Pagpapahalaga sa Sarili at mga Pagbabagong Nagaganap sa Sarili PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Pagpapahalaga sa Sining (CF-AQAO-002) 2023 PDF
- Aralin 2: Dignidad ng Tao at Paggalang (PDF)
- MODYUL 4 (Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya) PDF
- M2_Signed (2) PDF - Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan (2021-2022) Past Paper
- Mga Birtud at Pagpapahalaga sa Pamilya (Week 1) - Tala ng Klase
- MODYUL SA EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN (CSSH-ABFIL) PDF
Summary
Ang artikulong ito ay nagbibigay ng mga payo at impormasyon para sa mga kabataan tungkol sa pagpapahalaga sa sarili. Tinatalakay din dito ang mga pisikal, emosyonal, at sosyal na pagbabago na nararanasan sa panahon ng pagbibinata/pagdadalaga. Mahalaga rin ang pagsunod sa mga payo ng mga magulang at nakatatanda para sa positibong pag-unlad ng mga kabataan.
Full Transcript
Pagpapahalaga sa Sarili at mga Pagbabagong Nagaganap sa Sarili Kung ikaw ay may tunay na pagpapahalaga sa sarili, handa at bukas ka sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili at sa mga kinakailangang gawin para sa iyong pag-unlad. Kapag pinahahalagahan mo ang iyong sarili, tinitingnan mo ang mga...
Pagpapahalaga sa Sarili at mga Pagbabagong Nagaganap sa Sarili Kung ikaw ay may tunay na pagpapahalaga sa sarili, handa at bukas ka sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili at sa mga kinakailangang gawin para sa iyong pag-unlad. Kapag pinahahalagahan mo ang iyong sarili, tinitingnan mo ang mga bagay sa iyong buhay na maaari pang baguhin o gawing mas maganda. Gusto mong gawin ang mga hakbang upang mapagbuti pa ang mga aspeto ng iyong buhay. Ito ay maaaring pagbabago sa iyong ugali, pagpapabuti ng iyong kalusugan, o pagpapaunlad sa iyong mga kakayahan at talento. Ang kabataang may pagpapahalaga sa sarili ay magsisikap na unawain ang mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang sariling katawan nang may positibong pagtingin, gaya ng mga pagbabagong biyolohikal at pisikal. Sa pamamagitan nito, mapangangalagaan niyang mabuti ang kaniyang katawan. Tandaan na kapag nalampasan mo ang mga hamon ng pagbabagong nagaganap sa iyong sarili, madaragdagan ang iyong tiwala at pagpapahalaga sa sarili. Pagsunod sa mga Magulang, Nakatatanda, Tagapangalaga, Pinagkakatiwalaan o Taong Ang pagsasanay sa pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod batay sa mga isinangguni sa mga magulang, nakatatanda, tagapangalaga, o taong pinagkakatiwalaan ay mahalaga sa paghubog ng pagkatao ng kabataan. Mahalaga na tanggapin mo ang mga payo, aral, at halimbawa na ibinabahagi sa iyo ng mga taong may mas malawak na karanasan at kaalaman sa buhay. Sa pagsunod sa mga payo at gabay ng mga magulang, nakatatanda, tagapangalaga, o taong pinagkakatiwalaan, nagagabayan ka sa tamang paraan ng pagpapahalaga sa iyong sarili. Ang kanilang sinasabi ay maaaring maging batayan ng iyong mga kilos at desisyon. Sa pagsunod sa kanila, naipakikita mo ang iyong paggalang sa mga taong nag-aalaga at nagmamalasakit sa iyo. Papaano mo ba maipakikita na bukas ka sa pagsunod sa mga payo at gabay ng mga nakatatanda sa iyo? Sa paraang bigyang-pansin ang kanilang mga sinasabi, unawain ang kanilang mga layunin, at isipin kung paano mo maisabubuhay ang kanilang mga payo. Mahalaga rin ang pagpapalaganap o pagsasalin ng mga aral at mga halimbawa na natutuhan mo sa kanila. Sa pamamagitan nito, nagiging bahagi ka ng paghubog sa iba, gaya sa mga nakababata mong kapatid, ukol sa pagpapahalaga sa sarili at pagkakaroon ng mabubuting asal. **Mga Pagbabagong Nararanasan sa Sarili** Ang mga nasa Ikalimang Baitang (humigit-kumulang 11 taong gulang) na mga mag-aaral ay nasa preadolescent stage patungo sa yugto ng pagbibinata o pagdadalaga o pagiging teenager. 1\. Pisikal na pagbabago Sa yugtong ito, maaaring makaranas ang mga mag-aaral ng mga pagbabagong pisikal. Kabilang dito ang paglaki ng katawan, pagbabago sa anyo at ilang bahagi ng katawan, paglaki ng mga kalamnan at buto, pagbabago sa timbang, at iba pang mga palatandaan ng pagbibinata o pagdadalaga. 2\. Emosyonal na pagbabago May mga pagkakataon na maaaring magkaroon ka ng iba\'t ibang emosyon. Maaaring mas madali kang mabahala o mainis, o maaari din namang ikaw ay mas madaling malungkot o mai-stress. Hindi dapat mabahala kung makaranas ng ganitong mga klaseng pagbabago ng emosyon. Ito ay natural lamang sa isang nagbibinata at nagdadalaga. Mahalaga lamang na marunong kang magdala ng iyong emosyon at sundin ang payo ng mga magulang, nakatatanda, tagapangalaga, taong pinagkakatiwalaan. 3\. Pagbabago sa pag-iisip Sa iyong edad, maaaring maranasan mo ang mga pagbabago sa pag-iisipo kognitibo. Dahil dito, mas maiintindihan mo na ang mga bagay na abstrakto o hindi gaanong literal na mga bagay. Kaya mo na ring mag-isip nang lohikal, magplano, at gumamit ng mga kasanayan sa pag- iisip tulad ng critical thinking. Ang mga pagbabagong ito ay tutulong sa iyo na mas maintindihan at mas mapag-aralan ang mga bagong impormasyon na iyong natutuhan. 4\. Sosyal na pagbabago Nagkakaroon din ng sosyal na pagbabago sa isang nagbibinata nagdadalagang gaya mo. Nagiging intersado ka na sa mga kaibigan o kakilala lalo na sa hindi mo katulad na kasarian (opposite sex). Nagiging interesado ka rin sa iba\'t ibang bagay tulad ng palakasan, musika, at iba pa. Dahil dito, mas marami kang nakikilalang iba\'t ibang tao na may mga hilig ng katulad ng sa iyo. 5\. Pagbabago sa personal na pananaw at pagkakakilanlan (identity) Sa iyong pagbibinata o pagdadalaga, mas marami nang tanong sa iyong isipan. Ilan sa mga ito ang tungkol sa iyong mga pananaw sa buhay, pangarap, at bagay na mahalaga sa iyo. Mas mapapansin mo ang pagbabago sa iyong pang-unawa patungkol sa iyong sarili at mas makikilala mo kung sino ka talaga at kung ano ang mahalaga sa iyo. Ang mga pagbabagong ito ay bahagi ng proseso ng paglaki (growth). Ito ay normal at inaasahang bahagi ng iyong pagtanda. Sa pamamagitan ng tamang gabay, suporta, at pag-unawa mula sa mga nakatatanda, ang mga pagbabagong ito ay maaaring maging positibo at makatulong sa iyong personal na pag-unlad. Mga Paraan ng Pangangalaga sa Sarili habang Nararanasan ang mga Pagbabago sa Tulong ng Pamilya Ang pangangalaga sa sarili habang nararanasan ang mga pagbabago ay mahalaga para sa kabuoang pag-unlad at kaligtasan ng isang kabataan. Ang pamilya ay may malaking papel at maitutulong sa pagbuo at pagsasagawa ng mga paraan ng pangangalaga sa sarili. Nasa kabilang pahina ang ilang paraan kung paano maisasagawa ang pangangalaga sa sarili sa tulong ng pamilya. 1\. Komunikasyon Sabihin sa mga magulang kung ano- ano ang mga pagbabagong nararanasan sa sarili kahit na ikaw ay natatakot o nahihiya. Mas mainam na malaman nila ang mga pagbabagong ito upang sa gayon ay magabayan ka nila sa pagharap mo sa bagong yugto ng iyong pagkatao. 2\. Paghingi ng suporta Huwag mag-atubiling lumapit sa mga magulang upang humingi ng suporta sa mga nagaganap na pagbabago sa sarili. Mas gagaan ang iyong pakiramdam kung makakakuha ka ng pang-unawa (empathy) at mga payo mula sa kanila. 3\. Pagtatakda ng mga limitasyon Pag-usapan kasama ng pamilya ang mga patakaran sa loob ng tahanan. Makatutulong ito upang magkaroon ng disiplina at maayos na pamumuhay habang hinaharap mo ang mga pagbabago sa iyong sarili. 4\. Pagtuklas ng kaalaman Upang mas maintindihan ang mga pagbabagong nangyayari sa pisikal, emosyonal, at intelektuwal, magbasa ng mga mapagkakatiwalaang resorses gaya ng mga teksbuk. Maaari ding magtanong sa mga magulang, tagapag-alaga, o guro. Sa pamamagitan ng mga impormasyong iyong makukuha, mas mapaghahandaan mo ang mga pagbabagong ito.