ARALIN 1: SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN GR10 PDF

Summary

This document is a reviewer for Grade 10 Filipino covering the topic of territory disputes, exploring concepts like territory, territorial disputes, South China Sea, West Philippine Sea, and Exclusive Economic Zones. It includes discussions of historical disputes, and potential solutions.

Full Transcript

ARALIN 1: SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN Teritoryo -​ Sukat ng mga anyong lupa at anyong tubig na nasa hurisdiksyon ng isang estado ayon sa batas. Pagtatalong Panteritoryo (Territory Dispute) -​ Ang hindi pagkakasundo ng dalawa o higit pang bansa, hinggil s...

ARALIN 1: SULIRANING TERITORYAL AT HANGGANAN Teritoryo -​ Sukat ng mga anyong lupa at anyong tubig na nasa hurisdiksyon ng isang estado ayon sa batas. Pagtatalong Panteritoryo (Territory Dispute) -​ Ang hindi pagkakasundo ng dalawa o higit pang bansa, hinggil sa pagkontrol ng isang teritoryo. -​ Inihayag ito sa lathalaing “Contentious Politics and Political Violence, World Politics” ni Paul R. Hensel Noong 2017. -​ Mahigit 800 na alitan sa teritoryo ang naitala ayon pa rin sa ICOW Project. South China Sea -​ isang marhinal (marginal) na bahagi ng Kanlurang Karagatang Pasipiko (West Pacific Ocean) -​ Pinaniniwalaang nagtataglay ito ng mahigit 7 bilyong bariles ng langis at mahigit 25 trilyon metro kubiko ng natural na gas ayon sa World Bank. West Philippine Sea -​ Opisyal na pangalang itinalaga ng Pilipinas para matukoy ang katubigang nasa silangang bahagi ng South China Sea na sakop rin ng Eksklusibong Sonang Ekonomiko ng bansa. -​ Ang islang pinag-aagawan ng China at Pilipinas, na sakop naman ang Spratlys, Paracel Islands, at Scarborough Shoal. -​ Sa paglutas nito, nagbigay ng suhestiyon ang ilang estado sa Timog Silangang Asya na magkaroon ng batas ng CODE OF CONDUCT sa West Philippine Sea. Nakipagpulong si Pang. Aquino Ill sa opisyal ng pamahalaan ng US upang pag-usapan ang estratehikong militar sa ilalim ng bilateral na kasunduan ng dalawang bansa. Inihain din ng Pilipinas ang kaso sa International Tribunal for the Law of Seas (ITLOS). Exclusive Economic Zone -​ Bahagi ng karagatang itinadhana ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na may espesyal na karapatan ang isang bansa o estado na gamitin ang mga yamang dagat pati na ang mga yamang mineral at hanging matatagpuan dito. International Waters -​ Bahaging karagatang hindi nasasakop ng alinmang estado o bansa. Lahat ng bansa ay malayang makapaglalayag, makapangingisda, at makapagsasagawa. -​ Nakapaloob ito sa doktrinang "Mare liberum" o The Freedom of the Seas. Air Defense Identification Zone -​ Himpapawid (airspace) sa ibabaw ng kalupaan at katubigan. -​ Ang kinaroroonan, pagkakakilanian, at kontrol ng ay hinihingi o kinakailangan para sa pambansang seguridad. Logistics -​ Detalyadong organisasyon ng isang operasyon. Permanent Court of Arbitration (PCA) -​ Isang pandaigdigang hukuman na tumatayong arbitrador na sumusuri sa mga patotoo at katibayan ng mga sangkot na partido para makabuo ng makatarungang resolusyon. Saklaw ng Teritoryo ng Pilipinas ​ Artikulo I, 1987 -​ Sa teritoryo ng Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, pati ang iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas. Kasama rito ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at iba pang mga pook submarina. Maging ano man ang lawak at mga dimension ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. Mga Dahilan ng Suliraning Teritoryal 1.​ Kawalan ng Malinaw at Tiyak na Hangganan o Malabong Kaanyuang Heograpikal 2.​ Mga Likas na Yaman at Kahalagahan ng Teritoryo 3.​ Magkakaibang Kultura at Kaisipan Mga Epekto ng Suliraning Teritoryal ​ Pampolitika Pang-aabuso ng mga pinuno sa kapangyarihan. ​ Panlipunan Takot, kamatayan, pagkasira ng mga ari–arian, pagkaparalisa ng mga gawain pangkabuhayan, migrasyon ng mga tao. Pati na rin ang mababang tingin sa bansa. ​ Pang-ekonomiya Kabawasan ng kita. ​ Pangkabuhayan Paghihigpit sa pag-aangkat ng produkto. ​ Pangkapayapaan Kaguluhan o digmaan Paraan Upang Maiwasan ang Suliraning Teritoryal 1.​ Pagbuo ng angkat ng tao na magsasagawa ng pag-aaral sa mga sanhi ng nangyayaring hidwaan. 2.​ Pagpapatibay ng panlabas na ugnayan 3.​ Paglinang sa kamalayan ng bawat mamamayan na siya ay bahagi ng bansa at mayroon siyang responsibilidad na maipagtanggol ito. Mga Halimbawa ng Alitan sa Teritoryo -​ Pag-aangkin ng Russia sa Crimea (Timog-silangang bahagi ng Ukraine) -​ China, Taiwan, at Japan sa Pinag-aagawang Diaoyu Island (China) o Senkaku Islands (Japan) o Diaoyutai/Tiaoyutai (Taiwan) -​ Isyu ng Kashmir ng India at Pakistan -​ Magkaibang perspektiba sa Sea of Japan o East Sea sa Pagitan ng Japan at South Korea -​ Spratly Island na Pinag-aagawan ng Pilipinas, Taiwan, China, Vietnam, Malaysia, at Brunei -​ Usapin sa North Borneo (Sabah) sa Pagitan ng Pilipinas at Malaysia: ​ Nakasaad sa Batas Republika Big. 5446, na pinagtibay noong 1968, na saklaw ng soberaniya ng Pilipinas ang Sabah. Nagsimulang igiit ng Pilipinas ang karapatang panteritoryo nito sa Sabah noong panahon ni Diosdado Macapagal (dating pangulo ng Pilipinas) ngunit inihinto sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr. noong 1977 upang magkaroon ng kooperasyon ang mga bansa sa Timog Silangang Asya. Upang malutas ito, itinatag ni Pang. Macapagal ang MAPHILINDO. ARALIN 2: DINASTIYANG POLITIKAL -​ Ito ay kung saan ang kapangyarihan na mamuno ay umiikot lamang sa iisang pamilya. -​ Kamag-anak ang mga pinanggagalingan ng mga umuupo sa posisyon. Kasaysayan ng Political Dynasty -​ Nagsimula ito noong bago pa mangyari ang pagsakop ng mga Espanyol -​ Panahon ng Espanyol: Mestizo o Principales -​ Panahon ng Amerikano: Ilustrado Mga Taon ng Panunungkulan Posisyon Taon Termino 1.​ Pangulo Anim (6) Isa (1) 2.​ Senador Anim (6) Dalawang magkasunod (2) 3.​ Kinatawan Tatlo (3) Tatlong magkasunod (3) 4.​ Alkalde Tatlo (3) Tatlong magkasunod (3) Dahilan ng Dinastiyang Politikal 1.​ Kawalan ng Matatag na Sistemang Pampolitika 2.​ Mahirap na Kalagayang Panlipunan 3.​ Kawalan ng Batas na Dapat Pumigil sa Tinatawag na “Clan Inclusive Government” o “Clan Political Interprise” 4.​ Kawalan ng Sapat na Kaalaman ng Botante 5.​ Kayamanang Kaakibat ng Pagiging Makapangyarihan 6.​ Karangalan at Kapangyarihan Kadikit ng Pagiging Isang Politiko 7.​ Paniniwalang Bahagi ng Pamilya ang Buhay-Politika Positibong Epekto ng Dinastiyang Politikal 1.​ Kung maganda ang hangarin ng pamilya, ay magkakaroon ng magandang pamamahala 2.​ May gabay na magtuturo ng mga kasanayan bilang pinuno 3.​ Naipagpapatuloy ang programa ng dating pinuno Negatibong Epekto ng Dinastiyang Politikal 1.​ Ugat ng graft and corruption 2.​ Paglaganap ng nepotismo 3.​ Pagbaba ng kalidad ng pamumuno 4.​ Paghina ng demokratikong proseso 5.​ Pagtaas ng antas ng kahirapan ARALIN 3: PANGUNGUWALTA AT KATIWALIAN Corruption -​ Intensyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon. -​ Ang pag-abuso sa kapangyarihang ipinagkatiwala para sa pampribado na kapakinabangan. Graft -​ Ang opisyal ay nagkakamal ng pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat at legal na paraan. Transparency International -​ Non governmental organization na nakabase sa Berlin, Germany. Itinatag ito noong 1993 para malabanan ang pandaigdigang katiwalian. Bureaucracy -​ Estruktura at hanay ng mga patakarang kumokontrol sa mga aktibidad ng mga taong nagtatrabaho para sa malalaking organisasyon o pamahalaan. Public Bidding -​ Epektibong paraan ng pagkuha (procurement) ng kagamitan o mga serbisyo mula sa mga suplayer o kontratista sa pinakamababa at pinakamagandang kalidad. Law Enforcement System -​ Sistema kung saan ang mga tagapagpatupad ng batas ay kumikilos sa isang organisadong paraan para tuklasin, hadlangan, tugisin, o parusahan ang mga taong lumalabag sa mga pamantayan at patakarang umiiral sa lipunan. Mga Halimbawa ng Korapsiyon 1.​ Ginamit ng mayor ang kapangyarihan sa kanyang posisyon upang maipasok sa trabaho sa pamahalaan ang kanyang mga kamag-anak. 2.​ Tumanggap ng lagay ang isang traffic enforcer sa nahuli nitong motorista. 3.​ Exempted na sa exam ang paboritong estudyante ng guro na laging may regalo sa kanya. Mga Halimbawa ng Graft 1.​ Pagtanggap ng kabayaran para sa pampublikong serbisyong hindi naman naibigay. 2.​ Pagtanggap ng suhol sa mga may-ari ng negosyo upang mapabilis ang pagproproseso ng mga ito. 3.​ Proteksyon sa mga ilegal na negosyo kapalit ng pera. Mga Pamamaraan ng Korapsiyon -​ Administrative o petty corruption -​ Extortion (Pangingikil) -​ Bribery (Panunuhol) -​ Political o grant corruption -​ Embezzlement (Paglustay) -​ Tax evasion -​ Ghost projects and employees -​ Delayed and overpriced projects -​ Evasion of public bidding in the awarding of contracts -​ Nepotism (Nepotismo) -​ Favoritism (Paboritismo) -​ Fraud (Pamemeke) Pandaraya Mga Batas at Kautusan Ukol sa Korapsiyon 1.​ Executive OrderNo. 292, Administrative Code of 1987- Binigyan diin nito ang kapangyarihan ng Pangulo na magsagawa ng mga hakbang para mabawi ang mga kayamanang tinangay (ill-gotten wealth) ng mga tiwalang opisyal at kawani ng pamahalaan. 2.​ Republic Act No. 6713, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees- Pampublikong opisyal at kawani ay may pananagutan sa mga tao at kailangang magampanan ang kanilang mga tungkulin nang may lubos na integridad, kakayahan, katapatan, pagmamahal sa bayan, at hustisya. 3.​ Republic Act No. 6770, Ombudsman Act of 1989- Imbestigasyon sa mga pampublikong opisyal na nasasangkot sa mga kaso. 4.​ Republic Act No. 7080, Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder- Nakalahad rito na ang mga pinunong nagkamal ng salapi na hindi bababa sa P50,000,000.00 sa pamamaraang labag sa batas ay nagkasala sa krimeng pandarambong at karapat-dapat na maparusahan. 5.