MODYUL 4 (Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses ethics and values in the context of Tagalog academia. It covers topics such as plagiarism and the importance of properly citing sources with specific examples.
Full Transcript
Nagsumite ng iskrip si Marian sa kaniyang propesor sa scrip writing. Humiram siya ng iskrip sa isang kaibigan. Sinabi niyang gagamitin niya lamang ito upang gawan ng ebalwasyon at kritika sa klase ngunit ipinasa niya ito bilang kanyang sariling gawa. Tumatanggap ng malalaking do...
Nagsumite ng iskrip si Marian sa kaniyang propesor sa scrip writing. Humiram siya ng iskrip sa isang kaibigan. Sinabi niyang gagamitin niya lamang ito upang gawan ng ebalwasyon at kritika sa klase ngunit ipinasa niya ito bilang kanyang sariling gawa. Tumatanggap ng malalaking donasyon ang isang simbahan mula sa isang kilalang taong may criminal record. Nag-iiwan ng paninda sa labas ng kaniyang silid-aralan si Gng. Domino, isang guro sa ikatlong baitang. Doon bumibili ang mga mag-aaral niya kapag recess. Ang kinikita niya mula rito ay pandagdag daw niya sa gastusin ng kaniyang pamilya. Etika at Pagpapahalaga sa Akademiya PAGSULAT NG ISANG REPLEKTIBONG SANAYSAY Ang salitang etika ay galing sa salitang Griyego na ethos na may kahulugang “ karakter “. Katumbas ito ng salitang character sa Ingles o pagkatao o karakter sa Filipino. Ang ethos ay mula sa salitang ugat na ethicos , na nangangahulugang “ moral , moral na karakter.” Ginawa itong ethics sa Ingles at etika sa Filipino. Ang etika para kay Chris Newton ay tumutugon sa mahalagang tanong na moralidad , konsepto ng tama at mali , mabuti at masama , pagpapahalaga at pagbabalewala , pagtanggap at di-pagtanggap ng lipunan na siyang nagtatakda ng mga batayan sa mga ito. Halimbawa : Respeto sa kapuwa , nakatatanda , awtoridad , bata , Ang Pagpapahalaga ( values ) naman ay ang mga istandard o batayan – mga Ideyal at gawi at institusyon gaya ng simbahan , pamilya , paaralan , at negosyo – na pinagbabatayan natin kung tama o mali ang ating mga desisyon. Tumutulong ito upang timbangin at balansehin ang ating mga desisyon. Isa itong paniniwala ng isang tao o grupo na may sangkot o pinanggagalingang damdamin o emosyon ukol sa isang bagay na dinedesisyunan. Ang etika at pagpapahalaga ay kapuwa gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating sarili sa o pakikiharapan ang ating kapuwa. ILUTRASYON NG PAGKAKAIBA NG ETIKA AT PAGPAPAHALAGA Etika Tama/mali Mabuti/ masamaPagp Praktis Tao Obligasyon apahalaga/ Kilos Grupo Karapatan Lipunan Pagbabalewal Etikal/di- Komunidad Katuwiran a etikal Institusyon Halaga Pagtanggap/ di-pagtanggap Pagpapahalaga Praktis Tao Istandard Kapuwa/ Kilos Grupo Paniniwala Ibang ( Manipestasyo Grupo n) May sari-sariling etikang sinusunod at mga pagpapahalagang gumagabay sa bawat institosyon , opisina , grupo , maging sa loob ng isang komunidad o bansa. Ang mga Gawain , kultura , kasaysayan , karanasan , At heograpiya ang mgaMga salikPangkalahatang sa pagbuo ng mgaHalimbawang etika at pagpapahalaga. Pagpapahalaga Kompetensi Teamwork Impluwensya iisip Integridad Dedikasyon Responsibilida Pag-asa Dignidad Pagkakaibigan d Kasiyahan Katapatan Pagpapaunlad Serbisyo Ambisyon Pagkakawang Katarungan Paggalang Pagtitiwala gawa Plekibilidad Katapangan inobasyon Seguridad Pananalig Kagalingan Dibersidad Pagkatuto Disiplina PAGPAPAHALAGANG PILIPINO Kultura ang pangunahing batayan ng mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Isinasabuhay nila ito sa araw-araw na gawain. Ngunit sa kabila nito, pinapahalagahan pa rin ng mga karamihan ng mga Pilipino ang ilang katangiang dati nang ipinagmamalaki. Ilan dito ang mga sumusunod: Pagmamahal at katapatan sa pamilya. Pagiging mapamaraan. Pagpapahalaga sa Pagkamalikhain. edukasyon. Sikap at tiyaga. Hiya o kahihiyan. Utang na loob. Pakikipagkapuwa. Pakikisama Bahala na. ETIKA AT PAGPAPAHALAGA SA PAGSULAT SA AKADEMIYA Sa akademikong pagsulat, ang paggamit ng social media ay hindi malinaw kung makatutulong sa iskolarship. Ngunit sa kasalukuyan, maraming impormasyong matatagpuan sa internet ang ginagamit. Subalit may mga pagkakataong hindi tiyak ang awtentisidad ng mga material na ito. Kaugnay nito, ilang isyu o paglabag kaugnay ng etika at pagpapahalaga sa oagsulat gamit ang sari-saring datos at reperensiya ang mahalagang bigyang-pansin: a. Copyright – Mahalagang malinawan ang mga karapatan at obligasyong ito upang maiwasan ang anomang di- b. Plagiarism – Ito ang maling paggamit ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kaniya. c. Paghuhuwad ng datos 1. Imbensyon na datos – Sa mga eksperimento, estadistika, at maging mga pag-aaral ng kaso, maaaring maengkwentro ang ganitong problema. 2. Sadyang di-paglalagay ng ilang datos. 3. Pagbabago o Modipikasyon ng datos. d. Pagbili ng mga papel o pananaliksik sa mga lugar gaya ng ilang tindahan sa Metro Manila at lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro. e. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang sariling papel na isusumite sa guro. f. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang igawa ang papel, tesis, disertasyon, report at iba pa. kaugnay nito, ang gumagawa at nagpapabayad para gawin ang mga ito ay sangkot din sa pandaraya. MGA KASO NG PANDARAYA SA PAGSULAT AT ILANG KAPARUSAHAN Daan-daang kaso ang inilatag sa iba’t ibang tao at institusyon kaugnay ng maling paggamit ng mga dokumento, datos at iba pang paglabag sa karapatan MGA PAGPAPAHALAGANG INTELEKTUWAL AT MORAL SA AKADEMIYA Kaugnay nito, mahalagang maisabuhay ng mga mag-aaral ang pitong mga pagpapahalagang moral sa etikal na pagsulat na inilahad ni Paul (1995). Ayon sa kaniya dito mabubuo ang tunay na etikal, Malaya at kritikal na pag- iisip at pagsulat. a. Kababaang-loob – Huwag angkinin ang hindi sayo at aminin na hindi sa iyo ang ideya o datos. b. Lakas ng loob na harapin at tanggapin ang ideyang humahamon sa sariling ideya at pangatwiranan. c. Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba. d. Integridad – Pinahahalagahan ang katapatan kaugnay ng paraan ng pagkuha, paggamit, at interpretasyon ng e. Pagsisikhay, hindi basta sumusuko sa gitna ng mga pagsubok. f. Paniniwala sa katuwiran – Pinangangatwiranan nang naayon sa etika at pagpapahalaga ng komunidad na tagabasa ang anomang ideyang gustong patunayan. g. Pagkamakatarungan, katapatan at pagsunod sa mga alituntunin, may matuwid , at karampatang pagpapahalaga sa tao, katuwiran, ideya at mga Gawain. h. Kamalayang mapanuri – Binibigyang-halaga rito ang papel ng tao bilang tagapagpaganap. i. Pag-aatubili – Hindi kailangang madaliin kundi bigyan ng sapat na panahong manaliksik. j. HIYA