Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
Document Details
Uploaded by UserFriendlyMridangam6594
Tags
Related
- Ethics - A Class Manual in Moral Philosophy PDF
- Pag-aaral ng Konsensiya: Mga Paksa at Tanong [Tagalog] PDF
- MODY UL 8: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos (Module-8-2024)
- ARALIN 6: MAKATAONG KILOS | Mga Pag-aaral
- E.S.P Examination Reviewer 10 PDF
- E.S.P Examination Reviewer 10 PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay tumatalakay sa mga batas na nakabatay sa likas na batas moral, na kinabibilangan ng mga prinsipyo at konseptong may kaugnayan sa moralidad. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-iisip, pagsusuri, at pagtimbang sa paggawa ng mga desisyon, pati na rin ang pagkilala sa kabutihan.
Full Transcript
“FIRST DO NO HARM” “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.” -Sto Tomas de Aquino- “Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.” -Max Sc...
“FIRST DO NO HARM” “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.” -Sto Tomas de Aquino- “Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.” -Max Scheler- ANG MABUTI Ang Mabuti ang laging pakay at layon ng tao. ANG ISIP AT PUSO ANG GABAY PARA KILATISIN KUNG ANO ANG MABUTI May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang, at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa Mabuti. Ang tanungin ang tanong na “Mabuti ba?” bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti. Nakakatakot at delikado ang taong may sagot agad at hindi nag-iisip dahil malamang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakakawili-wili sa kaniya. Ang nag-iisip ay tinitimbang pa kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano ang posibleng epekto ng pagpili at kung mapapanindigan ba niya ang bunga ng kanyang desisyon. Ang mabuti ay ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan. ANG TAMA AY IBA SA MABUTI Hindi sapat ang mabuting intensyon para kilalaning mabuti ang gawain. Hindi maaaring ihiwalay ang mabuti sa tama. Mabuti – mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Tama – pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon. Sa Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang Mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao. KAISA-ISANG BATAS: MAGING MAKATAO Napakahirap humanap ng tama na sasang-ayunan ng lahat dahil ang lahat ay iba-iba. Maaaring magkasundo ang lahat ayon sa Mabuti, ngunit may iba’t ibang paraan ng pagtupad dito. Walang isang porma ng tama ang Mabuti. Mag-aanyo ito ayon sa kondisyon at hinihingi ng pagkakataon. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa pananakit sa tao. LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO Dito nakaangkla ang Universal Declaration of Human Rights ng United Nations Ang pag-unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na karapatan. Mahalagang ingatan ang dignidad ng tao. Kinukondena ang anumang uri ng paniniil at paglalapastangan ng tao. Ang bawat estado rin ay nagsisikap na iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag sa konstitusyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksiyon ang mga karapatang ito Ang mga batas ng pamahalaan ay pamamaraan para isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. ANG LAHAT NG BATAS AY PARA SA TAO, HINDI LABAN SA TAO. LIKAS NA BATAS MORAL: BATAYAN NG MGA BATAS NG TAO Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli, babalik tayo sa depinisyon ng Mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito. Ang Likas na Batas Moral ay hindi instructional manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. KATANGIAN NG LIKAS NA BATAS MORAL 1. Obhetibo 2. Pangkalahatan 3. Walang Hanggan 4. Di Nagbabago