Mga Katangian at Anyo ng Akademikong Sulatin PDF

Summary

These lecture notes discuss the qualities of academic writing in Tagalog. It covers various aspects of academic writing, including the importance of clear and logical expression, formality, and proper use of vocabulary. It also touches on different forms of academic writing, such as summaries and essays.

Full Transcript

MAGANDA NG ARAW! PANALAN GIN “mga Katangian at anyo ng akademikong sulatin, Tungkulin at responsibilidad ng mambabasa” Layunin: A. Naipapaliwanag ang katangian ng akademikong sulatin. B. Natutukoy ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin. C. Naiisa-isa ang tungkulin at responsi...

MAGANDA NG ARAW! PANALAN GIN “mga Katangian at anyo ng akademikong sulatin, Tungkulin at responsibilidad ng mambabasa” Layunin: A. Naipapaliwanag ang katangian ng akademikong sulatin. B. Natutukoy ang iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin. C. Naiisa-isa ang tungkulin at responsibilidad ng mambabasa d. Nakasusulat ng akademikong sulatin gamit ang katangian nito. Ang kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod: 1. Kompleks-may kasanayan sa mga komplikadong pangungusap na mabigyang diin, na may tamang gamit ng wika. 2. Pormal-nangangailangan ng wastong pakipag-usap sa paraang pasulat, hindi kakikitaan ng mga balbal na wika. 3. Tumpak- tamang terminolohiya ang ginamit sa bawat pangungusap, hindi nagbibigay kalituhan sa isipan ng mambabasa na naayon sa sitwasyon. Ang kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod: 4. Obhetibo – totoo, may sapat na batayan sa mga inilahad na salaysay, walang pinoprotektahan at hindi nagpakita ng bias na pananaw. 5. Eksplisit –reponsibilidad ng manunulat na maging malinaw ang nais iparating sa mambabasa na kung papaanong naiuugnay ang ibang teksto sa isa’t isa. 6. Wasto – ang isang manunulat ang unang kritiko ng kanyang isinulat, upang maiwasan ang mga maling baybay o gamit ng mga salita. Ang kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod: 7. Malinaw na layunin – sa simula pa lamang, naipababatid na kung ano ang mithiin ng manunulat, hindi dapat magkaroon ng kalituhan ang mambabasa sa kanyang isipan, buo at malinaw ang nais ipabatid ng manunulat. 8. Malinaw na Pananaw – ikinikintal nito sa mambabasa ang kahusayan ng manunulat sa pagbibigay ng malinaw na pagkaugnay ugnay ng mga ideya na makatulong sa mambabasa. Ang kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod: 9. Responsable –Binigyang tuon ng isang manunulat sa pagkakaroon responsibilidad sa kanyang isinusulat, pinangangalagaan ang kanyang ginawa, naglahad ng matibay na datos o basehan sa kanyang mga ipinahayag. Hindi umaangkin ng teksto ng ibang manunulat, bagkus kumikilala sa karapatang ari ng isang may akda. Ang kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod: 10.Pokus – malinaw, wasto, tumpak at hindi naglalagay na mga salitang magbibigay ng ibang pagkaunawa. 11. Lohikal –Maayos, magkakaugnay ang mga ideya ng isinulat. 12.Matibay na suporta- Nagbibigay mga datos na mapagkatiwalaan at hindi pawang mga opinyon at ideya ng isang manunulat. Ang kahusayan sa pagsulat ng akademikong sulatin ay may mga katangian ng sumusunod: 13.Malinaw at kompletong eksplanasyon - Malinaw na nakapagbibigay ng tamang pakahulugan paliwanag, kaayusan, at kahusayan ng kanyang isinulat. 14.Epektibong pananaliksik – naibibigay ng manunulat sa mambabasa ang mga datos at impormasyon sa makatototohan, sumusunod sa tamang proseso, sumusulat na ang mga impormasyong inilalahad ay obhetibo. 15.Iskolarling estilo sa pagsulat – nangangailangan ito ng masusing pag-aaral, na may gabay sa tamang proseso ng pagsulat. Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN AT SULATIN PAGSULAT GAMIT Isang uri ng Maipabatid Deskriptibo at 1. lagom na ang impormatibo Abstrak ginagamit sa kabuuan ng ang paraan ng pagsulat ng isang pagsasalaysay nito. ginagamit akademikon pananaliksik sa mga sulating g papel. katulad ng ss; Tesis Pananaliksik Ulat at iba pa. halimbawa Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN AT SULATIN PAGSULAT GAMIT Uri ng Nais nitong, Karaniwang 2. pagbubuod maging ginaganit sa Sintesis/ Buod sa paraang simple at mga teksto sa kung ano madaling pagpapaiksi ng ang unawain. isang teksto, kumintal sa sanaysay, isipan ng nobela at mambabasa maging talumpati Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN SULATIN PAGSULAT AT GAMIT Tala ng Ipakikilala Karaniwan 3. Bionote isang ang g manunulat manunulat matagpua sa o may- n sa kanyang akda dulong mga bahagi ng kredential. isang babasahin -worpress.com Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGA LAYUNIN NG PA KATANGIAN AT SULATIN N GSULAT GAMIT Magbigay ng ka Isa-isang 4.Panukalan Proposal alaman sa kung inilalahad g Proyekto ng isang paano,ano ang ang mga magiging sanhi nasabing plano. at bunga ng inil proyekto. ahad na proyekt o, maging ang p Halimbawang erang gagastusi Proyekto: n at oras na gug Pagpapatayo ugulin ng pasilidad, para sa mga tinaman ng COVID-19 halimbawa  Pamagat ng Proyekto  Proponent ng Proyekto  Deskripsyon ng Proyekto  Rasyonal ng Proyekto  Layunin ng Proyekto  Estratehiya  Implementasyon  Mga kasangkot sa Proyekto  Badyet/Gastusin Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN AT SULATIN PAGSULAT GAMIT Sulatin na Upang Organisado at 5.Talumpa maaring maihanda ang may ti bigkasin ng mananalumpati pagkakasunod- may sa kanyang sunod ang bibigkasin, pagkakasulat, paghahanda upang kadalasang o maaring maiwasan ang maririnig sa Biglaan paggugol ng pagbibigay ulat (Dagliang maraming oras ng Pangulo ng Talumpati) na hindi isang bansa. kabilang sa (SONA) paksa Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN A SULATIN PAGSULAT T GAMIT Sulatin na Magkaroon ng Detalyo at mal 6. itinatala ng isang dokumento o inis ang pagka Katitika kalihim o tala sa kung kasulat ng tal naatasan na ano ang a. Halimbawa n ng gumawa ng ulat, nangyari sa ng tala. Pulon Pulong mula sa ipinakalat naganap na g sa Kagawara na Memorandum, pulong n ng Kalusuga adyenda ng isang n, hinggil sa s pulong mga taong akit ng COVID- dumalo, lugar at 19 oras, mga pinag- usapan maging sa pinakamaliit na detalye. Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN SULATIN PAGSULAT AT GAMIT Ito ay Hangarin ng Sulating 7. Posisyong pagsangayon papel na ito pananaliksik papel o na magbigay pagsalungat ng pagsang- sa binasang ayon pag-aaral, na o/pagsalunga nilalapatan t sa isang ng batayan pag-aaral Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIA SULATIN PAGSULAT N AT GAMIT Salaysay na Magmuni/ 8. kung paano magpabati Sulat ng Replektibon mo, d isang g bibigyan ng Mamaha- Sanaysay koneksyon yag ang iyong binasa sa iyong sarili. Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN A SULATIN PAGSULAT T GAMIT Naglalaman Upang hindi Halimbawang 9. ng magkaroon ng Adyenda; Adyenda kawing-kawing Pulong ng isa maaaring pa na pag-uusap at ng ksa maging Bgy. ng isang usa malinaw Pagkakaroon pin sa mga dumalo ng na nais ang takbuhin ng usapin sa pag pagpapatawag itan tugunan. ng pulong ng guro, ma g-aaral at magulang Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG PA KATANGIAN SULATIN GSULAT AT GAMIT 10. Isang Layunin nitong Aktibidad na Pictorial/ pagsasalaysay ipakita ang may na katotohanan sa kinalaman sa Photo papamagitan n nagpapakita pamayanan. Essay ng mga g larawan, paglalagay ng upang kuhang larawa mas maging n kapani- paniwala ang kanyang inilalahad. Iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin ANYO NG KAHULUGAN LAYUNIN NG KATANGIAN SULATIN PAGSULAT AT GAMIT 11. ipinapakita Nais nitong Progreso ng Lakbay ng maipakilala at Bayan ng may-akda maipabatid ang Sanaysay ang kagandahang Limay kasaysayan taglay at ng mabigyan ng lugar na nais mas niyang marami pang bigyan ng turista ang pansin. nasabing lugar. Tungkulin ng mananaliksik a. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa aklatan, institusyon, tao, media, at komunidad at maging sa Internet. b. Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi madaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga ito; c. Sistematiko sa paghahanap ng materyales,sa pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga Gawain tungo sa pagbuo ng sulatin. Tungkulin ng mananaliksik d. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro ng lahat ng panig ay sinisiyasat. e. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa. f. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon at rekomendasyon sa paksa. Tungkulin ng mananaliksik g. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan mo; h. Responsible sa paggamit ng mga nakuhang datos,sa mga tao,institusyong pinagkunan mo ng mga ito. Etika sa pananaliksik  Kilalanin ang paksa/ginamit mong ideya.  Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso.  Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon,lalo na kung negatibo ang mga ito o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu.  Huwag kang mag-shortcut  Huwag kang mandaya. Plagiarism at ang responsibilidad ng mananaliksik Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng iba nang walang pagkilala. Narito ang ibang anyo o uri ng plagiarism: 1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba. 2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor. 3. Pag-aangkin o paggaya sa pamagat ng iba. Proseso ng pagsulat 1. Pagtatanong at Pag-uusisa- Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik. 2. Pala-palagay- Lumalawak ang pala-palagay sa pamamagitan ng pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao,pagbabasa at pagmamasid. 3. Inisyal na pagtatangka – Ang pagsulat sa balangkas ng mananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang pagsulat na gagawin ng isang manunulat. Proseso ng pagsulat 4. Pagsulat ng unang borador- dito na ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahang upang mabuo ang papel. 5. Pagpapakinis ng Papel- Kung tapos na ang unang borador, muli’t muling babasahin ito para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag. 6. Pinal na Papel – Pinal na kabuuan ng iyong teksto kung saan dumaan na ito sa masusing pag- aaral. Organisasyon ng teksto  Ang lahat ng Akademikog Sulatin ay binubuo ng apat na bahagi. – Titulo o Pamagat – Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin. – Introduksiyon o Panimula – Isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel. Organisasyon ng teksto  Ang lahat ng Akademikog Sulatin ay binubuo ng apat na bahagi. – Katawan. Dito matatagpuan ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad. – Konklusyon – Dito nilalagom ang mahahalagang puntos ng papel, ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik. Mga Responsibilidad at Gawain ng Mapanuring Mambabasa 1. Bago gumawa ng obserbasyon at reaksiyon sa teksto, masusi itong binabasa at hindi pahapyaw lamang. 2. Bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto. 3. Tumatanggap ng mga bagong ideya at iniuugnay ito sa sarili niyang ideya. 4. Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng iba. 5. Maalam, nagsasaliksik, at naghahanap ng paraan upang maunawaan ang teksto at Mga Responsibilidad at Gawain ng Mapanuring Mambabasa 6. Gumagamit ng wikang rumerespeto sa anuman ang palagay sa binasang akda. Halimbawa: Politically correct na mga salita (may respeto sa kasarian, lahi, pisikal na kalagayan, estado, relihiyon, grupo, at iba pa) 7. Nakatutulong ang pagsusuri upang makabahagi sa pagpapaunlad ng kaalaman. 8. Nakagagawa ng pagbubuod o sintesis ng mahahalagang punto o ideya mula sa teksto. 9. Sinusuri ang teksto mula sa iba’t ibang lente at hindi mula sa iisang pananaw lamang.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser