Pagbasa Module 4 PDF

Document Details

BriskSard2370

Uploaded by BriskSard2370

Harding University

Marquez, S.

Tags

descriptive text Filipino language arts writing language

Summary

This handout discusses descriptive text. It explains how to write descriptive text using different techniques, including using vivid language, details, and perspectives.

Full Transcript

ASSH2003 Ang Tekstong Deskriptibo Ang tekstog deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng...

ASSH2003 Ang Tekstong Deskriptibo Ang tekstog deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat, itinatala ng sumulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari, o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari. Mauuri ang paglalarawan sa dalawa: karaniwan at masining. Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas. Halimbawa: Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatingkad ng mamula-mula niyang mga pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na umaabot hanggang baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas. Masining naman kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarwang, kabilang na ang paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma. Halimbawa: Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan at taas. Gayundin, may apat na mahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na paglalarawan. 1. Wika Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay wika ang gamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pang-abay. 2. Maayos na detalye Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan. 3. Pananaw ng paglalarawan Maaaring makaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay maaaring maganda sa isang naglalarawan habang sa isa naman ay hindi kung ito ay nagdulot sa kanya ng isang magandang karanasan. 4. Isang kabuoan o impresiyon Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang kanyang mga mambabasa o tagapakining nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang pananaw ng paglalarawan. Pinagkuhanan: Marquez, S. (2016). Pintig: pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Sibs Publishing House. 04 Handout 1 *Property of STI  [email protected] Page 1 of 1

Use Quizgecko on...
Browser
Browser