Kopyang Rebyuwer ng Mga Paksa sa ETA Termino 2 PDF

Summary

Mga notes ng rebyuwer sa mga paksa para sa ETA Termino 2. Kasama sa mga paksa ang parabula, epiko, matatalinghagang pahayag, uri at kaantasan ng pang-uri, ang pinagmulan ng tatlumpu't dalawang kuwento ng trono, at Pang-abay.

Full Transcript

Mga Paksa: I. Ang Alibughang Anak (Parabula) II. Epiko ni Gilgamesh (Epiko) III. Matatalinghagang Pahayag IV. Uri at Kaantasan ng Pang-uri V. Ang Pinagmulan ng Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng Trono VI. Pang-abay VII. Noli Me Tangere (Aralin 1) Mga Kasanayan: Aralin 1 - Matukoy at maipaliwanag ang...

Mga Paksa: I. Ang Alibughang Anak (Parabula) II. Epiko ni Gilgamesh (Epiko) III. Matatalinghagang Pahayag IV. Uri at Kaantasan ng Pang-uri V. Ang Pinagmulan ng Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng Trono VI. Pang-abay VII. Noli Me Tangere (Aralin 1) Mga Kasanayan: Aralin 1 - Matukoy at maipaliwanag ang mensahe ng napanood na parabula Aralin 1 - Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan Aralin 1 - Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag Aralin 1 - Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya Aralin 2 - Mailarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko Aralin 2 - Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya Aralin 2 - Magamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya Aralin 3 - Mabigyang-kahulugan ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan Aralin 4 - Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat hanggang sa kasalukuyan Talasalitaan: metikuloso - (meticulous) lubhang maingat at mapanuri hanggang sa pinakamliliit na detalye kabaong (coffin) - pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay yumao (deceased) - taong nawala / namatay rebulto (statue) - estatwa ; matigas na materyal na hinugis takwil (rejected) - hindi pagtanggap o hindi pagkilala ng anumang ugnayan sa isang tao pangungulila (longingness) - paghihiwalay sa isang minamahal pagkamuhi (hatred) - labis na pag-ayaw at pagkainis / pagkagalit paglustay (wastefulness) - pag-ubos ng pera o kayamanan sa paraang hindi karapat-dapat pagbibigay-pugay (tribute) - paraan ng pagpapakita ng respeto, paggalang o paghanga sa isang tao, grupo o simbolo banyaga (foreign) - taong isinilang sa o mula sa bansang naiiba sa kapuwa niya katarungan (justice) - kapantayan ng pagtingin sa kapuwa kalinga (care) - pag-aalaga mapagkumbaba (humble) - hindi nagmamalaki sa sarili, hindi naghahangad ng papuri at nagpapakita ng kahinhinan balisa (anxious) - kalagayang naguguluhan ang isip dahil sa pag-aalala suklam (disgust) - pakiramdam ng matinding galit, pagkutya, paghamak o pagkapoot dismaya (disappointment) - naglalarawan ng kalungkutan o pagkabigo dahil sa hindi inaasahang pangyayari lutas (solution) - pagbibigay ng solusyon sa anumang suliranin o problema pintas (criticism) - pagbibigay puna o komento sa mga bagay na hindi nagugustuhan sa kapuwa Aralin 1 - Parabula / Ang Alibughang Anak / Matatalinghagang Pahayag I. Parabula Hango sa salitang Griyego na “parabole” na nangangahulugang comparison Isang maikling kuwento na nagbibigay aral at karaniwang kinukuha mula sa mga teksto ng Bibliya Ito ay nagbibigay kaalaman hinggil sa espirituwal na aspeto at maayos na asal na maaaring magsilbing gabay sa isang indibiduwal sa panahon ng paggawa ng desisyon. Sinusulat ito nang nasa anyong tuluyan (prose) at ang mga bida ay tao. II. Ang Alibughang Anak 1. Paghingi ng Mana Hiningi ng bunsong anak ang kanyang mana sa kanyang ama, kahit hindi pa ito tamang panahon. Ibinigay ito ng ama. 2. Paglayas at Pagsasayang ng Kayamanan Umalis ang bunsong anak at ginastos ang kanyang pera sa magagarbong bagay at masasamang gawain hanggang maubos ito. 3. Pagkahirap at Paghihirap Nang maubos ang pera, naghirap siya at napilitang magtrabaho bilang tagapag-alaga ng baboy. Sa sobrang gutom, halos kainin niya ang pagkain ng mga baboy. 4. Pagsisisi at Pagbabalik Napagtanto ng bunsong anak ang kanyang pagkakamali. Nagdesisyon siyang bumalik sa kanyang ama at humingi ng tawad, handang maging alipin. 5. Mainit na Pagtanggap ng Ama Nang makita ng ama ang pagbabalik ng kanyang anak, niyakap niya ito at ipinagdiwang ang kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng isang handaan. 6. Pagdaramdam ng Panganay na Anak / Selos ng Panganay Nagtampo ang panganay na anak dahil hindi niya maintindihan kung bakit pinatawad at ipinagdiwang ang kapatid na nag-aksaya ng yaman. 7. Paliwanag ng Ama Sinabi ng ama na dapat magalak sila dahil ang nawawalang anak ay natagpuan, at ang dating patay ay muling nabuhay. Aral ng Kwento: Laging handang magpatawad ang Diyos sa mga nagsisisi. Mahalaga ang pagpapakumbaba at pagtanggap ng sariling pagkakamali. Dapat matutong magalak sa pagbabalik-loob ng iba sa tamang landas. III. Matatalinghagang Pahayag Ito ay mga pahayag na may malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin nito ang paniniwala, pamumuhay ng mga tao, pagpapahalagang-pangkatauhan, kalagayang pangkapaligiran o panlipunan sa iba’t ibang karanasan Mga Halimbawa: MATATALINGHAGANG PAHAYAG KAHULUGAN Magdilang-anghel magkatotoo ang sinabi Butas ang bulsa walang pera Bukas na palad handang tumulong Hulog ng langit biyaya Nagkasala sa langit gumawa ng hindi mabuti / nakagawa ng mali Lumutang sa ulap walang paghihirap / problema Ginintuang puso mabuting kalooban / mabuti Magbanat ng buto magsipag / magtrabaho Kumukulo ang tiyan gutom Hikahos sa buhay nakararanas ng hirap Dagok ng kapalaran masamang kapalaran Aralin 2 - Epiko ni Gilgamesh / Uri at Kaantasan ng Pang-uri I. Kultura at Paniniwala ng mga Sumerian Ang mga Sumerian ay may malalim na paniniwala sa buhay na walang hanggan, na nasasalamin sa kanilang malawak na kaalaman sa mga gamot at ritwal na maaaring magpahaba ng buhay. Ang detalyadong paggawa ng mga kabaong ng mga Sumerian ay isang testamento sa kanilang paniniwalang ang buhay pagkatapos ng kamatayan ay isang pagpapatuloy ng buhay sa mundo. Ang mga Sumerian ay may malalim na koneksyon sa kalikasan, na kanilang pinaniniwalaang isang buhay na nilalang na may sariling espiritu. Ang mga diyos ay may mahalagang papel sa buhay ng mga Sumerian, na kanilang pinaniniwalaang kumokontrol sa lahat ng aspeto ng kanilang mundo. II. Epiko ni Gilgamesh Tinuring na kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ito ay nagmula sa bansang Mesopotamia o Iraq. Nagsimula ito sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” at mula sa magkakahiwalay na kuwento, ito ay nabuo bilang iisang epiko. Ang kauna-unahang bersiyon nito ay kilala bilang “Old Babylonia” noong ika-18 siglo BC at pinamagatang Shutur Eli Sharri o Surpassing All Other Kings. Kultura at Paniniwala ng mga Sumerian mga Sumerian ay may malalim na paniniwala sa buhay na walang hanggan (eternal), na nasasalamin sa kanilang malawak na kaalaman sa mga gamot at ritwal na maaaring magpahaba ng buhay. The elaborate construction of Sumerian coffins is a testament to their belief that life after death was a continuation of life on earth. Ang mga Sumerian ay may malalim na koneksyon sa kalikasan (nature), which they believed to be a living being with its own spirit. Ang mga diyos ay may mahalagang papel sa buhay ng mga Sumerian, na kanilang pinaniniwalaang kumokontrol sa lahat ng aspeto ng kanilang mundo. Mga Tauhan ng Gilgamesh 1. Gilgamesh Hari ng Uruk, kalahating diyos at kalahating tao. Isang matapang na mandirigma at tagapagtayo, ngunit naghahanap ng sagot sa buhay at kamatayan matapos mamatay si Enkidu. 2. Enkidu Kaibigan ni Gilgamesh na dating nanirahan kasama ng mga hayop. Malakas at halos kasing galing ni Gilgamesh, ngunit namatay bilang parusa ng mga diyos. 3. Shamhat Isang temple prostitute na nagturo ng sibilisasyon kay Enkidu sa pamamagitan ng kanyang kagandahan at kaalaman. 4. Utnapishtim Hari at pari na nakaligtas sa malaking baha sa utos ng mga diyos. Binigyan siya at ang kanyang asawa ng buhay na walang hanggan. 5. Asawa ni Utnapishtim Walang pangalan, ngunit siya ang humikayat kay Utnapishtim na ibunyag ang lihim ng halaman na makapagpapabata. "Epiko ni Gilgamesh" 1. Si Gilgamesh at ang Kanyang Kapangyarihan Si Gilgamesh ay isang makapangyarihan ngunit mayabang na hari ng Uruk. Ang mga tao ay nanalangin sa mga diyos upang magpadala ng balanse sa kanya. 2. Paglikha kay Enkidu Ang mga diyos ay lumikha kay Enkidu, isang malakas na tao mula sa kagubatan, upang maging kaibigan at kalaban ni Gilgamesh. Naglaban sila, ngunit naging matalik na magkaibigan sa huli. 3. Pagsasama sa Pakikipagsapalaran Magkasamang lumaban sina Gilgamesh at Enkidu sa mga halimaw tulad ni Humbaba at ang Toro ng Langit. Nagtagumpay sila, ngunit nagalit ang mga diyos sa kanilang mga ginawa. 