Kabanata-II-Lesson-2 (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Don Honorio Ventura State University
Tags
Related
- ANG_WIKA_BILANG_KOMUNIKASYON_AT_WIKANG_PAMBANSA2 PDF
- FILIPINO: Wikang Pambansa PDF
- Malikhaing Komunikasyon PDF Past Paper
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Kontekstong Walisado ng Komunikasyon sa Filipino PDF
- Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Lecture Notes PDF
Summary
This document is a chapter on communication in the Philippines in Tagalog. It discusses different forms of communication, such as gossip, group discussions, and formal talks. It also touches upon local expressions used in various parts of the Philippines. The document appears to be part of a university course.
Full Transcript
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph GAWING PAN...
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO 1. TSISMISAN - batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na “chismes” na tumutukoy sa kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. - Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw niya na ang tsismis ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng buhay ng tao. 2. UMPUKAN - isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. - nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-buhay magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng mga bagay- bagay. 3. TALAKAYAN - tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pang katao. - kalimitang tinatalakay ang mgaproblema na layuning bigyan-solusyon o kaya ay mga patakarang nais ipatupad. Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan a. PANEL DISCUSSION - isang pormal na ginagamit sa isang pulong , o kumbersasyon. - maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol sa isang paksang pinagkasunduan b. SIMPOSYUM - - isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay pawang eksperto sa kani-kanilang larangan. c. LECTURE-FORUM - isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang espisipikong paksa. 4. PAGBABAHAY-BAHAY - Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang metodo. 5. PULONG-BAYAN - isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan. - SA KULTURANG Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad. 6. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al. (2018) - ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Mga halimbawa: Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka! Ina ko po! Bahala na. Hay naku! Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa Pilipinas (San Juan, et al. ,2018) Timog Katagalugan “Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang maaaring makapanakit) “Tanga!” ( depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro) Kabikulan “Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang loob) “Inda ko saimo!” ( nagpapahayag ng pagkadismaya) “Alla!” (pagkagulat, pagkamangha) Bisaya “Ay ambot!” ( ewan ko sa ‘yo) DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph “Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao) “Ay tsada!” ( pagkalugod sa isang bagay) Batanes (pagbati ng mga Ivatan) “Capian ka pa nu Dios!” ( pagpalain ka ng Diyos) “ Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo) “Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!) c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local expression) sa Pag-unlad ng mga Pilipino sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon 1) Naging dinamiko ang wikang Filipino. - ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. At sa patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino. 2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino. - ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa pakikipagpahayagan. 3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino. - sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o kabataang Pilipino. MAIKLING PAGTATALAKAY SA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON Nasa puso ng pang-araw-araw na transaksyon ng tao ang komunikasyon. Napakalaki ng ginagampanan nitong tungkulin upang mapadali ang mga nais makamit ng mga tao sa isang tiyak na konteksto. Sa katunayan, napakadaling pangatwiranan na kung wala ito, hindi uusbong ang anumang uri ng sibilisasyon. Hindi yayaman nang gaya ng sa kasalukuyan ang nalalaman ng tao sa agham, matematika, medisina, humanidades, arkitektura at iba pa kundi ito dumaan sa mauring pagtalakay at bahagian na kaalaman at mga natuklasan. Mahirap ding kuruin kung ano ang kahihinatnan ng mga lipunan at bansa kung walang naganap at nagaganap na komunikasyon sa pagitan ng mga lider at kinatawan ng nauuna. Sa mga praktikal na antas, upang mapagtibay ang relasyon, nangangailangan ng patuloy na komunikasyon sa pagitan ng magkakaklase, magkaibigan, mag-asawa/magkasintahan, magkasama sa trabaho o adbokasiya. Sa madaling salita, dinodomina ng komunikasyon ang lahat ng uri ng relasyon ng tao-mapaakademiko, propesyuonal, personal, o sibika. Upang mas maging sistematiko at lalong mabigyan ng konteksto ang pagtatalakay sa komunikasyon at iba’t ibang tiyak na sitwasyong pinaggagamitan nito, mahalagang balikan ang ilang puntos sa pag-aaral nina Eadie at Goret (2013) na lumagom sa iba’t ibang teorya at pag-aaral ng layunin ng komunikasyon. Ayon sa dalawang eksperto, may iba’t ibang layunin ang tao sa pakikipag-ugnay, ngunit para sa hangarin ng pagtalakay, tatlo lamang sa limang layunin ang babanggitin. Pinagsama rin sa isang kategorya ang komunikasyon bilang tagapagpalaganap ng impormasyon at kultura. ANTAS NG KOMUNIKASYON Pangkatang Komunikasyon Itinuturing na pangkatang komunikasyon ang ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas maaarami pang taong may iisang layunin. Gaya ng iba pang uri ng komunkasyon, maaaring maganap ang pangkatang komunikasyon sa personal o maging sa iba pang platform gaya ng group chat sa social media at video conferencing. Bilang mag-aaral, malimit na maganap ang pangkatang komunikasyon upang tuparin ang mga kahingian sa iisang asignatura gaya ng kolaboratibong pananaliksik na nangangailangan ng pagtalakay at pagpapasiya. Isa ring halimbawa nito ang pagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong solusyunan ang isang problema gaya ng trapiko, na sinisimulan sa pagbibigay ng mungkahi at pagpapatalaga ng mga taong gaganap sa mga tiyak na gawain. Pampublikong Komunikasyon Bilang pinakakinatatakutang uri ng komunikasyon, ang pampublikong komuniasyon ay mas nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe kaysa tumataggap- na malimit ay higit sa apat. Sa lahat ng uri mh komunikasyon, ito rin ang pinakamalayunin sapagkat mas madalas itong pormal. Mahirap ding iwasan ang paraang ito ng pakikipag-ugnay sapagkat ginagamit ito sa buhay-akademiya, buhay- trabaho, at buhay-sibika. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagharap sa klase upang bumigkas ng talumpati bilang performance task, pangangampanya para sa isang panibagong proyekto sa inyong komunidad gaya ng anti-human trafficking campaign, at marami pang iba. Mainam itong paraan ng pagpapalaganap ng kaalaman at impormasyon dahil na rin sa bilang ng mga kalahok nito. Mas marami ang hindi sanay makipag-ugnayan gamit ang modang ito sapagkat nangangailangan ito ng masusing preperasyon at tiyak na antas ng kahusayan upang hindi umani ng negatibong puna sa mga tagapakinig. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph Pangmadlang Komunikasyon Ang paggamit ng dyaryo, radyo, telebisyon, video conferencing at social media ang ilan lang sa mga halimbawa ng pangmadlang komunikasyon. Kagaya ng pampublikong komunikasyon, layon nitong makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla. Ang pangunahing hamon sa uring ito ng komunikasyon ay ang kawalan ng agarang mekanismo para sa tugon o feedback, - dahilan upang mas madaling magpakalat ng mensahe nang walang oposisyon. Ngunit sa pag-usbong ng social media gaya ng Facebook, Twitter, blogs at iba pa, nagiging bukas sa lahat ang publikong komuhnikasyon sapagkat binibigyan nito ng kakayahan at oportunidad ang mga tumatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagko-comment, pag-repost