ARALIN 6: MAKATAONG KILOS | Mga Pag-aaral
Document Details
Uploaded by HighQualityMagnolia
Cotabato State University
Tags
Related
- Modelong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Tagalog) PDF
- Social Studies (Tagalog) PDF
- WIKA: KAHULUGAN, KAHALAGAHAN AT KATANGIAN Tagalog PDF
- ARALING PANLIPUNAN 9 - IKALAWANG MARKAHAN - AP 9 Q2 Week 5 PDF
- MODY UL 8: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos (Module-8-2024)
- ALITAN SA PAGGAWA (Tagalog) PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga aralin ukol sa makataong kilos, moralidad, at iba't ibang mga ideolohiya. Tinalakay rin ang mga prinsipyo ng katotohanan, at mga katanungan ukol sa pag-iisip.
Full Transcript
ARALIN 6 MAKATAONG KILOS TUNGO SA MAPANAGUTANG PAGKILING SA KABUTIHAN ANO KAYA ANG IYONG GAGAWIN KAPAG IKAW AY………. Nag-cyber bullying Nanloloko sa text Napilitang magsinungaling Na bully ng iyong kaklase Nahuli ng guro na nangongopya Ano ang makataong kilos? Makataong...
ARALIN 6 MAKATAONG KILOS TUNGO SA MAPANAGUTANG PAGKILING SA KABUTIHAN ANO KAYA ANG IYONG GAGAWIN KAPAG IKAW AY………. Nag-cyber bullying Nanloloko sa text Napilitang magsinungaling Na bully ng iyong kaklase Nahuli ng guro na nangongopya Ano ang makataong kilos? Makataong kilos ay boluntaryo o may kusa kung ito ay pinag- iisipang Mabuti at malayang naisasagawa Ang pagkukusa ng makataong kilos. Noong mga 1930s, si Herbert J. Taylor, isang Amerikano sa Chicago, ay nagsulat ng apat na katanungang gagabay sa pagkilos moral ng tao. Ito ay tinaguriang moral code, hindi lamang sa Negosyo kundi pati narin sa pampersonal na pakikipag- ugnayan sa buhay. Ang four way test Ito ba ang katotohanan? Patas ba ang lahat sa kinauukulan? Ito ba ay bumuo ng pagmagandang loob at mas mahusay na pagkakaibigan? Ito ba ay kapaki-pakinabang sa lahat ng kinauukulan? Ang katotohanan ay hindi nababago o nababaluktot, walang pinipiling panahon, lugar, o tao. Sa wikang Latin, ito ay veritas at sa Griego, aletheia. Ito ay nakaugat sa prinsipyo ng lumikha sa lahat, mga prinsipyo na naipamalas sa tao sa pamamagitan ng kaniyang talino o intellect. Mga ideolohiyang nakakaapekto sa pamantayan ng makataong kilos. Ang ideolohiya Mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos. Binubuo ito ng paniniwala ukol sa pananaw sa sandaigdigan, ng programa para sa papulitika at panlipunang pagbabago, ng pakaunawang kailangang ipaglaban at isagawa ang programang ito. Moral na positibismo Ito ang paniniwala na walang likas na batas kung kaya’t walang likas na Karapatan ang tao. Ang lahat ng Karapatan ng tao ay nagmumula sa pamahalaan,kontrata, sa Kalayaan ng tao, at sa naitatag na kaugalian. Hedonismo Ito ay nanggaling sa salitang Griego na hedone na ang kahulugan ay kasiyahan o pleasure. Ito ang paniniwala na ang pinakamataas na kabutihan ay ang kasiyahan ng tao. Utilitaryanismo Ito ay ang paniniwala na ang batayan ng isang pagkilos ng tama o mali ay nakasentro sa resulta nito lalo na kung ito ay napapakinabangan at nakapagbibigay kasiyahan. Moral na Ebolusyonismo Ito ay ang paniniwala na ang moralidad o ang pagsusuri sa tama o mali ay hindi pa tiyak dahil ang moralidad ay naglalakbay patungo sa kaganapan. Komunismo Itinatag ni Karl Marx sa pagnanais Nyang wakasan ang kapitalismo na nanamantala sa mga mangagawa. Layunin nito ay magtatag ng lipunang may kaayusan at walang antas o class society, walang pribadong pag aari o private ownership, walang perang hawak kundi ang estado ng mag-aari ng lahat ng produksiyon ng negosyo at mababahaginan ng produkto ng trabaho.