4. Pagkamatay ni Enkidu Bilang parusa, si Enkidu ay namatay. Labis na nalungkot si Gilgamesh at natakot sa kamatayan. 5. Paglalakbay para sa Imortalidad Naglakbay si Gilgamesh upang hanapin ang sikreto ng walang hanggang buhay. Nakilala niya si Utnapishtim, na nagkuwento tungkol sa baha at ang sikreto ng buhay. 6. Pagkabigo at Pagtanggap Nabigo si Gilgamesh na makamit ang imortalidad. Natutunan niyang ang tunay na kahalagahan ng buhay ay nasa mabuting pamumuhay at alaala na maiiwan. III. Uri at Kaantasan ng Pang-uri Ano ang Pang-uri? Ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan (noun) at panghalip (pronoun). Binubuo ito ng tatlong uri: 1. Pang-uring Panlarawan - nagsasaad ng laki, kulay, hugis, bagay, hayop, lugar, at iba pang pangngalan 2. Pang-uring Pamilang - nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng pangngalan o panghalip 3. Pang-uring Pantangi - nagbibigay ng tiyak na katangian ng isang pangangalan o panghalip Kaantasan ng Pang-uri Lantay - naglalarawan ng isa o payak na pangangalan o panghalip Halimbawa: Ang matapang na si Gilgamesh ay naglakbay. Pahambing - ginagamit sa pagtutulad / pagkakaiba ng dalawang pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri: Magkatulad - gumagamit ng panlaping “ka”, “magka-”, “sing-”, “gaya”, “tulad”, at marami pang iba Halimbawa: Tulad ni Enkidu, si Gilgamesh din ay malakas sa pakikipaglaban. Di magkatulad - paghahambing na nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o pasalungat Palamang - may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing. Ito ay ginagamitan ng mga salitang “lalo”, “higit”, “mas”, at marami pang iba Halimbawa: Sa pakikipag-usap, si Enkidu ay mas kalmado kaysa kay Gilgamesh. Pasahol - may higit na negatibong katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambing. Ito ay ginagamitan ng mga salitang “di-gaano”, “di-masyado,” “di- hamak”, “di-gasino”, ”di-gaya”, at marami pang iba Halimbawa: Di-hamak na mapagpursigi si Gilgamesh sa pagpapatumba kay Humbaba kaysa kay Enkidu. Pasukdol - nasa pinakadulong digri ng kaantasan. Maaari itong maging positibo o negatibo. Ginagamitan ito nga mga salitang “sobra”, “ubod”, “tunay”, “talaga”, “saksakan”, “hari ng”, at kung minsa’y pag-uulit ng pang-uri. Halimbawa: Ubod ng lakas ni Gilgamesh kumpara sa mga ordinaryong mamamayan ng Uruk. Aralin 3 - Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono / Pang-abay I. Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono II. Pang-abay Ano ang Pang-abay? Ito ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Tumutugon ito kadalasan sa mga tanong na “Saan?, ”Kailan?”, at “Paano”. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng pang-abay: 1. Pamanahon - nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot sa tanong na “Kailan?” May Pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang Walang Pananda - kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali Nagsasaad ng Dalas - araw-araw, tuwing umaga, taon-taon Halimbawa: Bumalik kinagabihan sa bayan ang Brahman. 2. Panlunan - nagsasaad o nagsasabi kung saan naganap ang kilos ng pandiwa Halimbawa: Bumalik sa Uruk sina Gilgamesh at Enkidu pagkatapos ng laban. 3. Pamaraan - nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa tanong na “Paano?”. Karaniwang ginagamit dito ang panandang “nang” at pangawil na “na / -ng”. Halimbawa: Sumigaw nang malakas si Ishtar nang hindi siya pinakinggan ni Anu. 4. Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan Halimbawa: Siguro hindi magiging mahirap ang buhay ni Gilgamesh kung hindi nawala si Enkidu. 5. Panggaano - nagsasaad ng sukat o timbang Halimbawa: Naglakbay ng limang kilometro si Gilgamesh upang hanapin ang halaman ng pagpapabata. Aralin 4 - Noli Me Tangere: Mga Tala sa Buhay ni Rizal / Kaligirang Kasaysayan I. Sino si Jose Rizal? Buong pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda Ipinanganak si Rizal sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Siya ang kinikilalang ikapito sa labing- isang (11) magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid ay sinabi Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad. Ang mga ama ni Rizal ay si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro, samantalang ang kaniyang ina naman ay si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong Enero 20, 1872, sa programang Bachiller En Artes, kung saan siya ay kinilala rin bilang sobresaliente (excellent). Sumunod dito, siya rin ay nag-aral sa Unibersidad ng Santos Tomas bago siya pumunta sa Europa noong 1882. Siya ay nag-aral sa larangan ng Pilosopiya, Pagsulat, at Medisina. Itinatag ni Rizal noong Hulyo 8, 1892 ang samahang La Liga Filipina. Ito ay naglalayong mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan. II. Ang pagsulat ng Noli Me Tangere Dahil sa pagpapaheram ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso, nakapaglimbag (publish) ni Rizal ang 2,000 na kopya ng Noli Me Tangere. Ang Noli Me Tanger ay hango sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag mo Akong Salangin”. Mula ito sa Ebanghelyo ni San Juan, Kabanata 20, Berso 17, na nagsasabing “Huwag mo akong salangin sapagkat di pa ako nakakaakyat sa aking Ama” Lesson 1 1. Identify and explain the message of the observed parable Guide: Understand the core theme or moral of the parable. What lesson does it teach? For example, in the parable of the Prodigal Son, the message is about forgiveness and unconditional love. Example: If the parable is about patience, explain how it shows the rewards of waiting and trusting the process. 2. It is proven that the events in the read parable can take place in real life today Guide: Relate the parable to modern-day situations. Identify how its lessons or events can happen in everyday life. Example: In the Prodigal Son, many people today experience regret after wasting opportunities and seek forgiveness from their loved ones. 3. Figurative statements are used correctly in sentences Guide: Focus on similes, metaphors, and other figurative language used in the parable. Practice using them in your writing. Example: "The man’s heart was as hard as stone," or "The forgiveness of the father was a ray of light in the darkness of his son’s despair." 4. Write your own parable about a West Asian cultural value Guide: Choose a cultural value like hospitality, family honor, or resilience. Write a story that illustrates this value through simple characters and a clear moral. Example: A parable about a generous merchant who shares his wealth and, in turn, receives blessings during a time of famine. Lesson 2 1. Describe the unique Asian culture reflected in the epic Guide: Identify cultural elements in the epic, such as traditions, beliefs, or societal norms. Discuss how these shape the story. Example: In The Epic of Gilgamesh, the belief in gods and the afterlife reflects Mesopotamian culture. 2. Identify and characterize one of the considered heroes of any country in West Asia Guide: Research a West Asian hero (e.g., Gilgamesh, Cyrus the Great). Highlight their traits, achievements, and significance to their culture. Example: Gilgamesh is a brave, ambitious, and reflective king who seeks immortality, embodying the values of leadership and self-discovery. 3. Use appropriate words to describe Asian culture and West Asian heroes Guide: Use descriptive terms that emphasize culture (e.g., “resilient,” “honor-bound,” “spiritual”) and heroes (e.g., “valiant,” “wise,” “determined”). Example: "Gilgamesh represents the spiritual quest of humanity, while his bravery showcases the heroic ideal of Mesopotamian kings." Lesson 3 1. Interpret the behavior, behavior, and character of the characters based on the conversation heard Guide: Analyze dialogue to infer the character’s traits and motivations. Consider tone, words, and context. Example: If a character says, “I will not abandon my people,” it reflects loyalty and bravery. Lesson 4 1. Describe the social conditions at the time the work was written and its effects after it was written up to the present day Guide: Identify the historical or cultural background of the work. Discuss how it reflects the values, struggles, or beliefs of its time and how it influences modern perspectives. Example: The Epic of Gilgamesh reflects the societal hierarchy and belief in gods in ancient Mesopotamia. Today, it teaches lessons on leadership, mortality, and friendship.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser