Pagsusuri ng Larawan: Pakikilahok at Bolunterismo Part 2 PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tanong at larawan tungkol sa paksa ng pakikilahok at bolunterismo. Ito ay maaring isang sesyon ng pag-aaral o mga materyales sa pagtuturo.

Full Transcript

PAGSUSURI NG LARAWAN (TIGNAN AT UNAWAIN ANG IPINAHIHIWATIG NG MGA LARAWAN) Mga tanong : 1. Ano ang napansin mo sa mga larawan ? 2. Ano ang iyong naramdaman habang pinagmamasdan mo ang mga ito ? 3. Alam mo ba kung ano ang tawag sa ganitong Gawain ? Patunayan. 4. Sa iyong palagay, b...

PAGSUSURI NG LARAWAN (TIGNAN AT UNAWAIN ANG IPINAHIHIWATIG NG MGA LARAWAN) Mga tanong : 1. Ano ang napansin mo sa mga larawan ? 2. Ano ang iyong naramdaman habang pinagmamasdan mo ang mga ito ? 3. Alam mo ba kung ano ang tawag sa ganitong Gawain ? Patunayan. 4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagsasagawa nito ? PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO Ang TAO ay ipinanganak na isang panlipunang nilalang. Ano ang Lipunan ? Ang LIPUNAN ang natatanging lugar para sa mga indibidwal upang makamit ang kanilang tunguhin.Kung kaya mahalaga na makibahagi ang tao sa mga gawaing panlipunan upang makatulong ito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao. Ano ang Pakikilahok ? Ang PAKIKILAHOK ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. BAKIT MAHALAGA SA TAO ANG PAKIKILAHOK ? MAHALAGA ANG PAKIKILAHOK 1.Maisasakatuparan ang isang Gawain na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng lipunan. 2.Magagampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan 3.Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. MGA ANTAS NG PAKIKILAHOK 1.IMPORMASYON < Sa isang tao na nakikilahok mahalaga na matuto siyang magbahagi ng kaniyang nalalaman o nakalap na impormasyon. 2. KONSULTASYON < Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na kung saan hindi lang ang sarili mong opinion o ideya ang kailangang mangibabaw kundi kailangan pa ring makinig sa mga puna ng iba na maaaring makatulong sa pagtatagumpay ng isang proyekto o Gawain. 3. SAMA-SAMANG PAGPAPASIYA < Upang lalong maging matagumpay ang isang Gawain mahalaga ang pagpapasiya ng lahat. Sa pagpapasiya kinakailangang isaalang – alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi ng nakararami. Sa pagpapasiya kinakailangan isaalang-alang kabutihang panlahat. 4. SAMA-SAMANG PAGKILOS < Hindi magiging matagumpay ang anumang Gawain kung hindi kikilos ang lahat. 5. PAGSUPORTA < Mapapadali ang isang Gawain kahit mahirap kung ang bawat isa ay nagpapakita ng suporta dito. ANG PAKIKILAHOK AY HINDI DAPAT MINSANAN LAMANG KUNDI ISANG PATULOY NA PROSESO HANGGA’T KAYA MO AT MAYROON KANG KAYANG GAWIN PARA SA IKABUBUTI NG IYONG LIPUNAN. Dahil dito, nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos. KAILAN O PAPAANO NATIN MASASABI NA NAWAWALA ANG TUNAY NA DIWA NG PAKIKILAHOK ? Nawawala ang tunay na diwa ng pakikilahok at napapalitan ito ng pansariling interes lamang katulad ng mga sumusunod ; 1. Mgataong naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang kailangan o mayroong hinihintay na kapalit. 2. Mga tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas ng oras. 3. Mgatao na kung nakuha na nila ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa. ANO ANG BOLUNTERISMO ? BOLUNTERISMO < Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan. < Ito ay pagbibigay ng sarili na walang hinihingi anumang kapalit. < Ito ay marami ring katawagan tulad ng mga sumusunod; BAYANIHAN, DAMAYAN, KAWANGGAWA, BAHAGINAN ANU – ANO ANG KABUTIHANG DULOT NG BOLUNTERISMO ? Mga kabutihang dulot ng pagsasagawa ng bolunterismo 1.Nagkakaroon siya ng personal na pag-unlad. 2.Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan. 3.Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba. 4.Nagkakaroon siya ng panahon na higit na 3T’s na Dapat Makita sa Pakikilahok at Bolunterismo 1.PANAHON ( Time ) < Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik. 2.TALENTO ( Talent ) < Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talent at ito ay iyong magagamit upang ibahagi sa iba. 3.KAYAMANAN ( Treasure ) < Hindi tinitingnan ang laki ng pera na iyong binigay sapagkat gaano man kaliit ito, ang mahalaga ay kusa loob mong ibinigay ito ng buong puso para sa Ayon kay BISHOP EMERITUS TEODORO BACANI, para sa mga KABATAAN, Huwag lamang makuntento sa mga araw-araw na karaniwang Gawain, iyong hindi nababahala at pinababayaan lamang tumakbo ang mundo, bagkus kinakailangan na ang kabataan ay “MANGGULO”, - ibig sabihin ay magsikap na humanap ng pamamaraan at maging kasangkapan para sa ikauunlad ng buhay at lipunan. “ANG KABATAAN ANG DURUNGAWAN KUNG SAAN ANG HINAHARAP AY NAGDARAAN”. ( Pope Francis – Brazil – WYD ) MARAMING SALAMAT !!! GOD BLESS US ALWAYS !!!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser