Filipino Past Paper PDF - Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto
Document Details
Uploaded by Deleted User
DepEd
Tags
Summary
This document is a Filipino past paper for Grade 11, covering Module 3 on the characteristics and nature of texts. It contains questions and answers relating to comprehension of texts.
Full Transcript
11 Filipino Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto Filipino – Baitang 11 Kwarter 1 – Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring mag...
11 Filipino Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto Filipino – Baitang 11 Kwarter 1 – Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Teksto Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin Mga Bumuo ng Modyul Manunulat: Vanesa M. Lopez; Grace Lani R. Fulleros Editor: Eric P. Gelilio; Imelda G. Narvadez; Mary Ann M. Rimpola; Daryl R. Orenciada Tagasuri: Nora J. Laguda; Sharon A. Vito; Ana Maria B. Gojar; Emma D. Gonzales Tagaguhit: Jotham D. Balonzo Tagalapat: Shem Rei G. Cervantes; Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro Paunang Salita Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral. Para sa Tagagabay: Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki- pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito. Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin. Para sa mag-aaral: Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag- alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo. Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin! ii Katangian at Kalikasan ng Teksto Panimula: Kaibigan, maligayang araw ng pagkatuto! Alam kong sabik kang maragdagan ang iyong kaalaman sa tesktong binabasa natin mula pa noon. Kaya inihanda itong aralin para sa muli nating pagbabalik- tanaw sa mga natutuhan mo hinggil sa teksto, ang katangian at kalikasan nito. Alam kong sabik ka nang mag-aral! Halika, umpisahan na natin. Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakapagbabahagi ng katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. Layunin 1 Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Basahin natin. Talasalitaan Bago tayo tuluyang magsimula ay nais ko munang alamin mo ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa ating aralin. Makatutulong ito sa iyong pag-unawa ng aralin. KONSEPTO - paliwanag na nabuo dahil sa malalim na pag-iisip PANANAW SALOOBIN - paniniwala o -nararamdaman pagkaunawa sa perspektibo ng nadarama tao KRONOLOHIKAL KATHANG-ISIP ISYU - wastong - bunga ng isipan -paksang pinagtatalunan pagkakasunod-sunod LOHIKAL EBIDENSIYA - ayon sa katwiran - katunayan -makatwiran -patotoo TEKSTO Babasahin na maaaring tula, sanaysay, talambuhay at iba pa 2 Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga? Panimulang Gawain Kunin mo muna ang iyong kwaderno at gawin ang sumusunod: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. ___________________________________________ Panuto: Unawain ang mga pahayag at tukuyin ang angkop na hugis ng tamang sagot. 1. Ito ay tekstong naglalahad ng kuwento ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod. 2. Mahahalagang bagong impormasyon, kaalaman, paniniwala at tiyak na detalye ang laman ng tekstong ito. 3. Wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang ang pokus ng tekstong ito. 4. Naglalahad ng katiyakang pananaw na nakatuon sa saloobin at opinyon ng may-akda ang tuon ng tekstong ito, 5. Ginagamit sa tekstong ito ang ating paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Imporma- Prosidyural Persweysib tibo Deskriptibo Naratibo Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Alamin natin sa pahina16 ang wastong sagot sa mga tanong. Saang antas ka nabibilang? 5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY 3-4 tamang Sagot – MAGALING 1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA 0 tamang sagot – KAYA MO YAN 3 O, di ba kayang –kaya mong sagutin ang mga uri ng teksto? Halika, may inihanda pa ako upang matulungan ka sa ating aralin. Mga Gawain sa Pagkatuto: Basahin mo. Sa bawat pagkakataon, iba’t ibang uri ng babasahin ang ating binabasa. Iba- iba rin ang nilalaman o paksa ng mga ito. Ano-ano ang mga uri ng teksto? Tama, ito ay ang impormatibo, deskriptibo, persweysib, naratibo, argumentatibo at prosidyural. Ano-ano naman ang dapat mong malaman tungkol sa mga ito? 1. May kanya-kanyang pamamaraan ng pagkakasulat, layunin, katangian at kahalagahang tinataglay 2. Isinusulat nang may tiyak na kadahilanan. 3. Ang mga paksa, kasanayan,gawain, pagpapahalaga, at pagtataya ang gagawing sandigan upang mahikayat ka na pahalagahan ang mga uri ng teksto at gamitin ito nang may kabuluhan 4 Dapat mo rin tandaan na may iba’t ibang katangian ang mga uri ng teksto at ito ay matutunghayan mo sa susunod na pahina: DESKRIPTIBO IMPORMATIBO - Nagtataglay ng - naglalahad ng mahahalagang impormasyong may bagongimpormasyon,kaalaman, kinalaman sa limang paniniwala at tiyak na detalye pandama PERSWEYSIB NARATIBO -Naglalahad ng espesipikonng - naglalahad ng kuwento pananaw na nakatuon sa ng mga pangyayari o saloobin at opinyon ng may - kawil ng pangyayari akda PROSIDYURAL ARGUMENTATIBO - Tumutukoy sa -nagtataglay ng mga pagsusunod-sunod ng paniniwala o paninindigang mga hakbang o prosesong maaaring tama o mali isasagawa Para sa iyong karagdagang kaalaman, Narito ang mga layunin ng mga tekstong ito: ________________________________________ 1. IMPORMATIBO -magbigay ng impormasyon upang mapalawak at mapalalim ang kaalaman ng mambabasa sa paksang tinatalakay 2. DESKRIPTIBO- malinaw na maipakita ang mga katangian ng paksang tatalakayin 3. PERSWEYSIB - mahikayat ang mambabasa na sumang-ayon sa panig. o mungkahi ng manunulat, maimpluwensiyahan itong maniwala o baguhin ang kanyang pananaw. 5 4.NARATIBO- magkuwento sa pamamagitan ng salaysay na nag- uugnay ng mga pangyayari 5. ARGUMENTATIBO- hikayatin ang mambabasa sa pamamagitan ng lohikal na pangangatwiran o pagbibigay ng mga ebidensiyang nakabatay sa lohikal at mga pananaw 6. PROSIDYURAL- ipaalam sa mambabasa ang mga hakbang tungo sa paggawa ng isang bagay. Yehey! Nagustuhan mo ba ang ating talakay? Salamat naman at naunawaan mo ang mga ito para maging handa sa pagsulat ng reaksiyong papel na siya nating tuon sa pag-aaral na ito. Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman? Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral? Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa: Lubos na naunawaan Naunawaan Naguluhan 6 Simulan mo na ang iba’t ibang gawain. Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Pagsasanay 1 ___________________________________________ Panuto: Basahin ang bawat bahagi ng talata, suriin at tukuyin kung anong uri ito ng teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno. Ang kanyang na mumurok na pisngi at ang napakalalim na biloy na lalong nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya ay tumatawa. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-matang malalantik at mahahaba na lalong nakatutulong upang ikaw ay mahalina sa kanyang mata. - Halaw sa “ Huwag Po, Itay…Bernales, et al 1. Ito ay halimbawa ng tekstong _________ a. Impormatibo b. deskriptibo c. persweysib d. naratibo Alas nuebe pa lang. Paglabas ko sa kusina, nagtimpla ako ng kape. Bubuksan ko sana ang TV pero mas pinili ko mas pinilli kong maupo na lamang malapit sa hapag-kainan. Napansin ko ang dyaryong nakakalat sa mesa. Ibinaba ko muna ang tasa upang makapagbasa. October 12, 2007, bago, ngayong araw lang ito. - halaw sa “Tampisaw sa Lason” ni Eljay Castro Deldoc 2. Ang iyong binasa ay tekstong __________ a. Impormatibo b. deskriptibo c. persweysib d. naratibo Para sakin iba’t iba ang kahulugan ng salitang ‘FOREVER’ pero naniniwala akong mayroon nito. Ang ‘FOREVER’ ay hindi literal na habambuhay kundi isa lamang itong pagpapakahulugan ng matinding