Maynila. Binasa niya ang mga kwalipikasyon at mga pamamaraan upang siya ay makapasok sa nasabing paaralan. Nang matiyak sa sarili na taglay niya ang mga nakasaad na kasanayan ay sinunod niya ang mga proseso sa pag-aapply. Nang siya ay nasa huling hakbang upang makapasok sa nasabing paaralan ay sinabihan siya ng administrador ng paaralan na hindi siya maaaring tanggapin, sapagkat iba ang kaniyang relihiyon. Ngunit hindi naman nakasaad sa kwalipikasyon ng eskwelahan ang patungkol sa pananampalataya. Kung ikaw si Leonor, ano ang mga hakbang na iyong gagawin upang maipaglaban ang iyong karapatan? Mga Tanong: 1. May nalabag ba sa karapatan ni Noel? Tukuyin ito. 2. Kung ikaw si Noel, ano ang mga hakbang na gagawin upang maipaglaban ang iyong karapatan? 3. Bakit mahalaga na alam ng tao ang kaniyang mga karapatan? Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magtala ng mga sitwasyon na iyong naobserbahan o nagawa na lumabag sa karapatang pantao. Isa-isahin ang mga paraan na iyong gagawin upang maitama ang mga pagkakamali. Gawin ito sa Pangyayari Nalabag na Karapatan Paraan ng Pagtutuwid Hal. Pambu-bully ng Karapatan patungkol Kakausapin ang kaibigan at kaibigan sa kapit- sa dignidad at ipaliliwanag ang kahala- bahay mong may pagkaka-pantay- gahan ng pagmamalasakit kapansanan. pantay. sa kapuwa. Kakambal ng karapatan ay ang mga tungkulin. Malaya kang makapamumuhay nang may kagalakan at kasapatan kung iyong gagawin ang mga naiatang na gampanin. Magagawa mo ito kung isasaalang-alang ang dignidad ng iyong kapuwa. Tungkulin ay gampanan upang karapatan ng iba ay matamasa. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 12 Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin at unawain ang mga nakasaad. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang kaakibat ng karapatan na ibinigay sa tao? A. Kapangyarihan B. Kayamanan C. Tungkulin D. Katanyagan 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi pagtupad sa tungkulin upang mapangalagaan ang karapatan? A. Paggalang sa dignidad ng bawat tao B. Pagsunod sa batas C. Paggamit ng pribilehiyo D. Pagmamalasakit sa lahat ng may buhay 3. Alin sa mga sumusunod na organisasyon ang nagpatibay sa Universal Declaration of Human Rights? A. United Nation General Assembly B. World Health Organization C. United Nations D. Union of Nations Assembly 4. Ano ang ibinigay sa tao kahit hindi niya hiningi na kabalikat ay tungkulin A. Karapatan B. Kapangyarihan C. Kayamanan D. Kapanatagan 5. Laging sinasaktan ni Raymond ang kaniyang asawa kahit sa konting pagkakamali nito. Anong karapatang pantao ang nalalabag? A. Pagkitil ng buhay ng sanggol. B. Pagmamaltrato sa mga bata. C. Pang-aabuso at hindi tamang pagtrato sa kababaihan. D. Hindi pagpansin sa mga may kapansanan. 13 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Magmuni-muni at isipin ang mga nagawang pagkakamali sa kapuwa. Isipin kung may karapatang pantao na nalabag. Manalangin at humingi ng kapatawaran sa Diyos. Itala ang mga tiyak na gagawin upang maipakita ang paggalang sa dignidad ng tao. Gawin ito sa sagutang papel. Taong Nagawan ng Mali Sitwasyon Tiyak na Hakbang na Gagawin Hal. Bunsong kapatid Pinapalo ko ang aking Humingi ng tawad sa kapatid tuwing siya ay kapatid at mas habaan ang nagkakamali. pasensya rito. A Bilang pangwakas, buoin ang mahalagang kaisipan. Pribilehiyong maituturing ang mga k_____________n na mayroon ang isang tao. Ibinigay ito sa tao sapagkat ito ay mga bagay na kinakailangan upang siya ay mabuhay ng m_____________y, umuunlad at nagiging kabahagi ng pagtupad ng layunin ng l_________________n. Kabalikat ng mga karapatan na ipinagkaloob sa indibidwal ay ang mga t_________________n na dapat niyang gampanan upang lalo pang mapaunlad ang kaniyang pagkatao. Malaya kang makapamumuhay ng may kagalakan at kasapatan kung iyong gagawin ang mga naiatang na gampanin. Magagawa mo ito kung isasaalang-alang ang d___________d ng iyong kapuwa at kung ang tungkulin mo ay gampanan upang karapatan ng iba ay matamasa. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 14 Pagsang-ayon o Pagtutol sa Batas WEEKS ayon sa Likas na Batas Moral 3-4 Aralin I Sa nakaraang aralin ay natutunan mo ang tungkol sa pagsasagawa ng angkop na kilos batay sa karapatan tungo sa pagtupad ng mga tungkulin. Nakagagalak sa puso na naisasakatuparan mo ang iyong mga responsibilidad nang may paggalang sa dignidad ng ating kapuwa. Sa iyong aralin ngayon ay matuturuan ka upang maunawaan ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral. Pagkatapos ng aralin na ito ay inaasahan na: a) natutukoy mo ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral; b) nasusuri mo ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral; c) nahihinuha mo na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat; d) naipahahayag mo ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat. Legal E, moral ba? naman ito. Dapat ayon din sa Likas Ayon sa batas na Batas Moral ng tao Nalilito ka rin ba kagaya ng nasa larawan kung ano ang tama o mali? Mabuti o masama? Ano nga ba ang dapat piliin mabuti o tama? Papaano nga ba tutugon sa mabuti at tamang gawi na nakaayon sa kabutihang panlahat? 15 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng tsek (✓) ang mga nagsasaad na tama ang kilos at puso ()naman kung mabuti. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Inililibre ni Dan Lexander ng pagkain ang mga kaklase gamit ang perang napanalunan sa sugal. 2. Inalam muna ng doktor na tumingin kay Rosshiela kung may allergy siya sa gamot bago nagbigay ng reseta. 3. Binigyan ni Michelle ng P200 ang anak na nasa kolehiyo, P80 naman sa nasa hayskul at P30 sa anak na nasa elementarya. 4. Ibinigay ni Eunice ang personal niyang cloth mask na nakasampay kay Rissa upang hindi mahuli ng barangay tanod na tumitingin kung ang mga mamamayan ay tumutupad sa mga panuntunan. 5. Ipinagpatuloy ni Erwin ang kaniyang pag-aaral kahit na may kakapusan dulot ng pandemya. Bawal lumabas ng walang mask! Bawal lumabas ng bahay ang 15 taong gulang pababa at maging mga senior citizens. Iyan ay ilan lamang sa mga ipinatupad na panuntunan nang magsimulang kumalat ang COVID-19 sa ating bansa. Ang batas ay nakatutulong upang magkaroon ng kaayusan ang isang pamayanan. Nararapat na ang mga mamamayan nito ay sumusunod sa mga panuntunan upang makapamuhay nang mapayapa. Ikaw, alam mo ba ang mga batas na ipinatutupad sa iyong pamayanan? Sinusunod mo ba ang mga ito? Ano nga ba ang batas? Ang Batas. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ay isang direktibang obligado o obligasyon na may pangkalahatan at matatag na katangiang gabayan ang kilos ng tao tungo sa huling layunin - ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay. Aniya, ito rin ay kautusan ng katuwiran na pumapatnubay patungo sa kabutihang panlahat at ito ay ipinapatupad ng mga nangangalaga sa komunidad. Ayon pa rin kay Sto. Tomas de Aquino, may apat na uri ng batas. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Eternal Law. Ito ang batas na huwaran ng banal na karunungan na siyang gumagabay sa lahat ng kilos at galaw. 2. Natural Law. Ito ang batas na gumagabay sa inang kalikasan. 3. Natural Moral Law. Ito ang batas na nakaukit sa puso ng tao - “Do good, avoid evil.” 4. Human Law. Ito ay binubuo ng Civil Law (Batas Sibil) at Ecclesiastical Law (Batas ng Simbahan) PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 16 Ang apat na uri ng batas kung ating titingnan ay ang mga gumagabay sa buong sansinukob. Ito ang naglalagay sa lahat ng bagay sa kaayusan. Kung marapatin ng tao na susundin ang mga ito, ang buong sangkatauhan ay magka- karoon ng tunay na kapayapaan na siya ring pinakalayunin ng lahat ng batas. Sa kabilang banda, ang karaniwang deposisyon naman ng batas sa pananaw ng lipunan ay ang mga nakasulat na patakaran na ipinatutupad ng mga nasa awtoridad na may layunin na mapanatili ang kaayusan sa lipunan. Ito ay ginawa ng mga taong may kapangyarihan na naglalayong magkaroon ng seguridad ang bawat mamamayan at mapanatili ang katahimikan ng lipunan. Isa pa sa mga layunin ng batas ay ang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan at makapagbigay ng tamang serbisyo. Sa Pilipinas, nakabatay sa 1987 Philippine Constitution ang mga batas na ipinatutupad ng ating pamahalaan sa kasalukuyan. Ito ang saligan ng mga Pilipino upang maprotektahan ang kanilang mga karapatan. Mayroon ding mga International Laws na sumasakop sa mga bansa upang pangalagaan ang seguri- dad ng mga kasapi nito. Kung ang batas na gawa ng tao ay may layunin na mapabuti at mabigyan ng tamang serbisyo ang mga nasasakupan nito, lalo’t higit ang Likas na Batas Moral na taglay ng tao simula pa ng siya ay likhain. Ano nga ba ang Likas na Batas Moral at papaano natin masasabi na ang mga batas ay nakaayon sa kabutihang panlahat? Likas na Batas Moral. Ang batas na ito ay taglay na ng tao mula ng siya ay likhain. Nakatanim na sa kaniyang puso ang batas na ito- na siyang tumutulong upang maunawaan ng tao ang tama o mali. Sapagkat ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos, taglay niya ang kabutihan at karunungan na nagmumula sa kaniyang Manlilikha. Kaakibat ng kabutihan at kamalayan na taglay ng tao ay ang kalayaan na ipinagkaloob sa kaniya. Ang kakayahang pumili ang nagdudulot upang siya ay makagawa ng masama o mabuti. Ang Likas na Batas Moral ay kusang bumubukal sa tao na hindi na nangangailangan ng pormal na edukasyon o pag-aaral upang malaman ang mga nakasaad dito. Ang tao ay biniyayaan ng kalayaan na magagamit upang maging mapanagutin sa kaniyang kilos. Ang kalayaan ng tao ay isa sa mga dahilan kung bakit siya ay nagtataglay ng Likas na Batas Moral. Tanging ang mga pinagkalooban ng kalayaan, ang sakop ng Likas na Batas Moral. Ang layunin ng Likas na Batas Moral ay upang magsilbing patnubay ng tao sa pagpili ng tama at mabuting desisyon sa buhay. Ang batas ding ito ay naglalayon na mapabuti ang tao. Makaiiwas na gumawa ng masama ang tao kung palagi niyang susundin ang batas na ito. Sapagkat ang tao ang may kakayahan upang magpasiya sa mga bagay na makabubuti o makasasama sa kaniya, gayundin sa kaniyang kapuwa. Kung gagawin ng tao ang sinasaad sa Likas na Batas Moral, ito ay magdudulot ng kapayaan sa kaniyang sarili gayundin sa kaniyang kapuwa. Ngunit papaano nga ba malalaman ng tao ang mabuti o masama? 17 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Ang Mabuti. Kailan mo ba masasabi na mabuti ang iyong ginagawa? Ang mabuti ay nakabatay sa layon ng tao sa kaniyang kapuwa maging sa kaniyang mga ginagawa. Ito ay nakasalig sa kung paano nag-iisip ng maayos ang tao sa kaniyang kapuwa, nakapagbabalanse ng mga bagay-bagay at higit sa lahat ay may malinis at dalisay na puso sa kaniyang kapuwa. Ang mabuti ay ang pagnanais na gumawa patungo sa pagbuo ng pagkatao ng kapuwa maging ng sarili. Ganun din pinalalago nito ang ugnayan sa kaniyang kapuwa. Masasabi ba na lahat ng mabuti ay tama? Kailan mababatid na tama ang pagkilos? Ang Tama. Ang tama ay pagpapasiya na nakabatay sa angkop na panahon, lugar, tao, sitwasyon, dahilan at paraan. Hindi lahat ng mabuti ay tama kung hindi ito umaayon sa matuwid na katuwiran na magdadala sa tao sa kung ano ang dapat. Halimbawa: Ang pagtulong sa kapuwa sa pamamagitan ng pagnanakaw. Mabuti ang tumulong sa kapuwa, ngunit mabuti ba na gawin ang pagnanakaw? Sa ganitong pagkakataon marapat na balikan ang pagtatakda ng layunin. Sa likas na Batas Moral saklaw nito ang mabuti, ngunit ang tama ay ya- ong tugma sa tao na may sapat na pinagbabatayan. Maaaring magkakaroon ng kaisahan ang tama at mabuti kung isasaalang- alang ang prinsipyo ng mga doktor na First Do No Harm. Ang hindi pananakit ng kapuwa ay tama lalo na kung ang motibo ay makatutulong sa kaniyang pag-unlad. Mabuti sapagkat natutugunan ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ang pinakamahalaga ay ang protektahan ang indibidwal. Iba’t iba man ang paraan ng pagsasakilos ng Likas na Batas Moral ngunit ito ay may isang naisin ang pangalagaan ang pagkatao ng tao. Ituring ang tao bilang pinakamataas na nilikha at ibigay ang nararapat na pagkilala sa kaniyang pagka- sino upang maitaguyod ang kaniyang pag-unlad. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, pagnilayan, pumili at ipaliwanag ang isa sa mga tanong. Maaari mo ring anyayahan ang isang kasapi ng iyong pamilya na magkaroon ng makabuluhang palitan ng kuro-kuro ukol dito. Ang lahat ba ng mabuti ay tama? O ang lahat ng tama ay mabuti? PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 18 Ang Pag-aangkop. Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ay nagpalabas ng mga Karapatan ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad ng tao. Nananalig ang samahan na ito na kung maibibigay ang patas na pagtrato sa lahat ng tao ay makapamumuhay ang bawat isa ng matiwasay at may paggalang sa isa’t isa. Ang bawat bansa ay nagsisikap na maibigay ang nararapat para sa mga mamamayan kaya’t sila ay nagpapatupad ng mga batas na angkop sa kultura, lahi, tradisyon, relihiyon at paniniwala ng kanilang nasasakupan. Sinisiguro nila na matutugunan ang mga panuntunang kanilang ginagawa, ang paglalagay sa tao bilang pinakamataas na nilikha. Gayundin, ang mapaunlad ang kaganapan ng kaniyang pagkatao. Hindi ginawa ang tao para sa batas, bagkus ginawa ang batas para sa tao. Upang ang tao ay makasunod sa ninanais ng pamahalaan, may mga batas na nakasulat upang maging gabay. Ang Likas na Batas Moral ay walang konkretong nahahawakang kasulatan ngunit ito ay nakaukit na sa puso at isip ng tao upang makatulong sa pagbatid ng tama at mabuti na siya ring nararapat na gabay sa pagbuo ng batas sibil. Tiyak na maraming ka nang natutunan sa pagbabasa ng mga konsepto. Sa pagkakataong ito, maaari mo nang matukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung tama o mali ang nakatala sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA kung tumutukoy sa kilos na sumasang-ayon sa kabutihang panlahat at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Sinisikap ni Joymie na gawin sa abot ng kaniyang makakaya ang mga trabaho na nakaatang sa kaniya upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. 2. Dahil modular distance learning ang piniling paraan ng pag-aaral ni Jan Marini, palagi niyang pinagagawa ang mga gawain sa kaniyang nanay upang hindi siya mahirapan. 3. Gustong mapabilang ni Arah sa grupong kinabibilangan ng mga mahuhusay na mananayaw sa kanilang lugar kaya’t lagi niyang iginagawa ng takdang-aralin ang mga kasamahan. 4. Bagamat mahirap ang buhay, sinikap ni Jilyn Joy na itaguyod ang kaniyang pag-aaral. 5. Pinag-aralang mabuti ni Kent ang mga istratehiya sa paglalaro ng badminton sapagkat naniniwala siya na may kakayahan siyang magtagumpay sa larangang ito. 19 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 E Sa pagkaunawa sa mga kilos na naaayon sa kabutihang panlahat ay makapagbibigay ka ng iyong pakahulugan sa mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. Gayundin ay mailalapat mo ito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Gumawa ng picture collage o gumuhit (draw/ illustrate) mula sa kagamitan na mayroon sa bahay o paligid (available materials) na nagpapakita ng kilos na nakaayon sa Likas na Batas Moral. Gawin ito sa sagutang papel. Sundan ang rubrik sa ibaba. Kraytirya 4 3 2 1 Komprehensibo Napaka- Komprehensibo Hindi masya- Hindi ang Pagkabuo komprehensibo ang pagkabuo dong kompre- komprehensibo ng Konsepto ang pagkabuo ng ng konsepto hensibo ang ang pagkabuo konsepto pagkabuo ng ng konsepto konsepto Tugma ang Ang lahat ng May isang May dalawang May tatlong mga ginamit larawan ay larawan na larawan na larawan na ng larawan nagpapakita ng hindi hindi hindi kilos na ayon nagpapakita ng nagpapakita ng nagpapakita sa Likas na Ba- kilos na ayon kilos na ayon ng kilos na tas Moral sa Likas na sa Likas na ayon sa Likas Batas Moral Batas Moral na Batas Moral Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita Hindi nakaga- pagka- pagkama- pagkama- ang pagka- wa ng malikhain likhain sa likhain ngunit malikhain sa malikhaing kabuoan ng hindi gaanong sulatin. sulatin. sulatin at nakapupukaw tunay na ng pansin. nakapupukaw ng pansin ang kabuuan nito. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 20 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magsaliksik tungkol sa mga batas na umiiral sa inyong barangay patungkol sa mga kabataan. Maari mong itanong sa iyong mga magulang o mga kapitbahay. Punan ang hinihingi sa talahanayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Batas na Umiiral sa Paraan na gagawin upang Mga dahilan kung Barangay matupad o masunod ito bakit hindi ito natupad o nasunod 1. 2. 3. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Siyasatin kung ito ay nakabatay sa Likas na Batas Moral. Sa iyong sagutang papel, sagutan ang mga tanong sa ibaba. Inabot ng lockdown ang tatay ni Gilbert sa ibang bayan. Tanging ang ama lamang nila ang inaasahan na tumutustos sa mga pangangailangan nila sa tahanan. Naubos na ang mga ayuda na ibinigay ng gobyerno sa kanila. Hindi pa rin makakabalik ang kanilang ama dahil hindi ito makakuha ng libreng tiket upang makabalik sa probinsya. Niyaya siya ng kaniyang kaibigan na sumama sa kanila at magbenta ng ipinagbabawal na gamot. Alam niya na hindi ito tama at hindi makabubuti sa kaniya. Ngunit kumakalam na ang sikmura ng kaniyang mga kapatid. Lumabas siya ng bahay upang makahanap ng mapagkakitaan. Nag-apply siya bilang tindero at katulong sa palengke. Ngunit sa kasamaang palad ay hinuli siya ng mga tauhan ng barangay dahil siya ay menor de edad at labag sa kasakuyang batas at panuntanan sa community quarantine protocols ang lumabas ng bahay ang 17 gulang pababa. Mga Tanong: 1. Ano ang nangyari sa pamilya ni Gilbert? 2. Kung ikaw si Gilbert, gagawin mo rin ba ang pagtanggi niya na magbenta ng ipinagbabawal ng gamot? Bakit? 3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Gilbert, ano ang gagawin mo? Ipaliwa- nag. 4. Sa kalagayan ni Gilbert, tama ba na sundin ang kasalukuyang batas? Pangatwiranan. 21 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Magtala ng mga batas o patakaran na ipinatutupad sa iyong lipunan, bayan, barangay o pamilya. Magpahayag ng iyong pagsang-ayon o pagtutol at suhestiyon sa mga ito. Punan ang talahanayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Batas Saloobin Dahilan Suhestiyon 1. 2. 3. 4. 5. A Bilang pangwakas, buoin ang mahalagang kaisipan. Upang ang tao ay makasunod sa ninanais ng ________________ may mga batas na nakasulat upang maging gabay. Ang Likas na ____________ ____________ ay walang konkretong nahahawakang kasulatan ngunit ito ay nakaukit na sa ____________ at _____________ ng tao upang makatulong sa pagbatid ng tama at ______________ na siya ring nararapat na gabay sa pagbuo ng batas sibil. Sa pagsunod sa __________ ay mahalagang ibatay ito sa Likas na Batas Moral upang anuman ang iyong ____________ ay maipakita mo ang paggalang sa _______________ ng tao at makapagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng iyong sarili maging ng iyong kapuwa tungo sa ________________ panlahat. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 22 WEEKS Pagpapahalaga sa Paggawa 5-6 Aralin I Nakatulong sa iyong pag-unlad ang iyong natutunan buhat sa nakaraang aralin. Tinuruan ka nito upang makasunod sa batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. Ngayon naman ay maiintindihan mo sa aralin na ito kung bakit mahalaga ang paggawa. Inaasahan na sa araling ito ay: a) naipaliliwanag mo ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod; b) nakapagsusuri ka kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod; c) napatutunayan mo na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kaniyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kaniyang pagkatao; d) nakabubuo ka ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal-bokasyonal. Anong tulong ang Tutulong po ako Proud ako sa trabaho ipinagkaloob niya? inay! ng tatay ko. Nasubukan mo na bang gawin ang ilan sa mga nasa larawan? O, may mga nakita ka na ba na gumagawa ng mga ito? Mahirap kayang gawin ang ginagawa nila? Ang ilan sa mga nasa larawan ay uri ng iba’t ibang gawain ng mga tao sa iyong paligid. Ang pagpapahalaga sa paggawa ay dapat na taglay ng bawat indibidwal sapagkat nakatutulong ito sa pag-unlad ng kaniyang pagkatao. Ano nga ba ang kahalagahan ng paggawa? At papaano mo maisasakatuparan ang bawat gawain na kasama ang iyong puso? 23 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kopyahin at sagutan ang gawain. Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang kolum na nagsasabi ng iyong tugon sa paggawa. Gawin ito sa sagutang papel. Pagkilos Palagi Paminsan-minsan Hindi 1. Ibinibigay ko ang lahat ng makakaya sa aking mga ginagawa. 2. Kapag napapagod na ako ay napababayaan ko na ang mga responsibilidad ko. 3. Ayoko na ako ay iniistorbo kapag ako ay nagtatrabaho. 4. Hinahayaan ko na lang na matapos ang isang gawain kahit may mga pagkakamali. 5. Tinatapos ko ang aking gawain sa takdang panahon. “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon” (Colosas 3:23). Napakagandang paalala mula sa salita ng Diyos na maaari mong maging patnubay sa iyong paggawa. Upang hindi maging mabigat ang anomang iyong gagawin isaisip na ito ay ginagawa mo para sa iyong Manlilikha. Kung ang motibo ng iyong paggawa ay ang mabigyan ng papuri ang pinaggalingan ng lakas na taglay mo kahit na mahirap ay may ngiti sa labi pa rin na magagawa mo ang anomang ipinagkatiwala sa iyo. Noong ikaw ay musmos pa lamang ay may mga ilang tungkulin ang ibinibigay sa iyo ng mga magulang mo. Habang nagkakaedad ka ay lalong na- daragdagan ang mga responsibilidad na ipinagagawa sa iyo. Ang lahat ng iyon ay paraan ng paghubog at paghahanda sa iyo sa mas malawak na mundo ng paggawa. Ano nga ba ang paggawa at papaano ito nakatutulong sa tao upang mapabuti ang kaniyang buhay? PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 24 Paggawa. Ito ay gawain ng tao na maaaring ginagamitan ng pisikal o mental na lakas na naglalayon na makabuo ng isang produkto na makatutulong sa pag-unlad. Ayon kay Pope John Paul II, Sa Laborem Exercens na kaniyang akda, ang paggawa ay anomang gawain - pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kan iyang ka likasan o kalagayan, na makatao, nara rapat para sa tao bilang anak ng Diyos. Bilang nilikha ng Maykapal na may kakayahan at talino, layunin ng paggawa ang lumikha ng mga bagay na makatutulong sa pangangailangan ng tao. Sa simula ng paglalang o paglikha ay pinagkatiwalaan ng Maylalang ang tao ng lahat ng lakas na kailangan niya. Iyon ay upang magampanan niya ang mga tungkulin na ibinigay sa kaniya at kasama roon ang paggawa upang mabuhay at maging kapakinabangan ng kapuwa-tao. Tanging tao lamang sa lahat ng nilikha ang binigyan ng kakayahan na gumawa ng iba’t ibang bagay na may pakinabang. Ang hayop bagama’t nakagagawa ay hindi upang makabuo ng mga produkto na magkakaroon ng kapakinabangan. Sila ay gumagawa para lamang mapunuan ang kanilang pangangailangan. Ano-ano nga ba ang dahilan ng paggawa ng tao? Ang mga sumusunod ay ang mahahalagang layunin ng paggawa: 1. Ang tao ay gumagawa upang may magamit para sa kaniyang mga pangangailangan. Maraming tao ang nagtatrabaho na may layuning matustusan ang kaniyang mga pangangailan gamit ang pera. Ginagawa nila ito upang may maipantustos sa kanilang mga dapat tugunan sa araw-araw. Pinagsisikapan ng tao na gawin ang lahat ng magagawa upang magkaroon ng mga bagay na kaniyang ninanais. Ngunit minsan sa sobrang pagkagusto na matugunan hindi lamang ang mga pangangailangan kasama na rin ang mga kagustuhan ay nasosobrahan sa kinakailangan ang mga pagkilos ng tao na minsan ay humahantong sa pagmamalabis sa sarili o sa kapuwa. Mas higit na mahalaga ang ugnayan sa kapuwa higit sa anomang materyal na mga bagay. 2. Makapagbigay kontribusyon sa pag-unlad ng teknolohiya at siyensiya. Mas higit na angat ang tao kaysa sa ano pa mang makabagong makina na nagsusulputan sa makabagong panahon. Nararapat na hindi magpaalipin ang tao sa teknolohiya bagkus gamitin ang teknolohiya sa mabilis na paggawa. Nakalulungkot isipin na minsan nagdudulot ng katamaran sa tao ang paggamit ng mga makinarya. Minsan naman ay mas napahahalagahan ang mga ito o mas inuuna kaysa sa kapuwa na higit na mas mahalaga. 25 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 3. Maisulong ang tradisyon, paniniwala, kaugalian at etika ng pamayanan. Layunin ng paggawa na maitaguyod ang mga kinaugalian ng bawat lipunan. Nakatutulong ito upang maitaas ang antas ng pagka-sino ng tao. Ngunit sa ibang pagkakataon ay nagagawa ng iba na gumawa ng mga bagay na taliwas sa kanilang mga paniniwala at moralidad na nagdudulot ng pagiging mababa ng pagtingin ng tao sa kaniyang sarili. 4. Makatutulong ang paggawa sa pagtulong sa kapuwa. Mahalagang elemento kung bakit nagtatrabaho ang tao ay upang makatulong sa kaniyang kapuwa at hindi lamang para sa sariling pangangailangan. Sa pamamagitan ng mga pagkilos ay napauunlad nito ang sarili at nakapagbibigay ng kaukulang paghahatid ng ayuda para sa mga nangangailangang kababayan. 5. Mahalaga ang paggawa sapagkat nabibigyan nito ng katuturan ang pag-iral (existence) ng tao. Ang pananatili ng tao sa mundo ay may dahilan. Nilikha siya upang magbigay serbisyo sa kapuwa. Anomang kakayahan at talino ang ibinigay sa kaniya ay nararapat lamang na gamitin ang mga ito nang may pananagutan upang makapag-ambag sa lipunang kaniyang ginagalawan. Nakalulungkot isipin na mawawala ang isang tao sa daigdig ng hindi man lamang napakikina- bangan ang mga mayroon siya. Anoman ang mga oportunidad na ipinagkaka- loob sa iyo ay gawin mong tungtungan upang makatugon sa hamon ng paggawa. Sapagkat sa buong pusong paggawa, ang Diyos ay nabibigyang kaluguran. Sa buong pusong paggawa, Ang Diyos ay nabibigyang kaluguran at papuri. Ang Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa Ang paggawa ng bawat indibidwal ay nakatutulong sa pagtataguyod ng layunin ng lipunan. May iba’t ibang pagkilos ang tao ayon sa kaniyang kakayahan at talino na kapag pinagsama-sama ay makabubuo ng isang lipunang nagkakaisa. Isipin na anoman ang iyong kontribusyon ay mahalagang bahagi sa pag-unlad ng lipunan. Ito ay maihahalintulad sa buong katawan ng tao na bawat bahagi ay may pagkakaiba-iba ng tungkulin ngunit may iisang layunin. Ito ay ang mapaunlad ang sarili tungo sa kaganapan ng layunin na itinakda para dito. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 26 Ilan sa mga hakbang na maaring gawin ng tao upang mapagbuti ang paggawa ay ang mga sumusunod: 1. Isaisip na ang pagkilos ay para sa kapurihan ng Lumikha. 2. Isapuso na kabahagi ang iyong kakayahan sa pagbubuo ng isang nagkakaisang lipunan. 3. Gawin ang buong makakaya sa paggawa sapagkat ito ay makapagpapaunlad ng iyong sarili gayundin sa iyong kapuwa. Matapos mong maunawaan ang konsepto na iyong binasa, nakatitiyak ako na maipaliliwanag mo ang kahulugan ng paggawa. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ipaliwanag ang slogan sa ibaba sa iyong sagutang papel. E Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sa iyong sagutang papel, kopyahin at sagutan ang gawain. Kilalanin kung ang mga nakasaad ay nagtataguyod ng dignidad ng tao sa paglilingkod. Lagyan ng hugis puso () ang bilang na nagpapakita nito. 1. Nag-overtime sa trabaho si Lovie sapagkat nais niyang matapos ang mga deadline bago ang itinakdang oras. 2. Inuna ni Yujin ang paglalaro ng online games bago niya ginawa ang iniutos na gawaing bahay ng kaniyang ina. 3. Bilang guro ay ibinibigay ni Jaypee ang lahat ng kaniyang magagawa upang matulungan na maunawaan ng kaniyang mga mag-aaral ang kanilang aralin. 4. Dahil hindi ganoon kalaki ang suweldo bilang janitor, si Mang Ben ay madalas magpahinga sa trabaho dahilan upang siya ay laging sitahin ng kaniyang manager. 5. Bagamat pagod na sa trabaho si Leila bilang nurse ng isang ospital ay sinisikap pa rin niya na maalagaan ang kaniyang mga pasyente sa abot ng kaniyang makakaya. 27 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Magsagawa ng obserbasyon sa iyong pamilya, paaralan at pamayanan. Uriin ang paggawang nasaksihan. Gamiting gabay ang talahanayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pangalan Institusyon Nagawa Resulta Puna Halimbawa: DepEd Pagtuturo ng Natuto ang Salamat po Marie Irish maayos mga mag- Ma’am. aaral. Pangalan ng Tao Nagawa Resulta Halimbawa: Nagsikap makata- Nagsilbing inspirasyon upang Norman King pos ng pag-aaral makilala ang kanilang pamayanan (Kauna-unahang sa at kultura. Dahil dito, nakatapos na Ayta kabila ng mga nabigyang pag-asa ang mga sa UP) balakid. kabataan sa kanilang lugar na sa pamamagitan ng matiyagang pag- aaral ay maaaring maitaguyod ang sarili at makatulong sa lipunan. Mga Tanong: 1. Nakatutulong ba ang pagpapahalaga sa paggawa sa pag-angat ng kultural at moral sa antas ng tao sa lipunan? Bakit? 2. Papaano natutulungan ang tao na makamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao sa pagbibigay halaga sa paggawa? PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 28 Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magsagawa ng panayam sa mga taong mula sa iba’t ibang kurso o ang trabaho ay mula sa tekinikal-bokasyonal. Sa pagsasagawa nito ay dapat na naisasaalang-alang ang panuntunan sa Community Quarantine. Maaaring gawing gabay ang mga tanong sa ibaba. Pagkatapos ng panayam ay sagutan ang mga tanong sa pagninilay. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gabay na tanong sa panayam: 1. Pangalan (Opsyonal): 2. Kurso: 3. Ano-ano ang mga hamon na iyong kinaharap na nagsilbing tuntungan mo upang lalong makita ang kahalagahan ng paggawa? 4. Ano ang iyong layunin sa pagsasagawa ng mga kilos? 5. Papaano makatutulong ang buong pusong paggawa sa pag-unlad ng iyong pagkatao gayundin ang pagtulong sa kapuwa at pagiging mabuting mamamayan? Buod ng ginawang panayam: ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________. Pagninilay: 1. Natuklasan ko na ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa paggawa ay_________________________________________________________________. 2. Makatutulong ako kung________________________________________________. 3. Simula ngayon ______________________________________________________. Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Pagnilayan ang mga pagkilos na nagawa ng nakaraang mga araw. Kung may mga nagawang hindi nakaayon sa kahalagahan ng paggawa, ihingi ito ng tawad sa nagbigay sa iyo ng lakas, kakayahan at talino. Gumawa ng isang pangako na magpapakita ng pagsasakatuparan mo sa makabuluhang paggawa. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Pangako sa Pagsasakatuparan ng Makabuluhang Paggawa Ako si __________________________________________________ ay nangangako na _________ ______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 29 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 A Bilang pangwakas, buoin ang mahalagang kaisipan. Ang ____________ ay anomang gawaing-pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng ____________. Isapuso at isaisip na ang lahat ng paggawa ay dapat na ialay sa nagbigay ng lakas, kakayahan, talino at buhay sa iyo upang maisakatuparan nang maayos ang lahat ng ito. Minsan lamang ang mga ______________ sa buhay. Gamitin ang lahat ng pagkakataon upang mapaunlad ang lahat ng mayroon ka. Sa tamang paggawa, ang buhay mo ay uunlad gayundin naman magiging kabahagi ito ng pagtataguyod ng pagkakaisa ng lipunang ginagalawan. Ang paggawa ng bawat ________________ ay nakatutulong sa pagtataguyod ng layunin ng ______________. May iba’t ibang pagkilos ang tao ayon sa kaniyang kakayahan at talino na kapag pinagsama-sama ay makabubuo ng isang lipunang nagkakaisa. Isipin na anoman ang iyong kontribusyon ay mahalagang bahagi sa pag-unlad ng lipunan. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 30 WEEKS Bolunterismo at Pakikilahok sa Gawaing Pampamayanan 7-8 Aralin I Kumusta? Marami ka ng natutunan sa mga nagdaang aralin? Naintindihan mo ang pagsasagawa ng angkop na kilos batay sa karapatan tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagsunod sa batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral at pagpapahalaga sa paggawa. Ang lahat ng ito ay naglalayon na mapaunlad mo ang iyong sarili ganoon din ang pakikitungo mo sa iyong kapu- wa at sa lipunang iyong ginagalawan. Little Angel Orphanage Sa panghuling aralin sa Ikalawang Markahan ay magagamit mo ang lahat ng iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Mauunawan mo kung paano makilahok sa iyong pamayanan gayundin ang boluntaryong pagbabahagi ng iyong sarili. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay: a) naiuugnay mo ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan; b) nakapagsusuri ka ng kuwentong-buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo, halimbawa, Efren Peñaflorida, greenpeace volunteers, atbp.; c) napatutunayan mo na: c.1) ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan, batay sa kaniyang sining, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat, c.2) bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan; d) nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor na may partikular na pangangailangan, halimbawa, mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga. Marahil ay pamilyar sa iyo ang larawan sa itaas na bahagi ng pahinang ito. Kay gandang pagmasdan ang magkakapitbahay na nagdaramayan. Basta tulong-tulong gaano man kabigat ay gumagaan. Ikaw, nakikibahagi ka ba sa mga proyekto sa inyong pamayanan? Nagpapakita ka ba ng pagmamalasakit sa mga taong naapektuhan ng mga hindi inaasahang pangyayari? 31 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Unawain ang awitin sa ibaba. Kung alam mo ang awitin, maaari mo itong awitin. Maaari mo ring itanong sa mga kasama sa bahay ang tono ng awit kung hindi mo ito alam. Sagutan ang sumunod na mga tanong sa iyong sagutang papel. Pagbangon (Julie Ann San Jose) Ilugmok man tayo ng bagong pagsubok, Mga puso nati'y 'di mapapagod Abutin ang kamay na handang dumamay Mga puso nati'y 'di mapapagod Nasa Puso ng bawat Pilipino Pagmamahal sa Kapuwa At serbisyong totoo Isang bayan, tayo'y aahon Walang maiiwan sa pagbangon Isang lakas, Isang pag-asa Patungo sa bagong umaga 'Yan ang ating puso Ako ang aakay sa’yo Pangarap muling itatayo Walang kasing tibay ang puso ng Pilipino Isang bayan, tayo'y aahon Walang maiiwan sa pagbangon Isang lakas, Isang pag-asa Patungo sa bagong umaga 'Yan ang ating puso Mga Tanong: 1. Ano ang susi sa mabilis na pag-usad kung ang bansa ay dumaranas ng pagkalugmok? 