ng isang content may kasamang komentaryong maaaring sumasang-ayon o sumasalungat, at direktang pagtugon sa nagbahagi ng (hal. @KelvinBriones). Bagamat mistulang mabisang pamamaraan ang pangmadlang komunikasyon upang mabilis na maipamahagi ang isang mensahe (hal. Pag-oorganisa para saisang malaklihang rally upang kondenahin ang illegal na pagpapatalsik sa punong mahistrado), kapansin-pansin din na maaari nitong ikompormiso ang kahulugan ng mensahe, dahil bagama’t tiyak ang layunin ng tagapagpadala, hindi naman tiyak ang konteksto ng tumatanggap ng mensahe- dahilan upang magkaroon ng pagkakaiba-iba ng interpretasyon at tugon. Upang lalong bigyang-linaw ang kalikasan ng bawat antas ng komunikasyon, maiging talakayin din ang tiyak na halimbawa nito. Lektyur at Seminar Dalawa sa pinakaginagamit na termino ng mga organizer ng pagsasanay, nakatuon ang lektyur at seminar sa maliliit na pagtitipon ng mga kalahok, kadalasang 20 hanggang 70 na naglalayong masinsinang matutuhan ang isang tiyak na paksa. Malimit itong inoorganisa upang pagtibayin ang propesyonalismo ng mga nakikibahagi, at nagtatagal mula isang buong maghapon, hanggang pitong araw depende sa layunin ng pagsasanay. Ilan sa mga halimbawa ng lektyur at seminar ang mga pagsasanay sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa silid aralan, mga mandatory seminars sa mga bagong luklok na opisyal na barangay, at iba pa. Ayon kay C.N. Raja at T.P. Rao, isang uri ng estratehiya sa pagtuturo para sa mas matas na antas ng pagkatuto ang seminar. Ang isang tiyak na paksa ay inaanalisa at tinatalakay para makabuo ng isang pinal na desisyon o konsepto. Mga Uri ng Seminar 1. Mini-Seminar–karaniwan ay kakaunti ang bilang ng mga dumadalo at simple lamang ang paksang tatalakayin. Ito ay karaniwang ginagawa sa loob lamang ng silid-aralan. Sa pamamagitan ng seminar ay nahuhubog ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pagtatanong at pag-organisa ng mga impormasyon. Ito ang nagsasanay sa kanila sa pagdalo sa mas malaking seminar. 2. Medyor Seminar – isinasagawa ito ng mga institusyon o mga kagawaran tungkol sa isang partikular na paksa. Mga guro, mag- aaral at kawani ang kadalasang dumadalo sa seminar na ito na maaring maganap isang beses sa isang buwan. Kaya kailangang pumili ng angkop na paksang tatalakayin sa inihandang tema ng seminar. 3. Nasyunal Seminar – Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang dalubhasa ang karaniwang inaanyayahan na magbahagi ng kanyang kaalamansa seminar na ito. 4. Internasyunal Seminar – Mga internasyunal na ahensya o organisasyon ang nagsasagawa ng seminar na ito. Karaniwan ay mas malawak ang pagtalakay sa tema nito gaya na lamang ng globalisasyonat pagpapatupad ng mga polisiya at iba pa. Workshop Ang pagsasagawa ng worshop ay isa sa pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa ibang tao. Para ito maisakatuparan, binibigyan ng pagkakataon ang isang tao na isagawa ang mga nais niyang matutuhan ngunit kailangan ng maayos na pagplano at pagtanggap ng mga responsibilidad. Ayon kay Mariame Kaba, ang pagsasagawa nga mga sumusunod na hakbang ay ang susi sa isang mabisang gawain: 1. Pagpili – sa unang hakbang na ito ay dapat isaisip kung ano ang tiyak na layunin na nais makamit o adhikain ng isasagawang workshop. Ang layunin sa isasagawang workshop ay may malaking epekto sa kabuuan ng gawain. Nararapat din na isaalang- alang ang nais na matutuhan ng mga taong dumalo. 2. Pagpaplano – ikalawang hakbang ang pagbuo sa talaan ng mga gagawin. Kailangang isaalang-alang ang sumusunod na aspeto bilang bahagi ng pagpaplano: Petsa, oras at haba ng gagawing workshop Lugar kung saan isasagawa Mga kinakailangang kagamitan Inaasahang bilang ng mga dadalo Paglalatag ng kakailanganing badyet Transportasyon Maari namang makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya o organisasyon na maaring makatutulong sa gawaing ito. Ipaalam agad sa kanila at mas mainam kung idadaan sa liham ang mga napagkasunduan. DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph 3. Pagpapatupad –ang