PAN 1 SINESOSYEDAD / PELIKULANG PANLIPUNAN (PDF)
Document Details
Uploaded by MagicJasper8184
Jose Rizal Memorial State University
malorenabalignot
Tags
Summary
This document discusses the role of film as a form of communication and analysis. It includes information on how film is used as input to critical analysis and the various ways in which film impacts society. It also covers various aspects of film production.
Full Transcript
PAN 1 SINESOSYEDAD /PELIKULANG PANLIPUNAN ANG PELIKULA AT KASANAYANG PANONOOD BILANG INPUT AT PROSESO NG PANUNURI Ang wika ay naihahatid at natatanggap sa pamamagitan ng iba’t ibang behikulo at proseso na nagkakaugnay-ugnay. Halimbawa, ang proseso ng panonood ay kaakibat ng pagbabasa ng teks...
PAN 1 SINESOSYEDAD /PELIKULANG PANLIPUNAN ANG PELIKULA AT KASANAYANG PANONOOD BILANG INPUT AT PROSESO NG PANUNURI Ang wika ay naihahatid at natatanggap sa pamamagitan ng iba’t ibang behikulo at proseso na nagkakaugnay-ugnay. Halimbawa, ang proseso ng panonood ay kaakibat ng pagbabasa ng teksto, pahayag at simbolong hatid ng ginamit na materyal sa panonood at ang pagbasa ng iskrip; samantala, ang pakikinig naman ay ang awdyo na kaugnay ng naturang materyal; proseso ng pagsusulat ng iskrip na ginamit bilang materyal; at pagsasalita o pagsambit sa mga dayalogong hinihingi ng iskrip o di kaya’y pagbibigay kritiko o pahayag ng manonood sa kanyang pinanood. 2 MGA MAKRONG KASANAYAN SA WIKA MAKRONG KASANAYAN PAGBASA PAGSULAT WIKA PAGSASALITA PAKIKINIG PANONOOD 3 Makrong Kasanayan sa Panonood Bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain ang panonood (viewing) na may malaking naidudulot sa buhay ng bawat indibidwal. Maraming mga bagay ang nagagawa ng panonood sa iba’t ibang pormat nito, tulad ng biswal (larawan ,grap cartoons, paintings at iba pa), drama (dula, Teatro at iba pa) at midya (vidyu, telebisyon, magasing onlayn at iba) (Arbes, et al., 2014). 4 May iba’t ibang konsepto ng proseso ng panonood, tulad ng mga sumusunod: 1. Ang panonood ay isang pagkakataong matunghayan at matamo ang isang bagay, kwento at buhay sa anyong sining na nilikha ng tao: 2. Ito ay isang akto ng pagtingin, pagmamasid at pagsusuri; at 3. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng pakikinig at pagbabasa. 5 Sinasabing ang panonood, lalo na sa pamamagitan ng mga napapanahong midya ay nakatutulong na mabatid, masalamin at masuri ang malalim at malawak na pagkakaiba ng kultura ng mga tao, lahi at bansa. Sa pamamagitan ng prosesong ito ay nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral at ibang tao na maging responsible at matalinong manonood. Maaari itong pag-usapan, talakayin, bigyang puna gawan ng paghihinuha, konklusyon at rekomendasyon. Ang ganitong uri ng panonood ay isang magandang daan sa paglinang ng kasanayan sa pagkaklasipika, pag-aanalisa, pagsusuri at pagpapahalaga. Subalit nararapat ding maiwasan ang masangkot sa pamimirata o pagrekord at pagpapakalat ng pelikula sa sosyal midya. Maliban sa mga katangiang dapat taglayin ng isang manonood , may mga bagay na kailangan ding isaalang-alang sa pagtataguyod ng gawaing ito. Makatutulong ang pagtuon sa mga sumusunod na hakbangin para sa isang mabisa at kritikal na panonood. 1. Mahalagang matukoy ang layunin sa panonood tulad ng makapaglibang, matamo ang nilalaman, magkaroon ng dagdag kaalaman, masalamin ang mga element nito, masuri ang kabuuan, mahango ang ilang pagpapahalag o aral, makapagnilay o magpahalaga sa pelikula bilang isang anyo ng sining. 2. Isaisip at isapuso ang mga gawaing dapat ikilos bago, habang at pagkatapos ng panonood. 3. Iwasang mag-ingay , magbigay ang agarang komentaryo o puna, magpairal ng emosyon, magpakita ng mga negatibong reaksyon na maaaring hindi makatutulong sa gagawing panonood. 4. Makatutulong ang pagkakaroon ng inihandang mga gabay na tanong (guide questions) kaht sa isip lamang o gawin bago ang isang mapanuring panonood. 5. Maging atentibo sa pinapanood sa pamamagitan ng sapat na paghahanda at gawin ito nang may paghanga at pagpapahalaga. Ang Pelikula o Sine bilang Materyal sa Gawaing Panunuring Pampelikula Ang pelikula na tinatawag ding SINE ay isang anyo ng gawaing sining Biswal na nagpapamalas ng karanasang maghatid ng ideya, mga kwento, pananaw, pakiramdam, kagandahan at kapaligiran sa pamagitan ng paggamit ng mga gumagalaw na imaheng nilalapatan ng tunog na nakapupukaw ng pakiramdam. Ang salitang sine na hango sa konseptong sinematograpiya ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa paggawa ng isang pelikula, industriya ng pelikula at ang anyo ng sining na bunga nito. Ang gumalaw na imahen ng isang pelikula ay nililikha sa pamamagitan ng pagkuha sa mga aktwal na eksena o tagpo gamit ang isang bidyo kamera, ang pagpapagalaw sa potograpikong larawan o modelo gamit ang tradisyunal na Teknik animasyon sa pamamagitan ng isang CGI at kompyuter animasyon o di kaya’y ang kombinasyon ng ilan o ng lahat ng mga Teknik at iba pang Biswal na epekto. 8 Maraming salamat! [email protected]