Araling Panlipunan Q2 Modyul 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Rhey Mark H. Diaz
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
- Araling Panlipunan 2nd Quarter Reviewer - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan - Ikalawang Markahan - Modyul 1: Anyo ng Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan Aralin 1-2: Konsepto ng Globalisasyon - PDF
- Modyul 1 - AP 10 Ikalawang Markahan (1) PDF
Summary
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas...
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na siyang naghanda ng akda nito kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rhey Mark H. Diaz Editor: Gemma M. Inato Tagasuri: Gemma C. Alicaya at Jed I. Bete Tagapamahala: Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V ASDS Marilyn Deduyo ASDS Jinky Ferman, PhD CID Chief Alma C. Cifra, EdD LRMS EPS Aris B. Juanillo, PhD AP EPS Amelia S. Lacerna Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Division of Davao City Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines Telephone: (082) 224 0100/ 228 3970 Email Address: [email protected]/[email protected] 10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang magabayan ka ng gurong tagapagdaloy at matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.ma Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dahilan, Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at maisakatuparan ang gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan ka na maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang iyong mga sagot sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. iii Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Panatilihin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling nahihirapan ka na sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! iv Alamin Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang makatulong na maunawaan at malinang ang iyong kaalaman tungkol sa konsepto, dimensiyon at epekto ng globalisasyon sa kasalukuyang pamumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain upang makatulong sa higit na pag-unawa ng globalisasyon. Ang mga aralin ng modyul na ito ay isinaayos ayon sa Most Essential Learning Competency para sa Baitang 10 na: Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon (MELC 1). Mula sa nabanggit na kasanayan, inaasahan na pag-aaralan mo ang sumusunod: Paksa 1: Konsepto at Dahilan ng Globalisasyon Paksa 2: Mga Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Matapos pag-aralan at sagutin ang mga gawain ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: nasusuri ang konsepto at dimensiyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan. naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang isyung panlipunan. nasusuri ang implikasyon ng iba’t ibang anyo ng globalisasyon sa lipunan. 5 Subukin Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukan ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa isyu at hamon na dulot ng globalisasyon na nangyayari sa ating bansa at sa mundo. Gawain 1. Paunang Pagtataya Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot. 1. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng globalisasyon? a. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo. b. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay. c. Mabilisang paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo. d. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. 2. Sa anong pangyayari na lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? a. Paggawa b. Ekonomiya c. Migrasyon d. Globalisasyon 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa globalisasyon? a. Ito ay malawak, mabilis, mura at malalim. b. Ito ay isang pangmalawakang integrasyon ng iba’t ibang proseso. c. Ito ay ang pagkakaroon ng pakikipagtulungan sa lahat ng bansa. d. Ito ay isang tumitinding pakikipag-ugnayan at pagdaloy ng kaalaman. 4. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon? a. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya sa bansa. b. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan na aspekto. c. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga tao. d. Tuwiran nitong binago ang pamumuhay ng mga “perennial” na institusyon. 5. Sinasabi na isa sa mga dahilan ng globalisasyon ay ang paghahangad ng isang maayos na buhay. Alin sa sumusunod na pahayag ang may kaugnayan dito? a. pagdami ng bilang ng mga OFW na umalis ng bansa b. paglaganap ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya c. pagkakaroon ng mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiko d. paglaganap ng Kristiyanismo sa buong mundo dahil sa globalisasyon 6 6. Ang globalisasyon ay may kaakibat na suliraning panlipunan tulad ng banta ng terorismo. Ano ang nararapat mong gawin upang maiwasan ang suliraning ito? a. Hindi pagsunod sa mga batas at polisiya ng isang bansa. b. Hindi maingat sa pagbibigay impormasyon at balita sa social media. c. Hindi pagsunod ang mga paalala o advisories na ipinalalabas ng bansa. d. Maging maingat sa lahat ng pagkakataon lalo na sa seguridad at kaayusan ng isang bansa. 7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pagbabago sa sektor ng ekonomiya sa panahon ng globalisasyon? a. Pagkakaroon ng kasunduang militar ng Pilipinas at China. b. Paglaki ng kita ng Business Process Outsourcing ng Pilipinas. c. Pagkakaroon ng mga malalaking kompanya, tulad ng Multinational Companies (MNCs) at Transnational Companies (TNCs) d. Dumarami ang mga Pilipinong nangingibang bansa upang magtrabaho. 8. Ang pagsali ng Pilipinas sa United Nations, Association of Southeast Asia Nations at United Nations ay nauuri sa anong dimensiyon ng globalisasyon? a. Teknolohikal b. Sosyo-Kultural c. Politikal d. Ekonomiko 9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng globalisasyong sosyo-kultural? a. Ang pagkahumaling ng mga kabataan sa Korean Pop. b. Ang paggamit ng Facebook, Twitter at Instagram sa pakikipagkomunikasyon. c. Ang mga kabataan ngayon ay gumagamit ng e-books sa pamamagitan ng tablet at smart phones. d. Ang mga kasunduan ng mga bansa upang mapabilis ang pagkakaroon ng palitan ng produkto at kultura. 10. Ang pagtaas ng Gross Domestic Product o kabuuhang kitang kalakal ng mundo mula noong 1980 na may 42.1% at 2012 na 62.1%. Anong ipinahihiwatig nito? a. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na lumiliit na ang mundo sa sektor ng kalakalan. b. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na bumilis ang lumawak ang kalakalan sa bung daigdig. c. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na maraming kakompetensiya ang Pilipinas sa kalakalan. d. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulan na may sapat na supply ang bawat bansa sa kanilang produkto. 11. Binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng maraming Pilipino. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kaisipang ito? a. Nakatulong ang globalisasyon sa kabuhayan ng mga tao. b. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami. c. Maraming suliranin ang naidulot sa pamumuhay ng tao. d. Naging dependent ang mga tao sa mga gadgets at makabagong teknolohiya. 7 12. Bilang mag-aaral, alin ang higit na dapat makakaimpluwensiya sa iyo ng globalisasyon? a. Pagtangkilik sa mga social networking sites. b. Paglalaro ng mga makabagong online games. c. Paggamit ng makabagong teknolohiya. d. Pakikipagsapalaran sa ibang bansa. 13. Paano nakapagpabago ang penomenong globalisasyon sa buhay ng tao sa kasalukuyan? a. pawang mabubuting kaganapan ang naging epekto b. nakakatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa isang bansa c. nagbunga ito ng pag-alis at paglipat ng tao mula sa ibang lugar d. nagbigay-daan ito sa mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t ibang panig ng daigdig. 14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tuwirang pagbabago dulot ng globalisasyon ng mga panlipunang institusyon? a. Ang simbahan ay patuloy ang pangangaral sa mga naniniwala nito. b. Si Natoy ay bumagsak sa exam dahil sa walang oras sa pag-aaral dulot ng paglalaro ng online games. c. Ang miyembro ng pamilya ay nawawalan ng oras sa bawat isa dahil sa mga teknolohiya at uri ng trabaho na pinasukan. d. Mas lalong nabibigyan ng maraming pagpipilian ang mga konsyumer dahil sa mga produktong iniluluwas mula sa ibang bansa. 15. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI mo maituturing globalisasyon? a. Pagbili mo ng mga branded na damit tudad ng Wrangler, Lee at BNY. b. Inimbita mo ang iyong mga kaibigan na kumain sa Burger King. c. Nagkaroon ng pagtatalakay ang iyong guro gamit ang google meet. d. Wala sa mga nabanggit. 8 Aralin Konsepto at Dahilan ng 1 Globalisasyon Magaling! Binabati kita dahil nagawa mong sagutan nang maayos ang bahaging Subukin Natin. Ngayon naman, sa bahaging ito ay higit mong mauunawaan ang tungkol sa mga mahahalagang konsepto ng globalisasyon, mga dahilan, dimensiyon at epekto nito. Simulan natin! Balikan Sa nakaraang markahan, nakasentro ang iyong pag-aaral sa mga isyu at hamong pangkapaligiran. Nasuri mo ang konsepto at kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu. Natutunan mo rin ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran. Mula sa kalagayan, natukoy mo rin ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Hindi lamang natapos ang iyong pag-aaral sa pag-alam sa kalagayan at nararapat na gawin sa mga banta ng sakuna. Bagkus, gumawa ka rin ng konkretong hakbang upang labanan ang pagharap ng mga sakuna sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Community-Based Disaster Reduction and Risk Management o CBDRRM Plan. Sa huli, napagnilayan mo na mahalaga ang kahandaan, disiplina at kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. Gawain 2. Hakbang sa Paggiging Matatag na Pamayanan Balikan mo ang natutunan mo sa huling aralin ng unang Markahan – ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Community-Based Disaster Reduction and Risk Management o CBDRRM Plan. Sa talahanayan sa ibaba, tukuyin ang mga ginagawang paghahanda sa bawat hakbang. Hakbang Mga Isinagawang Paghahanda 1. Unang Yugto: 2. Ikalawang Yugto: 3. Ikatlong Yugto: 4. Ika-apat na Yugto: Magaling! Ang iyong mga sagot ay patunay na iyong natutunan ang paksa sa nakaraang modyul. 9 Sa araling ito, papasukin natin ang mundo ng mga isyung pang-ekonomiya. Ilan lamang sa mga problemang kinakaharap ng ekonomiya sa kasalukuyan ay ang mga hamon na dulot ng globalisasyon, problema sa mga manggagawa at migrasyon. Sa iyong nakaraang baitang, napag-aralan mo ang mga konsepto at teorya sa ekonomiks. Ang mga natutunan mo sa ekonomiks ay siyang magiging gabay at pundasyon mo upang higit na maunawaan ang mga isyu sa ekonomiya. Sa mga susunod na basahin at mga gawain, papalaliman pa nang husto ang iyong kaalaman sa mga isyu at hamong pang-ekonomiya. Kung kaya maghanda at simulan na natin! Tuklasin Matapos mong pag-aralan ang mga isyung pangkapaligiran, papasukin natin ang mundo ng ekonomiya. Siguradong na ang mga aralin sa unang markahan ay nakapagbigay sa iyo ng malawak na pag-iisip at perspektibo kung paano makaiwas sa mga sakuna at napagnilayan at isinapuso mo ang kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at pagiging kooperatibo sa mga otoridad sa pagpapatupad ng Disaster Management. Gawain 3. Kwento-Suri Sa ngayon, tiyak na makakapukaw sa iyo ng pansin ang mga aralin sa modyul na ito dahil kadalasan sa mapag-aaralan mo ay nakikita at nararanasan mo sa totoong buhay – ito ay ang Globalisasyon. Ngayon, nais kong basahin mo ang kwento ni Maxie sa kanyang paglalakbay sa Maynila. Sagutin mo naman ang kasunod na mga katanungan. Gawin ito sa isang sagutang papel. Ang Paglalakbay ni Maxie Si Maxie ay nasasabik nang makita ang dati niyang mga kamag-aral sa elementarya. Halos mag-aapat na taon na rin ang nakalipas nang huli silang magkita-kita. Si Maxie ay nasa huling baitang na sa Junior High School. Tradisyon na rin ng magkakabarkada ang pagkikita tuwing sasapit ang bakasyon. Napagdisisyunan ng magkabarkada na pumunta ng Maynila para sa kanilang muling pagkikita-kita. Gamit ang social media accounts tulad ng Facebook at e-mails ginawa nila ang plano kung saan pupuntahan nila ang mga lugar sa Metro Manila. Gamit ang mga gadyet sila ay nag uusap-usap gamit ang Zoom. Sa pamamagitan nito, para na rin silang totoong nagkikita-kita at nag-uusap habang sila ay nag- hihintay sa kanilang oras ng paglipad. Si Maxie ay pumunta na ng airport at doon niya nakita sa unang pagkakataon ang eroplano. Unang beses rin siyang makakasakay ng eroplano kung kaya’t nasasabik siya rito. Pagdating ni Maxie sa Maynila agad silang nagkita-kita ng kanyang mga kabarkada kasama ang kanilang mga magulang. Agad naman silang sumakay sa pamamagitan ng taxi. 10 Habang bumabyahe sila patungong Lungsod ng Quezon, maraming napapansin si Maxie. Unang-una na rito ay ang matataas na mga gusali, maraming tao at maraming mga bago sa paningin niya tulad ng Wendy’s, Starbucks at marami pang iba. Marami rin siyang nakikitang mga pagkainan na nagmula sa ibang bansa tulad ng Chinese, Japanese at Korean restaurants. Kaya naman, napag desisyunan ng pangkat na kumain muna sa isang Korean Restaurant. Dito unang makakain ng Korean Cuisine si Maxie. Hindi niya akalain na makakakatikim siya ng pagkaing Korean nang hindi na kailangang pumunta pa sa Korea. Matapos ang kainan, dumiretso na sila sa apartment na titirahan nila para sa buong panahon ng bakasyon. Kinaumagahan, maagang gumising ang magkakabarkada at sila ay pumunta sa mga nakaplanong lugar na bibisitahin sa Maynila. Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa nabasa mong kwento ni Maxie, may karanasan ka ba sa buhay na kahalintulad sa buhay ni Maxie? Isalaysay ito. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Sa iyong palagay ano ang kinalaman ng globalisasyon sa mga naranasan mo at ni Maxie? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Rubrik sa Pagmamarka Pamantayan Napakahusay Mahusay Papaunlad Nangangailangan (5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) ng Gabay (2 puntos) Nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman ng ng sagot ay ng sagot ay ng sagot ay hindi sagot ay hindi may may masyadong maiuugnay sa kaugnayan sa kaugnayan sa maiuugnay sa paksa at hindi paksa. Ito rin paksa at paksa ngunit ito masyadong ay makabuluhan ay makabuluhan makabuluhan at makabuluhan at nagpapakita at nagpapakita hindi nagpapakita at nagpapakita ng malalim na ng malalim na ng malalim na pag- ng malalim na pag-unawa ng pag-unawa ng unawa ng mag- pag-unawa ng mag-aaral ukol mag-aaral ukol aaral sa tekstong mag-aaral ukol sa tekstong sa tekstong binasa. Kakikitaan sa tekstong binasa. Subalit binasa. ang sagot ng binasa. Lahat kakikitaan ito Kakikitaan ang maraming maling ng pahayag ay ng isang sagot ng pahayag. tama. maling dalawang maling pahayag. pahayag. Magaling! Batid kong binasa at napalipad ang iyong imahinasyon sa kwento ng paglalakbay ni Maxie. Natitiyak kong nais mong malaman kung ano nga ba ang globalisasyon? Sa puntong ito simulan nating alamin ang konsepto ng globalisasyon. 11 Suriin Sa bahaging ito, susuriin mo kung ano ang globalisasyon at ano ang mga dahilan kung bakit nabuo ang globalisasyon na siyang nararanasan natin sa kasaluuyang panahon. Paksa 1: Konsepto ng Globalisasyon Ano ang Globalisasyon? Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyang panahon ay ang globalisasyon. Mula sa iyong paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon, pag-popost sa social media tulad ng facebook at twitter at maging sa hapag kainan ay makikita ang epekto ng globalisasyon. Ngunit ano nga ba ang globalisasyon? Paano nagsimula ang pandaigdigang penomenong ito? Paano nito binago ang ating pamumuhay? Ayon kay Manfred Steger (2005) at Ritzer (2011), inilalarawan nila na ang globalisasyon ay ang malawakan na proseso at tumitinding pakikipag-ugnayan at pagdaloy ng kaalaman sa buong daigdig kabilang na ang paggalaw ng tao. Tulad ng pakikipag-ugnayan natin sa ating mga kaklase gamit ang facebook messenger na kung saan nagkakaroon tayo ng ugnayan sa mga kaibigan natin saan mang panig ng mundo o pananaliksik gamit ang wikipedia o ng google sa mga bagong kaalaman at impormasyon at ang pangingimbang bansa ng mga tao para magtrabaho o magbakasyon ay ilan lamang sa mga halimbawa nito. Dagdag ni Mactal (2018), ang ang globalisasyon ay kinikitaan ng malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga tao, pamahalaan at mga bansa sa pamamagitan ng mga pandaigdigang samahan na pinabibilis ang kalakalan sa mundo. Tulad ng mga imported na produktong ating binibili at ang pagkakaroon ng mga kompanya na kinahihiligan natin na produkto tulad halimbawa nito ay ang McDonalds, 7-Eleven, Burger King, Nike, Adidas at marami pang-iba na nagmula sa ibang bansa. Sa pag-aanalisa ni Thomas Friedman (2006) sinabi niya na mas higit na malawak, mabilis, mura at malalim ang kasalukuyang globalisasyon na ating nararanasan dahil ito sa mas maraming makabagong inobasyon, dekalidad, at mas mataas na uri ng teknolohiya kumpara noon na kaunti pa lamang ang mga na- iimbento na mga teknolohiyang katuwang ng mga tao sa kanilang pamumuhay. Lubusang tinangkilik ang globalisasyon ng mga bansa sa buong mundo dahil sa pagpapatupad ng mga makabago at malayang pang-ekonomiyang polisiya at ang pagtangkilik ng halos lahat ng mga bansa sa mundo sa sistemang kapitalismo kaya’t nagbigay daan ito sa mas malawak at malayang kalakalang internasyunal. Sa kabuuhan, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. Nagdudulot din ang 12 globalisasyon ng iba’t-ibang epekto sa ating pamumunay na tatalakayin sa mga susunod na pahina. Globalisasyon bilang Isyu Bakit naging isyu ang globalisasyon? Maituturing itong isyung panglipunan ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga institusyon tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan at ekonomiya na matagal na naitatag sa ating lipunan. Bawat institusyon sa lipunan ay apektado ng globalisasyon, mula sa pagbili ng imported na produkto tulad ng cellphones, laptops, chocolates, paggamit ng social media, pananaliksik gamit ang mga search engines tulad ng google, pangingibang- bansa ng mga Pilipino, upang magtrabaho sa ibang bansa hanggang sa mga kasunduang pinirmahan at polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan ay iilan lamang sa mga palatandaan ng globalisasyon. Ngayon ay lubusan mo nang nauunawaan ang konsepto ng globalisasyon. Dahil dito maari mo ng suriin ang kasunod na teksto tungkol sa dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon. Dahilan ng Globalisasyon Paano nga ba nagsimula ang globalisasyon? Bawat penomenong nangyayari sa ating kapaligiran ay may simula at dahilan. Sa pagkakataong ito, aalamin natin ang dahilan, paliwanag at paniniwala kung bakit nagkaroon ng globalisasyon. Narito ang ilan sa mga pagpapaliwanag nito: Una, ayon kay Nayan Chanda (2007) ang dahilan kung bakit nagkaroon ng globalisasyon ay dahil sa paghahangad ng mga tao na maging maayos at matugunan ang kanilang pangangailangan sa buhay na kung saan lahat ng mga pangangailangan ay nagmumula na sa iba’t ibang panig ng mundo. Pangalawa, ang dahilan daw ng pagkakaroon ng globalisasyon ay ang sumusunod na pangyayari: 1. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at hinigitan ang ibang bansa sa Europa sa yaman at kita ng ekonomiya. 2. Pagdami ng mga multinational at transnational corporations (MNCs at TNCs) sa iba’t ibang panig nga daigdig. 3. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War na nagbigay daan sa kalayaan ng pangangalakal sa ibat-ibang panig daigdig. Pangatlo, ayon kay John Williamson (1998) at Tejvan Pettinger (2019) ang malawakang inobasyon, pakikipag-ugnayan panlabas ng mga bansa at paglawak ng opotunidad ay ilan sa mga dahilan ng globalisasyon. Inobasyon at pakikipag-ugnayan panlabas 13 Ang inobasyon ng mga makabagong teknolohiya ay isa sa mga naging dahilan upang ang mga tao at produkto ay malayang nakakalabas at nakakapasok sa iba’t- ibang bansa. Bunsod ito ng pinahusay na teknolohiya na kung saan mas madali na ang pakikigpagkomunikasyon, pagbabahagi ng mga bagong pananaliksik at impormasyon mula man sa anumang bansa. Tulad ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), World Trade Organization (WTO) at United Nations (UN) nagkaroon ng pakikipag-ugnayan gamit ang makabagong inobasyon upang isulong ang mas malayang kalakalan at pagiging bukas ng mga bansa sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya. Sa pagkakaroon ng madaliang komunikasyon, mas napapadali na rin ang pagbabahagi ng mga bagong kaalaman na nagdudulot ng makabagong inobasyon. Ang containerization at pinahusay na transportasyon ay ilan lamang sa mga dulot ng pananaliksik at inobasyon upang mapadali ang pamumuhay ng mga tao. Ang containerization ay ang pagkakaroon ng mabilis na paggamit ng lalagyan ng transportasyon na bakal dahil sa ito ay magaan at mura. Ang inobasyon sa transportasyon naman ay ang pagkakaroon ng mga uri ng trasportasyon na mas mabilis at mura na nagdudulot rin ng mas mababang presyo ng mga produktong ina-angkat mula sa ibang bansa. Dahil rito mas lumawak ang pagdaigdigang ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Paglawak ng Oportunidad Sa pagkakaroon ng teknolohiya at liberal na politikal at pang-ekonomikong polisiya ng mga bansa, lumawak rin ang oportunidad ng mga tao sa mundo. Dumami na ang mga Multinational Companies (MNC) sa iba’t-ibang bansa tulad ng pag-usong ng mga fast food chains at clothing companies na nagdudulot ng malaking kita sa mga kompanyang ito. Isa sa mga halimbawa ang 7-Eleven na siyang pinupuntahan ng mga kabataan, McDonalds, Miniso, Uniclo ay iilan lamang sa mga MNCs na nararanasan natin dulot ng Globalisasyon. Ang pagkakaroon ng mga iba’t-ibang sangay ng mga kompanya sa iba’t-ibang bansa ay may malaking tulong sa bansang kanyang pinanggalingan, sapagkat ito ay nakakapagbigay ng kita sa ekonomiya ng pinanggalingang bansa. Nakakatulong rin ito sa mga tao sa bansa kung saan ang kompanya ay namumuhunan sa pamamagitan ng pag-eempleyo sa iba’t ibang posisyon ng kompanya. Tulad ng McDonalds, mga call centers o Business Process Outsourcing (BPO), factory workers sa mga kompanyang gumagawa ng produkto tulad ng Nesle Philippines na kilala sa mga produktong gatas at kape at maraming pang ibang kompanya na nakakapagbigay ng trabaho at oprtunidad sa mga tao upang kumite at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Nagkaroon rin ng mas malawak na oportunidad ang mga tao na makapunta sa ibang bansa upang pagtrabaho tulad ng Overseas Filipino Workers o OFW natin dahil ito sa pagkakaroon ng mga liberal na polisiya at pinahusay na transportasyon. Isa rin sa mga dahilan nito ay ang pag-usbong ng global media na kung saan nagkakaroon ng mas malawak at impormasyon sa mga oportunidad na kanilang madadatnan sa bansa kanilang pupuntahan. Bukod rito, nagaggamit rin ang global media upang maging milat sa mga makabagong balita at isyu sa lipunan at nabibigyang oportunidad ang mga mamamayan upang ilabas ang kanilang saloobin sa ating pamahalaan at pribadong sector tulad ng twitter at facebook. 14 Gawain 4: Globalisasyon, Ano ito? at Bakit? Gamit ang sariling sagutang papel, ibigay ang sariling pagkakaintindi ng globalisasyon at ang dahilan ng globalisasyon. Dahilan 2 Dahilan 3 Dahilan 1 Dahilan 4 Ano ang Globalisasyon? Pamantayan Katangi-tangi Mahusay Kailangan pa ng (5 puntos) (4 puntos) Dagdag na pagsasanay (3 puntos) Kalidad ng Wasto at kompleto Wasto ang karamihan Maraming kulang na mga Datos ang lahat ng mga ng datos na natukoy sa datos na hindi natukoy datos na natukoy sa graphic organizer at sa graphic organizer. graphic organizer at organisado ang Hindi organisado ang napakaorganisado pagkakaayos ng mga pagkakaayos ng mga ang pagkakaayos ng datos sa graphic datos sa graphic mga datos sa organizer. organizer. graphic organizer. Paglalahad Lubhang malinaw at Malinaw ay Malabo at hindi nauunawaan ang nauunawaan ang maunawaan ang magkakalahad ng pagkakalahad ng mga pagkakalahad ng mga mga datos. datos. datos. Paksa 2: Dimensiyon at Epekto ng Globalisasyon Maraming mukha ang globalisasyon. Nakikita ito sa bawat aspeto ng ating pamumuhay. Bawat aspeto sa ating pamumuhay meron itong maganda at hindi kaaya-ayang epekto. Sa bahaging ito iisa-isahin natin ang iba’t ibang porma o dimensiyon ng globalisasyon sa apsetong pang-ekonomiya, sosyo-kultural at politikal at ang kaakibat nitong epekto. Globalisasyong Ekonomiko Sentro ng globalisasyong ekonomiko ang integrasyon ng iba’t ibang proseso sa daigdig tungo sa mabilis ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo sa 15 pagitan ng mga bansa. Isa sa mga katangian nito ay ang paglitaw ng mga malalaking kompanya at korporasyon, outsourcing at higit sa lahat ang kalakalang pandaigdig. Una, ang pag-usbong ng mga Multinational Companies (MNCs) at Transnational Companies (TNCs). Ang Transnational Companies (TNCs) ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa iba’t ibang bansa at ang kanilang serbisyong benebenta ay batay sa lokal na pangangailangan. Ilan sa halimbawa nito ay ang mga kompanyang petrolyo, I.T. consulting, pharmaceutical, at mga kauri nito. Ang Multinational Companies (MNCs) ay mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga ibenebentang produkto o serbisyong ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal na pamilihan. Tulad ng Mcdo, Starbucks, 7 Eleven at marami pang iba. Ang mga produktong ito ay naging bahagi na ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Ayon sa ulat ng International Monetary Fund (2017), ang mga MNCs at TNCs ay mas may higit na kinikita kumpara sa mga kita o Gross Domestic Product (GDP) ng ilang mga bansa sa mundo. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang mga kompanya at bansa kasama ang kanilang kaukulang kita sa taong 2019. Talahanayan 2. Pagkukumpara ng mga Kita ng mga kompanya at mga bansa. Kompanya Kita Bansa GDP Amazon $260.5 B Czech Republic 259.74 Google $145.6 B Kuwait $143.00 B Microsoft $125.8 B Slovakia $117.40 B McDonald’s $100.2 B Ethiopia $99.37 B Facebook $49.7 B Azerbaijan $47.43 B Disney $38.7 B Latvia $38.10 B Starbucks $26.5 B Cyprus $26.35 B Netflix $20.2 B Mali $19.33 B Sanggunian: World Population Review (2020) at Forbes (2020). Batay sa talahanayan, ano kaya ang implikasyon ng mga MNCs at TNCs kung sila mamumuhunan sa ating bansa? Marami ang naidudulot na implikasyon sa pagdami ng mga korporasyon sa ating bansa o sa bansa kung saan sila ay namumuhunan. Isa na rito ay ang pagdami ng ng mga produkto at serbisyong pagpipilian ng mga konsyumer. Dahil dito nagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na nagdudulot ng pagbaba ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Pangalawa, nakakalikha at nakakapagbigay ito ng trabaho sa mga manggawang Pilipino. Mula sa konstruksiyon ng pasilidad na siyang gagamitin sa operasyon ng namuhunang kompanya hanggang sa pagbibigay nila ng serbisyo sa maraming manggagawa upang magkaroon ng trabaho. Ngunit hindi mawawala ang mga negatibong implikasyon nito, tulad ng pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng mga multinational at transnational corporations na kadalasan ay humahantong sa pagsasara ng lokal na namumuhunan at pagdami ng nawawalan ng trabaho. 