emosyon o damdamin na hindi ko kayang isipin kung kelan matatapos. Halimbawa nito ay mamahalin kita ‘forever’ ibig sabihin hangga’t kaya ko at gusto ko, sinasaad ito ng may matinding damdamin. https://jeininallysie.wordpress.com/2016/08/24/blog-post-title-3/ 7 3. Ito ay tekstong ______ a. argumentatibo b. naratibo c. prosidyural d. impormatibo Matapos mapatunayan ang inyong pagkakakilanlan: Isusulat ng chairman ng BEI ang serial number ng balota sa EDCVL Pipirmahan ng botante ang balota at ang EDCVL Ipapasok ng BEI sa Scerecy folder anf balota at ibibigay sa botante Tanging ang chairman ng BEI ang magbibigay ng balota -Halaw sa “Paano Bumoto” mula sa Pinoy Weekly Staff, Mayo 5, 2010 4. Ito ay tekstong ______ b. Persweysib b. naratibo c. prosidyural d. impormatibo Ayon sa UNICEF, ang bata ay sinumang ang edad ay mula 18 taon pababa. Ang mga kategorya nito ay Unborn child o nasa sinapupunan pa lamang o mula 0 hanggang 9 na buwan; pre-school o mula tatlo hanggang anim na taon, school age o mula anim hanggang 13 taon; adolescent o juvenile, mula hanggang 16 na taon; at young adult, mula 16 hanggang 21 taon. -Halaw sa “Sipi mula sa Pagsulat ng Kuwentong Pambata” Rene O. Villanueva 5. Ang talata ay isang tekstong __________ a. Persweysib b. impormatibo c. naratibo d. deskriptibo Kumusta ang unang pagsasanay? Madali ba o Mahirap? Tingnan ang sagot sa pahina 16. Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1? Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY! Maari mo nang gawin ang pagsasanay 2. Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2. 8 Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman. Halika tasahin ulit natin ang iyong husay… Panuto: Sa tulong ng mga suliranin kaugnay ng COVID- 19, isulat kung anong katangian ng teksto ang Pagsasanay 2 mga ito Mga Suliranin/ paksa Katangian ng Teksto 1. Proseso sa Pagkuha ng Travel Pass 2. Balik- Probinsiya Program: Dapat ba o hindi dapat? 3. Mga Katotohanan ng Corona Virus 4. Kahalagahan ng Pagsunod sa Protocol ng IATF- Pananatili sa Bahay 5. Sanggalang ng Mamimili laban sa COVID_19 Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasany 2. Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay. 9 Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang sumusunod na pagsasanay. Pagsasanay 3 Panuto: Suriin ang mga bahagi ng teksto at ibigay ang katangian at kalikasang nakita mo na magpapatunay ng uri nito. TEKSTO KATANGIANG NAKITA NA MAGPAPATUNAY NG URI NITO Ang Corona viruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS- CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (NCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus- facts-tl.aspx Sa yugtong ito ng pandemya, kritikal na hindi dapat mawala ang pagsulong na nakamit natin sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19. Tumigil na ang pagtaas ng mga naospital, ngunit mas marami pa ang kinakailangang gawin upang ligtas na mabuksan muli ang ating mga komunidad. Ang pandaigdigang pandemya ay nasa maagang yugto pa. Madaling kumakalat ang virus, ang kapasidad ng pagsusuri ay limitado at lumalawak nang dahan-dahan, at ang pagbuo ng bakuna ay nagsisimula pa lamang. Kung masyadong mabilis nating ipaluwag ang mga paghihigpit, ang potensyal ng pagpapalawak ng pagkalat ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kalusugan ng ating mga residente pati na rin sa ekonomiya. https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/public- health-orders-tl.aspx Isang proseso ng pagbabagong-bihis ng lokal at rehiyonal na daloy ng pandaigdigang pamilihan ang globalisasyon. Sa kasalukuyan, ginagamit ito upang tukuyin ang mga globalisasyon at internasyonal na 10 ekonomiya. Sinasabi ng mga tagapagsulong nito na makatutulong ito sa pamamagitan ng pagtapat sa mga bago at iba’t ibang internasyonal na pamilihan. Samantala, sinasabi naman ng mga kritiko ng globalisasyon na namamanipula at naiimpluwensiyahan ng mga internasyonal na kompanya ang maliliit na lokal na negosyo. Sa iyong pananaw, nakatutulong ba ang globalisasyon sa lokal na negosyo at ekonomiya? -Bandril et al 2016 Isang piging na ligaya ngiti’y mala-gintong butil, Sa landas ng liwanag yakap ang langit na inaliw. Sa mala-rosas na labi ay kay tamis na pag- amin, At kung ilarawan ay kadugtong ng buhay marahil. -Alma Tang-Bautista Magtungo sa barangay kung saan na- istranded para kumuha ng clearance. Dalhin ito sa municipal health office para sa medical certificate na natapos mo ang 14- day quarantine. Isumite ang medical certificate sa pinakamalapit na istasyon ng Pulis para mag-aplay ng travel pass. Ang istasyon ng pulis ang bahalang magproseso ng travel pass at mag-iinform sa police unit kung saan patungo ang aplikante. AAbisuhan ang LSI(locally stranded individual) para kunin ang kanyang travel pass o ipadadala na lang ito sa kanyang e-mail. - #EagleNews Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 16. Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap? ☺ 11 Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin. Panapos na Pagsubok Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na teksto. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno kung ito ay IMPORMATIBO, DESKRIPTIBO, PERSWEYSIB, NARATIBO, ARGUMENTATIBO o PROSIDYURAL. 1. Mga panuntunan para sa awtomatikong suspensiyon ng klase ayon sa Executive Order No. 66, s.2012: Automatic Suspension Guidelines Signal No. 1 : preschool, sa SIGNAL No classes in mga apektadong lugar. No. 1 Kindergarten Signal No. 2: preschool, SIGNAL No classes in Elementary elementarya, at hayskul sa NO. 2 and High School apektadong lugar. Signal No. 3: preschool SIGNAL No classes in ALL LEVELS Hayskul, at kolehiyo, NO. 3 including tertiary levels Sa mga apektadong lugar. 2. Minsan May Isang Doktor Salin ni Rolando A. Bernales Isang doktor ang humahangos na dumating sa isang hospital matapos siyang ipatawag para sa isang biglaang operasyon. Dali-dali siyang tumugon sa tawag, nagpalit agad ng damit at dumiretso sa surgery block ng hospital. Nakita niya ang ama ng pasyente ng bata, naglalakad nang paroo’t parito sa pasilyo. Pagkakita sa doctor, nagsisigaw ang lalaki: “Bakit ngayon ka lang, Dok? Hindi mo ba alam na nanganganib ang buhay ng anak ko? Wala ka ba man lang pagpapahalaga sa responsibilidad?” Ngumiti ang doktor at sa mababang tinig ay nagwika: “ Pasensiya na po kayo. Wala po ako sa hospital nang ipatawag ako. Nagmamadali po ako papunta rito pagkatanggap ko ng tawag. Kumalma po kayo nang masimulan ko na ang aking trabaho”. 12 “Kumalma? Eh kung anak mo ang nasa loob ng kuwarto ngayon, makakakalma ka ba? Kung mamatay ang anak mo, ano kaya ang gagawin mo?!!!” galit na wika ng ama. Tumagal ng ilang oras ang operasyon. Matapos ay masayang lumabas ang doktor. “Salamat sa Diyos, ligtas na ang anak ninyo.” Hindi na nakapaghintay ng sagot ang doktor. Mabilis siyang tumalilis palabas pakasabing, “kung mayroon kayong katanungan, pakitanong na lang sa nars”. “Bakit napakaarogante niya? Hindi man lang siya naghintay ng ilang minuto para makapagtanong ako sa kalagayan ng aking anak?” bulalas ng lalaki. Sumagot ang nars. Walang humpay ang pag-agos ng luha sa pisngi ng nars habang nagsasalita. “Kamamatay lamang kasi ng anak ni Dok. Namatay ang anak niya sa isang aksidente sa kalsada. Nasa burol siya nang ipatawag. Matapos niyang mailigtas ang iyong anak, kailangan naman niyang magmamadali para sa libing ng kanyang anak”… www.google.com.ph 3. Igisa ang luya at bawang, kasama na ang manok. Isangkutsa ang manok hanggang mamuti ang laman ng manok. Kapag sa tantya mo ay nasangkutsa(nagisa) mo na ang manok, maglagay ng 3 kutsarang patis. Haluin muli. Maglagay ng tubig na magsisilbing sabaw ng tinola. Ilagay na rin kasama ang panahog na gulay( sayote o papaya.) Pakuluan. Kapag kumulo na ang sabaw, tingnan kung tama na ang lambot ng sayote o papaya para sa iyo. Tikman ang sabaw, kung kulang pa ang lasa, dagdagan mo na lang ng patis at ilagay na rin ang dahon ng sili o ng malunggay. Mayroon ka nang Tinolang Manok! - mula sa https://paanopinoy.wordpress.com 4. Petisyon upang kilalanin si Andres Bonifacio bilang unang Pangulo ng Pilipinas Ni Michael Charleston Chua Mula pa noong 1993, may mga historyador tulad nina Dr. Milagros Guerrero, Ramon Villegas at Emmanuel Encarnacion na nagsasabing si Andres Bonifacio, hindi si Emilio Aguinaldo ang unang pangulo ng Pilipinas. Ayon sa kanila, noong sumiklab ang Himagsikan noong Agosto 24, 1896, ang Katipunan na isang samahan ay naging isang gobyernong rebolusyonaryo batay sa mga dokumento nito. Dahil dito, ang pinuno ng Katipunan noon ang siyang naging Pangulo. Sabi naman ng iba, hindi dapat gawing unang pangulo si Andres Bonifacio dahil kailangang baguhin ang mga teksbuk sa mga paaralan at maaari itong ikalito 13 ng mga mag-aaral. Ngunit dapat bang isakpripisyo ang katotohanan sa kasaysayan para sa praktikalidad? Ang pagkilala sa pagkapangulo ni Bonifacio ay ang pagkilala sa konseptong ang gobyerno ay nanggagaling sa bayan, na kaakibat sa pang-ilustrado/ pang-elit na gobyerno. At sa huli, ang pagkilala kay Andres Bonifacio bilang pangulo ay ang magbibigay ng katarungan sa taong bumuo sa Nasyong Pilipino. -mula sa www.change.org 5. Kartilya ng Katipunan Ni Emilio Jacinto 1. Ang buhay ay hingi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong makamandag. 2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan. 3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang kat’wiran. 4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay; mangyaring ang isa’y higtan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di- mahihigtan sa pagkatao 5. Ang may mataas na kalooban, inuuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili kaysa sa puri. Yehey! Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang iyong mga sagot sa pahina 16. Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba. nagawa lahat 1 hindi nagawa 2 hindi nagawa 3 pataas hindi nagawa 14 Ang ganda ng aralin natin. Ang dami kong natutuhan. Na-enjoy ko rin ang mga gawain at pagsasanay. Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa ng karagdagang gawain. Tara magtulungan tayo! Karagdagang Gawain Panuto: Pumili ng isang patalastas na nasa tekstong naglalarawan. Magsulat ng isang paglalarawan. Paglalarawan tungkol sa patalastas batay sa tiyak na katangian nito a. Mga kaalamang inihanay b. Paraan ng pagkakalahad Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain. Ang husay mo kid! 15 16 Panimulang Pagsubok 1. Naratibo 2. Impormatibo 3. Prosidyural 4. Persweysib 5. Deskriptibo Pagsasanay 1 Panapos na Pagsubok 1. B 1. Impormatibo 2. D 2. Naratibo 3. A 3. Prosidyural 4. C 4. Argumentatibo 5. D 5. Persweysib Pagsasanay 2 1. Prosidyural 2. Argumentatibo 3. Impormatibo 4. Persweysib 5. Deskriptibo Pagsasanay 3 1. Impormatibo- nagbibigay –impormasyon tungkol sa Corona Virus 2. Persweysib- hinihikayat ang mamayan na manatili sa Bahay 3. Argumentatibo – hinihingi ang pananaw ng mababasa kaugnay ng paksa 4. Deskriptibo – naglalarawan gamit ang mga pang-uri 5. Prosidyural – nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng pagkuha ng travel pass Karagdagang Gawain: subhetibo ang sagot Susi sa Pagwawasto MGA SANGGUNIAN Aklat: Atanacio, Heidi C.et al. Pagbasaa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E Publishing Inc. Bandril, Lolita T. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group Inc., 2016. Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2017. Elektroniko: https://paanopinoy.wordpress.com #EagleNews https://www.youtube.com/watch?v=bINXHmyDF0I https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx www.change.org www.google.com.ph 17 Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 Email Address: [email protected]