LT 1 Coverage (Fil) PDF
Document Details
Uploaded by PhenomenalGhost
Philippine Science High School
2020
Tags
Summary
This learning guide (module) introduces nouns in Tagalog, covering their types (concrete/abstract, collective/non-collective), illustrating each with examples, and providing exercises to help students identify and classify nouns. It's part of a Filipino 1 language and literature course.
Full Transcript
PANGNGALAN Katuturan at Uri ng Pangngalan Aralin...
PANGNGALAN Katuturan at Uri ng Pangngalan Aralin Filipino 1: Kasaysayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Module Code: 1.0 Lesson Code: 1.1Time Limit: 30 minuto TA: 1 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nauuri ang mga pangngalan ayon sa uri nito; 2. nakapagbibigay ng halimbawa ng mga pangngalan ayon sa konsepto; at 3. nakapagbibigay ng halimbawa ng mga ngalang di-palansak at nasasabi ang palansak nito. TA: 5 minuto ATA: _____ Magandang araw iskolar! Sa learning guide na ito, ating pag-aralan ang pangngalan. Bawat bagay sa ating kapaligiran ay may pangalan, maging ito man ay tao, hayop, bagay, lugar at iba pa. Bago natin pag-usapan pa ang pangngalan, sagutin muna ang gawain sa ibaba. Panuto: May iba’t ibang larawan sa ibaba, tingnan at pag-aralan ito nang maigi. Ibigay ang hinihingi at isulat ang iyong sagot sa espasyo na ibinigay. https://pixabay.com/illustrations/dog-puppy-cute-cartoon- animal-3431913/ https://pixabay.com/vectors/bee-cartoon-bumble-honey- icon-705412/ Magbigay ng tatlong pangalan na maaaring ibigay sa aso na nasa larawan. Ano ito? ____________________________ 1._______________________ 2._______________________ 3._______________________ Filipino 1 Pahina 1 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. https://pixabay.com/illustrations/doodle-cartoon-drawn-food- https://pixabay.com/vectors/girl-books-stack-read-160172/ sweet-3505459/ Magbigay ng tatlong pagkain mula sa larawan Bigyan ng pangalan ang bata at ang aklat na sa itaas. kanyang binabasa. 1._______________________ __________________________________ 2._______________________ __________________________________ 3._______________________ Batay sa iyong mga ibinigay na sagot sa itaas, ano ang tawag natin sa mga ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ Filipino 1 Pahina 2 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 7 minuto ATA: _____ Alam mo ba na ang tawag sa mga salita na ibinigay mo sa Gawin Natin ay pangngalan? Sa bahaging ito ay palalawakin pa natin ang pag-uusap ukol nito. PANGNGALAN Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, lugar, bagay, hayop, pangyayari, at iba pa. Halimbawa: Tao - lola, doktora, Wesley, atb. Lugar - Cebu simbahan simbahan, atb. Bagay - sapatos, kutsara, upuan, atb. Hayop - ibon, kalabaw, Muning, atb. Katangian - kabaitan, matapat, masipag, atb Kalagayan - paghihirap, kakulangan, kasaganaan, atb. Damdamin - galit, pagkatuwa, pagkapuot, atb. Pangyayari - kasalan, pulong, kapaskuhan, atb. Sa makabagong gramatika naman na batay sa istruktural na pagkakabuo, ang pangngalan ay tumutukoy sa anumang pangngalang isinusunod ang panandang kay/kina, ang/ang mga, ng/ng mga, sa/sa mga, si/sina, ni/nina. Gaya ng sumusunod: Halimbawa: kay/kina Gng. Calma sa/sa mga iskolar ang/ang mga guro si/sina Nardgin ng/ng mga manganganta ni/nina Dr. Balais Uri ng Mga Pangngalan Ang pangngalan ay may limang pangunahing batayan sa pag-uuri. Naaayon ang mga ito sa konsepto, kayarian, katangian, kasarian at kailanan. Sa limang batayan ng pangngalan, tatalakayin lang muna natin ang konsepto ng pangngalan. Filipino 1 Pahina 3 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Ayon sa Konsepto May dalawang uri ang konsepto ng pangngalan, ang basal at tahas. 1. Tahas o Kongkreto/konkreto – kapag mga materyal na bagay ang tinutukoy. Ito’y nahahawakan at nakikita. Halimbawa: lolo aklat gulay tinapay salamin upuan Dalawang Uri ng Tahas 1. Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Halimbawa: angkan barkada batalyon pamilya kaguruan organisaiyin 2. Di-palansak – tumutukoy sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa. Halimbawa: aso itak baso papel doktor bulaklak 2. Basal o Abstrakto – kapag hindi materyal na bagay ang tinutukoy tulad ng diwa, kaisipan o damdamin. Halimbawa: pag-asa pananabik pag-ibig kaligayahan pananampalataya pagkagulat Filipino 1 Pahina 4 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 15 minuto ATA: _____ Sa bahaging ito, subukin natin ang iyong natutuhan sa alamin natin. Ibigay ang hinihingi sa bawat bahagi. I. A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin at isulat ang mga pangngalan na matatagpuan sa mga pangungusap sa kahon, gawing gabay ang bilang ng pangngalang nasa loob ng panaklong at lagyan ng ekis (X) kung ito ba ay tahas o basal. 1. Ang bata ay naglalaro. (isang pangngalan) 2. Sa Mindanao ay matatagpuan ang iba’t ibang tribo. (dalawang pangngalan) 3. Ang kalayaan ay mahalaga sa bayan. (dalawang pangngalan) 4. Ang online classes ay mahirap para sa mga mag-aaral at sa mga guro. (tatlong pangngalan) 5. Pagmamahal ang hinahanap ng mga tao. (dalawang pangngalan) Pangngalan Tahas Basal 1. 2. 3. 4. 5. B. Panuto: Bumuo ng pangungusap at gamitin ang sumusunod na mga pangngalan na ibinigay sa bawat bilang. Isulat ang kasagutan sa espasyo na ibinigay. 1. angkan, Lito Sagot: ____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 2. Musika, asignatura, barkada Sagot: ____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ Filipino 1 Pahina 5 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 3. pamilya, Gng. Cruz, Quezon City Sagot: ____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 4. doktor, organisasyon Sagot: _____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. batalyon, mga sundalo Sagot: _____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ II. Panuto: Sa mga pangngalan sa kahon, ihanay ang mga salita sa angkop na uri nito. 1 puntos bawat tamang sagot. Urin ng Pangngalan Sagot Tao Lugar Bagay Hayop Katangian Kalagayan Damdamin Pangyayari Filipino 1 Pahina 6 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 2 minuto ATA: _____ TANDAAN Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita, maaaring pangalan ng tao, bagay hayop, lugar, pangyayari at iba pa. May dalawang uri ang konsepto ang tahas na tinatawag ding kongkreto at basal o di kongkreto. Tahas ang pangngalan na tinutukoy ay bagay, makikita at mahahawakan at basal naman kapag ang pangngalang tinutukoy ay hindi makikita ngunit maramdaman ito. May dalawang uri ng tahas, ang palansak na tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao at di-palansak sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Sanggunian: Santiago, Alfonso O., at Tiangco, Norma G. (1991) Makabagong Balarilang Filipino. Nicanor Reyes St, Manila: Rex Book Store, Inc. Inihanda ni: Mary Jane R. Sumarago Posisyon: Special Science Teacher I Kampus: PSHS-Central Visayas Pangalan ng Reviewer: Janeth B. Llorca Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher III Kampus: PSHS-SOCCSKSARGEN Filipino 1 Pahina 7 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Kayarian at Katangian ng Pangngalan Filipino 1: Kasanayan sa komunikasyon (Wika at Panitikan) Aralin Module Code: 1.0 Lesson Code: 1.2 Time Limit: 30 minuto TA: 1 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng aralin, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. natutukoy ang mga pangngalan ayon sa uri nito; 2. nakapipili ng pangngalan sa kuwentong tinalakay; at 3. naibibigay ang depinisyon ng dagli. TA: 7 minuto ATA: _____ Panuto: Basahin ang dagli sa ibaba, at sagutin ang mga kasunod na tanong. Shop-E! ni Bryan Mendoza Nakita niya sa kaniyang Facebook wall ang patalastas, Shop-E 9.9 Sale. Kara-karakang pumunta sa app ng naturang online shop. Lumakas ang enerhiyang dumaloy sa kaniyang mga daliring nagpapadulas-pababa sa screen ng kaniyang cellphone. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil nakita niyang naka-50% ang kaniyang inaasam na bag. Dali-dali niyang kinapkap at binilang ang perang nasa kaniyang bulsa. Sakto. Pumorma ang ngiti sa kaniyang mukha kasabay ng paglaki ng mga butas ng kaniyang ilong, ngunit biglang sumagi sa kaniyang isip na nakalaan pala iyon sa kanilang pagkain sa buong linggo. Namawis siya nang malamig, at kaagad napawi ang kaniyang sabik. Muli niyang sinulyapan ang bag sa Shop-E. Exit. Nag-post siya sa Twitter –- Know your priorities, Faith! Mga Tanong: 1. Bakit Shop-E! ang pamagat ng dagli? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 2. Bakit nabanggit ng tauhan ang “Know your priorities, Faith!”? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 3. Paano mo maiuugnay ang karanasan ni Faith sa iyong sariling karanasan? Filipino 1 Pahina 1 ng 5 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 4. Batay sa iyong binasa, ano ang katuturan o depinisyon ng isang dagli? _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 5. Ano-ano ang pangngalang makikita sa dagling Shop-E!? Magbigay ng sampu o higit pa. _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ Paano kung tatanggalin ang mga pangngalang dagling Shop-E!? Mawawala ang saysay ng kuwento sapagkat wala na itong kahulugan at hindi na mauunawaan. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng pangngalan sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang mga pangngalan ay nagbibigay ng tiyak na katawagan sa mga nakikita natin sa paligid, sa mga nararamdaman natin, sa ating mga iniisip, at iba pa. Sa araling ito, alamin natin ang mga uri ng pangngalan ayon sa kayarian at katangian. Ang mga uri ayon kayarian ay tumutukoy sa pagkakabuo ng mga pangngalan gamit ang iba’t ibang morpema tulad ng salitang-ugat at panlapi, at pag-uulit ng bahagi ng mismong salita. Samantala, ang mga uri ayon sa katangian ay tumutukoy sa pagiging tiyak o karaniwang anyo ng isang pangngalan. TA: 9 minuto ATA: _____ Kayarian ng Pangngalan 1. Payak – pangngalang binubuo ng isang salitang-ugat lamang. Wala itong kasamang panlapi, at wala rin itong bahaging inuulit. Halimbawa ng pangngalang payak: agham isda puno gubat tao halaman dagat hayop 2. Maylapi – binubuo ito ng salitang-ugat at isa o higit pang panlaping makangalan. Katulad ng natalakay sa unang markahan, ang mga panlapi ay maaaring unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, o laguhan. Walang bahagi ng salita ang inuulit sa kayarian ng pangngalang ito. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng pangngalan o tinatawag na panlaping makangalan ay -an/-han, -in/-hin, ka-, mag-, pag-, pa-, pang-, taga- , at iba pa. Halimbawa ng pangngalang maylapi: pag-ibig paaralan inahin upuan taga-linis kasamahan tagapagpaganap mag-anak Filipino 1 Pahina 2 ng 5 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 3. Inuulit – ang pangngalang nasa kayariang ito ay may bahaging inuulit. Ito ay kadalasang unang patinig o kaya naman ay unang patinig at katinig ng salitang-ugat. Maaaring magkaroon ng panlapi ang mga pangngalang inuulit. Katulad ng natalakay na kayarian ng ng mga salita noong nakaraang markahan, ang pangngalang inuulit ay mauuri sa dalawa, ang parsyal at ganap na pag-uulit. Inuulit na Parsyal Inuulit na Ganap mag-aaral sabi-sabi mangingisda nanay-nanayan mananahi loko-loko 4. Tambalan – pangngalang binubuo ng dalawang salitang-ugat. Maaaring magkaroon ng panlapi o/at pag-uulit ang mga tambalan. Katulad ng natalakay na kayarian ng ng mga salita noong nakaraang markahan, ang pangngalang tambalan ay mauuri sa dalawa, ang parsyal at ganap na tambalan. Tambalang Parsyal Tambalang Ganap bahay-kubo kapitbahay silid-aralan bahaghari taumbayan hanapbuhay Bukod sa kayarian, mauuri din ang mga pangngalan ayon sa katangian nito. Alamin natin sa susunod na bahagi ng aralin. Katangian ng Pangngalan 1. Pambalana – pangkalahatang pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pang pangngalan. Ang mga ito ay nagsisimula sa maiit na letra. Halimbawa: paaralan lapis palabas bayani pagdiriwang pahayagan 2. Pantangi – tiyak na pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at iba pang pangngalan. Nagsisimula ang mga ito sa malaking letra. Halimbawa: Pisay Mongol Eat Bulaga! Heneral Luna Araw ng Kasarinlan Inquirer Filipino 1 Pahina 3 ng 5 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 11 minuto ATA: _____ A. Isulat ang P kung payak, M kung Maylapi, I kung inuulit, o T kung tambalan ang sumusunod na pangngalan. (Bibigyan ito ng puntos.) ______ 1. anak-araw ______ 6. ingat-yaman ______ 2. bahay-bahayan ______ 7. kagandahan ______ 3. bulong-bulungan ______ 8. kayamanan ______ 4. dapithapon ______ 9. kisapmata ______ 5. haluhalo ______ 10. lamandagat B. Ibigay ang katumbas na pambalana kung ang pangngalan sa bilang ay pantangi, samantalang magbigay ng halimbawa ng pantanging pangngalan kung ang nasa bilang ay pambalana. (Pormatibong Pagtataya/graded) Halimbawa: a. brand Bench b. Philippine Science High School paaralan 1. Coca-cola 2. koponan (pangkat) 3. simbahan 4. Alaska Evaporada 5. Colgate 6. puno 7. Samsung 8. guro 9. bansa 10. Kagawaran ng Agham at Teknolohiya Filipino 1 Pahina 4 ng 5 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 2 minuto ATA: _____ TANDAAN Ang iba’t ibang pamamaraan sa pagbuo ng mga pangngalan tulad ng paglalapi, pag-uulit, at pagtatambal ay nagpapaunlad ng talasalitaan ng ating wika. Kayarian ng Pangngalan 1. Payak 2. Maylapi 3. Inuulit 4. Tambalan Katangian ng Pangngalan 1. Pambalana 2. Pantangi TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Sanggunian: Santiago, Alfonso. (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Book Store. Inihanda ni: BRYAN C. MENDOZA Posisyon: Special Science Teacher 4 Kampus: PSHS-Central Luzon Campus Pangalan ng reviewer: VILLANUEVA, MARY ANNE B. Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV Kampus: PSHS-Southern Mindanao Campus Filipino 1 Pahina 5 ng 5 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. KAILANAN AT KASARIAN NG PANGNGALAN Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Aralin Module Code: 1.0 Lesson Code: 1.3 Time Limit: _30 minuto_ TA: ______ ATA: _____ TA: 1minuto ATA: _____ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nasusuri ang gamit ng pangngalan sa pangungusap batay sa kasarian at kailanan nito; 2. naiuugnay sa buhay ang kahalagahan ng pagtukoy sa kasarian ng pangngalang pantao; at 3. nakasusuri ng kasarian at kailanan ng mga pangngalang ginamit sa teksto. TA: 7 minuto ATA: _____ Panuto: 1. Gamiting gabay ang bawat larawang katumbas ng bawat numero sa talahanayan sa pagtukoy ng salita. 2. Punan ng angkop na letra upang mabuo ang salita/parirala. 3. Pagkatapos ay lagyan ng tsek ang kahon batay sa kasarian nito gayundin ang isinasaad na kailanan o bilang ng bawat salita. 4. Isang tsek (/) lamang ang inaasahan sa kasarian at kailanan ng salita. 5. Tatlong puntos ang katumbas ng bawat bilang. 1 2 3 5 4 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Filipino 1 Pahina 1 ng 5 Mga Salita Kasarian Kalianan Iskor Panlalaki Pambabae Di-tiyak Walang Isahan Dalawahan Maramihan kasarian 1. a _ g t _ _ d_ n_ 2. _ g a p _ _ n_ e _ a 3. m_ g_ a p_ t _ _ 4. t _ _ l o_ g b _ _ _ 5. i _ _ n g ___d_ Maaaring pag-usapan ang mga tanong sa ibaba sa mismong araw ng konsultasyon. Ito ay non-graded. Mga Tanong: 1. Paano itinatakda ang kasarian ng isang salita batay sa nakapaloob sa tseklist? 2. Ano ang batayan kung paano matutukoy ang kailanan o isinasaad na bilang ng isang salita? 3. Kung iuugnay sa ating buhay, sa anong sitwasyon mahalaga ang pagtukoy sa kasarian ng mga pangngalang pantao? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag. TA: 8 minuto ATA: _____ Sa nakaraang aralin ay iyong nabatid ang mahahalagang konsepto hinggil sa kayarian at katangian ng pangngalan. Sa araling ito ay bibigyang-pokus ang pag-aaral sa kasarian at kailanan ng pangngalan. Tara! Halina’t ating tuklasin ang mga bagong kaalaman. Ayon kina Santiago at Tiangco (147: 2003), ang pangngalan ay sumasagisag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari at iba pa. ngunit ito rin ay maaaring mauri batay sa kasarian o seks. Dagdag pa nila, ang tao at hayop ang may kasarian samantalang ang bagay, pook, at pangyayari naman ang mga walang kasarian. Sa aklat na Istruktura ng Wika ni Tanawan et.al (67:2007), inilahad ang apat na uri na kasarian ng pangngalan. Nakapaloob ito sa ibaba at ang mga halimbawa. 1. Panlalaki – mga salita o pangngalang tumutukoy sa ngalan o titulong ikinakabit sa lalaki. Hal: tatay, bayaw, lolo, ginoo, mister, hari, manong atbp. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Filipino 1 Pahina 2 ng 5 2. Pambabae – mga salita o pangngalang tumutukoy sa ngalan o titulong ikinakabit sa babe. Hal: nanay, ditse, lola, reyna, hipag, ale, tiya atbp. 3. Di-Tiyak – mga salitang walang katikayan sa kasarian. Hal: manggagawa, guro, doktor, asawa, bata, drayber, politico, atbp. 4. Walang Kasarian – mga pangngalang tumutukoy sa mga bagay na walang buhay at maaring lugar o pangyayari. Hal: paaralan, aklat, bahay, telepono, kompyuter, atbp. Inilahad din sa aklat ni Lartec et.al ang kailanan o dami ng tinutukoy ng pangngalan batay sa mga pananda o marker sa unahan ng pangngalang salita. Ang kailanan ng pangngalan ay nahahati sa tatlo: 1. Isahan – gumagamit ng panandang ang, ng, sa, si, ni, kay at pamilang na isa. Halimbawa: si Rudy ang ama kay Bong ni Jenny ng damit sa tindahan isang aso 2. Dalawahan – gumagamit ng panlaping makangalan na mag- at pamilang na dalawa. Halimbawa: magkaibigan dalawang tupa magkasintahan dalawang ngipin 3. Maramihan – gumagamit ng panandang mga, sina, kina, nina, marami at ilan. Ginagamit din ang mga pamilang na higit sa dalawa at paggamit ng panlaping mag- na may pag-uulit sa unang pantig ng salita. Halimbawa: mga senador limang ube sina Dora maraming itlog kina Diego magkakaibigan nina Mario magkakabarkada © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Filipino 1 Pahina 3 ng 5 TA: 12 minuto ATA: _____ Panuto: Tukuyin ang kasarian at kailanan ng salitang may salungguhit sa bawat bilang. Ilagay ang sagot sa loob ng kahon. Ang gawaing ito ay graded. Kasarian Kailanan 1. Ang mag-aaral ay napakaingay sa silid-aralan. 2. Tumakbo ang magkakapatid papunta sa ilog. 3. Siya ay isang sikat na artista sa telebisyon. 4. Ang lipstik ay nahulog sa sahig. 5. Maraming doktor ang nagsasakripisyo ng buhay para sa bansa. 6. Nangitlog ang inahin kahapon. 7. Nakaranas ng gutom ang magpinsan dulot ng matinding kahirapan 8. Nawawala ang suklay ni Andrea. 9. Nakaharap ang isang nakaputing binibini sa salamin. 10.Dalawang eskolar ang nagwagi sa internasyonal na kompetisyon. 11.Ang kanyang bana ang nagbuhat ng kanyang bag habang sila ay naglalakad. 12.Ang hipag ni Jane ang tumulong sa kanyang pag-aaral. 13.Si bayaw ang kasama ko sa paghahanap ng trabaho. 14.Ang kanyang esposo ang nagbabantay sa kanilang anak. 15.Ang mag-ina ay parang pinagbiyak na bunga, © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Filipino 1 Pahina 4 ng 5 TA: 2 minuto ATA: _____ TANDAAN Sa araling ito mahalagang mabatid na ang bawat pangngalan ay may kaniya-kaniyang kasarian at kailanan. Tinatakda ang kasarian ng pangngalang Panlalaki at Pambabae kung ito ay tumutukoy sa ngalan o titulo ng lalaki o ng babae. Di-Tiyak ang pangngalan kapag ito ay maaaring parehong tumutukoy sa titulo ng lalaki o babae. Walang Kasarian ang pangngalan kapag ito ay tumutukoy sa anumang bagay na walang buhay at maaring lugar o pangyayari. Ang Kailanan ng Pangngalan ay maaaring batay sa panlaping ginamit sa salita o kaya naman ay sa mga panandang salita sa unahan ng pangngalan sa pangungusap. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Mga Sanggunian: Santiago et.al. 2003. Makabagong Balarilang Filipino. Binagong Edisyon. Quezon City. Rex Book Store, Inc. Tanawan et.al. 2007. Istruktura ng Wikang Filipino. Cabanatuan City. Jimcy Publishing House. Peña et.al. 2016. Kanlungan 7. Batayan at Sanayang Aklat sa Pag-aaral ng Wika at Panitikang Filipino batay sa bagong K-12 Kurikulum. Maynila. ELP Campus Journal Printing. Websites ng mga pinagkuhanang larawan: https://creazilla-store.fra1.digitaloceanspaces.com/cliparts/19774/rooster-clipart-md.png https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcT9c8T9v5B7b- Hs8NQcVdMZYyYpGCWTJ5JPew&usqp=CAU https://i.ytimg.com/vi/SH5QD6E6We8/hqdefault.jpg https://image1.masterfile.com/getImage/NjE0LTAwOTY4NDU5ZW4uMDAwMDAwMDA=AJw- Yy/614-00968459en_Masterfile.jpg https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/a/aa/Faldilla-frunzida.jpg/220px- Faldilla-frunzida.jpg Inihanda ni: SALVADOR DLS. M. LUMBRIA Posisyon: Special Science Teacher 1 Kampus: PSHS-Bicol Region Pangalan ng reviewer: JANETH B. LLORCA © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher 3 released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents Kampus: are not subjectPSHS-SOCCSKSARGEN to update notification. Filipino 1 Pahina 5 ng 5 Panghalip (Katuturan, Uri at Kaukulan) Aralin Filipino 1: Kasaysayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Module Code: 1.0 Lesson Code: 1.4 Time Limit: 30 minuto TA: 1 minuto ATA: _______ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. natutukoy ang mga panghalip sa talata; 2. nauuri ang mga panghalip sa tsart ayon sa panauhan at kailanan; 3. naitatala ang panghalip sa tsart ayon sa panauhan at kailanan; at 4. napipili ang wastong panghalip sa pangungusap. TA: 3 minuto ATA: _______ Mahalagang nailalahad mo ang iyong sariling ideya o opinyon dahil sa pamamagitan nito, malaya mong naipahahayag ang iyong nararamdaman, malikhaing pag-iisip at maaaring makapagbigay ka ng panibagong ideya o pananaw sa isang indibidwal. Ngunit kinakailangang malinaw at maayos ang iyong pagkakalahad upang madali at lubos na maunawaan ng isang indibiwal ang iyong nais na ipahayag. Pansinin at basahin ang kuwento sa loob ng kahon. Si Natoy at ang Alaga niyang Aso G. Roden P. Pedrajas Kilalanin si Natoy. Hindi si Natoy na mahal na mahal ka kundi si Natoy na mahal na mahal si Irene. Si Natoy ay mag-isa na lamang sa buhay ngunit si Natoy ay may alagang aso na si Irene. Sa buong maghapon, kasa-kasama ni Natoy si Irene. Sa pamamasyal man o sa pagtulog. Magkasama rin sina Natoy at Irene kung kumain. Alagang-alaga at tinatrato ni Natoy si Irene na parang tao. Mahal na mahal din ni Irene si Natoy. Binibigyan ng saya ni Irene ang malungkot na puso ni Natoy. Talagang mahal na mahal ni Natoy si Irene at mahal na mahal din ni Irene si Natoy. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katungangan batay sa kuwentong binasa. Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel. Tanong: Ano ang napansin mo sa mga pangungusap? Filipino 1 Pahina 1 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. Napansin mo ba ang kamalian sa pangungusap? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito? Maayos bang pakinggan o basahin ito? May mungkahi ka ba kung paano higit na magiging malinaw at maayos ang pagkakalahad ng kuwento? TA: 15 minuto ATA: _______ Isa sa mga makatutulong sa maayos na pagkakalahad ng iyong nais na ipahayag ay ang paggamit ng mga panghalip sa pangungusap. Ang panghalip ay isa sa mga bahagi ng pananalita. Panghalip Ayon kina Santiago at Tiangco (2003), ang panghalip o pronoun sa Ingles ay ang salitang humahalili o pumapalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o sa kasunod na pangungusap. Halimbawa: 1. Ikaw ay maganda. 2. Ito ang librong ibinigay niya sa akin. 3. Napahinto siya sa gitna ng kalsada. 4. Ilan ang nakuha mong paninda? 5. Halika ka dito. Uri ng Panghalip May apat na uri ng panhalip: (1) Panghalip Panao; (2) Panghalip na Pamatlig; (3) Panghalip Panaklaw; at, (4) Panghalip na Pananong. (1) Mga Panghalip na Panao Ang Pangahlip na panao ay panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa: o Si Engr. Natividad ay tanyag na arkitekto sa Davao. Ang si Engr. Natividad ay maaaring palitan ng siya, kaya ang pangungusap ay magiging o Siya ay tanyag na arkitekto sa Davao. o Tanyag na arkitekto siya sa Davao. Pansinin ang pagbabago ng lugar ng siya sa huling pangungusap, sapagkat kahit maaaring ipalit o ihalip siya sa mismong lugar ng Si Engr. Natividad sa pangungu- sap na Tanyag na arkitekto sa Davao si Engr. Natividad, higit na mas madulas at magandang pakinggan ang Tanyag na arkitekto siya sa Davao kaysa Tanyag na arkitekto sa Davao siya. Mapapangkat sa tatlong anyo ang panghalip na panao: panghalip panao sa anyong ang, panghalip panao sa anyong ng at panghalip panao sa anyong sa. Filipino 1 Pahina 2 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. Naririto ang tsart ng mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo. Pinag-iiba rin sa tsart ang mga panghalip ayon sa panauhan o kung sino ang tinutukoy: Unang panauhan (kumakausap), Ikalawang panauhan (kinakausap), at ikatlong panauhan (pinag-uusapan). Gayundin, pinapangkat ang mga panghalip ayon sa kailanan o bilang ng tinutukoy: kailanang isahan, dalawahan at maramihan. Tsart 1 Mga Panghalip na Panghalip Panauhan/ Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa (Palagyo) (Paukol) (Paari) Isahan Una ako ko akin Ikalawa ikaw, ka mo iyo Ikatlo siya niya kanya Dalawahan Una *(kata) *nita *(kanita) kita, tayo natin atin Ikalawa kayo ninyo inyo Ikatlo sila nila kanila Maramihan Una kami namin Amin Ikalawa kayo ninyo Inyo Ikatlo sila nila kanila Ipinapakita sa tsart ang mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang panauhan at sa iba’t ibang kailanan. Tulad ng nabanggit na, ang pag-iiba-iba ng anyo ng panghalip ay naaayon sa mga kaukulan ng pangngalang hinahalipan. Kung ang pangngalang hinahalipan ay nasa anyong ang, ang panghalip na maihahalili ay nasa anyong ang din. Halimbawa: o Ang Unang Ginang ng bansa ay masigasig na tagataguyod ng kapakanang pangmadla. ay magiging o Siya ay masigasig na tagataguyod ng kapakanang madla. Kung ang pangngalang hinahalipan ay nasa anyong ng, ang panghalip na maiha- halili ay dapat nasa anyong ng din. Halimbawa: o Malalaki at matataba ang mga baboy na alaga ni Mang Inggo. Filipino 1 Pahina 3 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. ay magiging o Malalaki at matataba ang mga baboy na alaga niya. Samantala, kung ang pangngalang hinahalipan naman ay nasa anyong sa, ang panghalip na magagamit ay yaong nasa anyong sa rin. Halimbawa: o Ang aklat para sa guro ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan. ay magiging o Ang aklat para sa kanya ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bansa. Makikita sa tsart sa itaas ang mga panghalip na dalawahan: kata, nita at kanita. Ang mga panghalip na ito ay matandang Tagalog na tumutukoy sa taong kumakausap at sa taong kinakausap. Ang kata ay nangangahulugang ng ikaw at ako; ang nita ay nangangahulugan ng pinagsamang ko at mo; at kanita ay nangangahulugang akin at iyo. Halimbawa: o Kata ay magpupundar ng maliit na negosyo. ang kata ay maaaring gawing o Ikaw at ako ay magpupundar ng maliit na negosyo. Sa ngayon, ang ginagamit ay kita at tayo sa halip na kata. Mababanggit din dito na ang panghalip na dalawahan kita at tayo, bukod sa sumasakop sa dalawahang panauhan, tulad ng mga nabanggit sa itaas, ay sumasakop pa rin sa dalawang pokus. Ang panghalip na kita ay nangangahulugan ng pinaikling ko (na pokus ng) at ikaw (nasa pokus ang). Halimbawa: o Ipadadala kita sa ibang bansa upang magmasid tungkol sa makabagong pagsasakahan. Ang kita ay mapapalitan ng ko ikaw, kayat ang pangungusap ay magiging o Ipadadala ko ikaw sa ibang bansa upang magmasid tungkol sa makabagong pagsasakahan. Pansinin na ang mga panghalip na dalawahan ay bihira nang gamitin sa ngayon. Sa halip, ang ginagamit ay tayo, natin at atin. Ang Kulturang Filipino sa mga Panghalip Ang paggalang sa mga nakatatanda o sa mga estranghero, maging ang mga ito ay halos kasinggulang ng nagsasalita, ay naipapakita, hindi lamang sa pamamagitan ng mga katagag pamitagan, tulad ng po o ho, kundi gayon din sa pamamagitan ng mga panghalip na kayo/ninyo/inyo/ at sila/nila/kanila. Tulad ng napag-aralan na natin, ang kayo/ninyo/inyo ay mga panghalip na panaong nasa ikalawang panauhan at nasa kailanang dalawahan o maramihan. Ngunit magagamit ang mga ito para sa taong kinakausap, kahit sa iisa lamang, kung nais magpakita ng paggalang ang nagsasalita. Filipino 1 Pahina 4 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. Halimbawa o G.Patricio, ano po ang kailangan ninyo? ang kinakausap ay iisa lamang, ngunit ang panghalip na ginagamit ay ang maramihang ninyo. Higit na mataas ang antas ng paggalang ng mga panghalip na sila/nila/kanila, kung ihahambing sa kayo/ninyo/inyo. Higit na matanda at higit na kagalang-galang ang mga taong pinag-uukulan nito. Halimbawa: o Sila ang ating mahal na pangulo. ang panghalip na sila ay nagsasaad ng mataas na antas ng paggalang. (2) Mga panghalip na Pamatlig Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o inihimaton. Halimbawa: o Gabay ng mga turista ang kapatid nito. o Palaging pumupunta si nanay doon. o Ito ang mga anak ni mang Juan. o Ganyan din ang paraan ng pagluluto ni tatay ng kaldereta. o Naroon sa kabilang bahay si Lolly. Mapapangkat sa apat na uri ang mga panghalip na pamatlig: penominal, panawag- pansin o pahimaton, patulad at panlunan. Tsart II Mga Panghalip na Pamatlig I. Pronominal A. Anyong ang (paturol) 1.*ire (ibang anyo: yari) 2. ito 3. iyan (ibang anyo: yaan) 4. iyon (ibang anyo: yaon) B. Anyong ng (paari) 1.*nire (ibang anyo: niyari) 2. nito 3. niyan 4. noon (ibang anyo: niyon, niyaon) Filipino 1 Pahina 5 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. C. Anyong sa (paukol) 1. *dine 2. dito 3. diyan 4. doon II. Panawag-pansin o pahimaton 1. *(h) ere 2. (h) eto 3. (h) ayan 4. (h) ayun III. Patulad 1.*ganire 2. ganito 3.ganyan 4. ganoon (ibang anyo: gayon) IV. Panlunan 1. *narini (ibang anyo: nandini) 2. narito (ibang anyo: nandito) 3. nariyan (ibang anyo: nandiyan) 4. naroon (ibang anyo: nandoon) Ang uring pronominal ay yaong pamalit at nagtuturo lamang sa ngalan ng tao o bagay, at wala nang iba pang kahulugang kasangkapan, tulad ng paghihimaton sa tao, o bagay, paghahambing, o pagsasaad ng pook na kinaroroonan ng tinutukoy, na siya namang kahulugan ng iba pang mga uri. Ipinapakita sa tsart ang apat na uri ng panghalip na pamatlig. Ang bawat uri ay may apat na kategorya: malapit na malapit sa nagsasalita, malapit sa nagsasalita, malapit sa nakikinig at malayo kapwa sa nagsasalita at nakikinig. Ang yari/niyari ay itinuturing ng marami na mga anyong pampanitikan. Kung susuriin nating mabuti, maaaring masabing ang anyong yaon ay korupsyon lamang ng mga anyong iyan at iyon; gayundin naman, ang niyon/niyaon ay maaaring korupsyon din ng niyan/noon. Ang pamatlig na pronominal ay mapapangkat din sa tatlong anyo ayon sa pagkakaugnay ng mga ito sa pokus ng pangungusap: anyong ang, anyong ng at anyong sa. Mapapansing ang mga pamatlig na patulad ay pinaikling anyo lamang ng gaya at ng anyong ng upang magpahayag ng pagkakatulad ng mga tinutukoy ng nagsasalita; tulad ng makikita sa ibaba: gaya nire ganire gaya nito ganito gaya niyan ganiyan / ganyan Filipino 1 Pahina 6 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. gaya noon / niyon ganoon / gayon Ang mga pamatlig na panlunan ay masasabi namang pinaikling anyo ng nasa at ng anyong ang ng pamatlig na maaaring ipalit sa mga kayarian nasa sa mga pusisyong panaguri at paksa. Ang unang kategorya ng mga panghalip na pamatlig na ire, nire, dine (h) ere, ganire, narini at ang ikalawang kategorya ito, nito, dito, (h) eto, ganito, at. narito ay ginagamit sa paghihimaton o pagututuro sa anuman sa higit na malapit sa nagsasalita kaysa kausap. Karaniwang binibigyan ng pagkakaiba ng mga katutubong Tagalog ang gamit ng unang kategorya at ikalawang kategorya. Ginagamit nila ang unang kategorya upang tumukoy sa anumang malapit na malapit sa nagsasalita at karaniwang naabot ng kamay, samantalang ang ikalawang kategorya ay mas malawak ang kahulugan at karaniwang ginagamit upang tumukoy sa anumang basta malapit sa nagsasalita. Pakaunti na nang pakaunti ang gumagamit ng unang kategorya sa ngayon. Ang dahilan marahil ay sapagkat sapat na ang ikalawang kategorya sa pangangailangan ng nagtatalastasan. Ginagamit naman ang ikatlong kategoryang iyan, niyan, diyan, (h)ayan, ganyan at nariyan kung ang inihihimaton o itinuturo ay higit na malapit sa kinakausap kaysa nagsasalita. Ang ikaapat na kategoryang iyon, noon, doon,(h) ayon, ganoon at naroon ay ginagamit naman kung ang inihihimaton o itinuturo ay malayo sa nagsasalita at kinakausap. Nagagawang pangmaramihan ang mga pamatlig ng proniminal sa pamamagitan ng paglalagay ng ang/ng/sa sa unahan ng anyong ang. Halimbawa: ang mga ito, ng mga ito, sa mga ito. Narito ang iba’t ibang gamit sa pangungusap ng mga anyong ang. Halimbawa: o Ito ay yaring Pilipino. (simuno) o Ang yaring Pilipino ay ito. (kaganapang pansimuno) Ginagamit ang anyong ng na panghalili sa pariralang pang-ukol na nagpapahayag ng diwang paari. Halimbawa: o Napapanahon ang kurso ng mag-aaral na ito. o Napapanahon ang kurso nito. Ginagamit ang anyong sa bilang panghalili sa pariralang pang-ukol pinangungunahan ng pang-ukol na sa at samakatuwid ay nagsasaad ng lunan. Halimbawa: o Ang klima sa pook na ito ay mabuti sa kalusugan. o Ang klima rito ay mabuti sa kalusugan. Filipino 1 Pahina 7 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. (3) Mga Panghalip na Panaklaw Panghalip na panaklaw ang tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng tinutukoy. Narito ang mga halimbawa ng mga panghalip na panaklaw: isa anuman magkanuman iba alinman kuwan balana sinuman madla lahat ilanman pawa tanan kailanman saanman gaanuman Halimbawa: o Pinalabas ng guro ang isa. o Balana ay humanga sa kagandahan ng Bulkang Mayon. o Sinuman ay maaaring lumahok sa patimpalak na ito. (4) Mga Panghalip na Pananong Panghalip na pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atbp., na ginagamit sa pagtatanong. Kaganapang pansimuno ang gamit ng mga ito. Mapapangkat ang mga ito sa dalawahang kailanan : isahan o maramihan. Narito sa talaan ang ilang mga panghalip na pananong: Isahan Maramihan sino sino-sino ano ano-ano alin alin-alin kanino kani-kanino ilan ilan-ilan Halimbawa: o Ano ang pangalan ng alaga mong aso? o Ilan kayong magkakapatid? o Ano-ano ang inihandang putahe ng iyong ina para sa iyong kaarawan? o Sino-sino ang kasama ni Bryan sa pamamasyal kahapon? o Alin-alin ang maaari pa nating dalhin? Filipino 1 Pahina 8 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. Kaukulan ng Panghalip Ang mga panghalip ay makikilala dahil sa implikasyon o pagbabagong-anyo ayon sa kaukulan. (a) Ang mga panghalip na nasa anyong ang/si o Palagyo Ang pangngalang pinangungunahan ng ang/si ay nasa kaukulang ang o palagyo. Palagyo rin ito kung ang panghalip ay ginagamit bilang paksa o simuno ng pangungusap. Halimbawa: o Ang mabuting mamamayan ay may disiplina sa sarili. Ang pariralang Ang mabuting mamamayan ay maaaring palitan ng panghalip na siya. Nasa kaukulang ang o palagyo ang pariralang Ang mabuting mamamayan, kayat ang panghalip na siya ay nasa kaukulang ang o palagyo din. Karagdagang Halimbawa: o Siya ang nakakuha ng gintong medalya sa 2020 Asian International Mathematics Olympiad. o Napili ako na maging kinatawan ng paaralan sa darating na press conference. o Ito ang mga dapat gawin upang maiwasan na mahawa sa sakit dulot ng virus na CoVid-19. (b) Ang mga panghalip na nasa anyong ng/ni o Paukol Ang pangngalang pinangungunahan ng ng/ni ay nasa kaukulang ng o Paukol. Ginagamit ito bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang tinig- balintiyak. Halimbawa: o Nagwagi ng “Cultural Heritage Award” ang tula ni Amado V. Hernandez na “Isang Dipang Langit” ay maaaring palitan ng kanya (ang kanya ay maaaring tumutukoy sa tao) o niya. Halimbawa: o Nagwagi ng “Cultural Heritage Award” ang kanyang tulang “Isang Dipang Langit”. o Nagwagi ng “Cultural Heritage Award” ang tula niyang “Isang Dipang Langit”. Karagdagang Halimbawa: o Palagi niyang sinusunod kung ano ang tama. o Napapasaya nila ang batang paslit sa naimbentong asong robot. o Madalas mong binibisita ang iyong lola. (c) Ang mga panghalip na nasa anyong sa/ kay o Paari Ang mga pangngalang pinangungunahan ng sa/kaysa/kay ay nasa kaukulang sa o Paari. Nagsasaad ito ng pang-aangkin ng isang bagay sa loob ng pangungusap. Halimbawa: o Ang sa bata ay itago mo muna. o Ang kay Nene ay gayon din. Filipino 1 Pahina 9 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. Ang pariralang pangngalan sa bata at kay Nene ay maaring palitan ng kanya. Halimbawa: o Ang (sa) kanya ay itago mo muna. o Ang (sa) kanya ay gayon din. Karagdagang Halimbawa: o Ang kanyang damit na sinuot sa Pagpadungog 2020 ay bigay ng kanyang ina. o Amin ang lupang sinasakahan ng mga taong nadoon. o Ang kanyang perang naiwan ay inyo. TA: 5 minuto ATA: _______ I. Maramihang Pili. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Si Mary ay ganyan din matulog. A. Panaklaw C. Pananong B. Pamatlig D. Panao 2. Gaano karami ang nahakot mong medalya sa International Tornament? A. Pamatlig C. Panaklaw B. Panao D. Pananong 3. Pupuntahan kita kahit saanman. A. Pananong C. Panaklaw B. Panao D. Pamatlig 4. Maaari mo bang sabihin kung paano mo nakamit ang pagiging Director’s List? A. Panao C. Panaklaw B. Pamatlig D. Pananong 5. Nakatanggap ang lahat na taga-Brgy. Sta Ana ng ayuda. A. Panaklaw C. Pamatlig B. Panao D. Pananong Filipino 1 Pahina 10 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. II. Pagkilala Panuto: Isulat kung anong uri ng kaukulan ang mga sumusunod na pangungusap. ________1. Ito ang mabisang gamot sa sakit ng ulo. ________2. Gusto mo tulungan kita sa programming? ________3. Magkakaibigan tayo simula noong bata pa. ________4. Naipakita natin ang pagka-Pilipino sa ibang bansa. ________5. Inaaalalayan ako ng aking mga kaibigan hanggang sa makatapos ako sa Pisay. III. Pagbuo Panuto: Palitan ng wastong panghalip panao ang mga salitang may salungguhit. Tukuyin kung anong panauhan ang ipinalit na panghalip. 1. Sina Venice at Charlie ay nagdesisyon na kumuha ng Entrance Exam sa Pisay. ____________________________________________________/_____________ 2. Sobrang malayo ang nilakad nina Jen at Fellah papuntang robotics exhibit sa Plazuela. ____________________________________________________/_____________ 3. Ikaw at ako ang kakatawan sa Young Inventor Challenge 2021. ____________________________________________________/_____________ 4. Ako, si Alexa at Kevin ang magkakasama sa pangkat sa pagbuo ng infographics ukol sa COVID-19. ____________________________________________________/_____________ 5. Kinuha ni Marvin ang perang pinadala ng kanyang ina para sa kanyang kakailanganing materyales sa Adtech. ___________________________________________________/________________ TA: 6 minuto ATA: _______ TANDAAN Mahalaga na maganda at malinaw ang pagpapahayag ng iyong mga ideya upang mabilis ka ring maunawaan ng iyong tagapakinig. Sa pamamagitan ng aralin na ito ikaw ay natulungang maging isang malinaw na tagapag- salita. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Filipino 1 Pahina 11 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. Mga Sanggunian: Aklat: Santiago, A.O., at Tiangco, N. G. (2003). Makabagong Balarilang Filipino. 856 Nicanor Reyes, Sr. Sampaloc, Maynila: REX Book Store, Inc. Internet: Noypi.(2019).PANGHALIP: Uri ng Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Gamit, Atbp. Mula sa https://noypi.com.ph/panghalip/ Inihanda ni: Bb. Chrizl D. Funtanilla Posisyon: Special Science Teacher I Kampus: PSHS-Western Visayas Pangalan ng Reviewer: Jenahlyn V. Retreta Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV Kampus: PSHS-Ilocos Region Filipino 1 Pahina 12 ng 12 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled document are not subject to update notification. PARIRALA/SUGNAY/PANGUNGUSAP Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Module Code: 1.0 Lesson Code: 1.5 Time Limit: 30 minuto TA: 1 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng araling ito, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nasusuri ang grupo ng mga salita kung parirala, sugnay at pangungusap; 2. natutukoy ang pagkakaiba ng mga sugnay sa pangungusap; at 3. nauuri ang mga pangungusap ayon sa pangungusap na walang tiyak na simuno. TA: 3 minuto ATA: ______ Sa nakaraang markahan, napag-aralan mo ang mga salita – ang kayarian at anyo nito. Napakahalaga ng inyong mga naunang kaalaman tungkol sa mga salita upang makabuo ng pahayag. Upang masuri ang inyong natutuhan gawin ang gawain sa ibaba. Payahag Mo, Buoin Ko Bumuo ng isang makabuluhang pahayag nang may wastong gramatika mula sa sumusunod na mga salita. Isulat ang iyong sagot sa ibaba. kinakaharap sistema pandemya edukasyon napakalaking ng ang ng hamon Sagot: ______________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ _ Filipino 1 Pahina 1 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Panuto: Sagutin ang sumusunod at isulat ang iyong sagot sa espasyo na ibinigay. 1. Paano mo ginamit ang mga salita upang makabuo ng isang pahayag? Sagot: ___________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ 2. Paano nakatulong ang mga salita upang maipahayag mo ang iyong gustong sabihin? Sagot: ____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 3. Gaano kahalaga ang ginagampanang papel ng mga salita upang makabuo ng pahayag? Ipaliwanag. Sagot: ____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ TA: 10 minuto ATA: _____ Isang napakahalagang sangkap upang makabuo ng makabuluhang pahayag ang mga salita. Sa katunayan, ang mga salita rin ang bumubuo sa mga parirala, sugnay at pangungusap na bumubuo rin sa isang diskurso. Kaugnay rito, nagbigay ng pakahulugan sina Antonio, et. al. (2000) sa parirala, sugnay at pangungusap. Ang mga ito ay ang sumusunod: ❖ PARIRALA – lipon o grupo ng mga salita na hindi nagsisimula sa malaking titik, walang bantas at hindi kumpleto ang diwa. Halimbawa: dalawang dilag, sa ating bayan, ang mga kabataan, kahanga-hangang kabayanihan Filipino 1 Pahina 2 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. ❖ SUGNAY – pangkat ng mga salita na may simuno at panaguri at maaato ay nagpapahayag ng kumpleto o hindi kumpletong kaisipan. Halimbawa: Nang marating namin ang tuktok ng bundok, ako’y namangha. ❖ PANGUNGUSAP – salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan. Halimbawa: Biyaya ng Maykapal ang ating buhay. Dagdag pa rito, may iba’t ibang uri ang sugnay; ang sugnay na nakapag-iisa o malayang sugnay at sugnay na di-nakapag-iisa o di-malayang sugnay. ❖ SUGNAY NA NAKAPAG-IISA – nagtataglay ng paksa o simuno at panaguri at nagpapahayag ng kumpletong kaisipan.Tinatawag din itong malaya o pangunahing sugnay dahil nakatatayo itong mag-isa. Halimbawa: Maganda siya subalit hindi kaaya-aya ang kanyang pag-uugali. ❖ SUGNAY NA DI-NAKAPAG-IISA – nagtataglay din ng paksa o simuno at panaguri subalit hindi kumpleto ang kaisipang ipinapahayag. Tinatawag din itong di-malaya o katulong na sugnay dahil hindi ito nakatatayong mag-isa. Halimbawa: Bumagsak siya sa pasulit dahil nagpabaya siya sa pag-aaral. Samantala, may mga salita, grupo ng mga salita o pahayag na maituturing na pangungusap sa kabila ng hindi pagtataglay ng kumpletong bahagi nito o walang tiyak na simuno o paksa dahil sa buong diwang ipinahihiwatig nito. ❖ URI NG PANGUNGUSAP NA WALANG TIYAK NA PAKSA 1. Eksistensyal – nagsasasaad ng “pagkamayroon” o “pagkawala”. Halimbawa: Wala pang sundo. May solusyon na. May ginagawa pa. Walang sumang-ayon. May panauhin sa bahay. 2. Temporal – nagsasasaad ng kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na itong pang-abay na pamanahon. Halimbawa: (Oras, araw, petsa) Dapit-hapon na. Samakalawa ay Martes. Ala una pa lang ng madaling araw. Filipino 1 Pahina 3 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Halimbawa: (panahon, selebrasyon) Kaarawan niya kahapon. Magbabakasyon lang. Undas sa nakaraang linggo. 3. Modal – nangangahulugan ito ng gusto, puwede, maaari, dapat o kailangan. Halimbawa: Pwede bang subukan? Gusto mo ba? Dapat lang. Kailangan talaga! 4. Ka-Pandiwa – nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na “lang” o “lamang”. Halimbawa: Kagagaling ko lang ng palengke. Kaaalis lamang. Kasasabi niya lang. Kararating lang. 5. Penomenal – tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o pangkapaligiran. Uri ng Penomenal: Verbal – binubuo ng pandiwa na maaaring may adverbial o pang-abay. Halimbawa: Umuulan. Bumabaha kahapon. Iinit marahil. Adjectival – binubuo ng mga pang-uri na maaaring may kasamang adverbial o pang-abay. Halimbawa: Maginaw ngayon. Napakamaalinsangan talaga. Makulimlim na naman. Filipino 1 Pahina 4 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 6. Mga Panawag – maaaring tawaging “vocative” o iisang salita o panawag. Halimbawa: Pssst! Honey! Hoy! Miss! 7. Pambating Panlipunan – magagalang na pananalita o ekspresyon na mahalaga sa pakikipagkapwa-tao. Halimbawa: Salamat po! Magandang araw! Tao po! 8. Padamdam – nagsasaad ng matinding damdamin ng tao. Halimbawa: Ay mali! Aray ko! Diyos ko! Susmaryosep! 9. Pakiusap – nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap. Halimbawa: Pakiabot nga! Sige na. Makisuyo nga! TA: 15 minuto ATA: _____ Paalala: Ang bahaging ito ay bibigyan ng puntos. I. Panuto: Isulat ang PR kung ang sinalungguhitan sa pahayag ay PARIRALA, SY kung SUGNAY at PN kung PANGUNGUSAP. Isulat ang sagot bago ang bilang. (1 puntos bawat bilang) ___ 1. Humanap ng paraan ang kanyang mga magulang para malunasan ang problema. Filipino 1 Pahina 5 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. ___ 2. Matamang nakikinig ang mga tao habang nagpapaliwanag ang pangkat ng IATF. ___ 3. Ang direktor at mga guro ang pasimuno sa programang Pisayuda. ___ 4. Tama na! ___ 5. Mahalaga ang pag-unawa sa teknolohiya. II. Panuto: Salungguhitan ng isang beses ang sugnay na nakapag-iisa at dalawang beses ang sugnay na di-nakapag-iisa. (2 puntios bawat bilang) 1. Mapapangako lamang niya iyon kung makikita niya ang reporma sa pamahalaan. 2. Hindi niya makuha ang mataas na marka kasi hindi siya nagsusunog ng kilay. 3. Napakaganda ng ating kapaligiran kaya nararapat natin itong pangalagaan at ingatan. 4. Bagamat napakalaking hamon ang kinakaharap ng ating institusyon sa sistema ng edukasyon, ginagawa pa rin nito ang lahat para sa ikabubuti ng mga mag-aaral. 5. Sundin natin ang lahat ng mga tuntunin upang maisaalang-alang natin ang ating kaligtasan. III. Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap na walang paksa. Isulat ang sagot sa espasyo bago ang pahayag. (1 puntos bawat bilang) _____________ 1. Beshie! _____________ 2. Pakitingnan muna. _____________ 3. Laban lang! _____________ 4. Dapat mag-ingat sa panahong ito. _____________ 5. Alas-diyes na ng gabi. _____________ 6. Maulan-ulan sa isang araw. _____________ 7. Kapapalit lang. _____________ 8. Walang nang alcohol. _____________ 9. Magandang buhay! _____________ 10. Kailangan lang talaga. Filipino 1 Pahina 6 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 1 minuto ATA: _____ TANDAAN Ngayong natutuhan mo na ang mga konsepto ng parirala, sugnay at pangungusap na napakahalaga sa pagbuo ng mga pahayag, handa ka na, na gamitin ang mga iyong kaalaman upang bumuo ng mga pahayag na may tamang istruktura at gramatika. Sa pagbuo ng pahayag o diskurso, ang mga ito ay magkakaugnay at itinuturing na mahalagang sangkap tungo sa isang makabuluhang komunikasyon. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Mga Sanggunian: Antonio, Lilia F., Mangahis, Josefina C., Nuncio, Rhoderick V., at Javillo, Corazon M. (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Binagong Edisyon, p. 123-125; 127). 839, EDSA, South Triangle, Quezon City: C & E Publishing, Inc. Slideshare. (2013, September 02). Pangungusap na Walang Paksa. Kinuha August 28, 2020 mula sa https://www.slideshare.net/grc_crz/mga-pangungusap-na-walang-paksa Inihanda ni: RONALD RANDOLF E. ABAO Posisyon: Special Science Teacher II Kampus: PSHS-Zamboanga Peninsula Region Campus Pangalan ng reviewer: JENAHLYN V. RETRETA Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher IV Kampus: PSHS-Ilocos Region Campus Filipino 1 Pahina 7 ng 7 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Ibong Adarna Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Module Code: 2.0 Lesson Code: 2.1 Time Limit: 30 minuto TA: 1 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nahihinuha ang korido; 2. natutukoy ang persona ng tula; 3. nakapagpapahayag ng pangunahing kaisipan ng tula; at 4. nakapagsusuri sa mga pagpapahalagang taglay ng pangunahing tauhan. TA: 4 minuto ATA: _____ Suriin ang mga larawan sa ibaba. Kilalanin kung anong uri ng ibon ang mga ito. Gawing gabay ang mga impormasyong naibigay ukol sa mga ito. Isulat ang sagot sa puwang na nakalaan. 1. Ang scientific name nito ay Pithecophaga jefferyi Ang taas ay humigit-kumulang 1 metro, at ang lapad ng pakpak ay humigit-kumulang 2 metro kapag nakabuka. Malayong mas malinaw ang mata nito kaysa sa tao. Sa Pilipinas lamang ito matatagpuan, sa mga isla ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao Ito ang pambansang ibon ng Pilipinas Ang larawan ay kuha sa https://www.hd- freewallpapers.com/desktop-monkey-eating-eagle-pics- download/ 2. Lonchura atricapilla ang scientific name nito. Ito ay isang maliit na ibon, nasa 11-12 sentimetro ang taas. Isa ito sa mga ibon na kapag lumipad ay langkay-langkay at magkakasama sa pagdapo sa mga puno’t halaman. Matatagpuan ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga bansang Indonesia, China, India, Malaysia, Cambodia Burma, Bangladesh, Laos, Nepal, Singapore, Brunei, Hawaii, Taiwan, Thailand, at Ang larawan ay kuha sa https://ebird.org/species/chemun Vietnam. Ang ibong ito ang dating pambansang ibon ng Pilipinas. Filipino 1 Pahina 1 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Nadalian ka ba sa pagtukoy sa dalawang larawan sa itaas? Marahil ay oo sapagkat matatagpuan ang mga ibong ito sa Pilipinas. Ngayon naman ay saliksikin ang “Ibong Adarna”at ilahad ang mga katangian nito sa maliliit na kahon. 3. IBONG ADARNA Ang larawan ay mula sa http://www.positivelyfilipino.com/ magazine/the-ibong-adarna-an-enduring-enigma Filipino 1 Pahina 2 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 10 minuto ATA: ___ Halika, maglakbay tayo sa mundong hindi pangkaraniwan at punong-puno ng kababalaghan, ang mundo ng Ibong Adarna! Pero bago iyan, alamin muna natin ang kasaysayan ng klasikong akda na ito. Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Ang ibong Adarna ay isang korido o isang uri ng tulang pasalaysay na may sukat na walong pantig ang bawat taludtod, ang pagbigkas at pag-awit nito ay mabilis o allegro, at ang tema ay umiikot sa pananampalataya, alamat at kababalaghan. Ang orihinal na pamagat nito ay “Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at Reina Valeriana sa Cahariang Berbania”. Sinasabing ang akdang ito ay hindi itinuturing na “orihinal” na nagmula sa Pilipinas. Ang korido ay nagmula sa Mexico at nakarating sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Hanggang sa kasalukuyan, walang dokumento na magpapatunay kung sino talaga ang kumatha ng Ibong Adarna, bagaman pinaniniwalaang isinulat ito ni Jose dela Cruz o Huseng Sisiw. Ngayong may ideya ka na sa kaligiran ng akdang “Ibong Adarna”, dumako naman tayo sa nilalaman nito. Tandaan, ito ay isang korido, isang mahabang tulang pasalaysay na may sukat at tugma. Mahaba ang akda kung babasahin, ibig sabihin kailangang paglaanan ng ilang oras para matapos. Para sa buod ng koridong Ibong Adarna ay puntahan ang link na ito: https://tl.wikipedia.org/wiki/Ibong_Adarna Sa ibaba ay basahin ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng korido na kung saan inilalahad kung paano niya nahuli ang Ibong Adarna. Filipino 1 Pahina 3 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. SA BUNDOK NG TABOR 1 Nagtungo na si Don Juan sa Tabor na kabundukan, nang maagang maabangan yaong ibong kanyang pakay. 2 Dumating sa punungkahoy nang wala pa itong ibon iniisip-isip ang layon kung bakit ba naroroon. 3 Datapwa’t hindi natagalan sa ganitong paghihintay ay kanya nang natanawan ang Adarnang dumaratal. 4 Napuna pa nang dumapo ang Adarna’y tila hapo kaya’t kanyang napaghulo Larawan ay mula sa ibo’y galing sa malayo. https://en.wikipedia.org/wiki/Ibong_Adarna#/media/ File:Ibong_Adarna.jpg 5 Gintong sanga’y dinapuan binalanse ang katawan pagkanta ay sinimulan tinig ay naulinigan 6 Ginamit sa unang gayak sa Prinsipe’y nakabihag, kung malasin sadyang perlas nagniningning sa liwanag. Filipino 1 Pahina 4 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 7 Nagbago sa kanyang unang bihis 13 Kaya hindi tinamaan kaya nga naging marikit naligtas sa kasawian, katugon ng umaawit inantay nang mapahimlay na malambing at matamis. ang Adarnang susunggaban. 8 Natutuksong makatulog 14 Kung matulog ang Adarna si Don Juang nanunubok ang pakpak ay nakabuka, ang labaha ay dinukot dilat ang dalawang mata at ang palad ay tinusok gising ang katulad niya. 9 Lamang sumungaw sa balat 15 Ang Prinsipe ay nagmatyag pinigaan pa ng dayap tulog ng ibo’y panatag, sa hapdi’y halos maiyak dahan-dahan nang umakyat katawan ay napaliyad sa puno ng Piedras Platas. 10 Napawi ang pag-aantok 16 Agad niyang sinunggaban dahil sa tindi ng kirot sa paa’y biglang tinangnan si Don Juan ay lumuhod, at ginapos nang matibay nagpasalamat sa Diyos. ng sintas na gintong lantay. 11 Pitong kanta nang magwakas 17 Tagumpay ay nahawakan nitong ibon sakdal dilag, puso ay naligayahan pito rin ang naging sugat ibon ay sunud-sunuran ni Don Juang nagpupuyat. kay Don Juang iginagalang 12 Ang ibon ay nagbawas na 18 Adarna’y ipinakita ugali pagtulog niya, sa ermitanyong kilala sa Prinsipe nang makita ang matanda’y napatawa inilagan kapagdaka. ang ibon ay inihawla. Filipino 1 Pahina 5 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 19 Saka anang Ermitanyo: 26 Wala silang mahagilap “Iyang banga ay kunin mo, na salitang matitimyas madali ka at sa iyo o anumang maitumbas merong iuutos ako. kay Don Juang mga hirap. 20 Tubig ay isalin diyan 27 Ang kanilang pagsasaya sa banga mong tangan-tangan di na hangad matapos pa, dalawang bato’y buhusan kundi nga lang naalala diya’y may magtitindigan.” ang maysakit nilang ama. 21 Si Don Juan ay sumalok 28 Kaya agad napatungo ng tubig na iniutos, sa bahay ng Ermitanyo sa estatwang nakatanghid upang ipadama rito dahan-dahang ibinuhos. ang ligaya nilang tatlo. 22 Si Don Pedro ay tumindig 29 Sila nama’y hinainan at niyakap ang kapatid ng pagkaing inilaan, sa paglalapat ng dibdib bilang isang pagdiriwang luha’y di mapatid-patid sa tagumpay ni Don Juan. 23 Isinunod si Don Diego 30 Ang piging nang matapos na na nang maging isang tao Ermitanyo ay kumuha di mawari itong mundo ng lamang nasa botelya, kung dati ba o nabago. lunas na kataka-taka. 24 Makulay na ang daigdig 31 Mga sugat ni Don Jua’y ng tatlong magkakapatid magiliw na pinahiran bawat isa ay may sambit gumaling at pinagtakhan sa puso ay may pag-ibig. walang bakas bahagya man. 25 Lalo na nga ang dalawa 32 “Ngayon, anang Ermitanyo sa dalita’y natubos na mangagsiuwi na kayo kahit sumaludo sila magkasundo kayong tatlo kay Don Juan ay kulang pa. wala sanang maglililo. Filipino 1 Pahina 6 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 33 Don Juan pakikuha na ang marikit na hawla, baka di datnang buhay pa ang inyong mahal na ama.” Ilang Pagpapahalagang Nakapaloob sa Akdang Ibong Adarna 1. PANANALIG SA DIYOS at BIRHENG MARIA Ang nagsasalita sa saknong na ito ay Persona: Paghahandog ng Awtor ang manunulat/may-akda. 1 “O,Birheng kaibig-ibig, Ina naming nasa langit, Liwanagan yaring isip Nananawagan ang may-akda kay Pangunahing Nang sa layo’y di malihis” Kaisipan Birheng Maria na tulungan siya, gabayan siya patungo sa tamang landas. Pinapatunayan ng saknong na ito na ang may-akda ng Ibong Adarna ay isang taong may pananalig sa Diyos at kay Birheng Maria. Isa pang halimbawa ng saknong na nagpapakita ng pananalig sa Diyos: Ang nagsasalita sa saknong na ito ay Persona: si Don Juan. Prinsesa Juana Huwag matakot sa mga Pangunahing 26 “Prinsesa kong minamahal, hamon/pagsubok, magtiwala lamang Kaisipan ang matakot ay di bagay, sa Diyos sapagkat Siya’y may plano manghawak sa kapalara’t para sa atin. sa Diyos na kalooban.” Katangian Mahihiwatigan sa saknong na ito na ng Tauhan: si Don Juan ay mannampalataya sa Diyos Filipino 1 Pahina 7 ng 13 © 2020 Philippine Science High School System. All righ