Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (PPTP_Intro)

Summary

This presentation provides an overview of reading, its function in research, and the importance of reading for learning. It also covers crucial aspects such as methods and comprehension levels.

Full Transcript

PANALANG IN PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Ayon kay Gustave Flaubert, isang manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kanyang akda na “Huwag kang magbasa, gaya ng bata, u...

PANALANG IN PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Ayon kay Gustave Flaubert, isang manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa kanyang akda na “Huwag kang magbasa, gaya ng bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.” KAHULUGAN NG PAGBASA Ang pagbasa ay isang kognitibong proseso ng pagkuha, pagkilala, pag-unawa sa mga nakaimbak at nakasulat na impormasyon o ideya. Ang mga ideyang ito ay representasyon ng wika bilang simbolo na maeeksamen ng mata o mahahawakan. Halimbawa, ang Ayon naman kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan na nagangahulugan ng koordinasyon ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. Isang “psycholinguistic guessing game” para kay Goodman (1967, 1971, 1973) ang pagbasa kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong binasa. Sa ganito’y nagbibigay ang mambabasa ng sariling paghahaka o panghuhula, Tiniyak nina Wixson et al. (1987), sa artikulong “New Directions in Statewide Reading Assessment” na inilathala sa pahayagang The Reading Teacher ang mga pinagmumulan ng kaalaman sa pagbasa. Sa kanilang pagpapakahulugan sa pagbasa, tinukoy nila ito bilang isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: 1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; 2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; 3) konteksto ng kalagayan o Inilaboreyt ni Coady (1979) ang sinabi ni Goodman. Para sa kanya, upang lubusang maunawaan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga naiprosesong impormasyon sa binasa. Ayon kay Carmen delos Santos (1999:11), ang pagbasa ay isang paraan o proseso ng pagkuha ng kahulugan. Maintindihan o ma- interpret ito sa pamamagitan ng karakter o letra, printed text o nakalimbag na tekstong Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa, ang isang mambabasa ay bumubuo ng mga kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Sa depinisyong ito ni Goodman, binibigyang-diin ang mga kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng prediksyon sa Samantala, sinabi ni G. James Lee Valentine (2000) na ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak (mental food). Ayon kay Conan (sa Lalunio,1985), banggit ni Geronimo, et al. (2007), ang pagbasa ay maituturing na pundasyon ng edukasyon. Pinakamahalagang kakayahang maituturing kung kaya nararapat na linangin ng mga kabataan Binigyang-kahulugan ni Hank (1983) ang pagbasa bilang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon dito. Pinaunlad ito nina Bond at Tinker (1967), at sinabing ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag na mga simbolo na nagiging “stimuli” upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman/karunungan mula sa karanasan ng mambabasa. KAHALAGAHAN NG PAGBASA 1. Pangkasiyahan Sa mga sandali ng kawalang- magawa, sa halip na magtunganga, magmukmok o magpakabagot sa mabagal na pagtakbo ng oras, sa pagbabasa, makapupulot ng saya. 2. Pangkaalaman Maraming impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay sa kapaligiran at sa pamumuhay ang mapapanutuhan sa pagbabasa. 3. Pangmoral Kinababatiran ng mga aral sa buhay na mapanghahawakan sa araw-araw na pakikihamok sa mga problemang sumusubok sa tao na magpapabago sa kanyang pananaw at direksyong pupuntahan ang pagbabasa. 4. Pangkasaysayan Nababalikan ang mga nakaraan, napag-iingatan ang kasalukuyan, at napaghahandaan ang kinabukasan sa tulong ng pagbabasa. 5. Pangkapakinabangan Sa pagbasa nakatuklas ng matatayog na kaisipan sa paglikha ng mga bagay- bagay na nagsisilbing puwersa ng tao para lunsarin niya ang landas patungong inisyatibo ng malayuning aktibidad. 6. Pampaglalakbay-diwa Dahil sa pagbabasa ang mga lugar na hindi pa nararating at hinahangad ay nagkakaroon ng pamilyaridad gawa ng paglalarawan sa mga ito sa mga babasahin. Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan bilang isang proseso. Ayon kay William Gray (sa Bernales, et al., (2001), may tatlong hakbang sa pagbasa: MGA HAKBANG NG PAGBASA 1. Persepsyon Ito’y agarang, matalas at intwitibong pagkilala sa mga nakasulat na simbolo o letra para magkaroon sa isip ng imahe nito. Ito’y pagkilala sa porma ng bawat simbolo o letra at ang katumbas na tunog nito; at ang pagsasama-sama ng mga salita ng parirala o pangungusap. 2. Komprehensyon Ito ang aksyon o proseso sa pagkuha at pag-intindi sa ipinakakahulugan ng mga nakalimbag na simbolo. Naisasagawa ito sa dalawang pamamaraan:  Literal o denotasyon – nakukuha at naiintindihan ang kahulugan sa diksyunaryo mismo.  Maasosasyon o konotasyon – ang kahulugan ng mga salita, o kaya’y ang mga kaisipan, konsepto o mensaheng nakukuha sa teksto ay nakasalalay sa personal na karanasan ng bumabasa. 3. Asimilasyon o Integrasyon Iniuugnay na ng bumabasa ang mga napag-alaman niyang kaisipan o mensahe sa kanyang sariling pananaw, kaalaman o paniniwala. Lubos na niyang napahahalagahan ang mga kaisipan kung kanya na ngayong iaaplay sa sarili at buong paniniwalang isasabuhay. IBA’T IBANG PANANAW SA PROSESO NG PAGBASA 1. PROSESONG SIKOLOHIKAL NG PAGBASA Ang pagbasa ay isang prosesong sikolohikal pagkat makikita rito ang simpleng ekstensyon ng ating utak. Sa sikolohikal na antas nasusukat ang bilis ng pagbasa ng isang tao at ito’y nakasalalalay sa tatlong salik: ang pagiging pamilyar sa 2. TEORYANG “BOTTOM-UP” Sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala sa mga serye ng mga nakasulat na simbolo bilang stimulus upang maibigay ang katumbas nitong tunog bilang tugon o “response.” Ayon rin sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala sa mga titik, salita, parirala, pangungusap bago ang 3. TEORYANG “TOP-DOWN” Sa teoryang ito, ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa isip ng mambabasa (top) bilang aktibong partisipant sa proseso ng pagbasa na may dati nang kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan patungo sa teksto (down). Ang mga nakaimbak na kaalaman ng mambabasa ang ginagamit niya sa pagpapakahulugan sa teksto. 4. TEORYANG INTERAKTIBO Ang teoryang ito’y naniniwala na ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang dating kaalaman sa wika at sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at ng awtor. Kung gayon, ang interaksyong nagaganap o ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (bi-directional) : ibaba-pataas at itaas-pababa. 5. TEORYANG ISKEMA Lahat ng tao ay may kakaibang uri ng pag-iimbak ng kaalaman o impormasyon. Tinatawag na schemata, ang sistema ng pag- iimbak ng kaalaman na nakukuha sa mga karanasan. Ang terminong schemata ay ginagamit sa anyong pang-isahan ng schema na tumutukoy sa malaking organisadong bahagi ng kaalaman o karanasan ng tao. Kasama rin dito ang damdamin o emosyon na kaugnay ng karanasan sa oras ng pag-iimbak Isa sa mga pangunahing simulain ng teoryang ito ay ang paniniwala na ang teksto, pasalita o pasulat man, ay walang kahulugang taglay sa kanyang sarili. Ang dating kaalaman ay ang tinatawag sanligang kaalaman ng mambabasa (background knowledge) at ang kayariang balangkas ng dating kaalaman ay tinatawag na iskemata (pangmaramihan na iskema). 6. TEORYANG METAKOGNITIV Ito ay tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga estudyante. Ang pinakamahalagang proseso sa kamalayang metakognitiv na ginagamit ng mambabasa upang makuha ang kahulugan ay ang pagmomonitor ng sariling pag-unawa para malaman kung Kasama sa prosesong ito ang paglalapat ng mga kasanayang pampag- aaral: pagkuha ng mga tala, pagsasanay, pagbabalik-aral, pagsagot sa mga tanong, pagbubuod atbp. Kung hindi pa rin makaunawa ang mga mag-aaral sa kanyang binasa, kailangan niyang gumamit ng metakognitiv na pagbasa, gaya ng paglikha ng sariling mga tanong, muling pagtingin sa teksto, pagbibigay KAANTASAN NG PAGBASA 1. Batayang Antas o Primarya Ito ang panimulang pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang rudimentaryong kakayahan, tulad sa: - Pagkilala sa aktwal na kahulugan ng mga salita - Literal na antas ng pag-unawa, umiikot lamang sa mga katanungang Sino? Ano? Kailan? Saan? - Nakapagbubuod na - Nakakikilala ng mga pangunahing kaisipan 2. Inspeksyunal/Mapagsiyasat na Antas Ang pagbasa sa antas na ito’y itinakda sa limitadong oras kaya hindi hangad nitong kunin ang lahat-lahat sa binabasa, tanging yaong mga superfisyal na kaalaman lamang. “Tungkol sa ano ang libro? Anu-ano ang mga bahagi nito? Anong uring babasahin ito?” Pre-reading o sistematikong iskiming din ang tawag sa antas na ito; tinitingnan ang pamagat at paunang salita, sinusuri ang talaan ng nilalaman. Sa antas na ito, tuluy-tuloy ang pagbasa na walang pansin sa mga di nauunawaang salita at madalian ang pagbabasa. 3. Mapanuri o Analitikal na Pagbasa - Aktibo, pagkat hangad nitong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan; - Interpretatibo, pagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya. - May pagpapahalaga, pagkat pinapahalagahan nito ang kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat ng teksto. 4. Sintopikal na Antas Pinakamataas na antas ng pagbasa. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa. Kumplikado at sistematikong pagbasa ito; - Komparatibo rin, pagkat dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapaghambing siya, makapagtulad at makapag-iba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga; - Ito’y pag-unawang integratibo pagkat iniuugnay ng bumabasa sa mga kaisipang nakukuha sa teksto sa kanyang pansariling kaalaman at karanasan hanggang sa tuluyan niyang isanib o iaplay ang mga kabatirang ito sa kanyang buhay mismo tungo sa malikhaing paggawa at pag-unawa pa. MGA TEKNIK SA PAGBASA 1. Iskiming Madaliang pagbasa para magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung dapat o di-dapat basahing mabuti. Hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa nilalamang impormasyon ng materyal. Ang pokus ay wala sa detalye kundi sa pangkalahatang kaisipan. 2. Iskaning Isa ring mabilisang teknik ng pagbasa na naglalayong makakuha agad ng kasagutan sa ispisipikong katanungan. Hangad na makita ang ispisipikong impormasyon tungkol sa isang babasahin. 3. Kaswal Ang layunin sa pagbasa ay palipasin lamang ang oras. Pasumandali ang pagbabasa. Magaan at hindi dinidibdib ang 4. Komprehensibo Intensibo o matiim na pagbasa ang teknik na ito. Iniisa-isa ang mga detalye at inuunawa rin ang bawat kaisipan o mensahe. Maingat, masinsin at matalino itong pagbabasa sapagkat mahalaga sa lubos na pagkatuto. Sinusuri, pinupuna at pinahahalagahan ang binasang materyal. Kinukuwestyon, binibigyang-opinyon, tinataya, binu-buod, binabalangkas atbp. Lahat na maaaring gawing paghimay sa materyal para lamang maintidihang mabuti. Napakaepektibong 5. Kritikal o Malikhain Layunin dito ang maging mapanlikha, ang makatuklas ng panibagong konsepto at magawa ito ng bagong porma na maiuugnay sa kapaligirang sosyal at kultural. Tinitingnan dito ang katunayan at kawastuan ng konsepto na maisasanib sa sarili para maiaplay ang karunungan sa asal at gawi at maisabuhay nang may 6. Pamuling-Basa May babasahing materyal na hindi pagsasawaang ulit-uliting basahin dahilan sa: Napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon nito na hindi agad nakukuha sa minsang pagbasa; Habang muli’t muli itong binabasa, may bagong mahahalagang bagay na natutuklasan; Mga halimbawa nito ang mga klasikong akda nina Jose Rizal, Shakespeare, Dante Alighieri, Ang Bibliya atbp. Sa pananaliksik, para maditermina sa pagbasa ang kapaniwalaan at katunayan sa 7. Basang-Tala Teknik ito ng pagbasa na sinasabayan ng pagsulat. Ang mahalagang kaisipan o konseptong nasumpungan sa teksto ay itinatala o kaya’y minamarkahan para madali itong makita o makuha muli. Mga halimbawa ng pagtatala o pagmamarka sa libro ay: - Pagsasalungguhit ng mahalagang ideya - /Vertikal na guhit/ - Asteriko* - Numero sa marjin para magpakita ng paunlad na ideya ng awtor - Bilang ng ibang pahina para ipakita kung saan pang pahina makikita ang kaugnay na impormasyon - Pagbibilog sa susing salita o parirala - Pagtatala sa marjin para sa katanungan o LIMANG DIMENSYON SA PAG-UNAWA 1. Pag-unawang Literal - Simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang inilahad sa teksto. a. Pagpuna sa mga detalye b. Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari c. Pagsunod sa panuto d. Pagbubuod o paglalagom e. Paggawa ng balangkas f. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na 2. Interpretatib o Pagpapakahulugan Ang sagot ay nasa akda ngunit kailangan mong pag-ugnay-ugnayin ang iba’t ibang bahagi ng akda para makita ang tamang sagot. Ang tanong at sagot ay di-tuwirang makikita sa isang pangungusap o talata. Galing ito sa iba’t ibang bahagi ng akda. 3. Analitikal o Mapanuring Pagpapahalaga Ito’y pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at kabisaan ng paglalahad. Wala sa akda ang sagot. Kailangang gamitin mo ang dating kaalaman at kung ano ang sinabi ng awtor sa teksto at pag-uugnayin ang dalawang ito. 4. Aplikatib o Paglalapat/Pag-unawang integratibo Wala sa kuwento ang sagot. Masasagutan mo ang tanong na hindi kailangang basahin ang kuwento. Gamitin mo lamang ang iyong karanasan. a. Pag-uugnay ng binasang aralin sa kanyang karanasan at sa tunay na pangyayari sa buhay. b. Pagpapaliwanag sa nilalaman o 5. Malikhain o Creative Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon. a. Pagbabago ng panimula ng kuwento o lathalain b. Pagbabago ng pamagat ng kuwento c. Pagbabago ng mga pangyayari MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! PAGTATAYA Panuto: Tukuyin kung anong antas ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang wastong titik ng tamang sagot sa sagutang papel. a. Primarya c. Analitikal b. Mapagsiyasat d. Sintopikal a. Primarya c. Analitikal b. Mapagsiyasat d. Sintopikal 1. Nakita ni Cassie na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa. 2. Inalam ni Romina ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kuwentong nabasa noong elementarya. a. Primarya c. Analitikal b. Mapagsiyasat d. Sintopikal 3. Galit ang naramdaman ni Emman nang mabasa ang balita tungkol sa insidente sa Zamboanga. 4. Sumangguni si Nanay Amelia sa kanyang cookbook upang mas mapasarap ang kaniyang lutuin. a. Primarya c. Analitikal b. Mapagsiyasat d. Sintopikal 5. Inunawa ni Rian ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit. 6. Gumawa si Marga ng anotasyon ng mga sanggunian bilang paghahanda sa gagawing pananaliksik. a. Primarya c. Analitikal b. Mapagsiyasat d. Sintopikal 7. Natuklasan ni G. Mondragon sa kaniyang pananaliksik na may isang mahalagang suliranin sa paksa ang hindi pa gaanong napagtutuunan ng pag-aaral. 8. Iniugnay ni Matilda ang naunawaan sa akda sa sarili niyang a. Primarya c. Analitikal b. Mapagsiyasat d. Sintopikal 9. Tinanong ng guro si Pia kung tungkol saan ang seleksiyon matapos niya itong basahin. 10. Sumulat si Maria sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling nilalaman nito. Panuto: Ibigay ang mga hinihiling sa bawat bilang. 1. Ayon kay Gustave Flaubert, huwag kang magbasa upang malibang o matuto. Magbasa ka upang ____. 2-3. Ano ang pinagkaiba ng iskiming at iskaning? 4. Ang pagbasa ay isang ____ proseso ng pagkuha, pagkilala at pag-unawa sa mga nakaimbak o nakasulat na impormasyon 5-6. Magbigay ng dalawang kahalagahan ng pagbasa. 7. Ang panitikan ay nagmula sa salitang ugat na ____. 8-9. Ano ang dalawang pamamaraan sa pagkuha ng kahulugan ng isang salita? 10. Tinatawag na ____ ang istema ng pag-iimbak ng kaalaman na nakukuha sa mga karanasan.