Filipino G10 Ikalawang Markahan PDF

Summary

This document is a learning material for Filipino Grade 10, specifically for the second quarter. It outlines the learning objectives and activities related to expressing personal viewpoints and opinions based on different types of literary works, including speeches and editorials. It provides guidance for learners on interpreting literary works and constructing speeches on controversial issues.

Full Transcript

IKALAWANG MARKAHAN Filipino G10 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pama...

IKALAWANG MARKAHAN Filipino G10 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto. Mga Tagasuri PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 PIVOT 4A Learner’s Material Ikalawang Markahan Unang Edisyon, 2020 Filipino Ikasampung Baitang Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead Elizabeth R. Zeta, Belinda J. Aviles, Febbie Lyn M. Parentela, Ivy A. Villaflor, Mark John A. Ayuso, & Winchelle A. De La Peña Content Creators & Writers Jaypee E. Lopo, Elaine T. Balaogan, Elizabeth R. Zeta & Joseph E. Jarasa Internal Reviewers & Editors Lhovie A. Cauilan, Mark John A. Ayuso & Jael Faith Ledesma Layout Artists & Illustrator Jhucel A. del Rosario & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer Ephraim L. Gibas IT & Logistics Joseph E. Jarasa External Reviewer & Language Editor Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Wilfredo E. Cabral Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material Para sa Tagapagpadaloy Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Filipino. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga ibinigay na layunin. Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin. Salamat sa iyo! Para sa Mag-aaral Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto. 2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain. 3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito! PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul K to 12 Learning Nilalaman Delivery Process Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na (Introduction) Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin ng Panimula aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang Suriin kailangan para sa aralin. Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa (Development) Pagpapaunlad mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng Tuklasin mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at Pagyamanin matutuhan. Ang bahaging ito ay binibigyang pagkakataon ang mag- aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at Isagawa oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Pakikipagpalihan Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag- (Engagement) ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng Linangin bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/ gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o Iangkop gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga (Assimilation) Paglalapat piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag- uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha Tayahin ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dati ng natutuhan. Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 WEEKS Pagbibigay ng Sariling Pananaw o Opinyon 1-2 I Aralín Tunay na nagpamalas ka ng kahusayan sa pagsasagot at pagsasakatuparan ng mga itinakdang gawain sa unang markahan. Sa bahaging ito, patuloy na pauunlarin ang iyong kasanayan sa pag-unawa at pagsusuri ng mga konsepto at impormasyon gamit ang iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan mula South America at ng mga Bansang Kanluranin. Ang mga inihandang gawain sa pagkatuto ay tiyak na lilinang sa iyong kawilihan sa pag-aaral tungo sa mas malalim at matibay na pagkatuto. Inaasahang sa araling ito ay: a) maiuugnay mo nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati, at iba pa; b) mabibigyang-kahulugan ang mga salitang di-lantad ang kahulugan sa tulong ng word association; c) maiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda; d) makapagbibigay ng katibayan ng sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal); e) maibibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng sanaysay (talumpati o editoryal); f) masusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap at; g) maisusulat ang isang talumpati tungkol sa isang kontrobersiyal na isyu. Ang talumpati ay isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko. Ito ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon tungkol sa isang paksa na maaaring mula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. Layunin ng talumpati na magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna, at bumatikos. May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na nakasulat sa pahayagan. Halimbawa nito ay editoryal at lathalain. Ang editoryal ay isang mapanuring pagpapakahulugan hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayari upang magbigay kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa. Samantala, ang lathalain naman ay isang uri ng sanaysay na naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari batay sa karanasan, pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at isinusulat sa isang kawili-wiling pamamaraan. Pangunahing layunin nito ang manlibang kahit maaari rin itong magpabatid. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati 1. Pagpili ng Paksa. 2. Paghahanda sa Pagsulat. Ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng mga impormasyon at mga ideya para sa susulatin. Dito isinasagawa ang paggawa ng balangkas, ang pagpaplano, pagdedebelop at pagsasaayos ng mga ideya bago buoin ang balangkas. 3. Aktuwal na Pagsulat. Sa hakbang na ito isinasalin ang mga ideya sa mga pangungusap at talata. Malayang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng mga ideya. Dito rin maaaring alisin, dagdagan o isaayos muli ang mga detalye. Gayumpaman, hindi pa rin binibigyan nang gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika sa gamit ng wika at ng mekaniks. 4. Pagrerebisa at Pag-eedit. Sa hakbang na ito isinasagawa ang pagrerebisa o pag-eedit na nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling pagbubuo ng mga kaisipan. Sa hakbang na ito maaaring maraming pagbabago sa nilalaman sa organisasyon ng mga ideya at sa istruktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring magdagdag ng mga detalye at muling isaayos ang buong sulatin. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 6 Mga Bahagi at Dapat Taglayin ng isang Talumpati upang Maging Mabisa 1. Panimula. Sa bahaging ito tinatawag ang pansin ng mga tagapakinig. Dito ipinaliliwanag ang layunin ng talumpati. 2. Paglalahad. Ang bahaging ito ang pinakakatawan ng talumpati. Dito inilalahad ang isyu at pagpapahayag ng diwa ng paksang tinatalakay. Dito rin inilalahad ang mga argumento. 3. Katapusan. Ito ang pinakasukdol na wakas at kongklusyon ng talumpati. Dito rin inilalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati. Sa bahaging ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa pagpapalawak ng pangungusap at paano nga ba ito nakatutulong sa pagsulat ng talumpati. Maaaring mapalawak ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpapalawak sa panag-uri sa tulong ng ingklitik (katagang paningit), komplemento, pang-abay, at iba pa. Napalalawak din ang pangungusap sa pamamagitan ng paksa sa tulong ng atribusyon o modipikasyon, pariralang lokatibo o panlunan, at pariralang nagpapahayag ng pagmamay-ari. A. Panag-uri. Nagpapahayag ng tungkol sa paksa. 1. Ingklitik. Ito ay tawag sa mga katagang paningit. Ito ay walang kahulugan kung mag-isa ngunit nakapagpapabago ng kahulugan ng isang pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ay: pa, ba, na, nga, man, daw, yata, pala, kaya, kasi, naman. Halimbawa: Marami ba ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya? Marami pala ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. 2. Komplemento/Kaganapan. Ito ang tawag sa pariralang pangngalan na nasa panag-uri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Ito ay sangkap sa pagpapalawak ng pangungusap. a. Kaganapang Tagaganap. Ito ay bahagi ng panag-uri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Ginagamit ang mga pananda na ni at ng. Halimbawa: Pinakinggan ng pangulo ang karaingan ng mga mamamayan. b. Kaganapang Layon. Ito ay bahagi ng panag-uri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy ng pandiwa. Ginagamitan ito ng panandang ng. Halimbawa: Ipagpapatuloy ng pamahalaan ang maayos na paggamit ng pondo. c. Kaganapang Tagatanggap. Ito ay nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa. May mga panandang para sa at para kay. Halimbawa: Naglaan ng pondo ang gobyerno para sa mga apektado ng pandemya. d. Kaganapang Ganapan. Ito ay nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: Nagpulong ang mga empleyado sa tanggapan ng kalihim. e. Kaganapang Kagamitan. Ito ay nagsasaad kung anong bagay ang ginagamit nang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: Inaalam ang mga tinamaan ng COVID-19 sa pamamagitan ng swab test. f. Kaganapang Direksiyonal. Ito ay nagsasaad ng direksiyon ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Halimbawa: Namigay ng tulong ang mga kawani ng DSWD sa mga apektado ng pandemya sa harap ng kanilang gusali. 