Pelikulang Pilipino PDF - Isang Pag-aaral

Summary

Itong dokumento, na nagmula kay Yzelle Mae A. Saumat, ay tumatalakay sa Pelikulang Pilipino. Tinalakay dito ang sining ng sine, kasaysayan, at mga kilalang direktor. Ang mga isyu sa lipunan ay binibigyang pansin din, pati na rin ang mga genre ng pelikula at mga gawaing kaugnay nito.

Full Transcript

PELIKULANG PANLIPUNAN (FIL2 - SINESOSYEDAD) Instructor: Yzelle Mae A. Saumat, LPT Course: FIL2 – SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN PELIKULA kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bila...

PELIKULANG PANLIPUNAN (FIL2 - SINESOSYEDAD) Instructor: Yzelle Mae A. Saumat, LPT Course: FIL2 – SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN PELIKULA kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Paano nililikha ang pelikula? Pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at larawan o litrato) sa kamera, at/o sa BILANG MAG-AARAL SA NURSING, BAKIT KAYA KAILANGAN NIYO PANG PAG-ARALAN ITO? LALO PA’T MAS TANYAG ITO SA LARANGAN NG LIBANGAN AT NEGOSYO? Nagmumulat ng kaisipan, damdamin, kaugalian, prinsipyo, paniniwala, kultura, pamumuhay, at pananaw ng isang tao. Naglalantad, nanghihikayat at nag- uugnay ng realidad ng buhay ng isang lipunan ang karamihan sa mga pelikula. At bilang pagpapakita ng galak sa panonood ay madalas na ginagaya ng tagapanood ang (alin?) mga kilos, pagsasalita, pananamit at mismong mahahalagang diyalogo o linya na binibitawan ng mga karakter sa isang pelikula. PAANO ITO NAIIBA SA IBA PANG URI NG PANITIKAN? Isang uri ng panitikan na patanghal. Makrong Kasanayan sa panonood. Maituturing na salamin ng buhay o iba't ibang hininga ng buhay, aliw, lungkot, tagumpay, kabiguan, poot, galak, at iba pa. KATANGIAN NG PELIKULA Ito ay audio-visual (pandinig at paningin) Ang mga damdamin o kaloob-looban o di- konkretong kaisipan o diwa ay dapat na maipakita nang malinaw sa screen. May tiyak na haba ang pelikula. KATANGIAN NG PELIKULA May sapat na pondo/pera Binubuo ng karamihan Mayroon ding mga di-inaasahang pangyayaring maaring makaapekto sa pagbuo ng pelikula. Nabubuhay ang pelikula nang dahil sa iskrip na iniinterpret ng direktor LIPUNAN Nagsimula sa salitang-ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat. Isang pangkat ng mga tao na mayroong iisang tunguhin o layunin. Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito kinakaligtaan ang indibdiwalismo o pagiging katangi-tangi ng LIPUNAN “Ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan nagaganap ang mga pangyayari at Gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba ngunit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na Lipunan ay makakamit kung ang bawat isa ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” PELIKULANG PILIPINO PELIKULANG PILIPINO Ito ang masasabing pinakabatang sining na nabuo sa Pilipinas. Nagsimula ang mga Pilipino na gumawa ng mga pelikula mula noong 1919. Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno noong 1919 – ang kauna-unahang pelikulang Pilipino hindi nakapako ang tema ng pelikula sa drama paggawa ng mga pelikulang pangkasaysayan at kultura PELIKULANG PILIPINO Pelikulang historikal o pangkasaysayan – tumatalakay sa mga totoong pangyayari sa nakaraan o sa buhay ng mga kilalang tao, bayani man o kabilang sa tinatawag na tiwalag sa lipunan na nabuhay sa isang partikular na yugto na kasaysayan. Ang tema at paksa ay hinalaw sa Rebolusyong 1896. Ang kauna-unahang direktor na humalaw sa balon ng kasaysayan noong 1896 ay si Julian Manansala na kung saan pinalabas ang kanyang pelikulang Patria et Amore (1929), Dimasalang (1930) at iba pa. PELIKULANG PILIPINO May makikitang hindi tumutugma sa mga naging tala sa kasaysayan o ‘di tumutugma sa kultural na aspekto. Mas lamang pa ang mga kathang-isip na senaryo kaysa sa mga aktuwal na pangyayari sa kasaysayan. Nagkakaroon ng mga pagbabago pagdating sa pagpapalabas ng mga pelikulang pangkasaysayan at pangkultural. Unti-unting nagkakaroon ng linaw ang bawat pelikulang ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga batis upang maipakita na PELIKULANG PILIPINO "Film shows that academies do not own the past. Film creates a historical world with which the written word cannot compete, at least for popularity. Film is a disturbing symbol of an increasingly postliterate world (in which people can read but will not)." - Robert A. Rosenstone Robert A. Rosenstone Sinasaad na ang pelikula, lalo na ang pelikulang kasaysayan, ay iba ang naging paglalahad ng kasaysayan kaysa sa mga dokumento o batis. Makikita na ang pelikula ay nagbibigay larawan sa naging itsura, kasuotan, gawi at iba pa sa naging buhay o senaryo sa ispisikong panahong tinatalakay. Maaring may ilang pagkakaiba ngunit ang konsepto ay nakaangkla pa rin sa kasaysayan at kultura. PELIKULANG PILIPINO "Rosenstone properly insists that some things he cites landscapes, sounds, strong emotions, certain kinds of conflicts between individuals and groups, collective events and the movements of crowds-can be better represented on film (and, we might add video) than in any merely verbal account.“ - Hayden White PELIKULANG PILIPINO Patrick D. Flores (Plotting the People Out) artikulong nailathala sa dyornal na Pelikula noong 1999, binigyan niya ng distinksiyon ang mga sumusunod: 1. kasaysayang pampelikula (film history) 2. historiograpiyang pampelikula (film historiography) 3. kasaysayang praktika (historical practice) 4. kasaysayan ng pelikula (history of film) 5. pelikulang pangkasaysayan (historical o period films). MGA KILALANG DIREKTOR SA PILIPINAS 1. Jose Nepomuceno (Mayo 15, 1893 – Disyembre 1, 1959) – Ama ng Pelikulang Pilipino sapagkat siya ang kauna- kaunang prodyuser ng mga pelikulang Tagalog. Mga pelikula: Dalagang Bukid (1919) La Venganza de Don Silvestre (1920) LaMariposa Negra (1920) Hoy! O Nunca Besame (1921) MGA KILALANG DIREKTOR SA PILIPINAS 2. Lino Brocka (Abril 7, 1939 – Mayo 21, 1991) – isang pinakamahusay na director Mga pelikula: Tubog sa Ginto (1970), Tinimbang ka ngunit kulang (1974), Maynila sa mga Kuko ngliwanag (1975) MGA KILALANG DIREKTOR SA PILIPINAS 3. Kidlat - Tahimik na Eric Oteyza de Guia sa tunay na buhay, isang sikat na direktor, actor atmanunulat ng pelikula na kilalang “Ama ng Malayang Pilipinong Pelikula”. Ang kanyang mga pelikula ay kadalasang nagpapakita ng pagtutol sa neokolonyalismo, imperyalismo at teknolohiya. Mga pelikula: Mababangong Bangungot (1977) Turumba (1981-1983) MGA KILALANG DIREKTOR SA PILIPINAS 4. Carlo J. Caparas – Ang “Komiks King” isang Pilipinong komik strip arist na nagpauso saiba’t ibang Pinoy superhereos. Mga Pelikula: Panday Baleleng Totoy bato MGA KILALANG DIREKTOR SA PILIPINAS 5. Wenn Deramas – kilala ang kanyang mga pelikulang may temang “love story”, komedyaat pampamilya. Isang batikang director sa telebisyon at pelikula. Mga Pelikula: Ang Tanging Ina (2003) Ang tanging Ina Nyong Lahat Google Form: LONG QUIZ (to be posted) GAWAIN 2: Magsaliksik ng KAHULUGAN, KAHALAGAHAN, at mga HALIMBAWA ng bawat Isyung Panlipunang nasa susunod na T Mga slide. Siguraduhing ang halimbawang naibigay ay napapanahon. Isulat sa KUWADERNO. Karagdagan, isulat sa KUWADERNO at pag-aralan ang sumusunod na aralin tungkol sa Mga Genre ng Pelikula. GAWAIN 3: Video Report PANUTO: Talakayin ang nakaatas na paksa bawat indibidwal at i-record ang sarili habang ginagawa ang talakayan Magbigay ng mga halimbawa sa bawat paksa Ipasa sa Googe Classroom ang output