Document Details

IndebtedBegonia

Uploaded by IndebtedBegonia

Polytechnic University of the Philippines

Tags

Tagalog Literature Philippine Literature Philippine History Literature

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa panitikan ng Pilipinas, partikular sa panahon ng Hapon. Tinatalakay nito ang mga pangunahing akda at manunulat sa panahong iyon, pati na rin ang mga pagbabago sa panitikan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mayroon ding bahagi sa panitikan sa ilalim ng Batas Militar.

Full Transcript

PANAHON NG HAPON Ang kalayaan ng Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas Tydings-McDuffe noong Hunyo 4, 1946. PANITIKAN NOONG PANAHON NG HAPON Tinaguriang "Ginintuang Panahon ng Panitikang Tagalog” Ninais ng mga Hapon na tanggalin ang impluwensiyang Amerikano. Hinikayat nila ang...

PANAHON NG HAPON Ang kalayaan ng Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas Tydings-McDuffe noong Hunyo 4, 1946. PANITIKAN NOONG PANAHON NG HAPON Tinaguriang "Ginintuang Panahon ng Panitikang Tagalog” Ninais ng mga Hapon na tanggalin ang impluwensiyang Amerikano. Hinikayat nila ang mga Pilipino na gamitin ang sariling wika Naging malaya ang mga Pilipino na sumulat ng panitikan batay sa sariling kultura, paniniwala, at kaugalian. PANGUNAHING PANITIKAN 1. TULA - Haiku 5-7-5, 3 taludtod - Tanaga 7-7-7-7 2. MAIKLING KWENTO 3. DULA MGA KILALANG MANUNULAT NOONG PANAHON NG HAPON 1. Liwayway A. Arceo- 2. Francisco Soc Rodrigo 3. Julian Balmaceda PANITIKAN Nagkaroon ng wikang opisyal Tagalog, Ingles, at Kastila, at ito ay nang matamo ang republika noong taong 1946. 1945-1950 Nawala’t lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng Sinagtala, Malaya, at Kayumanggi. 1949 Ang MaiklingKwentong Tagalog ANG PANITIKAN SA ISINAULING KALAYAAN Maraming bayan sa gitnang Luzon noong 1950 ang may “tagong pamahalaan ng mga huk” Naging ulirang manunulat na amerikano sa mahusay na teknisismo sina: 1. Ernest Hemingway 2. William Saroyan 3. John Steinbeck HUKBALAHAP(HUKBONG BAYAN LABAN SA HAPON Ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Gitna at Katimugang Luzon. Ito ay isang grupo ng mga gerilya na orihinal na nakipaglaban laban sa mga mananakop na Hapones at ito ang pinakamalaking pangkat ng mga gerilya na itinatag ni Luis Taruc. NABUKSANG MULI ANG MGA PALIMBAGANNG MGA PAHAYAGAN AT MGA MAGASIN 1. Liwayway, 2. Bulaklak, 3. Ilang-ilang, 4. Sinag tala, atbp. MGA PANITIKANG UMUSBONG SA PANAHON NG PAGLAYA SA HAPON 1. Tulang Tagalog - nagkaroon ng laman, hindi lamang salita't tugma. 2. Maikling Kuwento - may mga mabuting tauhan, pangyayaring batay sa katotohanan, at mga paksaing may kahulugan. 3. Nobela - nagsilbing libangan. 4. Bigkasan ng Tula - naging popular at kinagiliwan ng mga tao. MGA AKLAT NA NALIMBAG 1. Mga Piling Katha (1947-48) ni Alejandro Abadilla 2. Mga Maikling Kwentong Tagalog (1886-1948) ni Teodoro Agoncillo 3. Ako'y Isang Tinig (1952) Katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza Matute 4. Mga Piling Sanaysay (1952) ni Alejandro Abadilla 5. Maikling Katha ng Dalawampung Pangunahing Autor (1962) nina A.G. Abadilla at Ponciano B.P. Pineda 6. Parnasong Tagalog (1964) Katipunan ng mga piling tula mula kina Huseng Sisiw at Balagtas na tinipon ni A.G. Abadilla 7. Sining at Pamamaraan ng Pag-aaral ng Panitikan (1965) ni Rufino Alejandro 8. Manlilikha: Mga Piling Tula (1961-1967) ni Rogelio G. Mangahas 9. Mga Piling Akda ng Kadipan (Kapisanang Aklat ng Diwa at Panitik) (1965) ni Efren Abueg 10. Pitong Dula (1968) ni Dionisio Salaza PANAHON NG BATAS MILITAR Ang Pilipinas ay napasailalim sa batas militar mula 1972 hanggang 1981 sa ilalim ni Ferdinand Marcos, ayon sa Proklamasyon Blg. 1081, na layuning pigilan ang kaguluhan, banta ng komunismo, at pagtatangka sa buhay ni Juan Ponce Enrile. Marami ang ipinagbawal noong panahon ng Batas Militar, at isa na rito ang pagtuturo ng panitikan. - PLEDGES Peace and Order Land Reform Economic Reform Development of Moral Values Government Reform Educational Reform Social Reform - DULA Pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan sa pamamagitan ng pagpapaayos ng Metropolitan Theatre. - USAPING MAIKLING KWENTO Nagpatuloy ang Gawad Palanca sa pagbibigay ng gantimpala sa mga mahusay na maikling kuwento, subalit walang nalathalang kuwento na tumutuligsa sa Batas Militar at ang epekto nito sa karapatang pantao - USAPING PANULAAN Sumikat ang mga slogan tulad ng "Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan" at "Magplano ng pamilya, nang buhay ay lumigaya." Itinatag ang Galian sa Arte at Tula (GAT) noong 1973 upang itaguyod ang seryosong panitikan. - USAPING NOBELA Ang pagsulong ng nobela sa panahong iyon ay nahadlangan ng mga isyu sa pagpapalimbag, tulad ng mataas na gastos at kakulangan ng insentibo para sa mga nobelista. - USAPING MAGASIN AT PAHAYAGAN Nangapinid ang mga pahayagan at lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral ng batas Militar. Mga pahayagan Philippine Daily Express. Times Journal Balita at Pilipino Express Pahayagan at magasin - USAPING PELIKULA, TELEBISYON AT RADYO Ang Manila Film Festival, na isinagawa sa panahon ng Batas Militar, ay may malaking bahagi sa pag-unlad ng pelikula sa Pilipinas, tulad ng mga pelikulang"Kuko ng Liwanag," "Minsa'y Isang Gamu-gamo," "Ganito Kami Noon... Paano Kami Bukas?"at "Insiang Aguila." - USAPING AWITING PILIPINO Naglalarawan ng epekto ng lingguhang konsyerto, ballet, at dula sa CCP sa pagpapalaganap ng klasikal na awiting Pilipino. MAIKLING KUWENTO SA PANAHONG KASALUKUYAN Pagkaraan ng EDSA Revolution, maraming kuwentong nailathala sa mga pagbabagong naganap sa bansa. Ito ang mga kuwentong nagtataglay ng diwa, saloobin at paniniwala ng mga manunulat sa bagong panahon. Ang Liwayway ang nagpatuloy sa pagbubukas ng kanilang pinto para sa mga manunulat ng kuwentong ngayon pa lang sumisibol. Ilan din sa mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin ang Bulaklak, Ilang-ilang at Sinagtala. MAHUHUSAY NA MANUNULAT NGMAIKLING KUWENTO 1. GENOVEVA EDROZA MATUTE- Isang bantog na kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang- edukasyon. 2. EFREN ABUEG- Isang kilalang manunulat ng Wikang Filipino na malikhaing manunulat, editor, may-akda, nobela, manunulat ng maikling kwento, sanaysay, fictionist, propesor, manunulat ng aklat- aralin, at antropologo sa Pilipinas. 3. ROGELIO SIKAT- Isang premyadong nobelista,kuwentista, mandudula, at tagasalin. Siya din ay naging guro ng panitikan, malikhaing pagsulat, wika at pagsasalin sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP, Diliman. 4. BENJAMIN PASCUAL- Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. 5. EDGARDO REYES- Isang nobelista, kuwentista at scriptwriter sa wikang Filipino. Isa siya sa pinaka-prolific na awtor ng kanyang panahon. KONTEKSTONG PANLIPUNAN NG MAIKLING KWENTO Ang kontekstong panlipunan ng maikling kwento ay tumutukoy sa mga kalagayan at kondisyon ng lipunan na nakapalibot sa mga tauhan at kaganapan sa kwento. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mas malalim na kahulugan at pag-unawa sa mga kilos, desisyon, at interaksyon ng mga tauhan. 1. Kalagayang Ekonomiko- Ang antas ng kabuhayan ng mga tauhan, kung sila ba ay mayaman o mahirap, at paano ito nakakaapekto sa kanilang buhay at relasyon sa iba. 2. Kultura at Tradisyon- Mga paniniwala, kaugalian, at tradisyong sinusunod ng mga tauhan. Halimbawa, ang pag-aasawa, pagdiriwang, o ritwal na may malaking papel sakanilang buhay. 3. Politikal na Kalagayan- Kung mayroong mga isyu sa pamahalaan o lipunan na nakakaapekto sa mga tauhan, tulad ng digmaan, korupsyon, o diskriminasyon. 4. Relihiyon at Pananampalataya- Ang mga paniniwala at relihiyon ng mga tauhan ay maaaring makaimpluwensya sa kanilang mga desisyon at pananaw sa buhay. 5. Sosyal na Ugnayan- Ang mga relasyon sa loob ng pamilya, kaibigan, at komunidad. Maaaring may mga pwersang panlipunan na nagdidikta kung paano sila makikisalamuha sa isa’t isa. 6. Kasarian at Sekswalidad- Ang papel ng kasarian at mga isyu ng sekswalidad sa kwento. Paano tinutugunan ng mga tauhan ang mga inaasahan ng lipunan tungkol sa kanilang kasarian? 7. Mga Isyu sa Katarungan at Karapatan- Ang mga tauhan ay maaaring makaranas ng diskriminasyon, kawalan ng katarungan, o pakikibaka para sa kanilang mga karapatan. BAKIT MAHALAGA ANG KONTEKSTONG PANLIPUNAN? PAG-UNAWA SA KARAKTER- Ang pag-aaral sa kontekstong panlipunan ay nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa mga karakter. PAGTUKOY SA TEMA- Ang mga tema ng isang kwento ay kadalasang repleksyon ng mga isyung panlipunan. PAGSUSURI SA PANANAW NG MAY-AKDA- Ang konteksto ay nagbibigay ng pahiwatig sa pananaw ng may-akda tungkol sa lipunan PAG-UUGNAY NG KWENTO SA KASALUKUYAN- Ang pag-aaral sa kontekstong panlipunan ay nagpapahintulot sa mambabasa na iugnay ang kwento sa kanilang sariling buhay at sa kasalukuyang lipunan. PANITIKANG PAMBATA Ang panitikang pambata ay tumutukoy sa mga akdang nakatalaga para sa mga bata. Ang layunin nito ay magbigay aliw,magturo ng mahahalagang aral, at magpasigla ng imahinasyon. SINAUNANG PANAHON Kwentong Bayan Juan Tamad (Tagalog) Abunawas (Muslim) Mga Alamat ni Maria Makiling Epiko Ibalon (Bikol) Bantugan (Maranaw) Tuwaang (Bagobo) Biag ni Lam-ang (Iloko) Maragtas (Bisaya) PANAHON NG MGA KASTILA 1. Urbana at Feliza- Ito ay tungkol sa nagbibigay patnubay sa kabataan ayon sa pagsulatan ng dalawang magkapatid. 2. Sa Aking mga Kabata Isinulat ni Jose Rizal noong siya’y walong taong gulang pa lamang. PANAHON NG MGAAMERIKANO Nagbukas ng mga paaralan ang mga Amerikano at nagsimulang magturo ng Ingles. 1. Stories of Long Ago in the Philippines 2. Fifty Famous Stories MALASARILING PANAHON Juan C. Laya- Tales of our Father Told - Diwang Kayumanggi PANAHON NG MGA HAPON Julian C. Pineda -Kuwento PANITIKANG PAMBATA SA KASALUKUYANG PANAHON Adarna House Ibong Adarna: ( Vee Press ng Vibal Foundation, 2011) Unang interaktibong e- book na pambata sa bansa. Libre itong ma d-download at simple ang pagbubuod, may digital illustrations. Vibal Publishing House, Inc.- Nangunguna sa paglikha ng mga educational materials gamit ang traditional print at digital content. Halimbawa ng mga picture bookbapps at E-books: Yummy Fly Pie (Jomike Tejido) Mariang Sinukuan ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Leo Cultura) Pagpagayuk ( Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Pia Constantino) Amansinaya (Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Jomike Tejido) Ang Mahiwagang Kamiseta(Salaysay ni Eugene Evasco, guhit ni Ghani Madueno) Araw sa Palengke (Salaysay ni May Tobias-Papa, guhit ni Isabel Roxas) MGA URI NG PANITIKANG PAMBATA 1. Kwento - Pabula - Kwentong Bayan - Alamat 2. Tula - Tulang Pambata - Tulang Liriko 3. Larawan at guhit - Aklat na may guhit- - Komiks LIMBAG NG ADARNA HOUSE 1. Ang Ambisyosong Istetoskop 2. Ang Mahiyaing Manok 3. Ako si Kaliwa, Ako si Kanan LIMBAG NG LAMPARA BOOKS 1. Tuwing Sabado 2. Si Tanya, ang Uwak na Gustong Pumuti 3. Sa Ilalim ng Dagat LIMBAG NG TAHANAN BOOKS 1. 12 Kuwentong Pamasko 2. Bahay Kubo 3. Dalawa ang Daddy ni Billy NOBELANG PILIPINO SEMORLAN, RUBIN, CASSANOVA 1999 Ang nobela’y naglalahad ng isang kawili-wiling pangyayari na humahabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas na ang pangunahing sangkap ay ang paglalaban ng hangarin ng mga bayani sa isang dako at hangarin ng kanyang katunggali sa kabilang dako. FAUSTINO AGUILAR (RESPETO, 1995) Ang nobela ay isang kathang nagsasalaysay ng anumang bagay sa kabuuan o sa isang bahagi ay hinango sa isang pangayayari at sinulat upang makalugod sa mambabasa dahil sa magandang paglalarawan ng mga tagpo ng ugali at wari ng mga taong pinagagalaw na magiging salaminan pagkatapos sa pagkamarangal at pagpapakasalat nang dahil sa isang dahilang bagay o layon. REGALADO (1992) Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil-kawil na mga pangayayari sa buhay ng mga tauhan. LIGAYA RUBIN AT ARTHUR CASSANOVA (2001) Sa lahat ng anyo ng panitikan, ang nobela ang pinakamalayang gamitin. Malawak ang saklaw nito parangkasaysayan o bibliya. EFREN ABUEG -Sa lahat ng anyo ng panitikan, ang nobela ang pinakamalayang gamitin. Malawak ang saklaw nito parangkasaysayan o bibliya RESIL MOJARES (1998) Ang pag-aaral ng nobelang tagalog ay nakaugnay sa katutubong panitika. Ang pinagmulan ng nobela ay epiko at nagkakaroon ng iba't ibang transpormasyon tulad ng moralidad at nobelista. INIGO ED. REGALADO (1992) Ang nobelang tagalog ay umunlad na noon pang matandang panahon sa pamamagitan ng matatandang awitin ng mga katutubo. URI NG NOBELA(7) NOBELA NA REALISMO Ang nobela ay tumatalakay sa mga tunay na pangyayari at mga tauhan na nakabatay sa totoong buhay. Ito ay nagpapakita ng mga detalyadong paglalarawan ng lipunan, kultura at tradisyon Hal."Noli Me Tangere" ni Dr. Jose Rizal NOBELA NA ROMANTISISMO (ROMANTIC NOVEL) Ang nobela ay naglalaman ng mga elemento ng romantiko, kagila-gilalas, at kahiwagaan. Ang mga tauhan at tagpuan ay karaniwang hindi pangkaraniwan o di-makatotohanan. Hal. "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas NOBELA NA SIKOLOHIKAL(SECULAR NOVEL) O NOBELANGPANLIPUNAN Ang nobela ay tumutuon sa paglalahad ng kaisipan, damdamin, at panloob na mundo ng mga tauhan. Ang mga nobelang ito ay tumatalakay sa mga isyu, kahirapan, politika, korapsyon, at iba pang mga suliraning panlipunan. Ito ay naglalayong maghimasok sa mga mambabasa na mag-isip, magpasya, at magkilos upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Hal. "Sa Mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo M.Reyes NOBELA NA HISTORIKAL(HISTORICAL NOVEL) Ang nobela ay batay sa mga tunay na pangyayari sa kasaysayan, ngunit karaniwang may imbento o likhang-isip na mga tauhan at tagpuan. Hal. "El Filibusterismo" ni Dr. Jose Rizal NOBELA NA TAUHAN Ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang nakaapekto sa kanyang buhay. Hal. Nena at Neneng ni Valeriano Pena NOBELA NA SIYENSIYA PIKSYON (SCIENCE FICTION NOVEL) Ang nobela ay may elementong maka- aksyon at nakabatay sa siyensiya o teknolohiya. NOBELA NA PAMBATA Ito ay mga nobelang isinulat para sa mga batang mambabasa. Naglalaman ito ng mga kwento ng paglaki, pagkakaibigan, at pakikipagsapalaran ng mga bata. Ang mga nobelang pambata ay karaniwang may mga makabuluhang aral na maaring matutuhan ng mga bata. MODERNISMO SA PANITIKANG FILIPINO Ito ay modernism o makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi ng bisyon ng mundo. Ito ay tumutukoy sa isang paghihimagsik sa tradisyon, relihiyon, kaugalian at paniniwala. Nagsasaad o nagpapadama upang magkaroon ng puwang ang pagbabago. HISTORYA NG MODERNISMO 1945 - 1965 – Unang Bugso ng Modernismo Modernismo - Ito ang panitikang nalikha ng mga kabataang manunulat. Ang mga elemento ng modernismo sakatham-buhay ay unang lumabas noong panahon ng Hapon sa mga kuwentong nalathala sa Liwayway 1944 –pinangasiwaan ang Liwayway sa ilalimni Kin-ichi Ishikawa. Hindi paksa ang itinuturing na moderno kundi ang pamamaraan ng pagbibigay buhay sa napiling material. Ayon kay Buenaventura Medina, Jr., para sa kapakanan ng mambabasa ng popular na magasin, nobelang inilalathala ay yaong sapat na makalibang. Ang karamihan sa mga kabataang nobelista ay nag-aral sa mga paaralang publiko na itinayo ng mga Amerikano. MGA MANUNULAT AT KANILANG NILIKHA “AKO ANG DAIGDIG” ni Alejandro G. Abadilla nilabag nito ang nakasanayang porma ng isang tula. “PANULAT” ni Benigno Ramos paggamit ng panitikan sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at hustisya sa lipunan. “AL YANKEE” ni Cecilio Apostol anuman ang mangyari, ang puso at diwa ng mga biktima ay magpapatuloy, hindi mawawala ang pakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan. ‘FIRST, A POEM MUST BE MAGICAL” ni Jose Garcia Villa Kilala siya så kanyang mga tulang may reserve consonance rime scheme. “LITERATURE AND SOCIETY” ni Salvador P. Lopez MODERNISMO SA PANITIKAN Ang modernism ay isang kilusang pampanitikan na naging tanyag sa simula ng ikadalawampung siglo. Istilo ng pagsulat - naiimpluwensyahan ng mga kaganapan tulad ng World Wars, industriyalisasyon, at urbanisasyon. Ang mga uri ng mga kaganapan na ito ay pinag-uusapan ng mga tao ang mga pundasyon ng lipunan sa kanluran at ang kinabukasan ng sangkatauhan. Ang mga may-akdang modernista ay nagsimulang magsulat tungkol sa pagbagsak ng sibilisasyon, panloob na sarili, at kamalayan. Ang kanilang trabaho ay sumasalamin din sa isang pakiramdam ng pagkadismaya at pagkapira- piraso. POST-MODERNISMO Iba't ibang diskarte ng pagsasalaysay tulad ng pagkapira-piraso, hindi mapagkakatiwalaang tagapagsalaysay, parodyoso, madilim na katatawanan, at kabalintunaan. PAGKAKATULAD SA PAGITAN NG MODERNISMO AT POST-MODERNISMO Sumasalamin sa mga insecurities, pagkabagabag, at pagkasira ng ika-20 siglo. Lubhang naiimpluwensyahan ng mga kaganapan tulad ng mga digmaang pandaigdig, industriyalisasyon, at urbanisasyon. Parehong kilusang pampanitikan noong ikadalawampu siglo. PAGKAKAIBA SA PAGITAN NG MODERNISMO AT POST-MODERNISMO Modernismo Seryoso at kailangan ng mas malalim na pagkakaintindi dahil may mga gamit na simbolismo at mga tayutay na hindi masyadong maintindihan. Mahirap maunawaaan agad ang nilalaman ng akda at nais ipabatid ng manunulat. Post-Modernismo Mas nagbibigay-aliw dahil sa mga katangian nitong“straight-forward” Mas masayang basahin dahil nauugnay sa totoong buhay at naiintindihan agad sa isang basa lang. Ito ang panitikang tumulakay sa pagtugon o pagsagot laban sa modernismo. Pinagsama-samang estilo sa modernismo PANITIKANG FEMINISTA Ito ay ang mga panitikan na gumagamit ng mga paksa at kontemporaryong mga bagay mula sa kulturang popular Makabagong anyo ng panitikang sumasabay at nagpapakita sa kasalukuyang pamumuhay ng tao sa lipunan. Paghamon sa Stereotypes Karaniwang tinatalakay ng panitikang feminista ang mga tradisyonal na imahe at tungkulin ng mga kababaihan na ipinapataw ng lipunan. Ito ay naglalayong palitan o baguhin ang mga limitadong pagtingin sa kung ano ang" nararapat" para sa mga babae. Pagsasalaysay ng Karanasan ng Kababaihan Ang mga kwento, sanaysay, tula, at iba pang anyo ng panitikang feminista ay karaniwang nagmumula sa perspektibo ng mga kababaihan. Dito ay binibigyang diin ang kanilang mga damdamin, pakikibaka, at tagumpay. Pagpuna sa Patriyarkal na Lipunan Isa sa pangunahing layunin ng panitikang feminista ay ang paghimay at pagpuna sa mga estruktura ng kapangyarihan na nagpapalaganap ng patriyarkal na pananaw, kung saan ang kalalakihan ay binibigyan ng higit na pribilehiyo at kapangyarihan kaysa sa kababaihan. Pagkilala sa Kalayaan at Awtonomiya ng Kababaihan Sa maraming akda ng panitikang feminista, binibigyang diin ang kahalagahan ng kalayaan ng kababaihan na pumili para sa kanilang sarili, maging sa kanilang personal na buhay, karera, at sekswalidad. Pagsusulong ng Pagkakapantay-pantay ng Kasarian Ang panitikang feminista ay nagpapahayag ng adhikaing makamit ang pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat ng kasarian. Ito ay naglalayon na burahin ang mga balakid na naglilimita sa mga babae dahil lamang sa kanilang kasarian. Pag-explore sa Sekswalidad at Identidad Kasama sa mga tema ng panitikang feminista ang mga talakayan tungkol sa sekswalidad, identidad ng kasarian, at paano ito ay naipapahayag o naipipilit sa mga kababaihan. Paglaban sa Karahasan at Pang-aabuso Maraming akda sa panitikang feminista ang tumatalakay sa mga anyo ng karahasan at pang-aabuso na nararanasan ng kababaihan, at kung paano nila ito nilalabanan at nalalagpasan. MGA KARANIWANG TEMA SA PANITIKANG FEMINISTA Pagkakakilanlang Pangkasarian: Pagtuklas at pag-unawa sa sarili bilang isang babae sa isang lipunang patriyarkal. Relasyon sa Iba Pang Kababaihan: Pag-aaral ng mga relasyon sa pagitan ng mga kababaihan, ang mga suportahan at mga tunggalian. Karahasan laban sa Kababaihan: Pag-expose at pagkondena sa mga iba't ibang anyo ng karahasan laban sa kababaihan. Pag-ibig at Sekswalidad: Pagsusuri sa mga konsepto ng pag-ibig at sekswalidad mula sa pananaw ng mga kababaihan. Trabaho at Ekonomiya: Pagtalakay sa mga hamon na kinakaharap ng mga kababaihan sa kanilang mga propesyon at sa ekonomiya KABANATA 4 PAGPAPAHALAGANG PANITIKAN SA SANAYSAY Ano ang kasaysayan sa pagkakaroon ng sanaysay sa Pilipinas? Ayon Kay Bienvenido Lumbera Mayroon nang mga sanaysay na isinulat ang ating mga katutubo umiiral pa lamang ng pananakop ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga sinulat nina Marcelo H. del Pilar “A Century Hence” at ang “The Indolence of the Filipino People at The Philippines” ni Jose Rizal. Ayon kay Alejandro G. Abadila Ito ay pagsasalaysay ng nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Pinakamalawak ang saklaw at may kahirapang bigyan ng tiyak na katuturan, sa lahat m uri mg katha. Walang katiyakan ang haba at kung kanino nakatuon. Maaring para ito sa bata o matanda, mahirap o mayaman. babae o lalaki at iba pa. Ang manunulat ay malayang maipahayag at mabahagi sa mga mambabasa ang lahat ng kanyang nararamdaman at nararasan. APAT NA KATANGIAN NG SANAYSAY 1. May boses ang Sanaysay 2. May tono ang Sanaysay 3. May ugnay ang Sanaysay 4. May kuro-kuro ang Sanaysay PELIKULA AT DULA PELIKULA Mga tinipong imaheng gumagalaw na mapapanood sa sinehan Naka-record at inaasahan lamang ang resulta ng palabas sa bawat panonood Pinapalabas sa kahit saang may telon gamit ang isang projector Maaaring makapag-shooting sa iba’t ibang lokasyon saan mang panig ng mundo upang makapagpakita ng iba’t ibang tagpuan ng eksena. KASAYSAYAN NG PELIKULANG PILIPINO Panahon ng Espanyol Un Homme au Chapeau (Kalalakihang may sombrero) Une Scène de danse Japonaise (Isang Eksena sa Sayawang Hapones) La Place l’Opera (Sa Lugar ng Tanghalan) Les Boxers (Ang mga Boksingero) Panahon ng Amerikano Manila Fire Department (1905) Eksena sa selebrasyon ng Rizal Day sa Luneta (1909,1910) Manila Carnival (1911) Talon ng Pagsanjan (1911) Unang Pekilulang Pilipino Dalawang Bukid Ang Aswang Punyal na Ginto Panahon ng Hapon Dawn of Freedom Dekada 50 Garrison 13 Dugo ng Bayan Walang kamatayan Elemento ng Pelikula 1. Kuwento(Plot) 2. Karakter(characters) 3. Tagpuan(Setting) 4. Musika at tunog( Music and Sound 5. Sinematograpiya(cinematography) 6. Editing 7. Tema(Theme) Mga Uri ng Pelikula 1. Komedya 2. Drama 3. Aksyon 4. Romansa Estraktura ng Pelikula Panimula Saglit na Kasiglahan Kasudulan Kakalasan Resolusyon Metapora- isang pahayag kung saan ang isang bagay ay ikinukumpara o iniuugnay sa isang bagay na iba upang magbigay-diin sa pagkakahawig ng kanilang katangian o kahulugan. Bituing Walang Ningning - pangarap na maaaring hindi makamtan ngunit patuloy na nagbibigay inspirasyon Mula sa Lumang Mundo - lumang paniniwala at sistema Pag-ibig na Nakalutang - pag-ibig na di maabot Paggamit ng Pelikula Magpahiwatig ng mas malalim na mensahe Magbigay ng emosyonal na epekto Palalimin ang karakter at tema Magdagdag ng Pagkukuwento sa Visual na Paraan Kontekstong Sosyo-Politikal na Pelikula SOSYOLOHIKAL NA KONTESKTO Petsa ng Paglikha - ang oras at panahon kung kailanginawa ang pelikula ay may malaking epekto sa temang tinatalakay nito. Kasalukuyang Kaganapan - ang mga pangunahing kaganapan sa lipunan ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa nilalaman ng pelikula at magbigay ng komentaryo sa mga isyung panlipunan. TEMANG SOSYAL AT POLITIKAL Kritika sa Lipunan - ang pelikula ay maaaring gamiti upang i-highlight ang mga isyu sa lipunan tulad ng kahirapan, diskriminasyon, o hindi pagkakapantay- pantay. Ideolohiya at Propaganda - ang pelikula ay maaaring maglaman ng ideolohiya o mensahe na nagtataguyod ng partikular na pananaw o politika. REPLEKSIYON NG KULTURA Pagpapakita ng Kultura - ang pelikula ay maaaring magbigay ng malinaw na larawan ng kulturang kinabibilangan nito. Pagbabago sa Panlasa ng Madla - ang mga pelikula ay maaaring magbigay ng insight sa pagbabago ng mga panlasa ng madla at kung paano naaapektohan ang mga ito ng mga sosyo-politikal na pangyayari. PAGBIBIGAY DIIN SA PANANAW Pagbibigay ng Boses sa mga Marginalized - ang mga pelikula ay maaaring magsilbing platform para sa mga marginalized na grupo upang maipahayag ang kanilang mga karanasan at opinyon. DULA Anyong pampanitikan na nahahati sa isa o higit pang mga yugto Isinasagawa sa harap ng mga manonood na makaaasang may pagbabago sa bawat pagtatanghal Tinatanghal sa entablado ng mga artista bilang tauhan sa dula May iba’t-ibang props o kagamitan at pag-iilaw subalit hanggang sa ganong paraan lamang ang pagpapalit-palit ng tagpuan ng eksena Kasaysayan ng Dulang Pilipino PANAHON NG KATUTUBO Bikal at Balak Dallot Dung-aw PANAHON NG KASTILA Senakulo Moro-moro Sarsuela PANAHON NG AMERIKANO Bodabil Repertory Philippines Tanikalang Ginto A Modern Filipino A Portrait of the Artist as Filipino PANAHON NG MGA HAPON Panday Pira (Jose Ma. Hernandez) Sa Pula, Sa Puti (Francisco Soc Rodrigo) Himala ng Diyos (Clodualdo del Mundo) Kahirapan at Pag-asa (Aurelio Tolentino) MAKABAGONG PANAHON Lola Basyang Mulanay Walang Sugar Mga Elemento ng Dula 1. Kwento 2. Karakter 3. Tema 4. Entablado 5. Musika at Tunog 6. Disenyo ng Set at Kasuotan Mga Uri ng Dula 1. Komedya 2. Drama 3. Melodrama 4. Trahedya Hal. Ng Dulang Pilipino 1. Ang hauling El Bimbo 2. Banaag at Sikat PAG-AARAL NG ESTRUKTURA NG DULA Yugto Tanghal Eksena Simula Gitna Tunggalian Kasudulan Wakas KONTEKSTONG SOSYAL POLITIKAL NG DULA Ang kontekstong sosyo-politikal ng dula ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga dula sa kanilang konteksto ng lipunan at politika Halimbawa: - Ang Paglitis Kay Mang Serapio - Dekada 70 MGA TANYAG NA MANUNULAT Dr. Jose Rizal (HUNYO 19, 1861 - DISYEMBRE 30, 1896) hindi lang tanyag bilang bayani, kundi isang henyo rin sa pagsusulat. kilala sa sagisag-panulat na ‘Laong Laan’ at ‘Dimasalang’ sa pahayagang ‘La Solidaridad’ isang bihasang polyglot nakakapagsalita ng sampung wika nang matatas at nakakapag- usap sa labindalawang iba pa (22 wika) Sa kabila ng pagiging doktor, mas nakilala siya bilang isang manunulat at lider ng kilusang propaganda Ilan sa mga Akda ni Rizal: - Noli Me Tangere - El Filibusterismo - Sobre la Indolencia de los Filipinos(The Indolence of theFilipino) - Filipinas Dentro de Cien Año (The Philippines a Century Hence) Graciano Lopez Jaena( DISYEMBRE 18, 1856 - ENERO 20, 1896) isang manunulat, patnugot, at lider ng kilusang propaganda unang patnugot ng pahayagang “La Solidaridad” sumulat ng maraming artikulo at sanaysay na tumuligsa sa mga pang-aabuso ng kolonyal na pamahalaan at simbahan. tinaguriang “Demosthenes ng Pilipinas” dahil sa kanyang kahusayan bilang isang orador at manunulat, na maihahambing sa bantog na Griyegong orador na si Demosthenes Ilan sa mga Akda ni Graciano: - Fray Botod (1874) - Isang satirikong sanaysay na nagpapakita ng pang-aabuso at katiwalian ng mga prayle sa Pilipinas. - La Hija del Fraile (Ang Anak ng Prayle) - isang kwento na tumatalakay sa masalimuot na relasyon ng mga prayle at ang kanilang maling paggamit ng kapangyarihan, lalo na sa mga babae. - Sa mga Pilipino - isang talumpati kanyang isinulat na tumatalakay sa mga suliranin at pang-aabuso na dinaranas ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaang Espanyol. Marcelo H. Del Pilar ( AGOSTO 30, 1850 - HULYO 4, 1896 ) Isang manunulat, patnugot, at rebolusyonaryo Pangunahing bayani ng Lalawigan ng Bulacan at kinikilala bilang Dakilang Propagandista, Ama ng Pamamahayag sa Pilipinas, at Ama ng Masoneriyang Pilipino kilala sa sagisag-panulat na “Plaridel” sa pahayagan Pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng “La Solidaridad” Ilan sa mga Akda ni Marcelo: - Diariong Tagalog(1882) - Dasalan at Tocsohan (1888) - La Soberania Monacal (1889) Severino Reyes(PEBRERO 11, 1861 - SETYEMBRE 15, 1942) kilala bilang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog” nagsulat ng 26 na sarsuwela at 22 na drama sa kanyang karera naging unang editor ng Liwayway magazine noong 1922, na naging tanyag dahil sa kanyang mga kuwento lumikha ng karakter na "Lola Basyang" (sagisag-panulat) at nagsulat ng mga kuwento sa ilalim ng pangalang ito para sa Liwayway magazine. Ilan sa mga Akda ni Severino: - Walang Sugat - R.I.P. (Requiescat in Pace) - Mga Kwento ni Lola Basyang Amado V. Hernandez (SEPTYEMBRE 13, 1903 - MARSO 24, 1970) tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” dahil sa kanyang malalim na pagkakaunawa at pagtuon sa buhay at pakikibaka ng mga manggagawa kilala sa kanyang mga akdang nakaugat sa karanasan ng masa at mga tema ng pakikibaka at katarungan. Ang kanyang mga tanyag na akda tulad ng "Luha ng Buwaya" at "Isang Dipang Langit" ay naging mahalagang bahagi ng panitikang makabayan, na nagbigay inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga manunulat at aktibista. Ilan sa mga Akda ni Amado: - Luha ng Buwaya - Isang Dipang Langit - Mga Ibong Mandara Nick Joaquin(MAYO 4, 1917 - ABRIL 29, 2004) isang nobelista at manunulat ng sanaysay, na lumaki isang pamilyang may malalim na pagmamahal sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas nagsimula bilang proofreader sa Philippines Free Press at kalaunan ay naging contributing editor at essayist sa ilalim ng pen name na "Quijano de Manila“ kilala sa kanyang mga maikling kwento, nobela, at dula na isinulat sa wikang Ingles nagsilbing cultural representative ng Pilipinas sa iba't ibang bansa tulad ng Taiwan, Cuba, at China. Ilan sa mga Akda ni Joaquin: - The Woman who had Two Navels - Cave and Shadows - A Portrait of the Artist as Filipino Wilfrido Ma. Guerrero(ENERO 22, 1911 - ABRIL 28, 1995) unang Pilipinong direktor ng UP Dramatic Club, na naging UP Mobile Theater at nagdala ng teatro sa iba't ibang sulok ng Pilipinas upang ipalaganap ang sining ng dula. isang prominenteng mandudula na sumulat ng mga dulang tulad ng "Forever" at "Wanted: A Chaperon" Isa mga itinuturing na Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa Larangan ng Teatro (National Artist for Theater), na siyang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa mga Pilipinong alagad ng sining. Ilan sa mga Akda ni Wilfrido: - The Forsaken House - Wanted: A Chaperon - Three Rats Lualhati Bautista(DISYEMBRE 2, 1945 – PEBRERO 12, 2023) isang Filipinong manunulat, nobelista, aktibista, at kritiko ng pulitika kilala sa kanyang mga akdang may matapang na pagsusuri sa mga isyu ng lipunan kinilala bilang isa sa mga pinakamatatag at makabuluhang tinig sa kontemporaryong panitikang Pilipino, na nagbigay-diin sa mga isyung panlipunan, karapatang pantao, at kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng diktadura. Ilan sa mga Akda ni Lualhati: - Dekada ‘70 - Bata Bata Pa’no Ka Ginawa? - GAPO - Desaparesidos IBA’T IBANG ANYO NG PANITIKAN 1. Panitikang Rehiyonal Pagkilala sa Iba't Ibang Wika at Dialekto - Pag-aaral ng Wika at Dialekto: Ang Pilipinas ay mayaman sa iba't ibang wika at dialekto. Ang bawat rehiyon ay may sariling wika na nagdadala ng natatanging kultura at pananaw. - Pagpapaunlad ng Panitikan: Ang mga akdang panitikan sa lokal na wika ay nagbibigay ng boses sa mga rehiyonal na karanasan at pananaw. Pagpapanatili ng Kultural na Identidad - Paglalarawan ng Kultura: Ang mga akdang pampanitikan ay maaaring maglarawan ng tradisyon, kasaysayan, at kultura ng isang partikular na rehiyon. - Paggalang sa Tradisyon: Ang pagsulat at paglikha ng mga akda na nakaugat sa lokal na tradisyon at alamat ay nakakatulong sa pagpapanatili ng kultural na pagkakakilanlan. Pagsasalin at Pag-aangkop - Pagsasalin ng Panitikan: Ang pagsasalin ng mga akdang panitikan mula sa isang wika patungo sa iba pang wika ay mahalaga upang mapalawak ang abot ng mga kwento at ideya. - Pag-aangkop sa Kultural na Konteksto: Ang mga akdang panitikan na isinasalin inaangkop sa iba't ibang wika ay dapat na isaalang-alang ang kultural na pagkakaiba. 2. Panitikang Postkolonyal Ang panitikan sa postcolonial ay tumutukoy sa panitikan ng mgabansa na kolonisado ng mga bansang Europa. Paglalapat ng Postcolonial Theory a. Paggising sa diwa ng mambabasa ukol sa pagiging malaya ng isang pangkat b. Pagkilala bilang isang nasyon na may iisang kultura mula sa katutubong pinanggalingan c. Mailathala ang mga hindi maka-nasyonalismong pangyayari sa isang pangkat. Teorya ng Postkolonyal Ang post-kolonyal na teorya ay naglalayon na gisingin ang ating pagkatao bilang mga Pilipino na malaya sa impluwensya ng konolisasyon na pilit na isinusubo ng mga mananakop sa atin. 1. RENATO CONSTANTINO- Isa paring malaking impluwensya ang mga dayuhan, partikular na ang Amerika, sa pakikialam sa ating mga pamumuhay maging sa panahon na tayo ay isa ng ganap na malaya na. 2. FRANZ LOOMBA- Isang radikal na proseso ang dapat nating gawin upang maging malaya sa kolonisasyon at ang epekto nito sa ating pagkatao. Tinatawag na decolonization. 3. EDWARD SAID- Dapat wakasan na ang mapanirang pagtingin ukol sa Orientalism.” 4. HOMI BHABHA- Ipinaliwanag niya ang temang hybridization (paghahalo) at mimicry (pangagaya). Kritika sa Kolonyalismo 1. Pagbabago ng Kultura: Tinutuligsa ng kritika sa koloniyalismo ang sapilitang pagbabago o pagsupil sa kultura ng mga katutubo. 2. Eksploytasyon ng Likas na Yaman: Binabatikos ng kritika sa koloniyalismo ang pang-aabuso sa likas na yaman ng mga kolonya, kung saan ang mga mananakop ay nakikinabang sa yaman ng lupa habang iniiwan ang mga katutubo na walang sapat na mga likas na yaman o kita mula dito. 3. Estruktural na Karahasan at Diskriminasyon: Ang kolonyalismo ay madalas na nagreresulta sa sistematikong diskriminasyon at karahasan laban sa mga katutubo. 4. Pagkontrol sa Ekonomiya: Kritikal din ang pagsusuri sa kolonyalismo sa usapin ng kontrol sa ekonomiya, kung saan ang mga mananakop ay kinokontrol ang kalakalan at ekonomiya ng kolonya, na nagreresulta sa kahirapan at kawalan ng kaunlaran para sa mga katutubo. 5. Pananaw Postkolonyal: Sa postkolonyal na kritisismo, tinitingnan kung paano nagpapatuloy ang mga istruktura at kaisipang kolonyal kahit matapos ang dekcolonisation 3.Panitikang katutubo tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na likha ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga mananakop tulad ng mga Espanyol. Ang mga akdang ito ay karaniwang isinasalaysay sa anyong pasalita at ipinapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ang mga ito ay nagpapakita ng kultura, paniniwala, tradisyon, at pananaw ng mga katutubong Pilipino. Mga Katangian: 1. Oral na Tradisyon 2. Paggamit ng mga Awit at Tula 3. Pagpapakita ng mga kulturang Pilipino 4. Pagpapanatili ng mga kaalaman Mga Halimbawa Epiko Alamat Bugtong Sawikain at Salawikain 4. Panitikang Ekokritko Ang ekokritiko ay isang tao o iskolar na nagsasagawa ng pagsusuri at kritikal na pagsusuri sa mga teksto, kultura, at mga gawa ng sining gamit ang lente ng ekokritisismo. Sila ang nagsusuri kung paano ipinapakita ng panitikan at kultura ang ugnayan ng tao at kalikasan, at kung paano ito nakaaapekto sa ating pananaw sa kapaligiran. Ang ekokritisismo ay isang interdisiplinaryong larangan ng pag-aaral na tumatalakay sa representasyon ng kalikasan at ugnayan ng tao sa kalikasan sa loob ng panitikan at kultura. MGA KONSEPTO AT TEMA 1. Kalikasan Bilang Karakter 2. Epekto ng Tao sa Kalikasan 3. Ugnayan ng Tao at Kalikasan: 5. Panitikang LGBTQ+ ay tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga karanasan, identidad, at isyung kinakaharap ng mga taong kabilang sa lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pang mga sekswal at pangkasariang minorya. MGA TEORYANG PAMPANITIKAN Ang teoryang pampanitikan ay ang mga teorya na ginagamit ng isang manunulat bilang paksa paraan upang isulat ang isang akda. Pagpapakilala sa Iba't ibang Teorya 1. Teoryang Klasismo- Maglahad ng mga pangyayaring payak at pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan. Karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita, at laging nagtatapos nang may kaayusan. 2. Teoryang Humanismo- Ipakita na ang tao ang sentro ng mundo, binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp. 3. Teoryang Imahinasyon- Gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin, at iba pang nais na ibahagi ng may-akda. 4. Teoryang Realismo- Ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo. 5. Teoryang Feminismo- Ipakilala ang mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. 6. Teoryang Arkitaypal - Ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo na magkaugnay sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda. 7. Teoryang Formalismo- Iparating sa mambabasa ang nais ipaabot ng may-akda gamit ang tuwirang panitikan. Walang labis at walang kulang, walang simbolismo. 8. Sikolohikal- Ipaliwanag ang mga salig sa pagbuo ng behavior ng tauhan sa akda, ipinakikita na ang tao ay nagbabago dahil may nag-udyok na mabago ito. 9. Teoryang Eksistensyalismo- Ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili. 10. Teoryang Romantismo- Ipakita ang iba't ibang paraan ng pag-aalay ng pag-ibig sa kapwa, bansa, at mundo. Ipinakikita rin na gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam ang kanyang pag-ibig. 11. Teoryang Markismo- Ipakita ang kakayahan ng tao na umangat mula sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. 12. Teoryang SosyolohikalIpakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. 13. Teoryang Moralistiko- Ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng tao, ipinapakita ang pamantayan ng tama at mali. 14. Teoryang Bayograpikal- Ipakita ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda, kasama ang mga pinakamahalagang bahagi ng kanyang buhay. 15. Teoryang Queer- Iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual. 16. Teoryang Historikal- Ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na masasalamin sa kasaysayan. 17. Teoryang Kultural- Ipakilala ang kultura ng may-akda, kasama ang mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon na ipinapasa sa mga sunod na salinlahi. 18. Teoryang Feminismo-Markismo -Ilantad ang iba't ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kinakaharap. 19. Teoryang Dekonstraksyon- Ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo, pinapakita ang kabuuan ng pagtao at mundo. PAMAMARAAN SA PAGSURI NG ISANG AKDA a. Pagkilala sa May-akda b. Uri ng Panitikan c. Paglalapat ng Teorya ng Panitikan d. Tema o Paksa ng Akda e. Mga Tauhan/Karakter sa Akda f. Tagpuan/Panahon g. Nilalaman/Balangkas ng Pangyayari h. Kaisipan/Ideyang Taglay i. Estilo ng Pagsusulat j. Buod

Use Quizgecko on...
Browser
Browser