Q3 AP NOTES 10 - Araling Panlipunan 10 - 3rd Quarter

Summary

These notes cover the concepts of sex and gender, including different types of sexual orientation and gender identities. The document also discusses gender roles in the Philippines and other parts of the world, focusing on important learning competencies for the third quarter of Araling Panlipunan 10. It includes matching exercises and other activities for student engagement.

Full Transcript

# SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE ## ARALING PANLIPUNAN-10 ### IKATLONG KWARTER #### UNANG LINGGO ### MGA ISYUNG PANGKASARIAN #### PAG-UNAWA SA SEKSWALIDAD **Kasanayang Pampagkatuto (Most Essential Learning Competency)** Natatalakay ang mga uri ng kasarian (sex) at gender at gender...

# SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE ## ARALING PANLIPUNAN-10 ### IKATLONG KWARTER #### UNANG LINGGO ### MGA ISYUNG PANGKASARIAN #### PAG-UNAWA SA SEKSWALIDAD **Kasanayang Pampagkatuto (Most Essential Learning Competency)** Natatalakay ang mga uri ng kasarian (sex) at gender at gender roles sa iba't-ibang bahagi ng daigdig. **Layunin** Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Naipapahayag ang sariling pakahulugan sa kasarian at gender. (AP10KILI-III-1) 2. Nasusuri ang mga uri ng kasarian (sex) at gender. (AP10KIL-Illa-2) **Balikan Natin** Bilang paunang gawain, balikan natin ang inyong nakaraang aralin. **TAPAT-KAHULUGAN** **PANUTO:** Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B batay sa pakahulugang ibinigay. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa unahan ng bilang. **Hanay A** | **Hanay B** ------- | -------- Ang layunin ng paglabas sa bansa ay upang maghanapbuhay. | A. Labor Migration Tumakas sa isang bansa dulot ng digmaan at kaguluhang sibil ang layunin ng migrasyong ito. | B. Irregular Migrants Mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at overstaying sa bansang pinuntahan. | C. Refugees Tawag sa mga mamamayang na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang mamasyal o mag-aral nang may takdang panahon ang pamamalagi. | D. Temporary Migrants Layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya kalakip nito ang pagpalit ng pagkamamamayan o citizenship. | E. Permanent Migration **Unawain Natin** Ang mga susunod na talakayan ay magbibigay linaw sa lahat kung bakit kailangang matutuhan ang tungkol sa sex at gender at ang iba't-ibang mga kasarian bukod sa pagiging isang babae at lalaki. Bibigyang diin ang pagpapakahulugan at ang katangian ng bawat kasarian upang lubos itong maunawaan ng lahat. Sa daloy ng pagtalakay ay mayroong mga terminolohiyang bago sa inyong pandinig. Kailangan lamang na buksan ang maturidad upang higit na maging maliwanag ang diskusyon. lipunan. Ito ay laman ng mga debate at pagtatalo ng ilang mga bansa at grupo ng tao lalo na sa usapin ukol sa moralidad, etika, teolohiya at pananampalataya. Malaki ang impluwensiya ng sekswalidad sa paraan ng pag-iisip ng tao sa larangan ng pulitika, batas at maging ng pilosopiya sa buhay. ## ANG KONSEPTO NG SEX AT GENDER Magkaiba ang kahulugan ng sex at gender. Bagama't kung isasalin ang dalawang ito sa wikang Filipino ay katumbas ito ng salitang kasarian. Ang konsepto ng sex at gender ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian - kung lalaki o babae. Masasabi ring ito ay naglalarawan sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. Ayon sa World Health Organization (2014) ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ang tumutukoy kung siya ay isang lalaki (male) o babae (female). Ito ay binubuo ng pangunahin at sekondaryang mga katangian kung saan: * Ang pangunahing katangian o primary sex characteristics ay tumutukoy sa panloob at panlabas na ari ng lalaki (penis at testes) at babae (vagina at ovaries). * Ipinakikita naman ng sekondaryang katangian o secondary sex characteristics ang pagkakaibang hormonal gaya ng testosterone (lalaki) at estrogen naman sa babae. Sa kabilang banda, ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga lalaki at babae. Ang gender ay hindi umaayon sa biyolohikal na katangian ng lalaki at babae, bagkus isinasaalang-alang nito ang pagkakaiba sa paniniwala, pagtingin sa sarili at kagawian. Ito ay nagbabago batay sa intelektuwal, sosyal at sikolohikal na katayuan ng isang indibidwal batay sa kaniyang kasarian. Si Aziza Al Yousef ay nakulong matapos lumabag sa Women Driving Ban sa Saudi Arabia. Siya ay kilalang tagapagtuguyod ng kampanya laban sa pagbabawal sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan. Siya ay nakulong nang mahuling nagmamaneho kasama si Eman Al-Nafjan, sadya nila itong ginawa upang ipakita ang kanilang pagtutol sa driving ban na ito. Silang dalawa ay may parehong adbokasiya na alisin ang pagbabawal sa mga kababaihan na magmaneho. Matapos silang pumirma sa isang kasunduan na hindi na nila ito ulit gagawin, sila ay pinalaya at nakalabas ng kulungan. Ang kuwentong inilahad ay maliwanag na paglalarawan ng konsepto ng gender. Sa bansang Saudi Arabia, tanging ang mga kalalakihan lamang ang may karapatan na magnameho ng sasakyan. Ito ay itinakda ng kanilang lipunan na maaari lamang gawin ng mga lalaki. Ngunit pagkatapos ng dalawampung taong driving ban para sa mga kababaihan iniutos ng Royal Decree ng bansa na bigyan na ng driver's license ang mga kababaihan. Ayon sa civil right activitists malaking tulong ang hakbang na ito upang makamit ang matagal ng isinusulong na gender equality sa bansa. **Male (Lalaki)** | **Female (Babae)** | **Masculine** | **Feminine** ------- | -------- | -------- | -------- Sex | Sex | Gender | Gender Ang aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin man ang mga lipunan subalit sa aspekto ng gender, maaaring malaki ang pagkakaiba-iba ng mga lipunan. ## ANG SEXUAL ORIENTATION AT GENDER IDENTITY Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya o kasariang higit sa isa. Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring mauri sa heterosexual, homosexual at bisexual. **HETEROSEXUAL**- naaakit sa kabilang kasarian (opposite sex). Halimbawa nito ay isinilang na babae at naaakit sa lalaki. Gayundin ang ipinanganak na lalaki na naaakit sa babae. **HOMOSEXUAL**- naaakit sa kaparehong kasarian (the same sex). Ibig sabihin, ang isang taong ipinanganak na babae ay naaakit at nagkakagusto rin sa kapwa babae o ang isang lalaki ay nagkakagusto sa kaniyang kapwa lalaki. **BISEXUAL**- na nangangahulugang ang isang tao ay naaakit sa dalawang kasarian. Halimbawa ang lalaki ay naaakit sa isang babae at sa lalaki at ang babae naman ay maaaring maakit sa dalawang kasarian. **Ang pagkakakilanlang pangkasarian o gender identity naman ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipinanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi kung malayang pinipili, sa pagbabagong anyo o kung ano ang gagawin o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.** Bukod sa pagiging lalaki at babae, mayroon namang kondisyon na tinatawag na **intersex**. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na ipinanganak na may biyolohikal na bahaging pambabae o panlalaki ngunit hindi angkop na tawaging babae o lalaki. Maaaring lalaki ang panlabas na anyo ngunit may bahagi ng katawan na maiuugnay sa pisikal na katangian ng babae o vice versa. Dito pumapasok ang tinatawag nating LGBTQA. **Lesbian** | **Gay** | **Bisexual** | **Transgender** | **Queer** | **Asexual** ------- | -------- | -------- | -------- | -------- | -------- Mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae. Tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo o tomboy. | Mga lalaking nakararamdam ng atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki at kumikilos na parang babae. Tinatawag din silang bakla, beki at bayot. | Mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian. | Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan. Maaaring matawag na transgender ang sumusunod: babae na nais manamit bilang lalaki o lalaki na nais manamit bilang babae (cross dresser); ang mga magpapaopera, nagpaopera, mga taong ipinanganak na may parehong kasarian | Maaaring kinikilala ang kanilang sarili bilang parehong babae o lalaki o hindi kaya naman ay hindi babae o lalaki, samatuwid, ang kanilang kasarian ay labas sa tinatawag nating gender binary. | Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian. Mahalagang maunawaan ang implikasyon ng pagkakaunawa sa **sekswalidad** sapagkat ito ay magbubukas-isip sa lahat na anumang kasarian ang pinili o kinabibilangan ng isang indibidwal ay taglay niya ang mga paggalang at pagpapahalaga sa kaniya bilang tao at kasapi ng lipunan. Karapatan ng tao na pumili ng kasariang kabibilangan niya ngunit kalakip nito ang paalaala na laging panatilihin ang paggawa ng kabutihan. ## Ilapat Natin **PANUTO:** Ilagay sa tamang kahon na nasa gawing kanan ang katangian/konsepto ng sex at gender na nakalahad sa kanang bahagi. Titik lamang ang isulat. **SEX** | **GENDER** ------- | -------- Panlipunang kilos at gawain na itinakda ng lipunan sa mga lalaki at babae. | A Naglalarawan ng gawain ng lalaki at babae na ang layunin ay reproduksiyon ng tao. | B Ang mga lalaki ay mayroong penis at testes at ang mga babae naman ay vagina at ovaries. | C Ang trabaho sa konstruksiyon ay nakatakda sa mga kalalakihan sapagkat ito ay isang mabigat na trabaho. | D Sa tradisyunal na pamilyang Pilipino, ang ama ang inaasahang naghahanapbuhay at ang nanay naman ay nasa loob ng tahanan na nag-aasikaso sa mga gawaing- bahay. | E ## Suriin Natin Ang gawaing ito ay magpapalalim sa inyong kaalaman sa paksa. **SALOOBIN MO, UUNAWAIN KO.** PANUTO: Ipahayag ang iyong damdamin/saloobin sa paksang inilahad sa loob ng speech bubble. Isulat ang kasagutan sa inyong sagutang papel. Walang maling sagot dito sapagkat ito ay personal mong saloobin at paniniwala. Bilangin ang kabuuang bilang ng mga salita at isulat ito sa hulihan ng kasagutan. (Hindi kasama ang mga salitang walang tiyak na kahulugan kagaya ng at, mga ang at mga pananda tulad ng tuldok, kuwit at iba pa). Kung ikaw ay naniniwala na ang tao ang pinakamagandang nilalang ng Panginoon sapagkat siya ay nilikha kawangis Niya. Makatuwiran bang baguhin ng isang tao ang itinalaga sa kaniyang kasarian batay sa kaniyang sekswalidad? Halimbawa, ang pagpapaopera/ pagpapalit- ari mula sa pagiging lalaki upang maging babae o pag-inom ng mga gamot upang mabago ang kaniyang panlabas na kaanyuan? # SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE ## ARALING PANLIPUNAN-10 ### IKATLONG KWARTER #### IKALAWANG LINGGO ### ANG GENDER ROLES SA PILIPINAS AT SA IBANG BAHAGI NG DAIGDIG **Kasanayang Pampagkatuto (Most Essential Learning Competency)** Natatalakay ang mga uri ng kasarian (sex) at gender at gender roles sa iba't-ibang bahagi ng daigdig. **Layunin** Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nasusuri ang mga gender roles sa Pilipinas sa iba't ibang panahon. (AP10KIL-Illb-3) 2. Nasusuri ang mga gender roles sa iba't ibang bahagi ng daigdig. (AP10KIL-IIIc-5) **Balikan Natin** Alamin natin ang inyong natutuhan sa nakaraang aralin. **SIMBOLO'T KAHULUGAN** **PANUTO:** Hanapin ang kahulugan at simbolo ng sekswalidad na tinutukoy. Hanapin ang tamang sagot sa kahon at isulat ang TITIK sa espasyong nakalaan. **Kahulugan** | **Simbolo** ------- | -------- Naaakit sa kabilang kasarian (opposite sex). | A. Naaakit sa kaparehong kasarian (the same sex). | B. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian. | C. Mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae. | D. **Kahulugan** | **Sekswalidad** | **Simbolo** ------- | -------- | -------- 1. | Heterosexual | 1. 2. | Homosexual | 2. **Unawain Natin** Bawat lipunan ay may kani-kaniyang pananaw sa kung paano mag-isip at kumilos ang bawat indibiduwal, lalaki man o babae. Kaakibat nito ang inaasahang pananamit, pagkilos, at pag-uugali. Malimit nating marinig ang mga salitang "babae ka, kaya dapat marunong kang magluto" o "lalaki ka naman, kaya walang mawawala." Sa araling ito ating masusuri ang mga gampanin ng gender roles sa Pilipinas sa iba't-ibang panahon gayun din sa ibang bahagi ng daigdig. Ang **gender role** o gampaning pangkasarian ay isang konsepto na higit na mag-uugnay sa sex at gender. Ito ay ang inaasahan ng isang lipunan na kilos, gawi, katangian, at tungkulin ng mga mamamayan na naaayon sa kanilang kasarian. Ang mga babae ay dapat pambabae ang kilos, pananamit, at pag-uugali. Gayundin, ang mga lalaki ay dapat panlalaki ang kilos, pananamit, at pag-uugali. Bawat lipunan, kultura, at pangkat ng tao ay may kani-kaniyang **gender roles** na inaasahan. Ito ay maaari ding magbago sa paglipas ng panahon. Malaki ang impluwensya nito sa pamumuhay ng bawat indibiduwal dahil sa matinding pagnanais na mapabilang sa lipunang ginagalawan. ## MGA ASPEΚΤΟ ΝΑ ΚAKAKITAAN NG GENDER ROLES * Kaalamang biyolohikal kung saan ang kababaihan ay mas mahina kaysa sa kalalakihan. Kung kaya, ang mga gawain na kinakailangan ng matinding lakas ay sa lalaki iniuugnay. * Pag-inog ng kasaysayan na kinakitaan ng malaking bahagi ng manggagawa sa agrikultural at industriyal na panahon ay kalalakihan at kung saan ang kababaihan ay nananatili sa tahanan. * Kinalakihang pamilya ang siyang higit na nakaiimpluwensya upang malaman ang gender roles ng mga anak. Halimbawa na lamang ang pag-aatas sa babaeng anak na magluto at sa lalaking anak ang pag-iigib ng tubig. * Impluwensya ng midya gaya ng telebisyon, pelikula, magasin, social media, at internet. Halimbawa na lamang ang gampanin ng mga babae sa pelikula bilang sekretarya at lalaki ang laging amo o boss; at mga ina na nananatili sa bahay na nag-aalaga ng mga anak at ama na naghahanapbuhay para sa pamilya ## ANG GENDER ROLES SA PILIPINAS Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano ang katayuan at gampanin ng babae at lalaki sa iba't ibang panahon ng kasaysayan sa Pilipinas. ### Panahong Pre- Kolonyal Ang mga datos pangkasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa isla ng Panay (Capiz, Iloilo, Aklan at Antique). Ang bigay-kaya naman ay binibigay ng mga lalaki sa pamilya ng babae bago ito mapangasawa. Ito ay sa anyong alahas, alagang hayop, lupa at kung ano pang mahalagang bagay. Noong panahong pre-kolonyal o bago pa man dumating ang mga Kastila, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. ipinapakita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan. Paano naman winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon? Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalakina hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang binigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari. ### Panahon ng mga Kastila Ang Boxer Codex ay isang 307 pahinang manuskritong isinulat noong ika-16 na siglo na naglalaman ng mga paglalarawan sa mga tradisyon at paniniwala ng sinaunang Filipino at sinaunang tao sa ibang karatig bansa na gaya ng New Guinea, Vietnam, Taiwan, Cambodia, Thailand at iba pa. Bukod sa paglalarawang pisikal, mayroon itong 75 na ilustrasyong may kulay ng mga naninirahan sa iba't-ibang rehiyon suot ang kanilang sariling pananamit. Sa mga ito, 15 ang larawan ng mga Tagalog, Bisaya, Kagayanon at Negrito. Ang orihinal na may-ari nito ay si Gobernador Heneral Luis Perez Dasmariñas bilang tugon sa kautusan ng pamahalaang kolonyal sa mga gobernador na magtala ng mga ulat sa kanilang nasasakupan. Ang koleksiyon ay napunta kay Charles Ralph Boxer kaya ipinangalan sa kaniya ang nasabing manuskrito. Hindi pareho ang gampanin ng mga lalaki at babae noong Panahon ng mga Kastila. Ang mga babae sa panahong ito ay iginagalang. Sila ay kinakailangang nasa loob lamang ng tahanan o ng paaralan. Ang kanilang tradisyunal na gampanin ay para sa tahanan lamang kaya makikita natan ang kanilang kagalingan sa pagtatahi, pagbuburda, panunulsi at marami pang ibang gawain.Sila ay responsible upang mangasiwa sa mga pangangailangan sa tahanan. Sila ay sinasanay na maging mabuting ina at asawa o maging tagapaglingkod ng simbahan. Kapansin-pansin din sa Panahon ng mga Kastila na ang mga babae ay aktibo sa mga gawaing pansimbahan dumalo sa mga misa at mamuno sa mga pagdarasal at pagrorosaryo sa loob ng tahanan. Hindi nila kinakailangang makaabot ng mataas na edukasyon upang magtapos bilang propesyunal. Ang simbolo ng kababaihan noon ay si Maria Clara- mahinhin, mayumi kung magsalita at tahimik kung kumilos. Sa kabilang banda may mga kababaihan naman na hindi tradisyunal ang gampanin, nakapagtapos sila ng mataas na uri edukasyon at sumali sa mga pag-aaklas laban sa mga Kastila. Ilan sa kanila ay sina Gabriela Silang, Tandang Sora, Gregoria de Jesus, Marina Dizon at marami pang iba. Ang gampanin ng mga lalaki noong Panahon ng Kastila ay sila ang responsible upang magtrabaho para sa kanilang pamilya. Bukod dito ang mga kalalakihan noon ay pangunahing napairal ng patakaran na tinatawag na polo y servicio. Ang mga lalaking may edad na 16 hanggang 60 ay pinaglilingkod sa pamahalaan ng 40 araw sa isang taon. Sila ay gumagawa ng mga istruktura kagayan ng mga daan, tulay, gusali, simbahan nang walang pahinga at tuluy-tuloy. Ang mga kalalakihang miyembro ng mayamang angkan ay hinahayaang magbayad ng multa o falla upang makaiwas sa polo y servicio. Bukod dito ang mga lalaki rin ang mga namumuno ng mga pag-aaklas laban sa mga mananakop na Kastila noong mga panahon na iyon. ### Panahon ng mga Amerikano Sa pagdating ng mga Amerikano ay nabuksan ang ideya ng kalayaan, karapatan at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap man o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng mga kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong ika-30 ng Abril, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa pulitika. Samantala, sa panahong ito ang karaniwang nakaupo sa mga posisyong pampulitika ay mga lalaki na galing sa mga angkan na nagsilbi sa mga Amerikano. Ang mga lalaki lamang ay may karapatan na maghalal at ihalal sa mga pambansang asembliya. Karaniwan din ng mga guro sa elementarya, sekundarya at kolehiyo ay mga lalaking Filipino na galing sa Amerika o ang tawag ay mga Pensionados. ### Panahon ng mga Hapones Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong panahong iyon, ang mga babae ay itinatago dahil sa pagkamalupit ng mga Hapones. Iniiwan nila ang kanilang tahanan at nagpatuloy ang kanilang karera kung saan malayo sa mga Hapones. Ang mga lalaki noon ay kasama sa pakikidigma at pakikipaglaban sa mga Hapones. Kahit sa murang edad nasasabak na ang mga lalaki upang matuto sa pakikidigma. Ang iba naman ay namundok at doon sila namalagi upang mabuhay. ### Kasalukuyang Panahon Sa kasalukuyang panahon, ang tradisyunal na gampanin ng mga babae na pantahanan lamang at ang mga kalalakihan ay ang tagapagtaguyod ng pamilya ay nagkaroon ng malawakang pagbabago na maaaring dulot ng globalisasyon at ang pag-unlad ng mga teknolohiya. Kung ating papansinin ang gampaning panlalaki ay maaari na ring gawin ng mga kababaihan at kabaliktaran naman magagawa na ng mga lalaki ang ibang gampanin ng mga kababaihan. Ang mga babae sa kasalukuyan ay mayroon ng kakayahang pumili ng gampanin. Malawak na ang kanilang narating kung pag-uusapan ang edukasyon, pulitika, isports, entertainment, trabaho at marami pang ibang aspeto. Sa kabuuan, may malawak na rin ang kaalaman ng mga kababaihan sa karapatan na dapat nilang makuha. Gayundin naman ang mga kalalakihan, may kalayaan na din silang pumili kung ano ang nais nilang gawin sa kanilang pamilya. Hindi na lamang ito limitado sa pagtatrabaho at pagbibigay ng pinansiyal na pangangailangan ng pamilya. Sa paglipas ng panahon makikita ang malaking pagbabago sa gender roles ng mga babae at lalaki sa ating bansa. Ito ay maaaring dulot ng maraming mga pagkilos at batas na isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki pati na rin ang mga kasapi ng LGBT. ## Gender Roles sa Iba't Ibang Lipunan sa Mundo ### Africa at Kanlurang Asya Sa mga rehiyong ito ng mundo, mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang ikalawang bahagi ng 20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. **Talahanayan ng Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa mga Kababaihan** **Kanlurang Asya** | **Africa** ------- | -------- Lebanon (1952) | Egypt (1956) Syria (1949, 1953) | Tunisia (1959) Yemen (1967) | Mauritania (1961) Iraq (1980) | Algeria (1962) Oman (1994) | Morocco (1963) Kuwait (1985, 2005) | Libya (1964) Sudan (1964) Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napigilan sapagkat may ilang bansa na hindi pinapayagan ang mga babae na maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (sekswal at pisikal ). ### Epekto ng Gender Roles Kalimitang negatibo o hindi maganda ang epekto ng gender roles sa isang indibiduwal. Ang pagtatakda ng lipunan ng gampanin batay sa kasarian ay kadalasang nagiging sanhi ng mga sumusunod: * **Gender stereotyping** na nagtatakda ng limitadong kalayaan ng bawat indibiduwal na makisalamuha at magpahayag ng kaniyang saloobin. Ito ay maaaring makita sa loob ng tahanan, trabaho, paaralan, at maging sa lansangan. Maaari itong bigyang kategorya batay sa: * Personal na pag-uugali kung saan inaasahang ang kababaihan na emosyonal at mahinhin, samantalang brusko at matapang naman ang kalalakihan. * Gawaing pambahay kung saan ang kababaihan ang nararapat gumawa ng pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng bata. Sa kalalakihan naman ang pagkukumpuni ng sasakyan at pagsasaayos ng mga sira sa bahay. * Uri ng hanapbuhay kung saan ang mga guro at nars ay kababaihan, samantalang mga inhinyero, piloto, at doktor ay kalalakihan. * **Gender discrimination** na nagpapakita ng hindi pantay na pagtingin at pakikitungo sa mga taong hindi umaayon sa itinakdang gender roles. ## Ilapat Natin Maging mapanuri sa inyong lipunan and tahanan. Ibahagi ang inyong karanasan at obserbasyon upang lalong mapayaman ang aralin. ## SI MALAKAS AT SI MAGANDA **PANUTO:** Malaki na ang ipinagbago ng gampanin ng mga lalaki at babae sa ating kasalukuyang lipunan. Upang makita ang mga pagbabagong ito, balikan ang kasaysayan ng bansa upang makita ang gampanin ng bawat kasarian sa isang TRADISYUNAL NA PAMILYANG PILIPINO (Tradisyunal na tinatawag kung ito ay makaluma at nakagawian). Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. # SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD NG PARANAQUE ## ARALING PANLIPUNAN-10 ### IKATLONG KWARTER #### IKATLONG LINGGO ### DISKRIMINASYON SA IBA'T IBANG KASARIAN SA LIPUNAN **Kasanayang Pampagkatuto (Most Essential Learning Competency)** Nasusuri ang karahasan / diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender) **Layunin** Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang karahasan / diskrimisnasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT (AP10IKL-IIId-6) **Balikan Natin** Sukatin ang inyong kaalamang natamo sa nakaraang talakayan. Sagutan ang gawaing nailahad sa ibaba. **GUNITAIN ANG KASAYSAYAN** **PANUTO:** Suriin ang mga gender roles ng mga kababaihan at kalalakihan kung kailan ito naganap sa iba't-ibang yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Isulat ang kasagutan sa unahan ng bilang sa pamamagitan ng mga sumusunod na pananda; PPK- Panahong Pre- Kolonyal PK - Panahon ng mga Kastila PA- Panahon ng mga Amerikano PH- Panahon ng mga Hapones KP- Kasalukuyang Panahon 1. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari. 2. Sa panahong ito ang karaniwang nakaupo sa mga posisyong pampulitika ay mga lalaki na galing sa mga angkan na nagsilbi sa mga mananakop. 3. Karaniwan din ng mga guro sa elementarya, sekundarya at kolehiyo ay mga lalaking Filipino na galing sa Amerika o ang tawag ay mga Pensionados. 4. Kahit sa murang edad nasasabak na ang mga lalaki upang matuto sa pakikidigma. Ang iba naman ay namundok at doon sila namalagi upang mabuhay. 5. Malawak na ang narating ng mga kababaihan kung pag-uusapan ang edukasyon, pulitika, isports, entertainment, trabaho at marami pang ibang aspeto. **Unawain Natin** Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay makikita sa kawalan ng hadlang na gampanan ng lalaki at babae ang iba't ibang tungkulin nito sa lipunan. Ngunit kung ang mga tungkuling ito ay hindi magagawa dahil ang kahusayan at kahinaan ay ibinabatay sa kasarian, nagkakaroon ng tinatawag na diskriminasyon. Sa tuwinang maririnig ang mga salitang "hindi mo kaya 'yan dahil babae ka lang" o "ang hina mo naman, babae ka kasi," ito ay malinaw na diskriminasyon sa kasarian. Samakatuwid, ang diskriminasyon ay tumutukoy sa hindi pantay na pagtingin at pakikisalamuha sa indibiduwal dahil sa pag-uugnay ng kaniyang kalakasan at kahinaan sa kasarian. Ito ay nagdudulot ng anumang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtatamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Kabaliktaran nito ang tinatawag na gender equality o gender egalitarianism na tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian sa lahat ng larangan gaya ng edukasyon, trabaho, at pamumuno. Ang diskriminasyon sa kasarian ay hindi lamang sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Sa kasalukuyan, ang mga may piniling kasarian gaya ng lesbian, gay, bisexual, transgender, ay ang malimit na nakararanas ng diskriminasyon. ## Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Diskriminasyon sa Kasarian Sinasabing ang diskriminasyon sa kasarian ay nagmula sa hindi pantay na pagbabahagi ng kapangyarihan. Ang patuloy na paglaganap nito ay bunga ng sumusunod na salik: **Mga Salik** | **Paliwanag** ------- | -------- Paniniwalang Kultural | Ang kulturang kinagisnanay nakaiimpluwensiya sa paniniwala at pananaw

Use Quizgecko on...
Browser
Browser