7 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 g. Kaganapang Sanhi. Ito ay nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos. Halimbawa: Dahil sa banta ng COVID-19 sa buhay ng mga tao, marami ang natakot at nabahala. 3. Pang-abay. Ito ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Halimbawa: Batayang Pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo; Pagpapalawak: Nagtalumpati ang pangulo noong kaniyang inagurasyon at talagang marami ang humanga. A. Paksa. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. 1. Atribusyon o Modipikasyon. Ito ay may paglalarawan sa paksa ng pangungusap. Halimbawa: Ito ang ginawang plano, ang pinakamahusay at dapat nating gawin upang mapagtagumpayan ang COVID-19. 2. Pariralang Lokatibo/Panlunan. Ito ang pangungusap na nagpapahayag ng lugar. Halimbawa: Marami ang nagtungo sa harap ng tanggapan ng DSWD upang kumuha ng ayuda. 3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari. Ito ay paggamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari. Halimbawa: Sundin natin ang ipinag-uutos ng ating pamahalaan upang masugpo ang pagkalat ng virus. D Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Basahin ang artikulo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Pagdurusa ng Manggagawang Pilipino sa Gitna ng Pandemya Ang epekto ng coronavirus pandemic ay hindi nagtatapos sa mga pasyenteng napupunta sa mga ospital. Abot limang milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Ang bilang na ito ay maaaring tumaas, depende kung gaano kalakas ang impact ng pandemic sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. Kaugnay nito, kailangan ng bawat Pilipino ang pagtutulungan at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang pandemyang nagdudulot ng panganib sa bawat buhay. 1. Ano ang paksa ng artikulo? 2. Paano nakakaapekto ang pandemya sa buhay ng mga Pilipino? 3. Magbigay ng sariling saloobin at damdamin kaugnay ng binasa. 4. Bilang mag-aaral, ano ang maibibigay mong ambag upang mapagtagumpayan ang pandemya? Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Ipaliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng talumpati, editoryal, at lathalain batay sa ibinigay na kahulugan at paglalarawan. Kopyahin ang tsart sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Uri ng Sanaysay Pagkakatulad Pagkakaiba Talumpati Editoryal Lathalain PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 8 Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Ito ay buod ng talumpati ni Dilma Rousseff sa kaniyang Inagurasyon noong Enero 1, 2011. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil. Buod ng Talumpati ni Dilma Rousseff Tiniyak ni Dilma Rousseff na sa kaniyang pamamahala ay lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan gayundin, ang paglikha ng mga pagkakataon para sa lahat. Hindi siya titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa lansangan na nawawalan ng pag-asa at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona. Dagdag pa niya, magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan, at kaligayahan. Ito ang pagsisikapan niyang maisakatuparan. Ayon sa kaniya, hindi ito naiibang tungkulin ng isang pamahalaan. Isa itong kapasiyahan na dapat gampanan ng lahat sa lipunan. Dahil dito, buong pagpapakumbaba siyang humihingi ng suporta sa mga institusyong pampubliko at pampribado, sa lahat ng partido, mga nabibilang sa negosyo, manggagawa, mga unibersidad, mamamahayag, at sa lahat ng naghahangad ng kabutihan para sa kapwa. Binigyang-diin ni Rousseff na kailangang bigyang prayoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad na lilikha ng mga hanapbuhay upang masugpo ang labis na kahirapan, gayon din ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya na siyang pinakamahalaga. Tinalakay rin niya na patuloy na palalakasin ang panlabas na pondo upang matiyak na balanse ang panlabas na deposito at maiwasan ang pagkawala nito. Gagawin ito nang walang pag-aalinlangan sa mga multilateral na paraan na ipaglaban ang maunlad at pantay na mga polisiyang pang-ekonomiya na pangangalagaan ang bansa laban sa hindi maayos na kompetisyon. Sinabi rin ni Rousseff na hindi pahihintulutan ang mayayamang bansa na pinapangalagaan ang sariling interes na nagpapahirap sa maraming bansa sa mundo sa kabila ng kanilang pagpupunyagi ay walang pagbabagong nagaganap. Binigyang-diin din niya na isa pang mahalagang salik sa maayos na paggasta ay ang pagpapataas ng antas ng pumumuhunan sa punto ng pangkaraniwang gastusin sa pagpapatakbo ng negosyo. Mahalaga ang pamumuhunang pampubliko sa pag-iimpluwensiya sa pamumuhunang pampribado at kasangkapan sa rehiyonal na pagpapaunlad. Sa huling bahagi ng talumpati, sinabi niya na ang pagpapaunlad na gagawin ay nararapat ng isagawa sa tulong ng lahat ng Brazillian. Mula sa Modyul para sa Mag-aaral, Panitikang Pandaigdig Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Sagutin ang mga tanong kaugnay sa binasang talumpati. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang paksa ng talumpati? 2. Ano ang nais makamit ni Pangulong Rousseff sa panahon ng kaniyang pamumuno? Paano mo siya ilalarawan bilang pinuno? 3. Ilarawan ang kalagayan ng Brazil batay sa inilahad sa talumpati. May pagkakatulad ba ito sa kalagayan ng Pilipinas? Patunayan. 4. Kung ikaw ay isang mamamayan sa Brazil, paano ka makatutulong sa pagsasakatuparan ng mga mithiin ni Pangulong Rousseff? Ipaliwanag. 9 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 E Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Magbigay ng mga salitang maiuugnay sa mga salitang ginamit sa talumpati na nasa loob ng dayagram. (word association) Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. negosyo ekonomiya polisiya Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Magbigay ng sariling pananaw o opinyon at saloobin o damdamin batay sa mga piling pahayag na inilahad sa talumpati. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Pahayag Pananaw o Opinyon Saloobin o Damdamin 1. Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan, at 2. Kailangang bigyang prayoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad na lilikha ng mga han- apbuhay upang masugpo ang labis na kahirapan, gayundin ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya na siyang pinaka- mahalaga. 3.Tinitiyak na sa kaniyang pamamahala ay lala- banan at susugpuin ang labis na kahirapan gayundin, ang paglikhang mga pagkakataon para sa lahat. A Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Nabatid ko na ang __________ ay isang uri ng sanaysay na binibigkas sa harap ng publiko. Ito ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinyon tungkol sa isang paksa na maaaring mula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan. Layunin ng talumpati na magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna, at bumatikos. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 10 WEEK Pagsusuri sa Kasiningan ng Akda 3 Aralin I Pag-aaralan mo sa araling ito ang isa sa pangunahing suliranin na kinakaharap ng buong mundo sa kasalukuyan hinggil sa child labor. Tulad sa Isla ng Carribean na matatagpuan sa Timog-Silangan ng Gulpo ng Mexico at Silangang bahagi ng Central America at Mexico gayundin ang Hilagang bahagi ng South America, karaniwan na ang mga bata rito’y nasasabak sa pagbabanat ng buto kahit nasa murang edad pa lamang. Inaasahan na maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa maikling kuwentong nasa anyong dagli mula sa rehiyon ng isa sa mga isla ng Carribean na pinamagatang, “Ako po’y Pitong Taong Gulang.” Mauunawaan mo rin sa araling ito ang wastong gamit ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari sa tekstong nagsasalaysay. Sa araling ito, inaasahan na: a) masusuri mo sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda; b) maitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay ang kahulugan; c) mahihinuha ang mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdigan at; d) maisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento. Ang dagli ay isang anyo ng maikling kuwento at ang sitwasyon ay may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay at pawang mga paglalarawan lamang (Arrogante, 2007). Samakatuwid, ito’y isang salaysay na lantaran at walang-timping nangangaral, namumuna, nanunudyo o kaya’y nangangaral. Napagkakamalang flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang magkaroon ng dagli sa Pilipinas noong (1990s) bago pa man magkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Sa kasalukuyan, kinikilala si Eros Atalia bilang isang mahusay na manunulat ng dagli na naglathala ng kaniyang aklat na pinamagatang “Wag lang Di Makaraos (100 Dagli, mga Kuwentong Pasaway, Paaway at Pamatay) noong 2011. Ang mga sumusunod ang mga iminungkahing paraan ni Atalia sa pagsulat ng dagli: 1) magbigay tuon lamang sa isa (tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo; 2) magsimula lagi sa aksiyon 3) sikaping may twist o punchline sa dulo; 4) magpakita ng kuwento, huwag ikuwento; 5) gawing double blade ang pamagat. Hango mula sa https://www.youtube.com/watch?v=gFLM0tPtWhc D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pahayag. Lagyan ng tsek () ang hanay ng iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Konsepto tungkol sa aralin TAMA MALI 1. Ang dagli ay may twist o punchline sa dulo. 2. Ang pamagat ng dagli ay double blade. 3. Ang dagli ay mga sitwasyong may nasasangkot na mga tauhan at may maayos na banghay. 11 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 4. Ang mga salitang tuwang-tuwa, naiinis, nananabik, naguguluhan ay mga salitang nagpapahayag ng damdamin. 5. Ang mga salitang narinig ko, nasaksihan ko, noong ako’y maliit pa, kagabi lamang ay mga salitang ginagamit upang maglarawan ng mga pangyayari. Pag-aralan mo ang isang halimbawa ng dagli mula sa Carribean. Ang Isla ng Caribbean ay isandaang taong pinanirahan ng tatlong pangunahing katutubong tribo; Arawaks, Ciboney, at Caribs na nagbigay ng pangalan sa isla. Nabago ang katutubong pamumuhay, kultura ng mga naninirahan dito dahil sa pagsakop ng mga Kastila. Ang mga naninirahan dito ay naging biktima ng pang-aalipin kung saan ito ang naging pangunahing suliranin nila. Ako Po’y Pitong Taong Gulang Hello! Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla ng Caribbean. Ako po’y pitong taong gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod. Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumising po ako ng alas-singko ng umaga. Umigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang aking pinaglilingkuran. Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki. Sumunod po, tumulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina. Hinugasan ko po ang mga paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas. Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa giniling na mais na giniling ko kahapon. Gula-gulanit po ang aking mga damit at wala akong sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking amo na ipaligo ang tubig na inigib ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag-aral. Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia. E Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin ang dalawang salitang magkaugnay sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Iniwan ako ng aking ina sa isang mayamang pamilya ngunit kahit sila ay maraming pera ay nakaranas ako ng matinding paghihirap. 2. Ako’y pitong gulang nang mahiwalay sa pamilya at sa edad kong ito, nakaranas akong magbanat ng buto. 3. Nagmula ako sa mahirap na pamilya kaya tingin nila sa akin ay batang yagit. 4. Banas na banas siya sa akin habang hinuhugasan ko ang paa ng aking amo at sinampal niya ako dahil sa galit. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 12 5. Nakalulungkot isipin na hindi ako nakapag-aral kaya di ako naging dalubhasa sa pagsusulat. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutan ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Paano sinimulan ng nagsasalita sa akda ang kaniyang salaysay? 2. Paano isinalaysay ni Amelia ang kaniyang pang-araw-araw na gawain? 3. Aling bahagi ng kuwento ang naglalarawan ng twist ng akda? 4. Ipaliwanag ang double blade ng pamagat ng akdang, “Ako Po’y Pitong Taong Gulang.” 5. Saan nakatuon ang akdang binasa? Ipaliwanag. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Suriin ang tauhan, tagpuan, at mga pangyayari sa binasang akda sa tulong ng grapikong representasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ako Po’y Pitong Taong Tauhan Pangyayari 1 Gulang Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Batay sa iyong mga napanood na balita o nasaksihang mga pangyayari sa iyong kapaligiran, ano-anong pangyayari ang may kaugnayan dito? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Pangyayari sa Akda Pangyayari sa Kasalukuyan Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Pag-aralan ang paksa sa usapan. Bumuo ng sariling pangungusap upang mabuo ang diyalogo. Sikaping gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Leo: Nakakaawa talaga ang mga taga-Bicol dahil paulit-ulit na silang sinasalanta ng mga bagyo. Ricky: ________________________________________________________________________ Bea : Matimtiman talagang panalangin ang kailangan upang matigil na ang sunod-sunod na kalamidad. Noong bagyong Rolly, sama-sama kaming nanalangin. Kaye : ________________________________________________________________________ 13 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sumulat ng sariling salaysay hinggil sa iyong karanasan noong ikaw ay bata pa. Gawin itong nasa anyong dagli at gamitin ang mga salitang naglalarawan ng damdamin at pangyayari. Pagkatapos, basahin ang iyong isinulat na salaysay sa iyong mga kasama sa bahay. Gawin ito sa iyong sagutang papel. A Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Punan ang bawat patlang ng mga salita/ pariralang ginagamit sa pagpapahayag ng pangyayari at damdamin. Piliin ang sagot sa talahanayan ng pagpipilian. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Siyam na taon pa lamang ako 1. ________ nang matuto akong mamalengke at magluto ng pagkain. Noong una, 2.________ ako kung paano bumili ng isda dahil tulad-tulad naman ang mga ito. 3. _________ kong mamalengke, lilinisan ko ang aking mga binili at maghahanda sa pagluluto. 4. ___________ ako kapag may uling na binili si Inay dahil hindi ako mahihirapan magluto. 5. ____________ pananghalian ang kasalo ko lamang ay si Moning, ang aming pusa dahil nasa trabaho sina Inay at Itay. pagkatapos tuwing noon tuwang-tuwa naguguluhan PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 14 Nobela na Angkop sa Pananaw WEEK o Teoryang Pampanitikan 4 Aralin I Inaasahan sa pagtatapos ng araling ito, a) masusuri mo ang nobela bilang akdang pampanitikan sa pananaw realismo o alinmang angkop na pananaw/ teoryang pampanitikan; b) maihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga elemento nito; c) mabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan; d) makapipili ng mga kagamitang may kaugnayan sa paggamit ng angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panunuring pampanitikan; e) nagagamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa o panunuring pampanitikan; at magagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik tungkol sa mga teoryang pampanitikan. Isang mahabang kathang pampanitikan ang nobela na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay rito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mamamayan at naglalarawan ng bawat bansang pinanggalingan nito. Maraming pangyayari ang inilalahad sa nobela, samantalang iisang pangyayari lamang ang inilalahad sa maikling kuwento. Ang isang nobela ay may katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod: a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan; b)pagsasaalang-alang sa kailangang kaasalan; c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin; d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon; at e) malikhain at may dapat maging maguniguning paglalahad, at nag-iiwan ng kakintalan. Elemento ng Nobela 1. Tagpuan. Ito ay lugar at panahon ng mga pinangyarihan. 2. Tauhan. Ito ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela. 3. Banghay. Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela. 4. Pananaw. Ito ang panauhang ginagamit ng may-akda (a. una - kapag kasali ang may-akda sa kuwento; b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap; c. pangatlo – batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda) 5. Tema. Ito ang paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela. 6. Damdamin. Ito ay nagbibigay kulay sa mga pangyayari. 7. Pamamaraan. Ito ang istilo ng manunulat. 8. Pananalita. Ito ang diyalogong ginagamit sa nobela. 9. Simbolismo. Ito ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari. Samantala, litaw na litaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang pananaw Realismo. Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan. 15 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Samantala, kaugnay ng pagiging interaktibo ng tao ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood, narinig, at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagtutol. Gayumpaman, ang konsepto ng pagtutol o kawnter-asersiyon at pagsang-ayon o konsesyon ay maaari ding mapagsama sa isang pangungusap. Maaari ring maipahayag ang argumento sa di-ganap na pagsang-ayon o pagtutol sa tulong ng mga pang-ugnay. Pahayag na Pagsang-ayon. Ito ay nangangahulugang pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-ugnay na panang- ayon tulad ng totoo, tinatanggap ko, tama ka, tunay (nga), sadya(ng), talaga(ng) at iba pa. Pahayag na Pagsalungat. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ginagamit sa pagsalungat ang mga sumusunod na pang-ugnay: subalit, ngunit, hindi, sinasalungat (ko) at iba pa. D Basahin at unawain ang buod ng nobela. Ang Matanda at ang Dagat Mula sa orihinal na “The Old Man and The Sea” ni Ernest Hemingway Si Santiago ay pumalaot ng walumpu’t apat na araw nang walang nahahalinang isda sa laot. Ito ay itinuturing na “salao,” ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan. Napakamalas niya na ang kaniyang batang aprendis (tao na nagtratrabaho nang walang bayad upang matuto lámang sa gawaing pinag-aaralan niya) na si Manolin ay pinagbawalan ng mga magulang nito na pumalaot kasama niya. Sa halip, sinabihan si Manolin na sumama na lamang sa mga magagaling na mangingisda. Binibisita ng batang lalaki si Santiago sa kaniyang kubo bawat gabi, hila ang bingwit, pinaghahanda niya si Santiago ng pagkain, nakikipag-usap siya tungkol sa American baseball at ang paboritong manlalaro ng matanda na si Joe DiMaggio. Sumunod na araw, sinabihan ni Santiago si Manolin na siya ay maglalayag nang malayo patungong Gulf Stream, Hilaga ng Cuba sa kipot ng Florida para mangisda, kumpiyansa siya na ang kaniyang kamalasan ay malapit nang matapos. Sa ika-85 na araw ng kaniyang nakapanlulumong pangingisda, naglayag si Santiago gamit ang kaniyang bangka patungo sa Gulf Stream, inilagay ang kaniyang mga linya at, sa tanghali, ay may nakuha ang kaniyang pain na isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang marlin. Hindi magawang mahila ang malaking marlin, sa halip ay si Santiago ang nahila nito. Dalawang araw at gabi ang lumipas habang hawak ang linya. Kahit nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni Santiago ang mahabaging pagpapahalaga ni Santiago sa kaniyang mga kaaway, madalas niya itong tinutukoy bilang isang kapatid. Napagtanto din niya na walang sinoman ang karapat-dapat na kumain sa marlin, dahil sa matatag na karangalan nito. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 16 Sa ikatlong araw, nagsimula nang mag-ikot ang isda sa bangka. Kahit pagod at halos nahihibang na si Santiago, ginamit pa rin niya ang lahat ng kaniyang natitirang lakas para hilahin ang isda papunta sa gilid nito para saksakin gamit ang salapang. Itinali ni Santiago ang marlin sa gilid ng kaniyang bangka para lumayag pauwi habang iniisip ang mataas na presyo na hatid ng isda sa kaniya sa palengke at kung gaano karaming mga tao ang kaniyang mapapakain. Sa kaniyang paglalayag pauwi, naakit ang mga dentuso sa dugo ng marlin. Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at sinagpang nito ang huli ng matanda. Pinatay ni Santiago ang isang malaking Mako shark gamit ang kaniyang salapang, ngunit naiwala niya ang kaniyang salapang. Gumawa siya ng bagong salapang sa pamamagitan ng pagtali ng kaniyang kutsilyo sa dulo ng sagwan para salagin ang susunod na grupo ng pating; limang pating ang napatay at maraming iba ang napalayas. Ngunit patuloy pa ring dumadating ang mga pating. Patalon-talon ang mga isdang-lawin sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa. Pagtakipsilim, halos naubos na ng mga pating ang buong katawan ng marlin, naiwan ang kalansay ng isda na halos binubuo ng gulugod, buntot at ulo nito. Sa wakas nakaabot siya sa baybayin bago ang liwayway sa susunod na araw, pinagsikapan ni Santiago na makabalik sa kaniyang kubo, habang pasan ang mabigat na poste ng layag sa kaniyang balikat. Pagdating sa kaniyang kubo, natumba siya sa kaniyang kama at nakatulog ng mahimbing. Sumunod na araw, isang grupo ng mangingisda ang nagtipon sa paligid ng bangka kung saan nakatali ang kalansay ng isang malaking isda. Sinukat ito ng isa sa mga mangingisda at nadiskubre nilang ito pala ay may taas na labingwalong talampakan mula ilong hanggang buntot. Ang mga turista sa kalapit na cafe ay inakalang ito ay isang pating. Nag-alala si Manolin sa matanda, habang naiiyak na makitang siya pala ay ligtas na natutulog. Dinalhan siya ng batang lalaki ng dyaryo at kape. Nang magising ang matanda, nag-usap at ipinangako nila sa isa't isa na magkasama silang mangingisdang muli. Sa muling pagtulog niya, napanaginipan ni Santiago ang kaniyang kabataan—mga leon sa isang dalampasigan sa Africa. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na salitang ginamit sa bahagi ng nobela at gamitin sa sariling pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Salao 2. Aprendis 3. Dentuso 4. Mako 5. Salapang 6. Prowa 7. popa Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa buod ng nobela. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ilarawan ang pangunahing tauhan na si Santiago batay sa kaniyang kilos o gawi, saloobin, at paniniwala. 2. Ano-anong pakikipagsapalaran ang hinarap ni Santiago? 3. Isa-isahin ang mga tunggaliang ipinakita sa bahagi ng nobela. 4. Sa iyong palagay, ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan? 5. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at Ang Dagat” ang nobela? Ipaliwanag. 17 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 E Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ihambing ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” sa pahina 16, sa iba pang nobelang iyong nabasa batay sa mga elemento nito tulad ng tauhan, tagpuan, mahahalagang pangyayari, tono o damdamin, at pananaw. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Binanggit sa naunang pahayag na ang nobelang “Ang Matanda at Ang Dagat” ay nasa pananaw Realismo kung saan matapat na sinasalamin ang realidad. Magbigay ng mga patunay na sitwasyon mula sa nobela tungkol sa mga sumusunod na teoryang pampanitikan. Punan ang kolum ng mga patunay. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Teoryang Pampanitikan Patunay A. Teoryang Realismo (Anong konkretong sitwasyon sa tunay na buhay o sa lipunan ang ipinakikita sa nobela?) B. Teoryang Eksistensiyalismo (Anong mga desisyon sa buhay ang ginawa ng tauhan para sa kaniyang sarili?) C. Te o r y a ng H u m a ni s m o (An o - a n o ang kalakasan at mabuting katangian ng pangunahing tauhan?) A Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Piliin ang angkop na salitang nagpapahiwatig ng pagsang-ayon at pagsalungat na nasa ibaba ng talata. Ilagay sa patlang upang mabuo ang kaisipan nito. Gawin sa iyong sagutang papel. (1) ________ maipagmamalaki ang mga taong matatag at positibo sa buhay. (2) ___________ naman na walang perpekto sa mundo (3) ___________ hindi ito dahilan para hindi na tayo magpursige sa pang-araw-araw nating pamumuhay. (4) ___________ na walang makatatalo sa isang tao na marunong humarap sa mga pagsubok sa buhay at kayang lumaban para di magapi. Minsan, sobra-sobra na ang ating paghihirap (5) __________ hindi ito dahilan para tuluyan na tayong mawalan ng pag-asa. Talagang/ Sadyang Tunay/ Totoo ngunit/ pero/ subalit PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 18 WEEK Paglalahad ng Pangunahing Paksa at Kaisipan 5 Aralin I Pagkatapos ng araling ito ay inaasahang: a) mailalahad mo ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan; b) maisasama mo ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation); c) maipahahayag mo ang mahahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa mitolohiya; d) maihahambing mo ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino; at e) magagamit mo nang wasto ang pokus ng pandiwa: tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing. Ang mitolohiya ay kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari. Dito rin malalaman ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo din ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. Narito ang mga elemento ng mitolohiya: 1. Tauhan. Ang mga tauhan ay mga diyos at diyosa na may taglay na pambihirang kapangyarihan. 2. Tagpuan. May kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan noong unang panahon. 3. Banghay. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari. 4. Tema. Maaaring ang tema ay nakatuon sa pagpapaliwanag ng natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, paniniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay. Pandiwang Tagaganap at Layon 1. Pokus tagaganap. Ito ang pokus ng pandiwa kung ang paksa ng pangungu- sap ang siyang gumaganap ng kilos nito. Halimbawa: Nagbihis si Thor at kinuha ang kaniyang maso. 2. Ang pokus naman ay nasa layon kung ang pinag-uusapan ang siyang layon ng pangungusap. Ginagamit na panlapi sa pandiwa ang –in/hin, -an/han, ma, paki, ipa, at pa at panandang ang sa paksa o pokus. Tunghayan ang halimbawa: Halimbawa: Isinakay ni Thor sa kaniyang karwahe ang kaniyang kambing. D Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante ni Snorri Sturluson isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karwahe na hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka. Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto at inihain ito sa hapunan. 19 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumunod ang anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang maso, itinaas ito at binenditahan ang kambing. Sa kagubatan, nakilala nila ang isang higante na si Skrymir na laging nahahambalos ni Thor ng kaniyang maso dahil sa paghihilik nito tuwing natutulog. Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis at naghanda na sa paglalakbay. “Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki,” sabi pa nito. Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at doon ay may daanan. Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor, ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki,” wika nito. Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin.” Si Loki ang nakatapat ni Logi sa pabilisan ng pagkain at natalo Loki. Si Hugi ang naging katunggalian ni Thjalfi sa pagtakbo at natalo si Thjalfi. Hinamon ni Thor ang hari sa pabilisan sa pag-inom ngunit nabigo si Thor. Kasunod nito, hinamon naman ni Utgaro si Thor sa pagbuhat ng pusa at nabigo rin si Thor sapagkat isang paa lamang ang umangat dito. Kasunod naman ay nakipag-buno si Thor kay Elli ngunit bigo pa rin siyang matalo ito. At nang papaalis na sina Thor, ipinagtapat ni Utgaro na ginamitan niya ng mahika ang mga tunggalian kaya hindi nanalo si Thor para daw maprotektahan ang kanilang kaharian. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod batay sa iyong binasa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang kahalagahan ng mitolohiya sa buhay ng tao? 2. Ilarawan ang mga elemento ng mitolohiya. 3. Ano ang gagawin mo kung natuklasan mong ikaw pala ay niloloko ng iyong matalik na kaibigan? Ipaliwanag. 4. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiya sa nangyayari sa kasalukuyan? Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Hanapin sa talahanayan ng pagpipilian sa susunod na pahina ang mga salitang maisasama sa salitang nasa loob ng kahon upang makabuo ng iba’t ibang kahulugan. Isulat ang nabuong salita sa sagutang papel. Halimbawa: tubig kanal, alat, ulan, pampaligo Nabuong salita: tubig-kanal, tubig-alat, tubig-ulan, tubig-pampaligo PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 20 hanap, balikan, bahayan, aral, akyat, alamang, kubo, balik 1. ____________, ____________, ____________, ____________ buhay 2. ____________, ____________, ____________, ____________ bahay 3. ____________, ____________, ____________, ____________ Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Salungguhitan ang pandiwang ginamit at bilugan ang paksa ng pangungusap. Pagkatapos ay tukuyin kung anong pokus ng pandiwa. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Nais nilang malaman ang sikreto ni Samson. 2. Ipinagkatiwala ni Samson ang kaniyang sikreto sa dalaga. 3. Ang sikretong ito ay sinabi ni Delilah sa lider ng Philistino. E Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Isa-isahin ang kaisipang ipinahihiwatig ng binasang mitolohiya at magbigay ng pananaw batay sa kaisipan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higanti Kaisipan Sariling Pananaw 1. 2. A Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Kopyahin ang mga poangungusap. Salungguhitan ang paksa ng pangungusap at lagyan ng kahon ang pandiwang ginamit. Isulat sa patlang ang PT kung Pokus na tagaganap at PL kung Pokus sa layon. Ilagay ang sagot sa sagutang papel. _____1. Nagalit si Thor kay Utgaro-Loki dahil sa ginawa nitong panlilinlang. _____2. Nagkaisa ang mga tao upang mapangalagaan ang kanilang lugar laban sa masasama. _____3. Inihampas niya ang martilyo sa ulo ng higante kaya ito nagising. _____4. Nagdesisyon si Balder na manatili na lamang sa lupain ng mga higante. _____5. Kinuha ni Skymir ang lalagyan ng tubig para ibigay kay Rihawani. 21 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 WEEK Elemento ng Tula 6 Aralin I Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) matatamo mo ang kasiyahan sa pagsusuri ng mga elemento ng tula; b) masusuri mo ang mga elemento ng tula; c) maibibigay mo ang kahulugan ng matatalinhagang pananalita na ginamit sa tula; d) maisusulat mo ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay; at e) magagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula. Mga Elemento ng Tula 1. Sukat. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. 2. Tugma-. Ito ay isang katangian na hindi angkin ng mga sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy sa magkakasintunog na huling pantig ng huling salita ng bawat linya. 3. Tono o Indayog. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa. 4. Simbolo. Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. 5.Talinghaga. Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag ng patayutay o tayutay. Ang tayutay ay isang pahayag na ginagamitan ng mga matalinghaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. Mga Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad o Simile. Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay at pangyayari. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo at kagaya. 2. Pagwawangis o metapora. Ito ay naghahambing ng dalawang bagay ngunit di-tuwiran ang ginagawang paghahambing. 3. Pagmamalabis o hyperbole. Ito ay lubhang pinalalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais na ipahayag. 4. Pagsasatao o personipikasyon. Ito ay paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay. D Basahin at unawain ang tula. Ang Aking Pag-ibig (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong lahat ang mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 22 D Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay ng kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa liwanag, maging sa karimlan. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katuwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin, Tulad ng lumbay kong di-makayang bathin Noong ako’y isang musmos pa sa turing Na ang pananalig ay di-masusupil. Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal, Na nang mangawala ay parang nanamlay Sa pagkabigo ko at panghihinayang. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita. Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang tula. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Tungkol saan ang tulang iyong nabasa? 2. May mga damdamin ba ng pag-ibig o pagpapasakit ang inilahad dito? Patunayan. 3. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng makata ang masidhing pagmamahal? 4. Anong kongklusyon ang nabuo sa iyong isipan matapos mong basahin ang nasabing tula? Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Suriin ang binasang tula batay sa elemento nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. sukat tugma tono simbolo talinghaga 23 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 E Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Ibigay ang kahulugan ng matatalinhagang pananalita na ginamit sa tula. Gawin sa iyong sagutang papel. 1. Lipad ng kaluluwang ibig marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. 2. Kasinlaya ito ng mga lalaking dahil sa katuwira’y hindi paaapi Kasingwagas ito ng mga bayani Marunong umingos sa mga papuri. 3. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at ang aking hininga! At kung sa Diyos naman na ipagtalaga Malibing ma’y lalong iibigin kita Gawain sa Pagkatuto Bílang 4 : Gumawa ng sariling tulang pandamdamin at gumamit ng mga tayutay na binubuo ng apat (4) na saknong na mayroong apat (4) na taludturan. Isagawa sa sagutang papel. A Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ang patlang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Napag-alaman ko na ang _______________ ay isang pahayag na ginagamitan ng mga matalinghaga o di-karaniwang salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 24 WEEK Kultura ng Bansang Pinagmulan ng Akda sa Sariling Kultura 7 I Aralin Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang: a) mailalahad mo ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa napakinggan/nabasang usapan ng mga tauhan; b) maihahambing mo ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig; c) maipaliliwanag mo ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito (epitimolohiya) at; d) maisusulat mo nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang bansa. Lilinangin din ng araling ito ang kasanayan mo sa paggamit ng mga pahayag sa pagsang-ayon at pagsalungat. Ang Dula ay isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Ayon kay Aristotle, ito ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin ang kaniyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay ng mensahe. Ang trahedya ay isang dula na ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa Sinaunang Gresya. Kabilang sa maagang mga bantog na tagapagsulat ng trahedya sa Gresya ay sina Aeschylus, Sophocles, at Euripides. Mga Pahayag sa Pagsang-ayon at Pagsalungat Bahagi ng araw-araw na pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsang-ayon o pagsalungat sa paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng mga detalye o mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o tinututulan. Sa pagsasaad ng pagsang-ayon o pagtutol, mahalagang maunawaan nang lubos ang pahayag upang makapagbigay ng katuwiran na magpapatibay sa ginawang pagsang-ayon o pagsalungat. Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatuwirang pagpapahayag. Pagsang-ayon. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit dito ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng bilib ako sa iyong sinabi na... ganoon nga… kaisa mo ako sa bahaging iyan… maasahan mo ako riyan… iyan din ang palagay ko… iyan ay nararapat… totoong… sang-ayon ako… sige… lubos akong nananalig… oo… talagang kailangan… tama ang sinabi mo… tunay nga…. Pagsalungat. Ito ay nangangahulugan ng pagtutol, pagtanggi, pagtaliwas, o pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ginagamit sa pagpapahayag nito ang mga pang-abay na pananggi. Karaniwang may panandang sumasalungat ako sa… ayaw ko ang pahayag na… hindi ako naniniwala riyan… hindi ako sang-ayon dahil… hindi ko matanggap ang iyong sinabi … hindi tayo magkakasundo… hindi totoong… huwag kang… maling-mali talaga ang iyong… mabuti sana ngunit, ikinalulungkot ko ngunit… nauunawaan kita subalit… bakit hindi natin…. 25 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Halimbawa: Naniniwala akong ang tunay na pagmamahal ay walang pinipiling edad, kasarian, lugar, o panahon. Ngunit, maling-mali talaga ang ipilit mo ang iyong sarili sa taong hindi ka naman mahal. D Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Makipagkuwentuhan sa iyong kapamilya lalo’t higit sa mga nakatatanda hinggil sa mga pamamaraan ng panliligaw at pagpaparamdam ng pagmamahal noong panahon nila. Ihambing ito sa mga kagawian ng kabataan ngayon. Magtala ng tatlo o higit pang impormasyon at magbigay ng pangkalahatang reaksiyon. Gawin ito sa sagutang papel. Panliligaw at Pagmamahalan Reaksiyon Noon Ngayon 1. 1. 2. 2. 3. 3. Ang Romeo at Juliet ay isang dulang trahedya na isinulat ni William Shakespeare tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The Tragical History of Romeus and Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1962 at muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567. Tunghayan mo kung paanong ang dalisay na pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na trahedya. Sintahang Romeo at Juliet Isinalaysay-buod ni Mark John A. Ayuso halaw sa Saling-Filipino ni Gregorio C. Borlaza Mga Tauhan: Romeo Montague - kasintahan ni Juliet, hindi tiyak ang edad Juliet Capulet - kasintahan ni Romeo, 13 taong gulang Konde Paris - isang konde na karibal ni Romeo kay Juliet Padre Lawrence - ang paring naging katuwang nina Romeo at Juliet sa kanilang pagmamahalan Tybalt - pinsan ni Juliet Benvolio - pinsan ni Romeo Mercutio - matalik na kaibigan ni Romeo Nars - tagapag-alaga ni Juliet Baltazar - tagapaglingkod ni Romeo Unang Tagpo: Magkahiwalay na nagmumuni-muni sina Romeo at Juliet. Ang binatang si Romeo ay labis na nagdaramdam sa pagtanggi ni Rosaline sa kaniyang pagmamahal. Tiyak niya na kahit sino pang magandang babae na kaniyang makaharap ay hindi siya matuturuang kalimutan ang dalaga. Sa kabilang dako, hindi nawawala sa isipan ni Juliet ang sinabi ng kaniyang ina tungkol sa lalaking nakatakda niyang mapangasawa—si Paris na makikilala pa lamang niya sa isang piging. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 26 Ikalawang Tagpo: Nagsimula na ang kasiyahan sa bulwagan ng mga Capulet. Naroon din si Juliet na nakikipagsayawan. Dadalo si Romeo sa pag-asang makikita niya roon si Rosaline ngunit sa isang iglap ay nawala ang nararamdaman sa dalaga nang mabighani sa kagandahan ni Juliet. Hindi naman naikubli ni Tybalt ang kaniyang pagkapoot nang makita si Romeo na isang Montague. Para sa kaniya, marapat lamang na paalisin ang binata sa piging ngunit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin. Samantala, nang magkita sina Romeo at Juliet ay agad silang nagkapalagayan ng loob at naghalikan nang hindi man lamang nalalaman ang pangalan ng isa’t isa. Sa pamamagitan ng isang nars na tumawag kay Juliet, natuklasan ni Romeo na ang dalaga ay isang Capulet. Ikatlong Tagpo: Nang matapos na ang piging, tinungo ni Romeo ang harding malapit sa silid ni Juliet. Nilundag niya ang mataas na pader at hindi inisip ang kapahamakan sakaling siya ay makita ng mga Capulet. Si Juliet ay nasa bintana habang nagtatago sa mga halaman si Romeo. Sinasambit ng dalaga ang pangalan ng binata na hindi rin nakapagpigil na tumugon, hanggang sa ang dalawa’y nagtapat ng nararamdaman sa isa’t isa. Ikaapat na Tagpo: Palihim na nag-isang dibdib sina Romeo at Juliet sa tulong ni Padre Lawrence. Ikalimang Tagpo: Isinalaysay ni Benvolio sa Prinsipe ang kaganapan sa nangyaring tunggalian ng kalalakihan. Napatay ni Tybalt si Mercutio at napatay ni Romeo si Tybalt na naging dahilan upang siya ay mapalayas sa Verona. Ikaanim na Tagpo: Nag-aalala si Juliet sa pagpapakasal kay Paris. Ikapitong Tagpo: Humingi ng payo si Juliet kay Padre Lawrence upang hindi siya tuluyang pakasal kay Paris. Bilang solusyon, binigyan ng pari ang dalaga ng isang garapong may alak na kapag ininom ay makapagpapatulog, makapagpapawala ng hininga, makapipigil sa pagtibok ng pulso, at makapanlalamig ng katawan na parang tunay na patay sa loob ng dalawampu’t dalawang oras. Ikawalong Tagpo: Sa kaniyang kuwarto, habang nakadamit pangkasal si Juliet ay ginawa niya ang plano. Pumasok ang nars at nagsisigaw na patay na ang dalaga. Ikasiyam na Tagpo: Si Romeo ay nasa Mantua. Ibinalita ng kaniyang tagapaglingkod na si Baltazar ang sinapit ni Juliet. Walang pagdadalawang-isip, pumunta siya sa isang butikaryo at bumili ng lason upang magpakamatay na rin. Ikasampung Tagpo: Nalaman ni Padre Lawrence na ang liham ng palabas na kamatayan ni Juliet ay hindi naipaabot ni Padre Juan kay Romeo sa Mantua dahil siya ay hindi agad pinalabas sa tinutuluyang bahay. Ikalabing-isang Tagpo: Tinungo ni Romeo ang burol ni Juliet. Nakipagbuno at napatay si Paris. Nang makita ang bangkay ng pinakamamahal, siya’y nagdamdam, ininom ang lason at namatay. Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising si Juliet mula sa hiram na kamatayan. Wala ng natitirang ni isang patak ng lason kaya’t naisip niyang halikan sa labi si Romeo ngunit hindi ito umipekto. Upang agad na sumunod sa asawa, sinaksak ni Juliet ang kaniyang sarili. Simula noon, naging payapa na ang Verona. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sagutin ang mga tanong tungkol sa buod ng tula. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Paano ipinaglaban nina Romeo at Juliet ang pag-ibig nila sa isa’t isa? 2. Bakit humantong sa masaklap na trahedya ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet? 27 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 3. Kung ikaw si Juliet at alam mong magkagalit ang inyong pamilya sa lalaking iniibig mo, ipaglalaban mo ba ang pag-ibig mo? Paano? Pangatuwiranan. 4. Hanggang kailan dapat ipaglaban ang pag-ibig? Pangatuwiranan. 5. Ano ang masasabi mo sa sinapit nina Romeo at Juliet? Maituturing ba itong wagas na pag-ibig? Patunayan. 6. Bakit umiiral ang gayong pamantayan o kalakaran sa pag-ibig sa panahon ni Shakespeare? Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Ang sumusunod na mga salita ay hiram natin sa wikang Kastila. Sa tulong ng tsart sa ibaba, himayin mo ang etimolohiya (kasaysayan/ pagbabago) ng mga ito. Gawin ito sa sagutang papel. Mga Salitang Orihinal na Anyo Katumbas na Kahulugan 1. bintana 2. butikaryo 3. espada 4. gwapo 5. hardin 6. huwebes 7. kasal 8. kwarto 9. pader 10. pamilya E Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Suriin ang mga usapan/ diyalogong sinipi mula sa dula, tukuyin kung anong kultura ng kanilang bansa ang masasalamin dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Usapan/ Diyalogo Kultura 1. Mula sa Unang Tagpo JULIET: Pag-aasawa’y isang karangalang hindi ko pinapangarap. Bata pa sa gulang kong labing-apat, banggit ni ina, Mga dalaga dito ay nagiging ina na. Sino si Paris? Isang lalaki raw na guwapong-guwapo? Maiibig ko ba ang ginoo? A Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Paghambingin ang mga salita. Gawin sa iyong sagutang papel. Bansang Tagpuan Bansang Damdamin Paghahambing batay sa: ng Dula (Italy) Pilipinas o Saloobin 1. Kalalakihan 2. Kababaihan 3. Pag-aasawa 4. Pamilya/Angkan 5. Pamumuno/ Uri ng Pamahalaan PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 28 WEEK Paglalathala ng Sariling Akda 8 I Aralin Bahagi na ng buhay ng tao ang social media bilang libangan at kadluan ng impormasyon sa tulong ng internet. Naglipana ngayon ang iba’t ibang social networking sites o platforms na kalimitan nating ginagamit. Dahil dito, patuloy ang pag-usbong at pag-unlad ng iba’t ibang akdang pampanitikan sa buong mundo. Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na: a) mabibigyang-puna mo ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb, email, at iba pa); b) makatatamo ng may kasiyahan ang pagtukoy at pagbibigay-kahulugan ng mga salitang karaniwang nakikita sa social media; c) matutukoy mo ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa mga social media; maisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alinmang social media at: d) makapagpapakita ng kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang organisado at makahulugang akda. Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensiya ng social media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lamang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapahalaga natin sa pakikipag-ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipag-talastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa iba’t ibang social networking sites. Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba pang social networking sites dahil sa popular na mga panitikan sa social media. Basta isang website ang may komunikasyon o pagtatanghal na maaaring gawin, may Pilipinong dumarayo roon. Mga Popular na Anyo ng Panitikan sa Social Media 1. Social networking. Dito ay maaaring makipag-ugnayan sa mga taong miyembro rin ng nasabing social network. 2. Media Sharing. Sa media sharing ay maaaring mag-upload at mag-share ng iba’t ibang anyo ng media tulad ng video. 3. Microblogging. Dito makakapag-post ng maikling update. 4. Blog. Ito ay maihahalintulad sa isang pansariling journal o talaarawang ibinabahagi sa buong mundo. 5. Blog comments at online forum - maaaring makibahagi ang mga miyembro sa pagpopost ng komento o mensahe. 6. Social news. Dito maaaring makapag post ng mga balita, artikulo, o link sa mga artikulo na hindi naka-copy at paste. Marami ring epekto sa ating pag-uugali ang mga social networking sites pero sa kabilang banda kung gagamitin natin ito sa maling paraan ay magkakaroon ito ng masamang dulot para sa atin. Ang social networking sites at internet ay dapat gamitin nang mabuti at sa maayos na pamamaraan, ito ay tinatawag na netiquette. 29 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Mga Panuntunan sa Paggamit ng Internet at Social Media 1. Magpakita ng respeto sa iba. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan. 2. Maging magalang at obserbahan ang iyong pananalita. Huwag mag-type nang naka-ALL CAPS sapagkat ang dating nito ay pasigaw at magmumukhang bastos para sa makababasa. 3. Maging mapanuri. Ugaliing basahin nang buo at maayos ang nilalaman ng artikulo bago magkomento o magshare. 4. Pahalagahan ang privacy ng ibang tao. Huwag ibigay ang mga personal na impormasyon ng iyong mga kakilala sa iba. 5. Maging responsable sa lahat nang oras. Gamitin natin ang social media nang tama. D Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Ibigay ang mga pangalan ng mga sumusunod na logo. Magbigay ng ilang pahayag tungkol sa mabuti at di-mabuting gamit ng E Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang makikita at mababasa sa social media. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Like Live stream Share Memes Subscribe Tweet Follow www Comment Link PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 30 Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Bigyang-puna o reaksiyon ang larawan batay sa iyong nababasang isyu sa mga social media tulad pahayagan, TV, internet, email, at iba pa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. __________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _________________________________________________________________. A Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel. 1. Tawag sa mga panuntunan ng tamang paggamit ng internet. A. netizen B. etiquette C. rules D. netiquette 2. Ito ay isang uri ng krimen ng pagkuha ng pagmamay-ari ng iba ng walang reperensiya o pagpapaalam sa may-ari ng akda, larawan, o iba pa. A. owning B. plagiarism C. memes D. copy paste 3. Isang uri ng ng krimen ng pag-post sa social media ng mga bagay na maaaring makasira sa reputasyon ng iba. A. cyberspace B. tsismosa C. cyberbullying D. bullying 4. Ito ay mga website na maaring mapuntahan o masalihan sa pamamagitan ng internet, nakakatulong ito sa komunikasyon ng tao. A. Social media B. Social networking sites C. internet D. websites 5. Ito ay isang sikat na website na nagbabahagi ng mga video at nagbibigay- daan para sa mga manggagamit o user nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga videoclips. A. Facebook B. Twitter C. Instagram D. Youtube 31 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 32 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 Tauhan- Amelia 3. pagkatapos Tagpuan- Caribbean –bahay ng amo 2. naguguluhan 5. tuwing Pangyayari 1: Ibinigay si Amelia ng kaniyang 1. noon 4. tuwang-tuwa magulang sa isang mayamang pamilya. Gawain sa Pagkatuto Bilang 8. Pangyayari 2: Ginagawa ni Amelia lahat ng Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Batay sa sinulat gawaing bahay, paghahatid ng anak ng amo sa ng mga mag-aaral. paaralan, paghuhugas ng paa ng kaniyang among babae. Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Batay sa mga Pangyayari 3: Hindi siya ang sumulat ng ginawang pag-uugnay ng mga mag-aaral. kaniyang salaysay. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Gawain sa Gawain sa 1. Sinimulan ni Amelia ang salaysay sa pamamagitan ng paglalarawan sa Pagkatuto Bilang 2 Pagkatuto kaniyang sarili. 1.mayaman-mapera Bilang 1: 2. Isinalaysay ni Amelia ang kaniyang mga sunud-sunod na gawain mula 2. gulang-edad 1.Tama paggising sa umaga hanggang pagtulog sa gabi. 3. mahirap-yagit 2. Tama 3. Nalulungkot si Amelia na hindi siya ang nagsulat ng kaniyang salaysay. 4.banas na 3. Mali 4. Pitong taong gulang si Amelia at sa edad niyang ito nakaranas siya ng banas—galit 4. Tama pang-aalipin ng kaniyang amo. 5.nakapag-aral - 5. Tama 5. Nakatuon ang dagli sa tauhan kung saan ikinuwento niya ang mga nagpakadalubhasa nangyayari sa kanya at inilarawan niya ang kaniyang damdamin sa bawat karanasan niya. Week 3 Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 talumpati 1. paglaban at pagsugpo sa kahirapan 2. Mapaunlad ang buhay ng mga mamama- yan Matalino, metatag 3. mahirap ang kalagayan Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkakatulad: mga uri ng sanaysay, 1. Pagdurusa ng manggagawang Pilipino sa nagbibigay ng impormasyon, nagbibigay aliw, gitna ng pandemya. nanghihikayat 2. Maraming nawalan ng trabaho. Pagkakaiba: Ang talumpati ay binibigkas sa harap ng publiko Weeks 1-2 Susi sa Pagwawasto Week 4 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1  Salao-pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan  Aprendis –baguhan, mag-aaral, bago pa lamang natututo  Dentuso - uri ng pating na may malalaki at matatalim na ngipin  Mako – pinakamatulin at pinakaagresibong uri ng pating.  Salapang - uri ng sibat na ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda. Prowa - unahang bahagi ng Bangka na nakausli Popa - hulihang bahagi ng sasakyang-pandagat *Ang mga pangungusap ay sariling likha ng mga mag-aaral. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 1. Si Santiago ay isang tauhan na patuloy na nakikipagsapalaran at lumalaban sa hamon ng buhay. Bagamat may oras na pinanghihinaan ng loob, nagpapatuloy pa rin sa kabila ng hirap at takot na kaniyang kinakaharap. Pinili pa rin niyang magpakatatag upang malampasan ang lahat na pagsubok. Naging matatag at handa siya sa anumang panganib na kinaharap niya. 2. Sa kabila ng isang magandang huli na kaniyang pangarap, nakaranas siya ng mga pagsubok. Ito ay nang mga sandaling sinubukan niyang magapi ang mga pating na sumalakay sa kaniyang isdang Marlin. Ang lahat ng mga pating na kaniyang nakalaban ay may kani-kaniyang lakas upang makamit ang kaniyang pinangarap na huli. Matagal siyang nakipaglaban sa mga ito hanggang sa halos maubusan na siya ng lakas. Sa huli, naging matatag pa rin siya at positibo kahit na ang pangarap niyang huli ay hindi na niya naiuwing buo sa pampang. 3. Mga Tunggalian: Tao laban sa sarili – Pagresolba sa hinaharap niyang suliranin mula sa kaniyang sariling pagsupil sa isipan at damdamin; Tao laban kalikasan – Ang pakikikipagsapalaran niya sa gitna ng karagatan na nagsisilbing mundong ginagalawan niya sa pakikipaglaban sa mga pating (pagsubok); Tao laban sa tadhana – Kahit gaano niya sikaping makamit at maiuwi ang pangarap na huli, sa huli tadhana pa rin ang nagpasya; Tao laban sa tao – ang hindi magandang pagtingin sa kanya ng mga tao dahil sa itinuturing siyang malas. 4. *Maaaring iba-iba ang sagot sa bilang na ito. 5. *Maaaring iba-iba ang sagot sa bilang na ito. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 * Ang mga sagot sa bahaging ito ay batay sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaaring iba-iba ang kasagutan. Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 1. Teoryang Realismo – Ang pagkamit ng pangarap na huli ni Santiago na hindi niya nakakamit. Hindi sa lahat ng oras ay masuwerte ang tao sa mga bagay-bagay. Mahirap mabuhay. Kailangang pagsumikapan ang isang bagay na nais makuha. Maraming mga suliraning kakaharapin sa buhay. 2. Teoryang Eksistensyalismo – Nagpatuloy si Santiago sa paglalayag dahil naniniwala siyang darating ang panahon na makukuha niya ang pangarap niyang huli. Nagdesisyon siyang lumaban sa mga pating na nais makuha ang kaniyang huli. Hinarap niya ang mga pagsubok nang buong tapang hanggang sa dumating ang sandal na maubusan na siya ng lakas at tuluyan nang maubos ang kaniyang marlin. 3. Teoyang Humanismo – Mabuting tao at matatag si Santiago at taglay niya ang katangian ng pagiging positibo. Patuloy siyang nakikipagsapalaran at lumalaban sa hamon ng buhay. Bagamat may oras na pinanghihinaan ng loob, nagpapatuloy pa rin sa kabila ng hirap at takot na kaniyang kinakaharap. Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 1. Talagang/ Sadyang 2. Tunay/ Totoo 3. ngunit/ pero/ subalit 4. Totoo/ Tunay 5. ngunit/ pero/ subalit (Iwasang maulit ang salita sa bawat bilang. Kapag nagamit na ang salita sa ibang unang bilang ay hindi na dapat maulit sa iba pa) 33 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Week 5 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 1.Mahalaga ang mitolhiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari. Dito rin malalaman ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo din ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan. 2.Tauhan- ang mga tauhan ay mga diyos at diyosa na may taglay na pambihirang kapangyarihan Tagpuan- may kaugnayan ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan noong unang panahon. Banghay- tumutukoy sa mga pangyayari. Tema-maaring ang tema ay nakatuon sa pagpapaliwanag ng natural na pangyayaring pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugal ng tao, paniniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay 3. Ang paksa ng mitolohiya ay tungkol sa panlilinlang sa labanan 4. Hindi sinunod ng mga magsasaka ang utos ni Thor na ihiwalay ang mga balat ng mga kambing sa mga buto. 5. Pinarusahan at ginawang alipin ang mga anak nito. 6. Ipinagtapat ni Utgaro-Loki na kung gaano kalakas si Thor at nang muntik itong nagdulot ng kapahamakan sa kanilang lahat. Inamin rin niya na nilinlang niya si Thor gamit ang mahika. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: 1. balik-bayan,balik-aral, 1. malaman ang sikreto - pokus sa layon balik-tanaw,balik-balikan 2. ipinagkatiwala ni Samson - pokus sa layon 2.hanapbuhay,buhay-alamang, 3. sinabi ni Delilah - pokus sa layon agaw-buhay, sagip-buhay 4. natutulog si Samson - pokus sa tagaganap 3.bahay-bahayan, lipat-bahay, 5. nagbalik - loob si Samson - pokus tagaganap akyat-bahay, bahay kubo Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 Paksa Pandiwa Pokus 1. Si Thor nagalit PT 2. Ang mga tao nagkaisa PT 3. martilyo inihampas PL 4. Si Balder nagdesisyon PT 5. lalagyan ng tubig kinuha PL PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 34 Week 6 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 1. Patungkol ito sa taong umiibig 1. Matinding pagmamahal sa isang tao. Ito ay tulad ng ng lubos sa kaniyang asawa. isang pag-ibig na hindi mapapantayan kahit sa kaniyang kamatayan. 2-4.May sariling sagot ang 2. Pagkakaroon ng prinsipyo, paninindigan at pagkakaroon ng mag-aaral kababaang loob. 3.Pagpaparamdam ng buo at wagas na pagmamahal hanggang kabilang buhay. Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: tayutay Week 7 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: May sariling sagot ang mag-aaral. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (Mga Posibling Sagot) 1. Namangha, natuwa, at nabighani si Romeo sa kagandahan n Juliet. 2. Masyado pang mura ang pag-iibigan nina Romeo at Juliet; palihim silang nagmamahalan; malaking balakid ang hindi magandang relasyon ng kanilang pamilya o angkan. 3. Kahit palihim, ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pagmamahalan; hindi pumayag si Juliet na makasal kay Paris 4. Humantong sa masaklap na trahedya ang pagmamahalan nina Romeo at Juliet dahil sila ay padalos-dalos kung magdesisyon. 5. May sariling sagot ang mag-aaral 6. May sariling sagot ang mag-aaral 7. May sariling sagot ang mag-aaral 8. Dahil ang nagdedesisyon nang mga panahong iyon ay ang ama na may pansariling interes. Ang mga anak lalo’t higit ang kababaihan ay tila ari-arian at pambayad utang lamang. 9. Iniingatan ng bawat pamilya ang dignidad at karangalan ng kanilang yaman at pangalan. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Mga Salitang Hiram Orihinal na Anyo o Katumbas na Salita Kahulugan Baybay sa Filipino 1. bintana ventana durungawan 2. butikaryo boticario butikaryo 3. espada espada espada 4. gwapo guapo guwapo 5. hardin jardin halamanan 6. huwebes jueves huwebes 7. kasal casar pag-iisang dibdib 8. kwarto cuarto silid-tulugan 9. pader pared haligi 10. pamilya familia pamilya 11. pari padre pari/ Imam (Muslim) 12. prinsipe principe prinsipe 35 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 (Mga Posibleng Sagot) 1. Ang mga magulang ang nagpapasiya kung sino ang mapangangasawa ng kanilang anak. Ipinagkakasundo sila sa anak ng kaibigan o kakilala bilang pambayad utang o para sa kapangyarihan. 2. Alitan ng mga angkan o pamilya. 3. Ang pamahalaan ay monarkiya—pinamumunuan ng mga may dugong-bughaw; ang desisyon ay nasa hari, reyna, prinsipe, o prinsesa. 4. Pakikipaglaban gamit ang mga espada at kalasag Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: May sariling sagot ang mag-aaral. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 36 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 37 Gawain sa Pagkatuto Bilang 4 1. D 2. B 3. C 4. A 5. D Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 May sariling sagot ang mag-aaral Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 1. LIKE- sumang-ayon ka sa pinost na status ng isang tao. 2. SHARE naman, kinakalat mo ang status ng isang tao para malaman ng iba. 3. Subscribe-pagsuporta o kontribusyon gamit ang iyong pangalan 4. Follow- pagpili o pagsubaybay ng isang content page o ng tao 5. COMMENT - hindi lang pag-sang ayon nais mo ring magpahiwatig ng saloobin patungkol sa pinost. 6. LIVE STREAM-kasalukuyang pangyayari na naglalarawan ng iba’t ibang video na ibinabagi sa social meadia 7. MEMES- ginagamit upang ilarawan ang konseptong lumalaganap sa internet na napagkakatuwaan 8. TWEET- mensaheng ginagamit sa Twitter 9. WWW- (World Wide Web-) isang sistema ng magkakabit ng mga dokumento na makukuha sa Internet. 10. LINK- nagsisilbing ungnayan o daluyan sa ibangwebsite. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 1. instagram 2. facebook 3. twitter 4. Whatsapp 5. Youtube 6. Snapchat 7. Viber 8. LinkedIn 9. Pinterest Week 8 Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili. -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin. -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay. Gawain sa Pagkatuto Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para saWeeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,, ?. PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 38 Sanggunian AKLAT Ambat, V. et al. (2015). Panitikang Pandaigdig: Modyul para sa mga Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon. Ambat, V. et al. (2015). Panitikang Pandaigdig: Patnubay ng Guro. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon. LINK MULA SA INTERNET: Bellmore, M. (n.d.). Background of Romeo and Juliet. Hango noong Hulyo 8, 2020 mula sa https://sites.google.com/site/romeoandjulietshakespeare101/ background-of-romeo-and-juliet Nato, R. (2017). Pagsang-ayon at Pagsalungat. Hango noong Nobyembre 12, 2020 mula sa https://www.slideshare.net/RochelleNato/pag-sang-ayon-at -pasalungat KAGAMITANG PAMPAGTUTURO Powerpoint Presentation, “Netiqutte” 2020, Febbie Lyn M. Parentela Quezon National High School 39 PIVOT 4A CALABARZON Filipino G10 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta Rizal Landline: 02-8682-5773 locals 420/421 Email Address: [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser