KABIHASNANG ROME (PDF)
Document Details
Uploaded by CompliantRoseQuartz1262
Tags
Summary
This is a presentation on ancient Roman history, specifically on the rise, geography, and key events impacting the Roman empire. It seems geared towards higher education students.
Full Transcript
# KABIHASNANG ROME ## "The Grandeur that was ROME!" - Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong Macedonia ang itinuturing na huling imperyo sa Greece. - Ito ay napasakamay ng paumpisa pa lamang na kabihasnang nasa kanlurang Europa, ang ROME. ## HEOGRAPIYA N...
# KABIHASNANG ROME ## "The Grandeur that was ROME!" - Sa pagkamatay ni Alexander the Great, unti-unting humina ang malawak na imperyong Macedonia ang itinuturing na huling imperyo sa Greece. - Ito ay napasakamay ng paumpisa pa lamang na kabihasnang nasa kanlurang Europa, ang ROME. ## HEOGRAPIYA NG ROME The image on this page is a map of Italy. - Ang Italy ay isang peninsula na nakausli sa Mediterranean Sea. - Binubuo ito ng maraming kabundukan at ilang mga kapatagan. Pinakamahalaga dito ang LATIUM - Ang ILOG TIBER ay dumadaloy sa kapatagang ito. Istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa ilog na ito na umuugnay sa Mediterrean Sea. ## Mapa ng Italy sa Europa The image on this page shows a map of Europe with Italy highlighted in red. ## ALAMAT NG ROMA - Ayon sa alamat, nagsimula ang ROME ay itinatag ng kambal na si ROMULUS at REMUS. - Habang sanggol pa lamang, inilagay sila sa isang basket at ipinaanod sa TIBER RIVER ng kanilang amaing-hari sa takot na angkinin ng kanyang kambal ang kanyang trono. - Ang kambal ay sinagip at inaruga ng isang babaing lobo. - Nang lumaki ang dalawa at nalaman ang kanilang pinagmulan, inangkin nila ang trono at itinatag ang Rome sa pampang ng TIBER River. ## ETRUSCAN - Tribong may maitim na balat na unang nanirahan sa Rome. - Sila ay magagaling sa sining, musika at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura, gawaing metal at kalakalan. - Tinuruan nila ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga gusaling arko, aqueducts etc. ## ANG ROMAN REPUBLIC - Pinatalsik ng mga Roman ang haring Etruscan at nagtayo ng isang REPUBLIKA-isang pamahalaang walang hari. - Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang (2) KONSUL na may kapangyarihang tulad ng HARI at nanunungkulan sa loob ng ISANG TAON. - Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa (CHECK and BALANCE of POWER) - Dahil sa pagkakahati ng ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay ng tagapagpaganap (EXECUTIVE) - Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng DIKTADOR na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Mas makapangyarihan ang isang DIKTADOR kaysa sa KONSUL - Ang Republika ay nakalaan lamang sa mga PATRICIAN (Mayayaman). Tanging sila lamang maaring mahalal sa pamahalaan. ## LIPUNANG ROMAN The image on this page shows four black and white illustrations of Roman citizens, some of them are engaging in activities that might suggest their place in society. - PATRICIAN (MAHARLIKA/MAYAYAMAN - PLEBEIAN (MASA/MAHIHIRAP ## TAGUMPAY NG PLEBEIAN - Naghimagsik ang mga plebeian upang makamit ang pantay na karapatan. - Nagmartsa sila at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang BANAL NA BUNDOK. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod. - Natakot ang mga patrician na mawawalan sila ng mga manggagawa kaya sinuyo nila ito na bumalik sa Roma. Ngunit may mga kondisyon: - Pagpapatawad ng utang - Pagpapalaya sa mga naging alipin dahil sa utang - Paghalal sa mga plebeian ng 2 TRIBUNE, na magtatanggol sa kanilang karapatan. ## ANG TRIBUNE - Karapatan ng isang TRIBUNE o MAHISTRADO na humadlang sa mga hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. - Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang panukalang-batas, dapat lamang nyang isigaw ang salitang "VETO" (Tutol Ako!) - 12 TABLES- Kauna-unahang nasusulat na batas sa ROME, naisulat sa labidang tanso at inilagay sa rostra ng forum upang mabasa ng lahat. ## 12 TABLES OF ROME The image on this page shows a black and white illustration of people gathered in front of a building and a table. ## PAGLAGANAP NG KAPANGYARIHAN NG ROME - Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunud-sunod na digmaan. - Sinunod nilang sakupin ang Greece, ngunit nanaig ang Greece dahil tinulungan ni Alexander the Great ang kanyang pinsang si Haring Pyrrhus. - Gumamit sila ng elepante na kinatatakutan ng Rome. Itinuturing itong pinakamahal na tagumpay kayat tinaguriang PYRRIC VICTORY. - Ngunit hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus sa Labanan sa Beneventum at napabagsak ito ng Rome. - Sa kanyang tagumpay, tinawag ang ROMA bilang "Reyna ng peninsula ng Italy". ## CARTHAGE VS. ROME The image on this page shows a map of the Western Mediterranean marking the areas controlled by both Rome and Carthago around 264 BC. - Ang Digmaang PUNIC sa pagitan ng CARTHAGE at ROME ay nag-ugat sa pananakop ng Rome sa bahaging timog ng Italy. - Nagsisimula pa lamang ang Carthage noon na maging makapangyarihan sa Mediterranean. - Nasubok ang kapangyarihan ng Rome at Carthage sa tatlong Digmaang PUNIC-salitang Latin na nagmula sa pangalang PHOENICIA. ## TAGUMPAY SA SILANGAN - Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Punic, ang hukbo ng Rome ay pumunta sa silangan. - Tinalo nila ang Macedonia at ginawang lalawigan ito. - Sinunog din ng Rome ang Corinth. - Simula ng napasakamay ng Rome ang maraming lupain at baybaying Mediterranean Sea, tinawag ng mga taga ROME ito, MARE NOSTRUM o Aming Dagat. ## UNANG TRIUMVIRATE - Nagkaroon ng digmaang sibil (digmaan na mismong mamamayan ang nagkakaroon ng alitan at digmaan) dahil sap ag-aagawan sa kapangyarihan. - Upang matapos ang digmaang sibil, nagkaroon ang Rome ng FIRST TRIUMVIRATE (pagsasama ng tatlong makapangyarihang tao na mangangasiwa ng pamahalaan - Ang First Triumvirate ay binubuo nina JULIUS CEASAR, POMPEY, AT CRASSUS. The image on this page shows three bust illustrations of Julius Caesar, Pompey, and Crassus. - Si Crassus ang pinakamayamang tao sa Rome na nanguna sa pagpapakalma sa isang rebelyon ng mga alipin. - Si Pompey ay bayani sa kanyang pagkapanalo ng labanan sa Spain - Habang si Julius Ceasar ay isang gobernador ng GAUL (FRANCE) na matagumpay niyang napalawak ang teritoryp ng Rome hanggang France at Belgium. - Ang Triumvirate ay nangangakong mamumuno sa Rome ng walang inggit at kompetisyon sa bawat isa. - Ngunit namatay si Crassus sa isang labanan at tanging sina Pompey at Julius Ceasar ang naghati sa kapangyrihan ng Rome. - Suportado ng Senado (mambabatas) si Pompey habang mabango si Julius Caesar sa mga mamamayan ng Rome dahil sa mga kabayahinang nagawa nito bilang mahusay na mandirigma at mga mabubuting reporma sa mga mamamayan ng Rome. - Ilan sa mga nagawang reporma ni Julius Ceasar ay ang pagpapababa ng buwis, pagbibigay ng lupa sa mga retiradong sundalo. - Dahil sa kasikatan niya sa mga tao, muling pinabalik ng Senado si Julius Ceasar sa Rome (CROSSING THE RUBICON) ngunit sa isang kondisyon, bumalik siya na hindi kasama ang angkanyang hukbo. Ngunit hindi ito sinunod ni Julius Ceasar sa nakaambang na panganib at itoy isang patibong sa kanyang buhay. Bumalik siya kasama niya ang kanyang mga hukbo at sa takot ng mgs kalaban niya sa kapangyarihan ay tumakas si Pompey patungong Greece ngunit natalo ang kanilang pwersa. - Dahil sa wala ng katunggali si Julius Ceasar sa kapangyarihan, hinirang siyang DIKTADOR ng buong Rome. - Ngunit nangamba ang Senate na ideklara niya ang kanyang sarili na HARI ng rome, nagkaroon ng isang sabwatan kasama ang kaniyang matalik na kaibigan na si MARCUS BRUTUS. Pinatay siya ng grupo ng senador sa pangunguna ng kaniyang matatalik na kaibigan sa pamamagitan ng pananaksak noong March 15, 44 BCE at kinilala ito sa kasaysayan na "THE IDES OF MARCH" - Bago mamatay si Julius Ceasar, ay nagtalaga na siya ng kanyang tagapagmana, ang kanyang apo sa pamangkin na si OCTAVIAN. ## SECOND TRIUMVIRATE - -Binuo nina MARK ANTHONY, MARCUS LEPIDUS AT OCTAVIAN ang SECOND TRIUMVIRATE upang ibalik muli ang kaayusan sa Rome. - -Sa loob ng 10 taon, naghati sa kapangyarihan sina OCTAVIAN at MARK ANTHONY. - Pinamunuan ni Octavian ang Rome habang si Mark Anthony ay ang EGYPT na nakilala at nahumaling sa ganda ni Reyna Cleopatra at ang huling reyna ng Egypt. The image on this page shows three bust illustrations of Mark Anthony, Octavian and Lepidus. ## IKALAWANG TRIUMVIRATE - MARC ANTHONY - OCTAVIAN (APO NI JULIUS CAESAR) - LEPIDUS ## LABANAN SA ACTIUM - -Habang nasa Egypt si Mark Anthony ay napamahal siya sa huling reyna ng Egypt na si Cleopatra at nagbalak na sakupin nila ang Rome upang sila ang maghari nito. - -Nang nalaman ni Octavian ang balak ng dalawa, nagpadala siya ng isang ekspedisyon upang hindi maisakaturan ang balak nina Mark Anthony at Cleopatra. - Matapos matalo ang hukbo ni Mark Anthony, iniwan niya ang kanyang hukbo at sumunod kay Cleopatra. Ngunit nagpakamatay si Mark Anthony sa pag-aakala na namatay na ang kanyang iniibig. -Nang nalaman ni Cleopatra ang sinapit ni Mark Anthony, sa harap ng pagkatalo kay Octavian, nagpakamatay rin si Cleopatra sa pamamagitan ng tuklaw ng ahas. The image on this page shows two illustrations of Cleopatra: one she is with Mark Anthony and in another one she is receiving a snake bite. ## AUGUSTUS CEASAR: UNANG EMPEROR NG ROME - -Sa pagkatalo at pagkamatay ni Mark Anthony, Lepidus na lang ang katunggali ni Octavian sa kpangyarihan. Ngunit nawala sa kanyang ang pamamahala sa Gaul at ipinatapon siya sa Cerceii, Italy. - -Nang bumalik si Octavian sa Rome, iginawad ng Senate ang titulong AUGUSTUS na ang ibig sabihin ay BANAL O HINDI PANGKARANIWAN. Mula noong kinalala si OCTAVIAN na AUGUSTUS. ## PAX ROMANA (ROMAN PEACE) - Sa pamamahala ni Augustus, napalawak niya ang teritoryo ng Rome silangan ng Mesopotamia, Atlantic Ocean at Sahara Desert sa Africa. - Sa pangakalahatan ang imperyong Rome ay nagkaroon ng tahimik at masagana ng 250 years. Tinawag itong PAX ROMANA o Kapayapaang ROME. Umunlad ang kalakalan, sagana sa pagkain ang imperyo at ligtas ang mga daan, dagat at karagatan sa mga tulisan dahil sa takot sa Rome. ## MGA EMPERADOR PAGKATAPOS NI AUGUSTUS CAESAR - Bago namatay si Augustus Caesar (OCTAVIAN) noong 14 CE (Common Era), nakapili na siya na hahalili sa kanya. Si Tiberius ay ginawaran ng SENATE ng titulo bilang IMPERATOR O EMPERADOR. - Pagkatapos ni Tiberius (emperador ng Rome sa panahon ni Jesus Christ) nagkaroon ng ibat-ibang uri ng emperador. - TIBERIUS -Magaling na administrator ngunit isang diktador. - CALIGULA - Nilustay ang pera ng imperyo sa maluluhang kasayahan tulad ng gladiator. May sakit sa isip si Caligula at hinirang niya ang kanyang kabayo bilang CONSUL at iniisip niya na siya ay isang gladiator. - CLAUDIUS - Isang mahusay na administrador - NERO - Ipinapatay niya ang lahat na hindi niya kinatutuwaan kabilang ang kanyang ina at asawa. Inakusahan siya ng panununog sa Rome at natutuwa pa siya habang nagaganap ito. The image on this page shows Caligula and his horse. ## CALIGULA AT ANG KANYANG KONSUL NA KABAYO The image on this page shows Nero with a musical instrument in his hand. ## NERO HABANG NASUSUNOG ANG KALAKHANG ROME - VESPASIAN - Kilala ang kanyang panunungkulan na may patakarang maayos sa pananalapi at nagpatayo ng maraming imprastraktura tulad ng public bath at amphitheater para sa mga gladiator. - NERVA - Nagpautang sa mga magsasaka at nag laan ng pundo para sa mga ulila - TRAJAN - Narating ng imperyong Rome ang pinakamalawak na hangganan. - HADRIAN - Pinalakas ang mga hangganan ng imperyo. Nagpatayo ng HADRIAN WALL sa England. - ANTONINUS PIUS - Ipinagbawal ang pagpapahirap sa mga Kristiyano. - MARCUS AURELIUS - Isang scholar at manunulat. ## KABIHASNANG ROME - Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod estado ng Greece, libu-libong Greek ang tumutungo sa Italy. - Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. - Kumalat ang kabihasnang Greece sa Italy at maraming Roman ang tumungo sa Athens upang mag-aral. - Naimpluwensyahan ng Greece ang kabihasnang Rome. ## BATAS - Ang mga Roman ay kilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. - Ang kahalagahan ng TWELVE TABLES ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan - Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at pamamaraan ayon sa batas. ## PANITIKAN The image on this page shows an illustration of a man with a short beard and a Roman toga. - Ang panitikan ng Rome karamihan ay salin lamang sa mga tula at dula ng Greece. - Halimbawa nito si Livicius Andronicus na nagsalin ng "ODYSSEY" sa Latin. - TERRENCE (Unang manunulat ng Komedya) - Cicero bilang orador at manunulat. ## INHENYERIYA (ENGINEERING) The images on this page show four pictures of common Roman structures: The Colosseum, an aqueduct, The Appian Way and a basilica. - COLOSSEUM - AQUEDUCTS - BASILICA - APPIAN WAY ## PANANAMIT The image on this page shows two pictures of a Roman men wearing various types of clothing worn with a short-sleeved undergarment called a tunic, and an outdoor garment called a toga. - TUNIC (kasuotang pambahay) - Toga (panlabas) The image on this page shows two pictures of Roman women wearing various types of ladies clothing: a long tunic worn as a dress, known as a stola, and a rectangular shawl or cloak called a palla, worn over the stola. - STOLA (kasuotang pambahay) - PALLA (isinusuot sa ibabaw ng Stola)