​ Republic Act No. 8249, Act Further Defining the Jurisdiction of the Sandiganbayan- Binubuo ito ng presiding justice at 14 na associate justice na iniluklok ng Pangulo. Ito ay may hurisdiksiyon sa mga kasong kriminal at sibil. 6.​ Republic Act No. 3019, Anti-Graft and Corrupt Practices Act- Ang pagpigil sa kagawiang may kaugnayan sa korapsiyon. Naglahad din ito ng kaukulang parusa sa sinumang mapatutunayang nagkasala. (6 - 15 years sa pagkabilanggo) Epekto ng Graft and Corruption -​ Mabagal na paglago ng ekonomiya -​ Kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan -​ Mababang kalidad ng serbisyong pampamahalaan -​ Nakokompromiso ang kaligtasan ng mga tao -​ Pagbaba o pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa pamahalaan -​ Kaguluhan at Karahasan -​ Pagkasira ng kapaligiran at pagkaubos ng mga likas na yaman Solusyon sa Graft and Corruption -​ Patibayin o paigtingin ang pagmomonitor at pagpapatupad ng batas -​ Isulong ang mga polisiyang magpapabago sa paniniwala at kaisipan ng mga tao -​ Isulong ang matapat na pagpapatupad ng mga programa o proyekto -​ Pagbutihin ang ekonomiya ng bansa -​ Isulong ang pagpapaangat ng integridad at kakayahan ng mga tao -​ Isaayos ang sistema ng halalan sa bansa -​ Iangat ang kakayahan ng pampribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan ARALIN 4: TERORISMO SA BANSA AT DAIGDIG Un General Assembly -​ Isa sa anim na pangunahing grupo ng United Nations na tumatalakay sa mga polisiya, kapayapaan, at seguridad ayon sa Chapter IV ng UN Charter. Religious Fanaticism -​ Pagkakaroon ng masidhi o labis-labis na debosyon o sigasig (zeal) sa kinaaanibang relihiyon at kawalan ng pagpaparaya (tolerance) o pagkilala (recognition) sa pananampalataya ng iba. G20 (Group of Twenty) -​ pagkakaroon ng masidhi o labis-labis na debosyon o sigasig (zeal) sa kinaaanibang relihiyon at kawalan ng pagpaparaya (tolerance) o pagkilala (recognition) sa pananampalataya ng iba. Terorismo -​ Tumutukoy sa tuwiran o sadyang pagpapalaganap ng kaguluhan o pananakot na upang matamo ang isang adhikaing politikal o sosyal -​ May kaharasang nagaganap -​ Galing sa salitang terror na ibig sabihin ay “takot” -​ Gawain ng tao o samahan para maisulong ang pansariling naisin o layuning politikal Mga Kilalang Terorista sa Buong Mundo Pangkat Sentro ng Aktibong Pangunahing Layunin Operasyon Al Jihad Egypt Layunin nito magluklok (establish) ng pamahalaang Islamiko sa Egypt at mapaalis dito ang interes ng US at Israel Liberation Tigers of Tamil Sri Lanka Nilalabanan ang Eelam pamahalaan ng Sri Lanka; nagsusulong ng isang malayang Tamil Al Qaeda Afghanistan Tinutulan ang anumang impluwensya ng Kanluraning kaisipan sa mga bansang Muslim Jemaah Islamiyah Indonesia Layunin nitong palawakin ang pagkakaroon ng estadong Islamiko sa buong Timog Silangang Asya Islamic State of Iraq and Iraq at Syria Layunin nitong sakupin at Syria (ISIS) maangkin ang Saudi Arabia Mga Terorista sa Pilipinas 1.​ Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) -​ Itinatag ni Jose Maria Sison -​ Layunin : labanan ang diktadoryang Marcos at Pabagsakin ang pamahalaan sa pamamagitan ng dahas (violence) -​ Tutol sa pagkakaroon ng Amerikanong militar sa Pilipinas 2.​ Moro National Liberation Front (MNLF) -​ Pinamumunuan ni Nur Misuari -​ Layunin : pagbawi sa lahat ng lalawigan at bayan sa Mindanao 3.​ Moro Islamic Liberation Front (MILF) -​ Itinatag ni Salamat Hashim -​ Layunin : magtatag ng sariling bansa para sa mga Moro at humiwalay sa Pilipinas 4.​ Maute Group -​ Itinatag nina Abdullah at Omar Maute -​ Binubuo ito ng mga dating gerilyang MILF at mga dayuhang mandirigma -​ Layunin : pareho sa MILF; magtatag ng sariling bansa para sa mga Moro at humiwalay sa Pilipinas 5.​ Abu Sayaff Group -​ Pinamumunuan ni Abdujarak Janjalani -​ Pinalitan ni Khadafi Janjalani (basilan) at Galib Andang o Kumander Robot (jolo) -​ Layunin : maghari ang Islam sa buong mundo Sanhi (cause) ng Terorismo 1.​ Pagtanggi o pagtutol sa umiiral na sistema 2.​ Kawalan ng katarungang panlipunan at pampolitika 3.​ Masidhing pagnanais na maprotektahan ang kinaaanibang relihiyon 4.​ Pagtatanggol sa ipinaglalabang ideolohiya Pamamaraan (method) ng Terorismo -​ Pagpapasabog sa mga highway -​ Kidnappings for ransom -​ Pagpatay -​ Suicide bombing Epekto ng Terorismo -​ Mababang antas ng pamumuhunan at turismo -​ Pag-aaksaya ng salapi -​ Pagkaantala (delay) ng mahahalagang proyekto ng pamahalaan Anyo ng Terorismo 1.​ State Terrorism -​ Pagpapalaganap ng karahasan ng mismong pamahalaan 2.​ Religious Terrorism -​ Sanhi ng religious fanaticism na nagdudulot ng kagustuhang magsakripisyo sa ngalan ng relihiyong pinaniniwalaan 3.​ Left-Wing Terrorism -​ Ginagawa ng grupong nais palitan ang demokrasya at kapitalista -​ Against sa pamamahala 4.​ Right-Wing Terrorism -​ Kalabanin mismo ang liberal na gobyerno upang mapanatili ang tradisyonal na sistemang panlipunan -​ Mas bayolente kesa sa left-wing 5.​ Narco Terrorism -​ Mga sindikato sa industriya ng ilegal na gamot ang nasa likod ng gantong uri ng terorismo Halimbawa ng Terorismo ​ Agosto 7, 1998 Pagpapasabog ng sabay sa mga embahada ng US sa Kenya at Tanzania na pinaghihinalaang isinagawa ng pangkat ni Osama Bin Laden ​ Setyembre 11, 2001 Pag-atake ng Al Qaeda sa World Trade Center at Pentagon ng US ​ Marso 11, 2004 Isang serye ng pagpapasabog sa apat na tren sa Madrid, 191 nasawi, 1460 sugatan ​ Nobyembre 26, 2008 Pagsalakay at pagpapasabog ng granada sa sampung lokasyon sa India na ikinamatay ng nasa 100 at ikinasugat ng hindi bababa sa 200 ​ 2017 Naganap ang labanan sa Marawi (Marawi Siege) sa pagitan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga grupo ng Maute, Abu Sayyaf, at iba pang militanteng grupong may kaugnayan sa ISIS/ISIL. Solusyon sa Terorismo -​ Ipriyoridad ang pagpapabuti sa kalagayan ng mga tao -​ Itaguyod ang makataong pagtrato sa mga sibilyang labis na napektuhan -​ Ilunsad ang kampanya laban sa recruitment ng mga terorista sa pamamagitan ng wastong pag-aanunsiyo at edukasyon -​ Ipatupad ang malawak na palitan ng impormasyon sa pagitan ng mga bansa -​ Isakatuparan ng sistematiko at makatotohanang pagtukoy sa mga terorista -​ Patatagin ang ugnayan sa pagitan ng mga bansang nagsusulong na masugpo ang terorismo -​ Patibayin ng pagpapatupad ng mga batas gayundin ang sistemang pandepensa at panseguridad Mga Pandaigdigang Alyansa Kontra Terorismo 1.​ United Nations (UN) 2.​ European Union (EU) 3.​ North Atlantic Treaty Organization (NATO) 4.​ Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 5.​ Global Counterterrorism Forum (GCTF) 6.​ International Criminal Police Organization (INTERPOL) 7.​ G20

Use Quizgecko on...
Browser
Browser