Modyul 1 - AP 10 Ikalawang Markahan (1) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Zapatera National High School
ROBERTO A. GABUCAN JR.
Tags
Related
- Araling Panlipunan Grade 10 Globalisasyon PDF
- Reviewer ng Aralin sa Filipino PDF
- Araling Panlipunan: Ikalawang Markahan- Modyul 2 Anyo ng Globalisasyon at Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon 2020 PDF
- Araling Panlipunan 2nd Quarter Reviewer - Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan - Ikalawang Markahan - Modyul 1: Anyo ng Globalisasyon PDF
- Araling Panlipunan Aralin 1-2: Konsepto ng Globalisasyon - PDF
Summary
Modyul ng araling panlipunan para sa ikalawang markahan, na may mga katanungan tungkol sa konsepto at mga dahilan ng globalisasyon.
Full Transcript
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Konsepto at Dahilan ng Globalisasyon Tagalikom/Tagakontekstwalisa: ROBERTO A. GABUCAN JR. Zapatera National High School 1 Modyul Konsepto at Dahilan ng...
10 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 1: Konsepto at Dahilan ng Globalisasyon Tagalikom/Tagakontekstwalisa: ROBERTO A. GABUCAN JR. Zapatera National High School 1 Modyul Konsepto at Dahilan ng 1 Globalisasyon Unang Linggo Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Pamantayan sa Pagkatuto Napahahalagahan ang konsepto at dahilan ng globalisasyon Paksa: Konsepto at Dahilan ng Globalisasyon Subukin Tayo na magsimula, sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang pansin ang bawat katanungan upang maiwasto sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain sa araling ito. PAALALA: Sa pagsagot ng mga katanungan sa ibaba maging tapat at huwag munang basahin ang talakayan. Pag-aralang mabuti ang bawat gawain at huwag kalimutan ang pagpapahalaga sa aralin. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay isang konsepto na tumutukoy sa proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. A. Agham C. Globalisasyon B. Ekonomiks D. Teknolohiya 2. Ayon sa aklat na , “The World is Flat”, paano inilarawan ng may akda ang globalisasyon? A. Nakataal o nakaugat sa bawat isa B. Higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim C. Isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago at kaunlaran D. Mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan 3. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Ebolusyon C. Globalisasyon B. Ekonomiya D. Paggawa 2 4. Sino ang nagsulat sa aklat na, “The World is Flat”, na inilathala noong taong 2006 na binigyang diin sa katangian ng globalisasyon. A. Anthony Gidsens C. Mark Scheler B. Karl Marx D. Thomas Friedman 5. Alin sa mga sumusunod na pangyayari, ang HINDI halimbawa sa paggamit ng makabagong teknolohiya? A. Paggamit ng smartphones sa komunikasyon B. Paggamit ng google meet sa business meeting C. Paggamit ng bato sa pagbubungkal ng lupa sa pagsasaka D. Pagkonekta sa internet at para sa pananaliksik at pag-aaral 6. Ito ay isang dahilan na maaaring nagpapabagal sa globalisasyon. A. Teknolohiya C. Impormasyon B. Kalakalang panlabas D. Pangdaig-digang terorismo 7. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan ng globalisasyon? A. Ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya B. Ang pagpapatupad pandaigdigan kalakalan C. Ang paglaganap ng pandaigdigang terorismo D. Ang paglaganap ng makabagong ideolohiyang pang-ekonomiya, pampulitika at sosyo-kultural 8. Suriin ang mga sumusunod, alin ang HINDI kabilang sa makabagong transportasyon? A. Karwahe C. Passenger plane B. Cargo ships D. Automatic motor vehicle 9. Ang migrasyon ay paglipat ng mga tao sa ibang lugar. Kilalanin kung alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng migrasyon? A. Call Center Agent C. Software Applications B. Makabagong teknolohiya D. Overseas Filipino Worker 10. Ang isa sa manipestasyon ng globalisasyon ay ang paglipat o galaw ng mga tao sa ibat-ibang lugar. Ano ang tawag dito? A. Komunikasyon C. Transportasyon B. Migrasyon D. Teknolohiya 11. Ito ay ideolohiyang pang-ekonomiya na lumaganap, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan. A. Kapitalismo C. Sosyalismo B. Komunismo D. Fascismo 12. Sa mga sitwasyong ibinigay, tukuyin kung alin dito ang HINDI kabilang sa paglaganap sa pandaigdigang pamumuhunan o kalakalan? A. Ang pagdami ng BPO na kompanya B. Ang pagsasara ng mga negosyo dahil digmaan C. Ang paggamit ng makabagong makinarya mula sa ibang bansa D. Ang pag-angkat ng produkto sa ibang bansa dahil sa kakapusan 3 13. Bakit maituturing ang globalisasyon na isang isyung panlipunan? A. Nagbibigay gabay at ugnayan sa hinaharap. B. Nag-aaral sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. C. Nagsisilbing patnubay, na ang pangyayari noong ay malaking aral ngayon. D. Sapagkat tuwirang binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang itinatag. 14. Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon, piliin kung alin ang nagpapakita na maaaring nagpabagal sa globalisasyon? A. Ang pagdagsa ng makabagong teknolohiya. B. Ang malawakan na pandaigdigang terorismo. C. Ang pagdami ng pamumuhunan na dayuhan sa bansa. D. Ang pagsali ng pamahalaan sa mga pandaigdigan organisasyon. 15. Ang mga sumusunod ay pagbabago dulot ng globalisasyon. Bilang isang mag- aaral, alin ang HINDI kabilang? A. Ang paggamit ng internet sa pananaliksik B. Ang panonood ng youtube tungkol sa aralin C. Ang paglalaro ng online games tuwing oras ng klase D. Ang paggamit ng software apps sa online class at meeting Araling 1 : Konsepto at Dahilan ng Globalisasyon Alamin Malugod na pagbati mabutin mag-aaral, muli natin tuklasin ang bagong kaalaman na tiyak ikaw ay maaaliw at maraming matutunan. Halina ating simulan ang paglalakbay sa ikalawang markahan. Matutunghayan mo, sa araling ito ang paksang globalisasyon, ang mga kaugnay ng konsepto, at mga dahilan nito. Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: 1. nasusuri ang konsepto ng globalisasyon, 2. natatalakay ang dahilan ng globalisasyon; at 3. napahahalagahan ang konsepto at dahilan ng globalisasyon. 4 Panimulang Gawain Lakbay Aral. Tayo na! maglakbay sa makasaysayang lugar sa ating lungsod, ang Fuente Osmeña Circle. Gamitin ang ilustrasyong mapa sa ibaba sa iyong paglalakbay. Suriin ang mga nakikitang mga logo ng produkto o kompanya at subukang kilalanin ang mga ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gamitin ang sagutang papel. Pamprosesong Tanong 1. Ano-anong dayuhang kompanya ang nakita mo sa iyong paglalakbay? 2. Sa iyong palagay, paano kumalat ang mga kompanya o produktong ito? 3. Ano ang kaugnayan ng mga dayuhang kompanya, sa paksang globalisasyon? Tuklasin at Suriin Upang mapayaman ang iyong kaalaman sa aralin, mahalagang unawain mo ang mga konsepto at dahilan ng globalisasyon na may malaking gampanin sa paghubog sa sistemang pang-ekonomiya, pampulitika at panlipunan na ating ginagalawan. 5 Kahulugan ng Globalisasyon - Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011) - Ang globalisasyon ay itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Mga dahilan ng globalisasyon: 1. Pag-unlad ng makabagong teknolohiya - Halimbawa: internet, cellphone, software applications and programs at social media 2. Pagpapatupad ng pandaigdigang pamumuhunan at kalakalan - Halimbawa: Paglaganap ng multinational at transnational corporations (Mcdonalds, Nike, BPO companies/ Call Center at Microsoft) 3. Paglaganap ng makabagong ideolohiyang pang-ekonomiya, pampulitika at sosyo-kultural - Halimbawa: Konseptong Kapitalismo at Demokrasya 4. Paglaganap ng migrasyon - Halimbawa: Pangingibang bansa ng Pilipino o OFW 5. Pagbuo ng pandaigdigang samahan - Halimbawa: Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at United Nations (UN) 6. Pagdami ng makabagong transportasyon - Halimbawa: International cargo ship at passenger plane Mahalagang Katangian ng Globalisasyon Ayon kay Thomas Friedman ay higit na “malawak, mabilis, mura, at malalim”. Ayon sa kanyang aklat na pinamagatang ‘The World is Flat’ na inilathala noong taong 2006, ‘Any job- blue or white collar- that can be broken down into a routine and transformed into bits and bytes can now be exported to other countries where there is a rapidly increasing number of highly educated knowledge workers who will work for a small fraction of the salary of a comparable American worker. Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa nagdaang dalawang dekada, marami sa mga bansa ang gumamit ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya na nagbigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal at pamumuhunan. Ang halimbawa nito, ay ang pagtaas ng bilang ng mga propesyonal at skilled workers o OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang globalisasyon ay tinitignan bilang isang pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito. Halimbawa, ay malawak na pandaigdigan terorismo mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. 6 Bakit maituturing ang Globalisasyon na isang isyung panlipunan? Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang itinatag. Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito. Isaisip Ang globalisasyon ay isang malaking hakbang ng tao sa pagbabago sa iba't- ibang larangan ng pamumuhay. Ang makabagong teknolohiya, pandaigdigan kalakalan, at pagdami ng mga OFW o Pilipinong nangingibang bansa ay iilan lang na pagbabago na dapat natin harapin at matutunan tanggapin. Bilang mag-aaral, maging mulat at handa sa mga pagbabagong ito upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kakayahan. Maging bahagi sa pagbabagong ito. “Globalization is a fact, because of technology, because of an integrated global supply chain, because of changes in transportation. And we're not going to be able to build a wall around that.” -Barack Obama Sagutin ang mga tanong gamit ang sagutang papel. 1) Iugnay ang iyong natutunan sa araling nabasa at sinabi ni dating United States President Barack Obama tungkol sa globalisasyon. Paano binago ng globalisasyon ang ating lipunan? 2) Bilang mag-aaral, ano ang iyong mahalagang papel sa pagbabagong ito? Isagawa/Pagyamanin Ngayon lubos mo nang nauunawaan ang konsepto at dahilan ng globalisasyon, isagawa at pagyamanin ang natutunan. Suri-Bahay Panuto: Sa loob ng inyong bahay maghanap ng tatlong produkto o kagamitan na gawa o ipinagbibili rin sa ibang bansa. Gamitin ang talaan sa ibaba. Produkto Kompanya Bansang Pinagmulan 1 2 3 7 Pamprosesong Tanong 1. Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng daigdig? 2. Sa iyong palagay, nakakatulong ba ang mga produktong ito sa atin? Pangatwiranan. 3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng globalisasyon sa mga sumusunod na aspekto? A. Teknolohiya - B. Kalakalan - C. Pamumuhay – Tayahin Pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang mahalagang dulot ng globalisasyon ay ang pagdami ng makabagong teknolohiya, alin sa mga sumusunod na sitwasyon na may mabuting dulot sayo bilang mag-aaral? A. Pagdami ng makabagong cellphone at accessories nito. B. Ang pagbagal ng daloy ng komunikasyon gamit ang social media. C. Pagkakaroon ng mas malawak na platform sa pag-aaral, pananaliksik at pinagkukunan ng impormasyon. D. Pagkakaroon ng maraming mobile android application tulad ng games, entertainment media at tiktok applications. 2. Ano ang kahulugan ng globalisasyon? A. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo. B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong politikal at ekonomikal ng iisang bansa sa mundo. C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo. D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. 3. Ano ang titulo sa aklat na isinulat ni Thomas Friedman? A. Das Kapital C. The Origin of Species B. The World is Flat D. An Essay on the Principle of Population 4. Bakit sinasabi na ang pandaigdigang terorismo ay nagpapabagal ng globalisasyon? A. Paglilipat ng mga tao sa ibang lugar. B. Nagkakaroon ng pagbabago sa kalakalan panlabas. C. Pananatili ng takot at pagkabalisa ng mamamayan. D. Dahil nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. 8 5. Isa sa dahilan ng globalisasyon paglaganap ng ideolohiyang pang ekonomiya, alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito. A. Kapitalismo C. Naturalismo B. Paganismo D. Animismo 6. Ang mga sumusunod ay dahilan ng globalisasyon, alin ang HINDI kabilang? A. Ang paglaganap ng sigalot at hidwaan ng mga bansa. B. Ang pag-unlad ng makabagong teknolohiya at makinarya. C. Ang pagpapatupad pandaigdigan pamumuhunan at kalakalan. D. Ang paglaganap ng makabagong ideolohiyang pang-ekonomiya, pampulitika at sosyo-kultural. 7. Ang globalisasyon ay isa rin interaksyon at integrasyon sa pagitan ng samahang pandaigdig na pinabilis na kalakalang panlabas at pamumuhunan. Ang mga sumusunod ay halimbawa nito, maliban sa: A. United Nations (UN) B. Commission on Audit (COA) C. World Trade Organization (WHO) D. Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN) 8. Ang globalisasyon ay nagdudulot ng maraming pagbabago sa pamilyang Pilipino. Isa sa pagbabagong ito ay sa pangingibang bansa ng mga manggagawang Pilipino. Aling konsepto ang tinutukoy dito? A. Migrasyon C. Software applications B. Makabagong teknolohiya D. Nomadiko 9. Mahalaga ang makabagong transportasyon sa paghubog ng globalisasyon. Alin ang HINDI kabilang sa halimbawa. A. Cargo ship C. Passenger plane B. Kalisa D. Tren 10. Isa sa dahilan ng globalisasyon ay ang pagkalat ng pandaigdigang produkto at serbisyo. Alin ang nagpapatunay dito? A. Ang pagtaas ng ani ng palay sa bansa. B. Ang mataas bilang na mag-aaral na nakatapos sa kolehiyo. C. Ang pagdagsa ng mga lokal na migrasyon dahil sa digmaan. D. Ang pagdami ng dayuhang kompanya nagmula sa ibang bansa. 11. Tukuyin kung alin ang HINDI kabilang sa paglaganap sa pandaigdigang pamumuhunan o kalakalan? A. Pag-angkat ng palay ng bansa dahil sa kakapusan B. Sigalot o pag-aagawan ng teritoryo ng dalawang bansa C. Ang paglaganap ng mga kompanyang Business Process Outsourcing D. Pamumuhunan ng mga dayuhan mangangalakal sa pagmamanupaktura ng produkto. 9 12. Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita ng maaaring nagpapabagal sa globalisasyon sa isang bansa o lugar. A. Paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka. B. Digmaang naganap sa Marawi City noong 2017 dahil sa terorismo. C. Pagdami ng produkto at serbisyong dahil polisiyang kalakalan na ipinatupad ng pamahalaan. D. Pagsali ng pamahalaan sa mga pandaigdigan organisasyon tulad ng Association of Southeast Asian Nations at United Nations. 13. Ang mga sumusunod ay pagbabago dulot ng globalisasyong teknolohiya. Alin ang may negatibong dulot nito sayo bilang mag-aaral? A. Ang paggamit ng internet sa pananaliksik. B. Ang panonood ng youtube tungkol sa aralin. C. Ang hindi pagpasok sa klase dahil sa pagkahumaling sa online games. D. Ang paggamit ng software application sa komunikasyon tulad ng messenger. 14. Ang globalisasyon ay may positibong pagbabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang? A. Ang paglaganap pandaigdigang kalakalan. B. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya. C. Ang pagtaas ng kawalan ng trabaho dahil pandemya. D. Ang pagdami ng Overseas Filipino Worker (OFW) sa ibang bansa. 15. Tuwirang binago ng globalisasyong ang pamumuhay ng tao sa lipunan. Alin sa pagbabagong ito ang HINDI kabilang? A. Ang mangingibang bansa ng OFW. B. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon. C. Ang kawalan ng kaalaman at kakayahan teknikal sa paggawa. D. Ang mabilisan pagdating ng mga produkto mula sa ibang bansa. Karagdagang Gawain Panuto: Sa ating naranasan na pandemya dulot ng Covid 2019, ano kaya ang mahalagang papel na ginagampanan ng globalisasyon upang masolusyunan ang pandaigdigang suliraning ito. Gamitin ang pormat sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel. Magbigay ng tatlong mahalagang papel ng globalisasyon upang masolusyunan ang pandemyang COVID-19: 10 Susi sa Pagwawasto Panimulang Gawain 1. Watsons 2. McDonald 3. KFC 4. Pizza Hut 5. Starbucks 6. 7 Eleven 7. Dunkin Donuts Sanggunian DepEd LM, CG, TG https://www.bdo.com.ph/ https://www.brainyquote.com/topics/globalization- quoteshttps://www.chowking.com/ https://www.dunkinbrands.com/brands/dunkin-donuts https://www.everythingcebu.com/attractions/historical-sites/fort-san-pedro/ https://www.infobae.com/economia/2018/10/23/thomas-friedman-el- columnista-estrella-del-new-york-times-viene-al-pais-a-presentar-su-ultimo-libro- gracias-por-llegar-tarde/ https://www.jollibee.com.ph/home https://www.kfc.com/ https://www.metrobank.com.ph/ https://www.mcdonalds.com.ph/ https://www.pizzahut.com.ph/home http://www.robinsonsmalls.com/ https://www.starbucks.com.ph/ https://www.shutterstock.com/search/obama https://www.watsons.com.ph/ https://www.7-eleven.com.ph/ https://www.wiseoldsayings.com/globalization-quotes/#ixzz6bP71l05b https://www.en.wikipedia.org/wiki/Magellan%27s_Cross https://en.wikipedia.org/wiki/Colon_Street#/media/File:Colon_Street,_Cebu_City, _Philippines.jpg 11