Filipino 3, Module 1, Unang Markahan, 2020 PDF
Document Details
Uploaded by EruditeImpressionism2810
2020
Tags
Summary
This self-learning module (SLM) is for Filipino 3 students in the first quarter of 2020. It contains lessons, activities, and questions on Tagalog nouns (ang pangngalan) and how to use them in sentences.
Full Transcript
3 Filipino Unang Markahan Sariling Linangan Kit 1: Ang Pangngalan Filipino – Ikatlong Baitang Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Ang Pangngalan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi...
3 Filipino Unang Markahan Sariling Linangan Kit 1: Ang Pangngalan Filipino – Ikatlong Baitang Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Ang Pangngalan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa sariling linangan kit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa sariling linangan kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI Regional Director: Allan G. Farnazo Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit Manunulat: Jayson T. Ruego Editor: Rodelyn C. Santos, Ligaya L. Perez Tagasuri: Ligaya L. Perez, Rene P. Sultan Tagaguhit: Hareld O. Candari Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao Telefax: (082) 2274726 E-mail Address: [email protected] 3 Filipino Unang Markahan Sariling Linangan Kit 1: Ang Pangngalan Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang sariling linangan kit na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa sariling linangan kit. Para sa mag-aaral: Ang sariling linangan kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang sariling linangan kit: 1. Gamitin ang sariling linangan kit nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan. 2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa susunod na gawain. 3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga gawain. 4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot at pagwawasto ng mga gawain. 5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa susunod na gawain. 6. Isauli/ Ipasa ang sariling linangan kit sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng mga gawain. Kung may mga bahaging nahihirapan kayo sa pagsagot sa mga inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng sariling linangan kit na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan! ii Alamin Natin Ang Sariling Linangan Kit na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay makatutulong upang matukoy ang gamit ng pangngalan. Sumasaklaw ang modyul na ito sa iba’t ibang sitwasyon na maaaring gamitin sa pagkatuto. Ang ginamit na wika ay angkop sa bawat antas ng kaalaman ng mga mag- aaral. Ang mga aralin ay nakaayos alinsunod sa pamantayan ng isang kurso. Ang Sariling Linangan Kit na ito ay nahahati sa dalawang kompentensi: 1. Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar at bagay sa paligid. (F3WG-Ia-d-2, F3WG-IIa-c-2) 2. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag- unawa na napakinggan at nabasang teksto. (F3PN-IVc-2, F3PN-IIIa-2, F3-IIa-2, F3PN-Ib-2) Sa pagtatapos ng sariling kit na ito, inaasahang matutuhan mo ang paggamit ng pangngalan at ang iyong pang-unawa sa mga tekstong babasahin. Subukin Natin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa isang malinis na papel. 1. Ito ay bahagi ng panalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari. A. Pangngalan B. Panghalip C. Pandiwa D. Pang-abay 3 2. Alin sa sumusunod ang naiba sa pangkat? A. ate, ina, tiya C. apo, tiyo, bunso B. ama, ina, anak D. kutsara, upuan, salamin 3. Si Jay ang panganay na anak na lalaki ng aming pamilya. Siya ay aming ________. A. ama B. kuya C. ate D. ina 4. Tumatahol ang alaga kong hayop. Siya ang tagabantay ng aming bahay. Ang alaga ko ay __________. A. loro B. pusa C. aso D. mano 5. Kumain ng masarap na tinolang manok si James. Ang sinalungguhitang salita ay ngalan ng _________. A. bagay B. hayop C. tao D. lugar 6. Dumagundong, kumikidlat ang kalangitan. Bumuhos ang malakas na ulan. Sinabayan ito nang malakas na hangin. Nabuwal ang mga puno at bumaha sa lansangan. Ano ang naganap sa teksto? A. Sunog B. Bagyo C. Pista D. Pasko 7. Lunes. Maagang gumising si Roy. Nagsuot siya ng uniporme at sapatos. Pagkatapos kumain ng almusal ay nagpaalam na siya ng kaniyang ina. Saan pupunta si Roy? A. sa paaralan C. sa simbahan B. sa palengke D. sa plasa 8. Mabait na bata si Mila. Nakita niya ang isang matanda na may dalang mabigat na basket. Ano ang kaniyang gagawin? A. Pagtawanan niya ang matanda. B. Tutulungan niya ang matanda. C. Pabayaan niya ang matanda. D. Patakbuhin ang matanda. 4 9. Matagal na natulog si Gab. Kinaumagahan ay natagalan din siya sa paggising. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang bag at kumaripas sa pagtakbo papuntang paaralan. Ano ang mangyayari kay Gab? A. Maagang makarating sa eskwela si Gab. B. Mahuhuli sa klase si Gab. C. Liliban sa klase si Gab. D. Hindi papasok si Gab. 10. May mga banderitas na nakasabit sa Barangay Sto. Niño. May handaan sa mga bahay-bahay tulad ng letson, pansit, keyk at iba pa. Anong pagdiriwang ang tinutukoy sa teksto? A. kaarawan C. Pasko B. pista D. Bagong Taon Aralin Ang Pangngalan 1 Ngayon ang unang araw ng pasukan. Ano ang iyong pakiramdam? Ikaw ba ay masaya? Malungkot? O kaya’y natatakot? Normal lang ang mga pakiramdam na iyon. Kaya ating tuklasin na may saya ang paggamit ng pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid. May mga kawili-wiling pagsasanay na naghihintay sa SLK na ito. Halika ka na at ating simulan! 5 Aralin Natin Unang Araw ng Pasukan Ni: Jayson T. Ruego Beep! Beep! Beep! Ang tunog ng orasan ng cellphone ang masayang nagpagising kay Sara. Kailangang maaga siya kasi unang araw ng pasukan sa Paaralang Elementarya ng Sto. Niño. Pagkatapos maligo at kumain ng almusal, nagpaalam na siya ng kaniyang ina habang nakahawak sa bagong bag. Pagdating sa paaralan, makikita ang saya at galak ng bawat mag-aaral. Natutuwa ang lahat na makitang muli ang mga kaklase at kaibigan maliban sa isang batang si Mara. Siya ay bagong mag- aaral sa paaralan kaya wala pa siyang gaanong kakilala at kaibigan. Pilit na itinatago ang kaniyang takot hanggang sa mapaiyak na siya nang tuluyan. Sa ilang sandali, isang maliit na boses ang kaniyang narinig. “Ano’ng pangalan mo?” Isang matamis na ngiti ang kaniyang iginanti sabay sabing, “Ako si Mara. Ikaw?” “Ako naman si Sara.” Masaya nilang hinanap ang kanilang klasrum habang pinag- uusapan ang magiging bagong guro. Sagutin ang mga tanong. Isulat mo sa sagutang papel. 1. Sino ang gumising nang maaga sa kuwento? 2. Anong bagay ang nagpagising kay Sara? 3. Saan pupunta si Sara? 6 4. Ano ang bagong hawak ni Sara? 5. Anong pangyayari ang tinutukoy sa kuwento? 6. Sino ang bagong mag-aaral sa paaralan? Alam mo ba? Ang unang araw ng pasukan ay kinasasabikan ng karamihan ng mga mag-aaral. May mga bagong gamit pang- eskuwela tulad ng bag, uniporme, sapatos at iba pa. Bukod sa muling pagkikita ng mga kaibigan at kaklase ay may makilala ka ring mga bagong kaibigan na bagong lipat sa paaralan. Higit sa lahat may bagong kaalaman na namang matutuhan sa mga aralin. Sa araling ito, ating suriin ang gamit ng pangngalan. Ginagamit natin sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagay sa paligid. Ang pangngalan bahaging pansemantika na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari. Narito ang iba pang halimbawa ng pangngalan. Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari Mr. Cruz lapis simbahan aso pasukan guro paaralan pusa pista lamesa mag- papel kusina kambing kaarawan aaral 7 Gawin Natin Tanong ko, Sagot Mo! Hello! Sa iyong pagbasa ng kuwentong Unang Araw ng Pasukan, maaari bang tulungan mo akong hanapin ang ngalan ng tao, lugar, at bagay sa paligid? Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba. Isulat mo ang iyong sagot sa nakatalagang hanay sa sagutang papel. Handa ka na ba? Halika, sagutin natin! 1. Sino ang gumising nang maaga sa kuwento? 2. Anong bagay ang nagpagising kay Sara? 3. Saan pupunta si Sara? 4. Ano ang bagong hawak ni Sara? 5. Anong pangyayari ang tinutukoy sa kuwento? 6. Kanino siya nagpaalam? 7. Sino ang bagong mag-aaral sa paaralan? Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari 1. ________ 2. ________ 3. ________ 4. ________ 5. ________ 6. ________ 7. ________ 8. ________ 9. ________ 10. _______ Paano mo nakuha ang ganitong aktibiti? Sana ay naging madali para iyo. Huwag kang mag-alala, marami pang aktibiti ang iyong matutuhan sa ating aralin. Kaya, tara na! 8 Sanayin Natin Gabay ko, Sabihin Mo! Ngayon, natutuhan mo na ang gamit ng pangngalan. Ating gamitin ang lahat ng iyong nalalaman sa ating aralin sa tunay na pangyayari sa buhay. Dahil unang araw ng pasukan, ikaw ay magpapakilala sa harap ng klase. Punan ng tamang impormasyon ang patlang na maging gabay para sa iyong pagsasalaysay. Gawin sa iyong sagutang papel. Ako si________________. Ang aking mga magulang ay sina ______________ at ______________. Ako ay nakatira sa ______________. Ako ay may alagang ___________. Gusto kong maging isang ________. balang araw. Ako 9 Tandaan Natin Ang pangngalan ay ginagamit sa pagsasalaysay sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Suriin Natin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang pangngalan? A. Masarap B. Doktor Ruego C. Umalis D. Ako 2. Tuwing araw ng Linggo, nagbibihis ng pansimba ang mag- anak Pulvera. Sila ay pupunta sa __________. A. simbahan B. dagat C. palengke D. plasa 3. Si Mara ay may dalang bag, lapis, pangkulay at papel. Siya ay nakasuot ng uniporme at sapatos. Siya ay isang ____________. A. nars B. abogada C. mag-aaral D. pulis 4. Si Aling Maria ay nagluluto tuwing umaga. Siya ay nag-aalaga rin sa kaniyang mga anak. Siya ay isang _______. A. ama B. ate C. kuya D. ina 5. Ang batang si Jun ay may mga bisita sa kanilang bahay. Siya ay may keyk, spaghetti at sorbetes. Siya ay nagdiwang na kaniyang _________. A. Pista C. anibersaryo B. Kaarawan D. pasko 10 Payabungin Natin Hanapin Mo Ako! Para lubos mong maunawaan ang ating aralin, tulungan mo akong buoin ang mga titik sa palaisipan. Ang iyong magiging gabay ay ang mga nakasulat na pangungusap o kaya’y parirala sa ibaba. Handa ka na? Tara na! PALAISIPAN - Masarap maglaro sa lugar na ito. - Siya ang nagsilang at nag-aalaga ng bata. - May handaan, letson at kasiyahan sa isang barangay. - Dito pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto. - Nakatatandang kapatid na babae - Nakatatandang kapatid na lalaki - May balahibo at maaaring alagaan sa bahay. - Dala-dala ito kung pumapasok sa paaralan. - Dito nakatira ang isang pamilya o mag-anak. - Siya ay tumutulong sa paggamot ng isang pasyente. 11 Pagnilayan Natin Mahalagang maunawaan ang mga salitang pangngalan. Nakatutulong ito sa ating pang-araw-araw na pakikipag-usap o pagsasalaysay ng isang tao, bagay, hayop at pangyayari sa paligid. Nawa’y gamitin mo ang lahat ng iyong nalalaman sa ating aralin upang magamit mo sa tunay na buhay. Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Aralin Paggamit ng Unang 2 Kaalaman sa Pag-unawa sa Binasa Mahilig ka bang magbasa at makinig ng kuwento? Naiintindihan mo ba ang inyong binasa? Ano ang iyong pakiramdam pagkatapos mabasa ang mga ito? Ikaw ba’y masaya o malungkot? Normal lang ang mga pakiramdam na iyon. Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang magamit ang iyong naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggan at nabasang teksto. Sa tulong ng mga malikhaing pagsasanay na ito, tiyak na mapalawak ang iyong pangunahing kaalaman sa pagsagot ng bawat sitwasyon. Kaya, ano pa ang hinihintay mo? Tara na at unawain natin! Bago natin simulan ang araling ito, mahalagang balikan natin ang inyong nagdaang aralin. Handa ka na ba? Maglaro tayo! 12 Panuto: Ayusin ang mga titik upang makabuo ng isang salita tungkol sa isang pangyayari. Isulat mo ito sa sagutang papel. S A T P I Y O B G A G S U O N 1 2 3 Mahusay! Nabuo mo ang mga titik. Binabati kita! Aralin Natin Hello! Basahin natin ang teksto. Ganito ba ang iyong paghahanda sa tuwing may pagdiriwang? Halika, alamin natin. May mga banderitas na nakasabit sa Barangay Sto. Niño. Makikita sa mga bahay-bahay na abalang-abala sa paghahanda ang mag-anak. Naghahanda sila ng pagkain tulad ng letson, adobo, pansit, at iba pa. May naglalaro rin ng basketbol at may larong pambata pa. Bago pagsaluhan ang mga pagkaing inihanda, sila ay nagsisimba bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap. Ni: Jayson T. Ruego 13 Sagutin ang mga tanong. Isulat mo sa sagutang papel. 1. Ano-anong paghahanda ang nabanggit sa teksto? 2. Ano ang tinutukoy na pagdiriwang sa binasang teksto? 3. Bakit mo nasabi na ito ay pista? Ang paggamit ng unang kaalaman ay mahalagang bahagi sa pag-unawa sa binasa ng isang mag-aaral. Naniniwala ang mga eksperto na ang pagpapalabas ng unang kaalaman ang pinakamahalagang aspekto sa karanasan sa pagbasa. Ang pagpapalabas ng unang kaalaman ay tinatawag ding schema. Gawin Natin Alam ko na Alam Mo! Hello! Ang teksto na iyong binasa sa itaas ay isang pista. Tama ka di ba? Gusto mo pa ba ng maraming pagsasanay? Tiyak na magugustuhan mo ang ating aktibiti ngayon. Halika, magsanay pa tayo! Basahin ang bawat sitwasyon. Gawing gabay ang mga titik upang makabuo ng isang sagot sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel. Handa ka na ba? Tara na! 14 Maagang gumising si Aling Nena. Kinuha niya ang bayong sa gilid ng lamesa. Bumili siya ng gulay, isda, karne at iba pang pangunahing pangangailangan. Saan pumunta si Aling Nena? p A E K G L N E 1. Sa bukid, nagtatanim ng palay, gulay, mais at iba pang halaman si Mang Carding. Pagkatapos itong anihin ay ibebenta niya ito sa kaniyang mga suki sa lungsod. Sino si Mang Carding? 2. M A S G A K S A A Tuwang-tuwang si Arman. Hinahabol siya ng kaniyang alagang tumatahol na may makapal na balahibo. Palagi niya itong kasa-kasama sa tuwing walang pasok. Ano ang alaga ni Arman? 3. S A O 15 Disyembre noon. Isinabit ni Nanay ang magandang parol sa aming magandang Christmas Tree. Binigyan ako ng regalo ng aking ninang at ninong. Pagdating ng alas- dose ng madaling araw, masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain na nasa hapag-kainan. Anong pangyayaring ang isinalaysay sa teksto? 4. S P A K O May maitim na usok mula sa kabahayan. Makikita ang malapulang kulay na naglalagablab. May dala- dalang balde ang mga tao upang apulahin ang apoy. Ilang sandali may dumating na mga bombero. Ano ang naganap sa kuwento? 5. S G U N O Paano mo nakuha ang ganitong aktibiti? Sana ay naging madali para iyo. Huwag kang mag-alala, marami pang aktibiti ang iyong matutuhan sa ating aralin. Kaya, tara na! 16 Sanayin Natin Kahunan Mo Ako! Panuto: Tukuyin ang bawat sitwasyon. Kahunan ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Pista na sa aming lugar kaya naghanda ang nanay ng suman, tsokolate at matatamis na (kape, mangga, kanin). 2. Kung pista sa aming barangay, maraming dekorasyon ang makikita sa paligid. Nakasabit ang makukulay na (labada, banderitas, papel), 3. Abalang-abala ang lahat sa araw ng pista lalong -lalo na ang nanay dahil marami siyang darating na (bisita, regalo, sasakyan). 4. Masaya ang mga bata dahil may palaro doon sa (kusina, plasa, dagat) gaya ng palo sebo, pagpalo ng palayok at iba pa. 5. Maagang-maaga pa ay maririnig mo na ang masayang tugtog ng banda. Ang mga (guro, bata, musikero) ay pumaparada sa mga kalye upang gisingin at ipaalam na araw na ng pista. 17 Tandaan Natin Mahalagang magamit ang unang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggan at nabasang teksto dahil ito ang susi sa isang mapang-unawang kasanayan. Ang paggamit ng unang kaalaman ay mahalagang bahagi sa pag-unawa sa napakinggan at nabasang teksto. Suriin Natin Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel. 1. Madilim ang langit. Malamig ang hangin na dumampi sa katawan ni Lorna. Kinuha niya ang payong bago lumabas ng bahay. Bigla na lang bumuhos ang malakas na _________. A. ulan B. apoy C. bituin D. palakpak 2. Lunes. Maagang gumising si Mark. Nagsuot siya ng uniporme at sapatos. Pagkatapos kumain ng almusal ay nagpaalam na siya sa kaniyang ina. Saan pupunta si Roy? A. sa palengke C. sa simbahan B. sa paaralan D. sa plasa 3. Masayang naglalaro ang mga bata. May nagtakbuhan, nagkuwentuhan, at may namamasyal. Anong lugar ito? A. sa plasa C. sa kusina B. sa simbahan D. sa sala 18 4. Sa bukid, nagtatanim ng mga gulay, prutas, mais at palay si Mang Kiko. Ginamit ang kaniyang alagang kalabaw sa pag- aararo ng lupa. Sino si Mang Kiko? A. magsasaka C. nars B. doktor D. guro 5. May mga banderitas na nakasabit sa Barangay Sto. Niño. May handaan sa mga bahay-bahay tulad ng letson, pansit, keyk at iba pa. Anong pagdiriwang ang tinutukoy sa teksto? A. kaarawan C. pasko B. pista D. Bagong Taon Payabungin Natin Sagot mo, Iguhit Mo! Naibahagi mo na ang iyong unang kaalaman o karansan sa napakinggan o nabasang teksto. Ating gamitin ang lahat ng iyong dating alam para magamit mo ito sa tunay na buhay. Panuto: Iguhit ang iyong sagot sa sagutang papel ayon sa tekstong iyong babasahin. Gawin mo ito sa isang bond paper. Basahin ang rubrik at pamantayan para sa pagmamarka ng iyong drowing. 19 Umaga pa lang ay pumapasok na ang mga bata dala-dala ang kani-kanilang mga bag. May guro na nagtuturo sa kanila ng pagbasa at pagsulat. Maraming matutuhan dito. Anong lugar ito? Iguhit mo ako. 20 Rubrik sa Pagguhit Pamantayan Napakahusay Mahusay Di- Nangangailangan Gaanong ng patnubay (10) (7) Mahusay (1) (5) Nilalaman Ang mensahe ay Di- Medyo Walang mabisang gaanong magulo menshaeng naipakita. naipakita ang naipakita. ang mensahe mensahe. Pagkamalikhain Napakagandaat Maganda Maganda Hindi maganda at napakalinaw at malinaw ngunit di- Malabo ang ang pagkaguhit ang gaanong pagkaguhit ng ng sagot. pagkaguhit malinaw sagot. ng sagot. ang pagkaguhit. Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di-gaanong Marumi ang ang pagkaguhit pagkaguhit malinis ang pagkaguhit ng ng sagot. ng sagot. pagkaguhit sagot. ng sagot. Kabuoan Pagnilayan Natin Mahalaga ang unang kaalaman o dati ng alam ng isang mag-aaral na kailangan niyang maging pundasyon sa susunod na nilalaman ng isang teksto. Ang karanasang ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na napakinggan at nabasa sa isang teksto na magpapalawak ng kanilang pang-unawa sa larangan ng pagbasa. Binabati kita sa pagtatapos sa araling ito! Ngayon handa ka na sa susunod na aralin. 21 22 Payabungin Natin Suriin Natin 1. A Ang pagmamarka ay 2. B ibabatay sa Rubrik sa 3. A Pagguhit 4. A 5. B Sanayin Natin Gawin Natin Aralin Natin 1. mangga 2. banderitas 1. palengke 1. letson, adobo, 3. bisita 2. magsasaka pansit 4. plasa 3. aso 2. Pista 5. musikero 4. pasko 3. Dahil may 5. sunog nakasabit na banderitas (Tanggapin ang iba pang sagot ng bata.) Aralin 2 Payabungin Natin Suriin Natin Aralin Natin 1. plasa 9. bahay 1. B 1. Sara 2. ina 10. nars 2. A 2. Cellphone 3. pista 3. C 3. Paaralan 4. paaralan 4. D 4. Bag 5. ate 5. B 5. Unang araw ng 6. kuya pasukan 7. pusa 6. Mara Sanayin Natin 8. bag Iba iba ang sagot Subukin Natin Gawin Natin 1. A Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari 2. D 1. Sara 2. cellphone 3. paaralan 5. Unang araw 3. B 4. bag ng pasukan 4. C 6. ina 5. C 7. Mara 6. B 7. A 8. B 9. B 10. B Aralin 1 Susi sa Pagwawasto Sanggunian “Puzzlemaker”, Discovery Education, accessed June 9, 2020, http://puzzlemaker.discoveryeducation.com/ Ramiro, Ryan. “Kahalagahan ng Pista” accessed June 10, 2020 https://nadsfil9amgasanaysay2016.wordpress.com/2016/03/ 03/kahalagahan-ng-mga-pista/ Caresosa, Dianne. “Fiesta in my Mind” Organized by the PhilippineLanguage School and Zola Macarambon. accessed June 10, 2020 https://www.facebook.com/1680881875473805/posts/essay- writing-contest-second-prize-winner-dianne- caresosaorganized-by-the-philip/1708260402735952/ Bailey, Ellieen. Prior Knowledge Improves ReadingComprehension. Accessed June 10, 2020 https://www.thoughtco.com/prior- knowledge-improves-reading-comprehension-3111202 Teacher Vision Staff. “Activating Prior Knowledge.” accessed June 10, 2020 https://www.teachervision.com/reading- comprehension/activating-prior- knowledge#:~:text=At%20the%20early%20stages%20of,thinki ng%20as%20they%20are%20reading. 23 For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – Region XI F. Torres St., Davao City Telefax: Email Address: [email protected]