Pagsukat ng Pambansang Kita at Produkto PDF
Document Details
![AppreciativeGuitar9697](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-9.webp)
Uploaded by AppreciativeGuitar9697
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa pambansang kita at produkto, kabilang ang mga formula para sa Gross Domestic Product (GDP), Gross National Income (GNI), Net National Product (NNP), at National Income (NI). Mayroon din itong mga halimbawa para sa pagkalkula. Ito ay naglalaman din ng mga paraan ng pagkalkula (production, income, expenditure approach).
Full Transcript
Pagsukat ng Pambansang Kita at Produkto AP9 3RD QUARTER LESSON 2 ANO NGA BA ANG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA AT PRODUKTO? Ang Pagsukat ng Pambansang Kita at Produkto ay isang mahalagang konsepto sa ekonomiya na ginagamit upang masukat ang kabuuang kalagayan ng ekonomiya ng isang b...
Pagsukat ng Pambansang Kita at Produkto AP9 3RD QUARTER LESSON 2 ANO NGA BA ANG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA AT PRODUKTO? Ang Pagsukat ng Pambansang Kita at Produkto ay isang mahalagang konsepto sa ekonomiya na ginagamit upang masukat ang kabuuang kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa. Mga Paraan ng Pagsukat ng Pambansang Kita Gross Domestic Product (GDP): Ang kabuuang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa loob ng isang takdang panahon. Formula:GDP = Konsumo (C) + Gastos ng Pamahalaan (G) + Pamumuhunan (I) + (Export - Import) (X-M) Gross National Income (GNI): Ang kabuuang kita ng lahat ng mamamayan ng isang bansa, kasama ang kita mula sa mga kita mula sa ibang bansa. Formula:GNI = GDP + Net Primary Income from Abroad Net National Product (NNP): Kabuuang pambansang produkto matapos bawasin ang depreciation (pagkaluma o pagkasira ng mga kapital na produkto). Formula:NNP = GNI - Depreciation National Income (NI): Kabuuang kita ng lahat ng salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Formula:NI = NNP - Indirect Taxes + Subsidies MGA IBA PANG PARAAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA Pamamaraang Produksiyon (Production Approach): Sinusukat ang kabuuang halaga ng produksyon ng lahat ng sektor ng ekonomiya (agrikultura, industriya, at serbisyo). Pamamaraang Kita (Income Approach): Sinusuma ang lahat ng kita ng mga salik ng produksiyon tulad ng sahod, renta, interes, at kita mula sa negosyo. FORMULA: GNI=EC+EI+CI+G Pamamaraang Gastos (Expenditure Approach): Sinusuma ang lahat ng gastusin ng ekonomiya, kabilang ang konsumo (C), pamumuhunan (I), gastos ng pamahalaan (G), at net exports (X-M). Formula:GDP = C + I + G + (X-M) Kahalagahan ng Pagsukat ng Pambansang Kita Pagkilala sa Antas ng Ekonomiya: Nakakatulong upang malaman ang kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa, kung ito ay lumalago o bumababa. Pagsusuri ng Pamantayan ng Pamumuhay: Ginagamit ito upang matukoy ang antas ng kita at kalagayan ng pamumuhay ng mga mamamayan. Batayan ng mga Pampublikong Polisyang Ekonomiko: Mahalaga para sa paggawa ng mga polisiya tungkol sa buwis, gastusin, at pagpapalakas ng industriya. Paghahambing ng Ekonomiya sa Ibang Bansa: Ginagamit ang mga datos upang ikumpara ang ekonomiya ng bansa sa ibang bansa. Kaugnay na Konsepto Per Capita Income: Ang kita ng bawat indibidwal na residente ng isang bansa batay sa pambansang kita. Formula:Per Capita Income = GDP / Populasyon Real GDP: GDP na iniaangkop sa implasyon upang mas makita ang tunay na paglago. Nominal GDP: GDP batay sa kasalukuyang presyo nang hindi isinasaalang-alang ang implasyon. ANSWER KEY 1. PRODUCTION APPROACH GDP=3,000,000+5,000,000+6,000,000 3,000,000 5,000,000 +6,000,000 Sagot: ₱14,000,000 2. INCOME APPROACH GDP=8,000,000+2,000,000+1,500,000+2,500,000+(1,000,000−500,000) 8,000,000 2,000,000 1,500,000 2,500,000 +(1,000,000−500,000) Sagot: ₱14,500,000 3. EXPENDITURE APPROACH GDP=8,000,000+3,000,000+4,000,000+(2,000,000−1,000,0 00) 8,000,000 3,000,000 4,000,000 (2,000,000−1,000,000) Sagot: ₱16,000,000 4. GROSS NATIONAL INCOME GNI=16,000,000+1,000,000−500,000 16,000,000 +1,000,000 −500,000 Sagot: ₱16,500,000 5. NET NATIONAL PRODUCT NNP=16,500,000−1,000,000 16,500,000 −1,000,000 Sagot: ₱15,500,000 6. NATIONAL INCOME NI=15,500,000−(1,000,000−500,00 0) 15,500,000 −(1,000,000−500,000) Sagot: ₱15,000,000