PAMBUNGAD SA PILOSOPIYA NG TAO PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses the concept of the human being in the context of philosophy. It examines the meaning of life, facing death, and accepting the unknown aspects of existence.
Full Transcript
Aralin8.report PAMBUNGAD.SA.PILOSOPIYA.NG.TAO.ARALIN8 KABANATA 8: ANG TAO BILANG TUMUTUNGO SA KAMATAYAN (PAMBUNGAD SA PILOSOPIYA NG TAO) HUMSS 2 Aralin8.report Ang Sagot Sa Lahat... ANG SAGOT SA LAHAT NG TANONG ANG SAGOT SA...
Aralin8.report PAMBUNGAD.SA.PILOSOPIYA.NG.TAO.ARALIN8 KABANATA 8: ANG TAO BILANG TUMUTUNGO SA KAMATAYAN (PAMBUNGAD SA PILOSOPIYA NG TAO) HUMSS 2 Aralin8.report Ang Sagot Sa Lahat... ANG SAGOT SA LAHAT NG TANONG ANG SAGOT SA LAHAT NG TANONG May mga taong umaasa na sa kamatayan masasagot ang lahat ng katanungan sa ating buhay. Sa kamatayan, mauunawaan daw ng tao ang lahat ng mga nakababaliw na mga kaganapan sa buhay. Sa kamatayan, mahihimay daw ang mga pangyayaring tinatanggap na lamang bilang "sadyang ganiyan." Ilang beses na nating narinig ang pang-aamo ng mga kaibigan, "Hindi bale nang maghirap ngayon, sa kabilang- buhay gagantimpalaan ka sa lahat ng paghihirap mo"; "Wala nang sakit sa kabilang buhay"; "Ang mga inaapi ngayon, dadakilain sa kamatayan." O ang iba pang mga katulad nito. Totoo nga namang nakagagaan ng loob na marinig na may kaginhawahang nag-aabang sa hinaharap matapos ang lahat ng pagtitiis ngayon. Nakabubuhay ng loob ang malamang may katapusan ang paghihirap at may kaukulang kabayaran ang sakripisyo. Aralin8.report Ang Sagot Sa Lahat... ANG SAGOT SA LAHAT NG TANONG Hindi masamang asamin ang mga ito lalo na kung wala nang magagawa sa sitwasiyong kinalalagyan ngayon kundi magtiis. Negatibo man ang tingin ng iba sa pag-aasam na ito-anila, tinatakasan daw ng mga tao ang kanilang kasalukuyan-may positibo itong sinasabi ukol sa ating pagkatao: may higit sa atin. Dahil hindi natin talaga alam ang naghihintay sa atin, kung may naghihintay man, nagiging lalong malinaw kung sino tayo at ang mga bagay na labas na sa atin. Ito ang mga bagay na gawin man natin ang sagad- sukdulan ng ating makakaya, wala na sa ating kamay ang kasunod. Hindi natin maisip, hindi natin lubusang makalkula, hindi natin mahulaan subalit alam nating may katiyakan. Ano ito? Hindi natin alam dahil higit sa maiisip, wala sa abot ng maiisip. Ito nga marahil ang sagot sa tanong ng mga tanong: hindi dahil walang sagot, higit lamang talaga. Aralin8.Report Ang Sagot Sa... Ang Nakahihigit ANG NAKAHIHIGIT ANG NAKAHIHIGIT Paanong higit? Ibig sabihin ba ay hindi kayang maunawaan ng tao? Ibig sabihin ba ay walang makabibigkas ng sagot? Parang ganiyan nga at mas simple pa. Nakita natin sa mga naunang aralin na ang tao ay higit. Kaya niyang umalpas sa kaniyang pagkabigay. Higit siya sa anumang pangalan, kalagayan, o sitwasiyong kaniyang kinalalagyan. Maaari siyang bumuo ng panibagong landas tungo sa makasaysayang buhay. lyan ang pagkahigit ng tao. Ibang nibel ng higit ang tinutukoy natin dito ngayon. Hindi ito pag-alpas sa kalagayan ng tao. Ang ganiyang pagkahigit ay nakatali pa rin sa pagkabigay. Ang pagkahigit na ito ay tungkol sa pagiging bahagi ng tao sa higit sa kaniya, ang nakahihigit. Tulad kung paano nauudyukang sumayaw ang tao sa musika o ang mga sandaling nagigising ang kaniyang diwa ng isang tula o naaantig ang kaniyang kalooban ng isang larawan, hindi niya ito pinili. Sadyang nadadala lamang siya ng higit na puwersang ito na kahit na labanan niya ng kung ano-anong pagdadahilan, may udyok sa loob na hindi matanggihan. Ito ang nakahihigit-isang puwersang lagpas at labas sa tao. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit ANG NAKAHIHIGIT Nakikibahagi ang tao sa nakahihigit. Kumbaga sa isda sa dagat, ang nakahihigit ay ang tubig na nilalanguyan ng isda. Teka, sandali. Linisin lang natin ang sinabing ito tungkol sa isdang lumalangoy. Hindi lumalangoy ang isda sa tubig. Kaya lumalangoy ang isda dahil may tubig. Ganiyan din ang sa tao: may tao dahil may nakahihigit. Umiiral ang tao dahil sa nakahihigit. Malay man ang tao o hindi, baka nga napipirmi lamang siya sa panandalian at sa mga agarang pangagailangan sa araw-araw, baka inaakala niyang nasa kamay na niya ang lahat o baka hindi siya makalagpas sa bigat ng pasanin niya sa kaniyang balikat, makalimutan man niya ang abot-tanaw ng nakahihigit, mayroong nakahihigit. Ang buhay ng tao ay nangyayari dahil sa nakahihigit. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay Sa Nakahihigit PAGSILAY SA NAKAHIHIGIT PAGSILAY SA NAKAHIHIGIT Ang pagkamulat sa nakahihigit ang kaloob sa atin ng pagmumuni sa kamatayan. Ang kamatayan ang pinakamalinaw na pag-aanyo ng pakikibahagi ng tao sa nakahihigit. Nasa dakong paparoon, pagkatapos ng lahat ng maaaring gawin ng tao, may mga bagay na wala na sa kaniyang kamay, wala sa abot ng kaniyang maiisip. May mga bagay na hindi niya kayang unawain. May mga bagay na sadyang nakaumang sa kaniya na kailangan niyang tanggapin at sakyan, at magpatangay na lamang kung saan man siya dadalhin. Ang kamatayan ay pagharap sa nakahihigit. Napipipi ang tao sa kahungkagan ng kaniyang nalalaman, sa kahinaan ng kaniyang kayang gawin, at sa kawalan niya ng kakayahang labanan ang napipintong katapusan. Sa harap ng kamatayan, walang ibang mabibigkas kundi, "Nakahihigit!"-isang pagkamangha sa teritoryong hindi natin alam bagtasin. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay Sa Nakahihigit PAGSILAY SA NAKAHIHIGIT Balikan ang karanasan ng pagkamatay sa pamilya, mag-anak, o sa barangay. Hindi madaling tanggapin ang pagkamatay. Maraming tanong ang nais hanapan ng kasagutan. Bakit namatay? Bakit ngayon? Saan ako nagkulang? Paano na ako? Nasaan na siya? Masagot man ang lahat ng mga ito, hindi pa rin napapawi ang kalungkutan ng pagkawala. Manipis at kulang lagi ang sagot, ang magagawa na lamang ay piliting ilabas ang paninikip ng dibdib at umiyak. Pagkatapos, kapag naubos na ang luha at tumigil na ang maraming mga tanong, mananahimik na lamang at titingin sa mahal na yumao. Ang pagtitig na ito ng buhay sa patay ay sandali ng pagdanas sa nakahihigit. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang Umiyak HUWAG KA NANG UMIYAK HUWAG KA NANG UMIYAK Para sa isang taong sanay na hawak ang lahat, malungkot ang pakikiharap sa nakahihigit. Ang nakikita lamang niya sa nakahihigit ay ang bilangguan ng sariling hangganan, ng mga bagay na hindi niya magagawa, ng mga bungang hindi niya mapipilit, ng mga daang hindi niya maaaring tawirin. Totoong nakalulungkot ito dahil pagkatapos ng lahat ng pagsisikap at pag-iingat, pagkatapos ng lahat ng pag-iimpok at paghahanda, pagkatapos ng lahat ng pagbibigay at pagmamahal, hindi pa rin magiging sa kaniya ang pangarap, proyekto, o pag-ibig. Matatapos ang lahat, magwawakas. Kaya ganoon na lamang ang pag-iyak sa harap ng namatay. Kasabay ng pag-iyak sa pagyao ng mahal sa buhay, tumatalab din ang karupukan ng sariling buhay. Kaya't hindi lamang nakalulungkot ang kamatayan, nakatatakot din dahil posibleng sa anumang sandali, mawawala pati ako. "Ano ako sa harap ng kamatayan?"-iyan ang tanong. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang Umiyak HUWAG KA NANG UMIYAK Ngunit may dahilan din upang tumahan. Liban pa sa matatapos at maglalaho ang lahat, itinuturo sa atin ng kamatayan ang katotohanan ng nakahihigit na siyang tahanan talaga natin. Inaanyayahan ang taong lumabas sa kaniyang sarili. Higit ang tao sa kaniyang mga nararamdamang kalungkutan, sa mga pangangailangan ng ngayon, sa mga ugnayang nagbibigay sa kaniya ng sigla. Ang paanyaya ay makipamilang sa isang puwersang walang mukha, walang katawan, walang oras, walang kinalalagyang lunan, subalit tiyak. Buong buhay ng tao, pilit siyang nagpapakilala, bumibigkas, isinasatitik ang lahat ng nararanasan upang maintindihan at nang makabuo ng mga ugnayan. Sa kamatayan, ang kilos naman ng katahimikan ang hinihingi sa kaniya. Ang manahimik at makiramdam lamang, ang hayaang magmistulang kulang sa kaalaman sa pagkawalang masabi ukol sa nakahihigit. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang Umiyak HUWAG KA NANG UMIYAK Isipin mo ang batang umiiyak dahil inagawan ng kendi. liyak siya dahil nawala ang paborito niya. Paano siya tatahan? Bigyan mo siya ng ibang bagay na makatatawag ng kaniyang pansin. Halimbawa, isang laruan. Mapupukaw ang kaniyang interes, kaniyang tititigan, kaniyang kagigiliwan. Mayamaya, tatawa na siya at maglalaro. Hindi pinalitan ng laruan ang kendi. Ang kendi at laruan ay magkaiba na may magkaibang dulot na tuwa. Ngunit, ano ang ginawa natin? Ipinakita natin sa bata na may iba pa at hindi kailangang mapako sa kendi lamang. Marami pang iba. Tulad din niyan ang nakahihigit. Isa itong iba sa karaniwan at lagi nating kasama ngayon. Subalit, hindi kapalit ng kasalukuyang meron ang nakahihigit. Ang nakahihigit ang punto ng wala nang masasabi, wala nang kailangang gawin, dadamhin na lamang at kamamanghaan. Ang nakahihigit ang tahan-an kung saan maaari nang tumigil sa pag-iyak. Sa nakahihigit maaari nang mamahinga. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang Umiyak HUWAG KA NANG UMIYAK PANSININ Mula sa salitang ugat na "tahan" na ang ibig sabihin ay paghinto sa pag-iyak gaya ng "Tahan na," o pagpirmi gaya ng paggamit sa "Manahan ka." Ang "tahanan" (tahan-an) ay magandang maunawaan hindi lamang sa loob ng usapin ng bahay o tirahan kundi lalo't higit, tungkol sa buhay-ang pagkakaroon ng buhay na totoo, maka- tao, at maka-saysay- an. Ang "tahanan" ay kalagayan ng pagkapahinga (nakahihinga nang maluwag, walang inaalala, panatag) at pagiging hubad sa sarili (walang pagkukunwari o pagpapanggap; totoo sa sarili). Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay Sa Nakahihi..Huwag Ka Nang.. Pahinga PAHINGA PAHINGA Anong sarap isipin ang isang kalagayang nakapapahinga ka lamang iyong panahong magiging ikaw lamang ang iyong sarili, walang nais patunayan, walang pinasisiklaban, hindi aligaga, hindi ginagahol. Iba pa ito sa panahong nagtagumpay na sa lahat ng mga proyekto o nakuha na ang lahat ng mga gusto sa buhay. Ang pahinga ang sandali ng paghinto hindi dahil natapos na ang ibig gawin kundi dahil namulat lamang sa katotohanang kailangang huminga. Subukan mong gawin ang ehersisyong ito. Umupo ka sa isang tahimik na lugar kung saan maaari kang maging komportable. Ipikit ang mga mata, ipatong ang mga kamay sa binti o sa tapat ng puso. Huminga papaloob, huminga papalabas. Maging malay sa iyong paghinga. Punuin ang iyong katawan ng hangin, huminto ng sandali, pagkatapos ay ibuga at ubusin ang hangin sa katawan. Ulitin ito hanggang ang tanging napapansin na lamang ay ang paghinga. Walang ibang iisipin kundi ang hanging pumapasok at lumalabas sa katawan. Hinga papaloob. Hinga papalabas. Hayaang huminga lamang nang natural. Huwag kontrolin ang hininga. Patalabin sa sarili ang katotohanang ikaw ang kinokontrola ng hininga. Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay Sa Nakahihi..Huwag Ka Nang.. Pahinga PAHINGA Ang ehersisyong ito ay isang ehersisyo ng pagsesentro ng sarili sa sarili. Walang ibang pinapansin kundi ang hanging hinihinga lamang. Ngunit, ito ring paghinga na ito ang nagpapabalik sa tao sa pagmamalay sa kaniyang sarili bilang mapapatid dahil nakasalalay lamang sa hininga. At sa isang mahiwagang paraan, ito rin ang nagpapakilala sa atin sa nakahihigit na siyang tahan-an natin. Ang katahimikan ng hanging pumapasok at lumalabas sa katawan ang tunog ng nakahihigit na nilalanghap at nagbibigay buhay sa tao. Ano itong puwersang ito? Oxygen? Hininga ng Diyos? Espiritu? Buhay? Anuman ang alam na pangalan nito, ang pamamahinga-pagtigil, paghilig, pagsandig- sa nakahihigit ay isang imbitasyon na kahit sa isang sandali, damhin lamang ang buhay, at huwag na munang isipin ang angkop na tawag, dahilan, at mga pakinabang ng gawain. Ganito rin ang pagharap sa kamatayan. Hindi bilang wakas o dulo, kundi bilang pagpapaubaya-pagbitiw ng kontrol sa nakahihigit at paghaya na mabago nito. Tulad ng sa ehersisyo, maniwalang kaya kang bitbitin ng hininga sa sarili nito kahit na-at dahil nga rin-hindi mo ito makokontrol. Kung magagawa mong patakbuhin ng nakahihigit ang iyong buhay, mararanasan ang tunay na kapahingahan-walang inaalala, bukas sa anumang panggugulat ng mga posibilidad sa hinaharap. Sa taong humaharap sa kamatayan, ang huling paghinga ay pagsabing: "Gagawin ko ang lahat ng aking magagawa, pagkatapos, ipauubaya na sa nakahihigit. Mangyari nawa ang dapat mangyari at ako naman ay hihinga na (nang huling hininga), magpapahinga (pagtigil, paghilig, pagsandig), at nang sa gayon, tunay na makahinga (pagkapanatag)." Aralim8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigi Pagsilay Sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang.. Pahinga Pasasalamat PASASALAMAT PASASALAMAT Ang ganitong paghinga ay hinga na puno ng lubos na pasasalamat. Hinga ito na may ngiti dahil nagawa ang lahat ng dapat gawin, masaya sa naging takbo at kinalabasan ng buhay. Salamat dahil umiral siya sa pormang ito ng kaniyang katawan gaano man karupok, kahina, o kalimitado. Salamat dahil nangyari ang lahat sa ganitong panahon, nakilala at nakaulayaw ang iba. Alam niya sa simula pa lamang na maglalaho ang lahat. Na bagaman ibinigay niya nang buong buo ang kaniyang sarili sa anumang kaniyang ginagawa, mulat siyang ang meron lamang siya ay ang kaniyang sarili at ang sarili niyang ito ay may hangganan. Hindi itinuturing ang sarili at ang buhay bilang pagmamay-ari. Ang lahat ay regalo na hindi naman kailangang ibigay sa kaniya ngunit ibinigay pa rin. Nangyari at umiral pa rin siya kaya't lubos- lubos ang pasasalamat. Madaling bumitiw at magpaubaya ang taong may pusong mapagpasalamat. Hindi dahil wala siyang pakialam. Hindi dahil hindi mahalaga sa kaniya ang nawawala. Hindi dahil hindi siya nasasaktan. Bagkus dahil tanggap niya na hindi karapatan ang buhay kundi regalo lamang. Dahil sa kabila ng marami niyang nalalaman, alam niyang bulag siya sa marami pang iba sa loob ng nakahihigit. Dahil higit sa mawawala ang meron. Aralim8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigi Pagsilay Sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang.. Pahinga Pasasalamat PASASALAMAT Nagpapaubaya, nagpapahinga, at nagpapasalamat ang taong mulat na siya ay tumutungo sa kamatayan. Ang kamatayan ay laging nasa abot-tanaw, hindi bilang masaklap na paghinto ng pagkakataon kundi bilang mapagpalayang higit na posibilidad. Napakarami pang bagong posibilidad- pahinga ito sa taong nag-aakalang hawak na niya ang lahat at napapagod na sa pag-ikot ng buhay. Kaya't salamat sa kamatayan, nauunawaan ang buhay ng tao, hindi na lamang bilang ganito at ganiyang buhay (na ito ang hitsura, ganiyan ang pinagmulan, ganoon ang patutunguhan), kundi bilang malaki at marami pang iba, bilang nakahihigit din. Mahalaga na makita ang kamatayan bilang bahagi ng buhay ng tao dahil ang kamatayan ang nagsasabing, sa kabila ng mangyayaring katapusan, pagkasira, at pagkaagnas, higit pa rin ang tao. Sa kamatayan, buhay na buhay ang tanong na, "Ano ang tao?" na may napakaraming posibleng sagot sa bawat pagbuhay at pagkamatay ng mga tao. Ang kamatayan ang pagtuntong sa teritoryo ng nakahihigit, ang simula ng bagong hindi alam. Aralim8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigi Pagsilay Sa Nakahihi.. Huwag Ka Nang.. Pahinga Pasasalamat PASASALAMAT TURO NI TASYO Bakit itinuturing na kaloob ang buhay? Ibig sabihin ba nito na may nagkaloob? Isa bang "ano" o isang "sino" ang nagkaloob? Sinasabi sa atin ng agham kung paano sumabog anga enerhiya at nagpamalas sa iba-ibang porma: mineral, tanim, hayop, tao. Milyong- milyong taon ang inipon at hinintay upang mangyari ang mga nangyari, upang maging ganito ang init at lamig ng planeta, ang hulma ng kalupaan, ang dami ng tubig, ang timpla ng hangin, ang bilang at hitsura ng mga tanim at hayop, at sa huli, ang isip ng tao. Kaya't masasabing regalo ang buhay ng tao dahil maaari namang hindi sumulpot ang tao sa puno ng buhay ngunit nangyari nga at heto tayo. Isang tsamba at salamat na ganito naging ang tao: may limang daliri upang makahawak at makagawa, may dalawang paa at tuwid na likod para makatayo at makalakad, ganitong mukha upang humarap at makita ang tanawin, at ganitong isip upang managinip at makalikha. Para sa nananampalataya, ang Diyos ang nagbigay ng disenyo sa sanlinikha at ang nagkaloob ng buhay. Iba-iba ang pangalan ng Diyos na ito. Nakikila bilang Yahweh, Allah, Bathala, Ang Isa, Hesus, at marami pang iba. Ang Diyos na ito ang pinagmulan at patutunguhan ng lahat Aralin8.Report Ang Sagot Sa.. Ang Nakahihigit Pagsilay Sa Nakahihi.. Huwag Ka Na.. Pahinga Pasasalamat THE END THE END THANK YOU FOR LISTENING!!