IKALAWANG LINGGO: Tekstong Impormatibo PDF

Document Details

WelcomeRiemann2565

Uploaded by WelcomeRiemann2565

Immaculate Conception Polytechnic

Bb. Wilma C. Esmabe

Tags

Tekstong Impormatibo Cyberbullying Filipino Education

Summary

This document discusses the characteristics of informative texts, cyberbullying examples. It covers primary and secondary sources of information, including online resources, and provides specific details about informative texts.

Full Transcript

IMMACULATE CONCEPTION POLYTECHNIC Sta. Maria, Bulacan, Philippines, Inc. Marian Road, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan IKALAWANG LINGGO: Tekstong Impormatibo Tekstong Impormatibo - Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di...

IMMACULATE CONCEPTION POLYTECHNIC Sta. Maria, Bulacan, Philippines, Inc. Marian Road, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan IKALAWANG LINGGO: Tekstong Impormatibo Tekstong Impormatibo - Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling sa damdamin ng may-akda. - Di tulad ng ibang uri ng teksto, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may- akda ay hindi nakabatay sa sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kaniyang pagpabor o pagkontra sa paksa. - Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya ay nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito. - Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, teksbuk, encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. 7 Katangian ng Tekstong Impormatibo - Naglalahad ng mga mahahalagang bagong impormasyon, kaalaman, pangyayari, paniniwala, at tiyak na detalye para sa kabatiran ng mga mambabasa. - Ang mga kaalaman ay nakaayos nang may pagkakasunod-sunod at inilalahad nang buong linaw at kaisahan. - Karamihan sa mga impormasyon ay napapanahon patungkol sa mga bagay at paksang pinag-uusapan. - Nagbibigay ng mga impormasyong nakapagpapalawak ng kaalaman at nagbibigay- linaw sa mga paksang inilalahad upang mawala ang alinlangan. - Naglalahad ng mga datos na nakatutulong sa paglilinaw ng mga konsepto. - Naglalaman ng mga impormasyong makatotohanan at hindi gawa-gawa lamang. - Nagbibigay ng impormasyon o paliwanag na makatotohanan ayon sa pananaliksik o masusing pag-aaral. Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos 1. Hanguang Primarya - Mga indibidwal o awtoridad - Mga grupo o organisasyon - Mga kaugalian - Mga pampublikong kasulatan o dokumento 2. Hanguang Elektroniko - Internet sa pamamagitan ng e-mail - Telepono o cellphone 3. Hanguang Sekondarya - Mga Aklat (diksyonaryo, ensayklopidya) - Mga nailathalang artikulo (diyornal, magasin, at pahayagan) IMMACULATE CONCEPTION POLYTECHNIC Sta. Maria, Bulacan, Philippines, Inc. Marian Road, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan Halimbawa ng Tekstong Impormatibo Cyberbullying Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambu-bully ang nagbigyang-daan nito: ang cyberbullying o pambu-bully sa kapwa gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyo, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpo-post ng mga nakasisira, at walang basehang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang personal account ng isang tao nang walang pagsang-ayon niya o sa paninira sa may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito ay karaniwang nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o pagkawala ng kapayapaan sa mga nagiging biktima nito. Inihanda ni: Bb. Wilma C. Esmabe Guro sa Filipino

Use Quizgecko on...
Browser
Browser