2. Papaano ipinakikita sa awitin ang pagbangon ng mga Pilipino kapag nakararanas ng mga sakuna? 3. Mahalaga ba ang pakikilahok at nagdaramayan sa tuwing may problemang kinakaharap? Bakit? PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 32 Dumadalo ka ba sa mga pagpupulong ng mga kabataan sa inyong lugar? Naging kabahagi ka na ba ng kawanggawa upang abutin ang mga naapektuhan ng kalamidad? Ang tao ay ipinanganak na panlipunang nilalang. Ayon kay Manuel Dy, ang buhay ng tao ay panlipunan. Hindi ka nabubuhay para sa iyong sarili lamang. Kailangan mo ang iyong kapuwa at kailangan ka rin ng iyong kapuwa. May mga proyekto ang bawat sangay ng lipunan na nakatutulong upang ang bawat mamamayan ay paunlarin. Ang bawat isa ay nararapat na makisali upang matupad ang layunin nito. Gayundin may mga pagkakataon na nangangailangan ng tulong ang iyong kapuwa. Sa ganitong pagkakataon, anoman ang mayroon ka ay maaari mong ibahagi ito sa iba. Anomang edad, kasarian at katayuan sa buhay ay maaaring maging kabahagi ng pagbalikat sa mga pangangailangan ng kapuwa. Ang tao ay may obligasyon na makilahok sa mga nangyayari sa lipunan at may kakayahan din upang makapaglingkod sa kapuwa sa pamamagitan ng bolunterismo. Ano nga ba ang kahulugan ng pakikilahok at bolunterismo? May pagkakaiba ba ang dalawang ito? Pakikilahok. Ito ay mga responsibilidad na ibinigay sa tao upang kaniyang gampanan nang may kasiglahan tungo sa kaayusan ng nakararami. Sa pakikilahok nararapat lamang na may kaalaman ang tao tungkol dito upang kaniyang maisakatuparan nang tama at mabuti ang mga dapat niyang gawin. Kung ang isang tao ay hindi magiging kabahagi ng mga responsibilidad niya sa kaniyang pamayanan siya ay nawawalan ng para sa kaniya. Ang bawat mga gawain at proyekto na ginagawa ay may pangitain na isinusulong. Kung babaliwalain ito ng bawat kasapi at magsasawalang-kibo, hindi maisakatutuparan ang tuluyang layon nito. Bagama’t ito ay tulong ng ilang mga gumaganap ng tungkulin, subalit kung hindi siya nakikilahok ay magkakaroon siya ng kakulangan sa kaniyang sarili. Hindi sa nagpanukala ang balakid at kawalan kundi sa tao na hindi nakisangkot dito. Ilan sa importansya ng pakikilahok ay ang ang mga sumusunod: 1. Maisagawa ang mga tungkulin na makapagpupuno sa mga pangangailangan ng pamayanan. 2. Maging kabahagi ng isang adhikain na kinakikitaan ng sama-samang paggawa. 3. Makatulong sa pagpapalaganap ng kabutihan na naibabahagi ang sarili sa kapuwa. 33 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Ang tao ay nararapat na maging kabahagi ng lipunang kaniyang ginagalawan sapagkat ang anomang mayroon siya ay makatutulong sa pagbuo ng nagkakaisang pamayanan. Nagbahagi si Sherry Arnsteinis ng mga Antas ng Pakikilahok na makatutulong sa pakikipag-ugnayan sa pamayanan. 1.Impormasyon. Ito ay ang pakikibahagi ng tao sa pagsasabi ng mga detalye na nakuha mula sa isang grupo na sinasamahan. 2. Konsultasyon. Ito ay ang paghingi ng iba pang opinyon mula sa iba. Mahalaga na sa pakikibahagi mo ay maisaalang-alang ang kaisipan ng iba. 3. Sama-samang Pagpapasiya. Mahalagang bahagi ng pakikilahok ang kaisahan ng desisyon ng mga kasama upang mas magkaroon ng pagsang-ayon ng nakararami. 4. Sama-samang Pagkilos. Malakas ang puwersa kung ang lahat ay kaisa sa pagsasagawa ng gawain. Kahit gaano kahirap kung nagkakapit-bisig ay mapagtatagumpayan ang mga gawain. 5. Pagsuporta. Nakapagpapalakas ng loob kung may mga taong nagpapalakas ng iyong loob at nakahandang magtaguyod sa adhikain ng grupo. Hindi matatawaran ang pagkilos kahit na may kakulangan kung alam mong may mga nakahandang umagapay sa iyo sa lahat ng panahon. Ang pakikilahok ay nakapagpauunlad ng pagkatao gayundin ng ating kapuwa. Mahalaga na palagi mo itong gawin upang ang buhay ay lalong magkaroon ng kabuluhan. Sa pagbuo ng ating pagka-sino, mahalaga na tayo ay nagbabahagi ng ating buhay sa ating kapuwa. Tumutulong ng walang hinihintay na kapalit. Ito ay ang Bolunterismo. Bolunterismo. Ito ay ang paggawa na bukal sa loob at hindi napipilitan lamang. Isa ito sa mga paraan ng pagpapakita ng malasakit sa kapuwa. Nakatutuwang isipin na sa panahon ng krisis marami ang nagnanais na makapagbahagi ng anomang makakaya. Ito ay tanda ng ating pagmamahal sa ating kapuwa. Ninanais natin na punoan ang paghihirap na nadarama ng iba. Ang bagay na ito ay makatutulong upang patuloy na mabuo ang iyong pagkatao. Sapagkat mabubuo lamang ito kung matututo kang ibahagi ang iyong buhay para sa iyong kapuwa. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 34 Ilan sa mga pakinabang sa tao ng pagsasakatuparan ng bolunterismo ay ang mga sumusunod: 1. nagbibigay ito ng kagalakan sa taong gumagawa; 2. napauunlad ang kaniyang sarili; 3. nagiging bahagi ng kaayusan at kabutihan ng pamayanan; 4. nakapagbubuo ng ugnayan sa kapuwa at; 5. mas nauunawaan ang sarili at ang kapuwa. Ang paglilingkod sa iba ay dapat na kinapapalooban ng buong pusong pagbibigay ng: 1.Oras. Hindi mapasusubalian na ang pagbibigay ng panahon ng isang tao ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kaniyang pinaglilingkuran. Hindi mo maibabalik ang oras. Sinasabi nga, “Time is gold.” Tunay na ang ginugol mong sandali ay walang katumbas na halaga sapagkat hindi na kailan man mangyayari ulit ang anomang kaganapan sa nakalipas. 2. Kakayahan. Sa pag-abot ng pangangailangan ng kapuwa ay ginagamitan ng talino upang maibigay ang anomang nararapat. Sa pagsasakatuparan ng layunin ng pagtulong sa kapuwa ay napauunlad ang mga taglay na kakayahan. Sa patuloy na paggamit nito ay iyong napauunlad at nagiging kabahagi ng kabutihan ng iyong kapuwa. 3. Kayamanan. Malaki ang nagagawa ng kayamanan lalo na ang pera sa tao ngunit hindi rito nakasalalay ang buong buhay ng indibidwal. Sa pagtulong sa kapuwa hindi binibilang ang halaga na kaya mong ipagkaloob. Ang mahalaga ay kung paano ka nagbibigay. Maliit man ngunit may kasamang malaking puso sa pagkakaloob ay higit pa sa malaking halaga na lakip ay pagsusumbat. Masayang matuto ng mga aralin, tama ba? Sapagkat ikaw ay napalalago nito sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Nawa sa pagkaunawa mo sa mga konsepto ay makagagawa ka ng sariling pagpapakahulugan dito. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong sagutang papel, sagutan ang sumusunod na mga tanong. 1. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan? 2. Ano-ano ang maidudulot nito sa iyong kapuwa? Sa pamayanan? Sa lipunan? 3. Ano ang pinagkaiba ng pakikilahok sa bolunterismo? Ipaliwanag. Magbigay ng halimbawa ng pakikilahok at halimbawa ng bolunterismo. 4. Paano mo gagamitin ang talento sa iyong pagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo? 35 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 E Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at pamayanan. Pumili ng isa sa mga sumusunod na paraan sa pagsasagawa. Isaalang-alang ang mga sumusunod na krayterya. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Magsulat ng awit ukol dito. 2. Magsulat ng maikling tula. 3. Gumawa ng slogan o poster. Krayterya: Pamantayan ng Kasanayan Mahusay Maayos Kailangan ng Pag-unlad Ang gawa ay: 1. Nagpapakita kahulugan at kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo; 2. Nagkapagbibigay nang malinaw na men- sahe sa pakikilahok at bolunterismo; 3. Nagpapakita ng pagkamalikhain. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Suriin kung ano ang mga nakasaad sa ibaba. Isulat ang titik B kung nagpapakita ng bolunterismo at P kung pakikilahok ang tinutukoy. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Ibinigay ni Carla ang mga lumang damit sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan. Sumama rin siya sa pamimigay nito. 2. Dumadalo sa mga pagpupulong si Thea sa samahan ng mga kabataan sa kanilang barangay. 3. Nagbabayad ng buwanang membership fee ang pamilya ni Andres sa kanilang subdibisyon sapagkat ito ay ibinabayad sa mga gastusin ng kanilang lugar. 4. Isa si Nifty sa mga nagtuturo sa mga bata sa kanilang simbahan. Ginagawa niya ito ng libre sapagkat ito ay kaniyang paraan ng paglilingkod sa Diyos. 5. Nabalitaan ni Joey na magkakaroon ng medical mission sa kanilang lugar na gaganapin sa covered court na malapit sa kanilang tahanan. Maaga pa lamang ay nagwalis na siya sa buong paligid ng bulwagan upang maihanda ang lugar sa pagdating ng mga espesyalista at mga taong pupunta roon. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 36 Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magsaliksik, magtanong o magpaalam sa magulang na makapanood o makinood sa YouTube tungkol sa buhay ni Efren Peῆaflorida. Basahin ito at pag-aralan. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1. Papaano sinimulan ni Efren ang pagtulong sa mga batang kalye? 2. Anong mga katangian ang taglay niya na naging daan upang buong-puso niyang paglingkuran ang mga bata sa lansangan? 3. Ano ang naidudulot sa sarili, sa kapuwa at sa lipunan ng pag-aalay ng sarili para sa iba? Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Magtala ng mga kilalang tao mula sa iba’t ibang larangan na inilaan ang buhay sa kanilang kapuwa ng buong-puso at walang hinihinging kapalit. Itala ang kanilang mga naging kontribusyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Pangalan Larangan Nagawa Bunga Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Batay sa iyong kakayahan at kalagayan, gumawa ng isang kawanggawa o pagtulong sa kapuwa na higit na nangangailangan sa iyong lugar. (Isakatuparan ang plano kasama ang pamilya, siguraduhing makasusunod sa panuntunan ng Community Quarantine sa inyong lugar). Pagkatapos ay gumawa ng isang ulat salaysay (narrative report) ukol dito gabay ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. Sino ang napili mong bigyan ng tulong at bakit siya ang pinili mo? 2. Ano ang naramdaman mo bago at pagkatapos tumulong? 3. Ano ang mga napagtanto mo sa gawaing ito? 4. Kung sakaling mabibigyan ka ng pagkakataon na sumama sa isang proyekto sa barangay na pangkawanggawa o magbigay tulong sa mga kapos-palad, handa ka bang mag-volunteer o makilahok dito? Bakit? A Bilang pangwakas, buoin ang mahalagang kaisipan. Bilang obligasyong ______________ sa _______________ ng tao, ang ________________ ay nakakamit sa ____________________ o ________________ sa mga aspekto kung saan mayroon siyang ______________ na ________________. 37 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay. Gawain sa Pagkatuto Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para saWeeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,✓, ?. PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 38 Susi sa Pagwawasto Weeks 1-2 Weeks 3-4 T 5. C 5. ♥ 5. TAMA 5. T 4. A 4. ♥ 4. TAMA 4. K 3. A 3. / 3. TAMA 3. K 2. C 2. / 2. MALI 2. K 1. C 1. / 1. TAMA 1. Pagkatuto 1 Pagkatuto 7 Pagkatuto 1 Pagkatuto 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Weeks 5-6 Weeks 7-8 ♥ 5. B 5. 4. B 4. ♥ 3. P 3. 2. P 2. ♥ 1. B 1. Pagkatuto 3 Pagkatuto 4 Gawain sa Gawain sa Sanggunian Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand. Magandang Balita Biblia, 2002. Manila, Philippines: Philippine Bible Society. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasiyam na Baitang (Kagamitan ng mag- aaral) Unang Edisyon. Pasig City, Philippines: Department of Education Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS). 39 PIVOT 4A CALABARZON EsP G9 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta Rizal Landline: 02-8682-5773 local 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs