Document Details

MerryDune

Uploaded by MerryDune

STI College Ortigas-Cainta

Tags

reading comprehension Tagalog literature educational resources reading skills

Summary

This document presents an overview of reading and analysis of different texts, particularly relevant to research. It touches on aspects like reading characteristics, the significance of reading in various contexts, and different theories and styles of reading.

Full Transcript

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK REBYUNG PAPEL ARALIN 1: Ang Pagbasa o Pagbabasa ❖ Ang Pagbasa o Pagbabasa ✓ Ayon Kay William Morris, editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Y...

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK REBYUNG PAPEL ARALIN 1: Ang Pagbasa o Pagbabasa ❖ Ang Pagbasa o Pagbabasa ✓ Ayon Kay William Morris, editor-in-chief ng “The American Heritage” at awtor ng “Your Heritage Dictionary of Words”, ito ay ang pagkilala sa kahulugan ng mga nakasulat na salita. ✓ Sa Dictionary naman ni Webster, ang Pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin, at ibang nasusulat na bagay. ❖ Katangian ng Pagbasa ✓ (Ang Pagbasa) ay naiuugnay sa pakikinig, pag-unawa, at pagsulat. ✓ Lumilinang ng iba’t ibang kakayahan ✓ Kasanayan sa pagkuha ng pangunahing detalye at mga kaugnay na detalye ✓ Kasanayan sa pagbuo ng hinuha o palagay ❖ Kahalagahan ng Pagbasa ✓ Nadadagdagan ang kaalaman ✓ Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan ✓ Nakararating sa mga pook na hindi pa nararating ✓ Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan ✓ Nakakukuha ng mga mahahalagang impormasyon ✓ Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin ✓ Nagbibigay ng inspirasyon sa nakikita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig 1 ❖ Paghahanda sa Pagbabasa - Narito ang ilang punto ng paghahanda na marapat na isaalang alang sa paghahanda sa pagbabasa: ✓ Paghahawan ng Sagabal ✓ Angkop na Lugar ✓ Pagpopokus ng Atensyon ✓ Pamilyarisasyon sa Teksto ❖ Mahahalagang Konsepto sa Pagbasa Teoryang Bottom-Up ✓ Ito ay isang tradisyunal na pagbasa. ✓ Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehensyon sa pagbasa. ✓ Ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. ✓ Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. ✓ Ang mambabasa ay isang pasib na partisipante lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. ✓ Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom-up. ✓ Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto. 2 Teoryang Top-Down ✓ Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. ✓ Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. ✓ Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. ✓ Ang mambabasa ay napakaaktib na partisipante sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. ✓ Tinatawag din ang teoryang ito na "inside-out" o "conceptually-driven" dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. ✓ Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto. Teoryang Interaktib ✓ Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. ✓ Ayon sa mga proponent nito, ang top-down ay maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. ✓ Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. ✓ Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. ✓ Ang interaksyon ay may dalawang (2) direksyon o bi-directional. ✓ Sa teoryang itong, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa. 3 Teoryang Iskima ✓ Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. ✓ Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dating iskima. ✓ Sa makatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay ng ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. ❖ Mga Uri ng Pagbabasa - Dalawang (2) uri ng pagbabasa ang ating ginagawa na nakasalalay sa ating pakay o layunin. Malakas na Pagbasa ✓ Ito ay isinasagawa sa harap ng mga tagapakinig. ✓ Mahalaga sa pagbasa ng malakas ang husay sa pagbibitiw ng mga salita. Sa pamaamgitan nito ay mapapanatili ang atensyon at konsentrasyon ng mga taga pakinig. Pagbasa ng Tahimik ✓ Gumaganap bilang tagabasa (reader) at taga-unawa (interpreter). ✓ Ang interaksyon ay sa pagitan ng mambabasa at (awtor ng) teksto. 4 ❖ Mga Antas ng Pag-iisip - Sa pagbabasa, ating ginagamit ang ating utak sa pag-iisip at pagpoproseso ng mga impormasyong nabasa. Antas Faktwal ✓ Ito ay payak na paggunita sa mga nakalahad na impormasyon. ✓ Natutukoy ang mga detalye batay sa mga naalala (recall); kung saan ang mga ito (detalye) ay nasa anyong lantay na makasasagot ng mga tanong tulad ng ano, kalian at saan. Antas Interpretatib ✓ Isa pang katawagan dito ay pagpapakahulugan; hindi katuturan ang layunin nito kundi ang nagkukubling kaalaman o kaisipan. Sa Ingles ito ay “reading between the lines”. Antas Aplikatib ✓ Paglalapat ng mga taglay na iskemata ng mambabasa sa tekstong binabasa. Ito ang tinatawag na “reading beyond the lines”. Antas Transaktib ✓ Maliban sa iskemata at paglalapat nito sa kaugnay na konsepto, mahalaga ring salik ang pansariling pagpapahalaga o value system ng mambabasa. Ang “reading with character” ang kumpletong ebolusyon o kaganapang prosesong pangkaisipan. 5 ❖ Komprehensyon - Tanda ng epektibong pagbasa ang komprehensyon. Nagaganap ito habang may interaksyon ang teksto at ang isipan ng mambabasa na siyang nagpapakahulugan. Limang (5) Dimensyon ng Pag-unawa Literal na Pag-unawa ✓ Ito ay nakatuon sa mga ideyang lantad na nakalahad sa kabuuan ng teksto. Hindi ito nangangailangan ng agarang pagpapakahulugan. Interpretasyon ✓ Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing ideya, paglalahat, panghinuha, hambingan at kontras. Pagtutukoy ng sanhi at bunga at pagbibigay ng kahulugan sa mga ginamit ng awtor na pahiwatig. Mapanuring Pagbabasa ✓ Pinapagana ang mapanuring pag-iisip kung saan sinusukat, tinitimbang, inuuri at inaantasan ang mga kaalamang nabasa. Sinisikap tukuyin ang katotohanan at kabigatan ng mga nakalahad na ginagamitan ng istandard na binuo sa isipan ng mambabasa. Aplikasyon o Paglalapat ng mga kaisipan ✓ Dito pumapasok ang mga personal na valyus ng mambabasa. Binabalangkas ang mga prinsipyo at kaisipan at hinahanap ang pamamaraan ng aplikasyon nito sa mga isyu sa kasalukuyan. Pagpapahalaga ✓ Ito ang pag-aangkop ng mga kaisipan at konsepto sa isang konkreto at mapanghahawakang bagay. Ito ang makapagpapakita ang antas ng komprehensyong natamo ng mambabasa. 6 ARALIN 2: Ang Tekstong Naratibo ❖ Ang Tekstong Naratibo ✓ Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan. ✓ Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. ❖ lba't ibang Pananaw o Paningin (Point of View) sa Tekstong Naratibo Unang Panauhan ✓ Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako”. Ikalawang Panauhan ✓ Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya 't gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw". ✓ Subalit hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay. 7 Ikatlong Panauhan ✓ Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya". Ang tagapagsalaysay ay tagapag- obserba lang at nasa labas siya ng mga pangyayari. - May tatlong (3) uri ang ganitong uri ng pananaw: Maladiyos na panauhan ✓ Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa. Limitadong panauhan ✓ Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan. Subalit hindi ang sa iba pang tauhan. Tagapag-obserbang panauhan ✓ Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay. Kombinasyong Pananaw o Paningin ✓ Dito, hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya't iba't ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata. 8 ❖ Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo Direkta o Tuwirang Pagpapahayag ✓ Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin, o damdamin. ✓ Ito ay ginagamitan ng panipi. (“ “) Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag ✓ Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. ✓ Hindi na ito ginagamitan ng panipi. ❖ Mga Elemento ng Tekstong Naratibo Tauhan ✓ Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. - May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan ang expository at dramatiko: Expository ✓ kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan Dramatiko ✓ kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. 9 - Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod: Pangunahing Tauhan ✓ Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. ✓ Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. ✓ Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuuan ng akda. Katunggaling Tauhan ✓ Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. ✓ Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang na nangyayari sa pagitan nila nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan. Kasamang Tauhan ✓ Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. ✓ Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan. Ang May-akda ✓ Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuooan ng akda. Bagama't ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. 10 - Ayon kay E.M. Forster, may dalawang (2) uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng: Tauhang bilog (round character) ✓ lsang tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Tauhang lapad (flat character) ✓ Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. ❖ Tagpuan at Panahon ✓ Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari. ❖ Banghay ✓ Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda. - Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo: Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan at tema (orientation or introduction) Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan (problem) 11 Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action) Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax) Pababang pangyayari na humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action) Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending) - Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna- wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na Anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo: Analepsis (Flashback) ✓ Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas. Prolepsis (Flash-forward) ✓ Dito nama'y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap. Ellipsis ✓ may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama. ❖ Paksa o Tema ✓ Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa kuwento. ✓ Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuuan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang maparating sa kanyang mambabasa. 12 ARALIN 3: Ang Tekstong Impormatibo ❖ Ang Tekstong Impormatibo ✓ Ito ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa. ✓ Hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya't hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. ✓ Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya'y nagsagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mge reference book tulad ng encyclopedia, gayundin sa mga iba't ibang website sa Internet. ❖ Elemento ng Tekstong Impormatibo Layunin ng may-akda ✓ Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Pangunahing Ideya ✓ Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. ✓ Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi – tinatawag din itong organization markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. 13 Pantulong na Kaisipan ✓ Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. ❖ Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyangdiin ✓ Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag- unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod: 14 Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyangdiin Makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, Paggamit ng mga dayagram, tsart, talahanayan, timeline, at iba pang higit na nakalarawang mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga representasyon tekstong impormatibo. Nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang Pagbibigay-diin sa nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi mahahalagang salita upang higit na madaling makita o mapansin ang mga sa teksto salitang binibigyang-diin sa babasahin. karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang Pagsulat ng mga sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang talasanggunian katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito. 15 ❖ Mga Uri ng Tekstong Impormatibo Mga Uri ng Tekstong Impormatibo Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga Paglalahad ng Totoong totoong pangyayaring naganap sa isang Pangyayari/Kasaysayan panahon o pagkakataon. Sa uring ito nakalalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, Pag-uulat Pang-impormasyon hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari. Pagpapaliwanag Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan. 16 ARALIN 4: Tekstong Deskriptibo ❖ Ang Tekstong Deskriptibo ✓ Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat, itinatala ng sumulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. ✓ Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari. - Mauuri ang paglalarawan sa dalawa: karaniwan at masining. KARANIWAN ✓ Ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama, nairinig, o di kaya'y nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginagawang paglalarawan. ✓ Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas. MASINING ✓ Ito ay paglalarawang abstrak na di mo nakikita nang kongkreto ang larawan o imahing isinasaad ng manunulat. Kadalasa'y gumagamit din dito ng mga matalinghagang pahayag. ✓ Masining naman kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarwang, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma. 17 ❖ Apat na mahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan Wika ✓ Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay Maayos na detalye ✓ Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. ✓ Kapag maayos ang pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan. Pananaw ng paglalarawan ✓ Maaaring makaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Isang kabuoan o impresiyon ✓ Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakining nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng paglalarawan. Inihanda ni: Bb. Maychiel Pagador Guro 18

Use Quizgecko on...
Browser
Browser