Mga Anekdota ni Nelson Mandela (PDF)
Document Details
Uploaded by NicestHilbert
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga anekdota ni Nelson Mandela, na kinikilala sa kanyang mapayapang pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay sa South Africa. Ibinabahagi nito ang mga karanasan ni Mandela sa pamamagitan ng mga kwento mula sa iba't ibang tao na nakasalamuha niya.
Full Transcript
FILIPINO REVIEWER From: 10-aom :> (chan) Pointers covered: 1. Mga Anekdota Ni Nelson Mandela 2. Komponent sa Kasanayang Komunikatibo 3. Si Rustam at Si Sohrab 4. Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Mga Anekdota Ni Nel...
FILIPINO REVIEWER From: 10-aom :> (chan) Pointers covered: 1. Mga Anekdota Ni Nelson Mandela 2. Komponent sa Kasanayang Komunikatibo 3. Si Rustam at Si Sohrab 4. Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Mga Anekdota Ni Nelson Mandela Si Nelson Mandela ay isa sa pinakadakila, hinahangaan, iginagalang, at minamahal na lider sa buong mundo. Kinilala siya dahil sa kanyang naging aktibong papel sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao sa kanyang bansang South Africa na noo'y pinamumunuan ng isang pamahalaang racist o nag-uuri ng mga tao batay sa kanilang kulay. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, siya'y nanguna sa kampanya para sa mapayapang pakikipaglaban sa ganitong kalakaran sa kanilang pamahalaan kahit pa nangahulugan ito ng pagkakabilanggo niya ng dalawampu't pitong taon. Naging daan ito upang magawaran siya ng Nobel Peace Prize noong 1993 para sa kanyang mga nagawa upang maibagsak ang sistemang apartheid sa kanilang bansa nang walang karahasang nangyari. Noong 1994, si Nelson Mandela ay nahalal bilang kauna-unahang Itim na Pangulo ng South Africa. Subalit maliban sa kanyang makulay na búhay politika, ang labis na hinangaan ng mga taong nakakilala at nakasalamuha niya ay ang kanyang pagiging mabuting tao, mapagpakumbaba, marangal, masayahin, at isang tunay na maginoo. Makikita ang mga katangiang ito sa sumusunod na mga anekdotang nagpapamalas kung bakit iginagalang at minamahal ng mundo si Nelson Mandela. Ayon kay John Carlin Ayon sa pagsasalaysay ni John Carlin, isang tanyag na manunulat at dating Bureau Chief ng London Independent sa South Africa mula 1989 hanggang 1995, kinakapanayam niya noon si Nelson Mandela isang buwan pagkatapos nitong manalo bilang pangulo ng South Africa nang makarinig silá ng katok sa pinto. Isang puting babae ang pumasok sa opisina ng Pangulo na may dalang tray na may tsaa at tubig. Nang makita ni Nelson ang babae ay ni hindi nito tinapos ang sinasabi, agad tumayo at nakangiting kinumusta ang babae, sakâ ipinakilala si John Carlin. Nagpasalamat si Nelson sa tubig at tsaa at umupo lang muli nang makaalis na ang babae. Ang labis na nagpahanga kay John Carlin ay hindi lang ang naging mabuti at mainit na pagtrato ni Nelson Mandela sa babae kundi ang katotohanang ang babaeng ito na pinakitaan niya ng paggalang at pagpapahalaga ay dating empleado ng mga pangulong naging malupit at nagdiskrimina sa mga Itim na tulad niya. Katunayan, walang pinaalis ni isa man si Mandela sa mga dating empleado ng nagdaang administrasyon. Nanatili siláng lahat at nang makilala nila ang likás na kabutihan ng bago nilang pangulo ay minahal at hinangaan nila ito nang labis pa kaysa sinuman sa mga Puting naging pangulo ng kanilang bansa. Katunayan, ang kanyang chief of protocol na isang malaking lalaki at naglingkod sa mga nagdaang pangulo nang mahigit labintatlong taon ay napaluha habang ginugunita ang mga kabutihan at kagandahang loob na ginawa ni Mandela para sa kanya. Ayon kay Jessie Duarte Ayon naman sa kuwento ni Deputy Secretary-General Jessie Duarte na naging personal assistant ni Mandela mula 1990 hanggang 1994, nakasanayan na raw ni Mandela ang pagtiklop at pag-aayos ng kanyang mga pinagtulugan. Minsan daw, nang silá ay nasa Shanghai, China ay tumuloy silá sa isang napakalaki at napakagandang hotel. Sinabihan ni Duarte ang pangulo na huwag tiklupin ang kanyang pinagtulugan dahil ayon daw sa kultura ng nasabing bansa, ang mga tagapagligpit ang dapat magligpit at maaaring makainsulto sa kanila kung ang bisita ang mag-aayos ng kanyang tinulugan. Dahil dito'y ipinatawag ni Mandela sa manager ng hotel ang mga babaeng tagapagligpit sa silid upang kausapin at paliwanagan kung bakit siya ang nagtitiklop at nag-aayos ng kamang kanyang tinulugan. Ayaw niyang mainsulto o masaktan ang damdamin ng mga ito nang dahil lang sa paggawa niya sa nakasanayan. Ayon pa kay Duarte, hindi niya pansin kung ang "matataas" na tao ay masaktan o masagasaan sa kanyang mga ginagawa o ipinaglalaban subalit ayaw niyang may "maliliit" na taong sumama ang loob o masaktan nang dahil sa kanya. Ayon kay John Simpson Ayon naman sa kuwento ni John Simpson, isang mamamahayag at World Affairs Editor ng BBC News, ang isang hindi niya malilimutang karanasan kaugnay ni Mandela ay nang magtungo ito sa dating paaralan ni Simpson sa Cambridge upang maging tagapago ito sa dating paaralan bilang isang mahusay na tagapagsalita. At sa pagkakataong iyon, sinabi raw niya ang sumusunod: "Ako'y labis na kinakabahan sa pagsasalita rito dahil sa tatlong dahilan. Una, dahil ako ay isang matandang pensionado. Mahinang tawanan ang naging sagot ng tagapakinig. Hindi nila maláman kung nagbibiro o sadyang ibinababa lang ni Mandela ang sarili. "Pangalawa, dahil ako'y walang trabaho." Ngayo'y mas malakas ang naging tawanan dahil alam ng lahat na hindi pa katagalan nang bumaba siya bilang Pangulo. "At pangatlo, dahil mayroon akong napakasamang criminal record." Ang lakas ng hagalpakan ng mga tao pagkarinig sa sinabi ng Pangulo ay halos bumasag sa mga bintanang salamin ng bulwagan. Ayon kay Matt Damon Ipinakita naman ng karanasan ni Matt Damon, isang kilalang artista sa Amerika ang halina ni Mandela hindi lang sa matatanda kundi maging sa mga bata. Kasama si Damon sa mga artistang gumanap sa pelikula tungkol sa búhay ni Mandela, ang Invictus. Nang magpunta raw silá sa South Africa para mag-shooting ng pelikula ay sinabihan siláng makikilala na nila si Mandela at puwede nilang dalhin ang mga anak nila. Dinala niya ang mga anak na si Gia, na noo'y walong buwang gulang at si Isabella, na noo'y dalawang taong gulang naman. Habang naghihintay siláng makapasok ay nagtanong si Isabella nang ganito: "Daddy, sino po ang nása loob ng pinto?" Hawak daw ni Damon ang kamay ng anak noon at marahil ay nadama nito ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na punô ng pananabik sa mangyayari. Sinagot niya ang anak at sinabing: "Si Ginoong Mandela, isang napakaespesyal na tao. Makikilala natin siya at maghe- hello táyo sa kanya." Nang makapasok silá ay magiliw siláng sinalubong ni Ginoong Mandela habang hindi mapaknit ang paningin ng dalawang bata sa kanya. May taglay siyang halina kaya't maging mga bata ay batid na isang hindi pangkaraniwang tao ang nása harap nila. Ayon kay Rick Stengel Si Rick Stengel ay nakasama ni Mandela nang halos dalawang taon habang isinusulat niya ang talambuhay nitong Long Walk to Freedom. Heto ang kanyang naging pagsa- salaysay: "Noong 1994 nang nanga- ngampanya si Mandela para sa pagkapangulo ay sumakay siya sa isang maliit na eroplano papuntang Natal para magbigay ng talumpati sa mga tagasuporta niyang