16 Ang pag-usbong ng Outsourcing ay isa sa mga katangian ng globalsasyon sa ekonomiya. Ito ay isang paraan ng kompanya na kumuha ng serbisyo sa ibang kompanya upang gawin ang isang gawain na may kaukulang bayad. Ginagawa ito upang makatipid ang isang kompanya at mapagtuunan ng pansin ng isang kompanya ang sa palagay nila ang higit na mahalaga at hindi na magdadagdag ng gastos. Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng Business Process Outsourcing na tumutukoy sa pagkontrata ng anumang proseso ng negosyo sa isang third-party service provider o sa ibang kompanya at ang Knowledge Process Outsourcing ay nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal. Kung ang batayan sa pag-uuri ang layo o distansya na pagmumulan ng kompanyang nagbibigay ng serbisyo o produkto mauri ito sa tatlo: Offshoring Nearshoring Onshoring Ang paglipat ng isang Ang pagkuha ng serbisyo Ito ay karaniwang pag- proseso ng negosyo mula ng isang kompanya sa outsource sa ibang sa isang bansa patungo kalapit na bansa. Ang lungsod sa bansa o sa sa isa pa - karaniwang layunin nito ay mas loob ng bansa kung saan isang proseso ng napapadali ng kompanya nagmula ang kompanya. pagpapatakbo, tulad ng ang pag-outsource mula Sa pamamagitan ng pagmamanupaktura, o sa problemang paggamit ng mga pansuporta sa mga pagkakaiba-iba ng oras, pamamaraang ito, ang proseso, tulad ng at kultura sa bansang mga kumpanya ay hindi accounting. Isang sila ay kumukuha ng nahaharap sa mga halimbawa nito ay ang serbisyo. panganib na nauugnay sa Business Process offshoring. Outsourcing. Sa pag-aaral ng A.T. The Kearney's at Tholons Index, ang Pilipinas ay nasa ika- 10 at ika-5 puwesto pagdating sa kita at laki ng idustriya noong taong 2019. Ang BPO ng Pilipinas ay patuloy pang lumalaki mula ng magsimula ito dalawang dekada na ang nakalilipas. Noong taong 2000, ang kontribusyon ng BPO sa Gross Domenstic Product (GDP) ng bansa ay 0.75%. Samantala, noong 2016, tumalon ito sa 7% ng GDP ng bansa. Malaki ang naitulong ng BPO sa ekonomiya ng Pilipinas, isa ito sa mga pangunahing pinagmumulan ng kita ng Pilipinas at lumikha ito ng milyong- milyong trabaho sa mga Pilipino partikular na sa mga kabataan ayon sa Outsource- Philippines (2019). Ito ay patuloy pang magbibigay trabaho sa mga mamamayan ng Pilipinas. Samakatuwid, maraming positibong dulot ang outsourcing sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ngunit hindi mawawala ang negatibong epekto nito sa mga Pilipino lalo sa mga manggagawa tulad ng pagsasakatuparan ng mura and flexible labor at kontraktuwalisasyon. Isa sa mga katangian ng pag-usbong globalisasyon sa ekonomiya ay ang pagdami ng mga Overseas Filipino Wrokers (OFW) na may malaking kontribusyon sa kita at pag-unlad ng ekonomiya. Sila ay nangingibang bansa upang maghanap buhay para sa kani-kanilang pamilya at ang ipinapadalang nilang pera ay isa sa mga bumubuhay sa ekonomiya ng Pilipinas. 17 Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural Ang pagdami ng mga gadyet, mga makinarya, social media at ang pagtangkilik sa mga kultura ng ibang bansa ay isa sa mga manipestasyon ng globalisasyon sa aspetong teknolohikal at sosyo-kultural. Mabilis itong tinangkilik ng mga umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas. Malaki ang naitulong ng mga teknolohiyang ito sa ating pamumuhay. Mula sa tahanan, paaralan at opisina meron tayong mga mobile phones, internet at computer desktops at paggamit ng mga e-mails at social media sites. Naging mahalaga ito sa mga Pilipino dahil pinabubuti nito ang pamumuhay ng mga Pilipino. Sa paggamit ng mga ito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad gamit ang facebook messenger at mobile phones. Sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mas napapabilis ang pagdaloy ng mga ideya, pananaliksik, pag-aaral at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo. Laganap na rin ang mga ideya at ng kultura ng isang bansa sa pamamagitan ng digitize form o sa pamamagitan ng entertainment. Gamit ang youtube, facebook, twitter at marami pang social media sites. Napapanood na natin ang musika, pelikula, balita, tv-series, videos, mga larawan, e-books at iba pa na galing sa iba’t ibang bansa tulad ng K- Pop culture at Thai na hindi na kinakailangan ng mga tao na pumunta sa bansa kung saan galing ang mga ito. Mula sa mga positibong naidudulot ng teknolohiya, meron ding kaakibat na mga hindi magandang naidudulot, tulad ng pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files. Ang paglabag sa intellectual property rights o ang pangongopya ng mga pag-aari dahil sa madali na lang ang pag-copy at paste. Katulad ng iba pang inobasyon ng globalisasyon, meron ring negatibong dulot ng mga teknolohiya at pagtangkilik sa mga dayuhang kultura. Nagagamit ang mga social media sites at mga mobile phones upang mangalap ng mga bagong kasapi sa teroristang grupo o maghasik ng lagim tulad ng pagbobomba at pagpapakalat ng mga mensaheng nakakabahala sa mga tao. Laganap rin ang tinatawag na Fake news na ipinakalat sa mga tao upang paniwalaan ang mga hindi totoong balita o magpalaganap ng maling impormasyon. Globalisasyong Politikal Ang pagiging kasapi ng Pilipinas at ng ibang mga bansa sa iba’t ibang mga rehiyunal o pandaigdigang organisasyon at ang paglagda nito sa mga kasunduang bilateral o kasunduang sa pagitan ng dalawang bansa at kasunduang multi-lateral o kasunduang sa pagitan ng mga maraming bansa ay ang manipetasyon ng pagkakaroon ng globalisasyon sa politika. Ang mga kasunduan at mga organisasyong kinabibilangan ng mga bansang ito ay siyang naging paraan sa pagkakaroon ng magandang pagkakaibigan at pagtutulungan tungo sa isang epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa. Nagdudulot din ito ng malaya at mabilisang palitan ang produkto, serbisyo at mga bagong kaalaman. 18 Ang Pilipinas ay iilan lang sa mga bansang may maraming diplomatikong ugnayan sa mga bansa tulad ng Australia, Canada, South Korea, Estados Unidos, China, Japan, Thailand at marami pang iba. Marami ring naitutulong ang mga bansang ito sa Pilipinas tulad ng ayuda sa mga panlipunang serbisyo, economic aid sa oras ng kalamidad. Sa pamamagitan rin ng mga bansang ito, nabibigyan tayo ng tulong upang mapaunlad ang mga imprastraktura ng bansa, modernisasyon ng ating hukbong sandatahan, pag-unlad ng ating ekonomiya dahil sa pagpasok ng dayuhang negosyante at seguridad ng ating bansa. Ang United Nations (UN) at ASEAN naman ay nakakatulong sa atin upang tulungan ang bawat kasapi nito sa aspetong pang-ekonomiya, seguridad, kultural, agham at edukasyon. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at kasunduan sa ibang bansa o samahan ito ay nakakatulong upang higit na maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan ng bawat bansa. Ngunit pwede rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng problema sa mga bansa kung ang interest lamang nila ang bibigyang pansin. Ayon nina Dallo, Antonio, Imperial, Samson at Soriano (2016), ilan sa mga problemang ito ay ang una, ang pagkakaroon ng mga suliraning may kaugnayan sa ugnayang panlabas bunsod ng patuloy na paghahanap ng likas na yaman na makakatulong sa ekonomiya ng mga tao sa isang bansa. Pangalawa, ang pagpasok at pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa ibat-ibang panig ng mundo tulad ng COVID-19 at panghuli ay ang pagtaas ng dependency rate o bansang nakadepende sa mga mayayamang bansa. Gawain 5. Chunking the Data Chart Mula sa natuklasan mo sa nabasang teksto tungkol sa dimensiyon at epekto ng globalisasyon, gamitin ang Chunking the Data Chart. Gawin ito sa sagutang papel. Ang mga Ang tatlong (3) Ang epekto nito mahalagang Dimensiyon mahalagang ideyang sa aking buhay terminong aking aking nalaman ay… ay… nalaman ay… Globalisasyong Ekonomiko Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo- kultural Globalisasyong Politikal Ang aking paglalahat ay… 19 Pagyamanin Maliwanag na tinalakay sa tekstong iyong nabasa tungkol sa konsepto, dahilan at epekto ng globalisasyon. Tiyak kong siksik ka na sa kaalaman mula sa nabasang teksto. Sa bahaging ito, papalalimin ang iyong pag-unawa sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga kasunod na gawain. Gawain 6. Plus – Minus Chart Gamit ang Plus – Minus Chart maglista ng tatlong mabuting naidudulot ng globalisasyon sa plus (+), tatlong hindi mabubuting naidudulot ng globalisasyon sa minus (-) at sa equal (=) ay sumulat ng iyong paglalahat o pagtitimbang sa mga mabubuti at di mabubuting naidudulot ng globalisasyon sa ating pamumuhay. Gawin ito sa sagutang papel. Gawain 7. Epekto ng Globalisasyon Ang sumusunod ay mga produkto at mga serbisyo na dulot ng globalisasyon. Tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto nito sa ating pamumuhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Mga Produkto/ Serbisyo at Inobasyon Positibong Negatibong ng Globalisasyon Epekto Epekto 1. Mga TNCs at MNCs 2. Pagrami ng Business Process Outsourcing 3. Social Media Sites 4. United Nations at ASEAN 5. Makabagong paraan ng transportasyon Pamprosesong Tanong: 1. Bilang mag-aaral, nakakatulong ba ang mga produkto/ serbisyong ito sa iyong pamumuhay? Paano? 2. Ano ang maaari mong gawin upang mapaunlad ang positibong dulot ng globalisasyon sa halip na negatibong epekto nito? 20 Isaisip Binabati kita! Malapit mo ng matapos ang mga gawain sa modyul na ito. Ang ibig sabihin nito ay lubos mo nang naunawaan ang konsepto ng globalisasyon, dahilan, dimensiyon at epekto nito. Ang sumusunod ay mahahalagang konsepto at ideya na nararapat mong tandaan: Ang globalisasyon ay ang malawakan na proseso at tumitinding pakikipag- ugnayan at pagdaloy ng kaalaman sa buong daigdig kabilang na ang paggalaw ng tao (Steger, 2005 at Ritzer, 2011). Ang globalisasyon ay kinikitaan ng malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga tao, pamahalaan at mga bansa sa pamamagitan ng mga pandaigdigang samahan na pinabibilis ang kalakalan sa mundo (Mactal, 2018). Mas higit na malawak, mabilis, mura at malalim ang kasalukuyang globalisasyon dahil ito sa mas maraming makabagong inobasyon, dekalidad, at mag mataas na uri ng teknolohiya (Friedman, 2006). Ang dahilan ng pagkakaroon ng Globalisasyon ay ang (1) pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at (2) dahil sa mga makabagong inobasyon at pakikipag-ugnayan ng mga bansa at (paglawak ng oportunidad. Ang globalisasyon ay may tatlong dimensiyon, ito ay ang Globalisasyong Pang- ekonomiko, Sosyo-Kultural at Politikal. Ang sentro ng globalisasyong ekonomiko ay ang ekonomiya na umiikot sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo at ang pagdami ng mga kompanya. Nakasentro naman sa Globalisasyong Teknolohikal at Sosyo-kultural sa pagdami ng mga gadyet, mga makinarya, social media at ang pagtangkilik sa mga kultura ng ibang bansa. Ang globalisasyong politikal ay naka-sentro sa pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng pagpirma ng kasunduan at pagtatag o pagsali sa mga pandaigdigang samahan. 21 Isagawa Gawain 8. Poster-Slogan Gumawa ng poster na may nakakapukaw na slogan na naglalahad ng katangian, dimensiyon, epekto at kahalagahan ng Globalisasyon sa iyong pamumuhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng lipunang kinabibilangan. Mamarkahan ang iyong poster sa pamamagitan ng Rubrik. Gawin ito sa isang short bond paper. Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos Kaangkupan sa Ang nilalaman ng poster- Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Paksa slogan ay angkop sa poster-slogan ay poster-slogan ay hindi paksa at tema at angkop sa paksa at angkop sa paksa at nagpapakita ng tema ngunit hindi tema at walang katangian, dimensiyon, nagpapakita ng pagpapakita ng epekto at kahalagahan katangian, katangian, ng Globalisasyon sa dimensiyon, epekto dimensiyon, epekto at iyong pamumuhay bilang at kahalagahan ng kahalagahan ng mag-aaral at bilang Globalisasyon sa Globalisasyon sa kasapi ng lipunang iyong pamumuhay iyong pamumuhay kinabibilangan. bilang mag-aaral at bilang mag-aaral at bilang kasapi ng bilang kasapi ng lipunang lipunang kinabibilangan kinabibilangan Pagkamalikhain Ang nilalaman ng poster- Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng (Creativity) at slogan ay nagpapakita poster-slogan ay poster-slogan ay hindi Pagkamapanlikha ng pagkamalikhain at nagpapakita ng nagpapakita ng (Originality) pagkamapanlikha pagkamapanlikha pagkamapanlikha at ngunit kulang ang walang ipinapakitang ipinapakita nitong pagkamalikhain pagkamalikhain Kabuuan ng Kompleto ang detalye ng May ilang kulang Maraming kulang sa Mensahe mensahe ng nagawang sa detalye ng detalye ng nagawang poster-slogan nagawang poster- poster-slogan slogan Kabuuang Ang nilalaman ng poster- Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Presentasyon slogan ay nagpapakita poster-slogan ay poster-slogan ay hindi (Overall ng maayos at malinaw hindi masyadong nagpapakita ng Appearance) na kabuuang nagpapakita ng maayos at malinaw na presentasyon maayos at malinaw kabuuang na kabuuang presentasyon presentasyon 22 Gawain 9. 4As Feedback Chart Ngayon natapos mo nang sagutan ang unang gawain sabahaging ito, subukan mong sagutin ang 4As Feedback Chart. Gamit ang tsart na ito sasagutan mo ang sumusunod na tanong; (1) ang gusto mong mapabuti sa pag-aaral ng araling ito; (2) ang susunod mong gawin matapos mong natutunan ang mga aralin sa modyul na ito; (3) ang gusto mo pang malaman sa araling ito at (4) ang pinakanasiyahan mong natutunan sa araling ito. Sagutan ito sa sagutang pepel. Ang gusto ko mapabuti sa sarili ko… Ang susunod kong gawin ay… Ang gusto ko pang malaman… Ang pinakanasiyahan kong natutunan… Tayahin Lubos kitang binabati dahil natapos mo na ang mga paksa sa modyul na ito. Para sa huling gawain, susubukin ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa isyu at hamon na dulot ng globalisasyon na nangyayari sa ating bansa at sa mundo. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot. Gawain 10: Panghuling Pagtataya 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng globalisasyon? a. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo. b. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay. c. Mabilisan na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo. d. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. 23 2. Ang pagtaas ng Gross Domestic Product o kabuuhang kitang kalakal ng mundo mula noong 1980 na may 42.1% at 2012 na 62.1%. Anong ipinahihiwatig nito? a. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na lumiliit na ang mundo sa sektor ng kalakalan. b. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na bumilis at lumawak ang kalakalan sa buong daigdig. c. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na may sapat na supply ang bawat bansa sa kanilang produkto. d. Ang pagtaas ng kita ay nangangahulugan na maraming kakumpetensiya ang Pilipinas sa kalakalan. 3. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? a. Paggawa b. Ekonomiya c. Migrasyon d. Globalisasyon 4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa globalisasyon? a. Ito ay malawak, mabilis, mura at malalim. b. Ito ay isang pangmalawakang integrasyon ng iba’t ibang proseso. c. Ito ay ang pagkakaroon ng pakikipagtulungan sa lahat ng bansa. d. Ito ay isang tumitinding pakikipag-ugnayan at pagdaloy ng kaalaman. 5. Sinasabi na isa sa mga dahilan ng globalisasyon ay ang paghahangad ng isang maayos na buhay. Alin sa sumusunod na pahayag ang may kaugnayan dito? a. Pagdami ng bilang ng mga OFW na umalis ng bansa b. Paglaganap ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya c. Pagkakaroon ng mga pandaigdigang samahang pang-ekonomiko d. Paglaganap ng Kristiyanismo sa buong mundo dahil sa globalisasyon 6. Bilang mag-aaral, alin ang higit na dapat makakaimpluwensiya sa iyo ng globalisasyon? a. Paglalaro ng mga makabagong online games. b. Paggamit ng makabagong teknolohiya. c. Pakikipagsapalaran sa ibang bansa. d. Pagtangkilik sa mga social networking sites. 7. Ang globalisasyon ay may kaakibat na suliraning panlipunan tulad ng banta ng terorismo. Ano ang nararapat mong gawin upang maiwasan ang suliraning ito? a. Hindi pagsunod sa mga batas at polisiya ng isang bansa. b. Hindi maingat sa pagbibigay impormasyon at balita sa social media. c. Hindi pagsunod ang mga paalala o advisories na ipinalalabas ng bansa. d. Maging maingat sa lahat ng pagkakataon lalo na sa seguridad at kaayusan ng isang bansa. 8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pagbabago sa sektor ng ekonomiya sa panahon ng globalisasyon? a. Pagkakaroon ng kasunduang militar ng Pilipinas at China. b. Paglaki ng kita ng Business Process Outsourcing ng Pilipinas. c. Dumarami ang mga Pilipinong nangingibang bansa upang magtrabaho. d. Pagkakaroon ng mga malalaking kompanya, tulad ng Multinational Companies (MNCs) at Transnational Companies (TNCs) 24 9. Ang pagsali ng Pilipinas sa United Nations, Association of Southeast Asia Nations at United Nations ay nauuri sa anong dimensiyon ng globalisasyon? a. Teknolohikal b. Sosyo-Kultural c. Politikal d. Ekonomiko 10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng globalisasyong sosyo-kultural? a. Ang pagkahumaling ng mga kabataan sa Korean Pop. b. Ang paggamit ng Facebook, Twitter at Instagram sa pakikipagkomunikasyon. c. Ang mga kabataan ngayon ay gumagamit ng e-books sa pamamagitan ng tablet at smart phones. d. Ang mga kasunduan ng mga bansa upang mapabilis ang pagkakaroon ng palitan ng produkto at kultura. 11. Binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng maraming Pilipino. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa kaisipang ito? a. Maraming suliranin ang naidulot sa pamumuhay ng tao. b. Nakatulong ang globalisasyon sa kabuhayan ng mga tao. c. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami. d. Naging dependent ang mga tao sa mga gadgets at makabagong teknolohiya. 12. Paano nakapagpabago ang penomenong globalisasyon sa buhay ng tao sa kasalukuyan? a. Pawang mabubuting kaganapan ang naging epekto b. Nakakatulong sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng isang bansa c. Nagbunga ito ng pag-alis at paglipat ng tao mula sa ibang lugar d. Nagbigay-daan ito mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t-ibang panig ng daigdig. 13. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon? a. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya sa bansa. b. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan na aspekto. c. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga tao. d. Tuwiran nitong binago ang pamumuhay ng mga “perennial” na institusyon. 14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng tuwirang pagbabago dulot ng globalisasyon ng mga panlipunang institusyon? a. Ang simbahan ay patuloy ang pangangaral sa mga naniniwala nito. b. Si Natoy ay bumagsak sa exam dahil sa walang oras sa pag-aaral dulot ng paglalaro ng online games. c. Ang miyembro ng pamilya ay nawawalan ng oras sa bawat isa dahil sa mga teknolohiya at uri ng trabaho na pinasukan. d. Mas lalong nabibigyan ng maraming pagpipilian ang mga konsyumer dahil sa mga produktong iniluluwas mula sa ibang bansa. 15. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang HINDI mo maituturing globalisasyon? a. Pagbili mo ng mga branded na damit tudad ng Wrangler, Lee at BNY. b. Inimbita mo ang iyong mga kaibigan na kumain sa Burger King. c. Nagkaroon ng pagtatalakay ng iyong guro gamit ang google meet. d. Wala sa mga nabanggit. 25 Karagdagang Gawain Gawain 11. Suri-lathalain Basahin at unawain ang lathalain na may pamagat na “The Global Filipino” na isinulat nina Claudio at Abinales (2018) sa kanilang aklat na The Contemporary World. Matapos basahin gawin ang susunod na gawain. The Global Filipino nina Lisandro E. Claudio at Patricio N. Abinales Sa aklat na ito, natunghayan mo kung paano ang iyong buhay ay konektado sa mga pandaigdigang proseso. Ang mga ugnayang ito ay mas bumilis pa sa nagdaang mga taon. Sa kasalukuyan, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakadepende sa kita mula sa mga trabaho na nagmula pa sa ibang bansa. Unang-una rito ay ang migrant labor o ika nga mga OFWs. Noong 2015, ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o kilala rin sa tawag na DOLE ay nakapagtala ng 4,018 na overseas workers na umaalis sa bansa noong 2010 at lumobo ito sa 6,092 noong 2015. Ibig sabihin nito merong 51 porsyentong pagtaas ng bilang ng manggagawa na umalis na sa bansa. Noong 2016, nasa humigit kumulang na sa 2.4 milyon na Pilipino ang umalis upang magtrabaho sa labas ng bansa. Ang mga manggagawa na ito ay nakakapagpadala sila ng 25.8 billion dolyar noong 2015 na katumbas ng 8.5 porsyento ng kabuuhan ng Gross Domestic Product ng bansa. Pangalawa sa listahan ay ang business process outsourcing (BPO) na nakapag tala ng 24 billion US dolyar na kita. Ikatlo sa pinagmulan ng kita ng Pilipinas ay ang pagluluwas ng produkto o exports. Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa pagluluwas at pagbebenta ng mga machinery, semiconductors, wood, cars, export crops at mga prutas, mineral, paglalayag at sasakyan sa mga bansang Asyano, Europa at hilagang America. Ika- apat naman ay ang sektor ng turismo na kumita ng 6.05 bilyon matapos ang 2016. Kung ang lahat ng kita mula sa OFWs, BPO, mga exports at turismo ay pagsamasamahin ay aabot ito sa 113.35 bilyon US dolyar na siyang maglalagay sa atin sa ika-36 na bansang may malaking ekonomiya sa mundo. Sa pulitika na aspeto, wala sa kasaysayan ng Pilipinas na isinara natin ang ating pinto mula sa mga dayuhang mangangalakal. Bago pa man dumating ang mga Muslim at mga Espanyol, ang iba’t ibang komunidad ng Pilipinas ang nakikipagkalakalan at nakikipagkaibigan sa kalapit nating mga bansa tulad ng China at mga bansa sa timog-silangang Asya. Sinakop ang Pilipinas ng Espanya at Amerika at nakipaglaban upang maging malaya matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Nang lumaya ang Pilipinas, nakipagkaibigan din ang Pilipinas sa dalawang malalaking puwersa sa panahon ng Cold War, ang mga komunistang bansa ng Soviet Union at kapitalistang bansa ng Amerika. Noong 1960s 26 nakipaglaban ang Pilipinas sa panig ng United States sa giyera ng Vietnam at naging isa sa mga tapapagtatag ng South East Asian Treaty Organization (SEATO) na layunin na pigilan ang pagkalat ng komunismo sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Sa kabila ng mga panawagang kumalas na sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga kasunduan sa mga kanluraning bansa ang mga Filipino ay nanatiling mataas parin ang tingin sa kanluraning kultura. Ang Ingles ang naging isa sa mga opisyal na wikang ginagamit sa lahat ng transaksyon sa pamahalaan, ekonomiya at paaralan. Tinangkilik rin ng mga Pilipino ang karamihan sa mga kulturang kanluranin tulad ng basketball , pananamit at hip-hop. Sa pag-aaral ng 2014 Pew Research Center lumalabas survey na 92 porsyento ng mga Pilipino ay maka-Amerikano. Ngunit hindi lamang kulturang Amerikano ang tinangkilik ng mga Pilipino. Nariyan rin ang Hapones, Koreano, Chinese at Mexican pop-culture tulad ng mga boy/girl bands at mga telenobela. Sa kabilang banda, nadadala ng mga OFWs na ang kulturang Pilipino sa bansang kanilang pinagtrabahuan. Dahil sa mga makabagong kulturang pumapasok sa ating bansa, ilan sa mga grupo ng nga Pilipino ay gumagawa ng paraan upang proteksyonan at mapanatili ang katutubong kultura ng Pilipinas. Sa mga nagaganap na pangyayaring ito sa ating bansa at sa mundo, walang magagwa ang mga Pilipino kung hindi tanggapin ang isang pandaigdigang uri ng pamumuhay. Subalit, hindi lahat ng mga Pilipino ay nakakabenispisyo sa globalisasyon. Pero hindi rin mapagkaila na malaki ang naitulong ng globalisasyon sa ating pamumuhay ngayon. Kung meron mang mga hindi magandang naidudulot ang globalisasyon, iyan ang dapat gawan ng paraan ng ating pamahalaan ngayon para sa isang bayan na may matiwasay at maunlad na pamumuhay. Halaw sa aklat nina Lisandro E. Claudio at Patricio N. Abenales The Contemporary World (2018). Tanong: Batay sa nabasang lathalain, ano anong mga pagbabago na naganap sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao? Tukuyin sa lathalain ang ebidensya na nag-papatunay sa iyong sagot. Ebidensya mula sa Mga Aspeto Ang iyong masasabi… lathalain… Aspetong Ekonomiya Aspetong Sosyo-Kultural Aspetong Politikal Aking mga karanasan sa Positibong Pangyayari Negatibong Pangyayari Globalisasyon dulot ng Globalisasyon dulot ng Globalisasyon Konklusyon: Sa iyong karanasan, paano mo bibigyan ng konklusyon ang dulot ng globalisasyon sa iyo bilang mag-aaral? 27 28 Subukin Tayahin 1. D 1. D 2. D 2. B 3. C 3. D 4. D 4. C 5. A 5. A 6. D 6. D 7. A 7. D 8. C 8. A 9. D 9. C 10. B 10.D 11. B 11. C 12. A 12. D 13. D 13. D 14. A 14. A 15. D 15. D Susi sa Pagwawasto Sanggunian Claudio, L. & Abinales, P. (2018). The Contemporary World. C & E Publishing, Inc. Quezon City, Philippines. Dallo, E., Antonio, E., Imperial, C., Samson, M.C. and Soriano, C. (2016). KAYAMANAN: Mga Kontemporaryong Isyu Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipinan. Manila City, Metro Manila, Philippines: Rex Printing Company Inc. Department of Education. (2017). Kontemporaryong Isyu: Modyul para sa Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10. Forbes (2019). Worlds most valuable Brands. Retrived from https://bit.ly/36yZGBN on December 3, 2020. GDP Ranked by Country 2020. (n.d.). GDP Ranked by Country. Retrieved December 3, 2020, from https://worldpopulationreview.com/countries/countries-by-gdp Mactal, R. (2018). Padayon 10: Araling Panlipunan Mga Kontemporaneong Isyu. Phoenix Publishing, Quezon City, Philippines. Steger, M. (2013). Globalization: A very Short Introduction. 3rd Edition. Oxford: Oxford University Press. Investopedia. (n.d.). Outsourcing Definition. Retrieved June 17, 2020, from https://bit.ly/2TpC62Y. Outsource Accelerator. (2020). Different types of outsourcing that you need to know. Retrieved June 17, 2020, from https://bit.ly/2Tq29XQ. Outsource-Philippines. (2019). The Philippines’ BPO Industry Performance in the Global Market. Retrieved June 17, 2020, from https://bit.ly/34rw1JT. Pettinger, T. (2019). What caused globalisation? Https://www.Economicshelp.Org. https://bit.ly/3dV5Y0y. Tomagan, K. (2019). Business Process Outsourcing in 2019. Retrieved June 17, 2020, from https://bit.ly/3joIOkB. Williamson, J. (1998). Globalization: The Concept, Causes, and Consequences. Https://Www.Piie.Com/. https://bit.ly/34qo3jX. 29 30