Kabihsnang Romano Part 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document provides information about Roman civilization. It includes details about Roman history, geography, and culture. It also includes questions for the reader to answer.
Full Transcript
BALITAAN MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY ► 1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Italy; ► 2. Nasasalaysay ang mahahalagang pangyayari mula sinaunang Rome hanggang Republika ng Rome; ► 3. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano mula sinaunang Rome hanggang...
BALITAAN MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY ► 1. Nailalarawan ang katangiang pisikal ng Italy; ► 2. Nasasalaysay ang mahahalagang pangyayari mula sinaunang Rome hanggang Republika ng Rome; ► 3. Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano mula sinaunang Rome hanggang Republika ng Rome (MELC); ► Word Hunt: Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa kabihasnang Greek, gamitin ang pananda sa paghahanap ng tamang sagot. 1. Sa PANITIKAN – Ito ay isa sa pinakadakilang epiko ni Homer. 2. Sa PILOSOPIYA – Siya ay kilala sa pangangatwiran sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot. 3. Sa OLYMPIYADA – Isa sa mga paligsahan ng pagtakbo sa mahigit 192 metro. 4. Sa ARKITEKTURA – Isang payak na disenyo na inilalagay sa kolum ng isang gusali. 5. Sa TEATRO – Ito ay isang bukas na tanghalan. Pamprosesong Tanong: 1. Saang bansa matatagpuan ang mga larawang ipinakita? 2. Ano kaya ang ginampanan ng mga larawan sa pagkakabuo ng kabihasnang Rome? Heograpiya ng Italy -Nagmula ang salitang Italy sa isang Latin na “Vitulus” o orihinal na pangalan na “Vitalia” na ang ibig sabihin ay “Caft-land” o “Land of Cattle” - Ang hugis-botang Italian Peninsula ay napaliligiran ng Tyrrhenian Sea sa kanluran, Mediterranean Sea sa timog, at Adriatic Sea sa silangan. - Dahil sa Topograpiya ng Italy, ang klima dito ay mainam sa pagsasaka at pagpapastol ng hayop kung kaya’t mataas ang bilang ng populasyon ng bansang ito Ang Italian Peninsula True or False ► Ang lupain ng mga Romano ay malawak at lubos na angkop sa malawakang pagsasaka. Sinaunang Rome ► Ang pinagmulan ng Rome ay nagmula sa isang mitolohiya patungkol sa isang prinsesa, Rhea Silvia at si Mars, diyos ng digmaan ay nagkaroon ng kambal na anak na pinangalanang Remus at Romulus. ► Ang kambal ay itinapon sa ilog ngunit sila ay nakita ng isang “she-wolf.” Sila ay inalagaan at pinalaki hanggang sa nalaman nila ang kanilang tunay na pinagmulan, bumuo sila ng isang imperyo sa gitna ng Italy malapit sa Ilog Tiber. Ang kambal ay magkaiba ng pananaw kung kaya’t sila ay nagtalo na nauwi sa pagpatay ni Romulus kay Remus. Dahil sa nangyari, si Romulus ang nagpatuloy ng kanilang adhikain at nagpalawak ng imperyo sa kalagitnaan ng 8 BCE na tinawag niyang Rome hango sa kaniyang pangalan. Ang Ilog Tiber ang lunduyan ng kabihasnang Rome. Mga Taong nanirahan sa Pinagmulan Lugar sa Italy Ambag Italy Latino Indo-Europeo Latium- Timog na bahagi ng Ilog Tiber Tanso Wikang Latin Sining Palugsahan (Gladiator) Etruscan Asia Minor Hilagang kanluran ng Italy Sandatang gawa sa bakal Ang Pamilya Tarquin ang Forum (pambayang plasa) nagging Arch pinakamakapangyarihang angkan ng Etruscan Mga Taong nanirahan Pinagmulan Lugar sa Italy Ambag sa Italy Greek Greece Timog ng Italy at Sicily Kulturang Griyego Alphabeto Sistemang political at pandigma Identification - Sino ang tatlong pangkat ng tao ang nanirahan sa Italian Peninsula? Republika ng Rome ► Republika – uri ng pamahalaan kung saan ang mga mamamayan ay ang pumipili ng kanilang pinuno sa pamamagitan ng pagboto. ► Ang salitang Republika ay nagmula sa Latin na res republica, na nangangahulugang “pampublikong kapakanan” ► Nahati ang sinaunang lipunang Roman sa dalawang antas; Konsul Diktador Senado 2 KONSUL – Pinuno ng 1 Diktador- 6 na buwan na 300 miyembro ng konseho ng pamahalaan; 1 taon na panunungkulan; gumagawa ng Patricians Kumukontrol sa panunungkulan; nagsisilbing batas at; sumasama sa paggamit ng salapi at hukom; pangunahan ng hukbo digmaa. ugnayang panlabas; Hukbong at; tagapag-ingat ng salapi. Romano- SPQR (The Senate and the People of Rome). Ang Veto ay nangangahulugang “ipinagbabawal ko” Patricians Plebian - Ay yaong mga Maharlika at mga nagmamay- - Ay yaong kabilang sa mga pamilyang huling ari ng malalaking lupain. nanirahan sa Rome at mga karaniwang manggagawa, magsasaka at mangangalakal. - may karapangyarihan sa pamamahala. - walang karapatan ang mga plebian na manungkulan sa pamahalaan. Karapatan ng mga Plebian ► Itinatag ang isang asamblea noong 494 B.C.E. Binuo ito ng sampung kasapi-tinawag na tribune- na may kapangyarihang gumawa ng batas para sa mga plebian. ► Noong 451 B.C.E, tagumpay para sa plebian ang pagtatatag ng Twelve Tables, mga batas na nakatala sa 12 tableta. Ipinaskil ang mga tableta sa Forum. Sa pagkakaroon ng Twelve Tables, nawakasan ang pagkakaroon ng kani-kaniyang interpretasyon ng mga batas at naitaguyod ang karapatan ng mga plebeian kaugnay, halimbawa, sa pag-aasawa, pang-aalipin at pagpaparusa. The Twelve Tables Hukbong Sandatahang Roman ► Ang lahat ng mamamayang Roman na nagmay-ari ng lupa ay may tungkuling manulbihan sa hukbong sandatahan ng Republika. ► Tinawag na legion ang malaking pangkat ng hukbong sandatahan ng Rome. Karaniwang binuo ang isang legion ng may 6000 legionary o sundalong Roman. Nahati ang legion sa mas maliliit na yunit, tinawag na century, na binuo ng may 60 hanggang 120 legionary. Paglawak ng kapangyarihang Roman ► Sa ilalim ng republika, unti-unting sinakop ng mga roman ang mga karatig lugar nito. ► Noong 265 B.C.E., matagumpay na napasakamay ng mga Roman ang buong Italian Peninsula maliban sa Po Valley. ► Ninais ng Roman na maging pinakamapangyarihan sa rehiyong Mediterranean. Mga Punic War Pagwawakas ng labanan Mga Pangyayari Unang Punic War - Nagtagal ang digmaang ito ng 23 taon. - Hindi ito nagwakas bagkus Rome vs Carthage - Noong 241 B.C.E., nagapi ng Rome naghiganti ang mga Carthaginian. ang Carthage at nakamit ang Sicily bilang uang lalawigan ng Repubika sa labas ng tangway. Mga Punic War Pagwawakas ng labanan Mga Pangyayari - Pinamunuan ng heneral na - Nagwakas ang Ikalawang Punic War noong 202 Ikalawang Punic War Carthaginian na si Hannibal ang B.C.E. nang magapi ng mga Roman si Hannibal sa Rome vs Carthage hukbo ng 59,000 sundalo at 60 Zama, malapit sa Carthage. Scipio vs Hannibal elepanteng pandigma upang - Napasakamay ng mga Roman ang Spain at sugurin ang Rome. ginawang lalawigan ng imperyo. - Upang linlangin ang kalaban, nilandas ng hukbo ni Hannibal ang mahabang ruta mula Spain, France at patawid sa Apls, upang sakupin ang hialang Italy. Mga Punic War Pagwawakas ng labanan Mga Pangyayari Ikatlong Punic War - Noong 149 B.C.E. ay sinalakay ng mga - Bandang 70 B.C.E nakamit ng Republika ang Roman ang Carthage at nagsimula ang tugatog ng kapangyarihan. Ikatlong Punic War. - Matapos makapangyari sa kanlurang - Ito ay bunsod sa pangbubuyo ng Mediterranean ay pinalawig nito ang maimpluwensiyang senador na si Cato sa kapangyarihan sa kanlurang Mediteranean ay mga Roman na “wasakin ang Carthage” pinalawig nito ang kapangyarihan pasilangan. - Sinunog ng mga Roman ang lungsod at - Sinakop nito ang Macedonia, Greece at ipinagbili bilang alipin ang may 5000 Pergamun sa Anatolia. naninirahan ditto. Ang Carthage ay - Sa panahong ito, itinuturing ng mga Roman ginawang lalawigan ng Rome. ang Mediterranean Sea na mare nostrum 0 “ang aming dagat” Paghina ng Republika ► Kasabay sa paglawak ng teritoryong Roman ay naharap din ito sa mga suliraning nagpahina sa katatagan ng Republika. ► Lumaki ang agwat ng mayayaman at mahihirap. ► Sa panahong ito tumaas ang bilang ng mahihirap sa may sangkapat ng kabuoang populasyong Roman. Ito ay dahil sa pag-iral ng korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. ► Kasabay rin nito ang pagkakaroon ng latifundia o “malaking hacienda” ng mayayamang nagmamay-ari ng lupa. Mga Repormista ► Dalawang tribune ang nagnais na malutas ang suliranin sa kahirapan. Sila ang magkapatid na Gracchus – sina Tiberius at Gaius. Iminungkahi ni Tiberius na liitan ang sukat ng mga latifundia at ipamahagi anng labis na lupain sa mahihirap. Sinuportahan naman ni Gaius ang pagbalik ng lupain sa mga magsasaka at ang pagpapababa sa presyo ng bigas. ► kapuwa bigo ang dalawang repormista sa kanilang hangarin. Kapuwa ring marahas ang kanilang pagkasawi, si Tiburius noong 133 B.C.E at su Gaius noong 121 B.C.E. Pagbaksak ng Republika ► Nabalot ang Rome ng mga digmaang sibil. May mga heneral na nagkamit ng kapangyarihan matapos bilhin ang katapatan ng mga sundalo kapalit ng pangako ng lupain at salapi. Dalawa sa mga heneral na ito sina Gaius Marius at Lucius Cornelius Sulla. ► Mula 88 hanggang 82 B.C.E ay nagharap ang hukbo ng magkabilang panig sa isang digmaang sibil na sa huli ay pinagwagian ni Sulla. Matapos nito ay itinalaga ni Sulla ang sarili bilang diktador. Gawain 1 ► Bumuo ng pangungusap gamit ang dalawang salita sa bawat bilang. 1. Bota - Tangway 2. Plebian – Patrician 3. Twelve Tables - Batas ►Magpasikat Ka! Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sa anong larangan ang sumusunod na kontribusyon ng Imperyong Romano. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ________1. Twelve Tables ________2. Cicero ________3. Odyssey ________4. Stucco ________5. Basilica ________6. Coliseum ________7. Marcus Plautus at Terence ________8. Livius Adronicus ________9. Comedy ________10. Alamat ng Roma Paglalahat ► Ano-anong pangyayari ang naging daan sa paghina ng Republika ng Rome? Pagpapahalaga ► Sa inyong palagay, mahalaga ba ang resulta ng digmaan Punic sa Rome?