hakbang na ito ay tumutukoy sa pagsasagawa ng mga nakaplanong gawain para sa workshop. Mas mainam kung may nakahandang listahan ng mga gagawin upang mas organisado at walang makalimutang Gawain. Sa oras na nagsimula na ito. Bago magsimula ang workshop ay mas mabuting mag-isip ng mga posibleng kakaharaping suliranin upang makapaghanda na ng mga solusyon. Forum, Simposyum o Komperensya Ayon kay Dr. Cathy Key sa kaniyang The Keynote Guide to Planning a Successful Conference, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod upang maging matagumpay ang gagawing simposyum o komperensya: Bumuo ng layunin na kayang makamit sa gagawing komperensya – Upang mabuo ito, maaring magsagawa ng sarbey sa pangkat ng mga inaasahang dadalo sa gagawing komperensya para malaman ang kanilang inaasahan sa gawain. Upang mapadali at apabilis ang pangangalap ng mga datos ay maaring gumawa ang organisasyon ng opisyal website. Magtalaga ng mga taong mangunguna sa mga gawain at lumikha ng komite – ang lahat ng kabilang sa organisasyon ay makibahagi sa ikatatagumpay ng gawain. Mas magiging madali ang gawain kung naibabahagi ito sa lahat nang maayos at upang magkaroon ng pananagutan ang bawat isa. Makabubuti na gumawa ng talaan na naglalaman ng numero ng telepono, email, mga miyembro ng pangkat upang mas madali ang komunikasyon sa bawat isa. Mas mainam na lahat ng miyembro ay may kopya ng talaan upang maging mabilis ang ugnayan. Paglalatag ng kinakailangang badyet – upang makatipid sa gugugulin, kailangang pag-aralan itong mabuti. Kung sakaling hindi kayanin ang nakalaang badyet, dapat na maghanap alternatibo. Siguraduhin na wasto ang kompyutasyon ng mga gastusin. Gumawa ng plano ng mga dapat gawin na nakasaad kung sino at kailan dapat tapusin –makatutulong ang paggawa ng sistemakong plano ng mga dapat gawin upang hindi malihis sa mga inaasahang makamit. Kailangang nakasulat din ang mhahalagang petsa kung kalian dapat maisakatuparan ang bawat gawain. Dapat din na mahigpit itong sinusunod nang maisawasan ang pagkabinbin ng mga gawain. Ito ay makatutulong upang mabigyan ng ideya ang bawat isa kung ano ang tatakbuhin ng isasagawang programma. Bumuo ng daloy ng programa –kailangang maayos ang pagkakasunud-sunod ng bawat gawain sa pagbuo ng daloy ng programa. Siguraduhing ang lahat ay tumutulong at sumusuporta sa takdang gawain –magkaroon ng bukas at malayang kominukasyon sa bawat miyembro upang masiguro na ang lahat ay kumikilos at gumagawa batay sa mga iniaatang na gawain sa kanila. Kung sakaling hindi kayanin ng isa ang iniatang sa kanya ay maaring magtakda ng taong papalit o tutulong sa gawain upang hindi maapektuhan ang oras ng paghahanda. Magsagawa ng pulong matapos ang kumperensya at likumin ang kanilang mga komento –ginagawa ito upang makita ang kalakasan at kahinaan ng idinaos na kumperensya. Makakatulong ang mga komentong malilikom at ang mga bagay na natutuhanpara sa susunod na gawain sa hinaharap. Maghatid ng pasasalamat sa lahat ng mga nagging bahagi ng isinagawang gawain –ipahayag ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kumperensya. Bigyan ng pagkilala ang mga taong nag-ambag sa ikatatagumpay ng gawain. Roundtable at Small Group Discussion Mainam na balangkas ang roundtable at small group discussion, na kalimitang kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang makapagbahagi ng kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin. Mainamn din itong venue upang makapagmungkahi ng solusyon para mapabuti ang pagsasagawa ng isang bagay (disenyo, proyekto, at iba pa). Upang maghing maayos ang pangangasiwa ng nasabing Gawain, iminumungkahi ang sumusunod na mga padron: paglalahad ng layunin ng talakayan, pagpapakilala ng mga kalahok (pangalan at organisayson), pagtalakay sa paksa pagbibigay ng opinion, puna at mungkahi ng mga kalahok, paglalagom ng mga napag-usapan at napahkasunduan, pagtukoy ng susunod na mga hakbang. Pulong/Miting Mahalaga sa kahit anong organisasyon o samahan ang pagsasagawa ng pulong upang talakayin ang mahahalagang agenda nito. Isinasagawa ang pulong para sa lubos na ikauunlad ng alin mang samahan. Ayon sa University of California San Diego Sixth DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph College, may dalawang uri ng pulong: Una, ang Executive or Committee meeting na kung saan ang mga kalahok ay ang mga namumuno at namamahala. Ang ikalawang uri naman ay ang General body meetingna kung saan ang lahat ng miyembro ng samahan ay kasama sa pulong. Mga Elementong dapat isaalang-alang sa paghahanda ng pulong: 1. Agenda – ito ang nagsisilbing gabay at balangkas ng pulong. Upang maging maayos ang daloy ng talakayan ay mainam na may ideya ang bawat kalahok tungkol sa agenda. 2. Oras at lugar–dapat isaalang-alang ang oras ng mga kalahok sa pagtatakda ng oras ng pulong. Mahalaga ito upang matiyak na makakadalo sa oras na itinalaga at makakarating sa lugar na pagdarausan ng pulong ang lahat ng kalahok. Dapat ding simulant at tapusin ang pulong sa oras na itinakda. 3. Kalihim – katuwang siya ng tagapangulo sa paghahanda ng agenda at sa pamamahagi ng mga liham imbitasyon sa mga kalahok at tagapag-ulat. Sisiguraduhin nya na ang planong oras sa bawat paksa ay masusunod. Siya ang naghahanda ng katitikan ng naunang pulong at gagawa ng katitikanpara sa isasagawang pulong. 4. Tagapag-ulat–maghahatid siya ng mga kinakailangang datos na tatalakayin sa pulong. 5. Tagapangulo –kailangan ang nagpaplano ng pulong at paghahanda ng agenda. Siya ang nagsisilbing tagapamagitan at tagapagtaguyod ng ideya. 6. Kalahok – mahalaga ang pakikibahagi ng bawat kalahok sa pulong na isasagawa. Ang kanilang mga ideya at opinion ay maaring makatulong kaya tiyaking ang lahat ng kalahok ay may kaugnayan sa inaasahang layunin at paksang tatalakayin. 7. Kagamitan – mahalagang nakahanda ang lahat ng gagamitin sa pulong tulad ng visual aids, projector, laptop at iba pa, sapagkat ang kakulangan sa paghahanda ng mga kagamitan any maaring magdulot ng pagkaantala. Programa sa Radyo at Telebisyon Mga Uri ng Palabas o Programa sa Telebisyon 1. Balita – tumutukoy sa mga pangyayari sa mga nakalipas na oras o araw sa loob at labas ng bansa. May mga kasalukuyang pangyayari rin. Mga Paalala sa Pagsulat/Paggawa ng Balita a. Pagkakuha ng mga tala ay isulat agad ang balita. b. Bigyang halaga ang mahahalagang punto. c. Maging tiyak sa mga panglan, petsa, lugar at mga pangyayari. d. Iwasan ang pagbibigay ng juru-kuro. e. Banggitin ang awtoridad o kinauukulang pinagkunan ng impormasyon tungkol sa balita. f. Ilahad ng pantay at patas ang mga panyayari. g. Isulat ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunud-sunod. 2. Dokumentaryo – mga programang naghahatid ng gawaing pantulong sa sumasailalim sa reyalidad ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan. 3. Drama at Komedya – mga palabas na nagpapakita ng matinding damdamin at magaang pangyayari na nagbibigay-aral sa mga manonood. 4. Variety Show – programang binubuo ng iba’t ibang pagtatanghal na may musika, komedya, palitang-kuro at iba pa na pinangungunahan ng host. Mga Uri ng Programa sa Radyo 1. AM (amplitude modulation) – mga programa na naghahatid ng balita at tumatalakay sa mga seryosong paksa sa lipunan. 2. PM (frequency modulation) - mga programang kinaaliwan ng mga tagapakinig dahil sa mga musikang pinatutugtog at mga programang nakaaantig ng damdamin. Video Conferencing Bilang epekto ng globalisasyon, naging mas progresibo ang teknolohiya na nagbunga ng iba’t ibang paraan upang makipag- ugnayan. Isa na rito ang video conferencing, o ang interaksyon sa pagitang ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng pagtatawagan na magkasamang video. Nangangailangan ito ng Internet connection at computer, o ‘di kaya’y tablet o smartphone. Epektibong midyum ito lalo na para sa mga kompanyang may mga satellite sa ibang bansa o rehiyon. Ginagamit ito ng DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211 URL: http://dhvsu.edu.ph mga kompanya o maging ng mga kinatawan ng mga bansa upang magdaos ng mga pagpupulong para makatipid sa pamasahe, oras at iba pang pinagkukunan. Nagging daluyan rin ng mga pagsasanay ang modang ito ng komunikasyon, particular sa mga open universities. Pinapadali nito ang dating mas mahirap na proseso ng pagkamit ng digri o sertipiko sa mga programa. Malimit din itong ginagamit ng mga pamilyang may kamag-anak sa ibang bansa, lalo na ng mga pamilyang OFW na tinatayang 23 milyon na noong 2017 (Philippine Statistics Authority). Komunikasyon sa Social Media Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay ang parami nang paraming naiimbentong platform upang makipag-ugnayan. Ilan sa mga ito ay Facebook, Twitter, Instagram, Youtube, at iba pa na ginagamit ng mga tao upang makapagdala ng mensahe sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng mga larawan, magpahayag ng mga sentimiyento, opinion o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba’t iba pa. Sa nakalipas na mga taon, patuloy ring pinalalawig ng management ng mga nasabing online platforms ang usability ng kanilang mga application. Nagagamit na rin ang mga ito upang tukuyin ang lokasyon ng mga kainan at tindahan. Social Media Platforms Social Networking Ito ay ginagamit ng mga websites para magkaroon ng impormal na komunikasyon ang mga tao na may parehong interes sa loob ng isang grupo o networks. Facebook – noong 2004 ay inilunsad ito ng grupo ni Mark Zuckerberg bilang isang eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang itinuring na pinakasikat at pinakaginagamit sa lahat ng social media sites dahil sa simpleng pamamaraan ay nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa ibang lugar sa pamamagitan lamang ng pag-add sa kanilang account. Google+ - noong 1996 at itinatag ito nina Larry Page at Sergey Brin bilang hanguan ng pangkalahatang kaalaman. Sa pamamagitan ng search engine nggoogle ay ginagamit ito para humanap ng mga impormasyon at datos. Ginagamit ito sa paghahanap ng aklat, balita, larawan, mapa at iba pa. LinkedIn –Inilunsad ito ni Jeff Weiner noong 2009 upang gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho. Microblogging Ang mga maiikling impormasyon at bagong datos sa isang social media site ay inilalagay dito. Ang mga gumagamit ay maaring magsubscibe at magbigay ng pribado at pampublikong mensahe. Nauso rin dito ang paggamit ng mga hashtags na naglalaman ng iba- ibang paksa. Twitter – ito ay itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at Evan Williams bilang isang instrumento ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pagfollow sa kanilang account at paggamit ng hashtags na may kasamang opinion o kuru-kuro na makikita ng ibang tao kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media site. Tumblr – ginagamit ito upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, mga sipi sa libro at audio na inilalagay sa kanilang blog na tumatalakay ng paksang nais nila. Ito ay itinatag ni David Karp noong 2007 na nagmamay-ari ng Oath Inc. Pagbabahagi ng Larawan Instagram – ito ay binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng Facebook na ginagamit ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan at bidyo na makikita ng sinoman kung nakapubliko ang account. Sa pamamagitan ng direktang mensahe ay maari na ring makipag-usap sa ibang tao. Snapchat – ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng filter upang mabago ang panlabas na itsura ng tao. Ito ay binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at Reggie Brown noong 2011. Pinterest – ginagamit ito upang magbahagi ng mga larawan na may paksa upang tumulong sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa ng mga nilalaman nito ang mga tips sa buhay, resipi, inspirasyon ng tao at iba pang ideya. Pagbabahagi ng Bidyo Youtube – may account man o wala ay maaring magbahagi ng mga bidyo na makikita sa publiko. Kadalasang mga trailer ng mga papalabas na pelikula at kanta ang mapapanood dito. Itinatag ito nina Jawed Karin, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005. Tiktok – isang paraan upang makapagbahagi ng mga bidyo sa social media ngunit ang pinakapokus nito ay pagsayaw o paggawa ng mga sayaw para sa mga trending na kanta, ito naman ay ginawa ni Zhang Yiming.