Zulu. Nagkasundo kaming magkita na lang sa airport para ituloy ang aming trabaho pagkatapos ng talumpati. Nang may mga dalawampung minuto na lang at lalapag na ang eroplano ay biglang nagkaaberya ang isa sa mga makina nito. Nag-panic ang marami sa mga nakasakay subalit ang nakapagpakalma sa kanila ay nang makita si Mandela na tahimik lang na nagbabasa ng diyaryo na para bang isa lang itong ordinaryong biyahe papuntang opisina. Naghanda agad ang airport ng emergency landing at nailapag naman nang ligtas ng piloto ang eroplano. Nang kami ni Mandela ay nakasakay na sa likurang bahagi ng kanyang bulletproof na BMW na magdadala sa amin sa rally, lumingon siya sa akin at nagsabing "Pare, natakot ako sa nangyari sa itaas kanina!" Marami pang anekdota ang nailahad ng iba't ibang tao, tanyag man o hindi tungkol kay Nelson Mandela. Patunay lámang ito na ang isang dakilang tao, tulad ng isang diyamante ay patuloy na magniningning at walang anumang bilangguan, diskriminasyon, pasakit, o hadlang sa kanyang daraanan ang hindi niya kakayaning mapagtagumpayan Komponent sa Kasanayang Komunikatibo Ang kasanayang komunikatibo ay binubuo ng apat na pangunahing komponent: 1. Gramatikal - Ang komponent na nagbibigay-kakayahan sa nagsasalita upang epektibong makipagtalastasan gamit ang angkop na mga tuntuning panggramatika. Mahalagang batid ng nagsasalita ang tuntuning panggramatika dahil magagamit ang mga ito sa epektibong pagbuo ng salita, pangungusap, tamang pagbigkas, pagbaybay, at maging sa pagbibigay-kahulugan sa salita. Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na gramatikal ay: a. Anong salita ang angkop gamitin? b. Paano magagamit nang tama ang mga salita sa mga parirala at pangungusap? 2. Sosyolingguwistiko - Ang komponent na nagbibigay kakayahan sa nagsasalita upang magamit ang salitang naaangkop sa sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika. Kailangang alam at magamit ang salitang angkop para sa hinihinging pagkakataon. Dito makikilala ang pagkakaiba ng isang taong mahusay lang magsalita kompara sa isang katutubong nagsasalita ng wika. Madalas, ang isang mahusay lang magsalita ay maaaring magkamali sa pagpili ng salitang gagamitin na puwedeng magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya'y walang galang, mayabang, o naiiba. Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na sosyo-lingguwistik ay: a. Anong salita o parirala ang angkop sa partikular na lugar at sitwasyon? b. Paano maipahahayag nang maayos at hindi mabibigyan ng iba o maling interpretasyon ang inilalahad na paggalang, pakikipagkaibigan, paninindigan, at iba pa? c. Paano ko makikilala ang kaugalian at kulturang taglay ng isang tao sa pamamagitan ng mga salitang kanyang ginagamit? 3. Istratedyik - Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, senyas, tindig, at ekspresyon ng mukha upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga katutubong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng strategic kapag minsang nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nása "dulo na ito ng kanilang dila" at hindi agad maalala ang tamang salita. Kilalá rito ang mga Pilipino na madalas isinesenyas sa pamamagitan ng nguso o pagkumpas ng kamay kapag tinatanong kung nasaan ang isang lugar. Ang mga tanong na sinasagot ng komponent na strategic ay: a. Paano ko malalaman kung hindi ko palá naunawaan ang ibig sabihin ng kausap ko o kung hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang sasabihin o gagawin ko upang maayos ito? b. Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag sa isang bagay? 4. Diskorsal - Kakayahang maunawaan at makabuo ng makabuluhang usapan o teksto na may lohikal na pagkakasunod-sunod. Ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang tinatanggap na mensahe. Dito binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita, pangungusap, o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na kahulugan. Ang tanong na sinasagot ng komponent na diskorsal ay: a. Sa paanong paraan mapagsasama-sama o mapag-uugnay- ugnay ang mga salita, parirala, at pangungusap upang makabuo ng maayos na usapan, sanaysay, talumpati, email, artikulo, at iba pa? Si Rustam at Si Sohrab Nása sinapupunan pa lámang si Rustam ay hinulaan na magiging magiting na bayani siya sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa ng mga alamat. Hindi naging madali ang paraan ng pagsilang kay Rustam. Ang kanyang inang si Rudabeh ay dumanas ng matinding sakít. Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang ibong kumupkop sa kanyang amang si Zal noong ito'y ipinatapon ng kanyang ama sa paanan ng bundok. Bago lumisan ang mapaghimalang ibon, sinabi niya kay Zal na ang batang isisilang ni Rudabeh ay kasinlaki ng isang sanggol na leon. Ito ay magiging bayani at magiging paksa ng mga alamat. Pinayapa niya ang kalooban ni Zal sa pamamagitan ng pagsasabing magiging maayos ang lahat. skagaya ng sabi ng mapaghimalang ibon, isinilang nga si Rustam na kasinlaki ng sanggol ng leon. Kagila-gilalas dahil sa loob ng ilang araw ay naging batang paslit si Rustam at makalipas ang ilang linggo ay naging kasinlaki na siya ng isang binata. Sa kanyang paglaki ay nagpakita ng kakaibang lakas si Rustam. Isang araw na may nagwalang puting elepante sa palasyo at walang makapayapa rito ay si Rustam ang buong giting na pumaslang dito. Si Rustam at ang Kanyang Rabayong si Rakhsh Nang tumuntong si Rustam sa edad.na puwede na siyang magsanay bilang isang mandirigmang ihahanda upang ipagtanggol ang kanilang bansang Iran, napagtanto ng kanyang amang si Zal na kakailanganin niya ang isang espesyal na kabayong makakasama niya. Ang lahat ng kabayo mula sa lahat ng sulok ng Zabulistan at Kabulistan ay ipinarada sa kanyang harapan. Inilalapat ni Rustam ang kanyang kamay sa likuran ng bawat kabayo upang masiguro kung kakayanin siya nito, ngunit ang bawat kabayo ay napapaluhod sa kanyang kabigatan. Nang dumating ang pangkat ng kabayong dalá ni Kabul ay napansin ni Rustam ang mag-inang kabayong may dibdib na kawangis ng leon. Ayon kay Kabul, naging mailap ang kabayong ito, sa loob ng tatlong taon ay wala pang nakapagpapaamo at nakasasakay sa kabayo, hindi rin pinahihintulutan ng inahing kabayo ang sinumang nagbabalak na sumakay rito. Pagkarinig ni Rustam sa tinuran ni Kabul ay sinakyan niya ang kabayo at pinatakbo. Naging palaisipan sa kanila kung bakit pumayag ang kabayo at hindi humadlang ang inahing kabayo. Nang bumalik si Rustam kasama ang kabayo ay puro papuri ang kanyang ibinigay sa kabayo. Mula nang araw na iyon ay hindi na. naghiwalay si Rustam at ang kanyang kabayong si Rakhsh. Ang Pagkikita nina Rustam at Prinsesa Tahmina Isang araw sa lugar na malápit sa Turan sa bayan ng Samangan nangaso ng mababangis na hayop si Rustam. Nang makahuli nangaso mababangnyang kabusugan ay nakatums may Habang ang kanyang kabayong si Rakhsh ay nanginginain ng dasunduan ang si Rallong Turanian at napagkasyang nilang hulihin ang kabayo. Nanlaban si Rakhsh, napatay niya ang isang sundalo, niyapakan niya ang isa, ngunit nabigo siyang ipagtanggol ang sarili. Tinangay siya ng mga sundalong Turanian. Laking gulat ni Rustam nang sa kanyang paggising ay hindi niya mahagilap ang kanyang kabayo. Galít at tuliro, pinasok ni Rustam ang bayan ng Samangan upang humingi ng tulong sa paghahanap sa kanyang kabayo. Buong-puso naman siyang tinanggap ng hari ng Samangan at sinigurong tutulungan siya sa paghahanap sa nawawalang kabayo. Hinimok pa siyang magpalipas ng gabi sa palasyo bago ipagpatuloy ang paghahanap pagsapit ng pagbukang. liwayway. Hatinggabi nang namalayan na lámang ni Rustam na bumukas ang pinto ng silid na tinutuluyan niya. Kapagdaka'y pumasok ang dalawang babae, ang una ay isang tagasilbi at sumunod ang isang magandang dilag. Nagpakilala ang magandang dilag na siya ay si Prinsesa Tahmina, ang kaisa- isang anak na babae ng hari ng Samangan. Isinaad ni Tahmina na kilala niya ang binatang si Rustam at hindi lingid sa kanya ang kagitingan, kahusayan, at katapangan ng binata. Nahulog ang loob ng dalawa sa isa't isa, at nang gabing iyon ay napatunayan nilang sila'y nagmamahalan. Kinabukasan ay natanggap ni Rustam ang mabuting balita na natagpuan na ang kanyang kabayo. Masakit man para sa kanilang dalawa ng prinsesa ay kailangan na niyang lisanin ang lugar. Naging mapait at tigib ng luha ang kanilang paghihiwalay. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Prinsesa Tahmina. Lumipas na ang maraming buwan ay hindi pa rin muling nagkikita sina Rustam at Prinsesa Tahmina. Hindi naglao'y nagsilang ng isang batang lalaki ang prinsesa. Tinawag niya itong Sohrab. Lumaki ang batang si Sohrab na isa ring magiting na mandirigma. kagaya ng kanyang amang si Rustam. Ang Trahedya ni Sohrab Hindi nalaman ni Rustam na nagbunga ang kanilang pag-iibigan ni Prinsesa Tahmina. Hanggang isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan ang mag-amang si Rustam at si Sohrab. Sa umpisa ay hindi man lang naghinala si Rustam na maaaring si Sohrab ay kanyang anak, habang si Sohrab ay kinutubang maaaring si Rustam ang kanyang ama. Nagtuos ang dalawang magiting na mandirigma. Naigupo ni Rustam si Sohrab at nasaksak hanggang ito ay mag-agaw búhay. Habang si Sohrab ay nakahandusay, nagbalik sa kanyang alaala na ang nagtulak sa kanya upang mapadpad sa lugar na iyon ay ang pagmamahal sa kanyang amang si Rustam. Sa pagtitig ni Rustam sa nag-aagaw-búhay na katunggali ay napadako ang kanyang paningin sa pulseras na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Ito ang pulseras na ibinigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas. Hindi siya puwedeng magkamali. Maaaring ito ay ibinigay ng prinsesa sa kanyang katunggali dahil ito ay ang kanyang anak. Nayanig ang buong pagkatao ni Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit hulí na ang lahat. Wala ng búhay si Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil namatay siya sa kamay ng taong dapat sana'y kakalinga at magtatanggol sa kanya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam, hindi niya ito ninais na mangyari, ngunit naging malupit ang tadhana. Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin May iba't ibang paraan upang maipahayag ang emosyon o damdamin sa pamamagitan ng wika: 1. Paggamit ng Pandamdam - nagpapahayag ng matinding emosyon at may paggamit ng (!) Halimbawa: “ang galing mo naman nay!”, at “pre ang asim mo!” 2. Maiikling sambitla - sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: "wow!”, “aray!”, “naku!”, “hala!” at “aww!” 3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon ng isang tao - ito ay pangungusap na pasalaysay kayat hindi nagsasaad matinding damdamin. Ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o emosyon a. Kasayahan b. Pagtataka c. Pagkalungkot d. Pagkagalit e. Pagsang-ayon f. pagpapasalamat 4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi tuwirang paraan - ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan. Halimbawa: Kumukulo dugo ko